Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

End of Book I

9.4K 342 13
By InsaneSoldier

"Laro tayo!" Excited na sabi ni Dianne, napataas pa nga yung boses niya sabay piyok. Nagbibinata na!

Nilingon ko siya at tinuktukan. "Baliw! Ang tatanda na natin, laro pa gusto mo?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit, bata lang ba pwede maglaro?"

"Aba—"

"Huy! Mag-aaway na naman kayo!" Awat sa amin ni Ate Steff na pumagitna pa sa amin. Wala siyang work ngayon kaya ayan, nanggugulo siya. "Para walang away, sige, maglalaro tayo."

"Yown!" Tiningnan ko ng masama si Dianne na nag-victory dance bigla at nambelat pa sa akin. Ang sarap lang pakainin ng pako.

"Namiss ko rin maging bata kaya game ako riyan." Nakangiting sabi ni Trisha. "Tsaka last time naman naglaro kaya tayo ng The King Game."

"Ako rin!" Segunda naman ni Yanyan.

"Me, too." Singit din ni Juliet. Hinawakan niya ako sa kamay at binigyan ng irresistible na ngiti. "Sali ka na, Mine."

Tumingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila tumatango-tango na parang sinasabing 'huwag ka na magpakipot, sali na! Eksayting 'to!'

Walang ganang tumango ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Si Juliet na ang nag-aya. Tsaka, mukha kinulang ang mga 'to ng childhood memories. Charot! Masaya rin naman maglaro. Mae-explore ko ang pamamahay ni Juliet since nandito kami sa pamamahay ng pinakamamahal kong girlfriend dahil dito namin balak mag-overnight.

Tapos na ang first sem at ito, dito namin binabalak isagawa ang malagim naming selebrasyon dahil walang bumagsak sa amin.Hah! Biruin ninyo 'yon, pasado ako? Ako na puro katamaran ang pinairal? Ako na sumasagot-sagot kay sir Tres? Oha? Eng gende ke telege! Ke-ke-ke.

"Oh, maiba taya na! Hide and seek ang game, ah." Sabi ni Dianne na mukhang excited na talagang maglaro. Nakaabante na yung kamay, eh.

"Wow, hide and seek para sosyal? Pwede namang tagu-taguan na lang." Pambabara ko sa kanya.

"Huy, problema mo ineng?" Tanong sa akin ni Ate Steff. "Meron ka ba ngayon?"

"Wala, ah!"

"Oh, 'yon naman pala. Mag-relax ka nga riyan! Juliet, pakalmahin mo 'yang girlfriend mo. Highblood palagi."

Yumakap naman sa akin si Juliet at kiniss ako sa pisngi. "Play na tayo, okay?"

"Oo na." Sagot ko habang pigil ang ngiti. Dinaan ko na lang sa pag-irap lahat. Why so sweet? Asar!

Lahat kami nilabas ang kanang kamay dahil nga raw aalamin pa kung sino ang magiging taya. Napangiti na lang ako sa nakikita ko. Masaya sila, eh.

"Maiba...taya!"

"Ano ba 'yan! Ba't puro puti?"

"Oh, ulit, ulit!"

"Maiba...taya!"

"Oh, ikaw, Yanyan —ay, ano ba 'yan, parehas kayo ni Ate Steff!"

"Destiny ko kasi siya."

"Kapal! Ulit nga!"

"Maiba...taya! Ohoho, taya ka, Juliet!"

Natawa tuloy ako dahil nakanguso na si Juliet. First game, siya agad ang taya. Pumuwesto na siya sa may pader malapit sa TV set. "I'll be counting na."

"Oo, sige!"

Narinig ko silang nagkahagikgikan. Nako po, ang mga bata. Halatang excited. May naiisip na siguro 'tong mga 'to kung saan magtatago.

Humarap na siya sa pader at itinakip ang mga braso sa mata. "Pagkabilang ko ng sampu, nakatago na kayo..." Agad namang nagpulasan ang mga kasama ko nang magsimula nang mag-chant si Juliet. "Isa-dalawa-tatlo—"

"Bagalan mo magbilang! Grabe ka!"

"Just kidding! One!"

Sabay nag-english, eh. Natawa tuloy ako.

Nagtakbuhan ulit sila at mabilis na naghanap ng pagtataguan. Si Yanyan, pumuntang kusina. Si Ate Steff, sa cr dito sa baba. Yung mag-dyowa, pumanik sa taas.

"Two!"

Pumanik na rin ako sa taas at naghanap ng room na pwedeng pagtaguan. Off limits sa amin yung mga naka-lock na kwarto. Malamang, naka-lock nga, eh.

"Three!"

"Taympers lang!"

"Wala pa ngang ten, eh!"

"Four!"

"Sabing taympers lang, eh!"

Napailing na lang ako at pinasok ang unang kwartong nakakuha ng atensyon ko. Namangha ako sa kwartong napuntahan ko. Ang linis tingnan. Tsaka ang cool sa paningin ng asul nitong wall paint. Napatingin ako sa kama. Nice, halatang malambot. Malaki pa.

Napatingin ako sa picture frame na nasa may bed side table. "Kwarto pala 'to ni Juliet."

Napangiti ako do'n sa picture frame. Picture namin 'yon ni Juliet na magkasama. Kuha ito noong araw na tinanong niya ako kung pwede ba niya akong maging girlfriend. Hindi ko malilimutan yung araw na 'yon.

Humiga ako sa kama at inamoy ang unan niya. Ang bango! Amoy Juliet. Ang sarap siguro matulog dito. Iba kasi ang amoy niya. Comfy tsaka pakiramdam ko safe ako palagi kapag nasa tabi ko siya. Yung pakiramdam na, lahat magiging ayos basta nasa tabi ko siya. Hmm, bango talaga!

Bumangon ako at pinuntahan naman ang study table niya. May picture pang naka-display. Hinawakan ko ito at napangiti na naman. "Ito yung noong monthsarry namin, ah."

Natatawa ako, ang baduy ko no'n! Pagkatapos kasi ng munti kong surpriza, ayon, selfie lang tapos kaunting kwentuhan. Antok na antok pa ako no'n. Pero sulit naman lahat kasi napasaya ko siya.

Napatingin din ako sa isang picture pa. Litrato naman namin itong magbabakarda. Ako, si Juliet, Trisha, Dianne, Ate Steff at si Yanyan. Ito yung time na biglang sumulpot sa bahay sina Dianne at Trisha sa kwarto ko at nahuli kami ni Juliet na, ehem, na naghahalikan. Grabe sila! Pinagtawanan nila kami at inasar ng nonstop. Ayon, nakatikim sila sa akin.

Pagkatapos nilang makatanggap ng bukol dahil sa pambabatok ko, tinawag nila si Ate at Yanyan para daw mag-groupie. Remembrance daw ng kalandian namin. Letse.

Bumalik ako sa kama at humiga. Ang lambot talaga ng higaan. Katas mayaman. Ang simple ng kwarto ni Juliet. Kasing simple niya. Pero kahit ganoon, litaw na litaw pa rin ang kagandahan niya. Ako talaga ang maswerte dahil tinamaan siya sa akin. Swerte ko dahil naging madali sa amin ang matanggap ng iba.

Oh well, tanggap man kami o hindi, wala akong pakialam. Ang mahalaga lang naman ay masaya kami. Selfish na kung selfish. Pero ganoon naman talaga minsan. Mahal ko, eh, bakit ako magpapadikta sa iba? Natawa tuloy ako nang maalala ko 'yung nangyari ng umagang 'yon.

"J-juliet, hindi ko yata kaya." Kabadong sabi ko habang umiiling at umaatras paalis.

Hinagip niya ako palapit at hinalikan ng mabilis sa lips. Ngumiti siya at dinampian naman ako ng halik sa noo at hinawakan ang kamay ko. "You can do it. I'm here. Halika na, don't keep them waiting."

Napatango na lang ako at sumunod sa kanya. Hinigpitan ko ang pagkapit sa kamay niya at huminga ng malalim. This is it!

Nakarating kami sa loob ng bahay ni Juliet. Ang laki ng bahay, ah, mas malaki pa kina Dianne. Iba talaga kapag mayaman.

"Mom, Dad, we're here." Agaw pansin ni Juliet.

Napalunok ako nang lumingon sa amin ang mga magulang niya na nakaupo sa sofa at nanonood ng balita. Kahit maaga pa. Tumayo sila at lumapit na sa amin. Jusmiyo, natatakot ako!

"She's Cindy, my girlfriend po."

Umabante ako at nag bow ng slight. "G-good morning po."

"The food is waiting." 'Yon lang ang sinabi ng Mom ni Juliet at dumiretso na sa dining area siguro.

Tumingin ako kay Juliet. Hindi ko tinago ang kabang nararamdaman ko. "Juliet."

"Ssh, relax. Everything's going to be alright."

Hawak-kamay kaming naglakad papunta sa magulang niya. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makaupo na kami. Pasimple akong tumingin sa mga magulang ng girlfriend ko. Manang-mana sa kanila si Juliet. Parehas na magagandang nilalang. Yung Dad niya, medyo may puti na sa buhok pero gwapo pa rin. Ang Mom naman niya, medyo mataray tingnan pero tingin ko mas maganda siya kung nakangiti.

"Does your parent already know about your relationship?" Tanong ng Mom niya habang nagsisimula na kaming kumain.

"Y-yes Ma'am." Nauutal kong sagot.

"Mom, you're scaring her." Awat ni Juliet sa Mom niya.

Napangiti naman yung Mom niya. Susmaryosep, pinagpapawisan na ako rito!

Hinawakan naman ng Dad ni Juliet ang balikat ng Mom niya. "Hon, stop acting na. She's scared already."

Natawa ng mahina si Mrs. Parker at tumingin sa akin. "Sorry, I was just trying to intimidate you."

"O-okay lang po, Ma'am."

"Tita na lang."

"P-po?"

"Tita na lang ang itawag mo sa akin. Besides, you are my daughter's girlfriend."

"That sounds odd, hon." Comment ng Dad ng girlfriend ko. "Call me Tito na lang."

"O-okay po. Tito."

"Mom, Dad, do you accept us na ba?" Tanong ni Juliet sa mga magulang niya. Ako naman, panay lang ang kain ng egg at fried rice.

Nakakagutom kaya kabahan.

Nagkibit-balikat si Tita at uminom ng kape. "The truth is, we don't know. I mean, Juliet, when you came out to us, I was shocked. Really. Who will have thought that are princess will find a princess, too?"

Bahagya kaming natawa. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti sa isa't isa. Prinsesang naghahanap ng prinsesa, astig, 'di ba?

"And I thought you like Romeo? Remember, yung nakwento mo sa amin before?" tanong ni Tito.

"Well," Hinawakan ni Juliet ang kamay ko sa ilalim ng mesa. "That was before. Besides, I have this woman beside me na. And, I'm very much in love with Cindy."

Aw, ang haba talaga ng hair ko. Buti na lang the feeling's mutual.

"Are you guys really sure?" Tanong ulit ng mama niya.

"Opo, Tita. Sure na sure na sure." Sagot ko. Kung kailangan gawin ko ang kahit ano, gagawin ko para sa amin ni Juliet. "Sana po, matanggap ninyo po kami."

Mukha namang napaisip si Tita. Si Tito naman, tahimik na kumakain lang. Mukhang si Tita ang boss ng pamilya.

"What we only want for our daughter is for her to be happy."

"Ibig po bang sabihin—"

"Not yet." Putol niya sa sasabihin ko. "Cindy, right?" Tumango ako. "So, Cindy. I won't forbid you to be together, but. But that doesn't mean na tanggap ko na ang relasyon ninyo. Prove yourself first. I want you to prove yourself na karapat-dapat ka sa anak ko. I dare you."

Napalunok ako. Para kay Juliet, gagawin ko lahat. Tumango ako, senyales na tatanggapin ko ang kahit na anong ipapagawa niya. "Kahit anong dare pa po 'yan, gagawin ko."

Nag-smirk siya. Wow, naging kamukha niya si Juliet sa ginawa niya. "Well. Simple, be a consistent scholar student. By next year, gusto kong malaman na nakakuha ka ng full scholarship sa school namin. You know, this is not just for me to accept you. I'm doing this for you also, and for my daughter. Mahal ko ang anak ko at tatanggapin ko ang kahit na sinong pipiliin niyang makasama. Pero, I still want to ensure her future. Yes, we are rich, but power isn't permanent." Lumingon siya kay Juliet. "Sooner, you'll be taking your own path, build your own career, and we are just here to guide you. Naiintindihan ninyo ba ako?"

Tumango kami ni Juliet at nagkatinginan. Napangiti ako bago lumingon kay Tita. "Naiintindihan po namin, Tita. And don't worry po, gagawin ko ang lahat para maging deserving para sa anak ninyo."

"That's good to hear."

Nagsimula na kaming magkwentuhan na parang normal na pamilya. Well, feeling close ako, eh. Basta pamilya ko na rin sila. Okay na sa akin marinig na may chance na matanggap nila ng tuluyan ang relasyon namin.

"Mine?"

Dumilat ako at nilingon ang pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yon.

"Juliet, taya na ako?" Tanong ko sa kanya nang hindi bumabangon.

"Yeah, guess so." Lumapit siya sa akin at humiga sa tabi ko. Agad siyang yumakap sa baywang ko at siniksik ang mukha sa leeg ko. "You found my room."

"Hmm. Ang bango ng unan mo, kaamoy mo." Sabi ko pagkapikit ko ulit. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa tiyan ko.

"I love you." Bulong niya.

"Hm, I love you, too."

"Ay, since you're here..." Bumangon siya at pumunta sa study table niya. Napabangon tuloy ako. Bumubulong siya na parang may hinahanap. Tapos bumalik siya sa akin na madaling maliit na box. "Here!"

"Ano 'yan?"

Umupo siya sa harap ko at ngumiti ng malaki sa akin. Mula sa box, ipinakita niya sa akin ang laman non. Isang pares ng kwintas. "Juliet?"

Napakamot siya sa pisngi niya. "You know, I saw this necklace when I went to the mall by myself. That was a year ago. Well, I was so engrossed with the fact that I fell in love with you at first sight. And...nakita ko 'to."

Tiningnan ko 'yong kwintas. Ang cute. Simple lang siya. May ring na nakasabit sa kwintas as design. Sa ring mismo, may naka-engraved na roman numerals from one hanggang twelve. Ang cute!

"I remembered you on this ring. When I first saw you, when we first had our conversation, it was almost exactly on midnight. By then, habang paalis ako, I promised to myself that even if the time is my enemy to get you, I won't stop. Can I put it on you?"

Tumango ako. "Malamang. Suot mo na, bilis!"

Ngiting ngiti naman niyang isinuot iyon sa leeg ko. Naks! Feel ko bagay sa akin. Kinuha ko yung isang kwintas at isinuot din sa kanya. Inayos ko ang buhok ni Juliet at pinagmasdan siya. Shems, kinikilig ako. As in, kinikilig ako.

"Hindi naman siguro proposal 'to, 'no?" Biro ko sa kanya. It's the same joke no'ng binigyan ko siya ng singsing before.

"Kapag nag-propose ako, mas presentable pa rito." Ngumiti siya at hinalikan ako sa lips.

"Dapat lang, 'no!" Hinalikan ko siya sa pisngi at kinurot siya sa ilong. "Mahal kita."

"Mahal din kita." Kinuha niya yung phone niya sa bulsa. "Let's take a selfie."

"Keri 'yan!"

Sinet na niya yung camera ng phone. Tinaas namin ang magkahawak naming kamay kung saan nakasuot ang singsing na bigay ko, kita rin yung couple necklace namin. Ngumiti kami ng malaki.

"Beautiful."

"Naman! Tayo kaya andiyan." Sagot ko.

"Hoy! Madaya kayo! Hindi na kami hinanap, eh."

Napatingin kami sa mga minions namin na sumulpot sa kwarto. Sina Dianne at Trisha magkahawak ng kamay habang hina-harass naman ni Ate Steff si Yanyan.

"Steff! Yung kamay mo!"

"Ano?"

"Malikot!"

Natawa kami sa kanila. Hindi na natapos sa kamanyakan itong si Ate. Hindi kasi marunong makiramdam si Yanyan, eh. Halata namang patay na patay sa kanya si Ate, manhid-manhidan naman ang drama ng slow kong pinsan.

Umakyat din sila sa kama at nakitingin sa phone ni Juliet. "Woy, groupie tayo!"

"Oo nga!"

"Sure!"

Sinet ulit namin ang camera ng phone, buti na lang malaki ang kama ni Juliet dahil kung hindi ilalaglag ko silang lahat.

"Oh, game!"

Napatingin ako kay Juliet at kiniss siya sa pisngi sabay smile. Si Juliet naman mukhang nagulat.

"Ay, ang harot! Hanggang groupie ba naman?" Pang-aasar sak'in ni Dianne.

"Walang basagan ng trip!"

Inagaw nila ang phone ng girlfriend ko at nag-selfie. Agawan sila sa phone. Mga bugok talaga. Parang lumilindol tuloy ang kama dahil sa likot nila.

Oh, 'di ba. Hindi na yata matatahimik itong buhay ko dahil sa sobrang gulo nila. Pero ayos lang, masaya naman, eh. At mas masaya kasi kasama ko itong babaeng nagpa-korni sa akin.

Hinawakan ko ang kwintas niya at pinaglaruan. "Juliet."

"Yes, Mine?"

"Wala."

"Mine?"

"Oh?"

"I love you."

"I love you too, love."

Ang umagaw kay Juliet, sisirain ko buhay. Akin lang ang mahal ko kahit pasaway siya minsan. Hindi uso share. Madamot ako.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

768K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...
La Calle Real By Nine

Historical Fiction

1.3K 167 6
Violet Manalo went inside an old museum in the street of Calle Real. She offended the paintings and broke the wooden doll of a witch that she didn't...
517K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
2.9M 81.1K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...