Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 19

8.8K 329 15
By InsaneSoldier

"Cindy."

"Oh?"

"Cindy!"

"Bakit ba?" Naiiritang tanong ko kay Yanyan nang hindi tumitingin sa kanya. Nakaka-badtrip, eh, kanina pa tawag ng tawag sa akin alam naman na busy ako. "Sasapakin na talaga kita tingnan mo."

"Eh, kasi naman! Yung totoo, kailan mo balak bumangon? Aba galaw-galaw din, 'oy! Kanina ka pa nakatitig diyan! Konti na lang, lusaw na 'yan."

At last, tumingin na rin ako sa kanya at binato siya ng unan sa mukha. Lampa, hindi nailagan. "Aray naman, Cindy!"

"Letse ka kasi! Ano bang pakialam mo?" Iritadong tanong ko. I swear, kapag itong pinsan kong 'to hindi umalis sa kwarto ko, pahihirapan ko talaga 'to.

"Ako, wala. Eh ikaw? Susme, Cindy! Mahigit isang oras ka nang nakatitig diyan sa regalo ni Juliet! Puro mukha ninyo lang naman ang nandiyan, magsawa ka naman."

Napangiti ako bigla. Tiningnan ko ulit yung bagay na kanina ko pa tinititigan. Ito kasi yung gift ni Juliet. Super cute kaya! Hindi nakakasawa tingnan. Sino ba namang hindi kikiligin kung ang binigay sa iyo ng jowa mo ay isang scrap book na puno ng stolen pictures at sweet moments ninyong dalawa. Ang kyot lang talaga. Weeks na rin ang lumipas pero hindi pa rin ako nagsasawamg titigan ito.

"Cindy, para ka nang baliw, promise. Pwede huwag kang ngumiti? Ang creepy." Epal ng pinsan ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pakialam mo? Ako, creepy? Talaga?" Bumangon ako at tinuktukan siya sa ulo. "Mas creepy 'yang mukha mo, bugok! Hindi ko nga alam kung bakit patay na patay sa'yo yung kapatid ko, eh." Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay. "Siguro kasi parehas kayong bugok."

"Hoy, narinig ko 'yon!"

"Oh, edi maganda. Ayoko nang itago sa'yo ang katotohanan, Yanyan. Isa kang bugok na babae na nuknukan ng slow." Diretsong sabi ko na may halong kaprangkahan at, well, pagmamaganda.

Sumimangot siya. Yikes, ang pangit! "Ang hard mo Cindy! Bad ka!"

"Thank you."

"Cinderella!"

Napahinto kami ni Yanyan at nagulat pa ng slight ng marinig namin ang sigaw ni Ate Steff. Ano kayang meron?

"Anong meron, Yan?"

"Aba ewan, kita mo kasama mo ako, eh. 'Wag ka nga!"

"Bwisit ka!" Bulyaw ko pagkatapos niya akong barahin. May kasama pang batok para mas sweet.

"Masakit, Cindy!"

"'Yon ang purpose ko, buang!"

"Cindy, bumaba ka!" Narinig ko ulit na sigaw ng kapatid ko.

"Oo!" Sigaw ko pabalik.

Napakamot ako sa ulo at sinenyasan si Yanyan na sumunod sa akin. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at bumaba na agad. Dumiretso ako sa sala ng nakasimangot.

"Ate, ano bang proble—" Nabitin ang sasabihin ko at napatingin sa katabi ni Ate. "—ma...mo." Nanlaki ang mata ko at halos matulala sa katabi niyang babae. Matangkad ito sa akin, naka-bestida na pinagsamang kulay ng pink at puti, may dalang maleta at isang malaking bag. Sa pananamit at pisikal na anyo nito, hindi mo aakalaing forty-two years-old na siya. "M...mama?"

Natawa pa siya ng slight at tumango. "Hindi mo ako nakilala, ano? Bakit, Cindy baby girl, mas gumanda na naman ba ako?"

Natawa ako sa joke niya. "Asa ka Ma! Mas maganda pa rin ako!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Ilang taon ko ring hindi nakita si Mama ng ganito kalapit, mahal na mahal niya raw kasi ang Holland. Tse! "Ma, may joke ako sa'yo."

"Ano 'yon, baby girl?" Tanong niya habang ginugulo ang buhok ko.

Sinimangutan ko siya at tinapik ang kamay niya. "Huwag ka nga! Pambata naman niyan, eh. May joke nga kasi ako!"

"Ano nga po iyon?"

"Na-miss kita!" Ngiting-ngiti kong sabi.

"Wow, ang galing na mag-joke ni Cindy!" Pumalakpak pa siya na parang nang-aasar. Ganyan talaga kami ng nanay ko. Feeling teenager kasi. Para lang kaming mag-tropa. Hinalikan niya ako sa noo tapos tinapik-tapik ang pisngi ko ng mahina. "Na-miss din kita. Kayo ni Steff."

Napatingin ako kay Ate na nakangiti lang sa amin. Tiningnan ko din si Yanyan na gano'n lang din. Nakakapagtaka lang na hindi sila nagkikibuan ngayon. Baka may tampuhan. "O kayo, tingin ninyo diyan?"

"Wala, natutuwa lang ako," Kibit-balikat na sagot ni Ate Steff.

"Alam mo, Cindy, kapag kasama mo si Tita, mukha kang santo." Puna sa akin ni Yanyan.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At anong gusto mong iparating sa sinabi mo?"

"W-wala! Wala po, boss!"

"Good."

Pinaupo ko si Mama sa couch habang ipinapanik naman nina Ate at Yanyan yung maleta at bag ng aking butihing ina.

"So kamusta ang pinakamamahal kong Disney princess?"

Ngumiti ako tapos nagkibit ng balikat in a mayabang way. "Ito, mas lalong gumaganda."

"Joke ba 'yan?"

"Mm-hm."

"Ay, ambot!"

Sabay kaming natawa sa inside joke namin. Gayahin daw ba yung sa radyo.

Hinawakan niya ang kamay habang nilalaro ang buhok ko. "May boyfriend ka na ba?"

Napalunok ako. "Ah, eh."

Hindi ko pa kasi nasasabi kay Mama yung tungkol sa amin ni Juliet. Pero kinukwento ko si Juliet sa kanya kapag nag-uusap kami. Pero hindi niya alam ang mukha ng girlfriend ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Balak ko naman talagang sabihin sa kanya sa oras na umuwi siya. Pero, jeskelerd! Hindi ko naman in-expect now na ako maglaladlad! Charot! Ladlad talaga?

Okay, relax lang Cindy, kaya mo 'yan. Aamin lang naman, hindi ba? Woo, anong sasabihin ko? Sasabihin ko na, "Ma, may good news ako, may girlfriend na ako, yey!"

Hindi kaya patayin niya ako? Wow! Tapos parehas pa kami ni Ate na sumapi na sa kadiliman. Ay, kadiliman talaga? Hindi pwedeng bumaliko lang kami? Galing Cindy, mag-joke ka pa sa sarili mo, aasenso tayo riyan!

Pero tingin ko naman, matatanggap niya kami—sana.

"Oh, ano na?"

"Ah, Mama... Kasi..."

--

Juliet's

"Really?" I asked my Mom. My parents are in abroad right now—Canada to be exact.

"Yes, dear. Aren't you excited?" She asks on the other line.

Napangiti ako. "Of course, I am! I miss you and Dad. Pakisabi, hi, miss na siya ng baby niya."

I heard her small laugh and I can tell that she's nodding right now, as if she can see me. "Makakarating 'yan sa Dad mo. Well, beep you later. Love you, Juliet."

"Love you, too, Mom. Ingat po kayo." I say before I hang up.

I smile again, uuwi na rin sila sa wakas. Ilang months na rin silang nasa ibang bansa. I don't know what they were doing aside sa business matter iyon. Well, hindi na naman nila kailangan problemahin ang school because mina-manage din 'yon ng isa sa trusted na tauhan nina Mom. They both know that I won't handle the school even if they're out of town. I'm not yet ready. I want to enjoy my years.

Napatingin ako sa phone nang mag-ring ito at napangiti.

Mine calling...

I quickly slide the screen and answer the call. "Hello?"

"Punta ka rito, Juliet."

"Why? Miss me already?" I tease.

"Asa ka, boy! Pumunta ka nga kasi rito."

"Why?"

"Basta! Sasabihin ko sa'yo pagdating mo."

"Okay, I love you." I say sweetly.

Natahimik siya saglit. "I love you, too. Bye!"

She quickly hangs up the call. That girl. Napailing ako. Hindi na nagbago. Oh well, I love that side of her.

Pumunta na agad ako ng bathroom para maligo. After doing my routine, I quickly roam my closet. Hmm, ano kayang magandang isuot? In the end, I settled myself in a black skinny jean, van shoes and a royal blue na denim top. With no make-up at all aside from lip gloss and eyeliner, I'm ready to go.

Lumabas na ako at binilinan ang maid at bodyguards ng mga usual na bilin ko. I went to my car and nagmaneho na papunta sa house nina Cindy. I wonder why she wants me on her house so suddenly.

Well, she's weird sometimes. She ends up looking funny and sweet. She does random things that ended being unexpected. I remembered the time when she also called me to visit her only to find out na tuturuan niya pala ako maglinis ng bahay. I was so haggard and tired that day...

"What the...Mine? What happened to your house?" I ask my girlfriend, pertaining on the mess and dust scattered everywhere.

She smiles at me. Oh no, I don't like that smile.

"Tuturuan kitang maglinis ng bahay. Para pwede ka na mag-asawa." She crosses her arms and tilts her head in a rather proud manner. "Talino ko, ano?"

"Pero—"

"Wala na pero-pero," she cuts me off, "Juliet, para din sa'yo 'tong ginagawa ko. Hindi habang buhay kasama mo 'yang mga maid mo. Dapat habang maaga pa, matuto ka na ng mga gawaing-bahay. Duh, alangang ako ang maglinis kapag nagsama na tayo! Gagawin mo akong prinsesa, 'di ba?"

Magsama sa iisang bahay? I love that. But do I really need to learn this? "Mine, we can hire a maid naman—"

Pinandilatan niya ako ng mat., " Susunod ka o susunod ka?"

I pout and in a small voice I say, "Susunod..."

"Good."

Maybe Dianne and our other friends are right—under nga talaga ako.

I smile and chuckle a bit. Nakakapagod nga pero nag-enjoy naman ako. Seems like, even though my girlfriend is bossy and hard, she knows what's best for me naman. She doesn't spoil me nor give what I want as always. She's like a mother but she more deserves to be my wife. She's demanding and sometimes childish but she knows how to act so mature. Guess I really fall for her that hard.

I parked my car in front of her house. Pinatay ko na ang makina at pumunta sa pinto nila at kumatok. Cindy opens it for me. "Hello, Mine."

She kisses my cheeks. "Buti nandito ka na. May ipapakilala ako sa'yo."

I frown. "Sino?"

She smiles and wiggles her eyebrows. "Si Mama! Ipapakilala kong ikaw ang girlfriend ko."

I can feel a lump in my throat and I can't help but gulp. My starts to race. "Y-your M-mom?"

Damn. I suddenly feel nervous.

"Hm-hm!" She nods vigorously. She grips my right arm and drags me inside. "Halika na!"

"W-wait! Are you sure? P-paano kung hindi niya ako matanggap? Yung tayo?" I ask like I am some hysterical girlfriend. What if her Mom can't accept us?

Tinuktukan niya ako ng mahina. "'Wag ka nga, Juliet. Don't worry, okay? Akong bahala sa'yo."

"Promise?" I raise my pinky at itinapat sa kanya.

"Para kang bata!" She laughs. Pero nakipag-pinky promise din naman. "Sagot kita. Relax."

I hold her hand and I intertwine our fingers. I sigh deeply. Relax. Nawala na rin ang kaba ko kahit papaano. As long as she's with me, then, I don't need to be afraid. I just hope things will turn out well.

Binibigla naman niya kasi ako.

Pumasok na kami sa loob, sa kitchen ang diretso namin. "Nagluluto si Mama ngayon. Lakas trip, eh."

I smile and nod. Finally, nakita ko ang isang babaeng nakatalikod sa amin. She's somewhat busy on stirring something. I inhale the scent, she's cooking adobo. And it smells so good.

"Mama, si Juliet po...gerpren ko. He-he-he." She introduces me childishly. Wow, Cindy's smooth. Parang hindi siya kinakabahan.

"H-hello po, ma'am." I greet nervously. Man, namumuo na yung pawis ko sa noo and my heart keeps on beating so fast. I crosse my finger, I hope she'll like me. Humarap na rin siya. Medyo nagulat pa ako dahil ang bata niya tingnan at hawig na hawig niya si Cindy. "Wow..."

"Bakit?" She raises an eyebrow at me. Oh my, ang taray niya. I almost cry inside.

I shake my head. "N-nothing, ma'am. I...you look so young po that I almost thought that you're C-Cindy's sister."

From intimidating aura, naging warm ito. She smiles at me genuinely at tumingin kay Cindy. "Gusto ko 'tong girlfriend mo, Cindy, napaka-honest!"

My girlfriend gives two thumbs up and winks. "Naman, Mama!"

Lumapit sa akin ang Mama niya. She ruffles my hair and hugs me. "Nice to meet you, Juliet."

"N-n-nice to meet you too, ma'am." I stutter. Wow, ang comforting ng yakap niya. Bigla ko tuloy na-miss ang Mom ko.

Bumitaw na siya. She taps my head. "Tita itawag mo sa akin, 'wag ma'am. Pakiramdam ko ang tanda ko, eh."

"O-ok po, T...Tita." I smile. Woo, I feel relieved. Nakahinga na ako ng maluwag, knowing na Cindy's Mama likes me and she accepts us.

"Kinakabahan ka ba? Kanina ka pa nauutal, eh." Natawa siya ng bahagya. "Relax! Hindi ako nangangagat."

"I'm sorry, I just got nervous a bit. I thought you won't like me." I honestly say.

"Basta mahal ng anak ko, mahal ko na rin." Lumingon siya kay Cindy na siyang umaasikaso na ng niluluto niya. "Cindy baby girl, akala ko ba ayaw mo ng spokening dollar? Nakaka-nosebleed pala itong jowa mo."

Pinigilan ko matawa. Cindy baby girl?

"M-mama! Sabi ko huwag mo akong tatawagin ng ganyan, eh!" Lumingon siya and I saw how she blushes furiously. "Tsaka marunong naman mag-Tagalog 'yan. Maiintindihan ka niyan."

"Ay gano'n ba." Lumingon ulit siya sa akin. Inaya niya akong umupo so I oblige. "Kalerkey kang bata ka, marunong ka naman palang mag-Tagalog."

I chuckled, "Sorry Tita, nasanay lang po."

"Okay lang." She waved it off, "Habang tinutuloy ni Cindy baby girl ang pagluluto, e, kwentuhan muna tayo."

"Mama! Cindy lang kasi!"

Hindi siya pinansin ni Tita and I just chuckle.

"So, paano kayo nagkakilala? Hindi 'yan nakwento sa'kin ng magaling kong anak, eh."

"We met po no'ng last year namin sa senior, no'ng ball po..." And I told her how I fell for Cindy, how we met again, how I pestered her every day, how I asked her daughter to be my girlfriend and up to how Cindy surprised me on our monthsarry. Halata namang kinikilig ako habang nagkukwento at pati na rin si Tita.

"Naks naman, Cindy baby girl, may tinatago ka palang kasweetan diyan sa katawan mo." Pang-aasar ni Tita kay Cindy na naghahain na rito sa mesa.

She looks at her mother while blushing. "Tigilan mo ako Ma, ha. Ikaw, Juliet, lagot ka sa'kin mamaya!"

"Ho-ho-ho, bakit, Cindy baby girl? Anong gagawin mo sa daughter-in-law ko? Iiskor ka, 'no? Ayie!" Pang-aalaska ni Tita.

I smile to myself. Daughter-in-law, huh. Tanggap na talaga kami. That is fast. Tita is such an open and understanding mother.

"Asa! Mama, nakakainis ka!"

"Nako, pikon!"

Nag-start na kaming kumain. It feels so good. I feel like I'm already part of the family. And the food's good, too.

"Tita, thank you for accepting us."

"Wala 'yon. Anong magagawa ko, ikaw napili ni Cindy, eh. Tatanggapin ko na lang, with open arms pa." She jokes. "Ang mahalaga lang naman sa akin, masaya ang anak ko. Kung ikaw ang ikasisiya niya, bakit ko pipigilan, hindi ba? Nauunawaan ko naman."

Tita is so kind. I look at Cindy who's now staring at me, too. We both smile to each other.

"Nga pala, alam na ba ng magulang niyo ito?" She asks.

Now that I think of it. Hindi ko pa nasasabi kina Mom and Dad ang tungkol sa amin. "Not yet Tita. But I'm planning to tell them. Pagkauwi po nila, ipapakilala ko na po si Cindy."

"Kailan uwi nila?" My girlfriend asks.

"One of these days, I guess." I answer, "I talked to them bago pumunta rito. They didn't tell me the exact date so let's just wait."

"Matatanggap kaya nila tayo?"

"I hope so."

"Paano pag hindi?" Napansin ko ang worried expression niya. "Tandaan mo Juliet, hindi kita lulubayan!"

I laugh. "Is that a promise?"

"Promise!"

I kiss her cheek kahit nasa harap namin si Tita. I caught her mother smiling at us when I did that.

"Cindy, no matter what happen, we're going to face it. Together."

"Together?"

"Yes. Together."

Matanggap man kami o hindi, I know...we will always find a way. I'll find a way like how we became together, like how I met her again. Like how we fell in love.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

141K 5.2K 37
[Medrano University Series #3] [ProfxProf] (Written in English/Tagalog) "You'll never know if you'll never try." - Reed Leighton Cruz A story of f...
878K 31.6K 37
[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being...
9.8K 688 6
They hate each other most of the time . . . but they are also capable of existing together in harmony.
125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...