Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 14

11K 397 26
By InsaneSoldier

"Wow!" manghang reaction ni Yanyan, "Gende nemen ng bahay ninyo, ang laki pa! Mansyon 'to, ano? Yung totoo? Umamin na kayo, hindi naman ako magagalit, eh."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Pakialam ba nila kung magalit ka?"

"Charing lang, pinsan! Bini-big deal mo naman lahat." sagot niya.

"Ewan ko sa'yo. Baliw ka na."

Nagtago siya sa likod ni Ate na parang bata. Tumingin siya kay Juliet na katabi ko lang na nakayapos sa akin. Nakaupo kaming lahat sa sofa habang hinihintay sina Trisha at Dianne na mag-prepare ng tsibog daw. "Juliet, yung girlfriend mo, oh, away ako. Paluin mo nga 'yan sa puwet."

Tumawa si Juliet. Tinitigan ko siya nang masama. Napahinto siya at yumuko habang nakanguso. Lumingon ako kay Yanyan na nasa likuran pa rin ni Ate. "Humanda ka sa akin pag-uwi. Pasalamat ka at nasa ibang bahay tayo. Nako, magdasal ka na."

"Joke lang!" parang batang sagot niya sa akin. Niyakap-yakap niya si Ate Steff at inalog. "Steff, tulong naman, oh."

Para namang nagayuma itong kapatid ko at tumango. Tumingin siya sa akin na parang nagpapaawa. "Mahal kong sis—"

"Gusto mong madamay?"

"Sabi ko nga ayaw ko, eh. Sige na, mananahimik na ako, mahal kong sis." Zinipper niya kunwari ang bibig at ngumiti ng inosente.

"Good." Tumangu-tango ako. Akala mo ang tapang, babahag din naman pala ang buntot. Si Yanyan nga yata ang gumagamit ng gayuma sa'min, eh, tapos ang lakas ng loob na ipasa sa'kin yung gawain niya.

Sumimangot ang hindi masyadong cute kong pinsan. Tinulak niya nang malakas si Ate kaya ayin, nahulog ito sa sofa.

"Aray naman."

"Oh, Ate? Nags-swimming ka sa carpet?" Nagtatakang tanong ni Dianne na kakarating lang. Kasama niya si Trisha at parehas silang may dalang tsibog—mga cookies na ni-request ko, sandwich, Piattos, hopia, marshmallow, stik-o at softdrinks. Ang dami. Nilapag nila lahat ng pagkain sa center table.

"Swimming ka riyan. Si Yanyan ko kasi, masyadong kinilig sa akin, napalakas tuloy yung tulak niya." Pinagpag niya ang binti at puwetan at umupo na ulit sa tabi ni Yanyan. Yumakap pa si Ate rito. "Love na love mo talaga ako, ano?"

Tinulak-tulak siya ng pinsan ko pero ayaw bumitaw ni Ate. "Asa ka! Love ka riyan, pinagkanulo mo 'ko kay Cindy!"

"Kita ninyo 'yan, ah? Witness kayo. Kinikilig talaga siya sa'kin, kung makatulak wagas, kinikilig sa yakap ko si Yanyan!"

Halos sabay-sabay kaming napailing. Halata namang naiirita si Yanyan at hindi kinikilig. Ang gulo ng dalawang 'to, kaysarap sapakin. Pwede kaya?

"Ate Steffani, Marian," tawag ko sa kanilang dalawa. Napahinto sila at tumingin sa akin ng seryoso, mukhang kinakabahan pa nga, eh. Pati sina Juliet, ang seryoso din ng pagmumukha.

"B-bakit?" sabay na tanong nilang dalawa. Bakit may utal-utal effect pa?

"Pwede sapakin ko kayo parehas? Sige na, one time lang. Itotodo ko, promise." Itinaas ko ang kanang kamay. "Cross my heart pa kung gusto ninyo." dagdag ko. Malay namin, baka tumino sila dahil sa suntok ko. 'Di ba, 'di ba?

Yung seryosong mukha nang dalawa ay napalitan ng nakakalokong poker face. Nagsimula naman tumawa sina Juliet, Trisha at Dianne. Napakunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Nagkatinginan sina Ate at Yanyan at sabay na tumango. Sabay din silang tumingin sa akin kaya medyo napapitlag ako. Nanlaki ang mata ko at napadaing nang sumugod sila sa'kin at binatukan ako ng binatukan. "A-aray, aray! Aray, aray, aray! Pusa ang sakit, ano ba! Hoy! Aba't—aray!"

Pinagtutulak ko sila at ginantihan ng batok hanggang sa tumigil na sila. Tumayo ako at hinabol ang dalawa. Tumakbo kaagad ang mga hinayupak. "'Langya kayo—hoy! Magpahabol kayo! Lumapit kayo rito!" Asar na sigaw ko habang nakikipag-ikutan sa kanila sa sofa at center table. Loko-loko 'tong mga 'to, lintik lang ang walang ganti!

"Ayaw!" Tatawa-tawang sigaw ni Ate. "'Langya ka rin kasi, akala ko naman kung anong meron, 'yon lang pala! Pinakaba mo pa kami!"

"Mas kabahan kayo kapag naabutan ko kayo!" Umakyat ako sa sofa para abutin sila pero mabilis nakaiwas ang mga ito. Tumakbo agad sila sa dining room kaya humabol ako. Sa mahabang lamesa naman kami nag-ikutan.

"Bakit kasi binanggit mo yung buong pangalan namin? Nakakatakot kaya ang dating!" sigaw ni Yanyan.

"Pakialam ninyo ba? Eh, sa gusto ko!" sagot ko. Takte, ang lilikot ng mga 'to. "Huwag nga kayong magalaw!"

"Huminto ka muna sa paghabol!"

"Ano kayo, sinuswerte? Kayo muna!"

"Ikaw muna, mananakit ka panigurado!"

"Buti alam ninyo. Huminto kayo sabi!"

"Utot mo!"

Aba, ginagalit talaga ako ng mga 'to, ah. Kung anu-anong strategy na ang ginawa ko para mahabol sila kaso masyado silang magalaw. Sina Juliet naman, halatang aliw na aliw sa ginagawa namin. Lintik, napapagod na ako.

"H-huminto—na—kayo...Hoy!"

"Ikaw muna!" sigaw nila sa'kin. Tinatakbukhan pa rin ako.

Ayoko sana tumigil pero waley na talaga, 'di na keri ng energy ko. Labag man sa kalooban ay huminto na ako. Hingal na hingal akong bumalik sa living room at humiga sa sofa. Inabot ko yung cookies at kumain.

"Oh, ano, suko ka na?" tanong ni Ate na nasa harapan ko na. Medyo malayo pa rin sila sa akin.

"Eto kayo, oh," Inangat ko ang kamao ko at tinaas yung pinky finger ko. 'Di naman ako nagdi-dirty finger. "Pasalamat kayo hindi na ako makagalaw, mga hinayupak kayo."

Nag-gasp sila ng exaggerated. "Bad ka, ano yung ginawa mo?"

"What? Para namang yung middle finger ko ang tinaas ko. Huwag nga kayo, ang aarte ng mga 'to." Kumuha pa ulit ako ng maraming cookies. Buti na lang abot ko, tinatamad ako bumangon, eh.

"Are you alright, Mine?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Juliet. Umupo siya at hiniga ang ulo ko sa kandungan niya.

"Tingin mo?" mataray na tanong ko.

"Sungit." Ngumuso siya. Pinunasan niya ang pawis sa mukha at leeg ko gamit ang sariling panyo.

"Under na talaga 'tong bata natin." parang nalulungkot na ewan na sabi ni Ate.

"Okay lang 'yan, okay lang 'yan." Pang-aalo naman ni Yanyan sa kanya habang tinatapik ang balikat nito. Sumandal naman si Ate sa kanya. Pasimpleng tsansing.

"Under? Ang sweet kaya nila. 'Di ba, baby?" tanong ni Dianne kay Trisha.

"Yes, baby. They're like us. We're just sweeter than them." Hinalikan ni Trisha sa pisngi ang girlfriend.

"Mga bulag, under nga si Juliet! Tingnan ninyo, oh, inaalipin lang ni Cindy." sabi ni Yanyan.

Tiningnan ko siya nang masama at agad siyang umiwas ng tingin. "Humanda ka talaga sa'kin."

"Don't worry, guys," singit ni Juliet, "Kapag nag-honeymoon na kami, I'll make sure that Cindy will be under me—ouch!" Napadaing siya nang kurutin ko ang tagiliran niya. Siraulo kasi. Nakasimangot na tumingin siya sa akin. "That hurts, love."

"Siguraduhin ninyong wala ako kung mag-uusap kayo ng mahalay." Todo pigil akong huwag mag-init ang mukha. Bigla kong na-imagine, eh, bwisit. Bumangon na ako at uminom ng softdrink, yung fruit soda na lemon flavor ang kinuha ko. Iyon na talaga ang trip ko kahit no'ng highschool pa ako.

Umupo sina Ate sa carpet pati sina Trisha. Kumuha si Dianne ng Piattos. "Anong mahalay do'n? Nako, Cindy, mah friend, ano 'yang iniisip mo, ha?"

"Witwit! May nilulumot ang utak dito." gatong ni Trisha.

Inirapan ko sila at binato ng marshmallow. "Ewan ko sa inyo. Nakakabwisit kayo."

"Masama magsayang ng pagkain!" Pinulot ni Dianne yung nahulog na marshmallow at sinubo. Napatingin tuloy kami sa kanya na parang tinubuan siya ng dalawang ulo. "What?" Kumunot ang noo niya. Puno ang bibig niya ng marshmallow, ew. "Wala pang five minutes kaya hindi pa 'yon madumi."

Natahimik sila nang tumawa ako—yung tawa na hindi halakhak, kung hindi tawa na may poise syempre. Wala lang, nakakatuwa lang. Kung titingnan kasi sila, parang mga maaarte at spoiled brats ang tabas ng mga mukha nila, pero kapag nakilala na nang tuluyan, mga kabog at mahaharot pala. Maarte pa yata ko sa kanila, eh, mas conyo lang sila sa'kin. Ayos naman ang mga kaibigan ni Juliet so far. Huminto ako sa pagtawa at tinaasaan sila ng kilay. "Tinitingin ninyo riyan?"

Sinapo ni Juliet ang noo ko. "Are you alright?"

Inalis ko ang kamay niya sa noo ko at tinuktukan ang noo niya. "Ano sa tingin mo? Umayos ka nga."

"May lagnat ka ba, Cindy?" tanong ni Trisha.

"Baka na-possess. Omg," oa na sabi ni Dianne.

"Bulok ba yung marshmallow kaya kung anu-ano nang sinasabi ninyo? Sasapakin ko kayo sa gums, sige kayo." Nakairap kong tugon. Parang mga tanga, eh.

"Huwag naman. Ang hard nito." Ngumuso si Dianne. Hay nako, nako. Ang hilig talagang ngumuso. 'Pag si Yanyan siguro gumawa ng pout-pout na 'yan, paniguradong tatabasin ko yung labi niya.

"Sis, ngayon ka lang kasi nakitang tumawa kaya parang namaligno sila." sabi ni Ate Steff.

"Ah, so, na-in love na kayo sa tawa ko?"

"Yuck!" sabay-sabay na sigaw nila. Except kay Juliet siyempre.

Kumuha ako ng Piattos at hinagis sa kanila. "Wow, ha, maka-yuck naman kayo."

"Masama sabing magsayang ng pagkain!" sigaw ni Dianne at pinulot yung nahulog na Piattos.

"Sus, mayaman ka naman." dahilan ko.

"Kahit na," giit niya.

"Whatever." pagdi-dismiss ko na lang.

"Cindy."

"Oh?" walang gana kong tugon.

"Bakit ang taray mo?"

"Dianne," Saway ni Juliet pero pinigilan ko siya.

"Eh, ikaw, bakit ang daldal mo?" tanong ko rin.

"'Oy, 'oy, 'oy, tama na 'yan. 'Di ako fan ng cat fight." awat ni Ate sa amin. Pumagitna siya sa'min at kumuha ng maraming stik-o. "We came here for peace."

Napairap ako sa dialogue niya. "Tumigil ka nga, Ate. Ang korni mo." Kumuha ako ng Piattos na sour and cream ang flavor. "At saka cat fight talaga agad? Hindi pwedeng nag-aasaran lang? 'Di ba, ano, Dianne?"

"Yes, yes, yo!" masiglang sagot ni Dianne. May kasama pang salute. "Kayo talaga, joke lang 'yon! 'Di kami nag-aaway niyan, takot ko lang, 'no."

Ngumiti sa'kin si Dianne kaya tinanguhan ko lang siya at nag-thumbs up. Gusto ko 'tong ugali niya. Marunong makisakay.

"Buti naman," relieve na sabi ni Yanyan, "Kasi kung nagkataong nagrambulan kayo, pupusta ako para kay Dia—"

"Kanino ka pupusta?" putol ko.

"Sa'yo syempre! Ikaw talaga, magpinsan tayo, eh."

"Good."

"Nakakatuwa talaga kayong panoorin," bulong sa'kin ni Juliet.

Sumandal ako sa balikat niya. Iniyakap ko ang braso sa baywang niya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Oh, syempre, nandito ako, eh."

"Konek?"

"Secret." pakanta kong sagot. Hahalikan ko sana siya sa pisngi kaso humarap siya kaya nag-landing ang lips ko sa lips niya. Natigilan ako.

Ngumiti si Juliet nang nakakaloko. "Sarap."

Agad namang nagtilian itong mga kasama ko at nangingibabaw ang pangit na boses ni Yanyan.

"Witwit! Nekekeleg eke! Emeyged!" irit ni Trisha. Nakakatakot naman 'to kiligin, parang nagco-convulsion, eh.

"Aha. Ganyan pala maging sweet ang isang Cinderella, mana ka talaga sa'kin. Apir tayo diyan!" comment ni Ate Steff.

"Lul. Hindi ako mana sa'yo. 'Di ako pervert." sagot ko.

"Ouch. 'Di ako pervert, 'no!" depensa niya.

"Hindi nga?!" chorus naming lahat.

"Fine," suko niya. Tumingin siya nang kakaiba kay Yanyan. "At least kay Yanyan lang. 'Di ba, Yanyan ko?"

Napaatras ang pinsan ko nang hawakan siya ni Ate sa legs niya. Tumingin siya sa'kin na parang humihingi ng tulong. "C-c-cindy, oh!"

Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa kanya.

Nagsimula na namang tumawa ng mahalay si Ate at hinila ng pabiro si pinsan. "Walang magtatanggol sa'yo rito. Halika na, punta na tayong kwarto at nang makarami na tayo. We have all night, baby."

"M-mama!"

Napahagalpak na kami ng tawa nang sumigaw siya at tuluyan nang namutla. Iba na kasi talaga yung titig sa kanya ng kapatid ko. Yung titig na parang kung wala lang siguro kami, may gagawin talaga siya kay Yanyan. Inawat na agad namin sila bago pa mauwi lahat sa totohanan. Ew lang, baka mag-live show sila, eh. Good thing at nakinig naman si Ate. Agad namang kumuha ng Royal si Yanyan at ininom ito ng isang lagok lang. Napangiwi siya at naubo.

"Uh. Movie marathon tayo?"

"Yeah."

"Mabuti pa nga."

"Sure."

--

"Cindy, say ah..."

"Ah."

"Ssh!"

"Oops."

Nagtinginan kami ni Juliet at nagkibit ng balikat habang nakangiti. Kanina pa ako sinusubuan ni Juliet ng pagkain at sinasadya naming mag-ingay para asarin yung mga minions namin na masyadong hook sa panonood ng Attack on Titan. Inaantay namin kung magagalit sila kaso mukhang mahaba ang pasensya ng mga 'to.

"I really, really, really, really, really, really like you—"

Napahinto ako sa pagkanta nang i-pause ni Dianne yung movie at sabay na tumingin sa'kin. Humawak ako sa braso ng girlfriend ko. "Juliet, oh."

"Nako, Cindy, huwag kana magsumbong." pigil sa akin ni Dianne, "Gusto mo talaga kaming asarin, ano?"

"Hmm..." Kunwari akong nag-isip ng sagot. "Hindi, ah."

"Pwet mo, 'oy! Deny pa, eh."

"Ang seryoso ninyo kasi. Sinubukan ko lang kung maaasar kayo." dahilan ko.

Umiling-iling si Dianne. "Girls, alam na this."

"Yes, ma'am." Sabay-sabay silang nag-salute.

Okay... Anong meron?

Nalaman ko ang sagot nang hawakan ako nina Yanyan, Ate at Trisha. Kinaladkad nila ako papunta sa isang kwarto. Nangunguna sa amin sina Dianne at Juliet.

"Hoy! Ano 'to?" Tanong ko pero walang pumansin sa akin.

Binuksan ni Dianne ang pinto. "Mauna ka nang pumasok, Juliet, mah friend."

"Why?"

"Basta, go."

Tumango si Juliet at pumasok sa loob ng kwarto. Tumingin si Dianne sa'kin. "And as for you, Cindy, mah friend... Girls, ipasok na 'yan."

Magpupumiglas pa sana ako pero agad na nila akong naitulak sa loob, nabunggo pa ako kay Juliet na kaagad naman umalalay sa akin. Sumara ang pinto at narinig ko na lang itong nag-click. Nako naman. "Hoy, yung pinto!"

"Babalikan namin kayo after an hour or so. Basta tatapusin muna namin yung Attack on Titan." Rinig kong sabi ni Dianne.

"Eh, bakit kailangan pa kaming ikulong?" naiinis kong tanong. "Gusto ko rin namang manood, 'no!"

"Huwag na, magulo kayo. For all I know, kulang lang kayo sa landi. Oh, paano, watch na kami, ah. Lalakasan namin yung volume para hindi namin kayo marinig. Take your time, lovers!"

Kasabay no'n ay narinig ko na yung pinapanood nila. Talagang nilakasan nga ng loko ang volume! Humalukipkip ako at napatingin kay Juliet na ang laki ng pagkakangiti. "Bakit nakangiti ka diyan?"

"Wala lang!" masiglang sagot niya.

"Ewan ko sa'yo," Nilagpasan ko siya at umupo sa kama. "Ano na ngayong gagawin natin?"

"Gawa tayong baby?"

"Manyak ka talaga!"

____

Continue Reading

You'll Also Like

801K 19.4K 33
One night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. B...
879K 31.6K 37
[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being...
188K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
62.4K 3K 65
Lucia found herself living under the same roof with her cousin who she never met before in her entire life. Will they be able to co-exist like normal...