Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 5

13.4K 534 28
By InsaneSoldier

"Rise and shine, everybody!"

Pakiramdam ko pumintig ang isang ugat sa ulo ko nang marinig kong may sumigaw. As in, feeling ko ay capital letters 'yon lahat—with exclamation point pa! Buset. Kahit hindi ako dumilat, tumingin, bumangon, o kahit hindi siya magpakilala, alam na alam ko kung sino ang owner ng pinakapangit na boses na 'yon.

Marian Rivero.

Ngayon nagtataka na ako kung step cousin ko lang din ba siya dahil wala sa magandang lahi namin ang taong may boses ipis na sobrang tinis! Nakakairita!

"Everybody! Rise and—"

"Letse, tumahimik ka nga, Yanyan!" saway ko sa kanya, "'Yang boses mo masyadong nangingibabaw! At saka wow, ah," Tinaasan ko siya ng kilay. "Maka-everybody ka, akala mo libu-libo ang tao sa kwarto ko. Kung gusto mo manggising ng kapit-bahay, doon ka sa labas! Pasakan kita ng pako sa bunganga, eh, makita mo."

Bumangon na ako habang nagkakamot sa ulo. Binato ko sa kanya yung unan ko nang malakas. Sinapol siya sa mukha. Tinitigan niya ako nang masama pero hindi naman makaganti. Hawak-hawak lang niya ang unan ko. Hay, nako. Kailangan ko pa tuloy magpalit ng punda mamaya. Marumi na, eh. Nabahiran na ng germs ni Yanyan.

"Ang hard mo, pinsan! Parang rise and shine everybody lang ang sinabi, ko shinotgun mo naman ako ng bunganga mo!"

Nagpantig ang tainga ko sa sagot niya. "Ah, sumasagot ka na, ha, Marian?" Tanong ko habang pinanlilisikan siya ng mata.

Biglang umamo ang mukha ng babaita. "H-hindi syempre! Takot ko lang sa'yo, 'no."

Duwag talaga.

"Buti naman." Hinablot ko sa kanya ang unan ko. Tinalukbong ko na sa'kin 'yong kumot at pumikit. Hay, nakakatamad.

"Anong ginagawa mo?" Inalis niya ang kumot ko.

Tumingin ako sa kaniya nang naka-poker face. "Yanyan. Slow ka lang pero hindi ka tanga." wika ko. Or tanga nga siya? "Tingnan mo nga, mukha ba akong nagjo-jogging!"

"Aray, ah. Hindi naman kasi 'yon!" sigaw niya.

"Eh, ano nga?" Bumangon ulit ako para tingnan siya nang masama.

Para naman s'yang asong bumahag ang buntot. Akala mo talaga. Feeling matapang kahit hindi. "M-male-late na kasi tayo sa school! B-bumangon ka na kasi."

Bumuntong-hininga ako at muling nahiga. Nanlalambot pa ako. "Ayokong pumasok."

"What!" sigaw niya. So ganyanan? Kapag magugulat kailangan English? Peste. Nakakatulig. Hindi maganda boses niya. "Wala pa ngang isang linggo kang napasok tapos tinatamad ka na agad?"

Hindi na ako sumagot. Hay nako, matutulog na lang ako. School daw. Asar! Pumasok siyang mag-isa. Maganda ako, walang makakapilit sa akin! Duh!

"Aba! Hoy, Cinderella Hayssbert, pumasok ka na!" singhal ng pinsan kong never pumalya ang vocal chords. Eh, kung hugutin ko kaya lalamunan nito?

"Hindi kita nanay kaya 'wag mo akong sermunan. Pasalamat ka tinatamad ako dahil kung hindi, kanina ka pa sana nakabulagta riyan dahil sa makasalanang pagbigkas mo ng whole name ko."

"Naman kasi, eh...bumangon ka na!"

"Ayoko nga."

"Cindy!"

"Ano?"

"Bangon na!"

"Ayoko." Umikut-ikot ako sa kumot ko hanggang sa nagmukha na akong binalot na sushi.

"Ano ba 'yan, Cindy. Para kang pasiyente sa mental."

Umikot ako paharap sa kanya. Hindi ako makagalaw, eh. "Wow, ah! Ako nga sushi ang naisip ko tapos ikaw mental kaagad? Aba, matindi." Inirapan ko siya at tinitigan nang ubod-sama. Jusko naman, ang aga-aga, makakapaslang pa yata ako ng pangit. "Lumayas-layas ka sa harap ko at baka hindi kita matantiya."

"Hmp." umismid ang loka-loka. "Tse! Ang taray."

Nagdadabog siyang naglakad palabas ng kwarto ko at binalibag ang pinto. Pagbibigyan ko siya sa pagdadabog niya. Next time, siya nang ibabalibag ko sa pintuan mismo. Better, siya na ang maging pinto. Hay, buti naman at tumahimik na. Pumikit na ako at dumapa. Hinihila na naman ako ng kama ko pabalik sa mundo ng panaginip.

--

"Hmm..." Iniwas-iwas ko ang mukha ko. Nakakakiliti naman, eh!

"Ano ba 'yan," antok na antok na ungot ko. Nakarinig naman ako ng mahinang hagikhik. Ano ba 'yon? Nagmulat ako ng mata kahit ayaw ko. Bumilis ang kabog ng puso ko. "J-Juliet?"

Namilog talaga ang mata ko nang makita siyang nakatitig sa akin. Seriously, si Juliet Parker? Nandito? Sa kwarto ko? Anong—!

"Good morning, Mine," Mahinang bati niya habang nangingiti.

Bakit ba parang nang-aakit ang boses niya? Alam ninyo 'yon, pang-bedroom voice? Shete naman, oh. Napapikit na lang ulit ako. Ang sakit sa hair.

"Panaginip lang 'to, Cindy. Panaginip lang. Wala si Juliet sa kwarto mo at mas lalong hindi sya nakaibabaw sa iyo. Wala. Matutulog na lang ako sa panaginip ko. Tama." pangungumbinsi ko sa sarili. As if naman na makita ko talaga siya ngayon, 'no.

Inayos ko ang kumot ko at tumagilid na. Bahala na si Juliet diyan na pati sa panaginip ay kinukulit pa rin ako. Grabe. Talaga namang may time pa siyang manghimasok maging sa panaginip. Baka naman pwedeng Juliet-free muna ako. Paawat na, aba. Hindi na nakakatuwa.

"You want to know if this is a dream or not?" malambing na tanong nito. Hanggang sa panaginip ko ba naman mag-e-English pa rin siya? Naman-naman, oh!

Naramdaman kong may humawak sa dalawang kamay ko. Medyo bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mabigat na nakadagan sa akin. Naramdaman ko na lang na may mainit na hanging pumapaypay sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kilabot. Feeling ko na-trap ako at kailangan kong gumising. Hanggang sa panaginip ko hina-harrass pa rin ako ng Juliet na 'to. Nakakabwisit.

Teka, ano ba iyon? Parang may...

"Shit...J-Juliet!" Napadilat ako at kaagad na tinulak siya nang malakas. In fairness, iba pala ang nagagawa ng adrenaline rush sa'kin.

Hinawakan ko ang leeg ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya habang siya naman ay hinahawakan yung likuran niya dahil nahulog siya sa kama ko. Siguradong masakit iyon pero wala akong pakialam.

"Y-yuck ka!" Hindi ko mapigilang manginig ang boses. Oh, my God! "Anong ginawa mo?"

Ngayon alam ko nang hindi 'to panaginip. Shems.

Ngumiti siya—more like ngumisi pala. Para siyang predator na lumapit sa'kin. Ayokong maramdaman na wala akong laban pero—kasi naman!

"What do you mean? You can't tell?"

Lumapit siya sa akin, umatras ako. Lapit. Atras. Lapit. Atras. Lapit. Atras—isang atras pa at siguradong hulog na ako sa kama. Uh-oh. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang na-feel ang pagiging defenseless ko—at dito pa sa babaeng ito! Hindi, hindi ako papayag! Asa naman!

"Ano ba, lumayo ka nga!" Tinulak ko siya pero mabilis niyang nahawakan ang dalawang kamay ko. Ang alam ko na lang—nakahiga na ulit ako sa kama—at nasa ibabaw ko siya. "Ano ba 'yan, ang bigat mo!"

Ang bruha, imbes na umalis, nginisihan lang ako! Wala ba talagang talab yung katarayan ko sa kanya? Bakit si Ate at Yanyan, titig ko pa lang umaatras na? Why, oh, why?

Inilapit niya ang mukha sa akin. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng hininga niya at yung pagdiin ng hawak niya sa mga kamay kong nasa ulunan ko lang. "You look ravishing on your bed hair, Mine..."

"B-bakit ka ba kasi nandito? Sa kuwarto ko pa talaga?" Instead na makipag-away ay nag-change topic na lang ako. Nakakadarang na kasi yung titig niyang malagkit pa sa kakanin. Feeling ko anytime, mahi-hypnotize niya na ako.

At saka isa pa...isa pa...naaalala ko lang ang katangahan ko.

"Wala ka kasi sa first class natin, so, kinuha ko yung address mo." parang bata niyang sagot. At natuwa pa nga ang loka. "Naabutan ko si Ate Steff dito so I asked her if I can stay here since ayaw mo raw pumasok...and, she hopefully agreed."

"Huwag ka ngang maki-ate. Ate ko 'yon, mang-aagaw 'to." naiiritang sagot ko.

"She is our Ate, Mine." So kailangan talaga i-emphasize niya yung word na our sa sentence?

"Bakit, kapatid ba kita, ha?" Napairap ako. Nagpipigil lang talaga ako. "Kapatid kita?"

"No."

"Eh, 'yon naman pala—"

"Because I am your girlfriend," sweet na sweet niyang pahayag, "and hopefully, your future wife."

Tinitigan ko lang siya nang matagal. Siya naman palawak na ng palawak ang ngiti. Iba rin ang tama niya sa utak. Iba rin. Nakakainis din talaga.

"Umagang-umaga 'wag kang mambubuwisit, letse. Tabi nga!" Sinubukan kong bawiin ang kamay ko. Mabuti na lang hindi siya nagmatigas at kaagad akong pinakawalan. Tumayo ako at nag-unat. Siya naman, parang tangang nakatingin sa higaan ko.

"Ate Steff said na effective raw yung gano'ng banat," Tumingin siya sa'kin ng naka-puppy eyes. "Bakit hindi ka kinilig?"

Napabuga ako ng hangin. Ayon naman pala. 'Langyang Ate 'yan, pati ba naman si Juliet iniimpluwensyahan ng kakornihan niya. "Next time, 'wag ka nang magpapauto sa Ate ko. Ang korni."

Pumasok na ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Naghihilamos na ako nang may mapansin ako sa leeg ko pagkaharap sa salamin bukod sa una kong napansin kung gaano ako kaganda. Oh, gas. Naks, ang diyosa ko! Tiningnan kong maigi ang leeg ko. As in, dinilat ko na yung malaki ko nang mata para lang ma-identify kung anong nasa leeg ko.

Ano ba 'to? Parang maliit na kulay pula na...napasinghap ako. What the fudge!

Napapikit ako nang mariin. Okay, sige, Cindy. Relax lang. Inhale, exhale. Inhale...exhale. Huminahon ka lang. Ang poise, bawal masira...

"Juliet! Ano 'tong ginawa mo!" ubod-lakas kong sigaw.

Hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Bakit niya ako nilagyan ng...ng...hickey? Why, oh, why? Bakit? Bakit! Ano na lang ang sasabihin sa'kin ni Yanyan at Ate Steff?

Cindy, you are, oh, so dead.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

768K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
2.8M 80.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
801K 19.4K 33
One night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. B...