Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 4

13.8K 566 30
By InsaneSoldier

"C-Cindy..."

"Bakit?"

"Pa─god...na...ako."

"Oh?"

"A...yoko na─t-tama na!"

"Isang round pa."

Dami kong tawa kay Yanyan talaga! Ayan, ayan ang napapala ng mga taong pakielamera. Hah! Galak na galak ang pagkatao ko habang nagpu-push up siya sa sahig dito sa mismong kwarto ni Ate Steff. Ayoko naman sa kwarto ko at magkakalat lang siya ng pawis, kadirs naman. Ayoko naman sa sala at walang kama.

Kanina pa siya nagmamakaawa na tumigil na. Ang kaso, ako ang boss kaya titigil lang siya kapag sinabi ko—iyon ay kung patitigilin ko siya. Takot niya lang sa dala kong hammer kapag kinontra niya ako. "Sabi ko naman kasi sa'yo, eh, huwag mo akong susubukan."

"S-sorry—" Bahagya siyang hiningal, nginig na nginig na ang boses niya. Patuloy lang siya sa pag-push up, para bang bigat na bigat na siya sa katawan niya. "Na nga─eh! Hin-di ko na k-kaya!"

"Next time kasi huwag kang makikialam. Bwisit ka, dahil sa'yo, habang buhay na akong guguluhin ni Juliet!" bulyaw ko sa kanya.

"Kasalanan...mo rin naman—"

"May sinasabi ka?"

"W-wala─" Napaungol na siya sa hirap. "A-ang...sakit na ng m-muscles ko..." mangiyak-ngiyak na reklamo niya.

Nakakainis talaga. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari! Siyempre, kanina nga lang nangyari 'yon! Bwisit!

Kanina ko pa pinapatay sa titig si Yanyan na hindi makatingin sa'kin habang papunta ng canteen. Ginagamit na naman yung inborn niyang kamanhidan para huwag akong mapansin. Suntukin ko siya, eh.

"Mine."

Tinitigan ko si Juliet nang masama at tinaasan ng kilay. Pasalamat na nga lang ako at malayo na siya sa'kin ng mga three inches─three inches lang. Saklap. "Bakit ba?"

"You look hot when you're glaring like that." wika niya. Kinagat pa niya ang ibabang labi na para bang nagpipigil lang ng gigil. Nang-aakit ba 'to?

"Letse, wala ka nang sinabing maganda." ang naisagot ko na lang.

"What?" inosenteng tanong niya, "I'm just complimenting you."

Napatingin ulit ako kina Yanyan kasi naririnig ko yung nakakatulig nilang hagikgikan. Mga tsismosa talaga! Halata namang nakikinig sila sa'min!

"Ay, Cindy!" Napatapik ang pinsan ko sa noo. Matanggal na sana ang ulo niya. "Nakalimutan ko, gagawa pa pala kami ng project, 'di ba, mga girls?" Tumingin siya sa mga friends niya at pinandilatan ito ng mga mata kaya ngumiti ng nakakaloko yung tatlo bago sabay-sabay na nag-nod ng ulo nila.

"Oo nga, may project pa kami!"

"Juliet, pinsan, sorry, ah? Rush na kasi iyon, eh. Bye-bye!" Hinila niya ang mga kasama at tumakbo.

"Hoy!" Sigaw ko kaso nagbingi-bingihan sila at hindi man lang lumingon. Mga pahamak! Paano magkaka-project, e, first day of school pa lang! Lulusot na lang mga palsipikado pa.

"Seems like..." Bumulong siya sa tainga ko. Itinulak ko siya nang makaramdam ng kilabot pero hinapit niya lang ang baywang ko palapit sa kanya. Saklolo! "Destiny wants us to be together."

Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha niya para mailayo sa'kin. "Destiny mo mukha mo!"

"Sis, mukhang 'di na kaya ni Yanyan, oh."

Napatingin ako kay Ate Steff na alalang-alala na sa pinsan namin, kulang na lang siya na yung pumalit sa pwesto ni Yan. "Edi ikaw na lang ang mag-push-up para 'di na siya—"

"Joke lang." bawi niya kaagad, "Yanyan, fight lang! Kaya mo 'yan!"

"Letse─k-ka." hikahos na wika ni Yanyan. Tuluyan na siyang humilata habang hinihingal at tagaktak ang pawis. Mukha na siyang naligo.

Lumapit naman kaagad sa kanya si Ate at pinunasan siya ng towel dahil basang-basa ito ng pawis. Fifty one pushups lang naman kasi ang ginawa niya, talagang tatagktak ang pawis niya. Yes naman, nagbilang talaga ako!

"Yan, kaya mo pa bang tumayo?" worried na tanong ni Ate. Panay pa rin ang punas nito sa love of her life kuno niya.

Pipikit-pikit si Yanyan na tiningnan si Ate. Mabilis at malalim din ang paghinga niya. "Hindi ko nga...m-magalaw yung─katawan ko, eh. Yung braso...ko—tumitibuk-tibok!"

Tumingin naman sa'kin si Ate na parang nagmamakaawa tapos nag-pout pa. Napailing na lang ako habang nakatingin na kay Yanyan na nakatulog na nga sa sahig dahil sa pagod.

"Hay, nako." Tumayo na ako. "Sige na, ikaw na bahala sa kaniya."

Nilagpasan ko silang dalawa at binuksan na ang pinto pero bago 'yon, sumilip muna ulit ako sa kanila. Kita ko kung paanong maingat na binuhat ni Ate si Yan pahiga sa kama niya. Isinara ko na ang pinto nang tuluyan habang nangingiti.

Pumasok na ako sa kwarto at gumawa na ng assignment. Nakakaloko, eh. Gano'n ba talaga 'yon? Kahit first day of school pa lang may assignment na kaagad tapos ang hirap pa! Ni hindi ko pa nga ata 'to napapag-aralan! Leche flan naman, oh. Buti pa si Ate nagtatrabaho na. Ako? Wala! Wala namang sweldo yung pagpasok ko, eh, pero makapagpadugo ng ulo, wagas.

Kinagat-kagat ko yung ballpen ko. Naisip ko lang sina Ate at Yan. Mukha ngang in love talaga siya sa pinsan ko kahit na ubod ito ng shunga at slow. Kita ko kung paano niya titigan si Yan, iba talaga. Ang weird para sa akin. Siguro kasi hindi ko pa naman nararamdaman. "Ano ba naman kasi ang feeling ng ma-in love?"

"Mai-in love ka rin, tiwala lang."

"Ay, tiwala lang!" Halos tumalon ang puso ko sa gulat. Napatingin ako kay Ate Steff nang masama. Nasa tabi siya ng pintuan ng kwarto ko at nginitian ako ng nakakaloko. "Bakit ba bigla-bigla kang sumusulpot—" Natigilan ako. "Anong sinabi mo?"

Para lang kasing familiar sa'kin yung gano'ng dialogue pero hindi ko naman ma-pinpoint kung ano. Nasa dulo na ng dila ko, eh, hindi ko lang talaga mahulaan. Narinig ko na iyon dati, sure ako. Pero saan, at kanino?

"Anong anong sinabi ko?" tanong niya sa akin pabalik.

Nayayamot na napakamot ako sa batok habang iritableng tiningnan siya. "Sabi ko, anong sinabi mo, pakiulit."

"Ano bang sinabi ko?" Lalo pang kumunot ang noo niya kaya napa-face palm na lang ako. Jusko, nahawa na yata sa ka-slow-an ni Yanyan itong kapatid ko! "Iyong sinabi mo! Mai-in love rin ako, churva-churva!"

"Ah...ah!" Parang tangang reaction niya. Naglakad siya palapit sa akin. "Yung mai-in love ka rin, tiwala lang?"

"Oo!" Sarap batukan nitong kapatid ko! Siya nagsabi tapos hindi matandaan. Bakit ba puro mga shunga kasama ko sa bahay? Ako na lang ba talaga ang matalino rito? At maganda? Napaka-perfect ko na!

"Oh, anong meron?"

Hindi ako nakasagot. Inalala ko kung bakit ko nga ba pinaulit kay ate yung sinabi nya. "'Te, pakibatukan nga ako."

Napaatras naman sya sa'kin. Parang tinatantiya pa kung nagbibiro ba ko o hindi. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bilis na!"

"Oo na! Basta huwag kang gaganti, ha!"

"Well, hindi ko mapa-promise pero—aray!" Pinandilitan ko siya ng mata. Ang sakit! "Nambatok naman kaagad!" Bakit ba halos lahat sila hindi pinapatapos yung line ko? Kutusan ko mga ilong nito, eh. Peste.

Nag-peace sign lang siya sa'kin pero hindi ko na napansin dahil naalog ng superb ang utak ko. Natahimik na lang ako at napatitig sa sahig. Narinig ko pang tinawag ni Ate Steff ang pangalan ko pero hindi ako umimik. Automatic na nag-flashback sa'kin iyong nangyari dati na halos nakalimutan ko na─na parang palabas lang sa tv.

Bwiset na ball to. Dapat talaga hindi na ako um-attend, eh! Kung hindi lang talaga ako sinuhulan ng mahadera kong pinsan ng laptop, ay nako! Uuwi talaga ako!

Big time naman kasi ngayon si Yanyan, ang hirap naman tanggihan! Hello? Laptop kaya iyon, as in, kapag 'yon pa, hindi pinatulan, bigti na. Alam ko namang may kaya sila sa buhay, hindi lang talaga obvious dahil mas gusto niya pang maglagi sa bahay namin, kulang na lang magpa-ampon siya. Nakakaloka lang, kung manuhol siya ng laptop, akala mo candy lang.

Dahil hindi ko bet ang kaingayan ay nagliwaliw na lang ako sa school, na six years ko nang ginagalaan dahil sa pesteng K-12 na 'yan. Kabisado ko na nga, eh. Malaki ang school namin, hindi nagtataasan ang mga building pero mahahaba naman. May space din para sa mga puno. Meron ding garden─may butterfly garden pero wala namang butterflies. Garden lang. Ano kaya iyon. Namalayan ko na lang na napadpad ako sa likuran ng isang school building. Ito yung mahilig tambayan ng mga taong mahilig umamin ng feelings.

Napataas naman ang kilay ko nang may mamataan. Para akong nanonood ng korning teleserye sa nakikita ng mga naggagandahang mata ko. Sa hindi kalayuan, may babae at lalaki ro'n na wagas mag-kiss—oh! Napataas ang kilay ko.

Si Romeo pala iyong lalaki! Napatingin naman ako rito sa babaeng nagtatago sa puno malapit sa akin, hindi niya yata napansing may kasama na siya. Parang matatae na hindi knowing itsura ang itsura nito. Nakikinood lang ng live show, gano'n?

Napapailing akong lumapit sa kanya para takpan ang mga mata niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa, feeling ko lang kailangan talaga. In fairness naman ang tangkad, niya, and ang smooth ng skin─parang sa'kin lang. "Tanga ka rin, 'no. Masakit na nga, tinitingnan mo pa."

Inalis ko naman ang pagkakapiring ko sa kanya dahil nangangawit na ako. Hinila ko na lang siya patakbo, nandidiri na kasi ako sa kissing scene no'ng dalawa. French pa nga!

Takte, ang hirap tumakbo ng naka-gown! Ang landi kasi nila! Ito namang isang ito aba, obvious nang nasasaktan ayaw pa ring umalis. Bobo lang. Huminto lang kami nang makarating sa kubo na lagi kong tinatambayan. Para sa'kin ay ako na ang owner ng kubo. Ang cute, eh. Miski sa pinto nito ay naukit ko na ang pangalan ko. I know it's vandalism pero wala akong pakialam, ako lang naman ang natambay rito.

Pumasok kami sa loob at naupo. Katabi ko lang siya pero hindi ako nagsasalita. Babawi muna ako ng maraming oxygen, nakakapagod kaya mag-marathon! Mukhang kahit siya ay napagod. Tinitigan ko siya ng palihim, maganda naman si ateng. Hindi ko lang maisip bakit nagpapakahumaling siya kay Romeo. Halata kong maiiyak na siya kanina, nakakairitang panoorin. Ang mga lalaki, hindi dapat iniiyakan!

"Thanks for saving me there," sabi niya. Tipid siyang ngumiti.

"Anong thanks?" Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sinabayan ko iyon nang pag-irap. Mukhang shock siya sa ginawa ko pero wala pa rin akong pake. "Ayoko lang makakita ng umiiyak nang dahil lang sa lalaki. Si Romeo pa talaga, eh, ang sikat no'n masyado!"

Natawa siya ng very very light. "Nope. Yung kasama ni Romeo ang iniyakan ko."

"Oh?" Napakamot ako sa sentido. Hindi ko ine-expect iyon, ah. "Kung sabagay, hindi na rin naman bago iyong mga ganyan."

Letse, napahiya ako, ah. Okay lang, maganda pa rin naman ako. Malay ko ba naman kasing ka-federasyon ito ni Ate Steff. Kagandang babae, eh. Ngumiti naman ako sa kanya, yung medyo mabait na smile. "Makaka-move on ka rin. Madaming magaganda riyan! Sa harap mo pa nga lang," Itinuro ko ang sarili at humagikhik. "May maganda na, eh."

Oh 'di ba, 'di ba! I-endorse daw ba ang kagandahan ko? Chos! Ano ba naman kasing alam ko sa sinasabi niya, basta usapang gano'n, wala, zero ako. Love is love pero hindi ko alam ang exact meaning. Magkaiba ang platonic sa romantic. Sa case ko, I never experienced the latter. Mas naa-appreciate ko pa ang kagandahan ko.

Natatawa naman siyang napaturo sa'kin. Masama raw manduro, 'di ba? Ay, ewan. "Ikaw, maganda?"

"Ikaw may sabi niyan," sabi ko na lang. Tumawa ako pero deep inside, parang gusto ko siyang batukan. Para naman kasing ayaw niyang maniwala na maganda ako.

Napatingin naman siya sa akin. Ang weird tumingin, ah, basta. "Paano ko naman sila mapapansin kung siya lang ang gusto ko?"

"Ewan." Parang gusto kong mapakamot sa ulo ko. Paano ko naman malalaman, eh, wala naman akong alam sa mga sinasabi niya? "Kusa naman sigurong mafe-feel 'yon. And gusto mo lang naman siya ,'di ba? Hindi mo pa siya mahal pero malapit na. Ang sakit nga no'n."

"Ang gulo mo naman." Halatang hindi niya ako na-gets. Hindi ko rin naman naintindihan ang sinabi ko.

"Aba, malay ko ba, 'di pa naman ako nai-in love." sagot ko ulit. Nagsisimula na akong ma-bored sa usapan namin. Oo nga't interesting ang love—pero hindi sa akin.

"Kaya pala ang lakas mo manermon."

"Sus!" Ikinumpas ko ang kamay ko. "Mai-in love rin ako, tiwala lang. Kering-keri."

"What if you didn't?" nanghahamon niyang tanong sa'kin. Ang intense ng tingin niya, halatang curious.

"Hmm, paano nga ba?" I purse my lips sideways. Hindi naman iyon pumasok sa isip ko. "Kahit crush never pa, eh." Ano ba 'yan. Kayhirap naman kasi ng question niya, eh. Ano bang dapat isagot? Hmm... "Ah...alam ko na!" Tumingin ako sa mata niya at ngumiti. "Kapag nangyari nga 'yon tapos nagkita ulit tayo, then, tayo na lang. Maganda ka naman, eh." Wala na namang konek yung sagot ko. Palakpakan! Ang bobo ko ngayong araw.

Pero sureness, maganda talaga siya, ayoko lang sabihin. Katamad mag-describe. Dinaan ko na lang sa tawa yung katangahan ko na minsan lang mangyari. Mukha naman tuloy akong easy to get. Desperado lang? Kapag walang nahanap, sa kanya na lang? Sus.

"Baliw na yata ako. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko, sorry."

Pinukpok ko naman ang ulo ko, nagbabaka-sakaling maalog itong brain cells ko at bumalik ang aking katalinuhan. Ayaw kong matulad kay Yanyan. Hindi naman siguro niya seseryosohin ang sinabi ko. Alam kong maganda but please, hindi ako napatol sa kauri ko—lalo na't mas maganda ako sa kanya.

"Okay."

"Ha?" Naguguluhan kong reaction. Bakit siya nag-okay? Para saan yung sagot niya?

"Kapag nagkita tayo ulit at nagkataong hindi ka pa nai-in love...sa akin ka na." Ngumisi siya. Hindi ko sure kung imagination ko lang pero parang bumaba yata ang tingin niya sa labi ko. Mabilis lang iyon kaya hindi ako sure.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng pisngi ko na hindi naman dapat. Na-caught off guard ako sa sinabi niya."B-baliw! Nagbibiro lang naman—"

Hinalikan niya ako sa pisngi nang walang paalam. Natigilan ako lalo na nang kumindat siya "See you next time."

Naiwan akong nakanganga lang. Nang tuluyan siyang makaalis ay ako na mismo ang nagtikom ng bibig ko at umalis na rin para hanapin si Yanyan. Ang weird ng babaeng 'yon, nakakaloka! Thanks na lang at hindi ko na siya makikita, ever.

Ang tanga tanga ko naman kasi sumagot, eh.

Slow motion akong napatingin kay Ate. Nakagat ko nang mariin ang lower lip ko. I'm doomed. "Ate..."

"Oh?"

"Ate..."

"Ano nga!" Naiiritang sigaw niya.

"Ate..." Mangiyak-ngiyak akong napasinghot. "Ang tanga ko! Super duper at wagas na kaangahan!"

_____

Continue Reading

You'll Also Like

801K 19.4K 33
One night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. B...
878K 31.6K 37
[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being...
La Calle Real By Nine

Historical Fiction

1.3K 167 6
Violet Manalo went inside an old museum in the street of Calle Real. She offended the paintings and broke the wooden doll of a witch that she didn't...
188K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...