[COMPLETED] Lucky I'm Inlove...

By iWonderLiah

164K 8.8K 4.9K

When do we meet the bestfriend who will sacrifice everything just for the sake of our health? We all know tha... More

Prologue
Chapter 1: Start
Chapter 2: Fall
Chapter 3: New Shirt
Chapter 4: Meet Maxine
Chapter 5: Back To Normal
Chapter 6: Stuck
7: Friends?
8: Arrival
9: Make-Over
10: The New Anna Garcia
11: Selina
12: Let's Play 'Pretend' (Short Chapter)
13: Manliligaw
14: Big Brother
15: Father
16: Date
17: With Her
18: Why Me?
19: Afternoon Before Tomorrow
20: Practice
21: Bestfriend
22: Meet My Family
23: The Eldest
24: Who Are They?
25: Mystery Girl
26: Panira
27: Kissing Scene
28: Plan (Short Chapter)
29: SaturDate
30: Virgin Eyes
31: Selos Much
32: Role Play
33: Nice To Meet You
34: Music Is Love
35: Asaran
36: Mall
37: Gang
38: Sorry
39: Handkerchief
40: Champion
41: Celebration
42: Kookie
44: Inuman Session
45: Weird
46: In Between
47: Feelings
48: Her Answer
49: Js Prom Night
LIIWMBF
50: Differences
51: Mistakes
52: 03/25/18
53: Relationships
54: Until We Meet Again
55: Lucky I'm Inlove With My Bestfriend
EPILOGUE
Ate Iya's Note
Thank You

43: Boys VS. Girls

2.2K 131 98
By iWonderLiah

Cute at poging Christian Andrei Mendoza daw >_<

Christian Andrei's POV

"Akin na!!" Tinaas ko yung kamay ko para hindi niya maabot yung notebook. Hahaha ang cute niya talaga kapag naaasar. >_<

"Uyy! Ayiee! Sweet niyo naman!" Lintek na Ara 'to. Asarin ko kaya siya kay Kaize?

"Akin na kasi!"

Saktong pagkaabot niya ng notebook niya, nagkatinginan kami. Ngayon magkatapat na talaga yung mukha namin. Napahinto kami saglit. Parang may nararamdaman akong kakaiba pero... Pero hindi ko lang maintindihan.

In span of time, natauhan nalang ako. Lumayo ako sakanya. Natataranta na ako eh, pati rin siya.

"Masyado kayong PDA!" Tinignan ko si Ara.

Sus, isa ka pang TORPE ka! Aminin mo lang naman kay Kaize eh, edi tapos! Mana ka kay Xander! Kingina lang. -_-

"Uy! Andyan na si Kaize oh!" Pagbibiro ko. Ha! Lintek lang ang walang ganti!

"Ha? Asan? Asan?"

"Ang isda nga naman nahuhuli sa sarili niyang bibig. Haha!" Wag masyado, Ara. Obvious naman eh. Tsk.

"Ewan ko sayo! Hmmp!"

Ngayon nagkatinginan nanaman kami ni Jamille. I really HATE the way she looks at me. Para bang lalamunin ako ng buhay eh, creepy.

"Oh ano? Baka malusaw ako niyan? Tingin ka ng tingin eh.." Ngumisi siya. "I mean, titig."

"Shut up! Tska bakit naman kita tititigan? Eh ang panget panget mo!" Kala niya siya lang ah? Tss asa.

"Ate! Kuya! Stop Arguing! Baka magka developan kayo niyan!" Tumingin ako sa side at nakita ko si Sheena. Lintek isa pa 'to eh. -_-

"You want me to call Xavi?" Pang aasar ko. Bigla naman sumama yung tingin niya sakin pero at the same time KINIKILIG. Ano ba talaga? Ganyan ba talaga mga babae?

"Shut up Hyung!" Sus, nag bublush pa nga siya eh oh? Mataray pa 'to sa ate niya kung kiligin eh.

"Sheena go to your class! Late ka na oh. Isumbong kita sa ate Selina mo gusto mo?" Natatawa pa si Jamille habang sinasabi yun.

"Eh paano naman kasi, sa sobrang ingay niyo ni kuya Andrei napahinto ako. Eh sa sumunod nga na room rinig na rinig na yung sigawan niyo eh!"

"Seriously? Tsk!" Napakamot siya ng ulo. "Sige na pumasok ka na! Kundi ipapauwi ko si Xavi."

"Okay! Okay sige bye!" Tapos umalis na siya. Si Xavi lang pala katapat niya eh.

Binatukan ako ng napakalakas ni Jamille. Amazona nga naman eh. "Ouch! Bakit!?"

"Para yan sa pang aasar mo sakin!" Tinarayan niya ako tapos umupo na siya.

Lintek talaga na babae 'to, pambihira. Minsan ko na nga lang siyang asarin eh. Pero ako naman lagi niyang inaasar, wala naman akong ginagawa. Aish! Sakit tuloy ng ulo ko.

Practical Arts ang lecture namin ngayon. Tsk! pinaka ayaw ko 'to eh. Kaya ayun dun nanaman kami sa Computer room.

Baka may recitation ngayon. Taena kinakabahan ako ah. Matalino ako pero yun nga lang hindi ako nagreview. Tsk bahala na si Pikachu.

So ayun buti nalang walang pinagawa samin yung lecturer namin kundi ipagamit lang yung internet. Buti naman.

Eto naman si Jamille napansin ata ako na naglalaro ng Pokemon Dash sa PC "Ma'am si Andrei po naglalaro!!"

PAMBIHIRA!! Napansin kaagad ako ng lecturer kaya ayun napagsabihan ako. Waaah namumuro na si Jamille ah! Grabehan nalang ba gusto niya!?

"Belat!" Tinignan ko si Jamille ng masama. Lintek na babae 'to siya lang yung nagtangkang barahin ako eh.

Next subect, Physics. 2 hours yun. Buiset nga naman oh.

Habang nagtuturo yung lecturer bigla naman akong kinausap ni Jamille.

"Wag kang mag alala. Aasarin pa kita mamayang lunch break."

Sa ngalan ni Jamille. Amen.

Kulang nalang ako yung maging babae at siya yung maging lalaki eh. Baliktad ampucha. Dapat nga ako yung nangaasar sakanya. Pambihira naman talaga oh..

Natapos na yung tatlong subject namin. Ibig sabihin, taena. Lunch break na.

May text ako galing kay Kie.

From: Tinapay
Taena kayong dalawa nalang ni Jamille yung wala dito. May ginagawa ba kayong kababalaghan dyan?

Kababalaghan? Teka, napaisip ako dun ah... GAGO!

To: Tinapay
Gagu manahimik ka nga! Punta na kami dyan.

"Hoy panget tara na!" Kahit labag sa kalooban hinila ko si Jamille. Ang lambot pala ng kamay ng babaeng 'to.

Wala lang, dedma lang siya. Hindi ba siya na babahala? Ay bahala siya.

Pagkadating palang namin ng canteen ang daming taong nakatingin samin.

"O my G! Nahawakan niya yung hands ni fafa Andrei!"
"Baka ginayuma!"
"It's okay girls, malandi naman yan kaya siya ganyan eh."

Hindi malandi si Jamille. Alam ko lahat ng kalandian ng mga babae dahil yun na nga, womanizer ako. Hehe. Pero hindi ko pa nakita yung salitang 'Malandi' kay Jamille. TEKA! Pinagtatanggol ko ba siya? Tsk lintek naman.

Pagdating namin ng table nila Xander hila hila ko pa din si Jamille.

"Whoa."

Napatingin silang lahat samin sabay tingin naman sa kamay namin ni Jamille. Binitawan ko agad yun, baka ano pang isipin nila eh.

"Uy! Ano yan, ha?" Naka ngisi si Andrew samin.

"Ang alin? Tumahimik ka nga!" umupo nalang ako.

So bale katapat ko nanaman 'tong babaeng gurang na takas sa mental na suplada at amazona tska britanella na Jamille.

Pagkasubo ko palang ng pagkain biglang may sumipa ng paa ko ng napakalakas.

"ARAY!! BAKIT MO SINIPA YUNG PAA KO HA JAMILLE!?"

Lahat ng tao napatingin samin. Napalakas ata boses ko. Tsk lintek ang sakit nun ha!

"Ha? Ang ano?" Tumingin sakin si Jamille na may maamong mukha, parang inosente pa siya ah?

"Ano bang nangyayari sayo Christian?" Tanong ni Tinapay. Si Kookie nga pala yun.

"Si Jamille! Sinipa niya yung paa ko!" Napatingin sila kay Jamille sabay tingin ulit sakin.

"Ah paa mo pala yun? Sorry. Akala ko kasi bakal, ang tigas eh. Hehe." Yumuko siya tska nag evil grin. Sinadya niya yun. Taena talaga.

"See? Hindi niya yun sinasadya. Easy ka nga lang Mr. Mendoza. Tsk."

So kinakampihan na talaga nila ngayon si Jamille ah? Ha! Mga ugok talaga kahit kelan.

Humanda ka sakin, Jamille Alcantara.







Kaize Angelo's POV

"Kaize, may tanong ako." Tumingin siya sakin. "Bakit ang panget mo?"

"FYI Ara Jimenez, tingin mo panget pa rin ako pag tinanggal ko 'tong salamin ko?" I said with a poker face.

"Kamukha mo si Min Yoon-gi."

Tinanggal ko yung eyeglasses ko, natulala lang siya. Ano kayang iniisip niya? Tsk wag niyang sabihin...

"Ehem." Tumikhim siya tska humarap na sa board. Problema niya? Nagsulat nalang siya sa notebook niya.

Sakto naman nagstart na yung lecture namin. Pagkatapos nun, nagbreak time na.

Kinapkap ko kung nasaan yung panyo ko pero wala, asan na kaya yun?

"Anna nakita mo ba yung panyo ko?"

"Ah hindi."

"Ah ganun ba? Sige mauna na ako." Tumakbo ako palabas ng room. Nasaan yung panyo ko? Importante sakin yun eh.

Tsk nasaan na ba kasi yun!? Napapagod na ako ah.. Feeling ko mawawalan ako ng malay. May asthma pa naman ako.

Habang tumatakbo ako parang naninikip na yung dibdib ko. Hindi na nga ako makahinga sa sobrang pagod.

"Shit.." Hinawakan ko yung dibdib ko. Puta hindi na ako makahinga..

Napaupo ako sa sahig.

"Kaize?" Hindi ko makita kung sino yung nagsalita pero nakilala ko yung boses.

"Kaize ano ba!?" Inalog alog niya ako tska niya ako binangon.

Binigyan niya ako ng tubig kaya ininom ko agad yun.

"Anong nangyayari sayo ha!?" Nag aalala ba siya?

"Ikaw.." Tumayo ako. "Sagutin mo ako. Kinuha mo ba yung panyo ko?" Hindi siya makatingin sakin.

"Kasi.. Ano.." Nauutal pa siya.

"God Dammit! Nasaan ang panyo ko!?" Importante sakin yun!

"Sorry na! Sorry na.. N-nawala ko kasi.." Napayuko nalang siya. Ha! Nagbibiro ba siya? Sorry? Yun nalang yun?

"Why!?" May nangingilid na na luha sa mga mata ko. "Yun nalang ang natitira kong ala-ala kay mom.."

Napatingin siya sakin na para bang hindi makapaniwala. "S-sorry na Kaize.. Hahanapin ko nalang. Sorry.."

Napakamot ako tska ako tumalikod sakanya at humarap ulit. "Fine. Pero sa isang kondisyon."

"A-ano?"

"Tigilan mo na ako. Wag mo na akong aasarin."

Napayuko siya. "Okay.." Tapos naglakad na siya palayo.

HALA! JOKE LANG NAMAN YUN EH!!

Nagloloko lang naman ako. Hindi ko naman aakalain na seseryosohin niya. Pero siguro mas okay na yun, pero bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam. Na guilty kaya siya?

Eh kasi naman yun nalang naman talaga yung natitira kong ala-ala sa real mom ko. Meron akong step mother and mabait naman siya samin, parang ordinary lang yung pagtrato niya saaming magkakapatid. Bale kasi tatlo kaming magkakapatid, panganay ako. Sumunod sakin lalaki at bunso namin ay babae. Well so ayun na nga, taena parang na miss ko tuloy si mommy. π_π

Pumunta nalang muna ako ng Music Hall. Mas okay naman na siguro dito. Pagka pasok ko palang lahat ng ilaw naka patay except yung stage. May piano naman sa gitna nun.

[Now Playing: I Need U by BTS] Ate Iya's Note: Nabaliw siguro ako kaya yan yung unang pumasok sa isip ko.

Habang nagpapatugtog ako may naaaninag akong mga galaw pero hindi ko lang alam kung ano yun, hinayaan ko nalang.

*BLAG*

WHAT THE FUCK

"Ara!?" Tumayo siya tska nag ayos ng sarili. Anong ginagawa niya dito? Kanina pa ba siya dyan?

"Hehe. Bye!!" Aalis na sana siya kaso pinigilan ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah eh.. Ano.. Hinahanap ko kasi si Kyle. Oo tama! Ayun yun! Hehe."

Parang nainis ako bigla. Nairita ako. "Bakit mo siya hinahanap, ha? May gusto ka ba sakanya?"

"Ah wala ah! Wala talaga! Hindi siya yung gusto ko." Parang natigilan siya. "Sige mauna na ako!"

Ang weird niya pero hinayaan ko nalang siyang umalis.

Bahala nga siya. Mamimiss din akong asarin niyan. Nagbibiro lang naman ako kanina eh, nag iinarte lang ako kanina.

Tsk parang may kulang.. Parang may na miss ako..

"Kaize okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa wala sa sarili mong ugok ka." Sabi ni Tinapay habang naglelesson kami.

"Okay lang ako Kie. Hayaan mo nalang muna ako." Parang wala ako sa mood. Na babadtrip nanaman ako pucha.

"Dahil ba yan sa babae?" Oo..

"Hindi."

"Naman pala eh. Kung maka emo ka dyan akala mo sakop mo naman buong mundo."

"Kie paano mo masasabi na may gusto ko sa isang tao?"

"Kung sino ang iniisip mo ngayon."

"..... Bastos ka rin eh noh?" Natawa siya.

"Teka, may napansin ako ah.." Lumingon ako at nakita ko si Andrei. "Bakit hindi ka ata inaasar ni Ara ngayon?"

"Malay ko ba dun sa babaeng yun."

"Weh?" Taena napaka kulit netong Andrei na 'to. -_-

"Hindi ko nga alam."

Taena parang may kulang talaga. Ewan ko kung ano yun pero parang malungkot ako.

"Kaize napapansin ko na kanina pa tahimik si Ara. Alam mo ba kung bakit?" Tanong sakin ni Anna. Umiling ako sakanya. "Hmm."

Nung nagbell na, uwian na. Lahat naman ng kaklase ko umuwi na din, pati sila Christian. Kaming dalawa nalang ni Ara yung nandito.

"K-kaize.." Naiilang si Ara. Taena ako din eh.

"Oh bakit?" Sige mag inarte ka lang. Kingina -_-

"Eto. Nahanap ko na." Inabot niya sakin yung panyo, nakatingin lang ako sakanya. Haha kunwari galit pa din. >_<
"Eto na nga! Ayaw mo?" Nakatingin lang ako sakanya. Haha ang ganda pala niya pag naaasar.

"Kung galit ka pa din sakin okay lang.." Parang naaawa naman na ako. Sige na nga, ayoko nang magpaka martir. Taena talaga.

"Sige na sige na. Tsk." Kinuha ko nalang yung panyo. "Basta wag mo na akong aasarin."

"Hala! Hindi patas!"

"ANO!?"

"Aasarin pa din kita. Pinatawad mo na nga ako eh." Kumindat pa si loko.

Seriously!?














Itutuloy.....
________________________________
Ate Iya's Note:

Badtrip. Sorry po kasi baka matagalan yung next chapter ko. May jetlag po kasi ako eh kaya baka hindi na ako makakapag update ng biglaan. Tska nga po pala malapit na pasukan namin, every saturdays nalang ako makakapag update. So sad :(

Nga pala hindi Iya ang real name ko. Haha lol intindihin niyo na. Mahal ko kayo! >_<

Na realize ko na kailangan din palang I-cast member sila Andrei tapos yung mga ibang kaibigan nila Anna. So eto na yun.. Linagyan ko na rin. Haha ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 24.2K 43
Noong namatay ang Mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para...
251K 5.3K 48
"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.2M 20.9K 65
[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may m...