Anna's POV
"Lil' sis? San ka pupunta?" Napatalon ako sa kinakaupuan ko habang nagsusuot ng pantalon. Kabute naman kasi 'to si kuya eh!
"TriNoma kuya. Bakit?"
"Anong gagawin mo dun?" Mukhang hindi siya papayag ah." Ihatid na kita."
"Ah hindi kuya!" Kalma, Anna. Kalma. "Kaya ko na sarili ko. Asan nga pala si mama?" Change topic nalang.
"Nasa bahay nila tita Jane. Ano bang gagawin mo sa TriNoma?" Mukhang mahirap lumusot sakanya.
"Shopping?" Kelan pa ako nag shopping inday?
"Hahaha! Ikaw mag shoshopping? Di mo bagay. Haha!" Thanks for reminding.
"Aish basta! Sige mauna na ako!"
Umalis nalang ako sa bahay. Maasar pa ako dun kay kuya.
Nagdecide ako na mag taxi nalang. Tinatamad akong mag maneho eh.
Habang nakasakay ako sa taxi papuntang Trinoma naisipan kong tawagan muna si Andrei.
[Hello? Poging Christian Andrei speaking.]
"Andrei! Huhu!"
[Bakit naiiyak ang prinsesa?]
"Tumahimik ka nga! Si ano kasi eh..." Si Xander...
[Sino? Anong sinasabi mo? Why so sad?] Napaka isip bata nito ni Andrei. -_-
"Kahapon sa park, may narinig akong usapan. At ang malala pinag uusapan nila si Kie! May masamang balak sila..." Feeling ko naiiyak na ako. Concerned na ba ako? Hays oo na nga!
[Nag aalala ka? Ayiee! Ayun oh!] Halla! Bakit yun pa talaga inuna niya? Hindi man lang siya nag aalala kay Kie?
"Christian Andrei Mendoza!"
[Haha! Oo na! Hayaan mo na yun si Kie. Kaya niya sarili niya. Mas malakas pa yun kay Superman eh. Matagal mamatay ang masamang damo, kaya kung nag aalala ka, okay lang.]
"Hindi naman ako nag aalala eh!" Konti lang...
[Sus! Indenial pa kasi. Hayaan mo na yun si Kie. Makakaganti din naman kami dun sa K & G na yun eh.]
Hindi ako makasagot sa narinig ko. K & G? Kilala din ni Andrei? Pero---
[Hello? Anna?]
Nanigas lang ako. Muntik nanaman akong nag hysterical pero buti nalang hindi.
K&G
K&G
K&G
K&G
K&G
[Hello Anna? Ay... Wala na? Dinedma kagwapuhan ko. Ba naman.]
*Call Ended*
"Ma'am andito na po." Inabot ko yung bayad ko kay kuya.
"Keep the change po manong." Bumaba na aga ako dun. Hanggang ngayon wala pa rin ako sa sarili ko. Kilala ni Andrei si K&G? Pero paano?
May masamang balak si K&G sakin. At ganun din kay Kie. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Pero teka...
Si Xander lang naman yung habol nila ah? Sa ngayon...
Dadating rin yung time na ako naman ang paghihigantian nila. Whoosh creepy as fvck. Ayoko na.
Ang laking mall naman 'to. Mahahanap ko ba si Kie dito? Malabo na. Pero malakas yung appeal nung lalaking yun kaya madali ko lang siyang makikita.
Pumasok nalang ako.
Jusko naman ang daming tao! Paano ko masusundan si Kie neto? Hays naman talaga oh! Malas! T_T
"Ouch!" Nauna yung pwet ko sa sahig.
"FVCK! SERIOUSLY!?"
Yung boses na yun...
"Kookie?" Tumingala ako. Hindi nga ako nagkakamali kasi siya siya. Galit na galit yung mukha niya.
"Hoy panget! Tignan mo ginawa mo sa damit ko!" Tumayo muna ako at inayos yung sarili ko.
Tinignan ko yung damit niya, may ice cream. Lol.
"Sorry!" Sarcastic kong sabi. In anyways masaya ako kasi nakita ko na siya. Pwede ko na siyang bantayan, at pag nakita ko na may sumusunod sakanya, aayain ko agad siya na umuwi na. Tama ayun!
"Anong sorry!? Bibilhan mo ako ng Ice Cream!"
Spell NGANGA?
"ANO!?" Parang bata 'to si Kookie! Ice cream pa talaga inuna!?
"Oh ano? Ice cream na nga lang ayaw mo pa. Pasalamat ka hindi damit eh." Nag pout pout pa si mokong.
"Oo na sige na!" Hinila ko na siya palayo dun. Hindi ko muna sasabihin yung about dun kay K&G. Ang importante mabantayan ko siya. Bestfriend eh.
"Treat mo?"
"Oo na! Umupo ka muna. Ako na bibili." Aba masunurin, umupo agad. Andito kami sa Dairy Queen.
Yung oreo blizzard nalang yung binili ko. Matakaw pa naman 'to si Kie eh.
Kinuha ko yung dalawang ice cream tapos pumunta agad ako dun sa table namin.
"Oh." Inabot ko sakanya yung ice cream niya.
"Yey! Thanks!" Ay? Ano daw?
"Psh. Kainin mo na!" Isip bata 'to. Agad niyang tinikman. Matakaw talaga siya eh noh?
*Phone Ringing*
Kinuha ko yung phone sa bulsa ko. Si miss Faye yung tumatawag, arts teacher namin.
"Hello po ma'am?"
[Miss Garcia malapit na ang Js Prom Night and I want you to be alerted. Last prom niyo na iyon.]
"Ah sure ma'am. Sige po."
*Call Ended*
What the F. Malapit na yung Js Prom! Huhu dapat maging maganda na yung Js Prom ko kasi last year pangit eh. Walang nag tangkang sumayaw sakin except si kuya.
"Ano yun?"
"Malapit na daw yung Js Prom."
"And?"
"Wala akong isusuot. Hehe." Number one problem, wala akong isusuot. At hindi ko gustong magsuot ng mga ek ek na mga yan.
"Xandara can help you!" Yung kambal niya? Lol. Sabagay expert nga pala sa fashion si Xandara.
"Tingin mo?"
"Yes why not." Natawa siya habang naglalaro sa phone. Ubos na pala niya yung ice cream niya. Takaw >_<
"Samahan mo ako ah?" Samahan niya dapat ako kasi hindi ko alam yung shop ng kambal niya.
"Ha!? Ayoko! Bakit ka pa mag papasama?" Psh. Ayokong iwan ka!
TEKA!
Sinabi ko ba yun? Weird.
"Ah eh basta! Samahan mo nalang ako." Mahirap magsinungaling bess. Kaya oo na ayokong iwan siya.
"Ayaw!"
*****
Nagmamaktol pa si Kie habang hinihila ko siya papunta sa shop ng kambal niya. Ang bigat din kasi niya kaya nahihirapan akong hilain siya.
"Bakit ka pa kasi nagpasama ha!?" Aish ang daming tanong.
"Wala lang." Hindi kita pwedeng iwan dun.
"Ang sabihin mo, gusto mo akong kasama." Psh obvious ba!?
"Andito na tayo." Humarap kami sa shop ng kambal niya. Pag pasok ko palang dun ang dami na agad na mga damit. Halatang mamahalin. May pambili ako pero ayaw ko lang gumastos. Kuripot ako.
"Kookie? Anna?"
Bumungad agad samin ang isang napaka gandang babae na kamukhang kamuha ni Xander.
"Twinny." Galit pa si Kie habang sinasabi niya yun.
"Bigyan mo nga si panget ng prom gown. Aish!"
"Kookie! Don't be like that to Anna. So ano Anna, tara?" Tumango ako kay Xandara.
Paano si Xander?
"Mauuna nalang ako." Oh no! Cannot be! Huhu baka sundan siya nung mga lalaki kahapon!
"Teka!" Lumingon si Kie na may pagtataka sa mukha niya.
"Oh?" Ngumisi siya.
"Uhmm... Kasi... Ano---"
"ANNA! KIE!"
Tumingin ako sa likod ni Kie tapos nakita ko dun si Kaize kasama si Andrei. Anong ginagawa nila dito?
"Hi guys." Tinignan ako ni Andrei. "Anna may sasabihin lang ako sayo."
Hindi pa ako nakakasagot hinila niya agad ako palabas ng shop.
"Ano yun?"
"Kasi ganito. Habang wala ka kami muna yung magbabantay ni Kaize kay Kie. Mukhang nahihirapan ka kasi kaya kami muna."
"Ah ganun? Salamat ah." Nakaka touch. Lol.
"Pero ano... Nagmamadali kami ni Kaize kasi may lakad kami. Mamayang after lunch aalis na rin kami." Uh oh.
"Sige okay lang. Dadalian ko nalang."
"Okay."
Bumalik na kami sa loob ng shop. Hinayaan ko muna yung tatlo na gumala muna. May experties kasi si Xandara na ipapasukat sakin yung mga dress eh.
"You know Anna, ang ganda ganda mo talaga." Eh? Nambola pa.
Umupo siya sa tabi ko.
"Ah? Eh hindi po talaga. Hindi naman ako kagandahan." Namula na ata ako.
"Stop It! You look like a Goddess nga eh! Now hindi na ako nagtataka kung bakit ka niya nagustuhan."
"Ah? Sino po?"
"Ah wala wala. Tara na?" Sino kaya yung tinutukoy si Xandara? Ay bahala siya.
"For you," Hinawakan ni Xandara yung labi niya na tila bang nag iisip. "Dark blue would be nice."
Tumango nalang ako.
"Halika dali." Hinila niya ako papuntang dressing room.
Ang dami ko ng naisuot ah? Naka apat na ata ako kaso sabi naman ni Xandara bagay daw sakin lahat yung mga yun. Expert nga talaga si Xandara. Teka, kamusta naman si Xander? Gumagala nanaman siguro yung mga yun. Tinignan ko yung orasan, malapit na mag lunch. Huhu! Ang dami pa naman ipinasuot sakin ni Xandara but in the end yung Dark blue Long Gown pa rin yung nakuha ko.
Medyo may pagka balloon siya na mahaba tapos may pagka sparkle at glitters pa. Off the shoulders na longsleeves.
"Thank you po Xandara!"
"You're welcome! Bye!"
Pagkatalikod ko laking gulat ko nalang nung nauntog yung noo ko sa dibdib ng isang lalaki. "Xander?"
Nakatingin lang siya sakin habang yung mukha ko malapit pa rin sa dibdib niya. Ang init! Ang init! Nilayo ko agad siya sakin.
"Done na?"
"O-oo." Tumingin ako sa tabi niya pero wala na si Kaize at si Andrei. "Sila Andrei?"
"Nauna na." Nakahinga ako ng maluwag kasi safe na nakarating si Kie dito.
"okay."
"I'm hungry."
"Ano?"
"I said i'm hungry."
"Anong gagawin ko?" So what kung gutom siya?
"Pabusugin mo ako."
What the F? Nanlaki yung mga mata ko na para bang hindi ako makapaniwala. Anu daw? Papabusugin ko siya? Aba bastos---
"That's not what I meant" Umiling siya. "Wag kang assuming. Nagugutom ako. Lunch na tayo."
"Tch. Okay okay!" Hindi naman ako assuming eh. Lol.
_
Pumunta nalang kami sa foodcourt kasi madami naman pagpipilian dun.
"Stay here. Ako na bibili ng foods." Aba naging gentleman ata? Wow ha.
"Okay."
Iniwan ko muna si Kie duon. Kumuha na rin ako ng table naming dalawa. Umupo nalang ako habang naghihintay.
"Ah hi miss." Nagulat ako nung may dalawang lalaki sa tabi ko. "Pwede ba namin malaman pangalan mo?"
"Ha eh... Bakit?" Mukha silang manyak nung isa niyang kasama.
"Ah kanina pa kasi kami nagagandahan ng friend ko eh." Tinignan niya yung kaibigan niya tska sila tumawa. Nakakakilabot. Geez.
"Uhmm..."
"EHEM."
Pagkatalikod ko nakita ko si Xander na hawak yung tray na may laman ng foods namin. Kanina pa ba siya andyan?
"Babe, who the fuck are they?"
ANONG PINAGSASASABI NIYA!?
"Ah sorry po kuya akala po kasi namin single si miss." Singit nung isang lalaki.
"Sorry she's mine. You may now go."
ANO DAW!?
"Ah sige po kuya. Pasensya. Sige po alis na kami." Nagmamadaling umalis yung dalawang lalaki.
Umupo si Xander na para bang walang nangyari.
"Hoy Kie! Ano yun!?"
"Ang alin?" Patay malisya pa eh hindi nga siya makatingin sakin.
"Anong Babe at She's Mine!?"
"Bakit? Nagustuhan mo ba yung sinabi ko?" Kumindat kindat pa siya habang sinasabi yun. -_-
"Hindi!"
"Joke lang yun! Asa ka naman. Hindi kita type nuh! Sinabi ko lang yung para layuan ka nila. Tapos ikaw naman kasi pa cute cute ka pa jan. Tss.. Halata naman hindi mapagkakatiwalaan yung mga yun eh."
"Hindi kaya! Sila yung lumapit sakin! Tska hello?! Hindi din kita type!"
"Sus kunwari pa."
"Hindi ikaw ang type ko! Si---"
"Kumain ka na nga lang babae ka! Ingay ingay. Psh..."
Okay fine. Tss. Ang bossy talaga kahit kelan nito. Nakakainis din eh! Hindi man lang ako pinatapos. Psh whatever.
"Tapos na ako. Bili ulit tayo ng ice cream." Halla ang bilis naman niyang matapos! Eh ako nga hindi ko pa nakakalahati. May dragon ba siya sa tyan? Aish ang takaw pa niya.
"Okay! Psh..." Ice cream nanaman. Paborito niya talaga ice cream noh?
_
Dito ulit kami sa Dairy Queen.
"Anong flavor you want?" Tanong ko sakanya.
"Oreo."
"Okay." Pumila na ako. Blizzard nalang din nanaman yung inorder ko kasi matakaw naman 'to si Kie.
Kinuha ko na yung ice cream kaso nung pabalik na ako sa table, may nabangga ako.
"Ouch!" Buti nalang hindi ako natumba pero muntikan lang nahulog yung ice cream.
"Sorry po."
Parang nanigas ako. Hindi ako pwedeng magkamali eh. Siya yung may balak bumugbog kay Xander! Kaboses na kaboses niya at malaki din yung katawan niya. Nakakatakot.
Tinanaw ko ulit siya at nandun siya sa kabilang bench. Naka black siya na cap at naka leather jacket. Hindi mo makikita yung buong katawan niya. Nakakatakot siya.
Binalikan ko nalang si Xander. Inabot ko sakanya yung Ice Cream niya.
Pagka abot ko tinikman niya agad. Excited much?
Habang kumakain ng ice cream si Xander ako naman malapit nang matunaw yung ice cream ko. Hindi kasi maalis yung tingin ko sa lalaki na may balak kay Kie eh.
"Hoy panget ano bang problema mo dyan?"
"Huh?"
"Muntanga ka dyan eh!"
Psh! Inaalala kasi kita! Stupid.
"Ha? Ah wala. Ubusin mo na nga yang ice cream mo." Kalma lang Anna. Baka mahalata ka nyan.
"Ubos na." Halla siya. Ubos na? Bakit parang ang bilis naman?
"Okay." Tinignan ko yung ice cream ko at wala na, tunaw na.
"Restroom."
"Huh?"
"Punta ako ng restroom." Tatayo na sana siya kaso pinigilan ko.
"Teka!" Hinawakan ko yung braso niya. Lumingon siya sakin na may ngisi sa labi.
"Gusto mo sumama sakin?" Pervert! Binitawan ko agad yung kamay ko sa braso niya.
"Bilisan mo." Baka sundan ka nila. Nakakatakot.
"Dyan lang ako sa malapit." Umalis na siya.
Tinignan ko yung lalaki kanina andun pa rin siya. Tinignan niya yung pwesto ni Xander kung saan siya pupunta at may nilabas siyang phone sa bulsa niya. Halla signal siguro yun ng mga kasama niya.
Lintek iba na 'to!
Agad agad akong pumunta papunta sa restroom.
Pagkadating ko dun sa isang corner walang tao tapos tahimik.
Maya maya may biglang humablot ng ulo ko tapos tinakpan niya yung ilong ko gamit yung panyo.
Parang nawawalan na ako ng malay. Nawalan na nga talaga ako ng malay.....
Kookie asan ka na ba!?
Itutuloy.....