GNGSTR 34
*Goodbye <//3*
[Monica’s POV]
2 weeks na kaming di nagpapansinan. Naiinis ako. Di ko alam kung bakit. ( > _ < )
Aish Monica nahihibang kna naman!
Lagi na lang sya wala, di ko alam kung ano ba pinagkakaabalahan nya. Tapos si Jin ang lagi kong kasama. Bantay sarado ako kaya di ko masundan si Prince. Di ko lam kung ano ba talaga ginagawa nya.
WAAAAAAH MISS KO NA KASI SYA EH! ( T __ T ) *kawag sa kama*
*Click*
OMO andyan na sya! Bumukas na yung ilaw e. Ayt! Magtutulog-tulugan na lang ako. Bahala sya. Dun naman sya matutulog sa kwarto nya e. :3
*knock knock*
“Mhie? Gising ka pa?” sabi nya mula dun sa kabilang side ng pinto.
Di ako umimik. Bahala sya.
“Bubuksan ko na to ah.”
Tapos may narinig akong naglalakad palapit sa higaan ko. Nagpanggap pa rin akong tulog.
“I’m sorry.” Bigla nyang sabi. Saka sya nagbuntong-hininga. Iminulat ko na lang mata ko. Nakataklob kse ako ng kumot e.
“Alam ko galit ka sakin dahil di ko pinapaalam sayo mga ginagawa ko. Sorry din dahil di ko magawa ung responsibility ko bilang asawa mo. Tangna kasing buhay to e. Pangako ko babawi ako sayo. Sana naririnig mo ko. Promise ko pag natapos na lahat ng kagaguhan na yun, pupunan ko lahat ng pagkukulang ko sayo. Goodnight. Mahal na mahal kita.” Tapos umalis na sya. Papunta siguro sa kwarto nya.
“Mahal na mahal din naman kita eh. Sana naririnig mo din ako.” Nasabi ko na lang. Saka may mga likidong nalaglag mula sa mata ko.
//morning
Pagkagising ko, as expected, wala na naman sya. Naglinis lang ako saglit ng bahay saka lumabas para mag-grocery. Saturday naman so wala kaming pasok. Obviously. =_________________=
Paglabas ko ng gate, may nakita akong nakaparadang Audi sa labas. Tapos may dalawang magkamukha ang nagtatalo. -_-
“Hoy! Kung gusto nyong mag-away, wag sa harap ng bahay ko. Layas layas!” sabi ko ng pabiro dun sa kambal.
“Grabe naman to. Sa gwapo naming to papalayasin mo kami?” – Arden
“Oo nga. Tss,” – Ardell
“HAHAHA! Siraulo ka tol! Nagbibiro lang ako. Ako lang yung gwapo no. Asa ka naman!” – Arden
Ayan na naman po sila. Pag-uuntugin ko to eh. ( = ___ = ) Kaya kesa awatin sila, naglakad na lang ako palabas ng village para humanap ng sasakyan papuntang mall. Sa may Supermarket muna ako. Tsaka magkikita-kita din kami nina Sheina at Alleth eh.
“MONICAAA!!!” lumingon ako sa likod at nakita ko ung sasakyan nung kambal.
“Oh? Anong problema nyo?”
“San ka papunta?” – Ardell
“Sa mall bak—”
“AY WAG DUN! SA IBA NA LANG!” – silang 2
Huh? Oh eh bat naman? ( - __ ^ )
“At bakit? Dun ko gusto eh.” Sabi ko.
“Eh kse, Sabado ngayon, panigurado madaming tao dun!” – Arden
“Oo nga. Matatagalan ka pa dun. Kaw din, nakakapangit kaya ang maghintay.” – Ardell
“Uy double meaning!! Binasted ka no? HAHAHAHA” – Arden.
“Pakyu with all my heart. ( - __ - )” – Ardell
“Dyan na nga kayo.” Iniwanan ko sila dun pero wala eh, ang bilis, then I found myself,
Sa loob ng kotse nila. ( = ________ = )
At yun nga, sa isang malaking supermarket na lang nila ako dinala. Hindi na sa mall. Tinext ko na din sina Alleth na hindi nga ako makakarating dahil sa busit na kambal na to. Tas ayun, tinawanan lang nila ako. Yung totoo, kaibigan ko ba sila?
“Hoy kambal tuko! May tinatago ba kayo sakin?” tanong ko sa kanila, tas bigla naman silang napatigil.
“Wala, bilisan mo na dyan.” seryosong sabi ni Ardell.
Sinunod ko na lang sya, pero ewan, bigla akong kinabahan eh. Pero wag naman sana masama ung mangyari.
[Sheina’s POV]
Nandito kami ngayon ni Alleth sa NBS, natingin ng ilang books. Bibili kase ako ng Insurgent eh. >3< Ang pogi kase ni Caleb. *O*
Tas un nga, biglang nagtext si Monica na di nga sya makakarating kasi binitbit daw sya nung kambal. HAHAHAHA.
Nung nabili na namin lahat ng kelangan namin, nagpunta kami ng KFC for lunch. Susunod sina Lance at Trex samin e. <333
Pagpasok namin, may isang di magandang scene.
Si Prince at Louise, sweet na sweet habang kumakain. Susugurin sana si Alleth kaso pinigilan ko.
Tangina! Kaya ba wala sya lagi sa bahay nila kse iba ang inaasikaso? F*ck you Prince! ( > __ < )
[Monica’s POV]
After namin mag grocery, bumalik na ako sa bahay. Pagpasok ko pa lang ng gate, may iba na akong nararamdaman eh. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
Pumasok na ako sa bahay at inayos lahat ng pinamili ko. bumalik ako ng kwarto ko para magpalit ng damit. Di ko alam kung anong nagtulak sakin at pumunta ako sa kwarto ni Prince.
Biglang akong nanlambot sa nakita ko.
Empty closet.
And a letter on his bed, saying,
“I LOVE YOU. BUT I HAVE TO SAY GOODBYE.”
<///3