GNGSTR 30: Babe Couple <3*

2.8K 51 3
                                    

GNGSTR 30

*Babe Couple <3*

[Monica’s POV]

                Okay. Di ko kinaya yung kay Jin kanina. Ang isang cool na tao ay ganun kabaduy ang ginawang endearment sa kanyang… wait, sabi nya di naman daw nya girlfriend yun. So I assume, fling lang?! Pero baka hindi. Aiy bahala sya!

                After ng ‘Pabaduyan ng Endearment’ sa loob ng Supermarket, dumiretso na kami sa bahay para sa foodtrip nay an. At ang bargas na si Prince, iniligaw silang lahat. Palibhasa kasi di pa sila nakakarating sa amin. Maski yung address di din nila alam. Napag—usapang convoy na lang pero tong lalaking to, nagawa pang iligaw mga yon!

                “Walanjo Dhie! Ang sama neto!” natatawa kong sabi sa kanya habang nakapark kami sa may street side na hindi nila kami mapapansin. Hahaha

                “Kaya mo nga ako mahal eh. *wink*”

                “Ay ang kapal!!” inirapan ko na lang sya kaya natawa na lang sya.

                After 5 minutes, niyakag ko na syang umalis dun. Kakaawa na mga yon. Baka kung san na napadpad tsaka tinatadtad nila ako ng tawag at texts! Ampupu naman kasi tong lalaking to eh!

                “Haha. Tara na nga.” Inistart na nya yung engine at umalis na dun. Since di nga nila alam yung bahay, tinext ko na lang sa kanila yung exact address na may post script pa na ang nakalagay eh, “Si Prince awayin nyo. Wag ako. Sya nagmamaneho. V ( ^ ___ ^ )” HAHAHA. Baka ako mayari eh!

                Kung gano ako kabilis nagtext sa kanila, ganun din sila kabilis nagreply:

                Sheina: Hayup yang asawa mo! Muntik na kaming mawalan ng gas! >_<

                Alleth: Wag daw sya papakita kay Baby mamaya. Hahaha. XDD

                Jin: T@ngna nya kamo! HAHAHA. -_-

                Arden: May suntok yan sakin mamaya. Ang daming badjao sa dinaanan nyo potek!

                Ardell: Inangyan! Naubusan ako ng gas! T_T Buti na lang may gas station malapit sa tinigilan ko. Dieeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!! >___________<

                HAHAHAHA. Utas na kami kakatawa dito sa loob habang binabasa ko yung mga reply nila ng malakas. Laftreeeep!! XDD

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon