Tears of Joy

By duderry

2.8K 77 4

Simple + Cute + May baby fats + Nakakalokang Humor = Joyce B. Castro Just like you, she once fell in love... More

Tears of Joy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 7

125 4 0
By duderry

Joyce' POV


Umuwi ako kagabi sa bahay namin. Nagulat nga si Mama at kung kelan gabing gabi na daw saka ko pa naisipang dumalaw. Hindi ko rin alam pero dito ako dinala ng mga paa ko. Pagkatapos ng mga nangyari kagabi pakiramdam ko sobrang binigay ko na lahat ng meron ako. Nagpakababa ako pero hindi pa rin ako yung pinili nya. Masakit pero dapat siguro ay tanggapin ko na lang ang katotohanan. Pero paano? How will you "unlove" a person?


"Ohh anak ang lalim naman ng iniisip mo?" Putol ni Mama sa pagmomoment ko. Kanina pa siguro siya nasa loob ng aking kwarto.


"Wala po May. Masakit lang po talaga yung ulo ko." Pagdadahilan ko na medyo malapit naman sa katotohanan.


"Namumugto ang mga mata mo.. Kapag handa ka na lagi mong tatandaan na nandito lang si Mamay para makinig.." Niyakap lamang ako ni Mama. Haaayyy..


"I love you Mamay.." Paglalambing ko.


"Mahal ka namin. We are so proud of you Anak.. You are so precious for us, please don't let yourself be drowned in the past. Learn how to forgive and eventually you will learn how to forget. Mahalin mo rin sana ang sarili mo hindi yung puro nalang ibang tao.." Paalala sakin ni Mama. God is really good na kahit ano pang pagsubok hindi niya ipararamdam sayo na nag-iisa ka. It is indeed true that Mother knows best.


**

Umalis na ako sa bahay namin. Medyo nakakamiss rin pala yung lugar kung saan ka lumaki. Kahit every month naman akong bumibisita ngayon ko lang napansin na marami na rin pa lang pagbabago ang nangyari dito. Ibang ibang sa dinsenyo na kinalakihan ko' yung kwarto ko nalang ata ang hindi pa nakakamove on. Parang ako mismo.. Haayy.. Ayan ka na naman.. Paano makakamove on kung patuloy mong binabalikan?


Simula ngayon dapat maging masaya na si Ligaya. Good vibes na lang dapat. Papasok pa lamang ako sa opisina ni Mr. Samaniego ng magsalita ito.


"You're 5 minutes late!" Bungad na bati nito habang nakatutok ang tingin sa kanyang relo.


"Kas-"


"I don't wanna hear any excuses. Whatever it is, for me it's not enough." Seryosong putol nya sa sinasabi ko. Sasabihin ko sana ang daming tao sa elevator. Kung bakit ba naman kasi yung isang elevator ay pang VIP lang at hindi pwedeng ipagamit sa iba.


"Ano ba kasi talaga ang gagawin ko dito?" Naiiritang tanong ko dito. Oo may kasalanan ako sa kanya pero hindi ibig sabihin nun magpapakaalalay na ako ng bongga.


"We are going to Tagaytay."


"Again??" Gulat na tanong ko. "Ahh ok.. Gets ko na. Pramis akong bahala ipapaliwanag ko lahat. Sana lang pakinggan nya tayo.."


"Lets' go.."


Sa wakas nakarating na rin kami. Bawas awkward moment dahil natulog lang naman ako buong byahe. Hindi rin ako masyadong nakapahinga ng maayos kagabi kaya bawing-bawi ako ngayon. Pero teka bakit parang ibang lugar ata ito. Hindi naman ito yung restaurant kahapon. Parang mansion ito eh, paano ba naman may isang malaking bahay akong natatanaw sa harapan ko. Napaliligiran ito ng mga puno at halaman. Ang ganda talaga.. Sobrang nakakarelax siguro dyan sa loob.. This is my dream house! Kanino kaya yan? At nasan na nga ba yung kasama ko??

Parang narinig agad ni Lord ang tanong dahil maya-maya'y biglang bumukas ang pintuan ng kotse. Nakita ko ang pagpasok ni Lawrence sa loob. Nagulat ako ng lumapit ang kanyang mukha sa akin. Dahan-dahang hinawakan nito ang aking baba.. Ano bang ginagawa nya?


"Yung laway mo tumutulo.." Pang-aasar nito.


Teka.. sabi sa inyo slow ako..

Nakakahiya ituuu!!


"Excuse me normal yan." Depensa ko habang inaalis ang kamay nya sa aking mukha. Kinapa ko na rin kung may laway nga at mukhang tama nga siya.


"Ang normal kapag tulog, gising ka na diba." Pambabara nito. Ang lakas talaga mamikon ng isang ito. 


"Pumasok ka na sa loob ng bahay, hanapin mo si Manang Tere para makakain ka na." Pahabol na paalala niya. Medyo nainis ako kaya di ko napigilang magsalita.


"Anong meron at nagtatagalog ka ata?" Sagot ko habang nag-iinat.


"Move!" Matigas at may pagbabanta nyang bigkas sa mga salitang iyon.


Napakabipolar talaga nun.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Astig yung bahay na ito' medyo may pagkaOA nga lang sa laki. Kita mo nga naman talaga ang mayayaman, sa tingin ko limang pamilya ang kasya dito eh. Hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga' paano ba naman kahit medyo kulang pa sa mga gamit at muebles maganda pa rin. Pero teka naliligaw na ata ako. Anong oras na nga ba? San ko naman kaya hahanapin si Manang Tere?

Busy ako sa pagtingin sa paligid ng may lumabas mula sa kung saan kaya't nagulat ako. "Ayy puk—"


"Ano?" Tanong ng isang matandang babae. Ito na siguro si Manang Tere.


"Puk---sain!" Akala ko po monster kayo na dapat puksain." Nakangiting paliwanag ko with matching peace sign. Kaysa naman aminin ko na ang sasabihin ko talaga dapat -toot-. Sinubukan kong tumawa to lighten up the mood pero mukhang hindi ito natuwa sa akin. Patay..


"Ako ang hanap mo diba. Sumunod ka!" Tumitig muna ito sa akin. Taray, hinead to toe ako.. At nagtaas pa ng isang kilay bago tumalikod. Makautos lang si Manang eh. Confirm nasa teritoryo ako ng hari. Eto ohh may kauri.


"Ang sungit.." Wala sa sariling bulong ko habang sinusundan sya.


"Matanda lang ako pero hindi ako bingi. Kumain ka na dyan' dalian mo't ng matulungan mo na si Sir Lawrence. Ngayon lang ako nakakita ng empleyadong kantulog!" Dire-diretchong sabi nito habang inilalagay ang pagkain sa lamesa. Pustahan may baka pinagdadaanan si Manang! Malabo naman kasing meron siya.


"Hindi naman po kasi ako empleyado. Kliyente ho namin sya. Pero pasensya na rin po.." Paghingi ko ng paumanhin. Woooohh.. Joy chillax! May edad na yan kaya't wag mo na lang patulan. Bahala ka kapag inatake yan bigla' ikaw rin..

Tahimik lamang akong kumain. Nilakihan ko talaga ang bawat subo para matapos ako agad. Naging awkward ang surrounding dahil sa presensya ni Manang Tere. Tantiya ko nga wala pang tatlong minuto yung pagkain ko. Tumayo na ako para ligpitin ang pinagkainan ko nang biglang sumulpot si Manang.


"Ako na riyan at baka makabasag ka pa. Mabuti pang tulungan mo na lang si Sir Lawrence sa taas."


Sinunod ko na si Manang at gaya nang sinabi niya dumerecho na ako sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. Habang busy ako sa pagmamasid sa paligid isang malaking painting ang napansin ko sa may bungad nito. Hindi ako pwedeng magkamali, sigurado akong si Jiann iyon. Nakasideview sya na parang may tinatanaw. She look so naturally beautiful. Simple lamang ang kanyang ayos ngunit walang nabawas sa kanyang kagandahan. Ang ngiti nyang iyon ang syang bumuhay sa painting na ito.


"Huwag mo nang titigan yan, kahit anong titig mo hindi mo sya makakahawig." Singit ni tanda sa gilid ko. Imbyerna talaga ito eh.


"Ganyan ho tayo! Konting lait pa ho' di ko pa kasi feel." Sarkastikong pagkakasabi ko. Ito siguro ang tagapagtaguyod ng "Cean" yung loveteam nina Lawrence at Jiann.


"Oy Ineng hindi kita nilalait. Nagsasabi lang ako ng totoo." Paninindigan nito. Lord pwedeng kunin niyo nap o si Manang este ibig ko hong sabihin gawin niyo na po siyang busy.


"Infairness po sa inyo masyado kayong honest. Try nyo po magsinungaling minsan baka magkasundo tayo." Nakangiting sabi ko.


"Tinuruan pa ako ng masama. Teka ngang bata ka, kanina mo pa ako dinadaldal e. Umiistayl ka pa' ayaw mo talagang magtrabaho noh?" Pagdidiin pa sakin ni Manang. Aba't kita nyo nga naman.


"Manang ipapaalala ko lang po. Kayo ho ang nang istorbo sa pagtitig ko sa painting na ito. Kung hindi lang ho sana kayo dumating edi sana kanina ko pa natulungan si Sir Lawrence. So Manang if you'll just excuse me akyat na po ako." Paakyat na sabi ko with matching smile na hanggang bunbunan. 


Limang minuto na akong naghahanap dito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matagpuan ang hari. Isang malaking liwanag ang umagaw sa aking pansin kaya't dali-dali akong pumunta doon. Malakas na simoy ng hangin ang bumungad sakin dahil sa may malaking veranda pala dito. Napakaganda ng view.. Tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng kanilang property. Yung infinity pool na ngayon ko lang nakita. Yung perpektong pagkakaayos ng mga halaman sa paligid. Matatayog na puno na animoy sumasayaw. Haaayy.. This is life! Feel na feel ko ang sariwang hangin ng biglang may nagsalita sa likod ko.


"So you're here.."


"Obvious ba?!" Sabay pihit ko paharap sa kanya. Ohhh my God!! Bakit sya topless???!!! Kanina lang mahangin dito pero bakit parang bigla atang uminit kung kelan hapon na? Ohh tukso.. Ohhh tukso.. Tuksuhin mo pa ako!! Hahahah. Mali! Ano ba to' Joy wag mong sabihing luluhod ka na rin sa hari? No way!


"Enjoying the view?" Taas kilay na tanong nya.


"Hindi noh!" Pagdedeny ko. Mamatay na umamin! Kahit na titig na titig pa rin ako sa kanyang mayamang abs hindi ako aamin. Ohh Lord patawarin nyo po ako dahil mukhang unti unti akong tinatablan ng makamundong pagnanasa!


"Really? Eh bakit kanina ka pa nakatingin?" Nakangisi na sya ngayon habang humahakbang papalapit sakin.


"Hah??" Ninenerbyos na sagot ko sabay lunok ng malalim. Paano ko ba lulusutan ito. Pakiramdam ko pati kaluluwa ko pulang-pula na sa kahihiyan.


"Kanina ka pa nakatingin sa labas diba? I thought you're enjoying the view." Kunot noong paglilinaw nya.


"Ahh- eh .. Oo! Oo nga' perpekto. Halatang pinaghirapan.." Sagot ko na hindi malaman kung yung abs ba nya o yung property ang tutukuyin ko. Joy naman tigilan ang kalandian.


"Yeah. I've worked hard for this. For my future family.." Saad niya na parang ang lalim ng pinaghugutan.

Ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Para kong nasa ilalim ng hipnotismo. Nakikita ko ang sarili ko sa kanyang mga mata. Yung taong nababalutan ng kalungkutan, taong nangungulila, taong iniwanan.. Yung hindi pinakinggan. Itong ito ako lalo't kapag naiisip ko ang mga bagay na isinakripisyo ko para kay Vincent. Naalala ko na naman yung sakit dahil gaya ko nasasaktan rin si Lawrence. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may humihila sakin na iligtas sya. Unti-unti kong hinawakan ang mukha nito. Mababakas sa kanya ang pagtataka ngunit nanatili pa rin sya sa kanyang pwesto. Pumatak ang aking mga luha kasabay ng pagpatak ng maliliit na tubig mula sa langit. Umuulan na pala..


"I know you feel guilty. Don't be.. It's not your fault." Hinila nya ako papasok sa loob. Hawak nya na ang kamay ko.


"Sorry.." Nakayukong sabi ko. "Anong oras na ba? Saka nasaan na raw si Jiann?" Agad kong bawi ng kamay ko sa kanya. Ayokong madatnan kami sa ganitong eksena kundi siguradong gulo nanaman ito.


"Its 2:30 pm and she's not coming. Kung giniginaw ka humiram ka kay Manang ng pamalit sa damit mo." Tumalikod na sya. With just a snap parang walang nangyari. Mukhang back to normal ang mood. He's being cold again.


"Teka nga.. Nalilito ako, akala ko ba kakausapin natin sya?" Pahabol ko.


"Who told you? I didn't say anything like that. Just to make things clear isinama kita dito para tignan yung mga parte ng bahay na lalagyan ng furniture. Sabi ng Papa mo marunong ka naman daw sumukat. The designs are in the sala, I already made sure that the things you need are there. So now, take charge." Bilin nito bago tuluyang dumerecho at pumasok sa isang kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 5.9K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
1.2M 51.8K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
10.2K 400 27
"Sa dinami dami ng pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa babaeng ibinenta sa isang makapangyarihang nilalang pa." The woman who died in the car accid...
144K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...