Marrying Mr. Boring (Publishe...

By simplychummy

8.9M 184K 17.8K

si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa i... More

MARRYING MR. BORING ('till boreDAMN do us part)
CHAPTER 1 (DEALING WITH SUPERMAN)
CHAPTER 2 [LIFE OF MR. BORING]
CHAPTER 3 [HER SMILE]
CHAPTER 4 [THE GANG]
CHAPTER 5 [bachelor's list]
CHAPTER 6 [CHEF'S DAUGHTER]
CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]
CHAPTER 8 [THE MEETING]
CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]
CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]
CHAPTER 11 [ I DO]
CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]
CHAPTER 13 [MY LIFE AND MY FUTURE]
CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)
CHAPTER 16 [MR. & MRS.]
CHAPTER 17 [you and me]
CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]
CHAPTER 19
CHAPTER 20 [TELL ME WHY]
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24 [FAR AWAY]
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)
CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]
CHAPTER 39
EPILOGUE
SIMPLYCHUMMY'S THANK YOU NOTE

CHAPTER 22

178K 3.7K 354
By simplychummy

CHAPTER 22

After three days…

[AGA]

“Are you ready?” tanong ni Liam sakin nung pumasok sya sa kwarto ko. Nilingon ko naman sya para sagutin.

“Yep. Let’s go” sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya sa akin. Kinuha ko na yung purse ko na nakalagay sa may ibabaw ng kama ko.

Bumaba na kami papunta sa kotse nya. Papunta kami ngayon sa Resort World, dun kasi gaganapin yung LV event. Yes, ngayon yun, at tulad nang napag-usapan kasama ko si Liam. Ito yung first public appearance namin as a married couple. One month and 3 weeks na kaming kasal ni Liam, so meaning papalapit na kami nang papalapit sa katapusan.

Nauna na akong pumasok sa kotse nya habang sya ay nilock yung bahay nya. Maya-maya lang ay pumunta na sya sa may driver seat at may iniabot sya sa aking magazine. Kinuha ko naman yun at tinignan sya ng nagtataka. Nag-umpisa na syang magdrive at saka ko lang natitigang mabuti yung magazine.

“Oh my! Bakit mas nauna ka pa saking magkaroon ng copy?” sabi ko sa kanya habang dali daling binuklat yung magazine hanggang dun sa page na pictures ko yung laman.

“Kung hindi ka lang kasi matagal na nawala edi sana mas una mo pang nakita yan” sabi nya na may halong tampo sa tono ng boses nya.

Natawa naman ako sa sagot nya. “Ayan na naman, sorry na nga diba? Andito na ako oh” sagot ko.

“Oo na oo na, next time kasi magsama ka.” sagot nya sa akin

“May pasalubong naman ako ahh? Saka alam ko namang busy ka eh.” pang-aasar ko sa kanya.

“Kahit na.” apela ulit nya.

Hindi nya kasi matanggap na nagpunta ako ng Paris. Yung araw na nabalitaan ko kina Nats na nasa Pilipinas na ulit si Margareth, fine.. Margareth WAS my mother. Past tense, dahil magmula nung iniwan nya kami ni Daddy natapos na ang pagiging nanay nya sa akin. Since wala naman akong pwedeng puntahan dito sa Pilipinas na walang ganong makakakita sa akin kaya I decided na magpunta sa Paris at mag-tour mag-isa.

Three days lang naman akong nawala, hindi nila ako macontact nun dahil sinadya kong i-off yung phone ko and pati yung mga appointments ko ay pina reschedule ko. Sige na, NADUWAG ako. Hello? May possibility na magkita kami ni Margareth, anytime and anywhere, pareho lang kaming nasa Metro Manila at idagdag pa na active ako sa mga social gatherings. Kelangan ko ng time para mag-isip dahil hindi ko alam kung pano ko ano yung magiging reaction ko kapag biglaan kaming nagkita.

Nung last day ko sa Paris saka ko tinawagan si Liam. Para sabihin kung nasan ako at uuwi na din ako. Puro sermon lang naman ang inabot ko sa kanya, kung ano ano daw kasing palusot yung sinasabi nya kay Daddy nung wala ako. At hindi ko kinaya yung reaction nya nung sinabi ko sa kanyang nasa Paris ako. NAGALIT SYA.

Sinundo nya ako sa airport nung araw na umuwi ako at yun hindi nya ako pinansin buong byahe hanggang sa makadating kami sa bahay at kung bakit? HINDI PA DAW SYA NAKAKAPUNTA SA PARIS. Kaya nagalit sya sakin dahil hindi ko man lang daw sya niyaya doon. Tinakot nya pa ako na hindi nya ako ipagluluto kapag hindi ko naiuwi yung Eiffel Tower. Kaya ako naman naglast minute shopping pa para lang maghanap nang replica or kahit scale model lang nung Eiffel Tower. Bumili ako nung keychain saka isang replica na may naka-engrave na pangalan nya sa flatform, muntik na nga ako mahuli sa flight ko.

“Apacing out huh? Nakangiti ka pa dyan.” puna nya sa akin. Napatingin naman kaagad ako sa kanya

“Reminiscing the beauty of Paris.” pang-aasar ko sa kanya at ngumiti pa ako sa kanya.

Umiling na lang sya at binaling ko yung atensyon ko sa magazine na hawak ko.

“Any violent reaction about these photos?” tanong ko sa kanya at tinuro ko pa yung mga pictures ko. Saglit lang naman nyang tinignan dahil nagdridirve nga sya.

“You must thank Camilla for doing your make-up.” sabi nya nang natatawa

“I am gorgeous even without make-up, so ano nga?” pangungulit ko pa rin

“Fine, honestly you look great and yeah you were right it’s decent, great job.” Sagot nya.

Natuwa naman ako sa sinabi nya, syempre ito yung dahilan nung pagtatalo namin noon eh. Kaya naman importante sakin yung opinion nya ngayon about sa pictures ko.

“I told you.” pagmamalaki ko sa kanya

“May bayad yun.” sagot nya

“Hey, I gave pasalubong naman ahh.” Apela ko. Nagtawanan na lang kami buong byahe

Malapit na din naman kami sa venue kaya naman tinext ko na sina Nats, na malapit na kami, syempre dahil ako ang kasama ni Liam. We are late. Ok na kami nga mga friends ko, saka hindi din naman kasi nila kasalanan kung nakita ni Nats si Margareth.

Nagreply naman agad si Nats kay sinabi ko kay Liam na nasa loob na sila. Naghahanap na nang parking space si Liam. Pagkatapos ipark ni Liam yung kotse, agad na din kaming naglakad papuntang entrance.

“Iba talaga kapag sina Dylan at Chi ang nag-ayos, entrance pa lang ang ganda na.” sabi ko naman habang nandun na kami sa entrance at ibinigay ni Liam yung invitations namin.

“Great, after so many years, ngayon lang ulit ako pumunta sa isang event na hindi related sa trabaho ko.” sagot nya ng natatawa

“Yeah right. Kaya you should thank me at nakakita na ulit ng ibang tao” biro ko sa kanya.

Syempre ito na naman tayo, bawat hakbang namin ni Liam papunta sa mga friends ko ay may babati sa amin. Konting kwentuhan. Konting puri sa mga suot nila or sa ayos nila. At mawawala ba naman ang mga random shots ng iba’t ibang mga media. Hindi kasi pedeng simpleng hi, hello lang. Dahil nasa isa kaming social gathering/event na puro professionals, models, stylist, make-up artist, celebrities and designer ang nandito so much better kung lahat sila kamustahin mo, lalo na ako, dahil trabaho ko to.

Napansin ko naman na medyo naiilang na si Liam dahil sa dami nang bumabati sa amin at lumalapit. Idagdag mo pa yung mga guy models na halos wala naman sa amin kung magyakapan kami at magbeso kami. Yes, normal na sa amin yun.

“Don’t tell me, lahat sila kilala mo?” bulong sa akin ni Liam

Nagsmile na lang ako sa kanya at nag-nod.

“Friendly ka pala.” dagdag pa nya

Tinignan ko naman sya ng masama at ngumiti lang sya saken.

Maya maya lang ay nakita na rin kami nina Cams kaya naman lumapit sila sa amin ni Liam.

“Lira baby, you’re late” bati sa akin ni Dori at yumakap sya sa akin

“Hi Liam” bati naman nya kay liam at bumeso sya.

Niyakap din naman ako nung iba at nag hi din sila kay Liam at isa isa na nila akong hiningan ng pasalubong

“Hey Liam, welcome to Aga’s world.” Sabi ni Chi at nagtawanan naman sila

“Don’t worry Liam, masasanay ka din.” sabi naman ni Cams sa kanya

“Just enjoy the event and relax” sabi ni Dee

“So, what can you say about Aga’s world? I mean… you know, you’re a workaholic man and this girl *turo kay Lira* is such a party animal.” curious na tanong ni Dylan

“Yeah, yeah. Hahaha. Actually it’s kinda awkward especially when everybody is approaching us and I never thought she is friendly.” sabi naman ni Liam

“Hahaha. Hindi sya friendly Liam, madami lang talaga nakakakilala sa kanya, hello? Sino ba naman kasing hindi makakakilala dyan eh halos lahat na ata inendose nya.” natawa naman kaming lahat sa sagot ni Nats

“Actually Liam we are glad that you came, even if socialization is not your forte.” pang-aasar ni Dee kay Liam

“Hey, tigilan nyo na si Liam baka mamaya biglang umalis yan” sabi ko naman para tumigil na sila

“Pinagtatanggol” pang-aasar sakin ni Cams

“Oo nga naman guys, baka nga naman biglang umuwi si Liam at sumunod sya, alam nyo na, mahal eh.” sabi ni NAts

Nagtawanan lang sila at ako naman tinignan ko nang masama si Nats, habang tinignan lang ako ni Liam. Err. Ang daldal talaga ni Nats. Tinignan ko si Liam

“What?” inosenteng tanong ko sa kanya

Tinignan ko naman ulit yung mga kaibigan ko at sinabi kong.

“Duh? Natural susunod ako kapag umalis sya, wala kaya akong kotseng dala.” sabi ko sa kanila na tinawanan lang ako.

Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan at minsan ay may mga random media na mag-iinterview samin ng konti tapos aalis na. Yung iba naman kukuhanan lang kami ni Liam ng pictures. Ipinakilala ko din si Liam sa ilang nakatrabaho ko na. Syempre hindi naman pwedeng tumanggi si Liam dahil kasama sa L&L terms and conditions namin na kapag may media, ngingiti sya.

Nung napagod at medyo nagutom na kami sa pakikipag-usap. Kumuha na kami ng pagkain at nagpunta sa isang table. Since busy naman yung friends ko na makipag-socialize kaya naman kaming dalawa lang ni Liam yung magkasama. Siguro kung ako lang mag-isa kanina ko pa naikot yung buong venue at nakipag-usap sa lahat. Dahil nga sa dami ding nakakakilala sa akin kaya kahit saang table ako umuupo.

“Bakit hindi mo samahan sina Dione?” tanong nya nung nasa table na kami

“Andyan lang sila, saka kalat kalat naman talaga kami kapag sa mga ganitong event, alam mo na, wala ka dapat pinipiling samahan kapag nasa isa kang malaking event.” Sagot ko sa kanya at kumain

“Bakit naman?” curious na tanong

“Hindi pwede ang loner dito at may sariling mundo. You will only look stupid. Why? Kasi bakit ka pa pupunta sa isang social gatherings kung hindi ka makikipag-socialize. Right?” sabi ko sa kanya

“So you mean we look like stupid right now?” tanong nya

Nagtaka naman ako sa tanong nya. “I don’t get it” sabi ko

Tumawa muna sya bago itinuro yung pwesto namin. Nasa pinaka dulo pala kami at corner pa. Medyo malayo sa lahat kaya naman pala medyo nawala yung mga media at medyo tumahimik din.

“Tss. Except us of course.” sabi ko na lang

“You know what?” sabi nya ulit

“What?” sagot ko

“Thank you for bringing me into your world Lira” seryosong sabi nya

“Thank you for accepting my crazy world Liam” sagot ko naman sa kanya

“By the way, magkakaroon ka ulit ng photo shoot para sa hotel” sabi nya sa akin

“Sure, dahil technically you’re my husband kaya bibigyan kita ng discounts” sabi ko sa kanya

“Tss. Kaya lang ok lang ba sayo kung kasama ako sa photo shoot?” tanong nya

“Bakit? Para san ba yan?” tanong ko sa kanya

“For the month of June, you know. You need to wear a bridal gown and --“ pinutol ko na yung sasabihin nya

“You mean, June bride? Ganon?” paninigurado ko

“Yep. So ok na? Sabihin mo na lang sakin kung kelan ka free para mag-start na” sabi nya

“Hey, di pa ko pumapayag” sagot ko naman.

“Nag-yes ka na kaya” sabi nya

At nung aapela pa sana ako. Isinubo nya sa akin yung cake. So wala na akong nagawa kundi kainin yung cake na sinubo nya sa akin. tss.

Nag-kwentuhan pa kami ni Liam hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi na muna kami umalis kaya naman hindi na namin napansin na niligpit na lang nung waiter yung pinagkainan namin at inalok kami ng maiinom na kinuha naman namin. Hindi ko akalain na ma-e-expirience kong magkaroon ng sariling mundo sa ganitong klaseng event. LV event to. LOUIS VITTON EVENT. Isa sa mga pinapangarap nang madaming model na event na puntahan. Syempre naman malaki ang possibilities na maging endorser sila or kahit man lang magkaroon ng libreng bag na worth a million pesos.

But here I am, stuck with my Mr. Boring, whose worth than a million pesos. Breaking the walls between us and starting to build a sweet memory.

Not until someone from nowhere spoke

“GOOD EVENING EVERYONE”

And then every sweet memory we built vanished into a thin air.

Sabay kaming napatingin ni Liam sa nag-salita. Napatayo pa nga si Liam e.

“Lana” sabi nya

Napatingin ako kay Liam na hanggang ngayon nakatingin sa nagsasalita at hindi nya ata namalayan na naglalakad na sya papunta sa harapan. Leaving me behind, of course. Good evening pa lang yung sinabi ni A.D iniwan na ako ni Liam, pano pa kaya kung mas madami na dun ang sinabi nya? Hindi ko pa nga na-aamin sa sarili ko na mahal ko na si Liam, talo na ako.

Sinundan ko lang ng tingin si Liam habang sumiksik sya sa mga tao, napansin ko namang nakatingin sina Dori akin and they mouthed “are you ok?” at ngumiti ako sa kanila at tumango.

Yeah. I think I’m ok o kinukumbinsi ko lang yung sarili kong ok ako? Hindi ko alam bakit parang biglang bumigat yung pakiramdam ko nung nagpunta si Liam sa harapan at iniwan ako.

Mahal ko na ba talaga sya? Wala akong idea kung ano ba talaga ang pakiramdam ng nagmamahal.

I’ve never been in love.

Susundan ko ba sya?

****************************************

Continue Reading

You'll Also Like

99.7K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
3.5K 119 53
Humanda ka ng umiyak, tumawa, magtatalon, magulat at mabaliw sa kababasa ng mga akda ni John Meinard Salamat Ito'y nagsimula sa mga post nya sa faceb...
4.2M 22.8K 7
[The Walkers Trilogy #2] [Sequel to 'The Perverted Vampire] Savannah Kier Walker will never be normal. From the very start, she knew that she's diffe...
21.7M 362K 54
Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in short sya ay mermaid.. in tagalog.. isa...