Dahil Minahal Kita

By WRITING_LOVE_STORY

31.4K 575 27

Ako si YVANA ISIDRO. Ako ang babaeng nagmahal ng sobra sa lalaking nagngangalang WAYNE VILLAFUERTE. Sa maikl... More

Author's Note
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44 (Ang Huling Parte)

KABANATA 7

600 16 0
By WRITING_LOVE_STORY

NAKARAAN...

YVANA...

"TEN YEARS! seryoso ka yvana? paghihintayin mo ng ganun katagal si wayne?"

gilalas na tanong ni cathy sakin nang maikuwento ko sa kaniya ang pinag-usapan namin ni wayne isang linggo na ang nakakaraan. ilang araw na din mula ng mailibing si tatang at hanggang ngayon nalulungkot pa din ako sa pagkawala niya. isama na ang problemang naiisip ko din tungkol sa maiilit na naming lupa.

sa totoo lang aaminin ko, nang dahil sa presensiya palagi ni wayne pakiramdam ko gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. hindi ko alam kung anong klaseng magic ba ang nangyari sakin dahil kung tutuusin wala pang dalawang linggo mula nang magkita at magkakilala kami ni wayne. heto ako para bang nahuhulog na ata sa kaniya.

masaya ako kapag nakikita ko siya, nakakasama ko siya at nakakausap. para bang ayoko ng matapos ang oras sa tuwing magkasama kaming dalawa.

"siya ang may sabi e, sabi niya maghihintay daw siya kahit ten years pa. hayun tinanggap ko ang sinabi niya at doon masusubukan kung sincere nga ba talaga si wayne sa sinasabi niya"

sagot ko habang inaayos ko ang mga file na dapat ko ng ayusin na nasa mesa ko. nasa trabaho kami ngayon ni cathy at yun nga napagkukuwentuhan namin nito si wayne.

"alam mo ikaw, hindi ko alam kung ano din ba ang nandiyan sa utak mo noh? hindi mo ba naisip na sa sampung taon e napakadaming bagay ang puwedeng mangyari?"

hindi pa ding makapaniwalang saad ni cathy at ako naman itinigil ko muna ang ginagawa ko para sagutin ang kaibigan ko.

"alam ko naman yun e. kaya lang..."

huminga muna ako ng malalim bago muling nagpatuloy sa aking sasabihin.

"okay aamin ko na. sinabi ko lang naman yun kay wayne para malaman ko nga kung seryoso o sincere ba siya sa mga sinasabi niya sakin. alam ko namang masyadong matagal ang sampung taon. siyempre hindi ko naman siya paghihintayin ng ganung katagal na panahon. ang akin lang kasi, gusto kong makita kay wayne at gusto kong mapatunayan niya sakin na gusto talaga niya ako at... ah basta ganun na yun"

pag amin ko sa aking kaibigan at agad namang ngumiti si cathy sakin ng kakaiba.

"hhmm.. teka nga muna.. ano ang ibig mong sabihin diyan sa mga sinabi mo ha?. type mo din si wayne noh? may nararamdaman ka ding something para sa kaniya.. akala ko ba hindi mo priority ang mga lalake? e bakit ngayon sinasabi mo yan at parang biglang may nakikita akong kislap sa mga mata mo habang binabanggit mo ang pangalan niya?.. naiinlove kana sa kaniya noh?"

nanunudyong saad ni cathy at nag-iwas naman ako ng tingin sandali sa kaibigan ko dahil sa nahihiya ako.. nahihiya ako sa kaniya dahil kinain ko ang mga sinabi ko na hindi ko priority ang lalake at ngayon nga, heto ako nagkakagusto na agad kay wayne na halos kakakilala ko lang.. hindi lang gusto. mukhang nahuhulog na ata talaga ako.

"hoy yvana bakit ka umiiwas ng tingin ha? umamin ka sakin, naiinlove kana kay wayne noh?"

patuloy ni cathy at wala akong nagawa kundi sabihin sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko para kay wayne.

"sige na nga aaminin ko na.. oo nasabi ko nga sayong hindi ko priority ang magkaroon ng boyfriend dahil hindi naman ako naghahanap at masaya ako sa pagiging single ko. pero nang makilala ko si wayne.. ewan ko ba? parang may magic na nangyari sakin. alam kong kakakilala ko lang sa kaniya. parang ang bilis lang kung sasabihin kong nahuhulog na ako or may iba na akong nadarama para sa kaniya.. pero cathy yun talaga ang nararamdaman ko e. masaya ako kapag nakikita ko si wayne o kapag nakakasama ko siya.. pakiramdam ko nahuhulog na yata talaga ako sa kaniya"

pikit mata kong pag-amin kay cathy at impit naman na napitili ito dahil sakin.

"hay naku sinasabi ko na nga ba e.. noong una palang nararamdaman ko na. may espesyal kayong nararamdaman ni wayne para sa isat isa. alam mo naiingit nga ako sayo e kasi ikaw ang natipuhan ni wayne.. nainlove siya sayo--"

"anong inlove? malay mo naman hindi pala siya inlove sakin, baka----"

"hay naku yvana magitigil ka nga! basta malakas ang pakiramdam ko. type na type ka ni wayne at hindi ko alam kung bakit hindi mo nakikita sa kaniya yung love na nadarama niya para sayo kapag tinitignan ka niya.. eighh nakakakilig kayong dalawa.. bagay na bagay kayo ni wayne alam mo ba yun? wayne at yvana.. yvana at wayne.. eeigghhh... bagay.. bet na bet.. congrats my friend.. sa tingin ko mukhang magkakaboyfriend kana at ang suwerte mo day, si wayne ang first boyfriend mo at siguraduhin mong siya na din yung last.. huwag mo na siyang pakakawalan pa okay? dahil kapag nakawala siya. sayang naman.. baka hindi kana makatagpo uli ng lalakeng katulad ni fafa wayne!"

kinikilig na pahayag ni cathy at iiling-iling nalang ako sa mga pinagsasabi nito.

"alam mo ikaw, ni hindi pa nga siya nanliligaw sakin. yan na agad ang mga pingsasabi mo.. e diba nga ang gusto niya sa ngayon friends nalang muna kami"

"o e ano ngayon kung friends palang kayo ngayon e doon din naman ang punta nun noh. ang ending magiging kayo din ni wayne. congrats my bestfriend dahil magkaka-boyfriend kana din sa wakas!"

"alam mo nakakapagtaka ka. bakit para atang mas masaya kapa sakin tungkol samin ni wayne? diba nga type mo din siya?"

"oo type ko si wayne pero kung ikaw talaga ang gusto niya. sino ba naman ako para pigilan siya sa nadarama niya? ang ibig kong sabihin. alangan namang ipilit ko kay wayne ang sarili ko sa kaniya e ikaw yung bet na bet niya diba? alam mo masaya ako para sayo yvana at sana lang talaga si wayne na ang mr. right mo!"

kay laki ng ngiting wika ni cathy sakin sa huli at napapangiti nalang ako sa kaniya.

WAYNE...

"HI YVANA, hello cathy!"

salubong ko kay yvana pagkalabas niya ng trabaho kasama si cathy. sinadya ko talagang hindi ipaalam kay yvana na pupuntahan ko siya ngayon sa trabaho niya upang yayain siyang lumabas ngayong gabi.

mukhang hindi naman inaasahan ni yvana ang biglaang pagsulpot ko ayun nalang sa kaniyang hitsura.

"hi wayne kamusta kana?"

bati at tanong ni cathy sakin.

"heto okay lang naman, thanks.. ikaw?"

sagot ko at pangangamusta ko din kay cathy..

"heto ayos lang din. kagaya ng dati sobrang ganda pa din"

sagot ni cathy at natawa naman ako ng marahan dahil sa kakuwelahan nito.

"wayne ano ang ginagawa mo dito?" takang tanong ni yvana sakin kapagkuwan.

"heto sinusundo kita, yayayain sana kitang lumabas e. pasensiya kana kung hindi ako nakapagsabi sayo na pupuntahan kita ngayon dito ha. gusto ko lang kasing i-surprise ka. saka baka kasi hindi ka pumayag kung tatawagan lang kita at yayain kita sa telepono kaya heto nagpunta nalang ako dito para kornerin ka"

saad ko at parang kinikilig namang napahagikgik si cathy sa amin ni yvana...

"shucks nakakakilig naman. biruin mo yun yvana.. friends palang kayo ni wayne niyan ha.. hindi pa siya nanliliigaw pero ang suwet suwet na talaga, nakakatuwa. ang haba ng hair mo girl, nilibot ang buong baryo ng san manuel"

nakita kong siniko ni yvana si cathy dahil sa panunudyo ng kaibigan at para bang nahihiya ito o naiilang ngayon dahil dun.

"so yvana, mukha yatang may alam na si cathy sa mga napagusapan nating dalawa ha?"

nanunudyo din at panghuhuli ko kay yvana at biglang namula naman ang mga pisngi nito at halos hindi magawang makatingin sakin ng diresto.

"ay oo wayne tama ka! naikuwento na nga sakin ni yvana kanina. sabi niya maghihintay ka daw sa kaniya ng ten---"

"cathy puwede bang tumigil kana!"

maagap na pag saway ni yvana sa kaibigan dahil sa pagiging taklesa pagkatapos sikuhin uli ito.

"ah wayne, bakit ka nga pala nandito?"

pagiiba ni yvana ng usapan at alam kong sinadya niyang gawin yun upang mawala ang atensiyon ng usapan sa kaniya. ganun pa man hindi ko na nga pinansin ang ginawa niyang yun at sinagot ko nalang ang tanong ni yvana dahil baka mainis na naman siya sakin kung itutuloy ko ang usapang ayaw nitong pag-usapan namin.

"diba nga sabi ko, gusto sana kitang yayaing mamasyal ngayong gabi. yun ay kung okay lang sayo?"

"saan naman tayo pupunta?" tanong ni yvana.

"khit saan.. kahit sa perya na nakita ko diyan, kung gusto mo. pero bago yun.. sigurado akong hindi ka pa kumakain ng dinner kaya kung gusto mo din.. kumain nalang muna tayo sa labas bago tayo pumunta ng perya. so ano, ayos lang ba sayo yun?"

umaasa kong hiling o tanong kay yvana at mataman naman siyang tumingin muna sakin na parang nagiisip kung papayag ba o hindi sa pagiimbita ko sa kaniya.

bago pa man makasagot si yvana. muling nagsalita si cathy.

"ay wayne, alam mo kahit feel na feel ko din sanang sumama sa inyo ni yvana.. hindi nalang ako sasama kasi alam ko namang mas okay kung hindi ako bubuntot sa inyo diba.. alam kong mas kailangan ninyong dalawa ang makapagsolo kaya ngayon pa lang aariba na 'ko"

nanunudyong pahayag ni cathy at nang akmang aalis na nga ito. agad itong pinigilan ni yvana sa braso..

"cathy saan ka pupunta?"

tanong ni yvana sa kaibigan at para bang natatakot uli ito ngayon na makasama ako ng kaming dalawa lang.. alam kong ayaw ni yvana ng kami lang ang magkasama dahil simula nung umamin akong gusto ko siya.. pakiramdam ko naiiilang siya palagi sakin at parang nahihiya na ewan.

"o di ano pa? iiwanan ko na kayong dalawa ni wayne.. sige na aalis na ako para makapagsolo na kayong dalawa.. huwag kang mag alala my friend at sigurado akong safe na safe ka kay wayne.. kung sakali mang kagatin ka niya, kagatin mo na din siya para masaya! sige na aalis na ako, ba-bye!. balitaan niyo nalang ako bukas kung anong nangyari okay.. ingat kayong dalawa. enjoy!"

at yun nga umalis na si cathy habang si yvana ay napamaang nalang sa kaibigan dahil sa agad na pag iwan saming dalawa.

"so paano yvana? okay lang ba sayo na yayain uli kitang kumain ng dinner sa labas at mamasyal mamaya sa perya?"

pang-iimibita ko uli ng kami nalang ni yvana at humugot naman muna siya ng isang malalim na hinga bago tumango at sinabing...

"may magagawa pa ba ako e iniwan na nga ako ng kaibigan ko diba? saka sayang naman yang alok mo. malilibre uli ako ng hapunan at hindi lang yun mag eenjoy pa ako ngayon sa perya kaya sige na nga pumapayag na 'ko"

kunway napipilitang sagot ni yvana ngunit napapangiti naman siya sakin ng sabihin yun. maging ako ay napapangiti din talaga dahil pumayag si yvana na sumama sakin. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...