Tears of Joy

By duderry

2.8K 77 4

Simple + Cute + May baby fats + Nakakalokang Humor = Joyce B. Castro Just like you, she once fell in love... More

Tears of Joy
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 2

149 4 0
By duderry

Joyce' POV



"Be patient... We're going there."


Infairness! Ako lang ba o talagang ang lakas makamanyak ng boses nito? Parang tinanong ko lang kung nasaan yung sasakyan nya eh sagutin daw ba ako ganyan! Lord tulong' nakakapanghina ng tuhod eh! woohh! ok. Joyce, kalma ulit.. Kahit anong sabihin magpatay malisya ka.

"Hop in." Sagot nya with blank expression. Hindi na nakaakatuwa to ha' sakayan ba agad??!

"Miss Castro stop staring at me. I said hop in." Naiinis na sabi nito. Paanong hindi ako matutulala eh pinagbuksan nya ako ng pinto!!! Grabe naman.. feeling ko tuloy level 101 ang kagandahan ko today.

"Eto na nga diba. Excited masakyan?" Wala sa sariling sagot ko. Nyemas. Compose yourself' tandaan hindi ka manyakis para mag-isip ng kung anu-ano dyan!! Woohh!

Nasa loob na kaming dalawa. At dahil tahimik sya kayo na lang ang kakausapin ko. Gusto nyo ba idescribe ko yung sasakyan nya? Well. Maganda naman..Hahaha! Akala nyo sobrang ganda noh?!! Ayoko naman kasing sabihin nyong inosente at OA ako makareak porket nakakita at nakasakay sa isang Black Audi R8. Oh diba alam ko talaga! Medyo mahilig kasing magday dream yung kapatid ko sa mga sasakyan kaya kahit papano nahahawa na rin ako! Hahaha XD

Kaiisip ko ng kung anu-ano eh hindi ko na napansin na ang unti-unting paglapit nya sakin.. Hahalikan nya ba ako?! Ang smooth gumalaw ng isang ito ha! Eto na.. Malapit na.. eto na talagaaaa...

"I said put on your seat belt." Bulong nito sakin.

So yun na yon? False alarm! Hahaha' praktis manlang.  (A/N: Oa talaga ang bida kaya nakikiusap ako pagpasensyahan nyo na po sya. hahaha. Wag nalang tayong tumawa! XD)

"Hobby mo ba talaga ang pagiging tulala?" Nabigla ako hindi sa tanong nya kundi sa pagtatagalog nito. Kita nyo nga naman! Nagmukha lang akong call center agent kakaenglish hindi manlang sinabi na Pilipino pala sya!! Kung bakit ba naman kasi mukhang Greek God. Akala ko tuloy imported!

"What's on your mind?" Follow up question nito. Wowowowow! Close kami? Fc din to masyado e.

"Look, am just curious. But if you don't wanna answer its just fine. Ako man siguro walang ginagawa yan din magiging hobby ko." Paliwanag nya sabay ngiti. Kung nagawa ko pang magbiro kanina ngayon bigla atang umurong ang dila ko.

"Akala ko naman free ride ito. Di mo manlang ako ininform na ang bayad pala sa pagsakay ay matinding pang-iinsulto. Edi sana mas pinili ko nalang gumastos kesa tiisin yang pangmamaliit mo." Mapait na sabi ko. Oo mapait talaga. Sobra ang bitterness na nararamdaman ko eh. Ano akala nya magpapaapi ako? Hell no! Wala akong pakialam kahit kliyente pa sya ni Papa. Sumosobra na eh. Gwapo na sana, may pagkagago lang. Haaay naku' wala talagang perfect.

"Easy.. I'm just kidding." He laugh a bit, he seems to enjoy annoying me. Hindi na ako sumagot dahil naiinis na rin talaga ako. Isa na lang bingo na ito sakin. Patitikimin ko sya ng pompyang.

Mukha namang nakadama sya kaya bigla atang natauhan. "Sorry. I didn't mean to offend you." His eyes looks so apologetic. May konsensya din naman pala.

"I wish you really do.." Nakayukong sagot ko para mas lalong makonsensya. Bwahaha!

Tahimik Ang aming naging byahe. Walang gustong bumasag dito hanggang sa makarating na kami sa tapat ng isang malaking building.

"RIOZO.." Halos pabulong na bigkas ko sa pangalan ng kompanya. Hala! Bakit nandito kami? Kilala ko ito dahil kahit papano nakakapagbasa din naman ako ng magazines. And besides madalas din silang mafeature sa ilang business ads dahil isa ito sa pinakasikat at pinakamalaking kompanya sa Asya. Real estate, malls, construction, bank, oil and petroleum.. They almost venture into anything. Parang nilalaro nalang nga ng may-aari nito ang pagnenegosyo. Ang swerte naman ng may-ari nito.

"Follow me.." Basag nito sa paghanga ko sa aking paligid. Gash. Kung di lang to kliyente ni Papa di ako susunod dito. Lumabas na ako sa sasakyan at nakita ko syang inabot ang susi ng kanyang sasakyan sa lalaking naghihintay sa harapan nung building.

Ang taray!! Peymus pala sya' kanina pa kasi may bumabati samin sa daan kaya haring-hari kung maglakad. Tapos dun naman sa elevator ni isa walang nangahas na sumabay. Ang bigat diba! Exclusive.. At matapos ang 105 seconds namin sa elevator. Estimated count ko lang naman yan. :D Tada!! Nakalabas na kami. Nasa RIOZO ako kaya expected na maganda talaga ang interior design sa loob. Wala akong napansin na tao doon sa lugar dapat ng secretary. Patuloy na sinundan ko lang itong si Mr. Sa--- di ko talaga matandaan ang apelido nya- patungo sa isang pintuan. Sino kaya ang pupuntahan namin dito?

Nakapasok na kami at habang kinikilatis ko ang kabuuan nito bigla syang dumerecho na sa isang desk sabay upo sa swivel chair. Teka nga, bakit umeepek sya ng ganyan? Laking pagkabigla ko ng mabasa ang nakapatong sa desk.

Mr. Lawrence F. Samaniego
                CEO-RIOZO

Tulad ng sinabi ko kanina "Haring hari nga talaga. So Samaniego pala ang apelido nya.. mali siguro yung dinig ko kaya akala ko Sanduguan o Sandinuguan.. Buti nalang hindi ako nagpadalos dalos sa pagtawag sa kanya. Nice one Joyce! Moving on, teka.. Ohhh my GASSHHH! CEO sya ng RIOZO????!!! 😳🤑😱 Deym! Nakakaproud naman si Papa! Sinong mag-aakala na magiging kliyente nya ang may-ari ng RIOZO?

Biglang may pumasok na babae.. Medyo may katandaan na to' ngunit pormal at maganda pa rin kung manamit. Mukhang seryoso ang pag-uusap nila hanggang marinig ko yung "You can leave now."

Nalito tuloy ako bigla. Ako daw ba? Siguro ako dahil bakit nya naman paalisin eh nag-uusap pa nga sila. Dahil doon ay nagsimula na akong tumalikod at maglakad paalis.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong nito na syang nakapukaw sa atensyon ko upang tumigil sa paglalakad.

"Sabi mo you can leave now." Baling kong muli dito.

"Silly. I'm talking to my Secretary so obviously it's not you." Sabi nya sabay hawak sa kanyang mga sintido sa batok. Bad trip na kaya to sakin?

"So here's the one hundred thousand cash. For my down payment. If you need anything don't hesitate to call me." Inabot nya sakin ang isang mallit na leather bag. One hundred thousand na ito?

"How can I be so sure na hundred thousand ito?" Taas kilay na tanong ko.

"Try to check it if you want. Bilangin mo. Bahala ka." Hamon nya sakin, nasa boses nito ang matinding iritasyon.

At dahil sigurista ako binilang ko talaga.

Nasa 87 thousand na ako ng magsalita syang muli.

"I know that you didn't expect me to pay today that's why I already asked Baby to make a contract, just wait for a minute. You need to sign afterwards." Sabi nya habang tinitignan yung mga designs. Maya-maya'y pumasok na ulit ang secretarya nya.

"You sure everything that I said is written in here?" Pormal na tanong ni Mr. Samaniego dito.

"Yes Sir." Papaalis na sana yung matanda ng biglang magsalita si Mr. Samaniego.

"Thank you baby.." Hahaha! Epik' Infairness ke Lola Baby nagbablush pa! Putek!!

"Ok fine' oo nga pala. Anong number mo?" Curious na tanong ko. Wag kayong ano. Hindi ko sya gagawing textmate. Ang sabi nya kasi "don't hesitate to call me" kaya naman kailangan ko ang number nya. #galawangbreezy

"Here's my contact number." Sabay abot sakin ng calling card.

Tinitigan ko lamang ito. "Ayoko nyan. Puro landline, wala akong load pantawag." Pagdadahilan ko. At saka sigurado kasing hindi kanya ang number na yun kundi sa opisina. Mahirap na' pano kung urgent?! hahaha. Para-paraan ako pero may point naman di ba?

"Sabihin mo na lang number mo." Sabi ko habang hinahanap ang cp ko sa loob ng bag ko. Ilang minuto na ang lumipas at hinahanap ko pa rin ang aking cellphone tinititigan nya ako.. yung titig na parang gusto nyang sabihin ang mga katagang. "Don't waste my time and just give me your fucking phone."

"Teka.. chill.. hinahanap ko pa." Nakangiting sabi ko to brighten up the mood. Lintek. Wala talaga ang phone ko.

"Forget it. Here's a phone. Nobody's using that one. You can have it." Sabay kuha ng box sa ibabaw ng mesa nya. Any volunteer please!! Pakisampal po ako ng lima. Kabilaan ha. Di nga? Binibigyan nya ba talaga ako ng iPhone??? Take note ito yung pinaka latest ngayon!

"No Mr. Samaniego. Kukunin ko na lang yang calling card."

"Don't worry ipinadala lang yan ng isang phone company. Maybe they just want me to try it. But I have a phone so nobody will use that anyway." Pagpapaliwanag nya.

"But-"

"Go get it. Don't make me repeat myself and most importantly, can you please stop talking so much." Seryosong sagot nya. Mukhang sinabihan nya akong madaldal pero ayos lang yan! Iphone na ito ohh.. choosy pa ba? Masamang tinatanggihan ang grasya kaya naman..

"Akin na! Pero hindi ibig sabihin kakaltasin mo to dun sa ibabayad mo sa tatay ko ha" Paglilinaw ko. "Yaan mo isosoli ko na lang after nung deal.." wehh?

"No need. Just throw it if you want." Walang ganang sagot nya. Mga mayayaman nga naman talaga!

"Salamat.." Naibigay nya na ang number nya kaya naman paalis na sana ako.

"Wait. You still need to sign this."

"Ayy oo nga pala!" Nawala sa loob na sabi ko. Masyado akong naoverwhelm sa iphone kaya excited umalis. Haha..

"Sign here." Baling nya sakin.

"Wait.. excited lang?! Kala mo siguro hindi ko napapanuod sa tv to noh' syempre dapat basahin ko muna." Tumatango pa ako habang kunwari'y nagbabasa para mukhang makatotohanan.

"Okay. Nabasa ko na lahat." Sagot ko sabay kuha sa ballpen na nakapatong sa mesa.

"Ok so it's my turn to sign, my pen please.." Taas kilay na sabi nya.

Hahaha! nasarapan ata ako' hindi pa nakunte sa iphone pati ba naman ballpen balak ko pang arborin! Tama daw bang ilagay sa loob ng bag ko yung ballpen nya?!

"Ah. Hehehe.. Here.. Sorry." Sabi ko with matching peace sign. Pagkapirma nya ay agad nyang inabot ang kontrata sa akin.. sabay abot ng kamay nya na para bang gusto e makipagholding hands. Nakatitig lang ako sa kamay nya...

I know that this is just a simple gesture.

I don't know but I can't move mine.

"Please stop looking at me like that. It's just a hand shake. No big deal." Aniya.

Dahan-dahan kong inabot ang aking mga kamay sa kanya. Kung sobrang lamig ng kamay ko ganun naman yung kinainit nung sa kanya.. bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya naman agad akong bumitaw.

"Ahm.. So I'm leaving now. Thanks again." Patalikod na ako ng biglang nyang hawakan ang aking braso. Mas lalong nagwala ang puso ko. Hala. Bakit ganito?

"Miss Castro hatid na kita." Sabay kuha ng susi sa kanyang mesa.

"Ah hindi.. wag na' madami naman sigurong dumadaan na jeep dun." Unti-unti na akong lumakad papalabas ng kanyang opisina.

Bigla akong natigilan sa aking paglalakad dahil sa sinabi nya.

"You're really a stubborn lady. You think may jeep na dumadaan dito? Look, if you're thinking that I just wanna be with you well it's a big no. I'm offering you a ride because you have my money and I wanna make sure that it's safe." Dere-deretsong sabi nya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi naman kasi ganun ang iniisip ko, ayoko lang talaga syang makasama dahil hindi na ako natutuwa sa nagiging reaksyon ng puso ko. Sa totoo lang ang galing ng isang to' may hidden talent!! At yun ay ang mang-insulto habang nang-aapak ng pagkatao. Woohh napakatarantado ng gago! Este talentado nyang tao! Hindi na lang ako kumibo. Please heart alam kong gusto mong madivert ang feelings mo sa iba dahil natatakot ka na baka nakamove on na si Vincent pero sana huwag sa taong ito dahil mukhang wala syang puso!

Nakarating na kami sa parking lot. Tanaw ko na rin ang sasakyan na naghatid sa amin dito kanina. Pumasok na sya sa loob at saka binuksan ang pintuan ng kotse.

"San tayo?" Tanong nya habang papaalis na kami sa building.

"Dalhin mo ako sa isang sikat na bar at uubusin ko itong pera mo." Walang kagana-ganang sagot ko. Bakit pa kasi tinatanong diba?! Malamang sa shop ni Papa kami dederecho.

"Tss. Just tell me where is your father shop's located." Mukhang hindi sya natuwa sa sagot ko. Teka bakit hindi nya alam?

Pagkabanggit ko ng lugar ay hindi na kami nag-usap muli hanggang sa makarating na kami sa harap ng shop ni Papa. Lumabas na ako agad dahil alam ko namang hindi nya ako pagbubuksan pa ng pinto.

"Pasok ka muna para makapag-usap na rin kayo ni Papa.." Pag anyaya ko sa kanya.

"No. I gotta go. I know you can handle things." Blankong sagot nito sakin.

Ok..

Umalis na sya ng tuluyan. At ako?? Eto naiwang nakatanaw pa rin sa pwesto ng kanyang sasakyan kanina. Hindi ito nakakatuwa. Wala na sya pero mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

618K 26.9K 38
Ink Fuego found herself in a situation she never even imagine. Nagising nalang siya isang araw na kailangan niyang sambutin ang responsibilidad na da...
579K 16.2K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
972K 30.9K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...