Battles Of The Gifted Ones

By _SilentPrince_

2.6K 146 15

Never. Never risk something that you don't want to lose. More

PLEASE READ
×Prologue×
×CHAPTER I: Save The Day×
×CHAPTER 2: The Bad Hero×
Chapter 3:
Chapter 4: The Start of the Nightmare
Chapter 5: Despair
Chapter 6: The Kiss and the Trap
Chapter 7: The Killer
Special Chapter : The Story of the Puppeteer
Chapter 8: The Revelation
Chapter 9: Girl on the Rooftop
Chapter 11: Lyra Denaia
Chapter 10: Joker
Chapter 12: Class Picture
Chapter 13: Operation: Blackmail
Chapter 14: Lipsticks
Chapter 15: Infinity
Chapter 16: Library
Chapter 17: Secret's Room
Chapter 18: The Meeting
Chapter 19: Section War
Chapter 20: The War Begun
Chapter 21: Mistakes
Chapter 22: Lies behind Him
Chapter 23: Bloodbath
Chapter 24: Liers go to hell
Chapter 26: The Principal's Secret
Chapter 27: Their Return and their Death
Chapter 28: Lost Memories; The Truths and the Secrets
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter: A Sacrifice
ANNOUNCEMENT
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 25: What She Really Is

45 2 0
By _SilentPrince_

(Flashback)

  A month ago...

Zhraine's P.O.V.

Nakaupo na ako sa aking upuan at binabasa ang isang school news paper. Kalalabas lamang ng balita tungkol sa class 1-Z incident. Mula ng magsimula ang insidenteng 'yon pinagbawalan na kaming lumabas ng school. Naging parang mga preso ang turing nila sa lahat ng estudyante. Ngayon ay tinanggal na ang section na iyon at pinaltan ng class 1-S section, pinakamataas na section sa buong school. Sinunog ng isang estudyante na mula rin sa kanilang section ang buo nilang classroom kasama ang mga tao na naroroon. Labing isang estudyante lamang ang nakaligtas samantalang ang iba ay naging abo at namatay ng walang kalaban-laban.
Kinikilabutan ako habang binabasa ang mga nakasulat dito.

Ibinaba ko ang dyaryo at tumingin sa labas ng bintana. Ang tagal magsimula ng klase naiinip na'ko. Ang sarap sigurong mapunta sa pinakamataas na section. Lahat kami dito sa class 1-E, pinapangarap na mapunta roon pero tanggap na namin na imposible iyong mangyare, but still, I'm hoping that someday I'll be part of that section. I'll do everything.... EVERYTHING para lamang matupad ko ang aking pangarap.

"Tulong..." Isang boses ang aming narinig mula sa labas at sunod nito ay ang biglang pagbukas ng pinto. Gulat na gulat ako sa aking nakita at parang napako ako sa aking kinatatayuan. Si... Si teacher Ria, duguan.

Walang nagtangkang lumapit para tulungan siya, mga takot kami at 'di makagalaw.

"Tu...tulungan niyo siya!" Sigaw ng isa kong kaklase pero lahat kami ay parang walang narinig at nakatitig lamang kay teacher Ria. Maya-maya ay isa pang babae ang aming nakita sa may pintuan, nasa likod lamang ni teacher Ria. Napanatag ang aking loob ng makita ko ang babae dahil ang alam ko ay tutulungan siya nito ngunit hindi ko inasahang siya pala ang gumawa noon kay teacher Ria at pinagtatadtad niya muli ng saksak ang walang kalaban-kalaban naming teacher.

Naghari ang katahimikan sa buong classroom. Pumasok ang babae nang may hila-hilang isang bagay na parang kartilya, may laman itong mga baril, patalim, at kung anu-ano pa.

"A...nong...ginawa mo?" Nauutal na sabi ng aking katabi.

"Kailangan ko pa bang ipaliwanag 'yan? Hindi mo pa ba nakita ang nangyare? Baka gusto mong ulitin ko sa'yo? Bobo kasi! Anyway, I'm Haize Perez, at your service." Sambit niya.

"Sino ka para tawagin kaming mga bobo?!" Matapang na sigaw ni Maika.

"Hindi ba't mga E students lang naman kayo?! Gosh! Mga basura at tapunan lang naman kayo dito ng school!" Sigaw ni Haize.

"Sasabihin ko kung anong ginawa mo... Malalaman ito ng head teacher!" Muling sigaw ni Maika pero bago pa siya makalabas ng classroom at binaril na siya agad ni Haize. Natutula ako. Nagsimula nang manginig ang aking mga binti ng dahil sa takot, alam kong hindi lamang ako kundi lahat kami. "Sa oras na lumabas kayo ng pinto... Pasasbugin ko 'yang ulo niyo." Muli nitong sabi.

"Ano bang kailangan mo?" Matapang kong tanong.

"Gusto kong...... MAGPATAYAN KAYO HANGGANG SA ISA NA LAMANG ANG MATIRA." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niyang iyon. Tiningnan ko ang mga reaksyon ng iba ko pang kaklase at pare-parehas silang mga gulat. "Wag kayong mag-alala, ang taong matitira ay ililipat sa S section. Hindi ba't 'yon lang naman ang gusto ng mga basurang tulad niyo? Sabihin niyong hindi at aalis ako." Muling sabi ni Haize. Naglagay siya ng camera sa unahan at inirecord ang bawat galaw namin. Mukhang balak pa niyang ivideo kami habang pinapatay ang sarili naming mga kaklase. Hindi namin maitanggi ang kanyang mga sinabi. Tama siya... Iyon lang ang gusto namin, ang matanggal sa mahirap at basurang section na ito.

Nang aking marinig ang kanyang mga sinabi... Para akong nabaliw at nawala sa sarili. Siguro nadala ako sa sinabi niyang premyo para sa taong matitira ng buhay. Hanggang sa... Hindi ko na namalayan na nagpunta ako sa unahan ng classroom. Kinuha ang isang baril sa may cart at tinangnan kung ilan ang bala...... lima.

"Zhraine? Anong ginagawa mo?! Don't tell na gagawin mo kung anong gusto niyang mangyare!" Sigaw ng bestfriend ko sa akin. Hindi ko na siya gaanong pinansin at sinabi ko nalang na...

"May the best student... WIN." At nagsimula ko nang barilin ang mga kaklase ko sa unahan ng classroom. Sa bawat kaklase ko na aking natataman ay tumatalsik sa akin katawan ang mga pulang-pula nilang dugo. Ang iba ay kumuha narin ng mga armas sa cart at nagsimulang magpatayan. Dinig na dinig ko ang mga sigawan at pagpupumiglas nila.

Mabilis akong nawalan ng bala kaya kinuha ko ang chainsaw. Matapos ko itong mabuhay ay nagsimula na akong hiwain at pagpira-pirasuhin ang aking mga kaklase. Marami ring mga umaatake sa akin kaya marami narin akong sugat.

Dugo dito, Mga parte ng katawan doon. Hindi ko mapigilang masuka dahil sa aking mga nasasaksihan. Nakita ko si Jill, laging mainit ang ulo niya sa akin, kaya tumakbo ako palapit sa kanya at pinutol ang bawat parte ng katawan niya. Nakakadiri itong ginagawa ko at pati ako ay nangingilabot sa akong sarili. Halos kalahating oras na kaming nagpapatayan at paubos na kami ng paubos hanggang sa napansin kong kami nalang ng bestfriend kong babae na si Zera ang natira. Matagal na kaming magbestfriend, noong elementary pa, pero... kahit siya ay kaya kong patayin matupad lamang ang aking hiling.

Wala nang bala ang baril niya samantalang sira na ata ang chainsaw na aking gamit.

"Bes? Wag nating gawin 'to. Magbestfriend tayo diba?" Mahinhin niyang sabi sa akin habang humahakbang palayo. Katulad ko ay puro dugo narin ang kanyang uniform.

"Oo, hindi kita kayang patayin bes... Lumapit ka sa akin." Sabi ko sa kanya habang palapit na naglalakad sa kanya pero... Sa bawat hakbang palapit na aking ginagawa ay humahakbang siya palayo. "O, bakit ka lumalayo? Lumapit ka sa akin, bestfriends tayo diba?" Muli kong sabi.

"Wag! Wag kang lumapit sakin! You're such a freak! Alam kong balak mo akong patayin!" Sigaw niya sa akin. Tumakbo siya palabas ng classroom kaya hinabol ko siya. "TULONG!" Sigaw niya habang patuloy na tumatakbo. Hindi nagtagal at naabutan ko rin siya agad kaya itinulak ko siya ng malakas dahilan para siya'y matumba sa sahig. Umupo ako sa bandang tiyan niya para hindi siya makatakas at kinuha ko ang ballpen sa aking bulsa. Handa na akong saksakin siya pero naramdaman ko na parang may nakatitig sa amin, isang nakakasindak na tingin. Tumingin ako sa aking gilid at nakita ko ang head teacher namin na nakatayo habang pinagmamasdan ako at si Zera.

"TAPUSIN MO NA SIYA." Sambit ni head teacher at gaya nga ng sabi niya...

"Ikamusta mo nalang ako sa impyerno." Sabi ko sabay saksak sa leeg ng aking bestfriend gamit ang aking ballpen. Nagpumiglas pa siya habang sumisirit ang napakaraming dugo sa kanyang leeg pero di nagtagal... Namatay rin siya.

Hinigit ko ang bangkay niya pabalik ng classroom kung saan naghihintay si Haize at ang aking premyo. Nakarating ako sa classroom. Nanduon parin si Haize, nakaupo at parang inaantok. Pati ang camera ay nakapatong parin sa teacher's table at siguro, nagrerecord parin ito. Pinunasan ko ng aking panyo ang dugo sa aking mukha at mga braso, pati ang uniform ko ay naging kulay pula na dahil sa dami ng dugo na tumalsik sa akin.

"Tapos na ba? Boring." Sambit niya.

"Oh? Ano na? Pwede na ba akong pumunta sa S section?" Tanong ko sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pumalapak habang palapit na naglalakad sa akin.

"Congratulation, Zhraine. You've successfully killed all your classmates at oo, pwede ka nang pumunta sa 10th floor kung nasasaan ang classroom nila but before that, clean yourself first." Sabi niya.

Kinuha niya ang camera at naglakad na palabas ng classroom. Twenty-three kami kanina at ngayon ay ako nalang ang natira. Hindi ko na napigilan at napasuka na ako sa aking kinatatayuan. Dugo ang aking tinatapakan at parang pininturahan ng dugo ang buong classroom. Saka ko na  lilinisin itong classroom. Maliligo na ako at baka mahuli na ako sa klase.

Umalis ako sa classroom ng hindi pinagsisisihan ang aking mga ginawa. It's a dream come true.

(End of Flashback)

Zac's P.O.V.

Nakatitig ako kay Zhraine habang ikinukwento niya ang kanyang nakaraan at kanyang mga nagawa.

"Simula noon ay naging parte na ako ng section na'to. Akala ko dream come true na pero doon pala ako nagkamali... mas maghihirap pala ako sa section na ito at nang bumalik ka, duon na nila ako kinausap at nagsimula ang plano naming lokohin at gamitin ka pero nagkamali sila ng akala... Akala nila'y ikaw parin ang dati at masamang Zac pero nagbago ka na raw." Paliwanag niya. Naaawa ako sa kanya pero alam kong hindi dapat pero hindi ko parin maitatanggi ang nararamdaman ko sa kanya. B*llsh*t! B*llsh*t!! "Pero Zac... Kahit na isang pagpapanggap lang ang lahat... MINAHAL KITA ZAC! Hindi... Ang ibig kong sabihin..... MAHAL KITA ZAC!" Sigaw niya sa akin, muli niyang hinawakan ang aking mga kamay at tila nagmamakaawa na maniwala ako sa kanya...... At ang sigaw niyang iyon ang gumising ng aking isipan. Bakit ako nagagalit sa babaeng dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban... Gusto ko siyang protektahan hangga't makakaya ko. Mahal ko nga talaga siya.

"Enough, Zhraine..... Makakatanggi pa ba ako sa mukhang 'yan?" Sabi ko dahilan para magkaroon siya masayang mukha. Cute is the new Beautiful, diba?

"Ano? Tapos na ba kayo? Nakakaiyak talaga..... Bitches always do that, you know?" Sambit ni Ycezy habang naglalakad palabas. "Tatawagin ko lang 'yung teacher natin. See yah!" Muli niyang sabi.

Hinila ako ni Zhraine palabas ng classroom. Hindi ko alam kung bakit at nacurious ako.

"Okay lang ba sayo? Na... ganito ako?" Tanong ni Zhraine sa akin.

"Don't worry. Past is past kaya naman..... sorry." Nahihiya kong sabi.

"Gusto mong patawarin kita?" Kaniyang tanong.

"Oo." Sagot ko.

"Well, then..." Hindi ko na inasahan ang mga sumunod na nangyare. Bigla nalang niya akong hinalikan kaya naman pulang-pula itong aking mukha pero pinutol niya agad ito. "It's okay. Mahal kita. Sige pasok na ako sa loob." Nakangiti pa niyang sabi. Para akong napako sa aking kinatatayuan at di parin makapaniwala. Nakatulala lamang ako.

Simula ngayon.....

Para sa ikabubuti ng lahat....

Ipinapangako ko na aalamin ko kung sino ang dalawang killer.....

At hindi ko hahayaan na pumatay sila.




I swear.

..............

Continue Reading

You'll Also Like

56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
6.5K 375 13
Anghel Buenaventura is every man's dream girl and what every girl wanted to be. She's not just an Angel in name but also her personality. She's what...
1.6M 27.8K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
7.9M 393K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...