Apple’s POV
Maaga akong nagising ay mali, hindi pala ako nakatulog dahil sa hindi ako dinadalaw ng antok
Iniisip ko kasi kung kamusta na si Misty sa Baguio
Hindi pa kasi nya ko kinocontact mula nung umalis sya kahapon
Hindi natuloy ang engagement dahil ni isa sa ieengage eh wala
*FLASHBACK*
Kasama ko si Misty ngayon sa room nya
May mga nakabantay na guard sa labas ng room nya kaya hanggang ngayon hindi pa namin alam kung anong gagawin namin para makatakas sya
Kanina pa nga kami isip ng isip pero wala talaga eh!
“Alam ko na!” Cass
“Oh anong naisip mo bunso?” ako
“Naaalala mo yung gamot na hinalo ko nun sa ininum nung ex mo?” Cass
“Yung nakapagpa LBM sa kanya in just a minute?” ako
“Oo sis yun nga!” Cass
“Oh anong connect nun?” Misty
“Ang slow…. Adi yun ang gagamitin natin para mapaalis yung bantay sa labas!” Cass
Paminsan-minsan may silbi din pala ang utak ng kapatid ko
Basta kalokohan maaasahan talaga si Cass
May kinuha sya sa bag nya na maliit na bottle at pinakita samin
“Pupunta ako sa kitchen ng hotel at hihingi ng juice, tapos lalagyan ko nito at ipapainum sa kanila! Oh diba ang talino ko!” Cass
“Ang galing mo couz!” Misty
“Tara na simulan na natin” ako
At yun nga nagpunta nga si Cass sa kitchen ng hotel at nanghingi ng 3 juice
Pinatakan nya yun ng gamot na nasa bottle at hinalo
Pagbalik namin sa room ni Misty, inabot nya sa mga bantay ang juice
Agad namang tinanggap ng mga tangang guard yung juice
Pumasok kami sa loob ng nakangiti!
^________________________________^
And in just a minute…..
Wala nang bantay sa labas!
Dali dali kaming tumakbo papunta sa fire exit ng hotel
Hindi kami nag elevator dahil may CCTV dun
Alam naming may nakabantay na tauhan ng lolo namin dun kaya hindi na kami nag elevator
Pagkalabas na pagkalabas namin ng hotel agad na pumasok si Misty sa kotse nya
Nagpasalamat sya samin at umalis na din
Bumalik naman kami ni Misty sa loob na parang walang alam sa nangyari
Nagstart na yung oras ng party pero walang lumalabas na Misty sa room nya
Lihim kaming napapangiti ni Cass sa sobrang tuwa na hindi matutuloy ang engagement ni Misty
Biglang may baabeng tumayo at lumapit sa stage
Pumunta sya sa harapan holding a microphone
“I’m sorry to announce but this engagement is cancelled. Nawawala po ang apo ni Mr. Legaspi at Mr. Villaroel. Thank you so much sa mga pumunta”
Yes! Success!
Pero teka? Wala din si Nate?
Tumakas din kaya sya?
*END OF FLASHBACK*
Kaya eto wala akong tulog
Plus iniipit pa kami ni Mom at Dad para magsalita kung nasaan si Misty
Pero syempre hindi namin ilalaglag ang pinsan namin noh
Kahit grounded kami ni Cass okay lang basta wag lang makasal si Misty sa taong hindi nya mahal
Mahirap kaya yung ganung set-up
Kasi naman sa panahon na to uso pa pala ang arrange marriage na yan!
Misty’s POV
Ang lamig naman ngayon sa Baguio
TT______________________TT
Bakit kasi sa dinami-dami ng lugar eto pa ang napili ni Apple at Cass eh
Pero okay lang tyak naman akong hindi iisipin nila mom at dad na nandito ko
Ang alam kasi nila hate na hate ko ang Baguio
Well hate ko naman talaga, pero ngayong eto ang taguan ko
Love ko na ang Baguio
“Ma’am si Miss Apple po tumatawag” maid
Property ni Apple tong tinutuluyan ko
Hindi alam ni Tito Rom at Tita Cam ang tungkol sa bahay na to
“Hello?”
[Misty, oh ano kamusta?]
“Eto nilalamig, dyan kamusta?”
[Eto pilit kaming pinapaamin nila Dad, pero don’t worry hindi ka namin ilalaglag couz]
“Salamat couz”
[Wala yun hehe oo nga pala may chika ako sayo]
“Ano yun couz?”
[Si Nate tumakas din yata]
“Ha? You mean hindi lang ako ang wala sa party?”
[Yup couz, ang hinala pa nga nila magkasama kayo hahahaha ang daming chika na nagtanan daw kayo. Hindi daw kayo nakapaghintay na ikasal hahaha nakakatawa diba?]
“Natawa ka pa hahahaha pero bakit kaya tumakas din sya?”
[Eh ano pa nga ba? Adi katulad din ng rason mo]
“Hmmm ganun”
[Oh sya I need to hang up, baka marinig pa ko nila Mom at Dad. Ingat ka dyan ha?]
“Kayo din couz ingat”
I ended the call
Haaaayy………nakakakaba yung ginawa namin
Pero atleast hindi na tuloy ang kasal ! YEY!
Nakakaboring pala pag mag-isa lang sa bahay , lalo na pag ganitong kaluwang
Sana naman kasi nandito din si Apple at Cass eh
Mag-isa lang tuloy ako maglilibot dito sa Baguio
“Ma’am Misty kung may kailangan po kayo magsabi lang po kayo ha?” maid
“Uhm sige thanks” ako
Ang ganda ng napiling bahay ni Apple
Ang fresh ng hangin dito plus ang ganda pa ng view
Habang nag sa sight seeing ako umiinum din ako ng hot chocolate
Perfect na sana to kung nandito sila Apple at Cass
“Haaay” ako
Napapabuntong hininga na lang ako
Bakit pa kasi nangyayari to eh
Bakit kasi kailangan pa kong makasal sa bwisit na Nate na yun
Pero atleast hindi lang ako ang may ayaw
Tumakas din sya which means ayaw din nya diba?
Kung hindi pala ko tumakas mapapahiya ako dun, buti na lang pala tumakas ako hahahaha
Yung bago ko ngang phone kinailangan ko pang itapon
Wag lang ako matunton nila Dad eh
May gps kasi yun kaya baka ma trace nila ko
“H-hello po”
Napalingon naman ako
Ang cute naman ng bata na to
“Hi” ako
“Kayo po ba si Miss Misty?”
“Yes, ikaw sino ka?” ako
“Ako po si Ace, anak po ako ng care taker ng bahay ni Miss Apple” Ace
“Ahhh hehehe nice to meet you Ace” ako
“Nice to meet you too po. Tama po pala si Mama, ang ganda nyo” Ace
“Naku ang bata mo pa bolero ka na, pero thank you” ako
“Welcome po” Ace
Pinaupo ko sya sa tabi ko
Okay na din to , atleast kahit bata tong kasama ko hindi na ko maboboring
Cute naman sya kaya ok din
^_______________________________^
“Miss Misty” Ace
“Ate Misty na lang” ako
“Ah sige po a-ate Misty” Ace
“Bakit Ace?” ako
“May boyfriend ka po?” Ace
“Ay bakit mo natanong?” ako
“Wala lang po, ang ganda mo po kasi kaya imposibleng wala po” Ace
Hay nako Ace kung alam mo lang kung anong ginawa ng
Magaling na Austin nay un sakin
“Wala akong boyfriend eh” ako
“Weh? Di nga po?” Ace
“Wala talaga promise honesto hehehehe” ako
“Eh bakit po? Sa ganda nyong yan wala po? Imposible po ahh” Ace
Ang kulit nya pero cute naman kaya pagbigyan hahahaha
“Kasi kakabreak lang namin kaya wala akong boyfriend” ako
“Ha? Bakit po? Ang tanga naman po nya para iwan kayo” Ace
“Buti ka pa na aappreciate mo ko hahahaha” ako
“Hehehehe eh bakit nga po?” Ace
“Ang tanong mo naman hehehe pero ok lang, dahil cute ka sasagutin ko yang mga tanong mo” ako
“Hehehe salamat po ate Misty” Ace
“U hmm nag break kami kasi pinagpalit nya ko sa iba” ako
“Hala ang tanga naman ng ex mo na yun ate”Ace
“Hehehehe sinabi mo pa, osya wag na natin sya pag-usapan. Gusto mo mag gala na lang tayo?” ako
“Lalabas po tayo?” Ace
“Oo, mag mall tayo. Okaya punta tayo sa strawberry farm” ako
“Gusto ko po yan!” Ace
“Sige na maligo ka na at hihintayin kita. Ipagpapaalam na din kita sa mama mo” ako
“Sige po ate!” Ace
Ayun nagtatakbo sya pababa ng hagdan
Halatang excited noh?
Okay din pala kahit wala si Apple at Cass hahahaha
Tumayo na din ako para mag-ayos ng sarili ko
Pinagpaalam ko na din si Ace sa mama nya at pumayag naman kaya okay na
Buti na lang madaming damit si Apple dito at mag ka size kami
After kong mag ayos lumabas na din ako ng kwarto
“Ate tara napo?” Ace
“Ang bilis mo ah hahaha tara” ako
Pagsakay namin sa kotse nagdrive na din ako
Una kaming nagpunta sa mall
Gusto kong ipag shopping si Ace, ang cute nya kasi kaya tuwang-tuwa ako sa kanya
Tyak na pag nag binata to madamingmagkakandarapang babae dito
Habang nagdadrive ako
Busy naman si Ace sa pagtingin sa mga dinadaanan namin
Matagal na din daw kasi syang hindi nalilibot kaya ganun sya
Naisip ko tuloy ang swerte kop ala
Kasi ako nakukuha ko lahat ng gusto ko
Haaay … bigla ko tuloy namiss si Mom at Dad
“Ate Misty, nasaan po yung mama at papa mo?” Ace
“AHh si Dad at mom ko? Nasa manila sila eh” ako
“Bakit hindi nyo po sila kasama?” Ace
“Kasi hindi pwede eh may trabaho kasi sila” ako
Okay I lied
Eh hindi ko naman kasi pwedeng sabihin ng basta basta kay Ace yung rason
Kung bakit nandito ko ngayon at wala ang parents ko eh
Nang makarating kami sa mall nag park na agad ako
Excited na kasing mag mall si Ace
Pagkapark ko ng kotse bumaba na din agad si Ace
Ako naman nakasunod sa kanya
“Ate saan muna tayo?” Ace
“Uhmm.. nagugutom ka ba?” ako
“Uhmm eh opo ate eh” Ace
“Kain muna tayo halika” ako
Hinawakan ko ang kamay nya
HHWW kami ngayon hehehehe kung binata lang si Ace
Siguro mapagkakamalan pa kaming mag jowa , kaso hindi eh hahaha
Sakto namang panira ng araw yung poster ng isang clothing brand na nadaanan namin
Hulaan nyo kung sino yung model nila
Eh sino pa nga ba?
Adi ang magaling kong ex at ang NEW GIRLFRIEND nyang si Selena
>__________________________________<
“Ate Misty hindi naman maganda si Selena diba?” Ace
“Ay eh ah oo hindi naman msyado bakit?” ako
“Gandang ganda po kasi yung pinsan ko dyan eh may balita naman po na mang-aagaw ng boyfriend yan eh. Maganda nga po masama naman ugali” Ace
Mukhang may kakampi ako ah hahaha
Lihim naman akong napangiti sa sinabi ni Ace
Napapagaan talaga ng batang to ang loob ko
“Halika na nagugutom na din ako eh hayaan na natin yang si Selena at Austin bagay naman sila haha” ako
“Sige po. Bye Selena! Bleh hahaha” Ace
Ang kulit hahahaha
Nang makarating kami sa isang fast food chain
Umorder na din agad ako
Masyado nga yatang nadami yung order ko eh hehe
“Ate kaya ba nating ubusin yan?” Ace
“Eh hindi ko din alam eh hahaha” ako
“Hala baka lumaki tyan natin nyan” Ace
“Alam ko na, yung hindi natin mauubos itake-out na lang natin” ako
“Oo nga po noh. Tara po kain na tayo” Ace
Habang kumakain kwento naman ng kwento si Ace
Pangalawang beses palang dawn yang kumain sa kinakainan namin ngayon
Madalas daw kasi pambayad ng utang ang sinusweldo ng mama nya
Ang dami ko ding nalaman tungkol sa kanya
Madami daw nag kaka crush sa kanya sa school nila
pero sya daw ni isa wala pang crush
wala pa daw kasi sa isip nya yun hahahahaha
pagkatapos naming kumain
naglakad na ulit kami
“Saan naman tayo ngayon ate?” Ace
“Saan mo ba gusto?” ako
“Gusto ko po sanang maglaro eh” Ace
“Oh dun tayo sa Tom’s world hehehe” ako
Hinawakan ko ulit yung kamay nya at sumakay sa escalator
Pagpasok namin sa Tom’s world halos lumuwa ang mata nya sa nakita nya
Amaze na amaze sya sa mga mini rides na nakita nya
“Halika bili muna tayo ng token” ako
Pagkarating sa token booth
Naglabas ako ng 200 pesos at binili lahat yun ng token
Binigyan ko muna sya ng 20 tokens
Aliw na aliw naman akong panuorin syang maglaro
Saglit lang nga nyang naubos yung 20 eh
Nakakita naman sya ngayon ng machine na kung saan
Makakakuha ka ng stuff toy
Ang galing nga nya kasi lahat ng 20 tokens namin sulit kasi
Nakakuha kami ng 19 stuff toy yung isa kasi sumablay eh at ako ang may gawa hahahaha
Nung napagod na kami naisip ko munang mag ice cream muna kami
Humanap kami ng ice cream parlor at dun kami kumain
Ang dungis ngang kumain ni Ace eh hahahaha
Feeling ko tuloy may inaalagaan akong baby
“Ate Misty ang saya noh?” Ace
“Oo nga eh ulitin natin to ha?” ako
“Sige po basta libre mo po ulit hahahaha” Ace
“Ahahahahaha oo naman. Ikaw talaga” ako
After namin kumain ng icecream niyaya ko naman sya sa department store
Diba nga kasi gusto ko syang ipag shopping?
Kaya eto todo pili ako ng mga damit na bagay kay Ace
Halos lahat nga bagay sa kanya eh
“Ate nakakahiya naman po sa inyo” Ace
“Ano ka ba Ace okay lang yan, isa pa gusto ko din to hehehe ang cute mo kasi, oh ano pa bang gusto mo? Gusto mo ban g toys?” ako
“L-laruan po?” Ace
“Oo bakit hindi ka naba nagtotoys?” ako
“H-hindi pa po kasi ako nagkakalaruan simula nung masira ko yung binili ni mama sakin na truck truckan noon eh” Ace
“Hmmm I see, halika dun tayo” ako
Hinila ko naman sya sa toy section ng department store
Lahat ng gusto nya binili ko
Gusto ko kasing maranasan ni Ace ang mga naranasan ko noon
Ang sarap nga sa feeling na nakakapagpasaya ako eh
After namin mag shopping, mukhang pagod na si Ace
Niyaya ko na syang umuwi kaso sabi nya gusto pa nyang magpunta sa strawberry farm
Kaya eto nagdadrive ako ngayon papunta dun
“Dadamihan ko ang pipitasin ko ate tapos ipapagawa nating strawberry jam kay mama” Ace
“Talaga? OSige ako din dadamihan ko tapos ipagbebake kita ng strawberry cake” ako
“Promise po?” Ace
“Promise!” ako
Nang makarating kami sa strawberry farm
Excited na lumabas ng kotse si Ace
Nag bayad na muna ko ng entrance fee at agad na ding pumasok sa loob ng farm
Nag paramihan pa nga kami ng nakuha ni Ace eh
In the end talo ko ^_____________________^
After nun umuwi na din kami
Nakakapagod pero ang saya
Sana laging ganito na lang
“AteMisty salamat po ha?” Ace
“Wala yun Ace hehehe sige na tulog ka muna gisingin na lang kita pag nasa bahay na” ako
“Sige po ate” Ace
At ayun nakatulog nga sya
Ang sarap pala ng may kapatid noh?
Akala ko kasi mas masaya ang nag-iisang anak.
Mali pala ko
~~~~~~~~~~~~
Si Ace po yung nasa picture sa gilid :)
ang cute noh? hihihihi
<3 Ladytempo