Battles Of The Gifted Ones

By _SilentPrince_

2.6K 146 15

Never. Never risk something that you don't want to lose. More

PLEASE READ
×Prologue×
×CHAPTER I: Save The Day×
×CHAPTER 2: The Bad Hero×
Chapter 3:
Chapter 4: The Start of the Nightmare
Chapter 5: Despair
Chapter 6: The Kiss and the Trap
Chapter 7: The Killer
Special Chapter : The Story of the Puppeteer
Chapter 8: The Revelation
Chapter 9: Girl on the Rooftop
Chapter 11: Lyra Denaia
Chapter 10: Joker
Chapter 12: Class Picture
Chapter 13: Operation: Blackmail
Chapter 14: Lipsticks
Chapter 15: Infinity
Chapter 16: Library
Chapter 17: Secret's Room
Chapter 18: The Meeting
Chapter 19: Section War
Chapter 20: The War Begun
Chapter 21: Mistakes
Chapter 23: Bloodbath
Chapter 24: Liers go to hell
Chapter 25: What She Really Is
Chapter 26: The Principal's Secret
Chapter 27: Their Return and their Death
Chapter 28: Lost Memories; The Truths and the Secrets
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter: A Sacrifice
ANNOUNCEMENT
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 22: Lies behind Him

28 1 0
By _SilentPrince_

Zac's P.O.V.

Tanaw na ng aking mga mata ang dorm ni Razor. Isang babae ang lumabas mula doon habang si Razor ay pinagmamasdan ang paglalakad nito palayo. Sino 'yon? GF niya? Unbelievable!

"Razor!" Tawag ko sa kanya.

"9 mins. late." Sambit niya habang ipinapakita sa akin ang kanyang relo.

"Sino nga pala 'yong babae? GF mo 'no?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Gf agad? Baliw! Kakilala ko lang 'yon sa class 3-D. Sa loob nalang tayo mag-usap." Sabi niya. Nang makapasok ako ay agad akong nahiga sa kanyang kama at siya naman ay naupo sa sofa. Komportable talaga ako dito sa kwarto niya dahil bukod sa pinsan ko siya, eh bestfriend ko rin siya. Mula pagkabata ay lagi kaming magkasama. Natatandaan ko pa ang ilang mga kulitang pinaggaga-gawa namin... karamihan ay nabura na sa aking isipan, simula noong...

"Zac? Hoy! Bakit kaba natutulala?" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin. Ano na nga ba 'yong iniisip ko? Nevermind.

"Sorry. Anyway, okay ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" Tanong niya na mukhang curious sa sasabihin ko. May kinuha ako sa aking bulsa at ipinakita sa kanya.

"Singsing? Para kanino?" Muli niyang tanong.

"Kanino pa ba? Kay Zhraine syempre. Matagal ko na 'tong binili, wala pa tayo dito sa Secret High, at balak ko itong ibigay sa taong magpapatibok ng puso kong bato... At si Zhraine 'yon. Gusto ko sanang ibigay 'to sa kanya sa oras na makalabas na tayo dito sa impyernong school na'to." Sabi ko habang pinagmamasdan ang singsing na kanyang hawak-hawak.
"Razor... Patingin nga pala ako nung astig mong T-shirt." Muli kong sabi.

"Nandun sa drawer ko." Sambit niya. Kinuha mo yung T-shirt at... Nagsimula nang maghubad pero...

"Teka-teka. Anong... ginagawa mo?" Nauutal niyang tanong sa akin.

"Nagbibihis! Teka may lagnat ka ba?" Tanong ko rin sa kaniya. Namumula siya at parang pinagpapawisan. Mukhang hindi pa talaga siya okay. May isa lang akong napansin... Nakatingin siya sa katawan na para bang... Ewan!

"Oo nga pala Zac... Kumain ka na? Tara sa Canteen." Sambit niya na sinang-ayunan ko naman.

(Forward)

"Ate, Apat pong pancake, untian niyo lang po 'yung chocolate syrup, palagyan narin po ng butter sa ibabaw at saka po isang bote ng tubig." Sabi ko kay ate na nagtitinda.

"Ate, same." Sambit ni Razor habang pinaglalaruan ang isang bola ng basketball, maglalaro daw siya pagkakain niya. Di kinalaunan ay naibigay rin agad sa amin ang aming order. Free lahat ng pagkain dito for all the students here in school. Astig diba? Kahit na kung anu-ano ang mga nangyayare dito, isa parin itong school. Kaso ayokong kumain ng madami... Baka umalis 'yong abs ko.

Humanap agad kami ng bakenteng upuan and as expected marami na namang estudyante dito. Sabi kasi nila mas-social daw ang mga pagkain dito sa top floor kaysa sa ibang canteen. Ewan ko lang... 'Di ko pa kasi nasusubukang kumain sa ibang canteen, nakakatamad kasing bumaba. Ng makahanap kami ng mauupuan ay agad kaming naupo at kumain. Maingay pero... Isang ingay ng kaguluhan ang nangingibaw.

"Umalis ka nga dito, bitch! Pwesto namin 'to." Sigaw ng isang babae.

"And... Didn't you know that freaks are not allowed here? O tanga ka lang talaga?" Sambit nung isa pang babae. Tiningnan ko kung sino 'yung binubili nila at nakilala ko ito. Si Charlotte... pinaliliguan na naman ng spaghetti. Madalas 'tong mangyare. Favorite target talaga siya ng mga bully dito pero 'ni hindi siya magsumbong sa mga teacher... At kahit na magsumbong siya para namang may pakialam 'yung mga guro dito. They worked here for money so they don't care.

Hindi ko na kinaya ang aking mga nasasaksihan kaya naman nagmala-superman na naman ako. Ayoko ko lang talaga na may nasasaktang kaibigan o kaklase sa aking harapan.

"Leave..... or Die." Sambit ko habang nakatitig sa mga babaeng nasa harapan ni Charlotte. As expected, natakot sila at agad na naglakad palayo. Sino bang hindi matatakot sa dating leader ng mga taong daig pa ang demonyo? Nakakainis sila.

"Am I supposed to thank you?" Tanong niya sa akin na parang nang-aasar pa.

"Lunukin mo nalang 'yan." Sabi ko.

"Pasensya kana dito sa ugali ko. Naiinis lang talaga ako sayo." Sambit niya habang tinatanggal ang mga dumi sa kanyang ulo.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at iniabot sa kanya. Tinanggap naman niya ito.

"Nasa'yo ang libro tungkol sa Slaughter Party diba? Bakit di mo nalang basahin?"

"Wag mong sabihin na ikaw 'yung..." Bitin kong sabi na dinugtungan naman niya.

"Ako nga... Ako 'yung babae sa Secret's Room na gustong kumuha doon sa libro... But you tricked me." Hindi ko inasahan na siya pala iyon.

"Kung ikaw nga 'yon... Bakit? Bakit gusto mong kunin ang libro?" Tanong ko.

"Malalaman mo rin... pero ito lamang ang sasabihin ko sayo, ang Slaughter Party ay isang event na nagbibigay sa atin ng permiso na suwayin ang mga rules at bakit nga ba ito ginawa? Kundi para mabawasan ang mga kaguluhan at patayang nagaganap tuwing umaga... At ngayong wala na ang Slaughter Party... babalik na ang dati sa lahat kung saan pumapatay ang kahit sino sa anumang oras na kanilang gustuhin." Paliwanag niya. Natigilan ako ng ilang segundo dahil sa mga sinabi niya at napalunok. Ang tanga-tanga ko! Mali ang mga ginawa ko. Mali lahat-lahat ng aking mga ginawa. Tama si Charlotte, ginamit lamang nila ako. Ito ang gusto nila... Ang matanggal ang Slaughter Party. Anong binabalak nila?

Nagsimula na naman akong matakot at pagpawisan. Hindi ko maiwasang magbuntong-hininga. Shit! Mga plastic sila! Kaya pala iba ang tingin ko sa mga ngiti nila. Mga ngiti pala 'yon ng mga plastic.

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" Muli kong tanong.

"Matagal ko nang alam... At lagi mong pakatatandaan Zac na wag na wag kang magtitiwala kahit kanino. Sige. Salamat." Matapos magpasalamat ay tumayo na siya at naglakad paalis mula sa akin. Naalala ko ang mga sinabi noon ni Lyra na... Hindi dapat ako magtiwala kahit kanino pero hindi ako naniwala sa kanya..... at ito ako ngayon, pinagsisisihan ang kahilingan na aking sinabi, pinagsisisihan na nagtiwala ako sa mga demonyo kong kaklase.

Bumalik na ako sa pwesto namin ni Razor at itunuloy ang pagkain pero tapos na siyang kumain at mukhang hinihintay niya lamang ako.... Pinilit kong ngumiti kahit na natakot ako sa aking mga nalaman para hindi siya magtanong o magtaka sa akin.

"Zac, mauuna na ako. Sorry. Saan nga pala ang dorms ng mga babaeng kaklase natin?" Nagmamadali niyang tanong sa akin. Bakit kaya?

"9th floor... Pagkalabas mo ng elevator maglakad ka pakanan." Sagot ko habang patuloy parin sa pagkain.

"Ok, thanks." Nagmamadali siyang umalis dala-dala ang bola at napansin ko ang isang kutsilyo na nakatago sa kanyang likuran... Nagmamadali niya siguro itong itinago. Hindi na ako nagtaka... Maybe it's for self protection. Itinuloy ko na ang aking pagkain at pagkatapos ay babalik na ako sa aking dorm.

Zhraine's P.O.V.

Huminga ako ng malalim at sinimulang basahin ang isang horror book. Mahilig akong manood at magbasa ng mga ganitong libro pero matatakutin talaga ako. Habang binabasa ko ito ay naaalala ko ang mga nakakakilabot na nangyari mula noong mapunta ako sa class 1-S section na 'yon. Kamusta na kaya si Zac? Nilakasan ko ang aking pagbabasa para dama ko talaga.

Nakahiga siya sa kanyang kama. Pinagmamasdan ang litrato ng taong talaga namang hinahangaan niya pero isang katok...

Naputol ang aking pagbabasa dahil sa ingay mula sa may pintuan. May kumakatok. Gosh! Nagulat ako.

"Sino 'yan?" Tanong ko pero walang sumasagot bagkos ay patuloy parin ang pagkatok. Nagsimula na akong kabahan kaya unulit ko ang aking tanong... " Sino 'yan?" Muli kong tanong.

"Zhraine! Si Razor 'to!" Napanatag ang aking loob ng marinig ko ang boses at pangalang iyon. Agad akong nagtungo sa pintuan para pagbuksan si Razor.

"Zhraine, pwede ba akong pumasok may pinapasabi lang si Zac. Mahalang bagay." Sabi niya. May hawak-hawak siyang bola ng basketball. Noong una, naisip ko na baka maglalaro siya pero nakapantalon siya at sigurado akong mahirap maglaro ng basketball kung nakapantalon ka, tama? Parang andami kong alam sa basketball but I've never played it before.

"Ok, pasok." Sambit ko.

"Zhraine, may ipinabibigay si Zac. Pwede ka bang pumikit?" Sabi niya ng nakangiti. Ipinikit ko ang aking mga mata kaya nga ng sinabi niya pero... Bigla nalang akong natumba ng maramdaman ko ang sakit sa aking ulo. Ibinukas ko ang aking mga mata at nakatayo si Razor sa aking tabi, hawak-hawak ang bola na may bahid ng dugo.

"Anong... ginawa mo Razor?! Bakit?!" Malakas kong tanong sa kanya. Hindi napigilang maiyak habang nakatingin sa kanya, hindi dahil sa sakit... Kundi dahil masakit na pagtaksilan ka ng kaibigan mo. Dumurugo ang aking ulo dahil sa sobrang lakas ng pagkahampas niya sa akin. "Tulong!!!" Pilit akong sumigaw kahit nahihirapan na ako.

"Sorry Zhraine, pero ito ang nararapat kong gawin. Dapat ka nang mamatay." Sambit niya. Pilit akong gumapang palapit sa pinto pero... Hindi ko na kinaya. Unti-unti na akong nawalan ng malay.

Akala ko, iyon na ang aking katapusan hindi pa pala...... dahil naghihintay pa ang mas lalong nakakatakot na parte ng kwento.

............

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
106K 6.3K 132
Romeo and the Lily is a romance fantasy novel about Romeo, an aspiring knight who met the kind and pure lily, Amena. As they face the hardships toget...