The Badass Babysitter Vol.1 ✓

By Nayakhicoshi

3M 145K 82.6K

[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You... More

The Badass Babysitter
Prologue
Chapter 1: Meet the Crane
Chapter 3: Disaster
Chapter 4: Thunderbolt
Chapter 5: Supermarket with the SuperBOBO
Chapter 6: Powder
Chapter 7: Condom Boy
Chapter 8: Pikachu
Chapter 9: Pinakbet
Chapter 10: President
Chapter 11: The Prince is my Kidnapper
Chapter 12: Chooks to go
Chapter 13: Kabobohan 101
Chapter 14: Abs Society
Chapter 15: Fell
Chapter 16: We did It
Chapter 17: Seatmate
Chapter 18: Rivalry
Chapter 19: Weird
Chapter 20: RiteMed
Chapter 21: Doom
Chapter 22: The unknown visitor
Chapter 23: Deal with him
Chapter 24: Suspect
Chapter 25: Because of Him
Chapter 26: Punishments
Chapter 27: Wonder Pets mo 'to
Chapter 28: Trespassers
Chapter 29: Kiss and Trouble
Chapter 30: Psalm Crane
Chapter 31: Surprise
Chapter 32: She's my Girlfriend
Chapter 33: Don't talk to strangers
Chapter 34: I don't like her
Chapter 35: Miracle
Chapter 36: R.I.P Dora
Chapter 37: Be our Maid
Chapter 38: Drunk and Wasted
Chapter 39: Kidnapped for Ransom
Chapter 40: Kidnappers Vs. Benedicto Sisters
Chapter 41: Bullets
Chapter 42: Brokenhearted
Chapter 43: A glimpse of Danger
Chapter 44: Harana nga ba?
Chapter 45: Intramurals
Chapter 46: Boxing Game
Chapter 47: Basketball Game
Chapter 48: The root of hatred
Chapter 49: Outing
Chapter 50: Checked
Chapter 51: 3 feet
Chapter 52: Tears
Chapter 53: Goodbye North
Chapter 54: Sopas
Chapter 55: Calming the Monster
Chapter 56: Usok
Chapter 57: East and West
Chapter 58: Queen Of Abs University
Chapter 59: Dread
Chapter 60: Her Rage
Chapter 61: Vengeance
Chapter 62: Textmate
Chapter 63: Rooftop
Chapter 64: Codes
Chapter 65: Rest in Peace
Chapter 66: Note
Chapter 67: Benedicto and Buencamino Nuptial
Chapter 68: Safe and Sound
Chapter 69: Runaway
Chapter 70: Sleep

Chapter 2: Like father like sons

69K 3.5K 4.1K
By Nayakhicoshi

CHAPTER TWO

_

Iyong totoo? Nag-aadict ba ang mga taong 'to o ano? Alam kong mga HOT sila at maipagmamayabang nga naman talaga ang itsura at katawan pero kailangang nakabahag talaga sila sa loob ng bahay?

Mga abnormal.

At sino naman itong siraulong taong 'to na bigla nalang yumakap sakin at tinawag pa akong Mama? Sa ganda kong ito? Mama?

"Layo o baldado?" malamig kong sambit sa nakayakap sa akin.

Unti-unti naman niya akong binitiwan at agad nagtago sa likod ng isa sa mga nakabahag din. Pinasadaan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago bumulong sa pinagtaguan.

"Mga anak, hehe! Miss na miss na kayo ni Dada! Come and kiss me mga Junakis!" sabi ni Tito at isa-isang hinalikan sa pisngi ang mga ito.

Napangiwi ako.

Wait! Don't tell me, ito na 'yong mga anak niya? Nakanganga ko silang pinasadaan ng tingin isa-isa. They were all drop-dead gorgeous. Walang halong biro. Pero nasa tamang pag-iisip ba ang mga ito? Anong nakain nila at nakabahag sila with props pa? At ano ang pagsabog na nangyari kanina?

Ang isa pang napansin ko sakanila, may iba't ibang kulay sila ng mga buhok. Para silang mga sisiw... na tao.

"Dada, sino siya?" tanong ng may kulay Violet na buhok. Maputi ito at katamtaman ang tangkad. Kapansin-pansin dito ang itim na cross niyang piercing sa tenga.

"Dada, nakakatakot siya" sabi ng kulay tanso ang buhok, iyong yumakap sa akin kanina. Mas sumiksik pa siya sa likod ng kulay asul ang buhok na lalaki nang tapunan ko siya ng tingin. Maputla ang balat nito, katulad sa akin pero singkit ang mga mata niya. Parang may lahi siyang koreano.

"Is she your new wife?" tanong naman ng kulay puti ang buhok. Hinead to foot pa ako nito at napangiwi ng matapos. He looks intimidating pero hindi iyon uubra sa akin kahit sukdulan pa ang kagwapuhan.

I raised an eyebrow at him. Ako bagong asawa ni Tito? Tss. Wow lang, ha!

"Hehe, hindi anak" nakangiwing sagot ni Tito.

"Then who is she?"

Tinitigan ako ng limang Adonis at medyo nailang ako sa uri ng pagtitig nila. Curious na curious ang mga mata nila na parang ngayon lang nakakita ng dyosang babae.

I rolled my eyes heavenwards.

"Ako ang Mommy niyo" bagot kong sabi.

Naglakihan ang mga mata nila. Nalaglag din ang mga panga at napasinghap. Kita ko pa ang oa na paghawak ng Blue haired guy sa dibdib niya.

"You've got to be kidding! My Mother is a Russian, and you look like an ugly Filipino" the pink-haired guy spat. Pansin ko na siya ang pinakamatangkad sakanilang lahat.

Wait! Anong sabi niya? Ako? Ugly Filipino? Sipain ko kaya 'to sa ngala-ngala?

"I agree! My Mother is a British. She has a pointed nose and you have a tomato-shaped nose" panlalait naman ni Blue-haired guy.

Hinawakan ko ang ilong ko. Nilait ba niya ang cute pointed nose ko? Palunukin ko kaya siya ng kamatis?

"As far as I remember, my mother is a Greek. She looks like a Goddess but you? You looked like a Witch" sabi naman nung white-haired guy. Nakakaself-conscious ang uri ng tingin nito sakin.

Pero ang tawagin niya akong Witch ay mapapatay ko ang taong 'to.

Grabeng lait na 'to, ha? Matatanggap ko pa ang panlalait nila sa akin kung totoo ang mga ito, pero ako? Sa sobrang ganda kong ito? No way!

Kanina ko pa napapansin na iba't ibang lahi ng ina nila ang sinasabi nila. Is this real?

"My mother is an Italian. She's so sexy and beautiful, but you, you looked like a shit" sabi naman nung Violet haired guy.

Damn...

Kalma lang, South. Kalma ka lang. Pero king ina! Pwede pasapak? Tig-isa lang sila, pramis! Makabawi man lang sa panlalait nila sakin.

Hindi na ito makatarungan!

"My mother is a Korean. She's — " pagsasalita nung Bronze haired guy pero agad naputol nang sumabat na ako.

"Sige! Ituloy mo 'yang sinasabi mo at papatikman ko kayo ng Ice Cream with Flying kick flavor!" asik ko sa inis.

Letse! Pasensya ang kulang na kulang sakin kaya pasensyahan nalang kung anong magawa ko sa limang 'to rito. Hindi ako magdadalawang isip na basagin ang mga bungo nila sa harap mismo ng ama nila.

Laitin niyo na lahat 'wag lang ako!

"Psalm, narinig mo ba ang sinabi niya? May Ice Cream with Flying kick flavor! I wanna try that!" dinig kong bulong ni Bronze hair sa kapatid niyang si Violet hair.

"I wanna try it too. Papabili tayo kay Dada mamaya," sagot naman nito sa kapatid.

Jusko! Napailing nalang ako.

"Mga anak, behave okay? Kung ayaw niyong ma-comatose, h'wag niyong gagalitin si South" sabi ni Tito sakanila na parang nakikipag usap lang sa mga bata.

"Sino ba talaga siya, Dada?" curious na tanong ni Pink haired sa ama nila.

"Hala!" biglang napasinghap si Violet hair at niyakap pa niya ang braso ni Bronze hair.

Nagtatakang tumingin kami sakanya.

"Ikaw ba ang pinadala ni Lothor para sakupin ang planet earth?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Seryoso siya?

Abnormal alert.

"Oo. Nandito din ako para patayin kayo," walang gana kong pagsasakay sa kalokohan niya.

Napausog silang lima sa tabi at niyakap ang mga sarili na tila takot na takot. I just rolled my eyes.

"Positive, anong gagawin natin?" dinig kong bulong ni Bronze kay Violet.

"Kung kasabwat nga siya ni Lothor, hindi natin kaya ang powers niya" sagot niya.

"Kailangan nating humingi ng tulong sa Wonder Pets," bulong din ni Blue hair.

"Hindi sila pwede ngayon, hindi niyo ba napanood kanina na nasa Northpole sila? Busy sila sa pag-save sa uod ni Diego" bulong ni Pink hair.

"Ang power puff girls kaya?"

"Hindi rin sila pwede. Busy sila kay Mojojojo"

"Si Dora kaya?"

"Busy siya sa paghanap kay Princess Snow."

"Hala, paano 'yan? Genesis, anong gagawin natin?"

"Shut up, fucker. I'm thinking" sagot naman ni White-haired guy. Masama ang tingin nito sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinong hero ba ang available?" tanong ni Bronze hair.

"Si SpongeBob."

These people are hopeless.

Hero na sila sa paningin nila? Tss. Mga tokmol.

"Tito, iyong totoo po? May utak ba ang mga anak mo?" tanong ko kay Tito.

"Hehe, meron naman, iha. Premature pa nga lang."

Susme!

"Halata nga," napangiwi ako.

Biglang pumalakpak ng tatlong beses si Tito. Kinuha nito ang attention namin. Parang kalapati lang. Tumikhim pa siya bago nagsalita.

"Listen mga anak! Si South ay makakasama niyo rito sa bahay kaya treat her well. H'wag kayong gagawa ng masama sakanya. Kapag may nangyaring hindi maganda sakanya habang nandito siya ay pare-pareho ko kayong paparusahan. Ayaw niyo naman akong magalit 'di ba?" seryosong sabi ni Tito sa mga anak.

Biglang napalunok ang lima at nagkatinginan.

"A-anong parusa namin if ever?" nauutal na tanong ni Blue-haired guy sa ama.

Ngumisi ng nakakatakot si Tito. Kinilabutan ako dahil doon.

"I'll send you all to your mothers. Kalimutan niyo narin ang pagiging Crane niyo kapag nagkataon."

Naging matunog ang paglunok nila.

"Give us two minutes to talk about it," sabi ni White-haired guy at nagform sila ng circle habang akbay-akbay ang bawat isa. Mukhang nagu-usap usap nga ang mga ito at pansin ko na sumisilip pa sila sa akin tapos magbubulungan ulit.

I grabbed that opportunity to talk to Tito Jackal. Bumaling ako sakanya.

"Tito, can I ask a question?" tanong ko.

"Sure, iha."

"About their mother––mothers. Bakit iba't ibang lahi ang sinasabi nila? Hindi ba iisa ang mga nanay nila?" curious kong tanong. Kanina pa kasi ito gumugulo sa isip ko, eh.

"Hindi. Katulad ng sabi nila. Iyon 'yun. Pero ako ang ama nila," sagot niya. Pero magulo parin kaya nagtanong ulit ako.

"Kung ganoon lima ang asawa mo?"

"Wala akong asawa. Mga nanay nila ay mga naging dating nobya ko."

"Bakit walang pure Filipino sakanila? Bakit iba-iba ang lahi nila?" sunod-sunod kong tanong.

"Mahilig ako sa imported, eh" nagkibit balikat ito.

Ay letse! Anong akala niya sa mga babae, alak? Imported? Grabe! Pero bakit nasa kanya ang mga anak niya?

Mukhang may lahing psychic si Tito dahil sinagot niya ang katanungan na nasa isipan ko.

"Kung iniisip mo kung bakit lahat sila ay nasa akin. Obviously, iniwan silang lahat sa akin ng mga ina nila. Which was good for me dahil gusto ko ay na sa akin din sila. I raised them all... nang mag-isa. Pero suko na ako, South. Mamatay ata ako ng maaga kapag hindi pa sila magtino. I don't know how to handle them anymore" malungkot na pahayag nito.

"What do you mean?"

Humugot ito ng malalim na hininga bago sumulyap sa mga anak at binalik sa akin ang tingin.

"If you can see, South. Iba ang direksyon ng mga utak nila. And that makes them different," napangiwi ito. "Just look at them, masasabi mo naman kung ano ang kulang sakanila" aniya at bumagsak ang mga balikat nito.

Sumulyap ako sa lima na nagu-usap parin. Napatingin sakin si Bronze hair kaya inirapan ko ito agad.

"Utak. Kulang sila ng utak."

"At aruga. Aruga na siyang hindi ko naibibigay sakanila." Kita ko ang pagdaan ng kirot sa mga mata ni Tito. "Hindi ko natutukan ang mga anak ko dahil sa pagtra-trabaho ko sa Daddy mo, South. Nagtra-trabaho ako para maibigay sakanila ang estado ng buhay na nararapat sakanila. Pero kita mo naman ang naging epekto nito sakanila, baliko ang landas ng mga utak nila."

Baliko talaga?

"May tiwala ako sa'yo, South" aniya bigla, seryoso ang tingin niya sa akin kaya pinangunutan ako ng noo.

"Huh?"

"You know, malapit na ang SONA kaya kailangan na nasa tabi ako ng Daddy mo. I will be gone for  weeks, maybe? At walang titingin sa mga anak ko."

Naningkit ang mga mata ko. I already had an idea what he's trying to say pero ayokong tangapin iyon sa isip ko. I just can't.

"And your point is?"

"Uhm... Iha. Naniniwala ako sa powers mo. Alam kong kaya mong bigyan ng liwanag ang mga utak nila. Kaya habang wala ako, iligtas mo sila. Bantayan mo muna—"

Sinasabi ko na nga ba.

"Ayoko!" putol ko agad sa mga sasabihin pa niya.

Never in my dreams na magbabantay ako sa mga abnormal na tao — at lima pa sila, ha? No way! Bahala sila sa buhay nila. Pinatapon lang ako ng Ama ko rito, hindi para mag-alaga ng mga may saltik na tao.

Matunog na bumuntong hininga si Tito. He looked so hopeless right now. Parang ang laking problema ang dinadala niya.

"Alam kong hindi ka papayag," malungkot na aniya. I suddenly felt guilty. "I'm sorry, iha. It just that, wala na akong ibang tao na mapapagkatiwalaan para sa mga anak ko. They are special, as you can see. Naisip ko na nga na... dalhin sila sa Bikiny Bottom at... iwan doon dahil wala akong kwentang Dada... " He dabbed his imaginary tears.

Umiwas ako ng tingin sakanya. Nagpapanggap lang siya pero hindi ko pa rin maiwasang makonsensya na tinangihan ko ang kauna-unahang pakiusap sakin ni Tito Jackal. Pakiramdam ko, wala akong utang na loob sakanya. Pero kasi... hays!

"Kailan ka ba mawawala?" tanong ko. Naninimbang.

"Uhm... maybe, next week?"

I took in a deep breath.

"I'll think about it. Kilala mo ako Tito, alam mong — " hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla akong yakapin ni Tito.

"Thank you, South!"

"Err... sabi ko pag-iisipan ko muna. Hindi pa ako pumapayag!"

"I know. But just let me thank you."

Napangiwi ako. "Ikaw ang bahala."

"Ehem!"

Kumalas agad si Tito sa akin nang biglang may tumikhim. Pagtingin namin, nakatingin na pala sa amin ang mga anak niya.

"The meeting is done and we all end up in one decision" wika ni White-haired guy.

"What's your decision, then?"

"Fine. Pumapayag na kaming makasama ang babaeng iyan dito" si Blue-haired guy.

"Alright! It's all settled now. Dito si South at kung ano man ang i-utos niya sa inyo ay dapat niyong sundin" sabi ni Tito. Lihim naman akong napangisi. Well, the luck is still on me.

"What?! That's unfair, Dada! Papaano kapag ginawa niya kaming mga utusan niya?" segunda ni Pink haired guy.

"That's not my problem anymore. Sabi ko 'di ba, lahat ng utos niya ay sundin niyo?"

"But Dada!"

"I'm getting mad now, Noah."

Natahimik agad ito at tumingin ng masama sakin. What now?! Tinaasan ko siya ng kilay na agad umiwas ng tingin sa akin at bumulong-bulong kay Violet haired guy.

Psh!

"Now, I want you all to introduce yourself to South, para makilala niya kayo. Come on sons, don't be shy!" panghihikayat ni Tito na parang kumakausap lang sa mga kindergarten.

Walang nagawa ang lima kundi ang sundin ang sinabi ng ama nila. Si Pink haired guy ang unang nagsalita.

"I'm Noah Isaac Crane. 22 years old. Half Russian. Panganay at pinaka-gwapo sa lahat!" kumindat pa ito na akala mo naman ay marami ang audience niya.

*clap*clap*clap* ---> iyong apat.

"Witwew! Go, boss!" sigaw ng dalawang guard. Nandito pa pala ang mga ito, akala ko um-exit na sila sa eksena.

I noticed that Noah is the tallest. Kung pagtatabihin kami, hanggang dibdib niya lang ako. Ang putla rin ng balat at ang tangos ng ilong. Kulay asul ang mga mata nito na nakaka-hypnotismo. Idagdag mo pa na maganda ang pagkakahulma ng mukha niya. Gwapo at maganda ang pangangatawan. At dahil nakabahag siya ay kitang kita ko ang malulusog nitong tight abs.

Tss. Bwisit na abs, distracting!

Next naman si Blue-haired guy.

"I'm Peter Joe Crane. 21. Half British pure handsome! Thank you!" at nag bow pa siya.

*clap*clap*clap* ---> iyong apat, kasama din pala ang dalawang guard.

"Tangina mo, Peter! Half British pure manyak dapat ang sinabi mo!" sigaw ni Noah sa kapatid.

Seriously?

Peter is like a casanova type. How did I know? I can feel it. May mga tropa kasi akong mga playboy at alam ko ang bawat kilos ng mga ito. Peter is just like one of them.

Just like Noah, matangos rin ang ilong ni Peter, lahat naman sila, eh. Maganda ang pagkakahulma sakanya. But what makes him different from his other brothers are —  Peter has this playboy look and he has sea-green eyes that have a playful glint, na tila nagsasabing, 'Aanakan kita. Promise.'

Sunod naman 'yung tumawag sa akin ng Witch.

"Genesis Israel Crane. 20. Pinaka-gwapo pa sa dalawa. Mamatay na komontra!" ani nito. Pinakyuhan naman siya ng mga kapatid.

Napailing nalang ako. Ang babanal ng mga taong 'to (note the sarcasm there).

Genesis is undeniably handsome. Aaminin ko na sa kanilang lahat, siya ang mas malakas ang dating. With his pointed nose, well-structured jaw, dark piercing eyes, and kissable lips, mapapalingon ka talaga sakanya. Napansin ko rin na sa kanilang lahat, siya ang may seryosong aura. Iyong apat kasi ay pa-inosente. But Genesis, he's definitely a bad boy. One look from him and you're dead — iyon naman ang sinisigaw ng presensya niya.

"Hello! I'm Psalm Verse Crane! I'm 19 years old. Food is life is my motto! Marunong ka bang magluto?" baling sakin ni Psalm. Inirapan ko siya. He's the Violet haired guy.

He's charming. His yellowish-brown eyes scream sexiness. Saksakan ng gwapo at halatang lapitin din ng mga babae. Malakas ang loob ko na magkakasundo kami nito, ewan ko, feeling ko lang.

"My instinct said she's a terrible cooker, Psalm. She's going to poison us!" Genesis said with a smirk plastered on his goddamn face.

"Oo! Lalasunin ko talaga kayo!" Kung pwede nga lang na lasunin ko kayo ay gagawin ko, eh.

"See? She's really a Witch, Dada! Palayasin mo na siya rito sa bahay!" OA na reaction niya.

Nakakarami na ng tawag na Witch sakin 'to, ha? Kapag ako nabwisit sisipain ko na ito sa mukha.

"Shut up Genesis o ikaw ang papalayasin ko?" si Tito.

Natahimik ito bigla at tinignan na naman ako ng masama. "Witch.." bulong pa niya.

I make face to him na mas lalong ikina-init ng ulo niya. Tss, pikunin.

"Ehem! Ako naman si Isaiah Gabriel Crane! Labing-walong taong gulang! Nanay ko ay Koreana at tatay ko naman ay Fvckboi!" nakangiting sabi ni Bronze haired guy. Pero ganun nalang ang pamumutla niya ng makita na ang sama ng tingin ni Tito sakanya.

"ISAIAH!"

"Peter taught me that!" sigaw nito at nagtago sa likod ni Noah.

"PETER!!"

"D-Dada! Si Noah! Siya nagsabi sa akin!"

"NOAH!!"

"Si Genesis talaga Dada ang nagturo samin!"

"Tangina mo Noah, mamatay ka na."

"GENESIS!!"

"Fuck."

"MINUMURA MO AKO?!" malakas na sigaw ni Tito. Kita ko ang paglabas ng mga ugat nito sa noo at leeg. Parang anytime magtra-transfer na siya into a werewolf. I've never seen him this scary.

Iyong lima naman ay parang mga dagang takot na takot sa malaking pusa sa harapan nila. Nagsisiksikan ang mga ito sa gilid at nagtutulakan pa.

"Tangina mo kasi, Genesis! Bakit mo minura si Dada?" sisi ni Noah sa kapatid habang nagtatago sa likod ni Peter.

"I didn't! Ikaw ang minura ko Gago. Assuming lang si Dada kaya akala niya siya minura ko," sagot naman nito.

"SINONG ASSUMING HA?! GENESIS?!"

"S-si Peter, D-dada. Siya ang assuming. Minura ka din niya!"

"Tangina mo talaga, Genesis. Gago!"

"SINONG GAGO PETER?!"

"S-si Psalm D-dada! Gago ka daw!"

"PSALM!!"

"Si Isaiah, Dada! Siya talaga!"

"Tangina mo!" sigaw ng bunso.

"Minura niyo na naman ako! Mga gago kayo! A and B! Ihanda niyo ang mega sword ko, susugod tayo sa mga taga Tribo!" sigaw ni Tito. Agad namang tumalima ang dalawang guard.

"Waaahh! Susugod na sila mga kapatid!" sigaw ni Psalm.

"Noah at Peter! Maghanda kayo!" sigaw ni Isaiah matapos iwasiwas sa ere ang hawak na kawayan.

"Rangers, get ready for activation!" sigaw ni Genesis.

Nangunot ang noo ko. What the hell is happening? Tinignan ko sila, ang gugulo nila. Kanya-kanyang kuha sila ng mga gamit. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa mga 'yon.

"Pink Ranger! Activate!" sigaw ni Noah at parang may braha pa siyang hinagis sa ere. Wala namang nagbago sakanya. Mukhang tanga parin.

"Blue Ranger! Activate!" sigaw din ni Peter at ginaya ang ginawa ni Noah.

"White Ranger! Activate!"

"Violet Ranger! Activate!"

Napatingin kaming lahat kay Isaiah ng parang magdalawang isip na sumunod sa ginawa ng mga kapatid. Baka nagising na siya sa katotohanang ang tanga ng mga ginagawa nila?

Pero mukhang nagkamali ata ako.

"Sa 'ngalan ng kapangyarihan ng buwan! Ako si Isaiah Crane! Magiting na bayani ng Hunk City! Inuutusan ko lahat ng mga bituin na tulungan akong puksahin ang kasamaan sa mundo!" Napanganga ako ng bigla itong umikot at gumawa ng mga nakakabaliw na karate pose. "AKO SI...  AYSAYA!!" sigaw niya matapos itaas ang hawak na kawayan.

What the fuck...

Jusko lord, mas grabeng kakulangan naman ng utak ang ginawad mo sa isang 'to. Hindi ko keri.

"Hala, sir! Matatalo na tayo!" sabi ng isang guard. Nakadapa ito sa sahig na parang nagtatago sa mga kalaban.

"Hindi tayo matatalo!" sabi ni Tito. "Piccolo, nakahanda na ba ang cannon ball?"

"Yes, sir. Ready to fight na!" sabi naman ng isang guard na may hawak na mga bola.

"Kung ganoon, let the real battle begin!"

And in one snap. Naging total disaster na ang buong living room. Mahirap ng i-detalye ang mga pangyayari. Masyado ding naging mabilis ang pangyayari. Basta magulo. Sobrang gulo.

"Waaahh! Ilag Blue Ranger!"

*Booooogsshh*

*Booooooooom*

"Ratatatatatatatatatatatat!!"

"SUGOD MGA KAPS!!" sabay-sabay na sigaw ng mga magkakapatid.

Kung ano-anong mga gamit na ang dinampot nila at walang pagaalinlangan na ibinayo iyon sa kung saan-saan. Mabilis din akong naka-ilag ng mapansin ang isang lumilipad na Tv papunta sa direksyon ko.

Damn.

"Pashnea kayo mga Rangers!" guard A.

"Ulol mo, Imao!" sagot ng magkakapatid.

"Ding! Ang bato!" sigaw ni Tito.

"Sir, wala na 'yong bato! Nahuli na! Baka matukhang pa kayo!"

"May menthos ako dito, Sir! 'Yun nalang muna!"

"Sige, amin na!"

Matapos i-abot nito ang menthos kay Tito ay agad nitong linunok.

"KAME KAME WAVEEE!"

Susmaryusep!

 
 

 
.

 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.4K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
GUNS By DEMGEL_28

Teen Fiction

6.7K 455 34
(COMPLETED) Iba't-ibang kwento ng buhay ay nagtagpo ang mga landas. Unang pagkikita ay hindi naging maganda. Puro pag-aaway at bangayan kapag nagkita...
11.2K 478 37
Mystical Regal Academy Book 2 Yvkiasha Darvyn isang Babaeng galing sa Therondia Kingdom.. Darvyn ang nag iisang anak nang pamilya Shahan kaya pinal...
125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...