Gugma (COMPLETED)

By zelbadilla

213K 10.6K 3.1K

How can you hate and love a person at the same time? More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Kunting katanungan
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
WAKAS
New story

Chapter 30

4.4K 232 74
By zelbadilla

Mag iisang linggo na din siya na nasa loob ng kulungan. Alam niyang nag hahanap ng paraan sila Wela at Batchi.

Ngayon niya napagtanto ang nagawang kasalanan sisingsisi siya sa ngyari at sinisisi niya ang sarili sa ginawang karupukan. Hiyang hiya na  siya kay Jade.

Hinawakan niya ang singsing sa kamay at inikot ikot ito sa mga daliri. Naalala niyang sabi ni Jade na simbolo ito ng kanilang nakataling pagmamahalan na hanggat suot niya ito ay hindi nag babago ang pag tingin niya dito. Hindi lang ang pag tangkang pang hahalay sa kanya sa kulungan ang naging sanhi ng rambolan nila. Maliban dito ay tinangka naman ng mga kawatan na nakawin ang kanyang singsing. Kaya halos makipag patayan naman siya sa loob ng selda.

"Tsong nakikinig kaba?"

Napahinto siya sa pag iisip at tiningnan si Batchi na nasa harap niya. Nakalimutan niyang kaharap pala niya ito at kung saan saan napapadpad ang kanyang utak. Salitan ito at si Jade sa pag dalaw sa kanya. Alam niyang masama ang loob ng kanyang tatay sa ginawa niya kaya hindi nito makuhang dalawin siya.

"Ano ulit yon?" Paulit na tanong niya kay Batchi

"Kako wala ng problema kami na ni Wela ang bahala."

"Salamat Batch ha di ko alam pano ko kayo babayaran, pag uwi ko na lang may pera naman akong naipon."

"Wag na tsong madatong naman si Wela kayang kaya ka niya pyansahan maniwala ka walang kapalit."

Wala na siyang choice kundi lumapit kay Wela dahil wala naman siyang ibang malalapitan. Alam niyang nag hahanap ng paraan si Jade at ayaw na ayaw nitong manghingi ng tulong kay Wela. Kaya minabuti nilang e sekrito na lang kay Jade at pa abutin muna ng ilang araw bago siya pyansahan nito para hindi naman masyadong halata.

+++++++++++

"Seryuso ka na ba sa plano mo Jade?" Tanong ni Sally sa kanya habang nag kakape sila sa my veranda ng bahay nito.

"Ito na ang pinaka mabuting gagawin ko Sall and it's not for me it's for her, for us perhaps."

"Pero Jade, dahil ba sa ginawa ni Althea?"

"No."

"And then just give me a fucking reason sa desisyon mong yan dahil nakakaawa yung tao."

"Akala ko ba ayaw mo kay Althea? Bakit mukhang mas kinakampihan mo na siya ngayon besty?"

"I know I'm just being too judgmental that time pero sa maikling araw na nakilala ko siya Jade alam kung mahal na mahal ka nung tao. I saw how the way she look at you na punong puno ng pag mamahal."

"Alam ko Sall. At yang pag mamahal na yan ang sumisira sa aming dalawa. Siguro nga tama siya na masyado pa kaming bata masyado naming minadali ang lahat. Ayaw kung maging dahilan ng hindi pag tupad ng kanyang pangarap Sall."

"Desisyon mo ba yan oh desisyon ni tito? Tell me yan ba ang kapalit para ma palaya si Althea?"

Nag iwas siya dito ng tingin. Nag desisyon na din siyang sundin ang ama na mag aral sa amerika kapalit ng pag papalaya nito kay Althea. Alam niyang kamumuhian siya ni Althea sa gagawin niya pero wala na siyang ibang choice. Kailangan niya din makapag tapos ng pag aaral para din naman sa kanilang dalawa ang ginagawa niya. She knows na kakayanin ni Althea at alam niyang malayo pa ang mararating ni Althea na walang ibang iintindihin kundi ang sarili at ang tatay nito. Masyado siyang pabigat dito na kahit hindi nito sinasabi, nakikita niya ang effort nito na kagustuhang ipalasap ang naka sanayan niyang marangyang pamumuhay. Kaya ang ending masyado nitong minamadali ang lahat hindi nito nakikita na kaya naman niyang mag antay.

"Two years lang Sall, I need two years para makapagtapos."

"And then what? Babalikan mo na lang na parang walang ngyari? Sa tingin mo papayag siya sa gagawin mo ng ganun ganun na lang?"

"I won't let her know"

"So you will leave her hanging?"

"I know she love me and She'll wait for me."

"Ganun ka ka confident?"

Nakagat niya ang pang ibabang labi at mariing tumingin kay Sally.

"Yes." Mariing sagot niya

"Jade naman."

"It's final Sall. Para din sa amin to at pagkatapos nito hindi na makikialam si daddy sa amin ni Althea."

"It's your life Jade, I will just wait for the time na magamit ko sayo ang "I told you so besty."

"Sall."

"Oo na oo na makakaasa ka hindi kita ilalaglag kay Althea."

Inabot niya ito saka marahang niyakap. "Keep eyes on her besty kahit wala ako dito."

"Di ka ba natatakot baka agawin ko siya habang wala ka?" Nakakalukong baling niya kay Jade

"Don't worry bes alam ko ang taste ni Althea. Hindi siya mahilig sa mga pandak." Natatawang turan niya dito

"Grabe ah ang sama mo. Madali lang akong kausap. Matawagan nga si Althea."

Tumawa lang siya dito saka bahagyang kinurot ito sa tagiliran.

"Seriously bes kelan flight mo?"

"Bukas."

"Bat ang bilis?"

"Ayukong ma abutan ako ni Althea at baka hindi ko magawang umalis pag nakita ko pa siya."

"Sigurado ka bang ok ka lang? Na kaya mo?"

"Just two years bes. No phone calls no txt I know she will wait for me I trust her."

"Pano kung pag uwi mo may iba na siya?"

"Babawiin ko siya hanggat hindi pa sila kasal."

Matapos ang usapan nila ni Sally ay umuwi na rin siya sa bahay. Ilang araw na din siyang hindi na umuuwi sa bahay nila Althea sa kagustuhan ng tatay nito. Nahihiya daw ito na pinag sisilbihan niya. Naawa siya sa matanda, alam niyang ito ang mas apektado sa kanilang lahat dahil ito ang ama.

Naiiling na lang siya sa mga nangyayari sa kanila ni Althea

++++++++++++++

Isang malakas na hampas ng kung anong bagay sa rehas ang nakapag pa angat sa kanyang ulo habang nakaupo at nag babasa ng libro.

"Althea Badilla makakalaya kana." Narinig niya sabi ng pulis habang binubuksan nito ang selda

"Ho? Pano? Sino nag bail?"

"Wag ka ng maraming tanong. Mag ayos kana ng gamit ng makalabas kana."

Kakamot kamot sa ulo naman na kinuha niya ang ilang piraso niyang damit at pinagkasya sa bag na binigay ni Jade."

"So lalaya kana pala Althea."

Napalingun siya sa babaeng nag salita sa kanyang likuran habang nag liligpit ng mga damit. Isa ito sa mga kakusa niya na ipinasok sa silda nuong isang araw, di umano dinampot ito ng mga pulis ng makitang bumabatak sa kalye. Sa hitsura at pananalita nito ay mukha itong may kaya sa buhay. Makinis at maamo ang mukha. Pero ganun naman sa mga mayayaman karamihan sa mga spoiled brat di mo ma awat sa pag gamit ng druga. Ang di niya lang alam ay kung bakit wala pang mga magulang na sumusundo dito. Mabuti na lang at na una siya ditong ipasok, kundi baka na halay na ito ng kanyang mga na unang na bugbog.

"Can I have your phone number?"

Tiningnan niya ito ng mariin.

"Miss wag ang number ko ang pag aksayan mong kunin, kung ako sayo kuntakin mo ang mga magulang mo para makalaya kana dito." Hindi niya alam kung ano ang pangalan nito dahil ni minsan hindi naman siya nag tatanong. Pero hindi na siya nagulat na alam nito ang pangalan niya dahil ang apat pa nilang kasama sa selda ay tinatawag siya sa pangalan.

"I'm Maja by the way. Here's my calling card in case na gusto mo ng tulong ko financially oh trabaho."

Tinitigan niya lang ito saka kinuha ang kanyang tuwalya na nakasampay sa paanan ng kanyang hinihigaan.

Matapos mai ayos ang lahat ay mabilis na tumayo at lumabas ng presinto. Nang makalabas at maarawan ay parang nanibago siya sa sarili parang naging bagong tao siya. Parang isang taon ang ginugol niya sa kulungan, ganun katagal ang nararamdaman niya pag na hihiwalay kay Jade. Napangiti siya ng maalala si Jade at ang kanyang ama.

++++++++++++

Na abutan niya ang kanyang ama sa salas nakatalikod at nakaharap sa tv habang nanunuod. Nag dadalawang isip siya kung lalapitan niya ito at mag mamano. Alam niyang narinig nito ang pag bukas ng pintuan, ngunit para lang siyang hangin na hindi nito pinansin. Kaya alam niyang galit ito.

"Kumain kana diyan bago pa lumamig ang pagkain." Narinig niyang turan nito.

"Tay."

Pinagulong nito ang wheelchair paharap sa kanya. Lumapit naman siya dito at bahagyang yumuko para mag mano. Ngunit bigla nitong iniiwas ang kamay at dumulong sa mesa. Nag sandok ito ng kanin at inilagay sa kanyang plato.

"Kumain ka kung ayaw mong ipakain ko to lahat kay Batchi!" Saka padabog na nilapag ang kutsara. Alam niyang galit talaga ito sa kanya. Nakita niya kung pano manginig ang kamay nito habang nag sasandok ng pag kain.

"Ako na ho."

"Ako na! Umupo ka!"

"Tay"

"Sabing umupo ka e!"

Bigla siyang lumuhod sa paanan nito at niyakap ang binti ng kanyang ama. Saka niya pinakawalan ang kanina pang namumuong mga luha. Isinubsob niya ang mukha sa may binti nito at nag iiyak na parang bata na ayaw ma palo ng ama. Naramdaman niyang umiiyak din ito at bahagyang inilagay nito ang kamay sa kanyang ulo at hinila siya patayo.

"Tay sorry na ho hinding hindi ko na ho yun uulitin." Humihikbing sabi niya dito

Hinawakan naman nito ang kanyang dalawang kamay. "Anak makinig ka sa tatay. Kahit kailan hindi kita ikinahiya kahit sa kasarian mo. Kahit sa panahong hindi kapa nakakapag basa. Pero sa ginawa mo anak nanliit ako, nanliit ako sa sarili ko na nagawa mo ang lahat ng yun ay dahil lang para sa akin sa amin ni Jade. Pero anak alam kung nahihirapan kana pero ganun paman, mali yun Althea mali! Hindi kita pinalaki na mang lamang oh gumawa ng masama para sa kapwa. Pero bakit mo ginawa yun?"

"Tay."

"Oo nga pala alam ko na kung bakit. Kaya wag kanang mag tangkang mag paliwanag alam ko na ang dahilan."

Tumayo siya at niyakap ang ama saka ito hinagkan sa noo at pisngi.

"Tay kumusta kayo dito Jade?"

"Kumain kana muna at lumalamig na ang pagkain."

"Alam niyo hong makakalaya na ako ngayon?"

"Kumain kana anak mamaya na tayo mag usap."

Dali dali siyang nag hugas ng kamay saka humarap sa hapag kainan. Inalok niya ang kanyang ama ngunit tumanggi ito dahil para daw talaga sa kanya ang pagkain.

++++++++++++++

"Bes ayaw mo ba siyang makita for the last time?" Tanong ni Sally habang pinag da drive siya papuntang airport.

"Hindi na."

"Bes. Wag kana mahiya sakin alam ko kung ano nararamdaman mo."

"Sall napag usapan na natin yan diba?"

"Oo miss na miss ko na siya. Ayukong umalis ok? Ayukong mapalayo sa kanya. Gusto kong mag sama lang kami sa hirap at ginhawa masaya na ako. Pero hindi naman ganun ka dali diba? Ako kaya kong mag tiis pero siya mas marami pa siyang pwedeng gawin na hindi ako inaalala. Gusto kong unahin niya ang sarili niya kesa sa akin."

"Pano kung hindi niya kaya?"

"Kaya niya yan Sall alam ko matatag si Althea." Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Nag fa flashback naman sa kanyang utak ang mga moments nilang dalawa. Yung masaya lang, yung kahit nag hihirap sa financial e lumalaban. Yung e de date siya nito pag araw ng linggo na kahit hindi sa magarbong kainan ay masayang masaya na siya. Yung pag aalaga nito sa kanya na pag nasa bahay lang ito ay inanasikaso siya na parang princesa. Yung mga halik at haplos nito na nakakapag bigay sa kanya ng sari saring emosyon.

"Althea"

"May sinasabi ka bes?" Baling sa kanya ni Sally. Napalakas pala ang pag bigkas niya ng pangalan nito.

+++++++++++++++

Matapos kumain ay umakyat na siya sa papag para kumuha ng gamit panligo. Napansin niyang mas maayos ang kwarto kesa noong huling iniwan niya.

Napansin niyang lumuwang ang kanyang naka hilirang damit sa cabinet at may mga damit siyang iilan na nawawala.

Tiningnan niya ang nag iilang gamit ni Jade. May iilan ding nawala ngunit mas marami ang iniwan. Pansin din niyang wala ang ilan sa mga libro nito.

Sinalakay siya ng kaba sa iniisip kaya dali dali siyang pumunta sa kusina para tingnan ang maleta nito.

Nanlumo siya sa nakita. Umalis na nga ito, umalis na ito at marahil ito na ang kapalit ng kanyang ginawa.

"Anak"

Napalingon siya sa ama na nag salita.

"Kaya ba ayaw niyong sabihin?" Baling niya sa ama

"Ito ang mas makakabuti para sa inyong dalawa ni Jade."

"Asan si Jade tay at susunduin ko!"

"Baka nasa airport na ngayon hinintay ka lang talaga niya na makalaya. Alam kong ngayon ang flight niya papuntang amerika."

"Amerika?! Wala sa usapan namin to tay! Ni hindi niyo man lang siya pinigilan?! Anong klase kayong ama! Akala ko ba mahal mo ako tay kami ni Jade?! Bakit niyo hinayaang mag desisyon siya ng ganun?!"

Iniwan niya ito sa salas saka dali daling kumuha ng pera para habulin si Jade sa airport. Baka hindi pa ito nakakaalis.

+++++++++++++

Lulan na siya ng taxi papubtang airport naipit pa siya sa traffic. Tinawagan niya ito sa cellphone nito ngunit hindi naman ito ma-contact. Nanlumo siya kawalang magawa.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone at na baling ang pansin niya dito. Agad agad na binuksan ang mensahe na galing sa hindi kilalang numero.

Bigla siyang nanlumo sa na basa at biglang napalitan ng galit ang kani kanina lang na emosyo. Napa kuyom na lang ang kanyang kamay habang hinahayaang mamalisbis ang pinipigalang luha.

"Manong, balik ho sa may Roxas boulevard na lang ho tayo."

"Ok ka lang ba miss?" Nag aalalang tanong ng driver

Tumikhim siya para mawala ang bara sa lalumunan.

"Ok lang ho."

+++++++++++

Binabagtas niya ang kahabaan ng bay walk habang mahinang humihikbi. Wala na siyang pakialam sa mga nakakasulubong niya na panay tingin sa kanya.

Sa mga nanlalabong mata hinanap niya ang upuan na paborito niyang upuan. Napangiti siya ng may pait ng makita niya sa di kalayuan ang babaeng may pula ang buhok.

Ate Rhian

======================

A/N: Ayuko sana talagang mag update kasi alam kung ma bo broken lang kayo sa ud ko ✌

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 85 32
Professor×Student { G×G } kaya koto nagawa kasi bored ako HAHAHHAHAH pero trust me maganda to
139K 4.2K 86
Paano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Al...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
455K 1.1K 3
➿➿Previously titled Ang Girlfriend ni Bossing➿➿ It was an unexpected love story between the two. She wasn't exactly sure when it happened or even whe...