"Sige na po, mumshie, bye bye na! Ipagluluto ko pa si Harper ng breakfast. Bye!" Ibinaba ni MM ang telepono. Pabalik na siya sa kusina nang marinig si Harper.
"Si Mumshie ba 'yon?" Tanong ni Harper na kakalabas lang ng kuwarto hila ang isang maliit na pulang suitcase at sa isang kamay ay ang pares ng white Gucci sneakers nito.
"Oo. Saan ka pupunta?" Tumayo si Mhelanie sa likod ng pang-isahang couch. Itinukod niya ang kamay sa ibabaw ng malambot na sandalan habang nakatingin kay Harper na umupo sa sofa habang isinusuot ang sapatos.
"Ano na naman daw ang kailangan sa 'yo?" Harper assumed na si Mhelanie ang kailangan ni Mumshie dahil kung para kay Harper ang tawag ay ibinigay na niya ang telepono rito.
"As usual, nangungulit na naman."
"And?" Nakataas ang kilay nitong tanong.
"Sabi ko ayaw ko."
"Good." Binuhol nito ang sintas ng sapatos at muling itinuon ang tingin sa kanya matapos maisintas ang sapatos.
"I need you, MM, alam mo 'yan 'di ba?" Tipid siyang ngumiti saka tumango.
"So, saan ka nga pupunta?" Tumayo si Harper at hinawakan ang handle ng suitcase.
"I'm going to Boracay. May biglaang appointment, eh. Kasama ko si Will. Will and I were invited for a Boracay Beach Run. You don't have to come with me. Just take a rest."
"Pero 'di ba may dinner kayo ng pamilya ni Falcon mamaya. Nagpaalam ka sa kanya."
"Hays! Isa pa 'yan kaya gusto ko ring umalis. Paniguradong kukulitin lang nila ako tungkol sa kasal namin ni Falcon. Tatawagan ko na lang siya kapag nasa Boracay na ako para wala na siyang magawa."
"Baka magtampo sa 'yo 'yong tao."
"Alam mo na ang gagawin diyan. Please, bake him his favorite brownies. Tapos dalhin mo sa office niya at sabihin mong hindi ako makakasama sa dinner. Ikaw na ang bahala, MM! I really have to go now." Lumapit sa kanya si Harper at hinalikan siya sa pisngi.
"Pero Harper."
"Bye, MM, may pasalubong ka sa 'kin pag-uwi ko." Tinungo ni Harper ang pinto hila ang suitcase.
"Harper!"
"Puntahan mo si Falcon, ah. Dalhan mo ng brownies at sabihin mong hindi ako makakasama sa dinner. MM, ikaw lang ang inaasahan ko. Bye!" Napaupo na lang si Mhelanie sa sofa nang isara na ni Harper ang pinto.
Iniiwasan niya nga si Falcon siya pa ang uutusan ng babaeng ito. Walang nagawa si MM kundi ang tunguhin ang kusina at magbake ng brownies. Ang red velvet brownies na paborito ni Falcon na akala nito ay si Harper mismo ang nagbe-bake para rito pero ang hindi nito alam ay siya ang nagbe-bake.
No big deal naman iyon sa kanya. Masaya siyang nakatulong ang brownies niya sa kaibigan para mapalapit kay Falcon. Falcon started to have interest with Harper nang dalhan ito ni Harper ng brownies na binake niya. Humanga raw ito kay Harper dahil sa kabila ng pagiging busy nito sa career ay nagagawa pang magbake. Falcon asked Harper to go on a date. Kaya naman simula noon ay kinuntsaba na siya ni Harper na huwag sasabihin kahit na kanino na siya ang nagbake ng brownies na iyon, lalong-lalo na kay Falcon. And that was fine with her. Masaya siya na masaya si Harper.
PAGKATAPOS MAIBIGAY ni Mhelanie ang freshly baked red velvet brownies kay Falcon ay agad na siyang nagpaalam sa binata. Nagmamadali siyang umalis dahil sa biglang pangungulit ni Falcon na siya na lang ang proxy ni Harper para sa dinner. Hays! Ang lalaking talagang iyon, parang hindi man lang nau-awkward.
"Mhelanie!" Lalo niyang binilisan ang mga hakbang nang marinig ang boses ni Falcon. Sinundan pa talaga siya, eh!
"Mhelanie. MM!" Nahigit niya ang kanyang paghinga nang hawakan ni Falcon ang braso niya. Humarang ito sa daraanan niya. Nakapatong sa kanang kamay ang box ng brownies.
"Please!" His voice had an almost pleading quality, jutting out his full bottom lip at bahagya pang kumunot ang noo. He looks kinda cute with that facial expression. . . Childish. Charming. That made her wanting to agree but nah! Hindi maaari.
"Hindi!" Mhelanie said firmly.
"Sige na, sumama ka na. Please, MM. Akala ko ba okay na tayo? Akala ko hindi ka na naiilang sa 'kin." Madaling sabihin mahirap gawin. Kung ito kaya ang lumagay sa sitwasyon niya. Kung si Falcon ay napakadaling nakapag-adjust sa nangyari, hindi siya. Hanggang ngayon ay parang nanginginig pa rin ang katawan niya sa tuwing makakaharap si Falcon.
"Falcon, ayoko! Bakit ba ang kulit mo? Hindi ko alam kung paanong haharap sa pamilya mo. At isa pa hindi papayag si Harper."
"Paano haharap sa pamilya ko? Just be yourself. Hindi sila nangangain ng tao. At. . ." Hinugot nito ang cell phone mula sa slacks at saglit na nagtipa. Ni-loud speaker nang magring ang kabilang linyang tinawagan. Ilang beses iyong nagring bago nila narinig ang malambing na boses ni Harper.
"Hey, baby, I'm so sorry if I can't make it tonight. I have a sudden appointment. I'll make it up to you, I promise." Tuloy-tuloy na saad ni Harper mula sa kabilang linya.
"I'll forgive you in one condition." Ani Falcon habang ang mata ay na kay Mhelanie.
"Anything, baby, what is it?"
"Ahm. . . Alam mo naman na magtatampo 'yon si lola kapag pumunta akong hindi ka kasama 'di ba? Nangako akong kasama ka mamaya."
"Hmm-mmm! Then?"
"So, can I invite Mhelanie to go with me for a dinner instead."
"Si MM? Bakit siya?" Mukhang nabigla si Harper dahil bahagyang tumaas ang boses nito.
"Well, Mhelanie came to my office para ibigay ang brownies, naisip ko na siya na lang kaya ang isama ko mamaya para naman may bisita ako at mahiya naman si lola na pagalitan ako. Since bestfriend naman kayo, kaya siya na lang." Hindi tumugon si Harper mula sa kabilang linya na parang pinag-iisipan ang sinabi ni Falcon. Mhelanie doubts na papayag si Harper.
"Or kung hindi mo naman gusto, maghahanap na lang ako ng iba na pwedeng isama mamaya. How about Denise Laurel--"
"No! Don't you dare! Okay, tatawagan ko si Mhelanie at sasabihin kong samahan ka." Marahang natawa si Falcon. Napangiwi na lang siya ng kindatan siya ni Falcon. Makakatanggi pa ba siya nito kung kulitin na naman siya ni Harper. Lalo't binanggit pa ni Falcon ang Denise Laurel na iyon na patay na patay kay Falcon. Anak iyon ng isa sa business Associate ng papa ni Falcon.
"So?" Falcon said after ending the call. A triumphant smile lit his handsome face. She rolled her eyes and pushed Falcon away.
"Ang daya mo!" She said and past him. Falcon let out a deep, husky laugh.
"I'll pick you up at six, MM!" Itinaas lang niya ang dalawang kamay sa ere habang naglalakad papalayo.
HINDI na siya nagulat pa nang tawagan siya ni Harper para sabihing samahan niya si Falcon sa dinner ng pamilya nito. Hindi na rin niya sinabi kay Harper na naroroon siya at narinig niya ang lahat ng pinag-usapan nito at ni Falcon.
She stood up and went to the door as the doorbell rang. Si Falcon na siguro 'yan.
"Hi," she greeted Falcon as she opened the door. Pasimple niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng binata. He clad in a navy blue sport coat with jeans. Body-hugging white T-shirt ang napapatungan ng mamahaling sport coat. Hindi niya mapigilan ang humanga sa kakisigan ng lalaking ito.
"Hey!" Nakangiti nitong bati sa kanya. His gaze fixated on her face for a long moment before making a leisurely sweep over her body, clad in a very simple black mini dress. He then dragged his gaze back to her face.
Nang mahagip ng mata ni Falcon ang isang silver hair clip na nakaipit sa buhok niya ay itinaas nito ang kamay, nakangiting hinaplos iyon.
"You look so sweet little girl, Mhelanie." Alanganin siyang ngumiti at kinapa ang ang hair clip.
Parang pinagsisihan niya tuloy na naghair clip siya. Mukha ata talaga siyang nene sa ayos niya. Napakasimple ng itim na dress niya na hindi aabot ng tuhod, isang red doll shoes, nakalugay ang mahabang alon-alon at itim na itim niyang buhok at nilagyan ng isang hairclip sa gilid. Heart shape pa ang red sling bag niya na nabili niya sa mega mall noong magkaroon 3 days sale.
"Ito na ang pangmalakasan ko, eh." Falcon chuckled.
In-offer nito ang braso sa kanya.
"Shall we?" Tumango siya at humawak sa braso ni Falcon matapos isara ang pinto.
Naglalakad na sila sa kahabaan ng pasilyo nang hawakan ni Falcon ang ibabaw ng kamay niyang nakahawak sa braso nito.
"Nanlalamig ka."
Bahagya niya itong tiningala. Medyo maliit siya sa height niyang 5' 6" sa height ni Falcon na lagpas yata ng anim na talampakan.
"Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit?"
"Relax." Inabot nito ang pisngi niya at masuyong hinaplos iyon habang nakatitig sa mata niya. His gaze and the light carress of his finger sent tickle all the way down her spine. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa binata. Maging si Falcon ay parang napaso na mabilis na binawi ang kamay.