Chaper 36

322K 6.7K 474
                                    

Hello guys! Sa past update ang daming naglabasang dirty little secret sa comment box. Tawang-tawa ako! Ang kukulit niyo. Thank siya sa comments. Sa mga silent readers na nagco-comment na, thank you! hehe!

#TeanTigang! Hello to all singles and LDR out there, specially to C_Sweety4U, cloud_princess018, meredithygrey1213, maria_Buday, PeachJimenez, starterLogin, Superjinxy, ElenaBao3, eumariel, MarjonGraceGamueda, JoyAdiova, elmagarcia526, igrlbby, aqcangel12, AemAzirahdPags, cheamgela, ghdjsajf, alegnarean, lilbhrat12, KriscelOrtigosa7, Kristina Pia Balalio, NjBajado, joem_sayet, anayuri51, mariz87, gem_ai, imaLwaysbyursidE, hotmonica, hindi na sila punta masbate. hehe! Ladyshenna101, queeenmhira, iamrashiee, Padillz_26, aiwo25, mhadelyne08, Bhingtorio30. Hello, teboron, siya pala nagpapa-dedicate sa spg nakalimutan ko. Hello, Milkie Lumabao, ito hindi 'to #TeamTigang saya ng sex life nito. Huwag ka na tampo sakin. Love lots! H



INAGAW ni Jufred ang bote ng beer kay Mhelanie at inilapag iyon sa center table. Kanina pa ito umiiyak.

"That's enough. Lasing ka na, eh." Dinala niya si Mhelanie sa condo ng panganay niyang kapatid. Pansamantala ay dito siya tumutuloy. Sa tuwing uuwi siya ng Pilipinas ay sa isang hotel siya tumutuloy pero since nasa bakasyon ang kapatid niya kasama ang pamilya nito dito na siya nito pinatuloy. Hindi niya gusto sa bahay nila dahil magkakasagutan lang sila ng ama niya. His parents always wanted him to settle down and run their company. Siya ang nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid kaya siya ang kinukulit ng mga ito, lalo ng kanyang ama. He is not interested in their business. He'd always been more interested in perfecting his skills - which is painting - and not wanting to get tied down and work his ass off to his father company. He is more comfortable working in fast food chains than staying in a place he does not want.

"Ang sakit, Jufred! Nararamdaman kong may iba siya. Gustong-gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako. Baka hindi ko kayanin ang katotohanan!" Bumulalas na naman ng iyak si Mhelanie. Masuyong ikinulong ni Jufred ang mukha ni Mhelanie sa mga kamay at pinakatitigan ito. Damn! How could Falcon do this to this kind-hearted woman?

Siya ang nasasaktan na makita itong umiiyak. Ilang babae na ba ang nakita niyang umiyak na siya pa ang may kagagawan pero hindi man lang siya nakaramdam ng pagkaawa o ma-guilt man lang. Pero si Mhelanie, parang dinudurog ang puso niya at gusto niyang basagin ang mukha ng pinsan sa pagpapaiyak dito. Pinahid niya ang basang pisngi nito gamit ang thumb-fingers. Nang dumako ang mata niya sa labi ni Mhelanie ay natutukso siyang halikan ang labi nito. Fuck! Ano ba ang iniisip niya? Hinalikan niya ito sa noo saka niyakap.

"Tahan na!" Masuyong hinaplos ni Jufred ang likod ni Mhelanie at hinalikan ang gilid ng ulo nito.

"Tahan na, Mhelanie. Magiging okay rin ang lahat. Mas mabuti kung kausapin mo siya. For now magpahinga ka na muna."

Inihatid ni Jufred si Mhelanie sa kuwarto. Nagpalit ito ng damit bago nahiga. Pinagamit niya rito ang over-sized shirt niya at boxer short. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang nakapikit na si Mhelanie. Inabot niya ang pisngi nito at marahang hinaplos.

"You look like an angel. Kung ako ang asawa mo hinding-hindi kita paiiyakin."

Jufred sighed heavily. Marahan siyang natawa sa sarili. He never thought that he would fall in love with her. Ang nanay niya ang pamantayan niya sa paghahanap ng mapapangasawa. Lahat ng magagandang katangian ay nasa kanyang ina na, at kay Mhelanie niya nakita ang lahat ng iyon. Mas lalo tuloy tumaas ang standard niya sa babae dahil kay Mhelanie. Hindi naman niya ginusto pero bigla na lang niyang naramdaman isang araw na parang hindi na normal ang tibok ng puso niya kapag nakikita niya si Mhelanie.

Damn! Nagkakaroon siya ng malaking kasalan kay Falcon dahil sa nararamdaman niya sa asawa nito. Pinakiusapan lang siya ni Falcon na bantayan si Mhelanie habang nasa California ito pero nadali ni kupido ang puso niya. Sino ba naman kasi ang hindi ma-i-in love sa babaeng ito. Lahat yata ng magagandang katangian ay taglay na ni Mhelanie. Isang uri ng babaeng ipinapakilala sa magulang; babaeng siniseryoso, minamahal at inihaharap sa altar.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now