One Night's Mistake (Publishe...

By bluekisses

27.7M 370K 12.6K

The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own p... More

One Night Mistake
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
AUTHOR'S NOTE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
Bonus
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR (part 1)
FORTY FOUR (part 2)
FORTY FIVE
EPILOGUE
Author's Closing Note:
SPECIAL CHAPTER
12.25.14
Special Update 2.0
Published Under Pop Fiction

FIFTEEN

564K 7.7K 175
By bluekisses

Happy 11k!

Enjoy reading!

CHAPTER FIFTEEN

LARA

"Ah—ah, ouch!" reklamo ko sa sakit. "Masakit, can you please slow down?!" I shouted nung mas diniinan niya pa.

"Reklamo ng reklamo. Sinabi nang hindi ako expert dito." Labas sa ilong na sagot niya.

"Ah ganun? At nagrereklamo pa. Sino baa ng humingi ng pabor?" naiiritang sabi ko naa tumihaya. "Kung ayaw mo edi dun ka sa couch! Alis!"

"No, eto na po aayusin ko na po, dapa ka na po ulit baby ko." Biglang bawi niya sa pagrereklamo niya. "Eto talaga hindi ma-joke." Pang-aamo niya pa na nagsimula nang hagudin ang kanang braso ko. "Aayusin ko na po ang pagma-massage ko sa 'yo baby."

Talaga 'to! Pag-aayusan naman pala, kailangan pang sinisindak. Humiling kasi siyang makitulog sa kama. Because he got stiffed neck last night. Pinayagan ko naman dahil, pero in one condition. He needs to massage me. Medyo masakit kasi ang likod ko.

Naawa na din kasi ako sa kaniya e. He'd been sleeping there for a week now. At lagi ko siyang naabutan sa umaga na halos kalahati na lang ng katawan niya ang nasa couch. Ang laki niya kasi masyado.

Inayos niya naman na ang pagmamasahe. Marunong naman pala, ayaw pang pag-ayusan kanina. Buti na lang talaga at sound proof ang kwarto niya kung hindi ay maririnig ng Mama niya ang bangayan namin dito sa loob ng kwarto.

And speaking of Mama Janice, we were getting along fine, naaalala ko sa kanya ang Mommy ko. Kaya ang gaan ng loob ko sa kanya.

These past few days nga ay ako ang lagi niyang kasama, palibhasa kasi busy sa trabaho si Enrique. Kung saan-saan na nga kami nakakapunta e. We gone a lot of shoppings, at sa mga gathering na pinupuntahan niya at proud na proud siyang ipakilala ako sa mga amiga niya as her daughter-in-law.

"Aahhh." Hay, ang sarap ng hagod niyang 'yon ah, inantok tuloy ako, nakakpagod kasi ang ginawa namin ngayon ni Mama. Nagpunta kami sa Tagaytay and attended one of her Amiga's birthday. Nakakapagod ang byahe. Actually kasama din namin si Enrique at siya ang nag-drive, kaya I'm sure na gaya ko, pagod din siya.

"Okay na, inaantok na ako." I said na nagpatigil sa kanya. "You can sleep here now. And you should know your distance." I said sleepily, grabe inaantok na talaga ako.

"Thank you. Goodnight, baby." Pang-aasar niya pa pero hindi ko na lang pinansin.

At sa sobrang antok nga ay tuluyan na akong nakatulog.

-----

Dahan-dahang nagmulat ako ng mga mata, umaga na. Pumikit ulit ako ng mariin bago ko tuluyang minulat ang mga mata ko. May naramdaman akong parang mabigat sa bandang legs ko, may mainit na nakayakap sa akin and it seems like something was poking my right hip.

At dun ko lang na-realize na pinayagan kong matulog si Enrique sa tabi ko kagabi. Napabalikwas agad ako ng bangon. "What are you doing?" malakas na sigaw ko. Which cause him to open his eyes a bit. Naalimpungatan ata sa biglang pagtayo at pagsigaw ko.

"W-why? Mahinang tanong niya.

"Wh—why a-are you hugging me?" nauutal na tanong ko. "And wha-what was that? The thing that..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko, because I think I've already have an idea on that. "...poking me?"

"Huh?" pupungas-pungas na tanong niya na bumangon na mula pagkakahiga.

Sumulyap ako sa bahaging 'yon, para malaman niya ang tinutukoy ko. Medyo manipis pa naman ang suot niya boxers. Kaya halatang-halata talaga kung ano man 'yong naramdaman ko kanina.

"This?" he said half smiling, half smirking. Habang nakaturo na sa ano niya. Tumgango-tango ako. "What do you expect baby?" tanong niya na unti-unting lumapit sa akin. "I was sleeping with a woman, not just a woman, my wife to be exact. Kaya normal lang magkaganito ako sa umaga." He explained na ngayon ay nakatayo na sa bahaging tinatayuan ko kanina. Ako naman ngayon ay naka-ilang hakbang na paatras at nakasandal sa pinto ang likod ko

"Don't come near me, ang bastos mo!" I shouted na kinakabahan na. Malay ko ba kung anong gagawin niya sa akin. Wala akong nagawa nung nakalapit na siya sa akin, dahil lalo niya pang nilapit ang sarili niya sa akin lalo na ang mukha niya. I felt the heat coming from his body, dahil topless siya. Ang bilis ng pintig ng puso ko, parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko any moment. Naipikit ko ang mata ko, nararamdaman ko ang paglapit niya dahil sa pagtama ng hininga niya sa mukha ko.

In fairness kahit bagong gising ayos ang amoy ng hininga niya. Nakakahiya, baka 'yong akin hindi. Sinaway ko din ang sarili ko sa naisip ko.

"I am also a man, I have my needs. And it happens that you're here, who appear to be my wife. I can't resist you, and I can't control this any longer." He whispered in my ear na nagpakilabot sa akin. Idinilat ko ng kaunti ang kaliwang mata ko. And saw him very close to my face kaya naipikit kong muli ang mga mata ko.

"That's why I want to kiss you right now. Because I am haunting that lips since that night at hindi na ako magtitimpi pa." patuloy niya, ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Nararamdaman kong gahibla na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

Halos maputol na ang hininga ko sa pagpipigil nang may kumatok sa pintong sinasandalan ko. Si Mama.

"Oh fuck!" I hear him muttered kaya sinilip ko siya gamit ang isang mata ko, para tignan kung nakalayo na siya sa akin. Pero mas lalo niya pang nilapit ang mukha at katawan niya sa akin. "H'wag ka maingay, para isipin ni Mama na tulog pa tayo." Sumunod naman ako sa kanya na parang nahipnotismo.

Nang hindi tumigil sa pagkatok si Mama ay naiiritang lumayo siya sa akin. At naglakad papunta sa banyo. "Magbabanyo muna ako." Sabi niya pero biglang tumigil at umikot. Tumingin muna siya sa akin. At eto na naman po kami, bumalik siya

"Pero baby, you can still help me with this, para hindi na ako pumunta ng banyo." He said using his bedroom voice, tumingin pa siya sa direksiyon ng ano niya. Kaya nag-init ang buong pisngi ko, pakiramdam ko ay pulang-pula ang buong mukha ko.

Lumapit pa siya lalo sa akin, lalo na ang mukha niya. Dahan-dahang napapikit ang mga mata ko. Ewan ko kung anong kalandian ang sumapi sa akin at parang gusto ko din ang gagawin niya.

'I want you baby.' Letse, 'yong gabing 'yon na nama.

Pero natigilan kami pareho nung may kumatok na naman.

"Wrong timing 'tong si Mama." Disappointed na sabi niya, na hinawakan ang doorknob. Ewan ko pero feeling ko disappointed din ako.

Akala ko ay lalabas na siya para kausapin si Mama nung bigla siyang bumulong sa tenga ko. "Men do wake up with this, it is normal." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"I hate you! Ginu-good time mo na naman a—" I shouted pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Mama might hear us." He said na inalis na ang kamay sa niya. Tumahimik din naman ako sa takot na marinig kami. Pero sa gulat ko ay walang anu-ano ay hinalikan niya ako. The next thing I knew I was already responding to his kisses. Palalim na ng palalim ang halik na pinagsasaluhan namin nung bigla siyang tumigil at tumalikod sa akin.

"But I enjoyed teasing you, you should have seen your face it reminds me of that night." Makahulugang sabi niya na malayo na ang mukha sa akin na kumuha ng t-shirt sa drawer at lumabas na ng kwarto.

Ako naman ay kasalukuyang hawak ang nakaawang kong bibig. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Nanghihinayang o magagalit, because he took adventage of me. At ang masama, bumigay naman ako. I set the rules pero mukhang ako ang sumisira.

At teka! Niloloko niya ba ako? Sound proof kaya 'tong kwarto. Ako naman si gaga, naniwala. Humanda siya sa akin mamaya.

-----

Nang makapag-ayos na ko ay lumabas na ako ng kwarto, naabutan ko sa baba si Mama na naka-upo sa living room. "There you are hija, good morning." Bati niya sa akin na nakipagbeso-beso. "Naabala ko ba ang pagtulog niyo? I am sorry."

"No Ma, it's okay, gising na rin po ako nung kumatok ka."

"E bakit sabi ng anak ko nagising ko kayo." She asked sa mababang tono.

"Actually Ma, di mo kami ginising, inabala mo ang quality time namin." Walang gatol na sagot ni Enrique mula sa likuran ko. I can see na nanlaki ang mata ni Mama. Hindi ko man lang namalayan na nandito na siya sa likod ko.

"Oh, I am sorry." Paghingi ni Mama ng paumanhin, tutop niya pa ang noo niya.

"No Ma, wag ka ng magpapaniwala diyan." Defensve na sagot ko.

"Talaga lang ha?" pang-aasar ni Enrique na lumapit na sa akin. Ayan na naman po kasi sa sweetness display infront of his mother. "If I know nabitin ka rin." He whispered in my ear na akala mo kinagat ang tenga ko.

Nagtaasan ang baliho ko sa batok sa sinabi niya. Maybe because I am half guilty. At apektado ako sa sinabi niya.

"Hay naku, tama na nga 'yang lambingan na 'yan." Natatawang pagsaway ni Mama. "Bago ko malimutan, we need to go to the airport, because ngayon ang dating ni Joyce from Par—" hindi pa man tapos si Mama sa sinasabi ay sumabad na agad si Enrique.

"Really Ma?" di makapaniwalang tanong nito. Tumango-tango si Mama.

"Oh how I miss her? Anong oras ang take-off niya? We need to be there soon, ayaw n'un nang late."

"Noon time pa, so we still have time to prepare and drop by somewhere for breakfast." Sagot ni Mama na nagpaalam na para mag-ayos

Sino ba kasi 'yong Joyce na 'yon? Parang nung dumating si Mama siya din 'yong kinausap, tapos ngayon naitsapwera ako nung narinig ni Enrique ang pangalang iyon. I even saw the sparkle in his eyes na para bang excited na excited siya.

Oh shit! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Para akong sira. I am not jealous. Wala akong karapatan. I should always remember our rules. No strings attached. I made those rules I should not broke it.

But I can't help myself to wonder who that Joyce in his life was.

"Who's Joyce?" I asked him pagkapasok ko ng room, hindi na kasi ako makatiis. Aba at talagang ang bilis nakaligo at nakabihis ah! Gan'un ba kaimportante and babaeng 'yon?

"You'll know her later." Excited na sagot niya lang. "Bilisan mo nalang, I'll wait you outside."

Dahil sa inis ko ay parang nawalan ako ng gana. Feeling ko talaga hindi ko magugustuhan 'yong Joyce. Pakiramdam ko she was his ex, na close ni Mama. Pero hindi naman ako pwedeng mag-inarte, kaya kahit labag sa kalooban ko, ay kailangan ko mag-ayos, baka magduda pa sila kung mag-iinarte pa ako.

Labag sa kalooban na nagbihis pa rin ako. I wore the best dress I saw. Hindi ako papatalbog.

Ano ba 'yan? Feeling ko tuloy para akong teenager na makikipag-paligsahan sa ibang babae para sa crush niya.

---

Eto na um-advance na ako, thanks a lot sa suport, nag Update ako bigla dahil nag 11k na, salamat, dapat kagabi pa to, pero dahil nakatulog ako, ayun di natapos, kaya eto, inuna ko 'to kesa sa mga kelangan ko ipasa tom!

Salamat talaga ng marami sa support, kinikilig na ako right now, I cant believe,, haha, dami kong alam..

Basta salamat ng madami... I love you all!

feel free to leave comment and vote.. muaaah!

~LEYN~

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
7.4M 122K 46
Formerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken...
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
400K 9.5K 38
"I-Im sorry." malakas ang kabog ng dibdib na wika ko. He's looking at me dangerously. Palapit siya ng palapit sa akin Habang ako naman ay paatras ng...