Miss Always Rank #2

Av deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson Mer

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 29

9.2K 310 32
Av deliixx

Kabanata 29

PDA

Panay ang punas ko sa aking noo habang tinutulungan si Owen sa pamimigay ng relief goods. Panay ang salamat at puri ng mga tao sa ginawa namin at anila'y may presentasyong ipapakita ang mga bata bilang pasasalamat.

"Naku, nag-abala pa po kayo." sabi ni Owen habang binibigay ang maliit na box na may lamang relief goods.

"Maraming salamat talaga." sabi ng matanda at tumingin sa akin. "Hija ikaw ang may-ari ne'to diba." nakangiti ako habang sinasabi nya iyon, tumango ako at may nilahad sya sa aking dalawang purselas na may mga beads na gawa sa kahoy. Sa tingin ko ay eto ang hanap buhay ng mga kababaihan dito at ibebenta sa bayan.

"Maraming salamat po lola." sabi ko, nakatingin parin sa bracelet

"Ibigay mo yan sa taong mahalaga sayo." aniya at nilagpasan na ang table namin.

Tinignan ko muna iyon ng ilang segundo bago nilagay sa bulsa at pinagpatuloy ang mamimigay ng relief goods.

Ibigay sa taong mahalaga sa akin? Sino ang pagbibigyan ko? Si Johansson? Pero hindi sya nagsusuot ng ganito. I'm absolutely sure he will not wear this kind of things, he's used to wear jewelry, not this tradition wood bracelet.

But I want to give it to him, tatanggapin nya kaya? O susuotin man lang?

Panay ang picture taking ni Maxxine sa mga bata kaya nakisali na rin ang mga kaibigan namin. Si Karlie ay pinaglalaruan ang kulot na buhok ng batang babae habang si Bianca naman ay nakikipag selfie sa mga bata, si Nick naman ay hindi nilubayan si Kaien.

Sinulyap ko si Johansson na kausap si Lola na nagbigay ng bracelet sa akin, tumatango tango si Johansson at masinsinang nakikinig sa sinasabi ng matanda. Tumingin sya sa akin at naabutan nya akong nakatitig sakanya, ngumiti sya at hindi na tinanggal ang tingin sa akin habang nakikinig sa matanda kaya nag-iwas ako ng tingin at tinawag ang photographer ng team para kuhanan kaming magkakaibigan ng letrato kasama ang mga bata.

Noong una ang kaming lima lang ang kinuhanan, tinawag ni Nick si Kaien at Johansson na parehong lumingon sa amin. Nasa gilid ako kaya nang naunang tumabi sa akin si Kaien ay kinurot ko si Nick para magpalit kami. Gusto naman ng bakla kaya mabilis nyang pinalitan ang pwesto ko.

Naglalakad si Johansson patungo sa amin kaya nang naabutan nya ang ginawa ni Kaien at tumigil sya sa paglalakad at tinignan nya ng masama ito. Oh no... Not this time.

"Johansson!" tawag ko sakanya at binigyan sya ng pwesto, nasa gilid ko si Maxxine na nasa gitna at binigyan ng espasyo si Johansson.

Bumangot parin ang mukha ni Johansson ng tumabi sa akin.

"Stop sticking around my girl." sabi ni Johansson bago nag-click ng vsunod-sunod ang camera ng photographer at ilang phone ng mga kasamahan namin.

Hilaw ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Johansson. I'm pretty sure narinig iyon ng mga kaibigan ko at alam kong alam nila na si Kaien ang pinaparinggan ni Johansson. Hinawakan ko ang kamay ni Johansson, umaasang makalimutan na nya iyon.

And besides, wala namang ginawang masama si Kaien. Hindi naman nya masyadong nakakausap si Bianca na nasa kabilang dulo kaya natural na sa akin sya tatabi. Overacting lang itong si Johansson, hindi lahat ng lalaki ay may gusto sa akin.

Nagpatuloy ang picture taking, kasama ang mga managers, staffs, volunteers at citizens na tinulungan namin. Hindi pa papalubog ang araw ay nag-impake na kami, anila'y delikado daw ang bumaba ng bundok kapag gabi kaya habang may araw pa ay aalis na kami.

Nagbigay ng munting mensahe ang pinuno ng barangay at sumayaw ang mga bata na sinalihan nina Nick at Owen kaya panay ang tawa namin lalo na ng may tatlong batang bading na todo sa pag-kembot at ginaya ito ng dalawa.

Naiiyak na kami sa kakatawa habang pinapanuod sila. Nang nakita kong tumatawa si Johansson at natigilan ako sa pagtawa para pagmasdan ang tawa nya. Malalim iyon at mahina lamang.

Napatingin sya sa gilid ko at mabilis na nawala ang ngiti sakanyang labi. Tinignan ko ang katabi ko na si Kaien na wala dito kanina.

Naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ni Johansson sa bewang ko at ang paghila sa akin palapit sakanya dahil kung bakit napahawak ako sa kanyang dibdib.

"Tss. Piss off." bulong nya at hindi ko alam kung narinig ba iyon ni Kaien dahil sa lakas ng tawanan

"Stop it." suway ko at hinampas sya. Tumayo ako ng maayos na pinagpatuloy ang panunuod sa mga bata.

Tumaas ang kamay nya sa bewang ko papunta sa aking balikat. Palipat-lipat ang kanyang kamay sa aking balikat at bewang hanggang sa nagpasalamat ang mga managers at siniguradong magiging taon-taon ang charity na ito.

Habang pababa ng bundok ay pinag-uusapan na nila ang gaganaping island hopping at church hopping. Binigyan ng three days, two nights stay ang team sa hotel bilang reward sa success ng charity habang kami naman ay diretso na ang tulak sa beach resort para sa gaganaping bakasyon naming magkakaibigan. Si Ate Xena naman ay uuwi na dahil birthday daw ng kaibigan nya at uuwi si Kuya Carreon, ang pinakamamahal niyang bestfriend noon, mamayang gabi kaya kailangan daw ay nandoon sya.

"Reservation of two Presidential Suite for Tiara Tyson." sabi ng receptionist ng sinabi ko ang pangalan ko.

"Guess we'll divide the group by two? Me and Kaien then the rest of you ay sa kabilang kwarto na." natawa ang receptionist sa sinabi ni Nick. Binatukan sya ni Karlie at tinuro kaming girls.

"Girls and boys ang hatian at tutal binabae ka naman Nick, sa amin ka."

"What?! No freaking way. I'll stay where I truly belong." sabi nya sabay lapit sa mga boys.

Nagbulungan ang dalawa at nagtawanan, umiling si Owen sa sinabi ni Nick at sa tingin ko ay alam ko na iyon.

"I'll separate from them, can't resist having that boy around." bulong ni Johansson at masamang tinignan si Kaien na may kausap na boy.

Hinampas ko ang dibdib nya at ngumisi lang sya. Napaka arte ng lalaking 'to, porke may pera kukuha ng ibang room kahit na kasyang kasya naman sa isang room.

"And it will be too noisy, for sure."

Alam kong tinutukoy nya sina Nick and Owen, nasa lobby pa nga lang kami ay excited na ang dalawa.

Ngumuso na lang ako sa mga rants sa buhay ni Johansson.

"Want be with me? Sunduin kita sa suite niyo mamayang gabi."

"What!?" hindi ko napigilang sumigaw. Hinampas ko sya ng todong-todo sa ulo at agad naman niya iyon nasalo.

Seriously? Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Johansson! He's all good and saint to me... Just... What the hell?

"Bakit? Ano bang iniisip mong gagawin natin?" may nakakalokong ngiti sa labi niya habang tinatanong niya yun.

Umiling na lang ako at iniwan siya

"Ano, Tiara?" sigaw niya nang palapit ako kina Maxxine, iniiwan siya

"Ewan ko sayo, Johansson!" sigaw ko, dahilan ng paglingon sa akin ng ilang turista sa lobby

"Uy! Ang ingay niyo!" suway ni Bianca

"Oh bakit namumula ka dyan, Tiara?" puna ni Maxxine na agad kong inilingan. Enough for being with Johansson, I need to rewind and forget those words.

Humiga agad si Karlie pagpasok namin ng suite, niyakap nya ang unan at sinabing kanya daw iyong pwesto na yun.

"Hoy! Wag ka namang ganid!" ani Bianca at nagsimula na silang mag-agawan sa mga unan habang kami ni Maxxine ay unang inayos ang gamit sa closet.

"Anong oras tayo kakain?" tanong ni Karlie na mukhang tumigil pa sa pag-aagawan para lang itanong iyon.

Natawa ako saglit bago siya sagutin "Mga 7PM pa."

"Nice! May dalawang oras pa para mag-swimming! May pool naman sila hindi ba?"

"Uh-huh." sabi ko sabay turo sa balcony kung saan tanaw ang pool pagkatapos ay ang malawak na dagat

Tumayo sila Karlie at Bianca para lumabas ng balcony. Panay ang puna nila sa ganda ng tanawin. Napamura pa si Karlie dahil may nakitang gwapong lifeguard.

"Anong pangalan ng hotel na'to?" tanong ni Bianca

"Villa Romualdez." sabi ko sabay tingin kay Maxxine na napatingin rin sa akin. Tumango si Bianca at pinagmasdan ulit ang tanawin habang si Maxxine ay lumapit na sa akin

"Romualdez? You mean Nathan Romualdez?" 

"Uh-huh. Akala ko alam mo na kina Nathan 'to."

Ito ang business ng mga magulang ni Nathan, hotel. Ang Romualdez Global, Inc. ay kilala sa kanilang hotels sa buong bansa. My parents and Nathan's parent know each other because of business. Taga-Iloilo ang Mommy ni Nathan at tuwing bakasyon ay nandito ang pamilya ni Nathan. Bakasyon ngayon, alam ba ni Nathan na nandito kami?

"Hindi ah! Kung alam ko lang edi sana nag-suggest ako kay Tita Shayne na sa ibang hotel na lang tayo. Johansson's hotel, for example!" umiling ako. Sa Aklan pa ang pinakamalapit na hotel nina Johansson.

"Why don't you call him? Sabihin mo na nandito tayo."

"Ano ako, baliw? Ayoko nga siyang makita e!" hinagisan ako ni Maxxine ng bikining susuotin nya sa sobrang inis. Tumawa na lang ako habang ang dalawa ay naabutan kaming nag-aasaran at tinatanong kung anong mayroon.

"Wala! Subukan mong sabihin, Tiara!" banta ni Maxxine, pumasok sya sa cr para magbihis ng kanyang paboritong bright red bikini

"Hala, ang dadamot nyo naman. Makapagbihis na nga." ani Karlie at kinuha ang kanyang one piece at lumabas para magbihis sa common bathroom.

Nagbihis ako pagkatapos ni Maxxine, black two piece ang suot ko at white cover up. Cute na pink na may white polkadots ang kay Bianca. Tinawagan ni Karlie si Nick na 7pm ang dinner at pupunta lang kami sa pool saglit habang ako naman ay tinignan ang phone kong naka-charge.

May mensahe galing kay Mommy na nangangamusta, kay Ate Xena na excited makita si Kuya Carreon at kay Johansson na mukhang bored dahil panay ang text sa akin

Zeeyan Johansson:

What are you doing?

Zeeyan Johansson:

I want to be with you. Want to swim?

Zeeyan Johansson:

I don't want to be clingy, miss. But why are you ignoring me :(

Napangiti na lang ako sa text ni Johansson at agad syang nireplayan na mag-s'swimming lang kami at kung gusto nyang sumama ay bumaba na lang sya.

May dala na silang waterproof camera kaya hindi ko na dinala ang phone ko.

May floaties sa pool kaya iyon ang pinagdiskitahan namin. Hirap na hirap silang bumalanse, umupo ako sa sun lounger at pinicturan sila.

I don't want to be wet yet. Lumayo si Xena sakanila dahil ayaw nyang mabasa ang kimono nya. Lumapit sya sa tabing sun lounger ko at tinanggal ang suot na kimono, showing her bright red bikini and sexy curves.

Tinawag ako ni Karlie para pinicturan sila sakay ang floaties. May tinawag syang lifeguard at namilog ang bibig nya ng gwapo at maganda ang katawan ang tinawag nya.

"Tanggalin mo naman yan, Tiara. Ang KJ ne'to!" sabi ni Maxxine at tinaas ang laylayan ng cover up ko. Ngumuso ako at tinanggal iyon dahil magkaka riot kung hindi masusunod ang gusto nila.

We posed for a couple of minutes for the camera at mabuti na lang at mukhang ayos lang sa lifeguard.

May mga taong napapatingin sa amin dahil sa ingay ng tawanan namin kapag nahuhulog kami sa swan. Hirap na hirap bumalanse ni Karlie kaya hindi kami napipicturan ni Kuya lifeguard ng maayos.

"Ang bigat mo kasi kaya ka nahuhulog." rinig ko ang boses ni Nick sa likod.

Dinirty finger siya ni Karlie at umayos na sa swan at nagsimula nanaman ang pose naming apat sa camera.

Hilaw na ang ngiting pinakakita ko dahil sa titig ni Johansson sa akin. Parang gusto ko na lang magbabad sa tubig dahil sa suot ko.

Nakita kong pinagmasdan nya ang mga tao sa paligid, may grupo ng magkakaibigan hindi kalayuan sa amin. Nagtagal ang titig niya doon kaya sinundan ko iyon ng tingin, may tatlong lalaki na nasa sun lounger at nag yoyosi ang nakatingin banda sa amin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Pagkabalik ng tingin ko sa mga kaibigan ko ay nagkanya kanyang pose na sila sa infinite pool ng hotel habang ako naman ay hindi alam kung mananatili ba sa pool o aahonn na.

"Hindi ata mag-sswimming si Zeeyan." sabi ni Maxxine at tinuro si Johansson na naka-upo sa sun lounger kung saan nakapatong ang cover up ko

Hinawakan nya ito at pinakita sa akin. "Is this yours?" tumango ako at pinagmasdan ang suot nyang maong shorts at puting round neck shirt. Mukhang hindi nga siya lalangoy hindi tulad ng mga boys na naka board short at topless.

Tumayo siya at lumapit sa akin, umupo siya nang nasa dulo na sya ng pool at nilahad ang kamay sa akin. Nag-taas ako ng kilay.

"Bakit hindi ka mag-sswimming? Mamaya pa naman tayo kakain." sabi ko, tinitigan lang ang kamay nyang nasa harapan ko

"Night swimming tayo mamayang gabi."

Night swimming mamaya? Hmm... Sounds interesting pero paniguradong kasama sina Maxxine.

Nilahad nya ulit ang kamay niya nang napagtantong hindi ko kukunin iyon, tumango ako at nagpahila sa kanya.

"Just wear your sleeveless next time, I'm conservative." aniya at pinasadahan ang katawan ko.

Bigla akong dinapuan ng hiya at mabilis na kinuha ang cover up sa kamay niya at tinalikuran siya para suotin pero bago ko pa masuot ay hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ulit sakanya

"Just stay like that, someone's gawking you. Tss..." aniya at matalim na tinitigan ang kung sinong nasa likod ko. I don't know.

Nang nasuot ko na iyon ay tinignan niya ulit ako, "Better." aniya at hinila ako paupo sa sun lounger.

Humiga siya doon habang ako naman ay nakaupo lang sa tabi niya, nahihiya dahil basang basa ako habang siya naman ay sobrang gwapo sa kanyang puting shirt. Kahit anong suotin niya ay gwapo parin siya habang ako ay mukhang basang sisiw sa tabi niya.

"Is this what you are planning to do while our friends are enjoying the pool?" tanong ko habang tinitignan sina Nick na pinaglalaruan ang floaters.

"Uh-huh, we'll enjoy later." aniya at pinagsikop ang daliri namin. "Why are you sitting there? Come here." Bago pa ako maka-react ay hinila na niya ako dahilan kung bakit nahiga ako sa tabi niya at ginawang unan ang kanyang braso

"And now I'm enjoying my life...' aniya habang inaayos ang cover up kong medyo tumaas dahil sa paghila niya

"You're enjoying just by lying here?" medyo natawa akong sabi "Grandpa..." tukso ko sakanya

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at kinurot kaya ngumiwi ako at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko

"Is there something wrong if I'm enjoying every little time when with you?" aniya at lumapit sa mukha ko. Bigla akong naestatwa sa kilos niya, nakanguso parin ako at iniinda ang sakit ng pagkakurot niya sa pisngi ko nang bigla niya itong hinalikan.

"Huh?" tanong niya nang hindi ako sumagot. Shut up Johansson, just kiss me okay?

"PDA!" sigaw ni Nick dahilan ng pagkataranta ko. Tatayo na sana ako pero agad na  pinulupot ni Johansson ang kanyang braso sa bewang ko at kinulong ako

"Let them. Lalo ka nilang aasarin kapag nagpapaapekto ka."

"Oh... Is that your way?" ngumisi lang siya sa tukso ko at pinagsiksikan ang kanyang mukha sa aking leeg, tinagilid ko ang ulo ko dahil nakikiliti ako but he take it as an opportunity to have more access to it.

"Ano ba!? Hustisya naman sa mga single!" sigaw ni Karlie nang kinuha niya ang dalang goggles sa katabing sun lounger.

"Wooh, sinasabi mo lang na single ka para iparinig sa mga lalaki."

"Anong sinabi mo, Nick?" sinugod ni Karlie si Nick sa pool at nilunod iyon ng pabiro. Tawa kami ng tawa habang nagpapatulong si Nick kay Kaien pero umiiling si Kaien, ayaw madamay sa galit ni Karlie

"Tama na, Karlie! Tutulungan kita sa mga 'yun, promise!" tukso ulit ni Nick kaya sinapak na siya ni Karlie sa braso. Napatili sa sakit si Nick.

"Kuyang naka black sando! May gusto 'to sayo, nahihiya lang lumapit." lumapit si Nick sa grupo ng lalaki at tinuro si Karlie.

"Tangina mo, Nick!" sigaw ni Karlie at mukhang mananapak ulit ng tao kaso hindi siya makalapit dahil nahihiya sa kausap ni Nick. Bumelat si Nick sakanya at kinausap ulit iyong crush ni Karlie na tumatawa sa pinaggagawa ng mga kaibigan ko.

"I'll fetch you after dinner." aniya at doon ko lang naalala na mag-n'night swimming pala kami mamaya! And what should I wear?

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

1.6K 137 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
59.9K 2.1K 59
Brex Louie Ortegas is the most rude, harsh and foul-mouthed, U-Prince Ambassador from the faculty of Fine arts, who always rejected the love confessi...
2.2K 272 19
Hindi madali kay Ali ang buhay na hiwalay sa mga magulang. Bata pa lang ay alam na niyang may kakaiba sa mga magulang niya, hindi kasi gano'n ang mga...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...