The Psychiatrist's Insanity

By thatpaintedmind

792K 12.6K 5K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of s... More

Teaser
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII

Kabanata I

109K 1.2K 206
By thatpaintedmind

I WAS 14 years old when I encountered the greatest downfall of my life. I was too young for it. Pero para namang may pagpipilian tayo sa mga pangyayari sa buhay natin, wala naman.

However, we may not be responsible for our traumas, but we're still responsible for how we would handle it. It's our choice whether to give up or to move forward.

As for me, ilang beses ko nang sinubukang sumuko, pero si kamatayan na rin yata mismo ang sumuko sa akin. Hindi kasi matuloy-tuloy ang suicide attempts ko. Kaya siguro napagod na rin siyang sunduin ako. Palaging false alarm.

Kasalanan ko bang hindi epektibo ang suicide attempts ko? Well, I guess partly...

"Fayven, hindi na ba talaga namin mababago ang isip mo?" Mula sa bintana ay nabaling kay mama ang tingin ko.

Malungkot itong nakatingin sa akin mula sa passenger seat. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Ma, nandito na tayo sa Baguio, tsaka pa ba ako aatras?" Malumanay kong sagot.

"Nag-aalala lang ako, hindi ka sanay mag-isa." Muntik na akong matawa sa pahayag niya.

Para namang hindi niya alam kung gaano ako ka-introverted. Malamang ay sanay na sanay akong mag-isa. Kaya ko ngang maunod sa sine ng mag-isa. Maging pagkain ng lunch sa school, mag-isa ako palagi. I'm not a loner, I'm just an avid fan of peace and silence.

"Ma, uuwi naman ako kapag kaya ko. Malapit lang ang Baguio sa Olongapo, anim na oras lang ang byahe."

"Pero hindi ka sanay mag-commute sa bus-"

"Which is a basic life skill, the more I need to get out of my comfort zone, don't you think?" Pagpapatuloy ko.

Pahirapang pangungumbinsi ang ginawa ko para lang payagan nila akong dito sa Baguio mag-aral ng kolehiyo. Ngayon pa ba ako aatras gayung tumatama na sa balat ko ang malamig na hamog ng Baguio?

Inayos ko ang jacket na suot. Nananayo ang balahibo ko sa lamig. Hindi ako sanay sa ganito kalamig na klima.

Hindi na nakapagsalita si mama, maging si papa na abala lamang sa pagmamaneho.

Binalik ko ang tingin sa bintana. Bahagya ko iyong binaba para mas mapagmasdan ang tanawin. Kaagad namang tumama ang malamig na hangin sa aking mukha.

Nasa bungad pa lamang kami ng Baguio, pataas nang pataas ang kalyeng dinaraanan namin. Kitang-kita ang matatarik na bangin. Nakakalula.

"Basta mag-iingat ka palagi, ha? Wala na kami sa tabi mo para bantayan ka nang maigi." Habol ni mama.

Hindi na ako sumagot pa.

For her, it's such a bad thing to be away from me. Pero para sa akin, isang malaking pasasalamat ang mawalay sa kanila. I can't bear to be with them anymore. I need to leave, I have to. For how can we heal in the same environment that broke us?

"Oo nga pala, huwag mong kakalimutan 'yong assessment mo. Don't you ever think of ditching it again, Fayven Leone." Nilingon niya ako para panlisikan ng mata. "Kapag nalaman naming hindi mo muli in-attendan 'yon, humanda ka nang umuwi ng Olongapo."

Napabuntong-hininga na lamang ako. As if I have a choice.

"Hindi naman malayo ang clinic sa dorm mo, walang dahilan para hindi mo 'yon puntahan. Huwag mong kakalimutan Fayven, Sabado, 9:30 in the morning, iyon ang oras ng unang assessment mo."

Umikot ang mga mata ko. Napa-halumbaba na lamang ako sa bintana. Paano ay ilang beses niya nang inuulit-ulit 'yan sa akin na halos bumaon na sa utak ko ang oras at araw na iyon.

Tumikhim si mama bago umayos ng upo. "Don't worry, I personally know your psychiatrist. He would be perfect for you."

Hindi na lamang ako sumagot. Whatever happens, happens... I guess.

ISANG oras pa ang aming nilakbay bago namin maabot ang aking magiging unibersidad, katabi lang din naman kasi no'n ang tutuluyan kong dormitoryo. Literal na tatawirin ko lang.

Napatingala ako sa aking tutuluyang gusali, habang si papa ay nagsimula nang hakutin ang aking maleta mula sa compartment ng sasakyan.

Simple lang ang gusali, mula sa labas ay kapansin-kapansin ang kalumaan nito. Hindi rin naman ako nag-eexpect ng kabonggahan. Tama lang ang gusaling ito para sa katulad naming hindi naman gano'n kayamanan.

"Halika na, anak. Naghihintay na raw ang landlady mo sa taas."

Pinangunahan na ni mama ang pagpasok. Kaagad na rin naman akong sumunod.

Sa aming unang pagpasok ay doon ko napag-alaman na laundry shop ang unang palapag ng gusali. Tinahak namin ang hagdan paakyat, walang elevator. Pagkarating namin sa pangalawang palapag ay puro kainan naman ang naroon, karamihan ay milktea shops.

Tinahak muli namin ang hagdan. Sa pangatlong palapag ay puro na pinto, sa isang pinto na pinakamalapit ay may nakaabang na babae. Nang makita niya kami ay kaagad umayos ang kanyang postura. Dahil doon ay natunugan ko na kaagad na siya ang naghihintay sa amin, ang landlady ko.

She immediately approached us, specifically my mother, while I busied myself exploring the place.

Isang buong hallway lang ang palapag na ito. May tig-tatlong pinto sa magkabilang gilid, bale ay anim ang pinto. Mayroon pa muling hagdaan paakyat, pero suspektya ko ay puro na lang din kwarto ang nasa itaas.

"Fayven, tara na." Tawag sa akin ni mama. Papasok na siya ng silid.

Maagap naman akong sumunod sa kanya. Sinalubong kami ng malawak na sala, o sadyang malawak lang iyon tignan dahil katabi lang no'n ang kusina.

Sa kabilang dako ay mayroon pang tatlong pinto, panigurado ay kwarto na ang lahat ng 'yon. Sa isang kwarto ay apat kaming nanunuluyan, kaya sumatutal, labing-dalawa kaming nanunuluyan dito sa dormitoryo.

Gayunpaman, kami pa lamang ang tao rito sa ngayon. Hindi naman nakakapagtaka, sinadya talaga kasi naming maaga akong lumipat para kahit papaano ay makapag-adjust ako, para sa darating na pasukan--isang linggo mula ngayon--ay hindi na ako ganoon mahirapan.

"Dito ang magiging silid niya." Iginiya na kami ng landlady--na napag-alaman kong si ate Edith--sa aking magiging tulugan.

Binuksan niya ang pinakadulong pinto. Bumungad sa amin ang maaliwalas na kwarto. Ito ang nasa pinakadulo kaya itong kwarto ang may bintana. Kalat na kalat sa bawat sulok ang sikat ng araw. Hindi naman iyon ganoon kainit dahil nababalanse ng malamig na klima.

"Dito ang magiging kama mo. Ito naman ang closet mo. Iyong mga roommates mo ay sa susunod na linggo pa ang dating." Tumatango lang ako sa mga pinapahayag ni ate Edith.

Mula sa aking likod ay sumingit si papa. Nilapag niya ang aking maleta sa tabi ng aking magiging closet.

Iniwan naman na kami ni ate Edith matapos ipaliwanag ang ibang kalakaran dito sa dorm. Naupo ako sa aking magiging kama. May dalawang double-deck na kama ang narito. Buti na lang ay sa ibabang parte ako, mahihirapan pa ako kapag ako ang sa itaas.

"Kakayanin mo ba dito, Fayven--"

"Malaki na ang anak natin, bud. Kolehiyo na 'yan. Kaya niya na, diba Fayven?" Singit ni papa.

Napangiti naman ako. Sa kanilang dalawa kasi ni mama ay siya ang mas rasyonal mag-isip. Hindi ko rin naman masisisi si mama sa paggamit ng kanyang emosyon sa pagdedesisyon; she's a mother, she couldn't help it.

Nangungusong lumapit sa akin si mama saka niya ako niyakap nang mahigpit. "Hindi pa rin ako makapaniwala. May anak na akong psycho!"

Napasimangot ako. "Psych, ma! Psych! P-S-Y-C-H!"

"Oo na, oo na, parehas lang naman."

Mas lalo lang akong napasimangot. Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang psych ang tamang term, pero palagi niyang ginigiit na parehas lang naman ang psych at psycho. Ayun, kapag kasama niya ang mga kaibigan niya, lagi niyang pinagmamalaki na may anak siyang 'psycho'.

"Mag-iingat ka rito, ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom, tatlong beses sa isang araw ka kumain. Lagi mo rin akong tawagan kapag may oras ka. Kapag naman nagkasakit ka--"

"Opo na ma, nasabi niyo na 'yan sa bahay. Naiintindihan ko na po lahat."

"Sinisigurado ko lang na alam mo talaga! Nag-alaalala lang naman ako-"

"Ma, bente anyos na ako. Kaya ko na po ang sarili ko."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Sa wakas, sumuko rin.

"O'sya, mauuna na kami ng papa mo. 'Yong mga paalala ko ha? Sabado-"

"9:30 in the morning, psychological assessment. I get it." Pagpapatuloy ko.

"Good, mabuti nang malinaw."

Nagsimula na silang magpaalam. Balikan lang kasi sila, may trabaho pa si mama bukas. Si papa naman, pabalik na rin ng barko sa susunod na linggo. Kailangan niya pang pumunta ng Manila bukas para sa kanilang training.

Matapos ang muling pagdradrama ni mama ay sa wakas nakaalis na rin sila. Ang huli kong narinig ay ang pagsara ng pinto. Naiwan akong mag-isa sa silid.

Tumahimik ang paligid. It suddenly felt empty. I felt empty. Tila ngayon lang pumroseso sa akin ang lahat.

I'm all alone now. Well, I have been for the last few years, but this one's different. Ngayon ay nasa hindi pamilyar akong lugar, napapalibutan ng hindi pamilyar na mga mukha.

Gayunpaman, mas nanaisin kong manirahan sa hindi pamilyar na lugar, kaysa ang manatili sa lugar na puno ng dalamhati, puno ng memoryang sumira sa akin. This is what I wanted. I should make a paradise out of this. I need a reason to live.

Hindi ko alam ang tadhanang naghihintay sa akin dito sa Baguio. Ang tanging alam ko lang ay nasa akin ang kakayahan upang gumawa ng panibagong mga memorya.

Hopefully, here in Baguio, I'll finally heal...

I felt a subtle vibration against my thigh. Kaagad kong binunot ang phone na nakasuksok sa aking bulsa. At hindi nga ako nagkakamali, someone sent me a message.

From: mama

Saturday, 9:30AM, Seeking Light Clinic.

Umikot ang mga mata ko. Isa pa 'to.

I always ditch my therapies and assessments, pakiramdam ko kasi ay hindi naman nakakatulong ang mga iyon sa kondisyon ko. Pero sa oras na 'to, hindi ako pwedeng um-absent sa assessment na 'to, mapapauwi pa ako ng wala sa oras.

Oo nga pala at bago na naman ang psychiatrist ko. Palagi na lang. Napangisi ako. I'll bet a million dollar, susukuan din ako ng psychiatrist na 'to. Walang nakakatagal sa akin, lahat sinusukuan ako. Kung sino man ang psychiatrist na 'yan, ipagdadasal ko na agad na magawa niya akong matagalan.

No one can ever heal me, and this psychiatrist would be no different.

Continue Reading

You'll Also Like

858K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...