Marrying Mr. Arrogant (PUBLIS...

By FrozenFire26

68.3M 895K 107K

[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a... More

Chap. 1 - PART ONE
Chapter 2
Chapter 3
★Video Trailers★
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Special Chapter
Author's Note
Chap. 47 - PART TWO
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
EPILOGUE

Chapter 53

747K 9.6K 1.4K
By FrozenFire26

Chapter 53


[3rd Person POV]


"Wow! Ang gara ng bahay," namamanghang sabi ni LuHan pagkababa pa lang niya ng sasakyan sa parking lot ng pinuntahan nilang mansyon.


"Hey, just keep your mouth shut! Aren't you embarrassed or ashamed? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganyang house?" mataray na saway sa kanya ni Zania.


Nakatayo ito sa tabi niya habang bahagyang inaayos ang long curled hair nitong bumagay sa suot na above the knee haltered dress. Kasama nila itong um-attend sa sinabi nitong special event para personal na batiin at makilala ang isang potential business partner.


Napakamot na lang sa ulo si LuHan. "Sa totoo lang, ngayon lang talaga. Maski nga sa bahay ni Boss, 'di pa ako nakakarating sa kanila."


Inirapan siya ni Zania. "Then, you have to check my parent's villa. It's more luxurious and spacious compared to this one," pagmamalaki pa nito.


"Okay, sinabi mo eh," pagsang-ayon na lang niya. "Teka, nasaan na si Boss?" Lumingon-lingon siya sa paligid at hinanap si Mitsui.


"There he is," turo nito sa loob ng kotseng pinanggalingan nila.


Muli siyang lumapit sa tapat ng pinto at kinatok niya ang tinted na bintana ng kotse.


"Boss, ano ba? Lumabas ka na diyan. O baka gusto n'yo pang ilatag ko 'yong red carpet dito sa lalakaran n'yo?" Ang lakas ng loob niyang magsalita ng gano'n, dahil hindi naman siya naririnig ng among nasa loob ng sasakyan.


Ilang saglit pa, bumukas na ang pinto sa may passenger's seat at bumaba mula roon si Mitsui. Halatang bored at napipilitan lang ang hitsura nito. Nauna na itong naglakad papunta sa lugar na pagdarausan ng party, kaya sumunod na rin sila ni Zania.


Maraming bisita ang inimbitahan sa dinaluhang social gathering ng tatlo. Isa itong engrandeng pagdiriwang at nagkalat ang mga business tycoon sa paligid.



"Tsk! Ang init-init nitong suot ko. Kaasar naman. Bakit ba isinama n'yo pa ako rito? Hindi pa naman ako sanay magsuot nang ganito," mayamaya'y reklamo ni LuHan sa formal suit na ipinagamit sa kanya ni Zania. Kasalukuyan na silang magkakasamang nakapuwesto sa isang round table.


"Umayos ka nga. Act properly!" mahinang sita sa kanya ng dalaga. Pinandilatan muna siya nito bago ito bumaling sa katabi nitong si Mitsui para makipag-usap.


Pero hindi na talaga siya mapakali sa kanyang kinauupuan, kaya nagpaalam muna siya na magpapahangin lang sandali.


Tumayo na si LuHan at plano niya sanang magtungo sa may poolside. Subalit papalapit pa lamang siya roon nang may makabangga siyang isang babae habang kapwa sila naglalakad.


Muntik nang ma-out of balance ang babae. Buti na lang, naging maagap siya at naalalayan niya ito sa magkabilang braso.


"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," paghingi niya ng paumanhin dito.


"It's alright. My fault. Hindi kasi ako tumitingin sa nilalakaran ko," sagot naman nito habang nakayuko. Hindi niya tuloy makita ang mukha nito.


Nang tumingala na ang babae ay tila nagulat pa ito nang makita siya. Ilang segundo rin itong natigilan at hindi kaagad nakapagsalita.


Speechless? Maybe, dahil sa kagwapuhan niya.


"Hi!...Haha.." Winave niya ang isang kamay sa tapat ng mukha nito kasabay ang isang awkward na tawa. "Miss... haha.. haha.."


"Ah? Ay... sorry," nahihiyang reaksyon naman nito nang matauhan.


Agad nitong inilahad ang kamay sa harap niya. "Ako nga pala si Ashley," pagpakilala nito ng sarili sa kanya.


Alanganin namang hindi niya ito tanggapin, kaya inabot niya ang palad nito. "I'm LuHan," tipid na sagot niya.


Pero kung anong ikli ng introduction niya, ang siyang lapad naman ng ngiti ni Ashley. Ang kanina'y tulalang ekpresyon nito ay napalitan ng sobrang tuwa. Nagningning bigla ang mga mata nito nang marinig ang pangalang LuHan.


"Ang astig naman ng name mo. Kapangalan mo pa 'yong bias ko sa EXO." In an instant ay na-switch on ang fangirl mode nito. "Hindi lang kayo may same name. Pareho rin kayong cute," dagdag pa ni Ashley.


"Ah..eh.. salamat." Lalo tuloy siyang naasiwa sa mga pinagsasabi nito.


"Naku, wala 'yon! Totoo naman talagang ang cute—" Magsasalita pa sana si Ash, ngunit napahinto ito nang may lumapit na batang lalaki na kaagad yumakap sa bewang nito.


"Saan ka ba galing? I've been looking all over for you," sabi nito sa bata.


"I just played there." Humiwalay na rito 'yong little boy at saka itinuro ang kinaroroonan ng isang malaking fountain.


"Baby, next time I don't want you to do that again. Paano kung mawala ka na naman? I was so worried about you."


Base sa pagkakaintindi ni LuHan ay pinapagalitan ni Ashley ang kausap na bata.


"Excuse me, Miss... Sige ah, maiwan ko na kayo. 'Wag mong masyadong tinatakot ang anak mo, baka umiyak 'yan." Hindi na hinintay pa ni LuHan ang magiging sagot nito at dali-dali na siyang naglakad papaalis.


Mabilis siyang lumayo sa mga ito, mahirap na baka sundan pa siya ni Ashley. Aba't may gana pa itong matulala sa kagwapuhan niya, eh samantalang may anak na pala ito.



***

Sa kabilang banda naman, nag-uusap sina Mitsui at Zania sa table nila nang mapansin ng dalaga na papalapit ang tinutukoy nitong business partner na siyang ipinunta nila sa lugar na iyon.


"He's coming," pasimpleng bulong sa kanya ni Zania.


Sinulyapan niya ang paparating na matandang lalaki. Bagama't may edad na ay litaw pa rin ang pagka-mestizo nito. Bakas din ang pagiging strikto sa anyo nito.



Pagtapat nito sa table nila ay tumayo ang dalawa upang magbigay galang.


"Good evening, Don Miguel," nakangiting bati ni Zania.


"Good evening too, Ms. Madrigal. Have you been doing well?" tanong nito.


"Yes, of course. I am pretty busy at work these days. But otherwise, everything is great," masayang sagot naman ni Zania.


"I'm glad you came despite of your busy schedule."


"It's nothing, Sir. By the way, I would like you to meet Lee Mitsui Peterson. He's the one I was talking about last time," pagpapakilala ni Zania kay Mitsui.


Matapos i-introduce ang dalawa sa isa't isa ay nakipagkamay rito si Mitsui. "I am pleased to meet you, Don Miguel."


"It's nice to meet you as well. I heard a lot about you from Zania. She had a lot of good things to say," tugon nito sa kanya.


Makalipas ang kaunting pag-uusap ay iniwan na sila ni Don Miguel, dahil kailangan na nitong lumipat sa kabilang mesa upang batiin ang iba pang mga bisitang naroon.



***

"Zan, matagal pa ba mag-uwian?" untag ni LuHan.


"Tumahimik ka nga diyan. Ba't ba kasi sumama-sama ka pa?" naiinis na sabi na lang ni Zania.


Tiningnan ni Mitsui si LuHan at bakas na ang pagka-bored sa mukha nito. Pero kung naiinip na ang PA niya, aba mas lalo na siya. Kung hindi lang nila kailangang makipag-socialize para makipagkilala sa mga prospected business partners, hindi siya a-attend sa gano'ng uri ng pagtitipon.


"Hoy! Baka nakakalimutan mo, ikaw kaya nagpumilit na sumama ako. Ikaw pa nga ang bumili nitong nakakaasar na suit ko. Tingnan mo pinagpapawisan na ako sa sobrang init," parang batang pagmamaktol nito.


Inabot naman ni Zania ang wine glass at uminom. "Can I have another glass of red wine, please?" utos nito kay LuHan.


"Tama na nga 'yan. Mamaya niyan malasing ka pa. 'Wag na 'wag kang magpapabuhat sa amin ni Boss pauwi," pagkontra naman dito ng assistant niya.


Pinagmamasdan lang ni Mitsui ang walang kuwentang pinaggagagawa ng dalawang kasamahan niya nang walang anu-ano'y bigla na lang namatay ang mga ilaw sa kinaroroonan nila, dahilan upang magdilim ang buong paligid.


"What happened?"


Narinig niya ang nagtatakang boses ni Zania.


"Brownout yata," sagot naman ni LuHan. "Ang saklap naman, kung kailan may handaan saka pa naputulan ng kuryente." Yung totoo? Ang sarap putulan ng leeg nitong alalay niya.


Buti na lang at wala naman sigurong nakarinig sa sinabi nito. Busy rin kasi ang ibang mga bisita sa kanya-kanyang reaksyon nila sa biglaang pagkawala ng mga ilaw.


Ang akala niya ay matatagalan pa ang pagresponde ng event coordinators sa sitwasyon. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na ulit ang liwanag sa paligid nila.


At kasabay ng muling pagbukas ng mga ilaw ay siya ring paglitaw sa ibabaw ng stage ng babaeng ilang taon na niyang hinahanap.


"Vianca..." ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Mitsui nang makumpirma niyang ang asawa niya nga ang nasa entablado.


Subalit sa mga oras na iyon ay hindi lang ito mag-isang naroon, dahil may lalaking nasa harap nito.


Napatayo siya sa kinauupuan niya. Kilala niya ang lalaking 'yon.


Si Dwayne Del Fierro.


Kung gano'n, isang surprise engagement party pala ang totoong pinuntahan nila. Hindi lang iyon simpleng birthday celebration, kundi engagement party rin ng tagapagmana ng mga Del Fierro.


Kaya pala parang familiar sa kanya ang apelyido nito. Nang ibigay pa lang sa kanya ni Zania ang invitation card noong isang araw, pagkabasa niyang Del Fierro ang umano'y magiging kasosyo nila ay tila pamilyar na ito sa kanya. Hindi niya lang basta matandaan. Sa dami ba naman kasi ng mga tao na nakasalamuha niya dito sa Pilipinas at pati sa ibang bansa.



***

Natigilan at tumahimik ang mga bisita na ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa dalawang taong nasa entablado sa unahan.


Napalitan ng romantic song ang background music, kasunod ang pagsasalita ni Dwayne. Hindi narinig ng mga bisita ang mga naunang sinabi nito. Marahil, sinadya talaga ni Dwayne na maging ekslusibo lang muna ang pakikipag-usap nito kay Vianca.


Nanatili lang na nakamasid ang mga tao. Hanggang sa marami ang napasinghap nang lumuhod ito sa harap ni Vian at nang ilabas nito mula sa bulsa ang isang maliit na kahon.


Pakiramdam ni Mitsui ay para siyang natutulos sa kanyang kinatatayuan. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayari. Klaro sa isipan niya na isang engagement party ang pagdiriwang na iyon.


Gusto niyang lapitan si Vianca. Gusto niyang umakyat sa stage at hilahin ito pababa, palayo sa mga taong kasalukuyang nanonood sa kanila.


At higit sa lahat, papalayo kay Dwayne.



***

Matapos ang ilang sandaling pagkabigla, sa huli ay nagawa na niyang maglakad papunta sa unahan. Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya nang humarang sa harapan niya si Ashley.


Hinawakan nito ang kanang braso ni Mitsui at hinila siya papunta sa likurang bahagi ng venue. Dahil na rin sa bahagya pa siyang naguguluhan sa mga pangyayari ay hindi na niya nagawang umalma pa at sumama na lang siya rito.


Huminto sila pagdating sa hindi masyadong mataong lugar. May kaunting distansiya lang 'yon mula sa stage, kaya kitang-kita pa rin niya sina Dwayne at Vianca.


"Mitsui, are you out of your mind? Please, hayaan mo na siya. Don't ruin this special moment in her life," pagpigil ni Ashley sa gusto niya sanang gawin.


Hindi alam ni Mitsui kung kailan pa nito napansin na naroon din siya sa party.


Tumingin siya kay Ash. "You're asking me to just stand here and quietly watch Vianca accept a marriage proposal from another man?" naghihinanakit na tanong niya.


"Bakit? Hindi ba pwede? Hindi ba maaring hayaan mo namang maging masaya ang kaibigan ko? Look, hindi ko alam kung paano ka nakarating dito. But please... just this once, bigyan mo naman ng halaga ang mga bagay na makakapagpasaya kay Vian," pakiusap nito sa kanya.


"You're right! You don't know how I got into this bullcrap event! And you don't have any idea what I have gone through just to find my wife again!" bulyaw niya.


Mabuti na lang at walang nakapansin sa 'di pagkakaintindihan nilang dalawa, dahil abala ang lahat sa panonood ng nagaganap na engagement.


"Ano? Your wife? Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong saad ni Ashley. "That's nonsense! Baka nakakalimutan mong matagal na kayong divorced! You're no longer married. She has nothing to do with you," ganting sagot nito kay Mitsui.


Magpapatuloy pa sana ang kanilang pag-aaway, ngunit naagaw na ang pansin nila nang itinutok na ang ilaw sa dalawang taong nasa stage. Kasunod noon ay nagsalita ulit si Dwayne, na sa pagkakataong iyon ay may hawak nang engagement ring.


Lumipat ang tingin ni Mitsui kay Vianca at nakita niyang pinahid nito ang mga luhang naglandas sa pisngi nito. Batid niyang napaiyak ito sa sobrang tuwa dahil sa effort at grand gesture na ginawa ni Dwayne.


Subalit hindi lang ang katotohanang 'yon ang unti-unting dumudurog sa puso niya. Alam niyang may isa pang tagpo na mas dadagdag sa sakit na nararamdaman niya ngayon. At hindi nga siya nagkamali, dahil ilang saglit pa ay narinig niyang nagsalita si Vianca.



***

[Vianca's POV]


Hindi ko inaasahan na ganito pala talaga ang plano ni Dwayne. Hindi lang birthday party ang ipinunta namin sa bahay nila, kundi makakatanggap pa ako ng malaking sorpresa mula sa kanya.


Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak sa mga ipinapakita niya.


Inilabas niya ang isang maliit na kahon mula sa bulsa. Pagkatapos ay nagsalita siya sa tapat ng microphone. "Hinihiling ko na sana ngayon ma-realize mong hindi ako gaya ng iba na sasaktan ka lang. Na ang lalaking sinasabi mong mahirap mo nang matagpuan has been standing right in front of you the whole time."



Tama si Dwayne. Sa mga nakalipas na taon, laging nandiyan siya sa tabi ko at hindi niya ako iniwan. Bago kami naging magnobyo, makailang beses na pilit niyang ipinararating na may gusto siya sa akin. Pero paulit-ulit ko rin siyang pinagsasabihang humanap na lang siya ng iba.


Alam kong hindi ako deserving sa pagmamahal niya. Una sa lahat, may anak na ako. Ang akala ko hindi ako tatanggapin ng pamilya niya, dahil may anak na ako sa ibang lalaki. Pero heto sila at supportive pa sa planong ginawa niya.


Walang tigil sa pagpatak ang luha ko, kaya muli ko itong pinunasan ng aking mga palad. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nasa party. Hindi ko alintanang napakaraming bisita ang nanonood sa amin.


Napangiti si Dwayne at tinanong niya ako. "Andrea Vianca Hernaez, will you marry me?"


Hindi ko maipaliwanag ang sari-saring emosyong nararamdaman ko. 'Di ko akalaing aalukin niya agad ako ng kasal. Kahit si Mitsui, ikinasal kami dati ngunit hindi ko naranasang marinig ang mga pangakong iyon ni Dwayne mula sa kanya.


Panahon na siguro para tuluyan ko nang iwan ang kung anumang mga nangyari sa nakaraan. Kung may tao mang karapat-dapat na papasukin sa buhay ko, 'yon ay walang iba kundi si Dwayne. Nasa kanya ang lahat ng magagandang katangian ng isang lalaki. Hindi siya mahirap mahalin.


"Please, Dwayne.. Kung sakaling pumayag man ako sa proposal na 'to, tulungan mo akong kalimutan ang lahat ng nakaraan ko."


Lihim kong ipinagdasal na sana'y siya ang ibinigay sa akin ng Diyos na instrumento para lubusang maglaho ang lahat ng mapait na sinapit ko noon.


Pinagmasdan ko siyang maigi at nakita ko ang bakas ng anticipation sa hitsura niya. Hinihintay niya ang magiging sagot ko. Ang pagsang-ayon ko.


Tumango ako sa kanya. "Oo, pumapayag ako."


Nagawa kong magsalita sa kabila ng nanginginig na boses dulot ng pag-iyak ko. Kitang-kita ko nang mapalitan ng labis na tuwa ang mukha niyang binalot ng kaba kanina lang.


Kaagad siyang lumapit sa akin at bigla niya akong niyakap.


"Thank you, Avi. Thank you. I promise, hinding-hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo. I won't ever hurt you," bulong niya sa tenga ko. Saka niya isinuot sa daliri ko ang singsing na may kumikinang na malaking diyamante at napapalamutian ng maliliit na brilyante.


Niyakap niya ako ulit, but this time sobrang higpit na. Halos wala na nga yata siyang balak na pakawalan ako.



**********


Continue Reading

You'll Also Like

429K 6.2K 24
Dice and Madisson
6.8K 105 40
"My Pain is you, Van Mentius." - Angel Horfelia The story of "My Pain" revolves around Van Mentius Lim and his journey to finding love and acceptanc...
1.9M 38.8K 75
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And...
8.6K 227 22
✅ COMPLETED ✅ I MrHeartbreakersLove SideStory I [Nathan Antonio's story] Isa lang naman ang tumatakbo sa isip ni Anna, iyon ay kung saan siya kukuha...