Blood Sweat & Tears: Mystery...

By desteenx

1.5M 65.2K 155K

"The Mystery." Date Started: 12/20/2016 Date Ended: 12/20/2017 More

CAST
TRAILER
Chapter 1: One Night In A Strange City
Chapter 2: Let Me Know
Chapter 3: Boyz with Fun
Chapter 4: N.O
Chapter 5: Second Grade
Chapter 6: Dope
Chapter 7: Blood Sweat & Tears
Chapter 8: Expectation!
Chapter 9: Danger
Chapter 10: Circle Room Talk
Chapter 11: I Need U
Chapter 12: R U Happy now?
Chapter 13: Cypher
Chapter 14: Save Me
Chapter 15: Lost
Chapter 16: Where Did You Came From?
Chapter 17: Jump
Chapter 18: Look At Me
Chapter 19: Hold Me Tight
Chapter 20: What Are You Doing
Chapter 21: Tomorrow
Chapter 22: Miss Right
Chapter 23: I Like It
Chapter 24: Fire
Chapter 25: Converse High
Chapter 26: Boy In Luv
Chapter 27: Christmas Day
Chapter 28: No More Dream
Chapter 29: Am I Wrong
Chapter 30: Purpose
Chapter 31: Fools
Chapter 32: If You
Chapter 33: Just One Day
Chapter 34: Reflection
Chapter 35: What Am I To You
Chapter 36: Not Today
Chapter 37: Spring Day
Chapter 38: Path
Chapter 39: Graduation
Chapter 40: Wishing On A Star
Chapter 41: We Are Bulletproof
Chapter 42: War Of Hormones
Chapter 43: Playing With Fire
Chapter 45: I Love You
Chapter 46: 2 Cool 4 School
Chapter 47: Beautiful
Chapter 48: Blanket Kick
Chapter 49: 24/7 Heaven
Chapter 50: Stay
Chapter 51: Monster
Chapter 52: First Love
Chapter 53: Awake
Chapter 54: Mama
Chapter 55: Favorite Girl
Chapter 56: Do You
Chapter 57: Young Forever
Chapter 58: Begin
Chapter 59: Lie
Chapter 60: School Of Tears
Chapter 61: Trouble
Chapter 62: Life
Chapter 63: Dark & Wild
Chapter 64: Stigma
Chapter 65: Good Day
Chapter 66: Illegal
Chapter 67: DNA
Chapter 68: Serendipity
Chapter 69: Best of Me
Chapter 70: As if it's your last
EPILOGUE: The Most Beautiful Moment in Life
Author's Note
FAQs

Chapter 44: Give It To Me

16K 724 3.1K
By desteenx

Pareho kaming nakatahimik ni Hanz habang nakasakay kami sa isang police car, hindi ko alam kung totoong mga pulis ba ang mga kasama namin o mga alagad sila ni Theo o ng kahit sino sa big five.

Panay ang tingin ko sa labas dahil hinihintay ko na baka may sumaklolo sa amin na isa sa mga kaibigan ni Hanz pero nakakalayo na kami ay wala pa rin tumutulong sa amin. Damn...

Dalawang pulis ang nasa harapan at nasa pagitan naman namin ni Johann ang dalawang men in black ni Theo kaya naman hindi kami makakilos ng ayos, naramdaman kong hinawakan ni Hanz ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, naramdaman kong pinisil niya iyon na para bang may sinasenyas siya hanggang sa parang may sinusulat siya sa kamay ko gamit ang daliri ko kaya naman pinakiramdaman ko kung anong mga letra iyon.

I... N... J... E... C... T... I... O... N...

Damn, bigla akong naalala ang injection na nakalagay sa coat niya, huminga ako ng malalim bago ko pasimpleng dinukot iyon sa coat niya, nang makuha ko na iyon at nakita kong tinitigan ako ni Hanz sa mata ko kaya naman alam kong hudyat na yun ng may gagawin na siyang atake.

Biglang siniko ni Johann ang katabi niyang isa sa mga tauhan ni Theo kaya naman ganun din ang ginawa ko dito sa katabi ko, mabilis kong tinusukan siya ng injection kaya nakatulog siya, sunod kong sinaksak ng injection ang isang pulis sa harapan na biglang tinutukan si Hanz ng baril, mabuti nalang at natusukan ko agad siya.

Gising pa ang katabi ni Hanz kaya naman pilit ko iyong tinusukan kahit na pumapalag iyon, halos mapangisi ako ng mabali ang karayom ng injection sa leeg niya pero at least nakatulog naman siya, nakipag-agawan si Hanz sa driver na pulis pero pumapalag iyon kaya naman sinubukan ko iyong tusukan ng injection pero hindi ko magawa dahil natatakot ako na baka kay Johann matusok ang karayom.

Isa nalang ang kalaban namin pero hindi pa namin matalo-talo dahil nag-iingat din kami na baka mabangga kami, pare-pareho kaming mamamatay kung hindi kami mag-iingat.

Sinubukan ko ulit na turukan iyon pero hindi ko magawa mabuti nalang at siniko siya ni Hanz sa mukha kaya naman bahagya itong nailang.

"Lisa, yung manubela." Utos sa akin ni Hanz kaya naman sinubukan kong idrive yung sasakyan gamit ang isang kamay ko dahil nakaposas ang isa. Hirap na hirap akong mag-drive dahil panay ang palag ng pulis na 'to kay Johann habang sakal-sakal nito ang leeg.

"Shet! Pano 'to?!" Sigaw ko dahil hindi ko iyon macontrol.

"Holy shit!" Mura ni Johann ng makita niyang pauga-uga na ang andar ng sinasakyan namin. Bigla na lamang niyang pinulot ang isang-injection at marahas na tinusok sa leeg ng pulis na nagdadrive ng sinasakyan namin.

"Ako na diyan." Aniya bago niya sinubukang i-drive iyon, sobrang sakit na ng wrist ko dahil dinadrive ni Johann ang sasakyan gamit ang dalawang kamay niya kaya kasama yung isang kamay ko sa pagdadrive niya. Nakita kong halos magviolet na iyon pero hindi ko nalang ininda.

"Fuck!" Mura ni Johann ng makita niyang patungo kami sa isang malaking puno.

Biglang nanlaki nag mata ko ng makita kong dire-diretso ang andar namin, yung preno! Dapat susubukan ko sanang pumunta sa driver seat pero bigla akong hinila ni Hanz.

Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse ng makita nyang didiretso sa may pababa ng frostwood ang sinasakyan namin, halos sumabog yung dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng niyakap niya ako bago siya lumabas ng kotse.

Napakapit ako sa damit ng mahigpit sa sobrang takot na baka mabaltog ako dahil paniguradong kalsada ang bagsak naming dalawa. Napasigaw akong bigla ng maramdaman kong tumama na kami sa bato.

Mabilis akong napadilat para tingnan kung ayos lang ba siya, nakahiga siya sa kalsada habang nakapaibabaw ako sa kanya dahil pinilit niya talagang iikot ang katawan niya kanina para sa kanya tumama yung kalsada. Siya ang pinakanapuruan pero naramdaman ko kanina na tumama ang paa ko sa kalsada at parang napilay iyon dahil sa biglang bagsak naming dalawa.

"Ayos ka lang ba?" Halos magkasabay na tanong naming dalawa.

Natagilan kaming pareho bago kami bumalik sa huwisyo, kaya naman nagmamadali akong umalis sa ibabaw niya pero nakaupo pa rin ako sa kalsada, maski siya ay nakaupo lang din, kitang-kita ko ang mga gasgas niya sa braso.

"Ayos lang ako." Sabi niya sa akin bago niya pinagpagan ang damit niya at tumayo na sa pagkakaupo.

Inabot niya sa akin ang kamay niya para makatayo ako kaya naman tinanggap ko nalang iyon pero pagkatayo ko ay biglang sumakit ang paa ko kaya naman napakapit ako sa braso niya para hindi ako matuwad.

"Mukhang hindi ka ayos." Aniya bago siya umupo bigla kaya naman napabitaw ako sa braso niya at napahawak nalang ako sa buhok niya para hindi ako bumagsak. Naramdaman kong hinawakan niya ang paa ko pero iniwas ko iyon dahil na-awkwardan akong bigla.

"Ayos lang ako." Pagsisinungaling ko.

Tiningnan ko kung saan napunta ang sinasakyan namin kanina at nakita kong halos nakabaligtad na iyon habang nakatama sa puno, napapikit ako ng mariin ng bigla kong maalala ang mga tao doon. Hindi naman siguro sila namatay di ba?

Tumayo si Johann at hinawakan niya ako para hindi ako mabuwal.

"Dala mo ba yung cellphone mo?" Tanong ko sa kanya, tumango siya sa akin at dinukot niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa pero sabay kaming napangiwi ng makita naming halos mapino na ang LCD noon dahil sa pagkabasag.

"Ikaw ba? Dala mo ba yung iyo?" Tanong nito sa akin, mabilis akong umiling dahil iniwan ko yun.

"Mukhang wala pa namang dumadaan dito." Sabi niya sa akin bago niya inilibot ang buong paningin niya sa kinalalagyan namin ngayon.

"Medyo malapit lang dito yung bahay ko. Lakarin nalang natin." Aniya.

Napatingin tuloy akong bigla sa paa ko dahil naalala kong parang napilayan ako doon, papaano kung hindi ko kayanin na maglakad, alam kong niloloko lang niya ako noong sinabi niyang malapit dahil dalawang beses na akong napupunta sa bahay nyang yun and believe me, hindi siya malapit dito.

"Hindi ko kayang maglakad ng ganoon kalayo Hanz."

"Edi ipapasan nalang kita." Aniya pero mabilis akong umilis.

Kung titingnan ang kalagayan naming dalawa pareho kaming maraming gasgas at maliliit na sugat, pareho na rin na halos magviolet ang wrist naming dalawa dahil sa posas, teka! Yung susi nito?! Pano namin maalis 'to?!

Napabalik ang tingin ko sa kotse at muntik na akong mapaface palm ng makita kong hindi namin magagawang puntahan iyon dahil pababa na yun.

"You have no choice Lalienne." Mariin na sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako, ayokong maging pabigat pa lalo sa kanya, ako na nga ang dahilan kung bakit kami nahuli ng mga pulis pagkatapos ay papasan pa ako sa kanya? Napakalaki ko namang pabigat noon.

"Kung papairalin mo 'yang pride mo, then walang mangyayari sa ating dalawa dito. Mabubulok lang tayo sa lugar na 'to." Giit pa niya.

Tumalikod siya sa akin pero nahila niya ang kamay ko kaya naman muntik na akong mabuwal, mabilis akong humawak sa kanya para hindi ako tuluyang mabuwal pero naramdaman kong parang may nakaipit na ugat sa paa ko kaya naman napapikit ako ng mariin pero hindi ako nagreklamo dahil baka isipin niyang masyado akong nagpapabebe.

"Sumakay ka na sa likod ko, bilisan mo bago pa kita iwan dito." Naiinis na sabi niya.

"Hindi mo ko pwedeng iwan dahil nakaposas tayong dalawa." Singhal ko sa kanya.

"Tss, kaya nga sumampa ka na sa likod ko." Aniya.

Napanguso ako bago ko sinubukang sumampa sa likod niya pero nagmukha lang akong nakayakap sa kanya dahil hindi ako makasampa, halos mapatili ako ng bigla niya akong ano ko para makasampa na ako sa likod niya.

"Bitawan mo na ko! Nakasampa na ko." Iritadong sigaw ko sa kanya kaya naman binitawan na niya ako doon pero muntik na kaming bumaliktad dahil isang kamay lang ang ginagamit ng pagyakap sa kanya dahil nga nakaposas ang tig-isa naming kamay mabuti nalang ay naibalanse niya kaming dalawa.

"Wag ka ng malikot, ang payat-payat mo pero ang bigat mo. Gaano ba kabigat 'yang pisngi mo ha?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot dahil alam kong nang-iinsulto lang siya.

Narinig ko siyang tumawa mag-isa kahit wala namang nakakatawa habang naglalakad siya ng pasan-pasan ako.

Magtama na yata sa utak 'tong Johann na 'to.

"Sablay." Wala sa sariling sabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin habang halos pare-pareho silang mukhang nalugi dahil sa nangyari kanina. Mabuti nalang at hinayaan ni Theo na umalis si Jisoo dun ng hindi nila pinapadampot.

Mabuti nalang din at naka-alis na kami sa building ni Jimson noon. Ang kawawa dito ay si Raphael dahil galing pa siyang rooftop kaya naman nung bumababa siya ay halos nakatingin sa kanya lahat ng staff doon.

Hindi ko alam kung anong sinabi ni Jisoo kay Theo at hinayaan niya kaming hindi makulong dahil sa ginawa namin.

Si Naddie? Napuntahan siya ni Kuya Gabriel at Lily sa kabilang kwarto. Ang kwento pa sa amin ni Lily ay naglalaro pa daw si Naddie sa malaking TV habang kumakain ng pizza at umiinom ng gatas. Nakataas pa nga daw ang paa nito na para bang hayahay ang buhay niya.

Nang makita daw sila nito ay kumaway pa siya na para bang wala namang nangyaring masama, nang makita daw sila ng Mommy ni Jisoo ay umalis nalang daw sila sa kwarto na yun dahil nasa mabuting kalagayan naman daw si Naddie.

That means hindi sila kinidnap!

Kinuha lang sila para mailigtas sila pagkalubog ng barko, ang pinagtataka namin ay bakit sila iniligtas ng mga taong yun, ibig sabihin ba ay kakilala ng mommy ni Jisoo ang isa sa mga big five? Ganoon ba yun?

"This is a big bullshit! Hindi natin alam kung nasaan si Lisa at Johann ngayon!" Iritadong sigaw ni Raphael bago niya binalibag yung hawak niyang baril sa pader.

Napataas ang balikad ko sa sobrang gulat ko dahil sa ingay na nagawa ng pagtama ng baril sa pader.

Napatingin ako kay Jisoo na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin, hindi ko alam kung bakit wala siya sa sarili, hindi ko rin alam kung anong pinag-usapan nila o kung anong ginawa nila ni Theo kung bakit siya nagkakaganyan.

Napatigil kaming lahat ng biglang tumunog ang telepono malapit kay Jaxon, mabilis siyang pumunta doon at sinagot ang tawa na yun. Puro sige lang ang sagot niya sa kausap niya kaya naman nakatingin lang kaming lahat sa kanya dahil iniisip namin na baka si Theo o kahit sino sa kompanya na yung ang tumawag dito sa bahay ni Jisoo.

Nang binaba ni Jaxon ang telepono at tumingin agad siya sa amin.

"Si Hanz yung tumawag, nasa bahay niya daw silang dalawa ni Lisa. Wag daw tayong mag-alala sa kanila, yun lang yung sabi niya sa akin." Paliwanag ni Jaxon.

Medyo nabunutan na ako ng tinik sa sinabi niya dahil ligtas yung dalawa, medyo napaisip ako sa set up nila, napapansin ko kasing madalas na silang magkasama pero mukhang hindi sila magka-vibes. Hindi sa nagseselos ako ah, naiisip ko lang.

"Alam nyo guys, itago nyo na 'yang lahat ng baril nyo dahil baka mamaya ay may pumunta pa dito at mahuli tayo, sa ngayon magpahinga na muna kayo, nasa maayos namang kalagayan si Naddie, plus hindi naman tayo sinampahan ng kaso ni Theo. Let's just call it a day." Paliwanag ni Jinver bago siya tumayo at naglakad na siya papanik sa taas, nakita kong nag-aalala sa kanya si Rose dahil sinundan pa talaga siya nito ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makapanik.

"Uuwi na ko, sasabay ka ba sa akin Raph?" Tanong ni Jaxon kay Raphael.

"Oo, kayo ba Gabo?" Tanong naman ni Raph kay Kuya Gab pero lumagpas ang tingin niya papunta kay Lily na pinaglalaruan ang buhok niya.

"Mamaya na kami uuwi, kakausapin ko pa si Jisoo." Sagot ni Kuya. Medyo napataas pa ang kilay ko sa sinabi ni Kuya na 'kami' so it means isasabay niya si Lily sa pag-uwi niya?

Napatingin ako kay Jimson na nakasandal lang sa pader at mukhang malalim ang iniisip, pinagmasdan ko lang siya ng mga ilang sigundo pero napabaling bigla ang tingin ko kay Jaxon ng bigla syang humarang.

"Kayo ba? Di pa ba kayo uuwi?" Tanong ni Jaxon sa akin, nginuso ko si Jimson sa kanya kaya naman napatingin din siya doon.

"Jimboy, hindi pa ba kako kayo uuwi?" Pag-uulit ni Jax sa tanong niya kaya naman napabaling na ang tingin niya sa amin ngayon.

"A-Ahh, oo uuwi na kami." Aniya bago siya tumingin sa akin.

Napakunot ang noo ko ng makita kong parang wala siyang gana kaya naman, tumayo nalang ako sa kinauupuan ko bago ko nagdire-diretso palabas ng bahay nila Jisoo, naramdaman kong sumusunod siya sa akin pero hindi niya ako sinasabayan sa paglalakad ko.

Ano bang problema ng isang 'to?!

Nag-alisan na yung iba, si Gabo, si Lily at si Jisoo nalang ang kasama ko dito sa sala, si Jinver kasi ay pumanik na sa kwarto dahil alam kong namimiss na din niya si Naddie. Lalo na at kaming dalawa ang palaging nag-aalaga sa batang yun, kung hindi kami ay si Jaxon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ko ang text ni Mimi, agad napababa ang paa ko ng makita ko ang text niyang malapit na daw siya dito sa bahay nila Jisoo. Napatingin ako sa lamesa at nakita kong nakababa lang doon ang ilang baril kaya naman agad kong kinuha iyon at tinago ko sa drawer.

Babalik na sana ako sa sala ng makita ko si Gabo at Jisoo na seryosong nag-uusap habang si Lily ay nanunuod lang ng Dora the Explorer sa TV, sumasagot pa nga siya tuwing nagtatanong si Dora kaya naman napakamot nalang ako sa ulo ko.

Pupunta na sana ako sa kanila pero napatingin ako sa pinto ng marinig kong may magdoorbell doon kaya naman mas inuna kong pumunta doon, alam kong si Mimi na yun dahil naririnig kong nilalagyan pa niya ng beat ang pagkatok niya ng pinto, sinasabayan niya ang tunog ng doorbell, siya lang naman ang kilala kong tao wala sa tamang kaisipan para gawin iyon.

"Rosyana Shalala!" Sigaw niya sa mukha ko kaya naman napapikit akong bigla.

"My gash! May good news ako sa inyong dalawa ni Jisoobells, nasan ba yung walang suso na yun?" Tanong niya sa akin bago niya inilibot ang buong paningin niya sa bahay at nakita niyang nag-uusap yung dalawa pero dahil sa ingay nya ay napabaling ang tingin sa kanya ni Gabo at Jisoo.

"Ji-walang-soosoo kong ate sis! May chikaness ako sa'yo, my gash! Alam mo bang natanggap ako sa pangarap kong kompanya?! Oh my gash talaga! Sa first sweldo promise ko sa inyong dalawa ni Rosyana na ililibre ko kayo ng Tender Juicy, eat all you can hanggang sa hindi na kayo umulit sa hotdog. I'm so happy, my gahd pwede na kong mamatay--"

Mabilis ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya, kaya naman napatingin siya sa akin habang nakahawak siya sa batok niya.

"Ano bang problema mo Rosyana Amiga?" Tanong niya sa akin.

"Anong pwede ka ng mamatay? Kung tusukin kaya kita ng hotdog diyan, pano mo kami malilibre kung mamatay ka na ha?!" Inis na tanong ko sa kanya, pinaka-ayoko pa namang biro sa lahat yung about sa patay-patay na 'yan.

"Ay! Bet ko yata yung tutusukin ako ng hotdog." Nakangiting sabi niya akin pero sinamaan ko siya ng tingin kaya naman napairap nalang siya sa akin.

"Biro lang naman aking pader na kaibigan na madalas kong nasasandalan, alam mo namang kaylangan ko pang makita na magkaroon na kayo ng bundok dahil hindi ako makakaalis sa mundong ibabaw hangga't nalalaman kong kapatagan pa rin kayo. Oh siya, masyado lang talaga akong masaya, buti nakalabas na kayo ng ospital?" Tanong nito sa amin.

"Kanina pa kaming umaga nakalabas ng ospital." Sabi ko sa kanya, nakita kong napatingin siya kay Jisoo, siguro ay napansin din niya na tahimik ito kaya naman nabahala siya.

"Anyare kay Jisoobells?" Tanong niya.

"Kanina pa siya ganyan, simula nung nagkausap sila ni Theo." Pagkwento ko.

"Theo? As in Timotheo-laki-hotdog-Clifford-the-fifth?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

Biglang napatikom ang bibig ko ng marealize kong nadulas ako, hindi nga pala alam ni Mimi na nagkakita silang ni Theo, agad akong nag-isip ng ipapalusot ko.

"Oo, nagkasalubong kasi silang dalawa sa mall." Pag-sisinungaling ko.

"Tsk! Baka kung ano ng sinabi ni Theo diyan, kaya ayoko na sa kanya para sa kaibigan natin, Team Suran Gabriel na ako ngayon." Malakas na pagkakasabi niya.

"Tss, si Theo pa rin ang gusto ko para kay Jisoo." Sabay irap ko sa kanya.

"Ah basta ako kay Gabo na ako kampi, tingnan mo oh! Nandyan si Gabo palagi para kay Jisoo, eh si Theo? Nasan siya ngayon? Basta Team Gabriel na ako! Para sa ekonomiya ng paglaki ng bobey ni Jisoo! Suran bilang presidente!" Sigaw ni Mimi with action para kaya naman napatingin silang tatlo sa amin

Yun nga lang ay nakakakilabot ang tingin ni Lily kay Mimi dahil para bang pinapatay na niya sa isip niya si Mimi dahil sa sinabi nito.

"Hoy mukhang paa na maraming kalyo, hindi yata makatarungan 'yang sinasabi mo, para sa akin lang si Gabriel." Giit ni Lily kay Mimi.

"Bessang sino ba 'tong kamukha ni Ursula na 'to? Bago lang yata siya sa aking paningin." Bulong sa akin ni Mimi.

"Hoy, naririnig ko 'yang sinasabi mo." Galit na utas ni Lily.

"Maka-react ka naman Madam Auring, bakit sino ka ba? Girlfriend ka ba ni Gabriel? Eh mukhang di ka naman papatulan nito, wag kang ano dyan ha, Team Suran ako. Presidente na ako ng Fansclub ni Gabo at Jisoo." Mabungangang sigaw ni Mimi kaya naman hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya pero mukhang wala siyang balak magpatalo kay Lily.

"Ako lang naman si Lily, Dena Lily Go. Hindi nga ako girlfriend ni Gabriel, ano naman sa'yo? Bakit boyfriend ba nitong si Jisoo? Hindi rin naman ah! Patas lang ang labanan." Sigaw pabalik ni Lily na mukhang wala ring balak magpatalo kay Mimi.

"Dena Lily Go? Pfft! Nagpapalit ka ba ng panty Ate Sis? Try mo rin minsan maligo ha, wag puro wisik-wisik lang." Mataray na sigaw ni Mimi.

"Mikko." Mariin na tawag ko sa totoong pangalan ni Mimi para malaman niyang seryoso na ako sa pagpigil sa kanya pero ayaw talaga niyang magpapigil, napatingin ako kay Gabo na nakahawak nalang sa sintido niya na mukhang nai-stress na siya kay Lily habang si Jisoo naman ay tahimik lang na nagmamasid at mukhang wala pa rin sa kanyang sarili.

"Don't me, ikaw 'tong mukhang hindi naliligo eh. Tigil-tigilan mo ko diyan sa Suran at Jisoo fansclub mo na 'yan kung ayaw mong sinapain ko 'yang flappy bird mo ng bumaon at maging vajayjay na. Hindi sila bagay, pangalan pa nga lang ng ship nyo hindi na bagay eh, Suran plus Jisoo? SuSoo? Duh! Ang sagwa." Sabay irap ni Lily kay Mimi.

"Bakit anong gusto mo? Iship kita ka namin kay Gabo? Ano yun? Gabriel plus Di na lili-- I mean Dena Lily Go equals ano? Equals GaGo? Mas masagwa yung inyo! Kaya Jisoo and Suran pa rin ako. Mas real yung ship namin oh! Tingnan mo yung dalawa! Magkatabi pa sila." Proud na sabi ni Mimi kay Lily kaya naman napatingin ng masama si Lily kay Gabo.

"What?!" Iritadong sigaw ni Gabo kay Lily ng makita niyang tinitingnan siya ng masama nito.

Napa-face palm nalang ako ng makita kong pumagitna si Lily kay Gabo at Jisoo kaya naman nagkahiwalay yung dalawa, nakakabaliw na 'to. Naiipit ako sa sitwasyon eh, mas gusto ko kasi si Theo para kay Jisoo.

"Anong real dyan ha?! Walang real sa SuSoo Fansclub nyo! Parang yung Susoo mo, hindi real. Fake!" Giit ni Lily.

Nakita kong napahawak si Mimi sa fake boobs niya na para bang pinoprotektahan niya ito sa pagkakaduro ni Lily doon. Napailing nalang ako dahil ang dami na nilang sinayang na oras sa pagtatalo lang nilang dalawa.

Napatayo nalang sa inis si Gabriel bago niya hinila si Lily pero hindi nagpahila si Lily dahil nakaupo pa rin siya sa sofa habang nakatingala kay Gabo na nakahawak sa braso niya.

"Iuuwi na kita sa inyo." Mariin na sabi ni Gabo kay Lily.

"Hahatid mo ko?" Pabebeng tanong ni Lily kay Gabo, kitang-kita ko kung papaano umikot ang mata ni Gabo dahil sa sinabi nito.

"Oo na! Tumayo ka na dyan!" Nahimigan ko ang pagkainis ni Gabriel sa pagkakasabi niya pero mukhang hindi nakakaramdaman si Lily dahil ngiting-ngiti pa rin ito bago siya parang batang sumusunod kay Gabo.

"Kaloka yung babaeng yun, may sira ba sa utak yun?" Tanong sa akin ni Mimi.

Napabuntong hininga nalang ako bago ko tiningnan si Jisoo na nakatulala na naman.

Nakaka-stress na buhay 'to. Talaga nga naman oh!

"Papasok ka ba sa bahay?" Tanong niya sa akin ng nasa tapat na kami ng pintuan, tiningnan ko muna ang paligid ng frostwood bago ko chineck ang oras sa relo ko.

"Oo." Tipid na sagot ko, kitang-kita ko kung papaano lumawak ang ngiti nya dahil sa sinabi ko, nagmamadali niyang binuksan ang pinto.

"Pasok ka." Aniya bago siya nagtatakbo na parang bata papasok sa library niya, as usual nakakatakot pa rin 'tong bahay niya.

"Anong gusto mo? Gusto mo bang kumain muna? Gusto mo ba ng kape--"

Napatigil siya sa pagsasalita niya ng tinuro ko ang isang bagay na nakapatong sa lamesa niya, nawala ang ngiti niya ng makita niya iyong tinuturo ko. Awkward niyang kinuha yung kaha ng sigarilyo sa lamesa niya bago niya inabot sa akin iyon. Kinuha niya ang lighter sa bulsa niya at sinindihan niya ang sigarilyong nasa bibig ko.

Nakita kong sarkastiko siyang nakangiti bago siya kumuha ng sigarilyo para sa kanya at sinindihan din niya iyon. Hinagis nalang niya ang kaha ng sigarilyo pabalik sa lamesa.

"Hindi ko alam na may doktor palang naninigarilyo." Malamig na sabi ko sa kanya bago ko binuga ang usok na galing sa sigarilyo ko.

"Surprise?" Sarkastikong sabi niya sa akin kaya naman pinanliitan ko siya ng mata.

"Tss, maupo ka muna diyan kukunin ko lang yung kaylangan mo." Bilin niya sa akin kaya naman naupo muna ako bago ko pinagmasdan ang pari na may malaking potrait dito sa bahay niya na napapalibutan ng mga makalumang libro.

Kamukhang-kamukha ko nga.

Nang makabalik na siya ay umupo siya sa upuan nasa harapan ko bago niya binagsak ang gamot sa lamesa.

"So, kamusta na yung paborito kong pasyente? Magaling na ba?" Tanong niya sa akin.

"Ayos na rin, kumpara sa dati." Malamig na tugon ko sa kanya.

"Mabuti naman pala, kung ganoon pagpatuloy mo nalang yung mga binilin ko sa'yo para magtuloy-tuloy yung paggaling mo." Aniya.

"May tanong ako." Sabi ko.

Nakita kong napatingin siya agad sa akin dahil sa sinabi ko, kitang-kita kong napalunok siya habang seryoso siyang nakadiretso ng tingin sa akin.

"Hindi ba lahat ng gamot na nandito ay illegal? Kung ganoon papaano kumalat yung gamot na prophyrus?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi 'to illegal Gabriel, talaga lang sinusubukan kong pigilan yung pagkalat noon ng malaman namin ng lola ko na may masamang epekto pala yung gamot na yun, oo kasalanan namin na kumalat yun pero sinusubukan ko namang pigilan di ba? Lahat ng gamot na ginawa ng lola ko ay nanatili na dito. Iyon lang naman yung nakalabas na gamot--"

"Kung ganoon, ano 'to? Bakit may ganto sa kwarto ni Raphael?"

Inilabas ko yung gamot na nakita ko sa kwarto ni Raph, alam kong sila ang gumawa nito dahil ng sinubukan kong ipahanap kung saan nagmula ang gamot na 'to ay ilang beses na nasabing iisa lang ang gumawa ng gamot na 'to at ng forgetting pills, halos magkamukha lang din ang epekto nito, ang pinagkaiba lang ay kapag hinalo mo ang gamot na nakita ko sa kwarto ni Raph sa isang inumin ay makakalimutan mo ang mga susunod na mangyayari pagkatapos mong mainom iyon.

Nakita kong nakatitig lang siya sa gamot na iyon bago niya binagsak ang kamay niya sa lamesa pero hindi ako natakot sa ginawa niya, alam kong nauumpisa na siyang mainis sa akin.

"Fine, pinagbenta ko 'yang gamot na 'yan sa isang lalaking pumunta dito. Masaya ka na ba?" Sarkastikong sabi niya sa akin.

"Bakit mo siya pinagbentahan kung alam mong masama yung magiging epekto nito sa isang tao, alam mo bang itong gamot na 'to yung pinaghihinalaan kong hinalo doon sa inumin noong welcome party ni Jisoo at dahil sa gamot na 'to may namatay na ta--"

"Wag kang umasta na parang hindi ka pumapatay ng tao!" Bigla niyang ibinagsak ang kanang kamay niya sa lamesa kasabay ng pagsigaw niya sa akin kaya naman napatigil ako sa aking pagsasalita.

"Sino yung lalaki na pinagbentahan mo? Si Raphael ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi si Raphael, hindi ko alam kung papano napunta sa kanya 'yan pero sigurado akong hindi si Raphael ang pinagbentahan ko." Mariin na sabi niya sa akin.

"Kung ganoon sino?!"

"Hindi ko kilala! Pero nabalitaan ko nalang na namatay yung lalaki na yun kinabukasan, dinala pa siya sa ospital namin kahit obvious namang wala ng pag-asang mabuhay pa yung tao na yun, kaya nakita ko pa siya, ano nga ulit nga ulit pangalan nun? M-Matt..."

"Matthew."

"Oo tama! Matthew nga-- teka! Pano mo nalaman?" Tanong niya sa akin.

Bigla akong napaisip ng malalim, si Matthew ang bumili ng gamot? Kung ganoon pwedeng siya yung naglagay noon sa inumin noong party ni Jisoo pero ang tanong ay bakit? At bakit siya yung namatay kung siya pala ang nagpaplano ng masama? Natuloy ba yung plano niya o bumaliktad yung plano niya? Pero kung ganoon ano naman yung plano niya? Wala naman kaming natatandaan na may ginawa kaming masama sa kanya para gawin niya yun.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Lily sa akin kaya naman nawala ang lahat ng iniisip ko ng mapatingin ako sa kanya.

"Sino ka ba talaga?" Malamig na tanong ko kay Lily kaya naman bigla siyang natigilan, nakita kong bahagyang nanlaki ang mata niya sa tanong ko pero pinilit niyang maging steady lang ang mukha niya.

"A-Ako? Si Lily, yung doktor mo, yung forever mo." Awkward na sabi niya sa akin.

"I mean sino ka sa dalawang personality na meron ka."

Nakita kong napakunot ang noo niya sa tanong ko, kitang-kita ko kung papaano siya namutla sa tinanong ko, hanggang sa unti-unting gumuhit ang ngiti niya na para bang naiinis na. Alam kong ngumingiti lang siya ngayon para matakpan yung pagka-irita niya sa akin.

"Si Dena, kung si Lily yung kausap mo edi sana kanina pa hinimatay yun." Inis na sagot niya sa akin bago siya nagdekwatro at sumandal sa upuan bago siya humalukipkip na para bang handa na siyang makipagsagutan sa akin.

Tumango ako sa kanya kaya naman nakita kong pinanliitan niya ako ng mata na para bang sinusubukan niyang alamin yung nasa isip ko ngayon.

"Kaya ka ba magtatagal dito sa bahay ko ay dahil marami kang gustong itanong sa akin? Go on! Sasagutin ko 'yang lahat ng tanong mo sa akin ng walang halong pagsisinungaling. Prangkahan tayo dito di ba? Sige lang." Sarkastikong sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako.

"Yung nakita ko park, sino ka dun? Si Lily o si Dena?" Tanong ko sa kanya.

"Wow naman, fast talk, boy abunda is that you?" Biro niya sa akin bago siya tumawa pero walang humor yung tawa niya. "Si Lily yun." Biglang seryoso niya.

"Yung nasa ospital, yung tumulong sa akin na malaman na kapatid ko si Jennie. Sino yun?"

"Yung nanghingi ng number mo, ako yun pero yung nag-effort na malaman kung magkapatid ba kayo ni Jennie, that's Lily-- oh! Hindi mo ba itatanong kung sino yung tumulong sa inyo ni Jisoo nung nagrollercoaster yung kotse nyo dito sa frostwood? Si Lily din yun." Aniya.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Yung nasa barko?" Tanong ko ulit.

"Siya din yun, wag mo kong tanungin kung bakit niya nagawang pumatay at hindi ko rin alam." Paliwanag niya.

"K." Tipid na sagot ko.

"Don't worry, hindi ako kasing tanga ng gaga na yun, sa dami ng lalaking sa mundong ibabaw bakit ikaw pa ang nagustuhan ng Lily na yun, okay I get it, fan si Lily ng mga libro ni Father at siguro ine-expect niya na kapag kayo ang nagkatuluyan pwede na ninyong ipagpatuloy ang naudlot na love story ng Pari na yun at ng Lola ng Lola namin. Di naman niya ako kasing tanga. Magkaiba kami kahit na nasa iisang katawan lang kami." Paliwanag niya sa akin.

K lang yung sagot ko pero ang dami na niyang sinabi.

Napataas ang kilay ko ng makita kong inis na inis na siya sa akin kaya naman mas lalo akong napangiti para mas mainis pa siya lalo sa akin.

"Yung kasamahan ko sa hotel nung nakaraang buwan--"

Biglang niyang hinampas lamesa kasabay ng pagtayo niya, kitang-kita kong namumula na ang mukha niya sa sobrang galit sa akin pero nginisihan ko lang siya.

"Hindi ko kilala! Hindi ko alam! Bakit hindi si Lily ang tanungin mo! Siya lang naman yung patay na patay sa'yo!" Sigaw niya sa akin.

"Ahh, okay." Nakangising sagot ko sa kanya, nakita kong galit na galit pa rin siya ng padabog siyang bumalik sa pagkakaupo.

"Ang yabang mo ah! Akala mo porket gusto ka ni Lily ay gusto na rin kita? Kapal mo ah." Inis sambit niya.

"Ayos lang, hindi ko naman siya gusto."

Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko, napaseryoso bigla ang mukha niya bago siya umayos ng pagkakaupo.

"Alam mo bagay kayong dalawa nung Lily na yun, ang tanga nyong pareho. Kahit yung gagong ikaw-- I mean pareho namang gago yung dalawang personality mo pero yung mas gago pa." Paliwanag niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay nagtanong lang ako ulit. "Sino ba yung madalas kong kasama? Si Lily o ikaw?"

"Hindi ko alam, nakakalimutan ko yung nangyayari kapag si Lily ang kumokontrol ng katawan ko." Palusot niya sa akin.

Mas lalong lumawak ang ngisi ko ng mahuli ko siya, obviously nagsisinungaling na siya.

"Kung hindi mo natatandaan yung mga nangyayari kapag si Lily ang kumokontrol then bakit alam mo yung na-aksidente kami ni Jisoo? Bakit alam mong nagkita na kami sa park? Wag na tayong maglokohan dito Lily-- I mean Dena, alam nating pareho na natatandaan mo yung mga ginagawa ni Lily, kagaya mo kaya ko na rin kontrolin yung sarili ko, thanks to you, kaya naman alam kong natatandaan mo lahat ng pagkikita naming dalawa. Nagagawa mong magshift ng personality in a seconds kagaya ng kaya kong gawin."

Nakita kong napatulala siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"At isa pa, nagbabago nga ang personality pero hindi mababago kung sino yung mga taong importante sa'yo, kagaya na lamang noong pinuntahan ako ni Jisoo sa amin kahit noong hindi mo pa ako nireresetahan ng gamot, kahit yung isang ako ang kumokontrol sa sarili ko pero nagawa kong kumalma dahil alam kong si Jisoo yun, importante din sa kanya si Jisoo. Kaya kung mahal ako ni Lily..."

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil alam kong alam na niya yung tinutukoy ko.

"Hindi si Lily ang madalas kong kasama nitong mga nakakaraan, hindi ba? Mas madalas ikaw, kasi masyadong inosente si Lily para gawin niya yung ginagawa natin."

Unti-unting namula ang mukha niya pero hindi sa galit kundi sa hiya.

"Kaya nagawang pumatay ni Lily sa barko ay dahil alam din niya yung ginagawa mo kaya naman nai-aapply din niya yun."

"Tapos ka na? Wala ka ng sasabihin? Makakaalis ka na." Pagtataboy niya sa akin. Hindi ako sanay na tinataboy niya dahil mas madalas ay halos hindi na siya umalis sa tabi ko.

"Marami pa akong gustong sabihin at itanong sa panganay na anak ni Mayor Stellart."

Nanlaki bigla ang mata niya sa akin, kitang-kita ko kung papaano manginig ang kamay niya. Mukhang masyado siyang nabigla sa sinabi ko.

"P-Paano mo nalaman?" Kinakabahang tanong niya sa akin.

"Bakit ang dami mong sikreto?" Tanong ko balik sa kanya.

"Bakit ang dami mong alam?" Panggagaya niya sa akin.

Nagkatitigan kaming dalawa, parehong seryoso ang tinginan namin, dapat ay matakot na ako dahil nasa lugar niya ako pero hindi, alam kong di niya ako magagawang saktan. Kilala ko na siya.

"Gusto mo bang malaman ang kwento ng buhay ko? Gusto mo bang kabugin si Ate Charo? Sige push." Pikon na sabi niya kaya hindi ako sumagot dahil alam kong itutuloy niya talaga ang pagkukwento niya, sa totoo lang ay wala talaga akong alam, ngayon ko palang talaga inaalam, iniisahan ko lang siya kagaya ng mga tinuro sa akin ni Raphael kung papaano mapaikot ang mga tao.

"Dear Ate Charo." Sarkastikong sabi niya sa akin.

"Nagmula ako sa pamilya ng mga doktor kaya naman namana ko kanila ang ganitong talento, lumaki ako sa lola ko dahil bata palang ako ay pinapatay na agad ng sarili kong ama ang aking ina, mabuti nalang at naaawa pa ang aking demonyong tatay at binuhay ang aking lola para sa gayon ay may makapag-alaga pa rin sa akin." Ramdam na ramdam ko ang pagiging sarkastiko niya kahit seryoso ang mukha niya.

"Alam mo ba Ate Charo? Nakita mismo ng dalawang mata ko kung papaano binaril ng mga tauhan ng aking demonyong tatay ang pinakamamahal kong ina, sobrang sakit para sa akin noon Ate Charo, hindi namin pwedeng ilibing si Nanay sa sementeryo kaya naman hanggang ngayon ay nasa basement pa rin siya ng bahay."

Biglang nagtaasan ang balahibo ko ng marealize kong nasa basement yung nanay niya, ibig sabihin nandoon sa laboratory ni Lily. Pinilit kong ikalma yung sarili ko kahit nag-umpisa na akong kabahan.

"Natrauma ako sa nangyari Ate Charo, hindi na ako nakapagsalita pagtapos noon, nakatulala lang ako, sobrang na-stress si Lola sa nangyari sa akin, halos tatlong taon din akong wala sa sarili ko at hindi ako makapagsalita, magsalita man ako ay umiiyak ako at sumisigaw pagkatapos ay nagwawala, kaya naman gumawa si Lola ng gamot na tinatawag nilang prophyrus para mapagaling ako."

"At iyon din yung ininom na gamot ng taong nasa harapan ko ngayon para makalimutan din yung masamang nangyari sa kanya." Biglang lumalim ang boses niya kaya naman pasimple ko ng pinwesto yung kamay ko malapit sa baril na nakalagay sa coat ko.

"Pero Ate Charo, gumana nga yung gamot, unti-unti kong nakalimutan yung nangyari pero paglipas ng isang taon, nagkaroon ng kakaibang nangyari sa katawan ko, may mga pagkakataon na hindi ko matandaan yung nangyayari sa akin, dahil pala ibang personality ko na ang kumokontrol sa katawan ko at babalik nalang ako sa sarili ko ng hindi ko alam kung papaano."

Kinuha niya ang gamot na nakalapag sa lamesa at pinaglaruan niya iyon.

"At alam mo ba Ate Charo? Marunong akong pumatay ng tao." Bigla niya akong tiningnan pero binalik din agad niya ang tingin sa mga gamot.

"Natuto akong pumatay ng tao dahil alam kong balang araw ay babalikan ako ng demonyong tatay ko para patayin din ako, alam nya siguro na maghihiganti ako sa kanya. Alam nya siguro na ibubuking ko sa lahat ng tao na anak niya ako sa labas. Na bago pa siya maging mayor at pakasalan yung anak ng mayaman na yun, nabuntis niya yung nanay ko. Hindi na nakakapagtaka kung papatayin niya rin ako para lang hindi masira ang imahe niya sa ibang tao. So ayun nga Ate Charo, may gusto ka pa bang malaman?" Tanong niya sa akin.

"Yung sa gamot." Tipid na tugon ko.

"Ahh! Yung sa gamot ba Ate Charo? Oo nga pala, yung gamot na yun ginawa talaga ng Lolabells ko inspired sa paboritong libro ko, paborito rin kasi nya yun kagaya ko. Siya nga yung nagpakilala sa akin ng libro na yun, pareho lang kaming fangirl ng Lola ko, ang hot kasi ni Father. Hihi." Biro niya sa akin, nakita kong tumawa siya pero nangingilid na yung luha sa mata niya.

"Tsaka Ate Charo, paborito na rin ng kaibigan ng taong nasa harapan ko yung libro na yun, mukhang fanboy na ni Father si Hanzelicious and by the way nakuha ni Lolabells yung ideya na magiging hyper ang isang tao pagkatapos ay makakalimutan yung nangyari simula noong ininom yung gamot hanggang sa magising ito dun sa libro din. Taray ng lola ko Ate Charo noh?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatili lang akong nakaseryoso kaya naman napairap siya sa kawalan bago siya umayos ng upo.

"Alam mo ba Ate Charo? May crush ako." Diretsong sabi niya sa akin, sumeryoso ang mukha niya habang diretso rin na nakatingin sa mata ko, nakita kong may bumagsak ng luha sa mata niya pero mabilis niyang pinunasan yun.

"Yung crush ko Ate Charo, love na love ko yun. Akala ko nga love din niya ako." Unti-unting nabasag yung boses niya.

"Yung crush ko na yun lagi nalang akong sinasaktan, napakagago niya Ate Charo, kayang-kaya niya akong iwan para sa Jisoo na yun at napakatanga din niya Ate Charo, masyado siyang nagpapakatanga kay Jisoo kagaya ng pagpapakatanga ko sa kanya." Unti-unting namula yung mata niya dahil sa sobrang pagpipigil niya sa luha niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pero siya ay diretso pa rin ng tingin sa akin.

"Pero wala ng mas tatanga pa sa akin Ate Charo, kahit alam kong tauhan siya ng demonyo kong tatay tinulungan ko pa rin siya, tinulungan ko siya para makilala yung kapatid niya, tinulungan ko rin siya para gumaling siya kahit yung gamot na dapat sa akin ay binibigay ko sa kanya para lang hindi na siya mahirapan, ngayon Ate Charo tinutulungan ko rin siya para masolusyonan yung ginagawa ni Twinkle little star sa mga kaibigan niya, tinutulungan ko rin siya Ate Charo kapag bored siya, sabihin na natin Ate Charo na kahit ginagamit niya lang ako kahit sa makamundong dahilan niya ay nagpapagamit naman ako."

Napabitaw ako sa hawak kong baril na nakatago sa coat ko dahil sa huling sinabi niya.

"At doon na nagtatapos ang kwento ng buhay ko Ate Charo, dahil alam kong pagkatapos malaman ng taong nasa harapan ko ang kwento ng buhay ko ay alam kong tatapusin na rin niya ako. Nakakalungkot no Ate Charo? Nagsimula yung buhay ko sa tragic at matatapos din iyon sa tragic. Sad life."

Tinaas niya ang kamay niya na para bang sumusuko na siya kaya naman napakunot bigla ang noo ko.

"Sige na, ilabas mo na 'yang baril mo diyan sa ilalim ng coat mo. Alam ko namang papatayin mo na ko. Wag kang mag-alala hindi ako lalaban." Sabi niya sa akin pero hindi ako kumibo, kaya naman nakita kong napakunot din ang noo niya sa akin bago niya binaba ang kamay niya.

"Hindi mo ba ko papatayin?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa, madami pa kong gustong itanong." Sagot ko sa kanya.

"Jusko naman, nakwento ko na sa'yo yung buong buhay ko pero marami ka pa rin gustong itanong." Inis na sabi niya sa akin. "Kaasar you ha! Excited na akong makita si Momshie at Lolabells ko pati si Father Sugarhoneybunch ng buhay ko sa heaven-- ay joke lang di nga pala ko mapupunta dun kasi bad ako." Aniya.

Napangiti ako ng marealize kong si Lily na ang kausap ko pero nang humarap siya sa akin ay mabilis kong tinago yung ngiti ko at bumalik ako sa pagseseryoso.

"Sige na, itanong mo na lahat ng gusto mong itanong, itodo mo na 'yan ng matahimik na 'yang pang-gigigil ng betlog mo."

"Walang nakakaalam kung sino ang limang pinakamakapangyarihan sa underground business, si Theo lang ang kilala namin. Alam kong kilala mo sila kaya bago kita patayin sabihin mo na sa akin lahat ng nalalaman mo."

"Boi, mali ka. Hindi sila ang limang pinakamakapangyarihan sa underground business, kasi ang pinakamakapangyarihan dito sa buong pilipinas sa larangan ng kademonyohan ay iyang pinagsisilbihan nyo. Honestly, hindi ko feel yung tawag sa kanila, I mean bakit iyon ang itatawag di ba? Ang baduy but anyways... May picture nila ako, wait lang." Sabi niya sa akin bago siya tumayo sa upuan at pumunta sa isang drawer na malapit lang sa amin, may kinuha siyang libro doon pagkatapos ay nilapag niya iyon sa lamesa at umupo ulit siya sa kinauupuan niya kanina.

"Iyan, iyan si Tres."

May pinakita siyang picture sa akin ng isang lalaki, napakunot ang noo ko ng marealize kong hindi siya pamilyar sa akin.

"Don't tell me uno, dos, tres, quatro, singko ang tawag sa big five?" Tanong ko sa kanya.

"What?! No way, hindi ah! Alyas lang niya yung Tres." Sabi niya sa akin.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko sa kanya.

"Seth, Gioseth Safari. Sounds familliar?" Nakangising tanong niya sa akin.

Biglang pumasok sa isip ko si Lisa, hindi ko alam kung bakit, para akong naguluhan kaya naman nakita kong napangiti siya.

"Tama yung naiisip mo, kapatid niya nga." Sagot niya sa akin kaya naman napabuga ako ng hangin sa kawalan.

"May isa pa, alam mo ba kung bakit kinuha nila Theo yung Mommy ni Jisoo at si Naddie?" Tanong nito sa akin pero mas pinili ko nalang hindi sumagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko.

"Dahil sa kanya." May pinakita siya sa akin ng picture ng isang lalaki na medyo may edad na, medyo mataba siya, hindi siya pamilyar sa akin kaya naman hindi nalang ulit ako nagsalita.

"Siya yung bagong asawa ng mommy ni Jisoo, yung kinikilalang daddy ni Naddie, yung tatay ng ex-boyfriend ni Jisoo." Paliwanag niya sa akin kaya naman naging maliwanag na sa akin yung dahilan nila Theo at kung bakit nasa magandang kalagayan naman si Naddie.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka naman nagtatanong." Sarkastikong sabi niya sa akin bago siya maglagay ng isang litrato ng isang babaeng pamilyar sa akin. Parang nakita ko na siya... Ah! Yung kasamahan ni Theo noong nakita namin sila sa Barko.

"That's Jezrine Hope."

Hope? Jaxon? Fuck!

"Tama ka ulit! Ate siya ni Jaxon, siya yung hinahanap nyo dati pa, akalain mo yun? Isa pala siya sa mga kinatatakutang business women sa buong Pilipinas kahit ang ganda niya, yung tipong hindi mo aakalain na kaya niyang gumawa ng masama."

Hindi nalang ulit ako kumibo dahil wala na halos pumapasok sa isip ko, masyado na akong naguguluhan at nababahala sa lahat ng nalalaman ko ngayon.

Hinihintay kong magsalita pa siya ulit pero nilapag nalang niya ang picture ni Theo kaya naman napataas bigla ang kilay ko.

"Kilala mo na siya kaya hindi na ako magpapaliwanag tungkol sa kanya. Yan lang ang lahat ng nalalaman ko, pwede mo na kong patayin." Sabi niya sa akin bago niya tinaas na ulit yung kamay niya.

Napapikit ako ng mariin bago ko siya tiningnan ng masama.

"Apat palang yung sinasabi mo, nasan yung panglima?"

"Wala na akong alam." Pagsisinungaling niya sa akin.

"Pwes ako may alam ako."

Biglang nagbago na naman ang ekspresyon ng mukha niya, lumalim ang tingin niya sa akin na para bang alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin.

Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko pagkatapos ay kinuha ko doon ang picture ng isa sa limang kalaban namin pagkatapos ay nilapag ko iyon sa lamesa bago ko binalik ang wallet ko sa bulsa ko. Pinagmasdan ko ang reaksyon sa mukha niya at nakita kong blangko lang iyon pero napalunok siya.

"That's Dena Lily Go." Sabi ko.

"She's a doctor and a business women, may ari ng isang lumang library at sikretong panganay anak ni Mayor Stellart. Malaki ang business niya sa transaction ng mga illegal na baril at droga pero may ilan rin naman siyang mga trabaho na legal kagaya nalang ng pagiging doctor niya at ilang companya na pag-aari ng pamilya niya na napamana niya sa mga ito." Paliwanag ko sa kanya.

Kitang-kita kong natulala siya dahil sa lahat ng sinabi ko, bago pa niya ako inuhan ay nilabas ko na ang baril sa bulsa ko at tinutok ko sa kanya yun pero nakatulala pa rin siya at hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya, para bang masyadong na pre-occupied ang utak niya dahil sa mga sinabi ko.

Nakita kong inayos niya ang mga picture na nakalapag sa lamesa, kaya naman napatingin din ako sa ginawa niyang pag-ayos doon.

"Hindi nyo alam kung sino ang big five di ba?" Tanong niya sa akin na naging dahilan ng pagtataka ko.

"Kayo ang nagset-up sa amin sa barko, kaya kayo gumawa ng fake engagement party at kunwareng business proposal ay para makilala niyo kami pero bumaliktad ang nangyari dahil may isa pa pala kayong kalaban doon na hindi nyo matukoy kung ano o sino kaya naman hindi nyo kami nakilala di ba?" Tanong pa ulit niya.

Napahigpit ang hawak ko sa baril na nakatutok ng diretso sa ulo niya dahil iniisip ko na baka maisahan niya ako ano mang oras.

"Pero hindi nyo ba naisip kung bakit nalaman ni Jaxon na nandoon kaming lima at napalitan ang isa sa amin?"

Napalunok ako dahil sa tinanong niya, alam ni Jaxon... Alam ni Jaxon yung tungkol dito, pero bakit hindi niya sinasabi? Dahil ba nandoon ang Ate niya o dahil kalaban din namin siya?

Napatayo ako sa kinauupuan ko habang nakadiretso pa rin ang tutok ng baril ko sa kanya.

"Hindi naman dapat talaga ako pupunta doon dahil naisip ko ng iseset up nyo kami pero napilitan akong pumunta dahil nakita ko yung nasa dyaryo, yung paglubog ng barko na sinasakyan ng lola ng lola ko. Nag-alala ko sa'yo kaya naman pinuntahan ko kayo."

Napaluwag yung hawak ko sa baril dahil sa sinabi niya, lalo na ng tumingin siya sa mata ko.

"Oh siya, bago mo ko patayin wala bang goodbye kiss?" Ngumuso siya sa akin kaya naman sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Kiss lang naman, para mamatay ako ng masaya." Nakangusong sabi niya sa akin.

Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko na matiis ang kakulitan niya, papaano niya nagagawang mabiro kahit alam niyang mamamatay na siya? Bigla akong nagsisi dahil naniwala akong nagbibiro siya, hindi ko agad naisip na baka pinapaikot niya lang ako hanggang sa namalayan ko nalang na mabilis na siyang sumampa sa lamesa at sinipa ang baril na hawak ko kaya napabitaw ako doon pero sinapo din niya iyon gamit ang kaliwang kamay niya.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong tinutok niya ang baril sa batok ko, nakaupo siya sa lamesa habang nakatayo ako sa harapan niya pero hindi ako makagalaw ng ayos dahil nakatutok na sa akin ang baril.

"Give it to me." Malamig ko sa kanya.

"Hala, bakit ko naman ibibigay sa'yo 'to? Kiss ko muna."

Nararamdaman ko nang kinakabahan na ako dahil alam ko ang mga kaya niyang gawin. Kaya niya akong patayin ngayon mismo ng walang nakakaalam.

"Nasan na yung goodbye kiss ko?" Tanong niya sa akin na parang batang excited na naghahantay ng uwi sa kanya ng nanay niya.

Napabuntong hininga ako bago ko lumapit sa kanya, nakita kong mas lalo siyang napangiti ng halos isang pulgada nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa, naramdaman kong diniin niya sa akin yung baril nakatutok sa akin kaya naman tuluyan ko ng inilapit ang labi ko sa labi niya.

Pinikit ko ang mata ko nang makita kong nakapikit siya, unti-unting lumalalim yung halik niya sa akin hanggang sa marining kong binalibag niya yung baril sa kung saan man bago niya hinawakan ang coat na suot ko para mas mapalapit ako sa kanya.

Hinawakan ko ang likod niya ng maramdaman kong muntik na siyang mabuwal ng hinila niya ako.

"May dala ka bang condom?" Bulong niya sa akin kaya naman bigla akong napalayo sa kanya.

"Wala." Mariin na sabi ko.

"Tss, parang nung huli nating pagkikita wala ka rin dala. Hindi mo naman ako papanagutan kapag nabuntis mo ko, baka magaya lang sakin yung anak ko. Wagna nga lang." Tinulak niya ako papalayo sa kanya naman natawa ako ng sarkastiko.

"Wag ka ngang tumawa diyan, sumbong kita kay Jisoo eh, ano kaya reaksyon nun kapag nalaman niyang hindi ka pa rin nagbabago? Ha?" Banta niya sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Tinatakot mo ba ko?" Malamig tono ang ginamit ko ng magtanong ako sa kanya.

Nakita kong natakot siya sa tono ng boses ko kaya naman agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Joke lang yun! Nagagalit ka ba sa akin? Joke lang yun promise." Aniya bago niya tinaas yung isang kamay niya na parang nangangako siya sa akin na biro lang talaga yun.

"Jokijoki lang yun huy..." Hinawakan pa niya yung mukha ko bago niya ko tiningnan ng diretso sa mata.

Napayuko siya ng makita niyang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko, alam niyang naiinis na ako pero pinipigilan ko yung sarili ko.

"I'm sorry." Nakayukong sabi niya sa akin.

"Ayos lang." Tipid na sagot ko kaya naman na-angat bigla yung tingin niya sa akin.

Kaya naman napangiti siyang bigla sa akin, yung inosenteng ngiti.

Continue Reading

You'll Also Like

82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
73.3K 1.1K 58
An ARMY has been chosen to be the Bangtan's Princess. This is how her life began as a teenager with the 7 boys. But one day, they disappeared. Now...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
67.9K 2.3K 42
Guy is just a jerk espicially him ughhh i hate him (minah)as shin minyoung what wrong with her have blind eyes how dare she looks down at me(jeon jun...