I Kissed The Playboy..

By my_love_letter

706K 21.8K 1.2K

Mapa-ibig kaya ng isang Playboy ang isang Cold-hearted girl? Let's see. -- My_love_letter (MLL) More

I kissed the playboy...
IKTP - 1
IKTP - 2
IKTP - 3
IKTP - 4
IKTP - 5
IKTP - 6
IKTP - 7
IKTP - 8
IKTP - 9
IKTP - 11
IKTP - 12
IKTP - 13
IKTP - 14
IKTP - 15
IKTP - 16
IKTP - 17
IKTP - 18
IKTP - 19
IKTP - 20
IKTP - 21
IKTP - 22
IKTP - 23
IKTP - 24
IKTP - 25
IKTP - 26
IKTP - 27
IKTP - 28
IKTP - 29
IKTP - 3O
IKTP - 31
IKTP - 32
IKTP - 33
IKTP - 34
IKTP - 35
IKTP - 36
IKTP - 37
IKTP - 38
IKTP - 39
IKTP - 40
IKTP - 41
EPILOGUE

IKTP - 10

15.5K 521 25
By my_love_letter

Nandito na 'ko sa office ni Ate at nag bibihis ng uniform ko. Tinatamad akong mag trabaho ngayon, sana pala hindi nalang ako pumasok papayag naman si Ate panigurado eh. Haay! Kaso wala na, nandito na 'ko kaya no choice kundi mag trabaho.

"K, saan maganda mag team building?" Tanong ni Ate sakto sa pag tapos kong mag bihis.

I face her. "May plano kang mag pa-team building?" Tanong ko.

Mukhang magiging... boring 'yun. Pag natuloy hindi ako sasama.

"Yah, I'm looking for a place. May maisa-suggest ka ba?"

"Mmm. I don't know, wala akong alam dyan."

"Tingin mo magandang mag beach? Sakto malapit na ang summer."

"Tingin ko magugustuhan nila 'yun."

"Tingin ko din. Okay salamat, mag trabaho ka na." Tumalikod na 'ko at aakma na sanang mag lakad pero may pahabol pa siyang sabi. "Wag mo munang sabihin ang tungkol dito sa kanila."

"No problem." Sagot ko sabay lakad palabas ng office.

Paglabas ko naghanap agad ng gagawin. Dahil maraming costumer ngayon naging madami ang gagawin kaya 'yung oras hindi ko na rin namalayan hanggang sa dumating ang break time ko.

Plano ko na sanang pumunta sa counter nang marinig kong nag bukas ang pinto ng Cafe, tumingin ako dun sandali at napahinto sa paglalakad nang makitang si Scott 'yun.

Nagtama ang mga mata namin pero umiwas din siya ng tingin na medyo may pagka mataray pa nga na akala mo babae kaya napataas kilay din ako.

Anong ginagawa niya dito? akala ko ba galit siya sa'kin?

Pumwesto siya sa lagi niyang pinupwestuhan dito sa Cafe tsaka siya tumawag ng waiter. Nakita kong si Luna ang tinawag niya, nang papalapit na 'to sa kanya sinenyasan ko siya ng ako-na.

Lumapit ako kay Scott bitbit ang Menu tsaka ko 'to inabot sa kanya.

"What are you doing here?" I asked.

"May ice cream ba kayo dito?" Tanong niya.

"Yah." Sagot ko.

Inabot niya sa'kin 'yung menu. "Yun nalang order ko."

Kinuha ko 'yung menu at nag tanong ulit. "Anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya sumagot basta nag suot lang ng headset. Ibig sabihin ayaw niya 'kong kausapin.

Fine! Edi wag!

Ibinigay ko nalang sa counter 'yung order niya para mai-handa. Habang hinihintay ko 'yun naramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

Nang tignan ko 'yun si Ate ang nakita ko. "Bakit hindi ka pa nag b-break time?" Tanong niya.

"Hinihitay ko lang 'yung order ni Scott."

Tumingin siya sa direksyon ni Scott. "Nandito na naman pala boyfriend mo."

"Hindi ko siya boyfriend." Pagtatama ko na naman. "Ni hindi nga 'ko pinapansin niyan ngayon eh."

"Bakit anong ginawa mo?"

"Ako talaga agad?"

"Malamang, ikaw ang hindi pinapansin eh kaya paniguradong may nagawa ka."

Sabi ko nga eh.

"Pinalayas ko kasi siya kanina sa bahay eh."

Napa kunot noo siya sa sinabi ko. "Nasa bahay siya kanina?"

"Yup. Nagulat nalang ako kanina nang makita siya na nakaupo sa couch kaya na bwiset ako."

Ate laughed. "Ibang klase, masigasig pala manliligaw mo ngayon."

Finally, nabigay na sa'kin 'yung order ni Scott kaya sinerve ko na 'to sa kanya. Nang malapag ko sa table 'yung order niya aakma na sana akong maglakad pero pinigilan niya 'ko.

Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Kanina lang ayaw niya 'kong kausap tapos ngayon pinigilan naman ako sa paglalakad. Tinanggal niya 'yung headset niya at tumingin sa'kin.

"Sit!" Utos niya.

"Ano?"

"Break time mo diba? Umupo ka, kainin mo 'yang ice cream."

"Para sa'kin ba 'yang ice cream?" Okay mag ningning mata ko dun, ice cream yan eh. Kahinaan ko.

Tumango siya.

"Baka magalit si Ate." Tumingin ako sa direksyon ni Ate, nakatingin lang din siya sa direksyon namin ni Scott. Bigla namang tumayo si Scott kaya napunta ang atensyon ko sa kanya. Nag lakad siya papunta kay Ate at kinausap niya 'to. After niyang makausap si Ate nag lakad naman siya papalapit sa'kin.

"Okay na, pumayag na si Ate." Sabi niya.

Tumingin ako kay Ate at nag thumbs up ito sa'kin.

Hinawakan ni Scott ang braso ko kaya napunta na naman ang focus ko sa kanya tsaka niya 'ko pinaupo. Inilagay niya sa side ko 'yung ice cream.

"Anong kakainin mo?" Tanong ko.

Umiling lang siya bilang sagot tsaka siya nag suot ulit ng headphone. Tignan mo 'to, akala ko itutuloy-tuloy na niya 'kong kausapin dahil binigay niya sa'kin 'yung food niya pero hindi pala.

Since ayaw naman niya 'kong kausap kinain ko nalang 'yung ice cream since takam na takam na din ako dito. Sa pag sisimula kong kumain, tahimik lang kaming dalawa. Kung ako ini-enjoy ang ice cream siya naman ini-enjoy ang music.

Nang maubos ko naman ang ice cream, tumawag siya agad ng waiter para kunin ang Bill nito at nag bayad.

"Aalis ka na?" Tanong ko sa kanya.

Hindi lang siya sumagot kaya medyo naiinis na 'ko. "Alam mo nagpapasalamat talaga ako sa pa-libre mong ice cream sa'kin pero nakaka buwiset na 'tong hindi mo pagpansin sa'kin!" Urgh! Hindi ko akalaing maiinis ako ng ganito.

"Hindi ka pa din nag so-sorry sa'kin."

"Nag sorry na 'ko hindi mo lang tinanggap."

"Dahil hindi ka sincere!" Paano niya nalaman 'yun? "Dahil sa text ka lang nag sorry." He said answering my unspoken question. Wow! Paano niya nalaman iniisip ko?

"Fine! Sorry."

"You're still not sincere."

Huminga ako ng malalim. "Okay, I'm really sorry. Sorry na. Ikaw kasi eh, bigla-bigla ka nalang pumupunta ng bahay kaya nainis ako. Sana kasi nag paalam ka dahil alam ko naman kahit hindi ako pumayag pupunta ka pa rin, at least kahit papaano alam ko na at hindi na 'ko nabigla."

He smiles. "Okay, you're forgiven." What 'yun na 'yun? Ang bilis niyang kausap ah. Akala ko pa naman pahihirapan niya talaga ako.

He stands and bends down his face closer to mine and kissed my lips that took me by surprise.

"Para saan 'yun?!" Gulat kong tanong na may inis.

"Dahil pinapatawad na kita." He winks. Pagkasabi niya nun nag lakad na siya paalis ng Cafe.

Baliw talaga 'yung playboy na 'yun. Basta kung anong maisip, gagawin nalang. Inilibot ko ang tingin sa paligid kung may nakakita sa ginawa ni Scott, nakita ko lang 'yung ibang co-worker ko na nakatingin sa direksyon ko at pag tumatama ang tingin ko sa kanila umiiwas agad.

Haay! Ibig sabihin lang nun nakita nila 'yung ginawa ni Scott. Kaloka talaga 'yung mokong na 'yun.

Inayos ko nalang 'yung pinagkainan ko para linisin ang lamesa tsaka ako nag simulang mag lakad papunta sa counter kung saan nakita ko dun si Ate na nakangiti habang nakataas kanan kilay sa'kin.

"Hindi daw boyfriend pero may kiss sa lips bago umalis." She teased.

"Hindi naman talaga, baliw lang talaga 'yung si Scott kaya niya ginawa 'yun." Diniretso ko nalang sa dishwasher itong pinagkainan ko tsaka ako nag simula na sa trabaho ko.

"K, wait!" Tawag sa'kin ni Ate kaya lumapit muna ako sa kanya.

"What?" I asked.

"Tell Mom, pupunta ako ng bahay tomorrow night may kasama ako."

"Boyfriend?"

She nodded. "Yes, boyfriend."

"May biktima ka na naman ah." Biro ko.

"Nagbago na 'ko sis, hindi lang halata." She tapped my shoulder. "Mag trabaho ka na."

--

Sorry maiksi. ✌
Keep voting. ☆

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
1.9M 6.5K 8
He is an actor. She's a brat. COMPLETED
2.8M 5.5K 4
Dalawang taong magkaiba ang ginagalawan. Magkaiba ang agwat sa buhay. Magkaiba ang ugali. Kaya mo bang tanggapin ang taong di mo gusto buong buhay mo...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...