TURNING PAGES

By freespiritdamsel

80.8K 2.9K 501

In the middle of destiny, chances and secrecy, Kathryn Bernardo was given a cardboard box and inside it is ca... More

p r o l o g u e
Overstressed(?)
In perpetuum
Impaired
Kiss away those tears
temporarily
here
i'm fine
worries
flowers
invitation
scared
beautiful
unsure
promise
kathryn
daniel
memories
comfort
familiar
absence
is it really?
his side
eyes
great love
one fine morning
by your side
time
crush
friends
perfect time
Epilogue

if you are happy

1.6K 66 33
By freespiritdamsel

**

THIRD PERSON's POV

ONE YEAR LATER



"TAMA na 'yan, bro."

"Tangina kashi... Pat. Ikakashal na siya ngayon. Sinong matutuwa! Pare ikaw sige! Mashaya ka ba na hurt-hurt bestfriend mo! Ang shaket kasi non, Tol! Gusto kong tumutol! Boom rhymesh 123 ABC!!!" Dinuro-duro pa ni Daniel ang kaibigan niya at ang lamesa sa kwarto niya kung saan nakalapag ang mga iniinom niya. At mga nainom ilang araw na.

"Pare, wala ka naman nang magagawa eh." Tumulong na rin si Marco na kanina rin ay nagliligpit ng mga kalat ng kaibigan. Ilang araw—no, ilang buwan na siyang ganito.

"May magagawa ako Gumabao! Magpapakalasing ako para makatulog! Kasi.. Gusto ko matulog! Hindi ako makatulog! Kakaisip sakanya!"

"Gusto mo suntukin kita para makatulog ka diyan!"

"Bugbugin na nga natin 'to, Pat!" Dagdag pa ni Diego. Lahat yata ng matalik na kaibigan niyang lalake andito dahil alam nilang maglalasing na naman si Daniel. Sanay na silang naglalasing ito pero iba ngayon. Ngayon kasi ang kasal ni Kathryn at ni Carl. Naisip nilang damayan nalabg ang kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamove on kay Kathryn.

"Pucha naman, eh. Sabi na. Buti nalang andito tayo baka mamaya nagbigti na 'yan." Kumuha si Khalil ng maiinom sa ref ni Daniel at napailing nang makita sa tabi ng ref ay yung cabinet niyang maliit. Sa taas pa non ay yung picture nila ni Kathryn sa boracay na kinunan ni Dominic.

Sure, naaawa sila kay Daniel. Given naman 'yon. Ayaw nilang nakikitang nasasaktan ang kaibigan pero wala naman silang magagawa kung hindi na siya mahal at hindi siya ang pinili ni Kathryn. Kaibigan din nila si Kathryn at naiintindihan nila 'yon. Nakakapanglumo lang minsan na nakikita nilang ngumawa si Daniel dahil lang sa may bagong pinost si Carl o kaya si Kathryn na picture sa private instagram nito na sila-sila lang din ang nakakaalam. Hindi rin nila alam bakit ba kasi finollow pa 'yo ni DJ at nagkunwaring okay lang kasi maayos naman silang nagkaclosure ni Kathryn. Little did she know, sobrang hindi okay si DJ after non. Kulang nalang magpainject na si DJ ng pangpamanhid.

Umiling si Khalil ng makita ang litrato. Bumalik siya sa mga kaibigan niyang pinapalibutan si Dj at ang iba naman ay sineset up ang ps4 nito. "Alam mo, maglaro nalang tayo. Baka sakaling umokay ka." Suggest naman ni Dominic at tumayo mula sa couch.

"Ayoko." Sagot ni Daniel at sumandal sa header ng kama niya.

"Ano gusto mo? Manood ka ng live ng kasal nila Kathryn at ni Carl?"

"Bat kailangan mo pang banggitin!"

"As if namang mawawala yung sakit pag hindi binanggit." Sabi ni Marco.

"Dj, tol, tama na yan. Tara magbar nalang tayo."

Lahat na yata sinubukan nila para maka move on si DJ. Minsan naman okay siya, maayos naman siya. May mga panahon lang talagang inaatake siya ng lungkot lalo ba pag naaalala si Kathryn.
Sinubukan nga rin nilang ipakilala si DJ sa iba't-ibang babae, nagbabakasakaling may matipuhan pero wala pa rin. Parang hindi nga to tinatablan. Mas mabuti nalang daw na mamatay siyang binata kesa magmahal ng iba. With that, mapaparolyo nalang ng mata ang nga kaibigan niya.

Matapos ang ilang oras, nabigo sila. Ang ending, nagstay sila sa bahay ni Daniel kakalaro at nagbabantay lang sa kaibigan. Nakatulog na rin si DJ at umorder naman sila para may makain. Pasado alas onse nang magising si Daniel.

"Pre, kain tayo. May beef tapa diyan. Inorder ko." Proud pang sabi ni Marco sa kaibigan.
Tinignan nila si DJ na bukas na ang mata at nakatingin lang sa kisame.

"Paborito yan ni Kathryn eh."

Napangiwi si Marco dahil nakalimutan niyang paborito nga pala 'yon ni Kathryn. Napailing nalang si Pat ng mapansin ang pagpiyok nito at pagbabadyang pagiyak. Naloko na naman. Senti mode na naman yan. Isip nito.

"Ay may pizza dito! Nagorder kami ni Khalil! Oh ha!" Si Diego naman ang nagsalita, trying to light up the mood. Pinagplanuhan nilang libangin si Daniel dahil baka mamaya malaman niyang tapos na ikasal sila Carl at Kath at mabaliw pa ito kung may makita siyang pictures sa internet.

Sinubukan niyang umupo at medyo nabuhayan naman ang mga kaibigan niya. "Anong flavor yan?"

"Cheese tol tas meron ding—"

"Yan yung laging pinapaorder sakin ni Kath pag gusto niya ng pizza."

Halos lahat naman sila napa face palm pero si pa rin sila sumusuko.

"Alam ko! Beer! Bumili kami ng isang case ng beer, tol! Medyo okay ka naman na diba? Oh maglasing tayo ulit!" Pinalo pa bi Patrick yung lamesa na parang isang sobrang gandang ideya ang naisip niya.

Naghihintay ng reaksyon sila Marco mula kay DJ. Siguro naman di niya na maaalala si Kathryn sa beer no? Isip bi Khalil.

"Hindi ako masyadong pinapayagan ni Kathryn uminom."

"PUTA NAMAN! DATI 'YON! TIGIL MO NA YAN BRAD!" Napuno na si Khalil at hinila si DJ patayo. "Tumayo ka na o gusto mong may magpatayo pa sayo! Sabihin mo lang!"

"Gago," Napabuntong hininga sila Khalil nang makitang medyo natawa si DJ.
Naglakad ito papunta sa counter at kumuha ng tubig.

Nagsenyasan naman silang ipagpatuloy lang ang paglilibang sa kaibigan.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay binuksan niya ang cellphone niya. Una niyang binuksan ang instagram—habang nagloload ay bigla itong kinuha ni Dominic. "Ooopppp! Bawal cellphone ngayon!"

"At kelan pa?" Matamlay na tanong neto.

"Ngayon lang, kasi may importante tayong gagawin. Dapat focus lang." He tried to sound confident and convincing pero matamlay lang na nakatingin si DJ sakanya.

"Alam kong ayaw niyong ipakita yung pictures nila Kath na siguro by now kumakalat na sa internet." Sumandal siya sa counter at yumuko. "Pero gusto ko lang makita. Huli na 'to. Akin na." He asked for his phone and Dom looked at his friends, asking for permission. Nagkibit balikat si Diego habang tumango nalang si Pat.

Lahat sila nakatingin kay DJ except kay Khalil na kumakain habang nakatingin.

Binuksan ni DJ ang instagram niya at pumunta agad sa profile ni Kath na pag pinindot lang ang search bar ay una itong lalabas. Ito naman kasi ang lagi niyang sinesearch at vinivisit sa instagram eh.

Nagpost ito ng picture niya at ni Carl na nasa simbahan. Magkatinginan at nakangiti sa isa't-isa.

"Ang swerte niya." Sambit niya nalang habang tinitignan ang picture na 'yon. "Ang swerte niya siya yung pinili ni Kath." Sabi niya pa. Nakatingin pa rin ang mga kaibigan niya at napapailing nalang si Marco.

Napahawak ito sa ulo niya habang nakatingin. "Ako dapat to eh." Nahirapan siyang sabihin ang nga salitang iyon dahil naiiyak na naman siya. F, ilang araw na ba akong umiiyak? Kung ilang araw yatang todo ngiti si Kathryn dahil papalapit at papalit na ang kasal niya, ilang araw namang iyak nang iyak si Daniel dahil malapit nang ikasal ang mahal niya.

"Bro.."

He managed himself and tapped the comment button.

supremo_dp: Congratulations, Kath! If you are happy, I am happy.


It took all the courage for him to type those words. It is his way of finally letting go of Kathryn. She smiled upon seeing his comment. She didn't know that on the other part of the city, Daniel Ford is crying his heart out. His Tangi is already married to someone else. And he couldn't think of anything much heartbreaking than that.

**

Chill lang frandz.

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
5.4K 104 33
Sa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin...