Don't Mess With the Nerd

By majeailus

15.2K 691 270

{•Highest rank achieved: #47 in Humor•} Bawat tao dito sa school ay may kanya-kanyang role gaya ng: Playboy... More

PORTRAYERS
Chapter 1~Betrayed
Chapter 2~The past is the past
Chapter 3~Meet Zyna
Chapter 4~The sweetest comeback
Chapter 5~Mr. Pader?
Chapter 6~Transferees
ANNOUNCEMENT!!
Chapter 7~Meet Dwight
Chapter 8~A dream is a dream
Chapter 9~Meet Theo
Chapter 10~Kuya Zico
Chapter 11~Meet Phoebe
Chapter 12~Stuck with Elsa
NEW CHARACTERS!!
Chapter 13~Masquerade Ball
Chapter 14~Operation Dwiliene
ТДТ
Chapter 15~Unexpected
Chapter 17~Where is she?
Chapter 18~Finally Found Her
Chapter 19~Hello Hospital
Chapter 20~Her Voice
Chapter 21~Joy The Jolly Girl
Chapter 22~Goodbye Hospital
NOTEEEEU♥
Chapter 23~Embarrassed
Chapter 24~Will You Be My?
Chapter 25~Lemon Meringue Pie
Chapter 26~Ms. HB knows to fight?!

Chapter 16~Abducted?!

342 17 5
By majeailus

Roses are red, violets are blue. Faces like you, belong to a zoo. Don't worry I'll be there too. Not in a cage but laughing at you.

WAAAAAAH!! KATATAPOS KO LANG BASAHIN YUNG BEFORE I FALL!! HINDI PARIN AKO MAKAKAGET OVER!! ANG GANDA♥♥

ALSO THE PICTURE ABOVE IS NOT MINE :)
--
[Cathliene's POV]

"INEEEEEENG!! GISING NAAAAA!!" Sigaw ni manang Martha ang unang narinig ko. Dahilan para sa pagising ko.Shit na bunganga na yan. Tinalo pa ang sirena ng mga ambulansya. Kainis.

Sunod naman ang pagpalo ng kaldero gamit ang sandok which was creating a loud, booming noise inside our mansion. 

Tinakpan ko ang aking sarili ng kumot dahil sa malakas na tunog sa pagpalo ng kaldero. Pero inalis kaagad ni manang Martha yung kumot. I wince.

"GISIIIIIIINGG!!" Mag-e-eardrum transplant na talaga ako. Mukha kasing nasira yung eardrums ko.

Kinusot ko muna yung mga mata ko bago ito binukas. Nakita ko si manang na nakapamewang at nakataas yung kilay niya. Parang siya yung boss sa'min.

"Oh, titigan mo lang ako?"

Aba't tinaasan pa ako ng kilay. Kainis!

Kahit antok pa ako, pinilit kong tumayo. Kinusot ko ulit yung mga mata ko at tsaka ko kinuha yung cellphone ko. Tiningnan ko sa screen kung anong oras na.

6:55

"Tss. Ang aga pa naman oh." Sagot ko sa kanya at pinakita sa kanya ang oras.

"Kahit na! Maligo ka na." Tinulak niya ako papuntang cr. "Magluto ako ng mac and cheese."

I just rolled my eyes. Ang aga pa kasi eh. 8:00 pa magsisimula yung klase ko. Look, just to make it clear, I don't want to be early and I don't want to be late also.

Magshashower na sana ako, kaso nagplay yung WHISTLE—which is my ringtone.

*MAKE A WHISTLE LIKE A MISSILE, BOMB BOMB—*

"Sorry the number you dialed is a pedicab number, please try again later." Pang-aasar ko sa kanya. Yung boses ng bakla (o babae?) ang ginamit ko na maririnig niyo sa cellphone kung wala ka ng load at pinilit niyo paring tawagin yong jowa niyo. Tanga lang?

"Pedicab number? Utot mo Cath! Kelan pa ako naniniwala na ang mayaman at maganda na Cathliene Louisse F. Gomez  ay may pedicab number."

"Ano?" Mataray kong sagot sa bastos na sumira sa shower moment ko.

"ANONG ANO?!" Nailayo ko sa aking tenga ang aking cellphone dahil sa kanyang boses. "WAG NGA AKONG ANU-ANOHIN DIYAN. MAKALBO KAYA KITA DIYAN. MATAPOS MO KAMING PINAG-ALALAHANIN NUNG NAGLASING KA? ANO NAMANG PUMASOK SA KOKOTE MO AT NAGLASING KA LIKE THERE'S NO TOMORROW? ILAN BA YUNG SHOTS NA NAINOM MO? ILANG BOTE NG BEER ANG NAUBOS MO!?" Walang tigil na tanong niya. Parang machine gun kung magsalita. Hindi nauubusan ng bala.

"ANO NAMANG PUMASOK SA KOKOTE MO AT SUMIGAW KA NA PARANG END OF THE WORLD?!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Kung siya 'there's no tomorrow', sa akin naman, 'end of the world'. But it still sound the same, right?

"Pero Cath, hindi ako nagbibiro!"

"Hindi rin naman ako nagbibiro." I shrug my shoulders.

"Anong oras na?" Tanong niya.

"7:00." Naiinis kong sagot sa kanya.

"SEE?! 7:00 NA!!"

"At ano namang magagawa ko diyan?"

"It means late ka na!"

"Chill, may isang oras pa ako bago magfirst period kaya wag kang mag-alala." I assured her.

"Bwiset ka. Sige, susunduin namin kita dyan at...7:23. BYEEEEEEEE!!" At binabaan na niya ako.

Si Zyna pala yung kausap ko kanina. As usual, nakalunok na naman iyon ng mic. Kainis. Tinawag pa niya akong Cathliene Louisse F. Gomez! Like that would happen.

Hay. Maliligo na nga ako.
--------------
Pagkatapos kong maligo, nag-ayos ako saglit. Simpleng black t-shirt at jumper ang sinuot ko lang. I paired it with combat boots. Nagmumukha tuloy akong sundalo.

Tinignan ko ulit yung sarili ko sa human-sized mirrot tsaka kinuha yung bag at bumaba na upang makapag-almusal.

Nadatnan ko si Theo sa sala na kumakain ng pringles habang nanunuod ng...k-drama?!

Since when did he start watching k-dramas? At Weightlifting Fairy pa yung pinapanuod niya?!

Mabilis akong naglakad patungo sa kanya at hinablot sa kanya ang pringles. Tumabi ako sa kanya. Kinuha ko yung remote at iniba ang channel. Ngayon, cooking channel na yung pinapanuod namin.

"Oy, ate! Ibalik mo yung Weightlifting Fairy! Ang ganda kaya nun!" Sigaw niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Sumubo lang ako ng lima o anim na piraso ng pringles. "Tsaka ibalik mo sa'kin yung pringles ko." Full of authority yung boses niya.

"Ang aga kumakain ka ng junk foods. Tsk tsk tsk. That's bad for the health you know." Sabi ko sabay subo ng pringles. Bago pa mabukas yung bunganga niya, pinigilan ko na kaagad siya. "Kainin mo na lang yung nasa t.v." Tumuro ako sa babaeng na nagluluto ng salad.

He glared at me.

"Oh, sayo na yan." Tinapon ko sa kanya ang walang laman na wrapper ng pringles. "Mag-refill ka lang."

"Ate, ba't ka masungit ngayon? Meron ka na 'no?" Nakangiting tanong niya. Bwiset na pinsang ito. Maiihaw ko talaga ito.

"Fyi, wala ako ngayon. Pwede ba, wag mo nga akobg ngiti ngitian diyan. Para kang manyak." Wika ko.

"Ay, grabe ka Ate!" Pinalo niya ako sa braso. "Oh, sayo na yan!"

Binigay niya sa'kin ang bwiset na wrapper ng Pringles. Leche. Sa akin pa binigay?! Anong tignin niya sa'kin? Basurahan?! Bw*set ah.

Tinapon ko pabalik sa kanya yung wrapper.

"Oy Ate, ikaw yung nakalast touch!" Tss. Maypa-last touch last touch pa siyang nalalaman.

"Anong gusto mo? Itapon ko sa smokey mountain? Sige, ihatid mo ako doon. Be sure na may dala kang over-all para hindi tayo mangangamoy patay." Pagtataray ko sa kanya.

"Ikaw yung huling nakahawak ng wrapper na yan. So that means...











Ihahatid kita sa smokey mountain!" Masiglang sambit niya. "I'll tell manong to bring over-alls." Tumayo siya nagsimulang maglakad.

Dahil galit ako, automatic kong kinuha yung remote at binato sa kanya.

"Aray!" Napahawak siya sa parte ng kanyang ulo kung saan ko tinamaan.

Kinuha niya yung remote at binato sa aking direksyon. Sa kabutihang palad, hindi ako yung natamaan kundi si… manang Martha?!

Oh shete pesos…

I can see her flaring up. Paktay. Hindi na talaga lulutuan ng pagkain. Isusumbong na talaga niya ako ni Duterte—MALI!—kay Trump pala. At ayoko ni Trump!

Lumignon ako ni Theo. Namumutla yung bata?! AHAHAHAHAHA!!

"MAG-AAWAY LANG KAYO DAHIL SA PESTENG WRAPPER?! MALIIT NA BAGAY LANG YUN PINAG-AAWAYAN NIYO NA?! PAGOD NA AKO!! AYOKO NA TALAGA!! HINDI NA AKO MAGTTRABAHO DITO!!" Galit na sabi ni manang. Parang MMK yun ah. Kulang lang si Tita Charo. Hehe joke.

Bago pa siya makalakad, kumalabit ako sa kanyang paa. Nagmumukhang tarsier ako dito. TARSIER NA MAGANDA.

"Manang, sorry. Sorry dahil pinag-aawayan namin yung maliit na bagay. Please, wag kang umalis." Sabi ko.

"Patawarin niyo na po kami, manang. Hindi na namin uulitin yun." Sabi naman ni Theo.

Tumignin ako ni Martha. Her features soften. Ngumiti ito sa'min. "Sige, wag niyo ng uulitin yun ha?"

Tumango lang kami.

"Punta na sa dining room. May pagkaing nakahanda na diyan." Nagtungo kami sa dining room.

It's the usual eggs, bacon and rice.

Nagsimula na kaming kumain. Walang nagsalita sa aming tatlo. Tanging tunog lang ng mga kutsara't tinidor ang maririnig mo.

"BEEP!! BEEP!!"

"Baka si Zyna na yun." Pagkatapos kong kumain, iniligpit ko yung plato ko at nagpaalam na ni manang Martha.

Umalis na ako.

By the time I make it out of the house, I saw Zyna leaning on her enormous silver Range Rover. Actually, may sari-sarili kaming mga cars. But for now, we decided to ride on Zyna's. Yung sa akin, Lamborghini. Yung kay Eloisa, Ferrari. Yung kay Phoebe, Green na Mini Cooper. AHAHAHAHA!! Sabi niya, idol daw niya si Mr. Bean, kaya yun yung pinili niya.

Minsan nga, tinutukso ko siya.

"HI SEXY! GET IN!" Bati ni Zyna sa'kin. Ngitian ko lang siya bilang reply. Pumasok ako sa kanyang car. Nakita ko si Eloisa na nakasimangot at si Phoebe naman…

Nakangiti na parang manyak.

"What did I miss?" Tanong ko as soon as I sat down on the shotgun seat. Tiningnan ko si Eloisa. I notice that Eloisa's hair looks diffrent.

"Eh, kasi itong si Eloisa," nagpause muna si Phoebe at tumawa ng 10 seconds. "Ginawang shampoo yung PHcare!"

Pagkatapos niyang sinabi yun, nagtawanan kami. Well, except kay Eloisa na parang nagmemenopause.

"Next time, be careful. Baka sa susunod, lotion na naman yung maging shampoo mo." Natatawang sabi ni Phoebe.

"TSE!" Naiinis na wika ni Eloisa.

Nagtawanan na naman kami.

"Oh, itigil na yan guys. Baka magwalk out pa itong si Eloisa." Sabi ni Zyna. Huminga siya ng malalim. "Now that we're all here, LEZZZ GOOOOO!!"

In-on yung radyo. Nagplay ang Symphonies by Clean Bandit ft. Zara Larsson.
----------
"Good Morning!"

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking classroom, agad na akong binati ni Domex.

Tamang-tama at hindi ako nahuli sa first period namin. Wala pa si Sir kaya maingay yung klase namin. May iba nagseselfie, may naglalaro ng COC, may ibang busy sa paglagay ng make-up. Nasobrahan yata sila sa paglagay ng foundation. Nagmukha kasi silang gatas.

"Oh good morning."

Pumunta ako sa proper seat ko at nag-hintay sa aming prof. Lagi talagang late yung prof namin sa first period.

"Mukhang matamlay ka ngayon ah."

"Paki mo." Inirapan ko si Domex. Tumignin ako sa katabi ko. Wala pa ba si Dwight?

"Wala pa si Dwight. Paparating na daw siya." Sabi ni Domex.

"Ah. Okay."

"Don't worry makikiss mo rin siya. Be patient lang." Ngumiti ito malawak.

"Hoy, for your freaking information, hindi ko siya ikikiss." Inirapan ko siya.

"If you say so." He shrug his shoulders.

Maya-maya pa, pumasok yung principal sa aming classroom. May dala itong tatlong babae. Agad natahimik ang buong klase. Yung iba nagsibalikan sa kanilang mga upuan.

"It's very rare to see you behaving like monkeys." Sabi ni Maam. "I thought all of you are responsible and independent. Tsk. You disappoint me." Eto na naman yung mga churva churva eklabush eklabush ni maam.

"Anyway, I have some students here. And they are your new classmates." Tinuro niya ang babaeng chubby at mahiyain"Introduce yourself."

Tumango ito at humarap sa amin. "Hi! I'm Wendy Jane Salvania. I'm a transfer student from…"

Napakagat sa labi yung babae. Maybe she forgot her school? I don't know.

"Uh…Yes! From Harvard University. I'm actually from Minnesota and I just move here in Philippines. Don't worry! I can speak filipino. I'm more used to my language. That's all." Nagbow siya.

Lumignon ako sa mga kaklase ko. HAHAHA!! Lahat sila nose bleed. Pero actually, I'm impressed. She's from Harvard University. What can you expect from her?

Sumunod namang nag-speech yung isang babae. "I'm Joy Eliazana Montes. 18. Sana will be good friends." Ngumiti siya.

Sunod na nagpapakilala si Barbie Girl. Mukha kasing doll eh. "I'm Rhianne Leigh Cortes. Pero tawagin mo lang akong Leigh. I hope we can get along."

"So that's your new classmates. You can sit anywhere you like girls." Sabi ni maam tsaka lumabas na. Paglabas ng principal, automatic na nag-uusapan ang mga tao.

Tahimik na umupo si Wendy sa bakanteng upuan sa harapan ko. Katabi ni Wendy si Joy na nakikinig ng music. Teka, nasaan si Rhianne?

"Ang hot niya dude." Sabi ng isang lalake at siniko yung katabi niya. If I'm not mistaken, he is Dylan. Ang pinakahot (daw) na basketball player. "Watch this." Naglakad patungo ang lalaki kay Rhianne na nakaupo sa pinakaharap. Busy ito sa pagbabasa ng makapal na nobela.

Inakbayan si Rhianne. Oy, hokage si kuya.

"Hi babe." Hinalikan ito sa cheeks. Tatayo pa sana ako kaso nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Tumayo si Rhianne kaya napaatras rin si Dylan. Inilapit ni Rhianne ang mukha niya kay Dylan. "Don't you ever call me 'babe' again." And……





SHE JUST KICK HIM IN THE CROTCH AREA!!

"WOOOOOOOAHH!!! TINALO KA NG ISANG BABAE DUDE!! AHAHAHAHA!!" Tumawa yung lalaki na siniko ni Dylan.

"Tss. Ponyeta ka Francis." Hawak pa rin ni Dylan ang kanyang balls.

Napailing na lang ako. Boys this days. Tsk. They don't LOVE girls anymore. They just LUST them.

Hay.

Ang boring ngayon.

Napuno na ng unicorns at rainbows yung papel ko. Miss ko na sila besprens! Imbes na nakikipag-chikahan ako, eh ito, nagddrawing ng alien na may tatlong mata.

"Pang-lima mo na yun ah." Sabi ni Domex na parang kabute na sumusulpot kahit saan.

"Boring kasi eh. Wala pa si Dwight." Sabay sulat ng pangalang Dwight.

"Paparating na daw, sabi niya."

Tumayo ako.

"Oy, saan ka pupunta?"

Hindi ko na lang pinansin si Domex. Patuloy lang ako sa paglakad. Dinala ako ng aking mga paa sa rooftop.

I need fresh air.

I miss this place. Ginawa ko itong study place, noon. Kitang kita ang mga bundok mula dito. Sariwa ang hangin at tanging huni lang ng ibon ang maririnig mo. Nakakarelax.

Maya-maya pa may narinig akong footsteps. Baka si Domex. Sinundan kaya niya ako?

"Anong ginagawa mo dito." Sabi ko habang nakatalikod. Hindi siya nagreply kaya lumingon ako para tignan kung sino yung sumunod sa akin.

Nagulat ako sa aking nakita.

Isang lalaking nakasuot ng tuxedo at nakasuot ng bunny na maskara. I can tell that he's a boy because nakita ko yung buhok niya.

Shet. Shet. Shet.

"N-nice co-ostume?" Nauutal kong sabi. "Wala pang Halloween dude at nagcostume ka na? Excited lang ang peg?" Shit nanginginig yung mga tuhod ko.

He tilted his head to the right—which made it creepier. Napanuod ko na 'tong mga scenarios na ito sa mga horror movies! Putik na malagkit! Ba't ba mahilig akong manuod ng mga horror?!

Pakshet. Hindi pa akong pwedeng mamatay! Ang ganda ko pa para mamatay! Hehe charaught.

Pakshet.

Sa mga oras na ito dapat tumakbo na ako kaso napako yung mga paa ko sa semento. At nakuha ko pang magsalita ng 'charaught'?!

Shet lang.

Pumikit ako ng 5 seconds. Pagmulat ko, wala na siya. Inilibot ko ang tignin sa paligid. Wala na talaga siya. Nakahinga na ako ng maluwag nang malaman ko na wala na siya.

Baka prank lang yun.

*KRIIIIING!!* *KRIIIIING!!"

Lunchbreak na.
---------------

Dahil sa nakita ko kanina, buong umaga akong wala sa katinuan. Hindi ako makapagsagot sa mga seatworks at hindi ako nakikinig sa mga prof namin. Shit lang talaga yun. Ano bang gustong gawin ng kuneho na yun? Maiihaw ko talaga yung kunehong yun.

"Kanina ka pa tulala diyan, Cath. May problema ba?" Tanong ni Zyna. "Sa'kin na lang yung carbonara mo, Cath."

Tumango ako at kinuha niya yung carbonarang malamig.

"May nangyari ba, Cath?" Nag-alalang tanong ni Eloisa.

Naparalyze ata yung bibig ko dahil hindi ako makapagsalita kahit isang salita.

Umiling lang ako at umalis without saying a word. Pupunta ako sa c.r.

Pagpasok ko sa c.r, agad akong pumunta sa isang cubicle at umihi. Naramdaman ko na may pumasok na tao.

Pinawis ako dito toda max! Tas nanginginig yung mga paa ko. Tumibok ng mabilis at malakas ang puso. Shit talaga.

Huminto ito saglit sa aking cubicle. May inihulog siyang card. Baby blue yung kulay ng papel at may bunny emoji.

B-bunny emoji?

Nang maramdaman ko na wala nang tao, dali-dali akong lumabas sa cubicle. Pinulot ko yung card at pumunta sa sink. Binasa ko ang loob nito.


Look behind you.

-Mr. Rainbowie


Tumignin ako sa salamin. Nakita ko si kuneho! Nakatilt yung ulo niya tas may dala itong pulang panyo.

Teka…

Pulang panyo?
    

Tinuro ko siya. "Ikaw si—" Hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil bigla niya akong niyakap. Not the typical friendly hug but yung tipo na hindi ka na makahinga.

"B-bitawan m-mo ako! You shtupid u-unicorn." Nauutal kong sabi.

"No-uh. Because of you, my life was ruined!" Inalis niya ang maskara. When I saw his face, he was not him anymore.

Ngumiti ito ng malawak sa akin.

"I-ikaw."

Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang pulang panyo na hawak niya kanina. Dumilim ang paligid ko at nawalan na ako ng malay.
--

KERO KERO KEROOOOOOOO!! XD So far, this is the longest chapter. 2723 words. 1500 words lang kasi yung maaabot ko.

THANK YOU PALA SA 3K READS!! I REALLY REALLY LOVE YOU GUYS!!♥♥

Anong meron sa "DEDICATION"? Magdededicate ako sa susunod na chapter? Idk.

KEROOOOOOOOOOOOOOOO!!

Continue Reading

You'll Also Like

17.3K 184 35
It was a peaceful day and then I was like "What if I ruined this day with a td gc?" I don't own total drama 𝗛𝗶𝗴𝗵𝗲𝘀𝘁 𝗥𝗮𝗻𝗸𝗶𝗻𝗴 #𝟣 𝗂𝗇 𝘁...
2.4M 59.1K 46
EDITING [I marched up to him, "Where the hell were you? I thought something happened to you. Did you not care enough to..." My rambling was cut short...
24.5K 355 14
➪ In which you give us credit for our plots.
69.6K 1.9K 34
Charlotte coleman a badass who doesn't care about the rules or people becomes friends with a group of guys after she found out the one girl she could...