One Hundred Days (Completed)

By EJCenita

300K 2.1K 532

Life is a matter of choice. Monday, a 17 year old provincial girl who chose to study in Manila for a brighter... More

Foreword
Acknowledgment
Introduction
Chapter 1: New Grounds (Johan's POV)
Chapter 1.2: Crush at First Sight
Chapter 1.3: Agreements
Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort
Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)
Chapter 1.6: The Ingredients of Love
Chapter 1.7: Box Full of Memories
Chapter 1.8: Unexpected - Information
Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up
Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort
Chapter 1.11: Unexpected (part 4) - Lost Hope
Chapter 1.12: Unexpected (part 5) - Home Sweet Home
Chapter 1.13: Days with Shana
Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)
Chapter 2: Unang Araw ng Pagkakataon
Chapter 3: Tamang Hinala (TH)
Chapter 3.2: Ang Palasyo ni Rica
Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday - Halik
Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita
Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap
Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) - Panalangin
Special Chapter: Ang Nakaraan ni Monday - Pakiramdam (Halloween Special)
Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) - Pagtataka
Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) - Alapaap
Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) - Kapalit
Chapter 3.10: Ang Nakaraan ni Monday (part 8) - Paghihintay
Chapter 4: Overnight sa Palasyo
Chapter 5: Overnight sa Palasyo (part 2) - Luha't Yaman
Chapter 6: Botanical Garden
Chapter 7: Katok
Special Chapter: Pagmamahal (Valentines Special)
Chapter 8: Richards Family
Chapter 9: Kabado
Chapter 10: Flashback
Chapter 11: Hula ni Rica
Chapter 12: Finals Week
Chapter 13: Byaheng Tarlac
Chapter 14: Katotohanan
Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip
Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan
Chapter 17: Tiyo Tenong at si Rally
Chapter 18: Lovelock
Chapter 19: Pag-uusap
Chapter 20: Pauwi ng Maynila
Chapter 21: Panaginip at Pageselos
Chapter 22: Muling Pagkikita
Chapter 23: Alaala
Chapter 24: Ilong
Chapter 25: Unang Pagkikita
Chapter 26: First
Chapter 27: Charlotte
Chapter 28: Piano
Chapter 29: Biglang Bonding
Chapter 30: Waiting for Forever
Chapter 31: Lihim ni Lotty
Chapter 32: Kundi..
Chapter 33: Sunday
Chapter 34: He's Proud
Chapter 35: Mr. Campus
Chapter 36: Surpresa
Chapter 37: Resulta
Chapter 38: Bagong Mr. Campus
Chapter 39: Pagpunta
Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)
Chapter 40: Tingin
Chapter 40.2 : Tingin (part 2) - Kanta
Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)
Chapter 40.3 Tingin (part 3) - Rebelasyon
Chapter 41: Pagkagulo
Chapter 42: Paliwanag
Chapter 43: Abot Langit
Chapter 44: Rosas (Valentines Special)
Chapter 46: Santan
Chapter 47: Kwintas
Chapter 48: Buong Akala
Chapter 49: 300th Day
Chapter 50: Pagtatagpo
Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari
Chapter 52: Pahiwatig
Chapter 53: Dahilan
Chapter 54: Dasal
Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock
Chapter 56: Pakiusap
Chapter 57: Litrato
Chapter 58: Pagbabalik
Chapter 59: Paalam
Chapter 60: Tawag
Chapter 61: Mag-isa
Chapter 62: Pagpatak ng Luha
Chapter 63: Bracelet
Chapter 64: Earphones
Chapter 65: Basket
Chapter 66: Kape
Chapter 67: Text
Chapter 68: Malay
Chapter 69: Sulat
Chapter 70: Dedbat
Chapter 71: Kumpleto
Chapter 72: Papel
Chapter 73: Panyo
Chapter 74: Balisong
Chapter 75: Tsinelas
Chapter 76: Plano
Chapter 77: Tiwala
Chapter 78: Kakampi
Chapter 79: Bala
Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)

Chapter 45: Pangako

1.7K 16 4
By EJCenita

Chapter 45: Pangako


Natulala ako pagkatapos ng nangyari. Hindi ko namalayan na.. Nakabalik na sa backstage si Johan dahil sa sobrang kilig. Nagmanhid ang mga mata, puso at katawan ko at nanatili sa sandaling kinakantahan niya ako. Grabe, nawala ako sa ulirat at hindi ko napansin ang mga nangyayari sa paligid ko. Sa kanya ko lang naranasan ang ganito sa buong buhay ko.


"Sissy?? Okay ka na ba??" sabi ni Lotty sabay alog sa braso ko..


"O..o.. okay na ako."


"Grabe sissy, akala ko hindi ka na sasagot eh!!"


"T – teka.. Nasaan na si Johan?"


"Bumalik na sila sa backstage!"


"Ha? Sila?" pagtataka ko..


"Oo, sila. Tapos na rin mag-perform sina Jeremiah at Marion. May performance pa nga silang tatlo ng magkakasama eh." singit ni Rica..


"Ha?? Ibig sabihin.."


"Oo, kanina ka pa tulala dyan. Nakatayo at nanaginip ng gising!" pabiro ni Lotty..


"Sissy naman eh! Bakit hindi niyo ako ginising!"


"Sarap nang pagtulog at pag-aalala mo sa nangyari eh." patuloy nito..


Grabe, halos ilang minuto rin pala akong natulala sa sobrang kilig. Nalaktawan ko yung performance nilang tatlo at maging nung kina Marion lang. Ganun katagal, hindi ako.. makapaniwala.


"Kwento mo naman, sissy kung ano mga nangyari." sabi ko kay Rica..


"Kasi ganito 'yon, pagkatapos niyang ibigay sa'yo yung bulaklak. Natulala ka na, dapat hindi na babalik ng stage si Johan dahil nag-aalala siya sa'yo kaso kailangan, may next production pa sila. Kaya habang nasa stage, tinitingnan ka niya. At maging ni.."


"Pag – pagkatapos?"


"Tapos 'yun, nung natapos silang tatlo. Bumalik na agad sila sa backstage. Hindi ko alam kung bakit hindi sila makababa at makapunta sa audience pero tumawag siya sa cellphone mo, eh kasi natulala ka sa sobrang kilig, ako na sumagot."


"Tinanong niya kung kamusta ka na raw ba, kung natuwa ka raw ba sa ginawa niya."


"Oh? Tapos anong sagot mo?"


"Sagot ko? Sabi ko.. sobra, nasobrahan ka sa tuwa. Tapos natawa siya tapos 'yun, pupunta na lamang sila daw dito mamaya."


"Ohhhh. Yun pala." sabay ngiti ko..


Si baby talaga. Yari 'to sakin mamaya!


Habang nanunuod ng mga nagpe-perform ba, bigla na lamang may sumulpot sa likurang bahagi namin nina Rica at Lotty.


"Uy! Nandito lang pala kayo." boses na galing sa likuran..


Pagkalingon ko, nakita kong sina.


"Oh, andito rin pala kayo Kelvin?" tanong ko..


"Aba, at.. Kumpleto pa kayong tatlo!" pabiro ni Lotty..


"Grabe naman, bawal ba kaming manuod?" tanong ni Yosh..


"Heto naman, joke lang eh! Seryoso mo kainis." sagot ni Lotty..


"Hahahahahaha" pagtawa ni Leo..


"Teka, grabe yung ginawa ng bf mo kanina ha. Lantad na paghaharana!" sabi ni Kelvin..


"Oo nga eh." ngiti ko..


"Ay, pwede kami dito diba? Tutal magkakaklase naman tayo." tanong ni Leo..


"Oo naman! Dito na rin kayo!" masayang sagot ni Rica..


Aba, mukhang masaya 'to. Kumpleto ang trio-nerds. Ang magtotropa na mahilig sa musika at madalas silang tatlo lang nagkakaintindihan dahil sa pagiging matalino nila. Nakakatuwa sila dahil kahit inaapi sila dahil sa kakaibang itsura nila ay hindi sila nagpapatalo, lumalaban gamit ang talino. Naging kaibigan ko na si Kelvin ng dahil sa hindi sinasadyang pagkakarinig ko sa kanya habang natugtog dito rin sa Grand Theater. Si Leo naman ay naging close namin dahil sa panggugulat nito sa may Botanical Garden nung mga panahon pang inaalam namin kung may something ba kina Marion at Lotty. Hindi rin sinasadya yung pagkakataon na 'yun dahil hindi namin alam na nandun din pala siya. Si Yosh na lang ang hindi ko nakikilala sa trio-nerds. Si Kelvin ay kayumanggi at may mataas na grado na salamin, si Leo naman ay may kaitiman ang balat at naka-brace ang mga ngipin. Si Yosh naman ay mas matangkad ng kaunti sa kanilang dalawa, kayumanggi rin ang kulay at kulot ang buhok ngunit hindi katulad nina Kelvin at Leo, mas mukhang matino kausap si Yosh. Hindi ko sinasabing hindi sila matino pero mas mukha siyang approachable at friendly. Kaso nga lang sa sobrang pagka-friendly nito ay nababansagan siyang Professor's Pet dahil may pagka-grade conscious din siya. Pero hayaan na, mababait naman silang tatlo sa paningin ko kaya walang problema.


Habang naghihintay sa performance ng Silent Sanctuary, naramdaman kong naiihi na ako. Kaya dali-dali akong pumunta sa comfort room. Medyo maraming tao kaya mahirap dumaan pero buti na lamang at may mga guard sa loob, pinapanatili ang kaayusan ng mga estudyante. Nakadaan ako agad at dumiretso sa cubicle, habang naihi ako, narinig kong may bumukas ng pintuan ng cr, nakiramdam ako kung sino ang pumasok.


Ngunit tahimik lang din, walang ibang ingay akong narinig. Medyo kinabahan na ako.


"S – sino nandyan??" patanong kong sabi..


Ngunit walang sumagot, lumipas ang ilang minuto na nasa loob ako ng cubicle. Napagdesisyunan kong lumabas, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tapang ko pero feel ko talaga, may kakaiba dahil wala akong narinig na pagbukas ng pinto ng ibang cubicle at maging ng gripo. Kaya tumayo ako. Nang hawak ko na ang doorknob, narinig kong may nagbukas ng pinto.


Dali-dali akong lumabas at.. wala na akong nakita.


"S – sino kaya 'yun??" bulong ko sa sarili ko..


Maghuhugas na ako ng kamay ng biglang may nakita ako sa may tabi ng lababo. Nanlaki ang mga mata ko dahil..


"Sa – santan??" pagtataka ko habang pagkuha rito..


Santan nanaman? Una sa may botanical garden, tapos ngayon dito naman sa comfort room. Teka ano ba nangyayari? Hindi ko maintindihan kung bakit ko nakikita ang bulaklak na iyon pero siguro.. Pakulo nanaman 'to ng baby ko. Siguro.


Lumabas na ako ng comfort room, bumalik na ako sa pwesto namin kanina. Napansin kong nandoon na rin sina Jeremiah at Marion pero malayo sila sa upuan namin nina Rica at Lotty, katabi sila ng trio-nerds.


"Oh! Ang tagal mo, sissy!" sabi ni Rica..


"Sorry kasi.."


"Ayan na yung Silent Sanctuary!!" sigaw ni Lotty..


Naghiyawan ang mga tao dahil lumabas na sila, ang hinihintay ng mga nanunuod. Pero.


"Teka, nasaan si Johan ko?" pagtataka ko..


"Oo nga, nasaan siya?" tanong ni Rica..


"Hi –hindi namin alam." sagot ni Jeremiah..


Habang nagse-setup pa ng mga instrument sa stage, saktong dumating naman sina Johan ko at si Kang.


"OMG." bulong ni Lotty..



"Oh, sissy. Magtino ha!" sabi ni Rica..


"Hi baby!" bati ni Johan sa akin habang nalapit..


"Hello!!" sabay yakap ko..


"Okay ka na ba?" tanong nito..


"Oo!" sabay tango ko..


"Good to hear! We're on time, Kang!"


"Oo nga eh. Buti na lang may pina-reserve kang upuan dito na dalawa." sagot ni Kang..


"Yeah, one for me at one for you."


Magkabilang dulo sina Marion at Lotty, katabi ni Lotty si Rica tapos ako, then si Johan ko tapos sina Leo, Kelvin at Yosh tsaka sina Jeremiah at Marion. Ganyan formation ng upuan namin ngayon.


Lumipas ang mahigit limang minuto, nagsimula na naming marinig ang pagtunog ng violin nila. Masasabi kong sila na nga 'yung tutugtog. Ang sarap pakinggan ng patugtog nila lalo pa't nakaka-relax ang violin nila, grabe. Kinilabutan ako ng magsimula na silang kumanta. Una nilang kinanta ay Ikaw Lamang. Umpisa pa lamang ng kanta ay naghiyawan na ang mga tao sa sobrang saya. Miski ako, napapakanta at napapasabay sa kantang 'to.


"Ikaw lamang ang aking minamahal, ikaw lamang ang tangi kong inaasam. Makapiling ka habangbuhay ikaw lamang sinta, wala na akong hihingin pa, wala na."


Sumasabay ako sa pagkanta, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Johan habang ang buong Grand Theater ay nagsasaya. Kinakanta ko sa kanya 'yan habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nakakatuwa kasi napapangiti siya at sumasabay din kahit hindi niya kabisa. Hayy ang sarap ng ganitong pakiramdam :">


Hanggang sa natapos ang kanta.


"Uhm, next song namin ay para sa mga iniwan ng taong mahal niya pero ayaw p aring sumuko at sinasabing.. Bumalik ka na sa akin!" sabi ng vocalists..


Sabay tugtog ng drums, nakakatuwa dahil kahit medyo malungkot ang kanta eh nakaka-hype pa rin.


"'Wag mo sana ako ipagpalit, ikaw na lang at ako na lang ulit. Sige na please, 'wag ng mainis, bumalik ka na sa akin! Sorry mahal, ikaw ay nasaktan, bumalik ka na sa akin!"


Tumatak yang linyang yan sa akin, kahit pa hindi ako broken-hearted pero nadadala ako ng kanta. Nagkaroon ng pagkakataon na mapalingon ako sa gawing bahagi na inuupuan ni Marion. At nakita kong.. nakatingin siya sa akin. Para bang nangungusap ang mga mata niya. Para bang sinasabing, para sa'yo ang kantang 'yan. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya.


Nang matapos ang kanta, uminom saglit ng tubig ang bokalista nila sabay tugtog ng gitarang hawak nito.


"Next song namin ay.. Maalaala Mo Sana!"


Naghiyawan ang mga tao, mukhang isa rin sa mga paborito nila 'yun. Habang inaawit nila ang kanta, bigla akong hinila ni Rica. May bubulong yata sa akin.


"Sissy, diba sila kumanta nung.. Kundiman?" tanong nito..


"Ah, oo sissy. Bakit?"


"Sa tingin mo.. kakantahin kaya nila 'yun?"


"Siguro hindi? Luma na kasi 'yun. Tsaka, lima lang kakantahin nila ngayon diba?"


"Oo, lima lang yata. Makikita natin!" ngiti nito..


Pang-asar talaga 'tong si sissy. Tatanungin ako kung kakantahin ba yung.. Ewan. Sana hindi, mukhang hindi dahil hindi naman pang-Valentines yung kantang 'yun eh. Diba?


"Maalaala mo sana dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko. Bawat sandali na ikaw ay kasama, para bang hindi na tayo muling magkikita kaya ngayon, aaminin na s'ayo na mahal na mahal kita. Maalaala mo sana."


Nang matapos ang pangatlong kanta.


"Gusto niyo pa ba?" tanong ng bokalista..


Sumigaw ang karamihan ng oo dahil bitin pa sa musika nila. Miski ako, kaso baka kasi..


"At dahil Abot Langit ang title ng Valentines Concert namin dito.. Ang next song namin ay Abot Langit!"


Pang-apat na kanta na nila 'yun. Isa na lang, ano kayang last song nila? Hmm. Sa lahat ng kanta nila, yung kakantahin pa lang nila ang hindi ko alam. Pero syempre maganda 'yan, Silent Sanctuary 'yan eh.


"Lumiwag, bagong araw. Dahan-dahang natutunaw ang aking damdamin, ikaw na ngang para sa akin."


Sabay tugtog nila. Grabe, kinilabutan ako dahil sobrang ganda.. Tapos nakahawak pa sa kamay ko si Johan, nakakatuwa. Ang sarap ng ganitong pakiramdam, the best tong Valentine's day na 'to. Para sa akin.


"Ang tagal kong nag-isa, at ikaw nga'y dumating." pagsabay ni Johan sa lyrics..


Nagulat ako dahil alam niya yung kanta. Ngumiti lamang ito sa akin sabay pagyakap ng mahigpit, nakatayo na kasi kaming lahat dahil hindi enjoy kapag nakaupo lang. Nakayakap ako sa braso niya habang nakikinig.


"Nang makilala kita, abot langit ang saya."


Ang ganda ng meaning ng kanta. Mukhang isa na rin ito sa mga paborito kong kanta dahil nilarawan niya yung buhay ko noon at hanggang sa dumating si Johan sa buhay ko. Abot langit ang saya dahil nakilala ko siya. Lagpas pa nga yata sa langit dahil sobra niya akong pakiligin, mahalin at alagaan. Hayyy :">


"Bago namin kantahin ang last song namin, gusto lang naming magpasalamat sa pag-imbita sa campus niyo! Sobrang saya dito, sobrang saya niyo kasama guys!" sabi ng bokalista..


Nagsigawan kami, nakakatuwa dahil bumisita sila sa campus namin at natapat pang Valentines. Astig talaga ng University namin!


"Last song namin ay.."


"Kundiman!"


Natigilan ako habang tumutugtog ang drums at violin nila. Hindi ko inaasahan na 'yun ang kakantahin nila pero may kutob na ako. Ano ba nama, 'yun pa ang magtatapos ng gabi namin. Kinalabit ako ni Rica at dinilaan ako nito, para bang sinasabing tama siya at 'yun ang huling kanta.


"Para kang.. asukal, singtamis mong magmahal."


Nang narinig ko 'yan, humarap na ako kay Johan para yakapin siya ng mahigpit.


"Ano problema, baby?" tanong nito..


"W – wala.. Gusto lang kitang yakapin." sabay yakap ng mahigpit dito..


Hindi na naman ako apektado sa kanya at sa kanta, ayoko lang talang marinig na 'yun. Lalo pa't live kong naririnig mula sa mismong kumanta. Pumikit na lamang ako at yumakap ng mahigpit kay Johan na para bang naglalambing.


"Hinding-hindi magsasawa sa'yo.."


Napadilat ako ng narinig ko 'yan, saktong nakaharap ako sa direksyon ni Marion, nakita ko siya ulit.. nakatitig sa akin, nakangiti at para bang masaya sa nangyayari. Hindi ko alam kung dahil ba sa concert 'yun o sa nangyayari sa akin. Pumikit ako. Nakakatuwa lang dahil nagkataon pang naririnig namin ng sabay yung kantang 'to kasi nung high school pa kaming dalawa..


~


"Ilong!" pagtawag nito sa akin..


"Oh bakit?"


"Lumapit ka dito!"


"Bakit? Anong meron?"


"Pakinggan mo 'to." sabay abot ng earphone nito sa akin..


"Ano 'to?" tanong ko..


"Basta pakinggan mo lang."


"Nandito lang ako, laging umaalalay. Hindi ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay.."


"Ikaw." sabay sabi nito sa akin..


Namula ako ng narinig ko ang kasunod na linya mula sa kanya. Kaya tumungo ako.


"'Yan ang magiging kanta nating dalawa na magpapaalala na may ikaw tsaka ako. Tatandaan mo 'yan ha?" sabi nito..


"O – o.." pautal kong sabi habang kinikilig..


"Tsaka, sabay nating papakinggan ng live yang kantang 'yan."


"Hala, paano?" tanong ko..


"'Edi, manunuod tayo ng concert nila!" sabay ngiti nito..


"Hala, hindi pwede!"


"Sa ngayon, hindi pa. Pero sabay nating papakinggan 'yan ng live, pangako!" sabi nito..


"O'sige, pangako!"


"Dahil ang tanging panalangin.. ay ikaw."


Huling linya sa kanta, kasabay ng pagtatapos ng concert. Nakakatuwang marinig muli ang kantang nagpapaalala sa akin sa nakaraan. Kaso nga lang, hindi na tama dahil may kasalukuyan na ako. Pagkatapos ng concert ay nagkayayaan pang kumain sa labas ngunit napagdesisyunan ko na umuwi na lamang kami ni Johan dahil lumalalim na rin ang gabi.


Doon nagtapos nag Valentine's Day namin. Ang saya lang kasi kasama ko siya hanggang gabi, nasulit namin ang gabi pareho. Pagkahatid niya sa akin ay tumigil muna siya sa amin ng ilang mga minuto lang at.


"Baby, masyado ng late. Uwi ka na, pagod na rin ako eh." sabi ko sa kanya..


"Awh, ayaw mo na ba ako makasama?"


"Baby, hindi sa ganun. Siyempre, hinahanap ka na rin nina tito at tita tsaka, magkikita pa naman tayo bukas eh. Diba?" sabay ngiti ko..


"I know. O'sige, I'll go na. Goodnight baby!"


"Sige, mag-iingat ha?"


"Yes, I will. Happy Valentine's ulit!" paalam nito..


Papalabas na dapat siya ng pinto.


"Baby." pagpigil ko sa kanya..


"Thank you for making me happy." patuloy ko..


"No problem." sabay ngiti nito..


"O'siya, sige. Ingat! I love you!"


"I love you!"


Pinagmasdan ko siya habang papalayo sa bahay namin. Ang saya ko lang kasi sobrang sulit ng araw na 'to kaso nga lang, hindi pa rin mawala sa isipan ko kung bakit ko nakita yung santan sa botanical garden at comfort room. Sino kaya gumawa nun? Para saan? Hay. Hayaan na, makatulog na nga lang.


Lumipas ang isang linggo, nasa klase na kami pero wala pa namang professor, biglang pumasok si Yosh.


"Monday! Monday!" sigaw nito habang hinahanap ako..


Nagulat ako kasi para bang may humahabol sa kanya.


"Oh bakit? Dito Yosh!" sabay kaway ko sa kanya para makita niya ko..


Tumakbo ito papalapit sa akin. Pinakita ang hawak nitong newspaper.


"Tingnan mo 'to, nasa headline kayo ng newspaper natin!!" pahingal nitong sabi..


"Ha? Patingin!!" tiningnan namin nina Rica at Lotty..


"Mr. Campus, hinarana ang girlfriend sa Valentine's Concert." pagbasa ko..


Natulala ako sa nabasa ko.


"Naks naman!!! Haba ng hair mo, sissy!" pabiro ni Rica sabay nagbabasa..


"Hala , grabe naman!" sagot ko, halatang kinikilig..


"Tingnan niyo 'yung article!" sabi ni Yosh..


"H – hala.." sabi ni Rica..


"B – bakit, sissy??"


Continue Reading

You'll Also Like

84.9K 2.9K 24
There are only two types of pain in this world. One that hurts you, And one that changes you. But through all of the pain I felt, will I fall down? O...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
169K 2.1K 23
Just read...if interested :) Mga kaganapan sa buhay mag-asawa/pamilya nina Vic and Mika. *Light lang ang theme ng story na ito promise :D Madami ng k...
547K 729 1
[UNDER MAJOR REVISION] What would you do if you found love to the person you hate?