His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[10] Oras

5.2K 267 5
By Yaoistorywriter


R E N Z

Lubos akong nagpapasalamat sa author ng istoryang ito dahil binigyan ako ng pagkakataong mailahad ang aking nararamdaman. Haha.

"Bakit ka nga nandito? Tanghaling tapat nandito ka." Kunut-noong sabi ni Ken at umupo sya sa tabi ko.

Tinitigan ko siya. Pinagpapawisan siya at pinapaypayan niya ang sarili niya.

"Hindi ko sasabihin sayo kung bakit ako nandito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. Hindi ako naniniwalang galing ka sa date. Tingnan mo nga itsura mo, pawis na pawis ka, tapos naka short ka lang tsaka t-shirt na pambahay. How come na nakipag-date ka?"

Napatigil siya saglit at napatawa siya.

"Okay, ok fine. May hinatid lang ako kay Vincent Saavedra na folder. Panigurado kasing magkaka-quiz next week. Speaking of next week, diba sa monday na 'yung league?"

The moment na masabi ni Ken ang salitang 'league', biglang kumirot ang puso ko.

Pilit akong ngumiti, "Yes, at kailangang-kailangan ko ang suporta mo dun. Hindi ka pwedeng mawala!"

"Ok, sige, fight!" Sabi niya.

"Ngayon, ikaw naman tatanungin ko. Bakit ka nandito?" Dagdag nya.

I smiled, "Kumain ka na ba?"

Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa nga eh. Dalawang pandesal nga lang 'yung nandiyan, tapos nilalanggam pa. Wala pang sinaing haha. Wait magsasaing lang ako,"

Akmang patayo na siya ay pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Wag na, kain na lang tayo sa labas. Treat ko."

~*~

Matagal ko nang gustong gawin ang makakain sa labas kasama siya. Na para bang nagde-date kami. Haha. I think, it's about time na rin talaga na mag-take ako ng risk. Sa tingin ko, mas maganda na 'yon kesa hayaan ko ang sarili kong kimkimin lang 'tong nararamdaman ko.

Bakit kasi ganito? Sa dami ng taong nakasalamuha ko, bakit siya?

Wag na tayong magtanga-tangahan, Renz. Kasama ko siya sa halos lahat ng oras. Kapag may problema ako, wala akong ibang pinagsasabihan kundi siya. Alam ko kasing matino siyang magbigay ng payo.

Kapag bored ako, china-chat ko siya at pinupuntahan ko siya sa bahay nila. Manonood kami, maglalaro o magku-kwentuhan.

Kaya tingin ko, hindi imposible 'to. Hindi imposibleng mabuo 'tong nararamdaman ko sa kanya.

"Anuna, Renz? May balak ba tayong kumain o uupo na lang tayo rito?" Sabi bigla ni Ken.

Napabalik ako sa huwisyo ko nang mag snap sya sa harapan ko.

"Eto na, eto na. Nakapili ka na ba ng iyo?"

"Kung ano 'yung sa'yo, ayun na rin ang akin. Hindi naman ako maarte sa pagkain." Sabi niya. I smiled at ako na ang umorder ng pagkain.

Pagkakuha ko, bumalik na ako sa puwesto ko at binigay ko kay Ken yung pagkain niya.

"Huy, lunch lang! Parang kasama na dinner dito sa dami nito eh," sabi nya.

Napatawa ako ng mahina.

"It's ok. Libre ko naman. Kaya kumain ka lang nang kumain."

"Ok." Sabi nya.

Nagsimula na rin akong kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bigla akong may maalala.

"Ken, pwedeng magtanong?"

"Ano yun?" Sabi niya habang ngumunguya.

Napangiti ako. Nakakainis. Ang kyut kyut nya. Ang sarap kagatin ng pisngi nya. Ang sarap niyang kainin. Rawr.

"Uhmm, anong magandang iregalo sa babae? Yung magugustuhan talaga ha. 'Yung tipong maa-appreciate niya 'yung effort ko the moment na matanggap niya 'yun." I asked him.

Napatigil siya sa pag nguya at tinitigan niya ako sa mata.

"Regalo? K-kanino?"

"Basta! Ano ba maganda?"

Nilunok niya yung pagkain niya at natahimik siya. Wala namang masama sa tanong ko. Pero parang may nasabi akong something na na-offend sya.

"Ken?"

"Ha? Ahh, sinong babae ba yan? And, ilang taon?" He asked.

"Oo nga pala. Wag mo sanang ma-misunderstood. Ate ko siya. Birthday niya kasi bukas, so nag-iisip lang ako ng pwedeng ibigay sa kanya." Sabi ko.

Napahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Ok, akala ko naman girlfriend mo na. Medyo kinabahan ako ng very light.'" Sabi nya.

At bakit ka naman kinabahan? Dahil gusto mo sa'yo lang ako? Haha. Taena. Ang saya sa pakiramdam na ayaw pa nya ako magkagirlfriend.

Nakakaasa.

"Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong mo sa bagay na 'yan ngayong ikaw naman ang magreregalo, pero para sakin, if she's into material and fashion, regaluhan mo siya ng bag. O kaya heels, kwintas, at kung ano pang tingin mo maaappreciate nya. Pwede rin idepende po sa hobbies nya. For example, hilig nya magbasa ng libro. Edi regaluhan mo sya ng libro. O kaya, mahilig sya magdrawing. Edi ibili mo siya ng drawing materials. But I'm telling you this -- hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan ng isang tao ang regalo. Pagmamahal mo lang, sapat na. At ang pagmamahal ay ipinaparamdam." Sabi nya.

I smiled, then I nodded. "Siguro ibibili ko na lang siya ng canvas at painting materials. Mahilig mag paint yun eh. At syempre, yung sinabi mo na pagmamahal. Araw araw naman niyang nararamdaman 'yun eh, haha." Sabi ko.

Nang matapos kami kumain ay niyaya ko siya sa isang lugar.

Medyo malayo yun, pero kelangan ko siyang dalhin don. Naniniwala akong magandang lugar 'yun para sabihin sa kanya ang mga bagay na kailangan kong sabihin.

"San ba kasi tayo pupunta? Parang kanina pa tayo lakad nang lakad." Sabi ni Ken.

"Basta," I told him then I grabbed his wrist.

"Bilisan natin."

Para akong siraulo. Nagmamadali ako na ewan. Tapos kinakabahan din ako.

Bahala na nga.

Ipapangako ko na lang sa kanya na babalik ako.

Gusto ko lang maging aware siya dito sa punyetang nararamdaman ko na 'to. Ayoko nang magpakatorpe.

Gusto ko lang na malaman na nya. Ok lang kahit hindi nya suklian.

At nakarating na nga kami dito sa parang. Alam nyo 'yun? Parang open field sya na damuhan. Binitawan ko na ang kamay ni Ken at bigla naman siyang tumakbo doon na parang bata.

"Shet, ang ganda!" Sabi nya.

Ngumiti ako.

Tumakbo na rin ako sa damuhan at nilapitan ko siya.

"Na-discover ko 'to mag-isa. Adventurous kasi akong tao." Sabi ko sa kanya.

Tumakbo uli siya at sinundan ko naman siya. "Hoy gagi teka lang!"

~*~

"Nga pala, anong meron dito? Anong gagawin natin dito?" Tanong niya nang makahiga kami dito sa damuhan na may kanlong ng puno.

Syempre naghanap kami ng puno. Wala naman kami balak magbilad sa initan.

Huminga ako ng malalim. "Ken, if I tell you that I like you, anong magiging respond mo?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan ko ang magiging reaksyon nya. Walang pagbabago. Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan o hindi.

"Anong ire-respond ko? Gago ka. Huli ka na." Sabi nya.

Alam kong may posibilidad na masasaktan ako sa sasabihin nya. Ine-expect ko na 'to.

Hindi muna ako nagsalita.

Nang maabsorb na ng utak ko ang sinabi niya, naglakas-loob na akong umimik.

"Huli na ako. Haha." Sabi ko. Ramdam ko mismo ang pait sa pananalita ko.

"Wala lang, gusto ko lang namang malaman mo. Hindi ko naman pwedeng pilitin ka na gustuhin rin ako. Just that, ito na 'yung pagkakataon na matagal ko na ring hinintay. Na masabi sa'yo. Pero, you know, masakit pa rin pala. Haha."

Hindi siya nagsalita. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness ng paligid.

"Gusto mo ako?" He asked.

Medyo napatawa ako.

"Di nga?" Sabi pa nya.

Nginitian ko siya. Bigla siyang bumangon at hinampas ako sa braso ng medyo malakas.

"Siraulo ka! Ngayon pa talaga na nakamove-on na ako sa'yo?" Sabi nya.

"N-naka move-on?"

Umupo ng maayos si Ken.

"Ganito kasi 'yan. Ku-kwentuhan kita. May isang lalaki na inlab na inlab sa bespren nya noong highschool sila. Ito namang si bespren, napakamanhid! Parang bato eh. Syempre wala namang nagawa 'tong si lalaki kundi isuko ang nararamdaman nya. And, yes, medyo tanga sya sa part na hindi niya alam, gusto rin sya ng bespren nya. Oo Renz, minahal kita dati." Mahabang sabi nya.

"A-ano?"

"I loved you, Renz. Pero tanggap ko na na hindi talaga tayo pwede. Alam mo kung bakit? Kasi hindi ako ang para sa'yo. Kundi ibang tao. Maaaring nandyan lang sya at hindi mo napapansin. Pero si tadhana ang nakakaalam nya. Basta, sa panahong ito -- one thing's certain: hindi tayo ang tayo." Sabi nya.

Napapikit ako. Bumalik bigla ang lahat ng alaala noong panahong mahal ko na siya.

Masakit. Oo. Hindi ko alam kung bakit ako nagdadrama ng ganito. Kalalaki kong tao, nandito ako at nagtatapat sa isang kapwa ko lalaki. Ang malala, nasasaktan pa ako ngayon dahil sa lintik na "dati". Paano kung alam ko? Paano kung hindi pala ako torpe dati? Paano kung sinabi ko na agad sa kanya? Hindi dapat ako nasasaktan ngayon.

Ang dami ko nang bagay na napagsisihan.

Pero ito -- ang pagsisising ito na siguro ang pinaka-hindi ko makakalimutan.

Gusto ko tuloy biglang bumalik sa past. Gusto kong gumawa ng time machine at bumalik sa nakaraan. Pwede ba? Pwede kaya?

Hindi na. Hindi na.

"Gusto mo ako dati... Gusto mo ako dati?" Wala sa sarili kong tanong.

"Paulit-ulit? Sinabing oo. Masyado kang serious, ngiti naman jan!"

Hindi ko siya pinansin at napatulala na lang ako.

If only I can turn back the time.

Tumingin ako kay Ken. Sa mukha nya. Tinitigan ko siya.

At binigyan ko siya ng isang ngiti.

Ngiting napakaraming gustong ipahiwatig. Ngiti na punung-puno ng pagsisisi at lungkot. Ngiti...na gusto niyang makita.

Ken, samahan mo ako kay Kronos. Ipapatigil natin ang oras.

---

Continue Reading

You'll Also Like

170K 7K 25
Juni had been crushing on Storm for millions of years. But didn't have the courage to confess his feelings 'coz Storm was quite popular-- and unfortu...
1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
125K 6.9K 67
What will happen if the IDOL meet his biggest fan??? What will happen if a FAN meet his ultimate Idol???
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!