Waiting Shed

By EmpressDreamer

93.3K 1.5K 504

Sa paghihintay sa pagmamahal, hanggang kailan ba ang "sandali na lang"? More

Prologue
Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
ANNOUNCEMENT!
Facebook Group

Chapter Four

3.8K 78 16
By EmpressDreamer

PATRICK'S POV

Thursday, 5:30pm

Nag-abang ulit ako sa waiting shed sa may Malcom Hall kahit na hindi naman talaga ako dito sumasakay ng jeep dati. Baka sakali kasing makita ko ulit dito si Ella. Hindi ako sigurado kung schoolmate ko ba talaga siya pero ito lang yung naiisip kong paraan para makita siya ulit. 

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya matanggal sa isip ko mula nung makita't makausap ko siya kahapon. Yung mukha niya, yung ngiti niya, yung mga mata niya. Tagos eh! Tapos nahawakan ko pa yung kamay niya. Malakas yata tama ko kay Ella. Haaaay.

Isa't kalahating oras na akong naghihintay dito sa waiting shed pero hindi ko nakita si Ella. Baka nagkasalisi kami. Sayang naman. Kailangan ko na rin umuwi kasi madilim na. Baka sabunin na naman ako ni Mommy, sabihin nun tumatambay na naman ako kasama barkada ko.

Kinabukasan, nag-abang ulit ako sa waiting shed. Pero wala. Bigo pa rin akong makita si Ella. Kada uwian namin, inaabangan ko siya dun. Pero parati akong nadidismaya. Sinubukan ko pang iba-ibahin ng konti yung oras na maghihintay ako dun pero wala talaga eh. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya nakita ulit. Baka nga nagkamali lang ako ng hinala. Baka hindi ko naman talaga siya schoolmate.

Hanggang sa isang araw..

"Ella!" Napasigaw talaga ako nung nakita ko siya. Tumingin siya sakin tapos kumaway. Suot niya yung school uniform ng girls samin. Tama nga ako! Schoolmates kami ni Ella. Lumapit ako sa kanya. "Ang tagal mo yatang hindi nagpakita dito ah?"

"Ay, sinusundo kasi ako madalas. Nagkataon lang nung naabutan mo ko dito eh wala akong sundo." Sabi niya sakin.

"Ahhh. Kaya pala. Edi ngayon wala ka ring sundo?" Ang tanga lang ng tanong ko. Malamang diba?

"Parang ganun na nga." Tumawa siya ng mahina. Ang ganda niya talaga!

"Ang tagal kong naghintay dito. Buti na lang nakita kita ulit." Sabi ko sa kanya.

"Ha?" Yun na naman yung nagtataka niyang mukha. Parang nung unang araw na nagkita kami. Ang cute ng expression niya na yun.

"Araw araw kasi kitang inabangan dito mula nung unang araw na makita kita."

"Talaga? Ang tagal na nun ah!"

"Medyo. Pero worth it naman yung paghihintay." Ngumiti lang siya sakin. Yung ngiting hindi ko matanggal sa isip ko. "Kailangan mo na bang umuwi?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa naman. Bakit?"

"Tara ice cream muna tayo!" Bigla kong yaya sa kanya sabay flash ng killer smile ko. Siyempre para mapapayag ko siya. "Sige na, Ella. Libre ko." This time, nagpa-cute na ko sa kanya.

"Sure!" Masaya niyang sinabi sakin. Oh yeah! 1 pogi point for me!

Mga 30 minutes din kaming nagkwentuhan ni Ella. Dun ko nalaman na favorite niya pala ang ice cream. Ayos pala yung libre ko eh! Ang galing ko talaga. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya. Parehas pala kaming sporty kaya lang magkaiba kami ng hilig sa music. Gusto niya yung pop ako naman punk rock. Tapos junior pa lang siya. Kaya pala hindi ko siya nakikita tuwing intersection ng batch namin kasi one year lower pala siya sakin. Pati magkaiba rin kami ng lunch break kaya hindi ko siya nakikita.

Maya-maya, nagyaya na siyang umuwi. Bumalik kami sa waiting shed tapos hinintay ko muna siyang makasakay bago ako umalis. Pero bago siya tuluyang magpaalam sakin, hiningi ko muna yung number niya. And guess what?

Binigay niya sakin!

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
14.4K 813 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...