HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 6

16.2K 325 158
By hunnydew

Pinatawag kami ni Hiro sa opis ni Dean Aya kinabukasan kaya maraming nagtaka at natakot para sa’min. Bakit kaya sila natatakot? Mabait naman si Dean Sungit, kailangan lang na may laging nagpapa-smile sa kanya.

Pero tinanong ko na rin si Hiro habang naglalakad kami. “Bakit kaya tayo pinatawag?”

Nagkibit-balikat naman siya. “Baka nalaman nilang nangopya ka sa’kin.”

“Ha?! Wala nga akong nakopya sa’yo eh. Edi dapat si Martin ang kasama ko, hindi ikaw.” Kasi diba, si Martin ang nagpakopya sa’kin? Tas pinapakopya ko rin siya pero siya lang ang umayaw.

Tulad nung unang beses kong pagbisita sa Dean’s Office, tahimik na naman lahat ng mga tao dun kaya kinawayan ko nalang sila habang nakangiti. Pinagsabihan kasi ako ni Kuya Chad noon na ‘wag daw akong mambulabog lalo na sa opis ni Dean. Kaya ‘yon, kahit gusto ko silang batiin para sumaya naman sila, hanggang kaway, tango at ngiti lang ako.

Binati namin si Dean Sungit nung dumating siya at pinaupo kami sa magkatabing upuan sa harap ng malaking mesa niya. Saka siya naglakad-lakad na parang nag-iisip kung ano ang sasabihin.

Totoo nga na tungkol sa quiz kung bakit kami pinatawag! Pina-define pa nga kay Hiro kung ano ang Eucledian Space eh. Tama naman ‘yung sagot niya. Sempre naaalala ko kasi nasabi niya ‘yung mga keywords. Tas alam din pala ni Dean na hindi pumapasok si Hiro sa mga minor subjects namin.

So, Miss Pelaez,” baling niya sa’kin kaya napatuwid ako ng upo at nginitian ko siya. “Do you want to share how did you come up with the correct answer in multiplying matrices considering that you have no equation?”

 

Kinabahan ako don! Alam kong ‘yung sagot ko sa problem solving ang tinutukoy niya. Pero ayoko nang idamay si Martin kasi siguradong magagalit siya sa’kin. “Ahhh… sa hangin po ako nag-solve, Ma’am Sungit! Pramis!” Pagsisinungaling ko nang nakataas ang kanang palad ko.

Hindi naman niya masyadong pinansin saka sinabing kami lang ni Hiro ang nakapasa sa quiz na ‘yon.

Edi sempre, sobrang natuwa ako! “Talaga Ma’am?! Ang galing ko!” Mantakin niyo, na-perfect ko ‘yung identification! Tas naka five points pa ako sa problem solving, salamat kay Martin! Ang saya naman, pinatawag pa kami ng Dean para lang i-congratulate kami, hehe. O diba? Mabait naman si Dean Sungit eh. Simula ngayon, tatawagin ko na siyang Dean Bait.

Naunsiyami ‘yung pagsasagutan ni Dean at ni Hiro nung sinabing nasa labas daw ‘yung Tatay ni Hiro. Akala ko nga pede na rin akong umalis pero pinigilan ako ni Dean. ‘Di pa raw kami tapos mag-usap.

“Salamat po Dean ah,” sabi ko sa kanya nang may malawak na ngiti. “Talagang pinatawag niyo pa kami ni Hiro para sabihing kami lang ang pumasa, hehehe. Sabi na nga ba, mabait po kayo eh—“

“Charlie,” putol niya sa’kin at inayos ‘yung salamin niya. “Tapatin mo nga ako. Nangopya ka ba?”

Napalunok ako ng laway. Hindi pala niya pinaniwalaan ‘yung sinabi ko kanina, huhu. Ayoko na talagang mandamay ng ibang tao. Pero nahuli na kasi ako eh. Sabi nila Mama, ‘pag nahuli na, wag nang dagdagagan ang kasinungalingan dahil mas magiging malala lang. Aminin na raw para maremedyuhan pa. “S-Sa problem solving lang po—“

“How about the identification items?”

 

“Ay, hindi po ah!” alma ko. “Galing po lahat ‘yon sa baby goldfish memory ko!”

Kumunot naman ‘yung noo niya sa sinabi ko. “Baby goldfish memory?” ulit niya.

Tumango ako nang maraming beses. “Opo. Sabi po ni Kuya Chad, ang goldfish daw po, kayang umalala ng mga bagay na tatagal hanggang limang buwan. At dahil ngayon lang po ako nagkaroon ng goldfish memory, baby pa lang siya. Kaya hanggang… dalawang buwan lang po siguro ang itatagal sa utak ko, hehe,” mahabang paliwanag ko sa kanya pero parang di na siya nakinig dahil nagsusulat na siya sa papel.

“Then let’s test your baby goldfish memory,” hamon niya tas inabot ‘yung papel sa’kin.

Nung nakita ko, LIMANG ITEMS NA PURO FORMULA! “WAH! Quiz na naman po? Huhuhu… Dean Sungit naman eh…” halos palahaw ko. Katatapos lang ng long quiz kahapon, gagawin pa niyang longer.

“Kung gayon, hindi ako naniniwalang galing lahat ng sagot mo sa baby goldfish memory mo,” mariin niyang tanggi. “I will assume na kinopyahan mo si Hiro dahil hindi ka nag-aaral and I will definitely inform your parents about this.”

 

Napamulagat ako don! “Hala! Nag-aaral po ako ah! Nitutulungan pa nga po ako ni Kuya Chad eh!” Bakit ako ang pinagbibintangang hindi nag-aaral? Si Hiro nga ‘yung nagka-cutting classes eh!

“Then prove it,” sabi niyang sobrang seryoso. “Dahil may nakakarating sa’king balita na inaaya mo raw maglaro sa computer shop si Mr. Kwok.”

“Ha?! Hindi po totoo ‘yan! Si Hiro po ‘yung—“

Mas nilapit niya sa’kin ‘yung papel at ballpen. “Then answer this and prove me wrong.”

Nakabusangot talaga akong nagsulat dun sa papel. Isusulat ko lang daw kung anong tawag dun sa formula na ‘yon. Buti na lang talaga araw-araw na niche-check ni Kuya Chad ‘yung notebook ko tas pag may bago siyang nakikitang salita, pinapaulit-ulit-ulit-ulit niya sa’king isulat sa whiteboard niya sa bahay. Kaya ayon, nasaulo ko, hehehe.

Tinignan niyang mabuti ‘yung papel nung binalik ko sa kanya. “I’m surprised. Kabisado mo nga ang formula at ang mga pangalan nila pero hindi mo alam kung paano mag-solve gamit ang mga iyon?”

“Mas mahirap po kasi kapag kailangan nang palitan ng numbers, hindi na kinakaya ni baby goldfish memory. ‘Yung formula naman po kasi, constant na ‘yun eh. Samantalang ‘yung mga numbers, nag-iiba-iba bawat question. Tas andami pa nila. Naguguluhan po ako kung anong tamang formula ang gagamitin.”

Huminga naman ng malalim si Dean. “Charlie, walang mangyayari kung puro theories lang ang alam mo. Dapat matuto ka rin kung paano gamitin ang mga iyon nang tama. Mas importante ang application kaysa theories.”

 

Kung sabagay, tama si Dean. “Ganyan din po sabi nila Louie at Chan-Chan sa’kin, hehe.”

“Louie at Chan-Chan?”

“Opo, mga besprens ko po. Sina Louie Kwok at Sebastian Flores po. Dati po kasi ‘pag nag-aaral kami nang sabay-sabay, hindi nila ako tinitigilan hanggang ‘di ko nape-perfect ‘yung ginagawa nilang quiz para sa’kin. Nituruan nila ako kung paano po gamitin nang tama ‘yung mga formula,” kwento ko. Nakaka-miss kasi ‘yung mga ‘yon. Enko kay Louie, di sumasagot sa tawag namin ni Hiro. Si Chang naman, laging busy.

Tumango naman si Dean Aya bago nagsalita ulit. “Don’t think I’m punishing you or anything. Pero gusto kong mag-focus ka muna sa pag-aaral ngayong taon. Hindi ka muna maglalaro for the softball team this year.”

 

“PO?! BAKIT PO?! Pramis po, Dean, mag-aaral na po akong mabuti, ‘wag niyo po akong tatanggalin sa softball team!” pagmamakaawa ko. Tsaka pa’no yan? Mawawalan ako ng scholarship?!

 

Inabot ni Dean ang kamay ko. “Gusto kong magaling din sa pag-aaral ang best player ng softball team—“

 

Napatitig ako sa kanya sa sinabi niyang ‘yon. “Hehe, sige po…” sabi kong nagkakamot ng batok. Parang sina bespren lang, magaling sa basketball saka chess tas matatalino rin. Kaya ko rin naman siguro, hehehe.

“Gusto ko lang ma-motivate ka para mag-aral nang mabuti. Wala na ang mga best friends mo para tulungan ka. Isang taon lang, Charlie. At hindi rin namin tatanggalin ang scholarship mo. Kapag napatunayan mong kaya mo nang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagso-softball, ibabalik kita sa Varsity.”

 

“Hehe, sige po.” Baby pa naman ang goldfish memory ko. Pakakainin ko na lang siya nang mabuti para mas lumaki at tumagal ‘yung mga naaalala niya, hehehe.

“At habang nag-aaral kang mabuti, magpahaba ka na rin ng buhok. May naririnig kasi akong bali-balita na tomboy ka raw.”

“Oy! Hindi po ah! Babae po ako!” depensa ko.

“Puwes, ayoko nang nakikitang parang lalaki ang gupit mo. O siya, we’re done. Maaari ka nang umuwi.”

“Yey! Salamat po Dean sa pagtitiwala niyo sa’kin! Ba-bye po!” Tas lumabas na ako ng opis niya. Kailangan kong mag-aral nang mabuti. Pinili ko ‘yung course ko kaya kailangang kayanin ko! At unang-una kong gagawin, babawasan ko na ang paglalaro ng computer games at PSP!

Saktong kasalubong ko si Hiro nung iniisip ko ‘yon. “Hoy! Ikaw!” sigaw ko sa kanya kaso ‘di ako pinansin. “Walanghiya ka! Hinding-hindi na ako sasama sa’yong mag-computer! Ako pa ang—“

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi bigla na lang siyang hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang mamang nakaitim tas halos kaladkarin siya palabas ng building. Nakita ko rin kung paano nagpumiglas si Hiro kaya sinundan ko sila. “Hoy! Ano ‘yan?! Anong gagawin niyo kay Hiro?! Ihahatid niya pa ako sa bahay! Hooooyyy! Bitawan niyo siyaaaa!” Hahablutin ko sana ‘yung kamay nung isang kidnapper pero may pumagitna.

Isang lalaking nakapormal ang suot, tas mukhang galit nag alit. Tas nung tinignan niya ako nang matalim parang naaninag ko ‘yung mga mata ni Louie at Hiro. “Mind your own business, young lady. And stay away from my son.”

 

Kahit nung nakaalis na sila, ‘di pa rin ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang nakakatakot ‘yung lalaki na sa tingin ko, Tatay nga nila bespren. Alam ko na kung bakit ayaw sa kanya ni Louie. Parang ‘di pa yata kasi siya ngumingiti o nakakaranas ng kahit anong masaya sa buong buhay niya. Kaya siguro malungkot din si Hiro.

Napadausdos na ako sa semento dahil nawalan na ako ng lakas. Pa’no ‘to? Walang maghahatid sa’kin pauwi? Ayos lang sana kung may pamasahe ako kaso naubos ko na sa pagkain kanina eh, huhu.

Biglang may tumapik sa ulo ko tas pag-angat ko ng tingin, nakatayo sa harap ko si Martin. “O, Mahal na Pinuno, anong nangyari sa’yo?”

Tuluyan nang nalukot ang mukha ko. “Kasi umalis na si Hiro. Ubos na ‘yung pera ko kaya wala na akong pamasahe pauwi. Ihahatid pa niya dapat ako eh,” pagsusumbong ko.

“Mmm, gano’n ba? Gusto mo… ako nalang maghatid sa’yo?” tanong niya.

Tinignan ko siyang mabuti para alam ko kung binibiro lang niya ako. Pero nakangiti lang siya. “Sige.”

Kaya ayon, sinabay na niya ako tas sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira. Malayo pa achuli ‘yung bahay niya pero may dadaanan lang daw malapit sa amin. Nag-soundtrip lang kami buong biyahe. Parehas ko pala siyang mahilig sa Parokya at Kamikaze kaya nagkantahan lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

“Tara, pasok ka muna,” aya ko sa kanya para painumin man lang siya kahit tubig lang. Pumayag naman siya.

‘Yun nga lang, pagbukas ko ng pinto, nagtatalak na si Mama.

“Ikaw na bata ka talaga!” galit niyang bungad sa’kin bago ako piningot sa tenga. “Tumawag sa’min si Tito Lorenzo mo at sinabing nakikita ka raw ng mga bodyguards nila na kasamang nagdo-DOTA si Hiro! Bakit mo bina-bad influence si Hiro?!”

“Aray, Mama!” angil kong nagpapatianod sa kanya. Baka kasi matanggal ang tenga ko ‘pag nagpumiglas ako eh. Buti nga binitawan niya rin. “Si Hiro po ang nag-aayang mag-DOTA, hindi po ako! Siya po ang bad influence, Mama!”

“Aba.. at kailan ka pa natutong magsinungaling na bata ka?” Pipingutin na sana niya ako ulit pero may tumikhim at napatingin kami sa pintuan. Nandoon pa rin pala si Martin.

“S-Sige, Charlie… uwi na ako. Mukhang marami pa kayong pag-uusapan ni Mama mo,” paatras niyang sabi.

“Sino naman ‘tong matangkad na binatang ito?” tanong ni Mama na boses malumanay na at naglakad papalapit kay Martin.

“M-Martin Guevarra po, Tita. Kaklase po ni Charlie. Hinatid ko lang po siya kasi iniwan po ni Hiro—“

Pinanlisikan na naman ako ng tingin ni Mama. “Ikaw talagang bata ka! Nang-abala ka pa—“

“Hindi po ah!” depensa ko naman. “Ni-offer-an po niya akong ihatid kaya pumayag ako. Diba sabi niyo po ‘wag tanggihan ang libre dahil grasya ‘yon?”

Natahimik si Mama dun kaya nakangiting tumingin ulit kay Martin. “Naku, pagpasensiyahan mo na ang bunso namin ha. Halika, mag-merienda ka muna. Pabalik na rin ‘yung mga kuya ni Charlotte—“

Bigla namang namutla si Martin. “A-Ay…hindi na po, Tita. May dadaanan pa po kasi ako. Mauna na po ako. Sige, Charlie. See you tomorrow,” kaway niya sa’kin.

Kaya kinawayan ko rin siya. “Sige, see you!”

 

Pagkaalis niya, pinagpatuloy ni Mama ang panenermon sa’kin. At mas lalo pa siyang naghurumentado nung makauwi si Kuya Chad at nagbalitang hindi muna ako makakapaglaro sa UAAP sabi daw ni Dean Aya.

Pero kakayanin ko ‘to. Isang taon lang naman eh, diba? ‘Wag dapat susuko agad.

===

A/N: Quota na ako sa baby goldfish memory na ‘yan ha. Ilang beses nga bang nabanggit ‘yon? Hahaha. Ni-research pa talaga namin ni Diwata ang tungkol dun. Myth po ang kumakalat na balitang hanggang 3 seconds lang ang memory ng mga goldfish dahil may mga studies na nagpapatunay na nare-retain nila ang information for a maximum of 5 months! Hehehe, sana lumaki pa nga ang baby goldfish memory ni Charlie, huehue.

Wala talaga akong masabi sa pagiging positive ng alaga ko. Ambilis ng shift eh! hahaha

Ayan sa gilid si Martin ^_^ 

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...