Prove Me Wrong [TAGLISH]

By bedazzler

21.8K 542 698

Isabella Stephens - someone whom everybody gawks at in disbelief. - How could such beauty exist in... More

Chapter 1 [Where It All Started]
Chapter 2 [Wrong Room]
Chapter 3 [Ooopsy!]
Chapter 4 [Meet The Girls]
Chapter 5 [I'm Bloody Screwed]
Chapter 6 [Saved?]
Chapter 7 [Please]
Chapter 8 [We Need A Party]
Chapter 9 [Making Her Boyfriend Jealous]
Chapter 10 [Stupid Tutorial Idea]
Chapter 11 [Tempted]
Chapter 12 [Butterflies In My Stomach]
Chapter 13 [Can't Keep My Eyes Off Of Your Lips]
Chapter 14 [No Visa, No Entry]
Chapter 15 [Run]
Chapter 16 [Heart Attack]
Chapter 17 [Just For Tonight]
Chapter 19 [Gulat at Galit]
Chapter 20 [Fall In Line]
Chapter 21 [Dumbstruck]
Chapter 22 [Motorbike]
Chapter 23 [Wake Up!]
Chapter 24 [That Party]
Chapter 25 [Veritas]
Chapter 26 [Prove Me Wrong]
Chapter 28 [Finally]
Chapter 29 [Trixie and Brigham]
Chapter 30 [Insecurities]
Chapter 31 [One Week of Misery]
Chapter 32 [The Devil]
Chapter 33 [You, Not Her]

Chapter 18 [Charade]

503 17 29
By bedazzler

AT: Hello po sa inyong lahat... sana po di kayo galit na late ako nag UD... umuwi po kasi ako sa province namin and enjoying myself.. haha lalo na ang pagkain! yummm! Summer na! 

sana po magustuhan niyo..

Chapter 18

Deiderick

He looked at her eyes and saw that they were sparkling. An indication that she is happy. He lifted his jaw in an arrogant proudness. Siya ang nagpasaya dito. Siya ang nagpapatawa dito ngayon. Sakanya ito nakangiti kapag gumagawa ito ng trick sa pag-se-skate. Sa kamay niya ito humahawak pag gusto nitong kasabay sila mag-ikot sa rink.

And when the little French girl asked them if magkasintahan sila, tumango siya without considering that she might be shaking her head pero ng lumingon siya dito at nakitang tumatango din ito, he can’t help being pleased. The warmth of pleasure flooded his heart. He grinned. Without holding himself. Without worrying na baka may kapalit na masamang pangyayari mamaya ang pagngiti niya. He grinned because he is happy. Damn! He is happy because of Isabella the brat.

He looked at her habang nakangiti ito na nag-se-skate. She’ll always be carefree. Wala itong problema sa buhay na makapagpapasimangot dito ng matagal. Parang mula noong mga bata pa sila, hindi niya pa ito nakita na malungkot ng ten minutes at siya naman, hindi siya makikita na masaya kahit ten minutes lang man. Laging walang ekspresyon ang mukha niya o lagi siyang galit.

Ngayong gabi, he’s with her without pretense. Yung ugaling matagal niya ng ibinaon sa limot, nailabas niya dito dahil it was easy being himself with her. He did not worry na baka bababa ang tingin nito sa kanya dahil for Pete’s sake they have been enemies for almost a decade na. Wala ng ibababa ang tingin nito sa kanya diba?

He felt happy again. And it has been a very long time mula ng naging ganito siya ka-walang pakialam ano man ang consequences ng ginagawa niya. Palagi na lang kasi measured at cautious siya na baka may magawa siyang mali. Surprisingly din, nagkasundo sila ng brat kahit na nga may konting misunderstanding sa kanila kanina.

 Alam niya naman sa mamahaling resto nito gustong kumain. Alam niya din na nung niyaya niya ito, akala nito, doon talaga sila kakain. Pero wala sa balak niya yun. Bukod pa sa unreasonable yung presyo ng mga pagkain doon, gusto niya maging iba itong gabi na ito para sa brat. Alam niya kasi lahat ng mga dates nito sa mga lalake ay sa mamahaling lugar ito dinadala. Not that he is considering this as a date. NO! Ang gusto niya lang ma-realize nito is that she can also enjoy life and be happy by spending just small amount of money. Hindi kailangang mamahalin ang activity. Ang importante kasi is the way you look into the essence of it.

In the stupid resto, puro mayayaman na walang magawa sa pera ang andoon pretending they like the food just to have that view. Naku, makikita naman ang view na yun dito sa skating rink. Buti pa nga dito, pwede pang magsisigaw o magsasayaw, walang pakialam ang mga tao dito. He is tired of pretenses and here, he is happy he brought her. This is the happiest he have ever seen her. Well, hindi naman kasi sila laging magkasama. At kung magkasama man sila, lagi silang magkaaway. Maybe it helped na sila lang dalawa. Hindi sila mag-aalala kung anong sasabihin ng iba sa unusual na pagiging civil nila. Siguro nga kung doon pa sila kumain sa resto na yun, hindi pa sila ganito ka naging kumportable sa isa’t-isa.

He can enter that stupid resto without worrying about reservations or spending a lot of money. God knows he can even make the night exclusive for just the two of them. Alam niyang malaki ang impluwensya ng apelyido niya kahit na dito pa sa Europa. Kaya nung pumunta siya sa resto dahil alam niya namang matigas talaga ang ulo ng babaeng ito at doon talaga kakain, laking gulat niya na lang na hindi siya papasukin. Sabi pa ng maitre d’, paano siya makakapasok eh may Deiderick Stevens na daw sa loob? Hindi naman daw pwedeng dalawa ang Deiderick Stevens. Sa inis niya ay nagpumilit pa rin siyang pumasok at humingi ng limang minuto para hanapin ang “girlfriend” niya sa loob.

When he saw her, ang dami na nitong pagkain na ini-order. Gutom yata talaga ito. He suddenly felt sorry. Nakalimutan niya na agad ang inis dito sa pagbalibag nito sa kanya sa park. Sa layo kasi ng itinakbo nila at inilakad nila, siguradong gutum na gutom na ito. Pero when he saw a jacket na panlalake sa upuan na kaharap nito, nawala ang awa niya dito. Lalung-lalo na nang sinabi nito na makisalo na lang daw siya sa mga ito. No way! He is going to have this night with her and it will just be the two of them! No intruders allowed! Kaya kinaladkad na naman niya ito palabas ng restaurant.

He can’t help but notice the envious glances and stares his fellow males give him. Pati na rin ang mga mapangnasa na mga tingin na ibinibigay ng mga ito kay Isabella. Wala naman siyang karapatan na mainis kaya isinarili niya na lang ang nararamdaman at mas dinalasan na lang ang pag-akbay dito. Baka sakaling tumigil na ang mga kapwa niya lalake. Once he got used to the feeling that she’s near him, hindi niya na rin ito mabitiw-bitiwan. Nang magkaroon siya ng pagkakataon makaganti doon sa nagbebenta ng hotdog, sinunggaban niya na. Napangiti na lang siya nang maalala ang itsura ng vendor.

Pero mas lumapad ang ngiti niya nang naalala ang pagrarason ni Isabella na may mga langaw daw na nakapalibot sa kanya. Noong una, akala niya, naghahanap na naman ito ng away nang ipinarinig nito sa lahat ng mga babae sumusunod sa kanya na bading siya pero nang nakita niya itong nagrason na langaw daw ang itinataboy nito at naiilang itong tumingin ng diretso dito, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sumaya siya. Nakakaramdam din ba ito ng inis pag may mga tumitingin sa kayang mga babae gaya ng inis na nararamdaman niya pag may mga manyakis na mga lalakeng nakanganga ng lantaran dito?

Iiling-iling na minasdan niya ulit si Isabella habang nakikipag-usap ito sa bata na nagtanong sa kanila kanina kung magkasintahan ba daw sila. He didn’t know what happened to him this night. He saw a ghost from the past and next thing he knows he dragged Isabella out of the store. Why she was in that store, hindi niya alam. For the first time kasi may nakita siya sa mukha nito na isang ekspresyon but he can’t quite put his finger on it. It made him stare at her for an eternity before that damned woman who entered the store was screaming on top of her lungs. Paglingon niya kay Isabella, wala na ang ekspresyon nito sa mukha that made him uneasy. He intends to ask her why she was that in that store when she comes back. Pero nang bumalik ito with her cheeks pink from the cold at halos mawala ang mata sa ngiti sa kanya ay nakalimutan na niya ang intensyong magtanong. He was too busy grinning back at her.

Damn but he might get used to smiling pag ito lagi ang kasama niya. Hindi pa nga umabot ng isang araw ang pagsasama nila pero nahahawa na siya sa ngiti nito. Sana nakangiti pa rin sila sa isa’t-isa pag ihahatid niya na ito sa kwarto nito mamaya sa bahay nila Nina.

What really happened to him this night? Nung pagkaladkad niya dito, nawala ang pagkairita niya dito. Dinamay niya ito sa pagtakas niya dahil he saw something that made him panic and thought that maybe this night would be his last chance to be happy. His past is haunting him. Hell, Isabella made him forgot it all. Nakalimutan niya ang panic niya at hinayaan ang sarili na maging civil sila ng brat. It was easy. A lot easier than he imagined.

Nakalapit na si Isabella sa kanya at inilagay ang dalawang kamay nito sa mga balikat niya at inilapit ng konti ang mukha nito sa mukha niya. “We should definitely come here every weekend.” She excitedly declared.

What she said, hit him.

We?

Every weekend?

Nawala ang ngiti sa mukha niya sa narinig at nakita niya rin ang reaksyon ng mukha nito nang nakita ang reaksyon niya. Her smile became fake in an instant. It didn’t reach her eyes anymore. Instead it looked like an effort at bigla ay wala na siyang mabasa sa emosyon sa mukha nito.

Damn, but she was so happy a while ago!

He clenched his fists.

Dahan-dahan nitong tinanggal ang mga kamay nito sa mga balikat niya at umatras. Pinipilit pa rin nitong idikit ang pekeng ngiti sa mukha nito.

“Oh, what I meant was ‘we’ - the girls and me. Don’t get me wrong. Of course you’ll be too busy studying in the weekends.” Rason nito.

He clenched his fists tighter.

He needs to end this now before he’ll be too tempted to continue this one night charade.

-------------------------------------------------------------------------

Izzy

Nakita niya kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito sa sinabi niya. Shit! She shouldn’t have said that! Stupid Izzy!  “WE?” Bakit niya pa kasi ginamit yung word na yun! Eh ramdam niya naman na ang “lagnat” nito eh ngayong gabi lang mangyayari. One night only. It doesn’t mean na kung nagkasundo sila ngayong gabi ay magiging okay na sila sa school.

“Excuse me. I need to go to the loo.” Paalam nito sa kanya. Ni hindi lang man siya nito nilingon. But what bothered her most is that balik na naman sa monotone ang boses nito. Wala na yung pagiging masayahin nito na nakita niya kani-kanina lang.

 She helplessly bowed her head, took a deep breath and renewed her smile. There! Inikot niya ng inikot ang rink. Tingnan lang ng lungs niya kung hindi ito pumutok sa pagod at lamig!

I eat boys up, breakfast and lunch

Then when I'm thirsty, I drink their blood

Carnivore animal, I am a Cannibal

I eat boys up, you better run.

Phone niya yun ah. Kinuha niya ang phone sa bulsa at sinagot ang call.

“Babe, you’ve got a lot of explaining to do.” Bungad sa kanya ni Clark.

“Oh, hi Clark.” Sagot niya dito. Nawalan lalo siya ng gana. Ganito ba ang magiging ending ng gabi niya? Pababa ng pababa ang level?

“Babe, where were you the whole day?” Worried na tanong nito.

“I don’t have to tell you my every move Clark!” Inis niyang sabi dito. Ang utak niya kasi iba ang iniisip. Naka-glasses na sobrang kapal ang gusto niyang kausap hindi ang boyfriend niya.

“I’m sorry babe. It’s just that you made me worry.”

Bumuntong-hininga lang siya. Ayaw niya itong kausap. Nilingon niya ulit kung asan niya huling nakita si Deiderick. Hindi pa rin ito lumalabas.

“Now, will you tell me where you were?” Malumanay na tanong ni Clark.

“I went shopping with the girls and Deiderick, Clark. We are in ---”

“Deiderick?! Why’s he with you?! And shopping? Don’t tell me you’re in Paris with Stevens?” Sigaw nito sa kanya.

“Don’t you dare shout at me, Clark!” Galit niya din na sigaw dito.

Tila natauhan naman ito dahil mas kumalma ang boses nito. “I mean, why are you with him? Why didn’t you ask me?”

“It was a spur of the moment decision. Besides you always said shopping is boring and tiring.”

“Yeah, but you should have told me you’re going with Stevens. You haven’t even texted me since yesterday.”

“Are you jealous?” She asked Clark.

“Who’s jealous?”Tanong ng boses sa likod niya. Deiderick. Napalingon siya sa nakasimangot nitong mukha. Pero kahit pa nakasimangot ito, she felt better. Better than what she felt while talking with Clark.

“Who’s that? Stevens?”Tanong naman ni Clark sa kanya.

“I said who’s jealous?” Nakataas ang kilay na tanong ni Deiderick.

Tiningnan niya ito at pinakinggan ang phone. Sino ba ang sasagutin niya sa dalawa? She sighed. Of course sasagutin niya ng una si Deiderick. Mukhang papatay na ang itsura nito,eh. Buti na lang malayo si Clark.

“It’s Clark.” Sagot niya dito.

“Well he should be jealous. He’s not the one with you now.” Sagot naman ni Deiderick and he even leaned closer sa phone ni Izzy para mas marinig ng mabuti ni Clark. “By the way quarterback, did she tell you we are at the Eiffel? And we are here without her friends and bodyguards.” Dagdag pa nito.

She looked at him questioningly. What the hell? Pinapaselos ba nito si Clark? Pero imposible naman yata. Ang Deiderick na ito? May papaselosin? Hah! End of the world na siguro.

“Izzy? Tell me what he just said is not true. Give the phone to Trixie. I know she’s there.” Pagmamatigas ni Clark.

Paano niya ibibigay ang phone niya kay Trixie eh wala nga ito? Paano niya rin sasabihin kay Clark na wala si Trixie at totoo nga ang sinasabi ni Deiderick? Magseselos ito sigurado! Magseselos? Wala naman siyang ginagawang masama. Tiningnan niya ng masama si Deiderick para maintindihan nito na hindi na ito dapat magsalita.

“Clark, Trixie’s not here---”

“Of course my sister’s not here. Did your steroid boyfriend not hear me? Stupid steroid man.” Sabat na naman ni Deiderick.

Binigyan na naman niya ito ng masamang tingin at sinenyasan na huwag ng sumabat. Hindi kasi makasunod sa simple instruction. Ang manhid! O sadyang matigas lang talaga ang ulo nito?

 “Shut up!” She mouthed.  Naririnig niya kasi sa phone ang walang kamatayang tanong ni Clark.

But the world around her stopped because of what he did next. Napanganga siya.

Oh boy, his lips dangerously twitched upwards and he slowly grinned. Her heart thudded loudly. Bloody hell. Mahihimatay yata siya. She unconsciously held her breath. Napunta ang mata niya sa labi nito. He is armed and dangerous! Ang ngiti nito ang armas nito. His menacing wicked grin could do that to her now? What else can he do to her?

His face leaned closer to her ear kasabay ng pagkuha nito ng phone niya sa kamay niya.

“When I said I don’t want anyone to join or intrude us tonight, I meant it Isabella.” Bulong ng malamig nitong boses.

Alam yata nitong nanlambot ang tuhod niya dahil hinawakan agad nito ang baywang niya para suportahan siya sa pagtayo. Napilitan siyang humawak sa chest nito.

Bloody hell? Bato! When did he become so muscular? Tinanggal niya ang kamay niya na parang napapaso.

Shit! This is not a good sign. Hindi niya alam anong isasagot o anong gagawin. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mata. Nakakalunod kasi ang pakiramdam na magkadikit ang katawan nila.

His hand is so warm sa likod niya at nakakalimot ng pangalan ang amoy nito.

“Hey quarterback, she’ll just text you when I’m done with her, okay? And oh, don’t stay up too late ‘coz I’m pretty sure we’ll be finished by dawn.” Sagot nito sa lahat ng tanong ni Clark.

Dinig na dinig niya pa ang sigaw nito sa apelyido ni Deiderick bago naputol ang linya.

“Now where were we?” Kalmadong nitong bulong sa kanya.

Inis na inis niyang binuka ang mata niya dito. Ang naramdaman niyang pagkalunod sa epekto ng ngiti nito, biglang nawala sa inis niya dito. How dare he?

“Done with me?” She hissed. Tinulak niya ito pero parang wala lang yung epekto. “You made it sound to my boyfriend like I’m a slut!”

He looked at her and for the briefest time she saw regret in his eyes pero nawala na agad.

“Boyfriend? Come on! Last time I checked you panicked when he told you he loves you. And about you being that type of woman…” Itinaas nito ang kilay nito bago ito nagsalita. “Aren’t you?”

Nangilid ang luha sa mga mata niya. It felt like someone stabbed her in her heart and it gets deeper every second increasing the damn pain. Nanginginig ang kamay niya sa galit. Gustong niyang humikbi.

Hindi siya iiyak! Wala siyang lalakeng iiyakan! She is Izzy Stephens and whoever messes with her will surely suffer.

For the third time this day, her right foot connected to his precious member.

BAMMM!

They both fell at nasa ilalim siya nito. Hindi niya alintana ang lamig ng yelo sa likod niya o ang bigat ng lalakeng nakadagan sa kanya. Galit siya at hindi pa sapat ang sipa niya para ilabas ang galit niya dito.

Nagtagisan sila ng tingin. How stupid can she be to believe that he really can change? He will always be heartless.

“Get off of me, nerd!” She snapped.

Hindi ito gumalaw. Tinititigan lang siya nito habang samut saring emosyon ang ibinibigay ng mukha nito.

“I said get off of me, nerd!” Ulit niya.

Pero dahan-dahang bumaba ang mukha nito at tumingin ito sa labi niya.

“Prove to me that you are not that kind of woman by resisting this.” Bulong nito at bumaba na ng tuluyan ang mukha nito.

She can’t breathe!

She wants to stop him but she can’t.

She panicked. No!

“MOMMY! THEY ARE HAVING SEX!” Sigaw ng isang bata sa French at biglang tumahimik ang paligid nila. Nilingon niya ang namumulang bata at ang horror sa mata nito habang nakaturo ang daliri nito sa kanila ni Deiderick.

His lips was halfway there at kung hindi sumigaw ang bata, she would have let him do it. She would have let him prove his point that she is a slut.

Itinulak niya ang katawan nito at bumagsak din ito sa yelo. Tumayo siya kahit mahirap dahil sa sapatos na pang-skates at tinapunan ng huling tingin ang nerd.

“By the way nerd, I am that kind of woman. I just don’t feel like doing it with you!” At tuluyan na siyang tumalikod dito thinking how beautiful this night started and how pitiful it ended.

-------------------------------------------------------------------------------- 

Deiderick

There she goes. Pakiramdam niya parang pinipiga siya habang tinitingnan ang paalis na si Isabella.

Sapo ang tagiliran na pinuntahan niya ang batang sumigaw. Parang walang nangyari na nagpatuloy ito sa pag-skate. Nakangiti siya nitong sinalubong.

“Well?” Tanong nito sa kanya.

“Good job, kiddo.”Hilaw ang ngiti na sagot niya dito.

“It worked right?” Expectant nito na tanong.

“Yeah. I’m pretty sure she’ll never be nice to me ever.” He said keeping control sa boses niya.

“But that’s what you wanted. It’s a pity though because she’s so pretty. And she looks kinda familiar. You should have warned me that she was hot when you told me what to do.” Sabi nito habang hinahawi ang kulot nitong buhok. Buti na lang talaga at nahagip ng paningin niya ito kanina nang nag-CR siya.

All along he planned to pin Isabella down sa ice whatever it takes para sumigaw ang pinsan niya at magawa niya ang plano niya. God knows what he could have done pag hindi sumigaw on time ang pinsan niya.

“Too late kiddo. She’s gone.” Hilaw na ngiti niya dito.

“Yeah. I hope she’s the one you’ll bring back home to face Grampa with. I really think I saw her before.” Sabi nito at hinawakan pa ang chin na waring nag-iisip. “Did she do Vogue?” Bigla nitong tanong sa kanya.

Tumango na lang siya. There is no use denying it.

“Shit insan! I never thought you’re into super models now! Last time I checked you wanted to be a priest!” Bulalas nito sabay palo sa masakit niyang tagiliran. Ramdam niya din ang sakit ng nabugbog niyang alaga na suma total, tatlong beses napalakol ngayong araw na ito.

“All your male cousins wanted to be a priest before.” Sabi niya dito sabay gulo sa magulo na nitong kulot na buhok. “Watch your mouth or I’ll tell Tita of how you use stinky words.”

“Look who’s talking. Pinasigaw mo nga ako ng SEX sa harap ng maraming tao!”

 He grimaced. This girl makes his Tito and Tita’s life miserable. And she’s only 10. Kung may choice lang talaga siyang ibang bata kanina, hinding-hindi niya pipiliin ang pinsan niya na ito. Pero kung iba ang nilapitan niya, baka kinasuhan na siya ngayon ng mga magulang nito.

“Whatever kiddo. Here’s your reward.” Binigyan niya ito ng twenty francs.

“Twenty?! Pagkatapos mo akong ipasigaw ng S---”

Tinabunan niya ang bunganga nito bago nito matapos ang sasabihin nito. “Fine! Here’s fifty. Give me back that twenty.” Sabi niya dito sabay abot sa fifty francs.

Kinuha naman ito na batang babae at ibinulsa. Hindi na nito sinauli ang twenty. Niyakap muna siya nito ng mahigpit bago tumalikod.

“I hope you’ll get home soon, Kuya. It’s like a warzone back there. Ikaw ang panganay. Kailangan mong panindigan ang responsibilidad mo.” Malungkot nitong sabi.

At bigla ay inayos nito ang pagkakatayo at ibinalik ang masayahin nitong boses. “Hey, you still owe me thirty francs, okay?  Pay me as soon as you get home. I forgot to mention that my talent fee is a hundred francs. And I need another hundred to keep my mouth shut from telling them you’re dating Isabella Stephens.” Sabi nito at tuluyan ng umalis.

Crap! He should have known better. Sikat nga pala ang Isabellang yun!

Tipid siyang napangiwi. Nakotongan siya ng two hundred francs ah! Pero nang na-absorb niya na ang lalim ng sinabi nito, nagdugtong ang kilay niya.

A warzone? He can feel it. Malapit na nga yata talaga siyang bumalik ng Pilipinas. Siya nga pala ang panganay sa magpipinsan. Muntik niya ng makalimutan. Lalo na ngayong gabi dahil nakasama niya si Isabella. Now it felt harder for him na bumalik lalo na at naramdaman niya how happy he can be if he just let himself be. Pero wala na ang babaeng nagpasaya sa kanya.

Wala siyang choice. He needed to do that para hindi sila magkasakitan. He can’t think of a better way. Yeah he’s jerk pero mas malala pa yata ang matatawag sa kanya pag ipagpapatuloy nila ang nangyari ngayong gabi. Baka hindi kayanin ng self-control niya. She’s too much of a temptation.

Malapit niya na ngang sabihin dito ang totoo niyang plano nang makita niya na naiiyak ito. He felt like an ogre and God, she felt right in his arms. Pero pinigilan niya ang sarili niya. This night is one of his happiest and she made it possible. Hinding-hindi niya makakalimutan how good it felt pag tumatawa ito at katabi niya ito. Pero alam niya simula’t sapul na isang gabi lang ang binigay niya sa sarili niya na reward. If she can only be his trophy.

He guessed na whenever maririnig niya ang salitang Paris o Eiffel Tower sa future, he’ll always feel longing and regret.

He clenched his fists and gritted his teeth. Guess he is back to being the frowning bitter nerd.

Hindi na nga talaga matutupad ang hiling niya kanina na sana nakangiti pa rin sila sa isa’t-isa pag ihahatid niya na ito sa kwarto nito mamaya sa bahay nila Nina.

--------------------------------

Waaahhh!!! don't hate me po... sooo soorryyy... pero i have a good reason po..

salamat po sa mga nag-vo-vote at mga nag-co-comment! sooo happy po...

Continue Reading