Gugma (COMPLETED)

By zelbadilla

213K 10.6K 3.1K

How can you hate and love a person at the same time? More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Kunting katanungan
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
WAKAS
New story

Chapter 25

5K 278 184
By zelbadilla

Napakunot noo siya ng makita ang kahon sa labas ng bahay. Anong ginagawa ng kahon sa labas?

Hindi ba binuksan ni Jade?

Anak ng teteng. Napakamot naman siya sa kilay. Sumaglit muna kasi siya sa palengke at namili na rin ng mga kailangan sa bahay. Maaga siyang nag abang kanina na mag bukas ang mall dahil sa balak niyang sorpresa kay Jade. Pero mukhang siya pa ang masusurpresa dahil hindi naman pala nito binuksan oh tiningnan man lang ang laman ng kahon.

Naabutan niya ang ama at si Jade sa salas. Ang kanyang ama naman ay naka headset at may kung anong pinapanuod sa laptop ni Jade. Ang babae naman ay nasa salampak sa sahig at nag aaral.

"Aherm!" Tawag pansin niya sa mga ito dahil mukhang hindi siya napansin ng dalawa na pumasok.

Hindi naman siya narinig ng kanyang tatay dahil nakatalikod at naka headset pa. Nag angat ng ulo si Jade saka parang de guma na biglang lukso at mabilis na nakalapit sa kanya. Saka ipinalibot ang magkabilang braso sa kanyang leeg at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.

"Ang aga mo ata? Hindi ka ba nag tinda ngayon?"Tanong nito habang naka palibot parin ang braso nito sa kanyang leeg. Naaamoy pa niya ang mabangong hininga nito dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. Animoy para silang nag sasayaw sa kanilang hitsura. Nakahawak naman sa bewang nito ang kanyang kanang kamay, habang ang kaliwa ay hawak hawak ang iilang supot na pinamili niya.

Hinapit niya ng mas malapit sakanya ang bewang nito saka binigyan ng mabilisang halik sa labi. Tutugon pa sana ito ngunit bigla siyang nag iwas at natatawang tumalikod dito para asikasuhin ang mga pinamili.

"Ang daya mo naman!" Nakasimangot na sabi nito.

"May delivery sa labas bakit hindi niyo binuksan?"

"Hindi namin na tanong kung kanino galing e. Kaya hindi na namin binuksan, sabi kasi ni tatay baka kung ano ang laman niyan."

Anak ng tinapa. Napakamot nanaman siya ng kilay.

"Lika tingnan natin anong laman."

"Baka may bomba diyan Thea."

"Ano bang bomba pinag sasabi mo? Lika na nga." Hinila niya ito palabas.

Sinimulan niyang buksan ang kahon. Si Jade naman nakatingin lang sa kanyang ginagawa.

Nang mabuksan na at tumambad dito ay nanlaki ang mata nito sa nakita. Saka ito bumaling sa kanya ng nag tatanong na tingin at kumpirmahin kung galing ba sa kanya ang washing machine na nasa kahon. Bahagya siyang tumango dito. Maluha luha namang lumapit ito sa kanya saka inangkin ang kanyang mga labi kahit may mga taong nakatingin sa labas.

Bahagya niyang inilayo ito "Nagustuhan mo ba?"

Tumango lang siya kay Althea at hindi alam kung iiyak oh matatawa dahil sa napaka practical na regalo nito. Pero sobrang na appreciate niya. The last time her dad gave her a new car ay hindi naman siya ganito kasaya. Bakit ngayon ay sa napaka simpleng washing machine ay gusto niyang mag papadyak sa tuwa? To think na mas mamahalin na washing machine meron sila sa bahay.

Ikinulong niya sa kanyang dalawang palad ang mukha nito. "Thank you."

Isang halik sa noo naman ang ibinigay nito sa kanya.

"Tara ipasok na natin to sa loob. Ah Jade pag nag laba ka, damit mo lang labhan mo ok? Wag muna isama yung mga damit ko."

"Bakit naman? Eh mas makakatipid nga tayo kung sabay ko labhan damit natin. Saka yung kay tatay."

"Ako na mag lalaba sa damit ni tatay Jade wag kana makulit."

Mag bibigay na siya ng day off sa sarili para naman may time silang dalawa ni Jade. Hindi na muna siya mag titinda pag araw ng linggo. Para matulungan din niya si Jade sa pag lalaba nito. Hindi kasi siya pwedeng basta mag babad sa tubig araw araw dahil mag hapon siyang babad sa mantika. Baka mapasma lang ang kamay niya. Pero sisikapin niyang ipaglaba ito, ayaw niyang nakikitang nahihirapan ito dito sa gawaing bahay dahil alam naman niyang lumaki ito sa marangyang pamumuhay.

"Hoy Althea?" Biglang naputol ang kanyang pag muni muni ng mag salita ito. "Akala ko ba ipapasok na natin to sa loob? Kanina kapa nakatulala sa ganda ko. Tara na sa loob."

Pinisil niya ang tungki ng ilong nito saka sabay nilang binuhat ang washing machine sa loob.

"Jade mag bihis ka aalis tayo." Bulong niya dito

"Bat may pa bulong bulong kapa?"

"Alangan naman sumigaw ako? Baka kasi maka estorbo kay tatay bz siya oh." Nguso niya sa ama na tutok na tutok sa pinapanuod nito.

"Sige na mag bihis kana, dun na tayo kakain sa labas."

"Eh pano si tatay?"

"May pagkain na dito dala ko. Sa susunod naman isama natin siya. Ok lang ba yun?"

"Aba si tatay tanungin mo."

"Naririnig ko kayo." Singit ng kanyang ama. "Sige na kayo na lang makaka storbo pa ako sa date niyong dalawa. Mabuti yan Althea ilabas labas mo din yang si Jade at wag puro pag susungit ang ibinibigay mo."

"Tay naman eh." Lumapit siya dito saka niyakap sa ito sa likod.

"Pagalitan mo nga yan tay, di mo alam minsan ugali niyan parang pinag lihi sa sama ng loob." Ani ni Jade

Sinimangutan naman niya ito. "Mag bihis kana kaya kung ayaw mong mag bago isip ko." Nakangusong sabi niya dito. "Yung damit mo suotin mo ah. Andami kong labahan panay suot mo sa mga damit ko."

Ewan niya pero gustong gusto nitong isuot ang kanyang mga damit pambahay saka pantulog. May mga dala naman itong mga damit at di hamak na mga branded pa kesa sa mga damit niya.

Maya maya pa ay bumaba na ito ng hagdan. Napakunot naman ang noo niya sa suot nito. Naka tank top lang ito na pinaresan ng hindi man lang umabot sa tuhod na palda. "Ano ba yang suot mo?"

"Bakit? Akala ko ba lalabas tayo?"

"Lalabas nga tayo, hindi ka mag sasayaw sa bar. Mukha kang sa gigilid na mga babae sa suot mo. Magpalit ka nga."

"Ang arte mo ah." Napilitan naman siyang mag bihis. Pinili niyang suotin ang hanggang sakong na palda at hindi na niya pinalitan ang kanyang pang itaas.

Ngayon niya lang nalaman kung gaano ka conservative pag dating kasuotan. Lage kasi siyang naka uniform pag nag kikita sila kaya di ata nito alam na mas daring pa ang mga isinusuot niya pag si Sally ang kasama.

"Ano ba yan Jade, hindi naman tayo mag sisimba. Palitan mo yan."

Tiningnan niya ito ng masama saka padabog na pumanhik siya sa taas para mag bihis. Sinuot niya ang kanyang maong na pantalon saka pinaresan ng plain white tshirt. Wala siyang dalang rob ber shoes kaya kinuha niya ang lumang converse nito. Itinali din niya ang kanyang lagpas balikat na buhok saka bumaba ng papag.

"Mas maganda ka sa ganyang ayos. Tara na?"

Sinimangutan niya ito. This is her first date na mukhang mamalengke lang. Gusto pa naman niya magpaganda sa harap nito. Yung tipong parang sa pelikula na pag baba ng hagdan ng babae ay halos malalaglag ang panga ng lalaki dahil sa gandang ganda ito sa kanya.

Kay Althea? Wala nag iwas lang ito ng tingin parang napilitan pa sa kanyang porma. Maya maya pa ay nag paalam na sila sa tatay nito.

+++++++++++++

Nag ikot ikot muna sila sa mall binilhan din siya nito ng mga damit pambahay kahit ayaw naman niya. May dala naman siyang damit pero mas comfy kasi sa kanya ang isuot ang damit nito dahil feeling niya ay yakap yakap niya ito palagi.

"Is it necessary? Why we have to buy all these things if I can wear yours naman?" Tukoy niya sa sneakers na isinukat nito sa kanya. Naka upo siya at ito naman ay naka luhod sa paanan niya para isukat ang sapatos sa kanya.

"Maigi na yan para hindi mo gamitin yang luma kung sapatos. Ayan kasya sayo."

"Althea."

"Hmm.?"

"Hindi mo naman kailangan gawin to. Yung pera mo dapat na sasave mo yan para sa inyo ng tatay mo at hindi para sa akin. Nakikituloy na nga lang ako nakakaperwisyo pa."

Ginulo nito ang kanyang buhok saka kinurot ang kanyang pisngi. "May ipon naman ako para sa amin ni tatay at iba rin yung ipon para sa ating dalawa. Balang araw Jade yayaman din ako at maibibili kita ng kahit anong bagay na gusto mo." Nakangiting tugon nito sakanya.

"Hindi naman yun ang kailangan ko Althea." Tara na nga gutom na ako.

Sa maikling pag sasama nila napatunayan niya na hindi ang antas ng pamumuhay ang nakakapagpasaya lang sa isang tao. Masaya na siya sa kung ano mang kaya nitong ibigay. Pero alam niyang mataas ang pangarap nito dahil hindi naman nito naranasan ang marangyang pamumuhay. Pero kung e kukumpara niya ang buhay nito sa nakagisnan niya, mas masasabi niyang mas maganda ang buhay nito dahil napapaligiran ito ng mga totoong tao.

"Saan mo gustong kumain Jade?" Naputol ang kanyang pag muni muni ng hawakan nito ang kanyang kamay at nag lakad para mag hanap ng makakainan.

"Sa Jollibee, meron ba dito?"

"Seryuso ka? Akala ko nag sawa kana sa jollibee."

Natawa na lang siya dito. Ewan niya pero nag ke crave talaga siya palagi ng jollibee masarap din naman kasi.

++++++++

Matapos kumain ay niyaya naman siya nitong manuod ng sine.

"So it's really a date huh? Talagang bumabawi ka sakin matapos mo akong taray tarayan ng ilang araw.

Natawa lang ito sa kanya saka hinila na papasok ng sinehan.

Hindi pa nag iinit sa pag upo ang pwet niya ay naging un easy naman siya sa pinapanuod nila.

"Psst hoy babae ano nga ulit title nito?" Pabulong na sabi niya dito. Ito naman kasi ang kumuha ng ticket at pumili kung anong papanuoirin nila dahil na bz siya sa kaka reply kay Sally. Tinatanong kasi nito na kung totoong naglayas siya. Simula kasi umalis siya ng bahay ay iniwasan niyang kausapin ito dahil alam naman niyang sasabunin lang siya nito.

"Below Her Mouth Jade." Pabulong na sabi nito.

Sa lamig ng aircon ay gusto niyang pagpawisan habang nanunuod. Grabe naman kasi ang eksena tinalo pa ang Fifty shades of Grey.

Nakaramdam na din siya ng lamig kaya bahagya siyang dumikit dito. Naiinis siya dito mag yayaya pala itong manuod ng sine hindi man lang nag dala ng jacket. Ang romantic kaya ng scene na kung saan huhubarin ng partner mo yung jacket niya at ipapasuot sayo. Tulad ng mga nakikita niya sa mga pabebe movies. Tsk!

Bahagya itong gumalaw at inayos ang pag kakaupo nito saka inilalayan ang kanyang ulo na umunan sa balikat nito. Nakayakap naman ang isang braso nito sa kanyang balikat at ang isa ay naka salikop sa kanyang mga kamay. Ngayon niya na realize na mas romantic pala ang ganito kahit walang jacket body warm lang pala ang kailangan.

"Ang hot ni Dallas noh?" Tukoy niya sa isang character at pabulong na sabi niya kay Althea.

"Mas hot si Jasmine."

"E kasi parehas kayu may masculine side ni Dallas kaya di mo siya bet."

"Gumagamit kasi siya ng sex toy mas gusto ko yung natural lang."

"Bakit hindi ba masarap pag ginamitan ng ganun?"

"Malay ko hindi ko panaman naranasan. Pero kasi parang binibigyan niya parin ng idea yung girl na hindi ma satisfied ito sa normal way na ginagawa ng dalawang babae."

"Gusto mo e try natin?"

Bigla itong humugot ng pagkalalim na hininga bago nag salita. Kaya natawa naman siya dito.

"Ano ba yang pinag iisip mo Jade."

"Oi bakit ayaw mo ba mag explore?" Natatawang sabi niya dito. Napatigil naman siya ng may kumalabit sa kanila sa likod.

"Hoy! Ano ba? Nanunuod ba kayo oh nag lalandian lang?" Sita sa kanila ng isang babaeng nasa kanilang likod.

Kinurot naman siya ng mahina ni Althea.

"Ikaw kasi ang landi landi mo." Natatawang sabi niya dito

+++++++++++

Nag kukulitan parin sila ng maka labas na ng sinehan. Inaasar niyang mas magaling si Dallas kesa dito, napipikon naman ito at naka simangot lang sa kanya. At siya naman ang napikon ng sabi nito crush nito si Dallas gusto daw kasi nito ang morenang balat ni Jasmine. So hindi pala siya nito type dahil maputi siya? Mas gusto nito ang ala Wela na yun na morena kesa sa mala porselana niyang balat.

Napatigil naman sila ng ma bunggo nila ang isang grupo ng mga kababaihan na naka suot halos ng dilaw na damit. Para itong galing sa rally dahil sa mga suot nito. Nakita niya ang logo ng mga damit nito at di nga siya nag kakamali. Mga liberal mga supporter ni Leni Gobredoh may naka sulat pang LABAN LENI

"Kathleen?" Nakakunot na tanong ni Althea dito.

"Oh hi Althea. It's good to see you. Hey guys ito yung sinasabi ko sa inyo na ex ko dati na hindi man lang marunong mag sulat at mag basa." Natatawang baling nito sa mga kasamahan nito at nag tawanan naman ito.

Gusto niyang sugurin ang babae at sambunotan. Bahagyang pinisil ni Althea ang kamay niya saka hinarap si Kathleen.

"Kumusta Althea? Ako? Ito event organizer na ng VP natin. Oh hi?" Baling nito sa kanya. "You must be her new girlfriend? Alam mo na bang illiterate itong girlfriend mo?"

Sasagot na sana siya ng pigilan siya ni Althea.

"Tama na Kathleen! I pitty you that until now you don't know the basic human decency. And then you level your self as an educated one? I'd rather be an illiterate Kathleen with dignity than be a supporter of a vice president who's destroying our very own country and desperately ruining in her selfish desire!"

Napabuga naman siya ng hangin sa sinabi ni Althea. Saka binigyan ng nakakalukong ngiti si Kathleen at mga kasamahan nito. "So what can I say? That's my girl." saka niya hinila si Althea palayo sa mga ito.

==============

A/N: Daming nanalo sa washing machine hahaha. san ba ako mag hahanap ng babae na ibigay sa inyo e ako nga nag hahanap din 😅😅 haay single be like.

Continue Reading

You'll Also Like

178K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
287K 15.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
179K 4.6K 78
[COMPLETED] Meet Cindy. Isang babaeng magulo ang ugali. Minsan mabait, minsan hindi. Slowpoke na exaggerated mag-isip. Mayroon siyang pinagpapantasya...
35.1K 523 3
A mysterious, sad type of girl with a very unique personality, her world cannot be define by the word "usual" when people around her doesnt understan...