Pagkulong.
Iyon ang paborito mong gawin
Dahil marami kang nakikita,
Na hindi kaya maabot ng hubad nilang mga mata
Pagtikom bibig.
Masarap sa iyong pandinig
Dahil mas nagiging malinaw ang lahat,
Ng nasa iyong paligid—sa apat na sulok na silid
Pagsara ng talukap.
Sa wakas, ang nais mong bukod tangi
Dahil lingid sa alam ng iba,
Sila'y naghihintay na sa iyong pag-uwi
- Tahanan