08

32 3 1
                                    




Simula nang mamulat ka, wala kang ibang sinasabi kundi madilim.

Madilim.

Kahit saan ka tumingin.

Madilim.

Kahit anong paraan ang gawin.

Madilim.

Kahit saan mo naisin.

Madilim.

Kahit alin man ang tahakin.

Madilim.

Kahit sino o ano, ganoon pa rin.

Madilim.

Kahit maisip ang paano, walang pagbabago.

Madilim.


Nang pumikit ka at nagmulat muli, marami ka nang tanong sa isipang makulimlim.

Bakit madilim?

Hindi ba't palagi naman talagang madilim?

Bakit nandito ako sa dilim?

Hindi ba't ikaw naman talaga niyan ang humiling ng taimtim?

Bakit pinili ko sa madilim?

Hindi ba't sabi mo may buhay sa dilim?

Hindi ba't malaya mo akong pinili?

Tinanggap ng iyong kalooban upang maghari.


-Dilim

031817

UNSPOKENWhere stories live. Discover now