Fifteen Seconds

By thephantelle

1.2M 15.2K 2.3K

❝Fifteen seconds... and I fell in love with him." More

Fifteen Seconds
I. Kuya (Kathryn)
II. Lola Bambini (Kathryn)
III. Summer Escapade (Kathryn)
V. Revelations (Kathryn)
VI. Childhood Memories (Kathryn)
VII. Lies (Daniel)
VIII. Ice Cream (Daniel)
IX. Sad Truth (Kathryn)
X. Who You Love (Kathryn)
XI. Help (Kathryn)
XII. Scared (Kathryn)
XIII. Treehouse (Daniel)
XIV. Letter (Kathryn & Daniel)
XV. Still (Kathryn)
XVI. Hurt (Kathryn&Daniel)
XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)
XVIII. With You (Julia & Kathryn)
XIX. Farewell, Neil (Kathryn & Daniel)
XX. Happy Birthday? (Kathryn & Daniel)
XXI. Khalil (Kathryn)
XXII. Papa (Kathryn & Daniel)
XXIII. Official (Kathryn)
XXIV. Selfish (Kathryn)
XXV. Vangie (Kathryn)
XXVI. Master (Kathryn)
XXVII. Migraine (Kathryn)
XXVIII. Clarity (Kathryn & Daniel)
XXIX. Lola Cupid (Kathryn & Daniel)
XXX. Lantern (Kathryn)
XXXI. Confused (Kathryn & Daniel)
XXXII. Over My Head (Kathryn)
XXXIII. Unconditionally (Kathryn & Daniel)
XXXIV. Skyscraper (Kathryn)
XXXV. Felicity (Kathryn)
XXXVI. Lia Barretto (Kathryn & Daniel)
XXXVII. Bituin (Kathryn & Daniel)
XXXVIII. I Love You (Lia & Daniel)
XXXIX. Save Me (Kathryn & Daniel)
XL. Hanging On (Kathryn & Daniel)
XLI. Last I Love You? (Kathryn)
XLII. Beginning (Epilogue)

IV. Night with Rina (Kathryn)

34.6K 445 57
By thephantelle

@rinaclemente
"@kitkath Yay, nakita ko na rin Twitter mo! Sana makapunta kayo sa mini concert!! Mwah! ☺"

@kitkath
"@rinaclemente Pupunta kami ni kuya. See you ;)"

"Kuya, dapat ikaw ang pinakagwapong lalake sa mini concert mamaya. Chance mo na rin 'to para maipagpatuloy ang naudlot niyong love story ni Rina." sabi ko kay kuya.

"Ulol. Walang naudlot." nakangiting sabi ni kuya.

"Anong wala? Kanina nga narinig ko na bumulong ka... sabi mo, 'ang ganda pa rin ni Rina'. Edi para mo na ring sinabi na love mo pa rin siya. Kaya wag ka ng magpatumpik-tumpik pa. Gumalaw ka na bago ka pa maunahan." Saad ko kay kuya.

"Lul ka talaga, bunso. Hindi naman porket sinabihan ko ng maganda ang isang tao ay mahal ko na agad siya. Bata pa kami nang magkakilala kami ni Rina. Wala pa kami sa tamang edad para sabihin na mahal na namin ang isa't isa." madramang litanya ni kuya.

Hindi ko ma-explain, pero sa sinabi ni kuya, gumaan ang pakiramdam ko.

Kumbaga, parang nabunutan ako ng tinik.

"Pero kailan ba ang tamang edad para malaman mo kung pag-ibig na talaga ang nararamdaman mo?" tanong ko kay kuya.

Nginitian niya ako at inakbayan. "Hindi ko alam. Wala akong alam. Pero nagpadalos-dalos kasi kami ni Rina. Dalawang linggo pa lang kaming nagkakilala pero akala namin pag-ibig na. Ngayong alam ko na ang dapat, tsaka ko lang nasabi na hindi iyon pag-ibig."

"Ang labo ng love, kuya. Kasing labo ng mga pinagsasabi mo." sabi ko kay kuya.

Ngumit ulit siya at ginulo ang buhok ko.

"Kaya nga wag ka munang pumasok sa isang relasyon. At magbihis ka na kasi pupunta pa tayo sa mini concert." sabi ni kuya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni kuya. Mamaya pa ata siya magbibihis, eh.

Pagkapasok ko sa kwarto, napahawak ako sa dibdib ko. Nakakatakot. First time ko 'tong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Isa lang ang alam ko, natatakot ako. Sana luksong dugo lang 'to. Sana hanggang doon lang. Sabi ni kuya, wag magpadalos-dalos.

Sana... wala lang 'to.

Ayaw ko... kasi alam kong mali.

Kupido... wag naman si kuya, please.

"BUNSO! WAG KA MAGBESTIDA O SHORTS! MAGPANTALON KA NA LANG!!!" sigaw ni kuya. Napangiti ako. Pusang kinalbo ka, kupido. Nakakabadtrip.

Nagpantalon ako at longsleeves, dahil sinabi ni kuya.

Pagkatapos kong magbihis ay tumingin ako sa salamin. "Wag kay kuya, please." bulong ko sa sarili ko. Natatakot talaga ako. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nakangiti si kuya.

"Mabuti naman at sinunod mo ako. Magpaalam ka na muna kay lola. Magbibihis na rin ako." sabi ni kuya at siya naman ang pumasok sa kwarto.

Iba na lang, please. Wag lang ang kadugo ko.

Bawal... mali... hindi ito tama... kailangan itong itigil.

Matamlay akong naglakad papunta sa kwarto ni lola. Naglalaro siya sa Nintendo Wii. "O, apo. May lakad na naman kayo ng kuya mo?" tanong ni lola at pinatay niya muna ang Wii.

Ngumiti ako. "Opo. May mini concert po kasi. Inimbitahan po kami ni Rina." 

"Ah, oo. Siya in-charge doon, eh. Doon lang 'yun sa tabing-dagat gaganapin. Teka... diba siya yung dating... ka-MU ng kuya mo?" tanong ni lola.

Tumango ako. "Opo, lola. Siya nga po iy-"

"BUNSO! TARA NA!" narinig kong sigaw ni kuya.

Niyakap ko si lola at bago pa man ako makalabas ng kwarto niya ay tiningnan niya ako sa mata. "Apo, mahal ka ni lola." sabi niya.

Mas hinigpitan ko ang yakap kay lola. "Mahal ko rin kayo, lola."

"Gawin mo ang sinasabi ng puso mo, Kathryn. Kasi kapag sinunod mo ang gusto ng puso mo, tsaka mo mahahanap ang tunay na kasiyahan." Napatingin ako kay lola dahil sa sinabi niya. Bakit... parang alam niya ang nararamdaman ko? "Hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi. Pero feeling ko na kailangan ko itong sabihin sayo. Ang lungkot ng mukha mo, eh."

"BUNSO!!! DALIAN MO NA!!" sigaw muli ni kuya.

Nginitian ako ni lola at tinulak na palabas ng kwarto niya. Hindi ko maipaliwanag pero ang weird ni lola. May powers ba siya? Manghuhula ba siya?

Gawin ko ang sinasabi ng puso ko? Paano kung mali?

Ang labo-labo ni kupido, bad trip.

Bumalik ako sa realidad ng may humawak sa braso ko... si kuya. "Nandiyan ka lang pala. Nakipagkwentuhan ka pa ata kay lola, eh." Tiningnan niya ako sa mukha. "O, ba't parang nakakita ka ng multo?" tanong ni kuya.

Kathryn, itigil mo na 'to. Bakit ko ba 'to narerealize ngayon? Ang bobo, kainis! Nagpapadalo-dalos lang ako. Maling akala lang 'to. Maling akala! Luksong dugo lang ito. UTANG NA LOOB, WALA LANG TONG NARARAMDAMAN KO. WALA LANG TO!

"Halimaw nakita ko. At ikaw iyon." sabi ko kay kuya at binelatan siya.

Ganyan nga, Kathryn. Kuya mo yan eh.

Hindi siya pwede para sayo. Iyan ang ilagay mo sa kokote mo!

"Nanlait pa. Tara na nga!" bulyaw ni kuya at hinila ako palabas ng bahay ni lola.

Nang makarating kami sa venue ng mini concert, sa tabi ng dagat, humanga ako kay Rina. Napakaganda ng venue. Parang concert sa Araneta. Ang kukulay ng ilaw, ang ganda ng design ng stage... napakaganda ng lugar. Parang may party sa paraiso.

"Kathryn, Daniel!" Tumingin kami sa babaeng sumigaw.

"Rina!" nakangiti kong bati kay Rina. "Napakaganda ng lugar!"

"Salamat, Kathryn. Sa unahan na kayo umupo. Nireserve ko kasi kayo ng upuan. Para mas kita niyo." nakangiting sabi ni Rina at ginuide kami ni kuya kung saan kami uupo.

"Ang astig mo, Rina! Haha! Salamat!" sabi ni kuya habang naglalakad kami.

"Wala, eh. Maganda, eh." nakangising sabi ni Rina.

"Anong konek?" poker face kong sabi kay Rina.

Hinampas niya ako sa braso. "Wag kang basag trip, Kathryn." 

Nagtawanan lang kami ni kuya at Rina. Nakakamiss rin pala si Rina. Kahit na palagi ko siyang inaasar noong una kaming nagkita. Biro ko lang naman iyon kasi ang cute-cute niyang inisin. Kaibigan ko si Rina at ngayon... bagay sila ni kuya.

"Ayan! Dito muna kayo umupo. Kita ulit tayo pagkatapos ng concert. Treat ko kayo ng dinner." nakangiting sabi ni Rina.

"Hindi, sagot ko na. Libre ka nang libre. Ang yaman mo na ah!" sabi ni kuya.

"Tse! Haha! Sige, sige. Sagot mo ah? Lagot ka sa amin ni Kathryn. Marami kaming kakainin." nakipagapir pa sa akin si Rina. "Osha, mamaya ha!"

Tumakbo na si Rina papunta sa backstage.

Nagsimula na ang mini concert. Unang kumanta ay yung bandang "Chikas", apat sila sa grupo, tatlong babae at isang beki. Nakakatawa yung performance nila. Yung bading kasi, ang daming ginawang stunts. Nakakatawa. Ang mga sumuunod na performance ay punong-puno ng sayawan at kantahan. Ang cool. Sobrang saya ng concert, hindi nakakabored.

"At para sa huli nating performance para sa concert na ito, let us welcome, Rina Clemente!!!" masiglang bigkas ng emcee.

Sobrang lakas ng palakpakan. Mukhang sikat na sikat si Rina dito.

Mas lumakas ang palakpakan nang lumabas si Rina. Nakashirt siyang may black&white na stripes at skirt na black. May suot rin siyang hat. Hanep. Para siyang rockstar.

May dala siyang gitara. Ang astig niya.

Can we fall, one more time?
Stop the tape and rewind
Oh and if you walk away I know I'll fade
'Cause there is nobody else

Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao. Ang ganda pa rin ng boses ni Rina.

It's gotta be you
Only you
It's got to be you
Oh, only you

Tumingin si Rina sa direksyon namin. At alam kong si kuya ang tinitingnan niya. Alam kong para kay kuya ang kanta. Buong kanta, nakatingin si Rina kay kuya at alam kong nakatingin rin si kuya kay Rina. Parang... parang nanunuod ako ng isang love story.

Kahit na sinabi ni kuya na wala lang 'yung kanila ni Rina... bagay sila eh.

At hanggang ngayon... si kuya pa rin ang gusto ni Rina.

"Ku-kuya..." bulong ko kay kuya.

Kahit na sobrang lakas ng sigawan, hindi ko inaasahan na lilingon si kuya. Nginitian niya ako at ginulo ulit ang buhok ko. "Bakit?"

"Wa-wala lang." sabi ko at nginitian siya.

Si Daniel... ang kuya ko. Siya ang kuya ko.

Pagkatapos ng mini concert, hinintay namin si Rina sa labas ng backstage. Pagkalabas niya ay nakapantalon siya at loose shirt. Ngumiti siyang lumapit sa amin.

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Saan pa ba? Edi kay Aling Bebang!" sigaw ni Rina at hinila kami ni kuya.

Patakbo kaming pumunta kay Aling Bebang. Kaibigan ni lola si Aling Bebang kaya pinayagan ni lola na magtayo si Aling Bebang ng maliit na restaurant sa resort. Sobrang sasarap ng luto dito, daig pa ang ibang international restaurants! Promise, walang halong biro.

"ALING BEBANG!!!!" sigaw namin ni kuya at niyakap si Aling Bebang ng sobrang higpit.

"Haru!!! Sino ba itong mga kasama mo Rina at wagas makayakap?" Naitulak kami ni Aling Bebang at tila ba sinusuri niya ang mukha namin ni kuya. "Haru!!! Kathryn? Daniel? Uwaaa!" Sigaw ni Aling Bebang at niyakap kami ni kuya.

Pagkatapos ng yakapan ay nagtawanan kami.

Nakakamiss si Aling Bebang!!! 

"Aling Bebang, ang sexy niyo pa rin!" nakangising sabi ni kuya. Ang lakas talaga mang-asar ni kuya. Kahit matanda, di pinapatawad.

Pinalo ni Aling Bebang si kuya sa braso. "Bad trip ka talaga, Daniel. Eto ang bagong sexy." Natatawang sabi ni Aling Bebang at nagpose na parang model.

"Iyown naman! Aling Bebang, yung paborito po namin!" sabi ko.

"Sige, sige. Adobo para sa tatlong pugo, coming!!" sigaw ni Aling Bebang at patakbong pumunta sa kusina. Wahahaha! Ang cute ni Aling Bebang tumakbo.

Umupo na kami nila kuya sa pangapatang upuan. Katabi ko si kuya at wala akong katapat samantalang katapat naman ni kuya si Rina.

"Magkwento naman kayo." nakangiting sabi ni Rina.

"Ako, ako! Magkekwento ako." pagvovolunteer ko.

Napatawa naman si Rina. "Oo, sige, magkwento ka."

"Alam mo ba... may kaibigan na akong babae? Ang pangalan niya ay Miles. Medyo magkapareho kayo ng ugali kasi kalog din siya. Pero sobrang bait niya, Rina. Kapag may problema ako o may nangaaway sa akin, palagi siyang nasa tabi ko. Walang sad moments kapag kasama ko siya. Tapos, nagkaboyfriend siya. Akala ko nga mababawasan 'yung oras niya para sa akin, sa bestfriend niya. Pero hangang-hanga ako sa kanya kasi nabalanse niya ang oras niya para sa bestfriend niya at boyfriend niya. Sobrang mahal niya yung boyfriend niya, first love kasi niya. Pero bago mag-Summer ngayong taon, nakipagbreak yung lalake. Kaya sobrang lungkot ni Miles. Naaawa nga ako sa kanya kasi sobrang sakit nung naranasan niya. Nalulungkot rin ako kasi wala akong magawa para maalis 'yung sakit na nararamdaman niya." kwento ko kay Rina.

Noong una naming pagkikita ni Rina, si kuya at ang barkada niya lang ang kaibigan ko sa school. Kaya may mga taong sinasabing malandi ako kasi nga puro lalake barkada ko. Pero kasalanan ko ba na walang lumalapit sa aking babae? Kaya sobrang saya ko ng makilala ko si Miles. Atleast, meron na akong babaeng kaibigan. Kaya ngayon, apektado rin ako sa breakup nila ni Marco, ang boyfriend niya. Loko kasi yung bobong yun. Pinakawalan pa si Miles.

"Kawawa naman ang bestfriend mo. Basta, wag kang aalis sa tabi niya. Sapat na iyon para maipakita mo sa kanya na hindi siya nag-iisa." advice ni Rina sa akin.

"Kaya nga sinabi ko diyan kay Kathryn na wag munang makikipagrelasyon. Baka kasi masaktan siya." dagdag ni kuya. Ayan na naman siya.

"Haha! Tama nga naman. Nga pala, ikaw... kamusta ka?" tanong ni Rina.

Oh no. Ang awkward, ang awkward, awkward.

Kailangan ko na ata munang umexit. Kailangan nilang mag-usap.

"Guys! Punta muna ako kay Aling Bebang. Namimiss ko yakap niya, eh. Para lang akong yumayakap sa isang teddy bear." sabi ko sabay punta sa kusina kung saan nagluluto si Aling Bebang. Nilapitan ko siya at naamoy ko na naman ang mabangong Adobo.

Ang astig talaga magluto ni Aling Bebang!

"Malapit na 'to, Kathryn. Iinitin ko lang 'to. Kamusta na pala kayo? Ang tagal din nating hindi nagkita, eh. Palagi ko nga kayong tinatanong kay Rina pero wala raw kayong komunikasyon." paliwanag ni Aling Bebang.

"Okay naman po kami. Medyo mahirap lang po kasi wala sila mama at papa sa tabi namin. Walang magulang na papagalitan kami kapag may nagawa kaming mali, walang magulang na aakyat ng stage kapag may nakuha kaming award ni kuya, ang hirap po kapag walang magulang sa tabi. Pero tuloy pa rin po dapat ang buhay." malungkot kong wika kay Aling Bebang.

Ngumiti naman si Aling Bebang. "Tama 'yan, iha. Tuloy lang ang buhay. Tsaka palagi mong isipin ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang magulang niyo. Para sa kinabukasan niyo rin."

"Opo, yun na lang po palagi kong iniisip." sabi ko kay Aling Bebang.

"Eh musta lovelife mo? Ng kuya mo?" 

"Wala po akong ganun. Ewan ko lang po kay kuya." sabi ko kay Aling Bebang sabay silip sa labas. May butas kasi yung pintuan ng kusina kaya makikita mo ang nangyayari sa restaurant. Nakatalikod si kuya sa akin at nakaharap si Rina.

"Mukhang seryoso ang pinaguusapan ng dalawa ah." sabi ni Aling Bebang.

"Kaya nga po umalis muna ako, eh." wika ko.

Nagpatuloy sa pagluluto si Aling Bebang. Umupo nalang ako sa may tabi at naglaro sa cellphone ko. Makalipas ang fifteen minutes ay natapos na rin si Aling Bebang.

"Ikaw po magseserve? Nasan po yung mga waiter?" tanong ko.

"Pinauwi ko na muna sila." nakangiting tugon ni Aling Bebang.

"Tulungan ko nalang po kayo sa pagseserve." Wika ko at kinuha ang isang tray. Pinauna kong maglakad si Aling Bebang at nang makita kami nila kuya ay dali-dali niya kaming tinulungan.

"Libre ko na 'yan sa inyo." sabi ni Aling Bebang.

Pagkaalis ni Aling Bebang ay abot tenga ang ngiti ni kuya. "Kuya, problema mo?"

"Hehe, libre daw ni Aling Bebang. Ibig sabihin, pass ako ngayon." sagot ni kuya.

Tumawa kaming tatlo. Sinimulan na naming kainin ang Adobo. Wala pa ring kupas ang sarap ng luto ni Aling Bebang. Bawat kagat, may lasa.

Wahahaha, pakiramdam ko, endorser ako sa ginagawa ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Rina. "Guys. Kailangan ko ng umalis. Nagtext na kasi si daddy at pinapauwi na ako. Sige, next time ulit. Salamat sa time. ALING BEBANG, ALIS NA PO AKO." sabi ni Rina at dali-daling umalis.

Tinulungan namin si Aling Bebang dahil mukhang nalate ang mga trabahador niya. Siya lang tuloy ang tao sa restaurant. Buti at wala masyadong customer kasi baka mahirapan si Aling Bebang. Pagkatapos naming linisin ang pinagkainan namin ay nagpaalam na kami.

Habang naglalakad pabalik sa bahay ni lola, hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Ku-kuya... anong napagusapan niyo ni Rina?" tanong ko.

"Yung nakaraan, ano pa ba?" 

"Anong sinabi mo?"

"Sinabi ko yung totoo. Na hindi ko siya mahal at masyado pa kaming bata noong nagkakilala kami. Sinabi ko yung totoong nararamdaman ko."

"Kuya, hindi ba siya nasaktan?"

"Sabi niya mahal niya pa rin ako. Pero pinili ko pa ring sabihin ang totoo kasi baka umasa pa rin siya. Ayaw kong paasahin ang isang babae." sabi ni kuya.

"Ahhh..." Wala akong masabi.

Nang marating namin ang bahay ay gising pa rin si lola at nanunuod ng Dream High sa computer. Inistop niya ang panunuod ng nakita niya kami ni kuya.

"Mga apo!! Matulog na kayo kasi may pupuntahan tayo bukas." masiglang sabi ni lola. "Este sa umaga pala!" dagdag pa niya. 12 na kasi ng umaga.

"Saan po?" tanong ni kuya.

"Kanila Aling Rosing. Umuwi kasi siya galing abroad kaya niyaya niya tayong pumunta sa bahay niya kasi may unting saluhan." saad ni lola.

"Ahh.. Sige po. Matutulog na po ako, lola. Pagod na ako, eh." sabi ko kay lola at matamlay na umakyat papunta sa kwarto namin ni kuya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Naaawa ako kay Rina... pero parang gumaan ang pakiramdam ko.

Gumaan kasi... hindi ko maexplain. 

@kitkath
"Ang labo ko."

END OF CHAPTER FOUR
Thank you po sa pagbabasa!

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 1.9K 63
MATURE CONTENT || R18 This idea of Blaire's step-sister Aivey sounded rather fun and she used to it, her step-sister had suggested to her to go back...
114K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
598 103 33
[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga...
1.5M 17.9K 41
He was standing few meters in front of her and he was the perfect epitome of heartache. She can't let herself be lulled to happiness by words uttered...