Monstrous Academy 3: The Hidd...

Av dauntlehs

957K 31.7K 8.3K

(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from t... Mer

P R O L O G U E.
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Final note.

Epilogue.

39.8K 1.5K 814
Av dauntlehs


Epilogue.
-

I really don’t know what to say. ‘Yong taong maraming buhay na sinira, ‘yong taong ginawang eksperimento ang buhay namin ng pamilya ko. ‘Yong taong nasa likod ng lahat ng ‘to ay lolo ko?!

Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang baril sa kamay ni mommy. Kinasa ko ‘yon at itinutok sa matanda, never kong matatanggap na ang isang taong gaya niya ay kadugo ko.

“Anak.” Tawag ni mom pero hindi ko ‘yon pinakinggan.

“Alam kong marami akong pagkukulang sa ‘yo Rain at sa ‘yo na rin Erin. But trust me, kailangan kong gawin ang lahat ng ‘to.” Sabi ng matanda pero hindi ko rin siya pinakinggan.

“Papa bakit?” Rinig ko ang panginginig ng boses ni mom, kahit hindi ako lumingon ay alam kong umiiyak siya.

“No’ng araw na namatay ang mama mo, pinangako ko sa sarili ko na igagawa kita ng maganda at kumpletong pamilya. Maraming pagod at oras ang ginugol namin ng mama mo para itayo ang eskwelahan na ‘to nang hindi mo nalalaman, maraming nagtangka sa buhay ko pero hindi ko ‘yon pinakinggam hanggang sa ‘yon na nga, nangyari ‘yong insidente..” Paliwanag nito.

“The exchange student thing is my doing. Pinagmukha kong may exchange student para mailipat kita rito sa Monstrous. No’ng araw na ‘yon ay pinagpaplanuhan ko na lahat kung paano ang magiging takbo ng buhay mo, mula sa keen’s leader na si Yb at sa grupo nila Thunder.”

“Wait, does that mean na lahat ng ‘yon ay ikaw rin ang may pakana?” Tanong ni mom at tumango lang ‘yong matanda.

“Naging maganda naman ang kinalabasan kaya sinubukan kong gawin din ‘yon sa mga sumunod pang henerasyoㅡ”

“By what? By controlling them?” Pagsingit ko sa pagpapaliwanag niya kay mom.

“It’s not what you think, Erin. What I’m saying is that, kaya kong gumawa ng buong pamilya. Kaya kong baguhin ang takbo ng buhay ng isang tao.”

“So sino ka sa tingin mo? Diyos? Masaya ka ba na ginawa mong eksperimento ang buhay ng sarili mong anak at apo?” Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa galit. Ang dami naming pinagdaanan dahil lang sa sarili niyang dahilan.

“Oo dahil nakikita ko kung paano siya naging mabuting ina gaya ng lola mo. At ikaw, napalaki ka niyang matapang. Naniniwala ako na walang mali sa ginagawa ko kaya ibaba mo na ‘yang baril moㅡ”

“No! I promised to myself na papatayin ko ang nasa likod ng lahat ng ‘to... Kahit na sino pa siya.” Madiing sabi ko.

“Ibababa mo ba ‘yan? O gusto mong matapos ang buhay ng mga mahal mo sa buhay? That includes your father. In just one button and they will be killed.”

“Papa! Itigil mo na ‘to! Nagmamakaawa ako! Gusto mong magkaroon ako ng buong pamilya ‘di ba? How can you even do that kung papatayin mo si Thunder?! Itigil niyo na ‘to!” Sigaw ni mom habang ako naman ay nililibot ang paningin para hanapin kung nasaan ang mga button na sinasabi niya.

It’s already 8:55 a.m, 5 minutes na lang, I need to do something.

“Kapag ba nasira ‘yang device sa likuran mo, babalik sila dati?” Seryosong tanong ko at nanlaki ang mata niya.

“Teka. Erin, ‘wag mong ituloy ang binabalak mo.” Ngumisi ako at saka itinutok sa ibang direksyon ang hawak kong baril.

“I will take that as a yes.” Nakangiting sabi ko bago paputukan ang device na nasa likuran niya. Napasigaw lang siya at saka pilit sinubukang ayusin ‘yong device na ‘yon.

Humarap ako kay mom at saka siya niyakap. Muli naming tinignan ‘yong matanda at saktong dumating si Zero.

“What happeㅡsiya ba ang may gawa ng lahat ng ‘to?” Tanong niya.

“Yes, and he’s my grandfather. Crazy, right? Tulungan mo ako. Dalhin na natin siya palabas.” Sabi ko at saka namin tinulungan ‘yong matanda. Hinang-hina siya at parang nawala na siya sa sarili.

“Sorry pa.” Pag mhingi ng tawad ni mom bago kami tuluyang bumaba. Saktong paglabas namin ng building ay sinalubong kami ni dad. Agad niyang niyakap si mom pero kumalas din nang maibaling ang tingin sa matanda.

“Everyone! This is my grandfather. Rey Celvero... Siya ang nasa likod ng lahat ng ‘to. He's the owner of Monstrous Academy, alam ko mali ‘yong mga pinaggagawa niya but one thing na na-realize ko. Magulang din siya na gusto lang ang ikabubuti ng karamihan...”

“...But everything went wrong. Hindi lahat ng alam nating tama ay tama para sa iba, kaya ako na humihingi ng tawad sa inyo.” Sabi ko at ngumiti lang sila habang tumatango. Masaya naman akong makitang bumalik na sa normal ang mga nakontrol kanina.

“Ang importante ay tapos na ‘to.” Ani mom at saka tumingin sa akin.

“Thank you.” Ngumiti lang ako bago kami sabay-sabay na lumabas sa lugar na ‘yon. Sila Xian ang nag-lead sa daan dahil sila ang nakakaalam, sabi niya na kahit kontrolado sila kanina ay may mga bagay pa rin siyang natatandaan.

Nagpunta kami sa white room kung saan ako nanggaling noon. I thought everything was just a wall pero may secret passage pala roon kung saan nag-lead sa amin papunta sa dean’s office. Napangiti na lang ako nang maisip kong tapos na nga ang lahat ng ‘to. Hinawakan ni Zero ang kamay ko at saka ‘yon hinalikan.

“Finally.”

2 years later.

“Congratulations graduates!” Agad kong hinubad ang nasa ulo ko at saka ‘yon binato pataas. Pagsalong pagsalo ko ay mabilis akong niyakap ni Zero. Tumingin ako kila Jennie na ngayon ay umiiyak. Finally, graduate na kami.

Malungkot nga lang dahil hindi namin kasabay si Tyler. Third year pa lang siya ngayon dahil sa nangyari sa kanya noon. Hinawakan ni Zero ang kamay ko at saka kami naglakad palabas ng hall.

“Congrats baby.” Bati ni dad nang salubong nila kami. Humiwalay na rin si Zero dahil sinalubong siya nila Tita Zea kasama si Third.

Masaya akong ngumiti habang nakatingin sa mga kaibigan ko kasama ang mga magulang nila. Masaya ako na sama-sama pa rin kami hanggang ngayon.

“Dad? Mom? Pwede ba tayong dumaan kay lolo bago magpunta sa celebration?” Tanong ko at ngumiti lang sila habang tumatango.

After ng nangyari, naging tahimik na si lolo, parang nawala siya sarili kaya naisipan ni mommy na dalhin siya sa isang hospital para sa mga matatanda. That day, naisip ko rin na patawarin siya. Somehow, naiintindihan ko kung bakit niya nagawa ang mga bagay na ‘yon. Alam ko namang mali pero alam ko rin na masakit para sa kanya na mawalan ng mahal sa buhay and all he wants is what’s best for my mom and me.

“We’ll wait for you here, okay? Bilisan mo lang dahil dumiretso na sa venue ‘yong mga kaibigan mo pati na rin ang mga tita at tito mo.” Bilin ni mom bago ako bumaba sa kotse.

Pagpasok na pagpasok sa hospital ay agad akong nagpunta sa garden kung saan madalas tumatambay si lolo. And as expected, nandoon siya. Nakaupo sa rocking chair habang nakaharap sa mga halaman.

“Hi Lo.” Bati ko kahit alam kong wala siyang magiging reaksyon. I’m the one to blame kung bakit siya nagkaganito kaya minsan nasasaktan ako kapag nakikita siya.

“Kumusta na kayo? Graduate na po ako sa school na itinayo niyo ni lola. Wag po kayong mag-alala, naging maganda po ang pagpapatakbo ni mom and dad sa Monstrous nitong dalawang taon.” Hinawakan ko ang kamay niya at laking gulat ko na lang nang ipatong niya ang kamay niya sa kamay naming magkahawak.

“Congrats apo. Mahal ka ni lolo.” Kusa na lang tumulo ang luha ko at saka siya niyakap ng mahigpit.

“Mahal din kita Lolo, and I’m sorry.”

Nang makarating kami sa venue ay agad akong sinalubong ni Zero. Gano’n na rin sila Jennie at ang iba pa. I’m really glad that I have them. Mas masaya pa rin talaga kapag nagkaroon ka ng marami at totoong kaibigan.

“Congrats sa ating lahat.” Ani Alex habang nakahawak sa baywang ni Rozee, hindi naman na ako nabigla na sila na isang linggo matapos naming makalabas sa hidden place ng academy. Sila Ten at Erin naman ay bumalik sa America, I guessed na-trauma sila sa nangyari.

“Tyleㅡ” Hindi ko na naituloy ang pagtawag sa kanya nang makita kong hawak-hawak niya ang kamay ni Akira..

“Anong ibig sabihin nyan?” Tanong ni Jester.

“We’re dating.” Nakangiting sabi ni Akira kaya naman nag-group hug kami ng mga girls. Habang sila Xian naman ay ni-wrestling si Tyler.

“Hoy hoy, kumain na muna kayo.” Suway ni Tita Tymee kaya naman nagpunta na kami sa mga lamesa namin para kumain.

Nagkakasiyahan ang lahat nang bigla na lang tumayo si Zero, and just like that natahimik ang paligid. Inikot niya ‘yong upuan ko paharap sa kanya at saka siya lumuhod.

“Remember what I promised two years ago?” Tanong niya at tumango ako habang nakangiti.

“Can I ask you again? Will you marry me?” Hindi ako sumagot at inabot na lang ang kamay ko. Sinuot niya ‘yong singsing kaya naman nag-ingay ang lahat. Tumayo kaming pareho at saka niya ako hinalikan, pagkalas namin ay humarap kami sa mga kasama namin.

“Congrats, Anak.” Masayang bati ni dad at gano’n din ang iba. Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa mga naging parte ng buhay koㅡng buhay namin ni mom and dad.

“Ako na magkakasal sa inyo, mga alagad ng Diyos.” Seryosong sabi ni Tito Jp.

“Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa ‘yo, Father” - Tito Ramon.

“Mas kinikilabutan pa rin ako sa gums ni Suga. Ilang taon na, pero gano’n pa rin.” - Tito Jimmy.

“Parang height mo, hindi man lang nadagdagan.” - Tito Suga.

“Pink, let’s make a baby again.” - Tito Jin.

“Eh kami, Tito? Pwede na kami gumawa ni Chloe?” - Jester.

“Jasper, pwede ko bang sapakin ‘yong anak mo? One time lang.” - Tita Pink.

“Mom, nagjo-joke lang siya.” - Chloe.

“Sa dami ng pwedeng manahin ng anak natin sa ‘yo, bakit kamanyakan pa?” - Tita Emerald.

“Gano’n talaga, sayang magandang lahi natin.” - Tito Jasper.

“Gusto ko magpunta sa Japan.” - Tyler.

“Let’s go, doon tayo magbakasyon.” - Akira.

“Hoy bakit sa Japan? ‘Wag doon. Mahirap na.” - Tito Matthew.

“Hayaan mo nga sila, sige lang anak magbakasyon kayo.” - Tita Tymee.

“Ano bang meron sa Japan?” - Tita Amanda.

“Wag mo nang alamin, hon.” - Tito Axel.

“Bakit hindi ko nakikita ‘yong asawa ng dad mo?” - Alex.

“Hindi ko rin alam.” - Rozee.

“Tito, pwede ko na bang pakasalan si Xian?” - Jennie.

“Bakit parang baliktad yata?” - Tito Liam.

“Gano’n na kasi uso ngayon.” - Tita Ayesha.

“Hoy, Zero! Ayusin mo, ah. Magtrabaho muna bago mag-anak.” Bilin ni Tito Jiro.

“Dad, hindi pa nga kami kasal eh. Don’t worry.” Ani Zero at napangiti lang ako. I’m glad na okay na ang relationship niya sa parents niya.

Nakangiti lang akong nagmamasid sa kanila. Ang saya-saya ng buong barkada nila dad at gano’n na rin ang barkada namin nila Zero.

“Anak, masaya ako para sa ‘yo.” Sabi ni mommy at ngumiti ako ng malawak. Everything went well after naming lumabas sa lugar na ‘yon. Alam kong may mga problema pa kaming haharapin sa mga susunod na taon pero sinisigurado kong malalagpasan namin ‘yon kahit anong mangyari.

Just like what I said, it wasn’t my choice to be different but I will do anything to survive and nowㅡmagsisimula na naman ang panibagong chapter ng buhay namin.

[THE END..]

FortsÀtt lÀs

Du kommer ocksÄ att gilla

82.6K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✹ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
6.3M 324K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
5.2M 11.4K 3
||"To save the future, You must alter the Past." || All Rights Reserved 2016 Cover By: @nyctoclypse ♡ Thankyou! Highest Rank Achieved : #1 in Action...
369K 16.7K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...