I'm His Private Dancer

By Shettered

3.7M 52.3K 3.6K

[Completed] Who am I? I'm not perfect but i'll do my best for you. PS: Don't judge a book by its title. More

I'm His Private Dancer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Question.
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Eleven

108K 1.2K 95
By Shettered

Samot-sari na ang nararamdaman ko ng nakatapat na ako sa pintuan ng suite ni Sir. Kung kanina ay kampante pa ako ngayon ay para bang luluwa na ang puso ko kaka-isip ng pwedeng mangyari sa loob ng room na ito.

"Papasok ba ako o hindi?" Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko malaman sa utak ko kung ano bang desisyon ang susundin ko. Pero heto na ito, naririto na ako, umakyat na ako at sumunod sa kanyang kagustuhan, aayaw pa ba ako.

At bakit ka ba kinakabahan, Trixie? Wala ka naman ginagawang masama. Ang tanging sinabi niya lang naman ay pumunta sa room niya, kaya 'yun lang. Wala ng iba.

Hinawakan ko na ang door knob ng suite niya. Hindi ko mapigilang hindi manginig. Pabaling-baling ma din ang ulo ko sa kanan at kaliwa. Nagbabakasakaling may makakita sa akin at ilayo ako dito. Pero dahil nga gabi na ay nasa loob na ang mga ito.

At kung minamalas ka nga naman, kahit na gabi na ay nakita pa ako ni Sir Liam, akala ko buong araw kong hindi makikita ang mukha niya niya.

Pumasok na ako ng tuluyan, hindi rin naman naka-lock ang kanyang pintuan. Inaasahan na talaga ako ni Sir ngayon.

"Sir?" Tawag ko rito ng nakarating na ako sa kanyang sala.

Nilibot ko ang pningin ko pero wala siya, wala din sumasagot.

"Sir?" Kumatok ako sa kanyang kwarto, nagbabasakaling naroroon siya bagkus wala rin ito doon at wala rin nasagot.

Napakamot ako ng ulo, imposible naman na wala rito si Sir Liam, hindi niya naman hahayaan na bukas ang suite niya. At sinabi naman nito sa akin na sumunod ako sa kanya.

May narining akong kaluskos sa bandang veranda, bukas ang pintuan, kaya naman pala panay ang lipad ng buhok ko, akala ko ay malakas na aircon lamang iyon.

"Sir Liam?" Tawag ko ulit rito ng makarating ako sa kanyang veranda.

Tumingin lang ito sa akin at ibinalik muli sa dagat.  Katulad ng kanina ay hindi ko nakikita ang mukha nito, nasa madalim itong pwesto.

"Bakit ngayon ka lang?"

Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko sa ganoong boses na binigay niya. Masyadong seryoso at walang ka-emosyon. 

"Kanina ko pa.."

"At kanina pa din ako naghihintay sayo. Kaninang kanina pa."

"Ano po ang ibig  niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko rito.

"May pinag-usapan tayo, di ba?"

"Po?"

"Trixie, sa lahat ba ng sinabi ko kahapon ay naiintindihan mo?"

"Ano po doon Sir?"

Nakita ko naman itong sinabunutan ang sarili. Kaya dali-dali akong lumapit dito para alalayan. Baka hindi na kinakaya ni Sir ang matinding lamig kaya ginagawa niya 'yun.

"Sir tara na po sa loob."

Hinawakan ko naman ito sa ulo at inalis ang mga kamay na nakasabunot sa kanya.

Piniksi niya lang iyon at tumingala sa akin. Nasa mukha niya ang pagiging frustrated. Baka nahamugan na siya kaya ganyan na lamang siya  makatingin.

"Sir baka kung mapaano po kayo, tara na po sa loob." Pamimilit ko rito.

"Maupo ka." Anito.  Ang lamig ng pagkakasabi niya at para bang tagos kung mag-utos.

"Pero, Sir malamig dito, baka nilalamig na po kayo."

"Lahat ba nang sinasabi ko iniintindi mo?"

Bigla naman nagsitaasan ang mga balahibo ko. Nakakatakot, hindi ko na alam kung sino ba itong nasa harap ko. Umatras ako ng konti ng magtama ang mga mata namin. Ibang iba ito sa mga titig na binibigay niya sa akin noong nakaraan na magkasama kami o sabihin na lang natin kahapon. Kahit hindi kami ganoon magkakilala ng lubusan ay nagkwento ito ng mga nasa saloobin niya, pero ngayon hindi ko na siya mabasa.

"Opo naman, Sir."

"Kung ganoon natatandaan mo ang pinag-usapan natin kahapon?"

Natatandaan ko naman talaga iyon, ang kaso ayaw ko lang alalahanin, di ba nga kaya ako umiiwas dahil ayaw kong makita si Sir? Hindi ko naman alam na ganitong trato ang ibibigay niya sa akin.

"Yes, Sir." Mahina kong banggit rito.

"Good, umupo ka at mapag-usapan na natin." Mahinahon niya ng sabi.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanyang utos. Umupo ako sa katabing upuan nito at yumuko. Nararamdaman ko kasi ang titig niya sa bawat galaw ko. Nakakahiya naman kung harapan ko ito, ni titig nga hindi ko makayanan, ito pa kayang salubungin ang tingin na binibigay niya sa akin.

"Sir, seryoso po ba kayo talaga dito?" Tanong ko dito. Pasimple lang akong tumingin ng tanungin ko siya.

Imbes na sagutin niya ako ay tinaasan lamang niya ako ng kilay kaya naman dali-dali din na yumuko ako at pinaglaruan na lamang ang aking mga daliri. Alam ko naman na wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya lalo na't nakasimangot pero heto pa din ako tanong ng tanong.

"Sign this." May nilapag naman siya sa tapat na mesa ko, isang folder at ballpen.

Ang itsura kasi ng veranda ni Sir Liam ay may apat na silyang magkakatapat sabawat isa at may isang coffee table sa gitna. Tulad ng pinuntahan namin ng isang beses sa rest house ay simple lang din ang disenyo nito, walang halong karanyaan sa buhay. Kitang-kita din ang buong karagatan. 

Nakita din ba kami ni Sir kanina? Tanong ko sa isip ko. Nakakahiya kasi kung ganoon, para pa naman kaming mga bata ni Ivan kanina.

"Para saan po ito, Sir?" Kinuha ko naman ang folder.

"Bakit hindi mo basahin para malaman mo?"

"Ang sungit mo naman, Sir, nagtatanong lang po."

"Ako ba talaga'y ginagalit mo?"

"Hindi po, Sir. At saka wala naman po akong ginagawa, a." Umiling-iling pa ako rito, pinaparating na wala akong kasalanan kahit wala naman talaga.

Bumuntong hininga na lamang ito at tumingala. Kay sarap hawakan ng mukha, para bang laman lagi ng derma, hindi tulad ko hanggang sabon lang. Ni hindi pa nga ako nakakarating sa mamahaling ospital hanggang pampubliko lang.

"Sir, baka po magkasakit kayo, pumasok na muna po kaya tayo sa loob?" Nag-aalalang tanong ko rito.

Kung kanina pa siya dito di ba, baka nga nilalamigan na ito o di kaya magka-sakit.

"Trixie, ano bang gagawin ko sayo?" 

Napakagat-labi ako, natatakot na ako sa bawat bagsak ng kanyang salita. Kahit hindi ito nakatingin sa akin ay ramdam ko ang pagtitimpi niya. Wala namang masama kung magtanong di ba? Kay sungit.

"Sorry, Sir?" Nakayuko kong sabi rito. Inalis ko na ang tingin ko rito at binuksan na lamang ang folder na hawak ko ngayon.

Kahit na nababasa ko ito, hindi pa din ma-process sa utak ko ang nilalaman. Para bang ang hirap i-sink in ang pinasukan ko. Pero heto na, para din naman sa pamilya ko itong gagawin ko.

Pinirmahan ko na kahit na wala akong maintindihan. Kesa naman nakatingin lang ako sa papel pero ang utak ko ay limilipad. Huminga akong malalim bago iabot kay Sir Liam ang folder at ballpen. Nakatingin lang ito sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Sir, heto na po."

Nakalahad lang ang kanang kamay niya. Binuksan niya ito. Nakakunot ang kanyang noo. Napa-simangot naman ako. Ano na naman ba ang problema ni Sir at ganyan na naman ang itsura niya. Dapat maging sanay na ako, lalo na't sa kanya ako magta-trabaho.

"Naiintindihan mo ba ang lahat ng nilalaman ng documentong ito?" Anito at tinaas pa ang folder na hawak.

Tumuwid naman ako sa pagkaka-upo at ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Siyempre naman, Sir." Pagsisinungaling ko.

"Good. Simulan mo na ngayon." Seryosong sabi nito.

Ako naman ang kumunot-noo. Anong sisimulan ko?

"Sir?" Takang tanong ko rito.

"Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat ng nakasulat sa folder?"

Napakamot ako ng ulo. Paano ko ba papaliwanag kay Sir?

"Sir, maniwala kayo, binasa ko po talaga ang nakasulat d'yan. Ang kaso po walang pumapasok sa utak ko." Dispensa ko rito.

Bumuntong hininga naman ito at sumandal sa kinauupuan niya.

"Sumasakit ang ulo ko sayo, Trixie." Anito. "Paano na lang kung iba ang nakalagay dito, paano mo paninindigan 'yun?"

"May tiwala naman ako sa inyo, Sir. Kaya alam kong wala kayong gagawing masama."

"Hindi ka dapat nagtitiwala na lang basta-basta. Kahit pamilya mo pa 'yan."

"Mabaet po pamilya ko, Sir."

"Ok. Ok." Pagsuko niya. Binuksan niya muli ang folder na hawak niya. "Ngayong pinirmahan mo na ito, Trixie. Sa akin ka na."

"A-ano po?"

"Sa akin na ang oras mo at buong pagkatao mo." Direstsong sabi nito.

Tinignan ko naman ito, nagbabakasakaling nagbibiro lamang, pero walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Nanlumo akong napatango sa kanya. Ngayon naiintindihan ko na ang pinirmahan ko. Hindi lang kasi malinaw sa isipan ko kanina 'yun. Oo nga't may kasunduan kami, hindi ko naman alam na kasama ang oras at pagkatao ko ang kasama doon.

"Sir, pwede na po ba akong umalis?" Tanong ko rito. Isang njataas na kilay ang ang sinagot niya sa akin. "Gabi na din po kasi, Sir. Magpapahinga na po sana ako. At saka nilalamig na po ako."

Tinignan niya naman ang buong pagkatao ko. Mula ulo hanggang paa. Nagsitaasan ang balahibo ko sa ginawa niya. Marahan kong pinatong ang mga kamay ko sa hita, naka-shorts lamang ako.

"Starting tomorrow, hindi ka na pwedeng mag-suot ng ganyang damit." Seryosong sabi nito.

"Pero Sir, ganito lang po ang mga dala ko sa headquarters. Saka wala naman pong masama sa suot ko. Maayos naman po."

Konting pantalon lang ang dala ko. Ang iba kasi doon aynagamit ko na, dahil na din tuwing umaga ay iyon ang suot ng mga staff, naka-pantalon at uniform. Iba pa yung uniform ko pang chambermaid. Konting t-shirt lang din ang dala ko, dependa na lang kung 'yun ang ipangtutulog ko. Karamihan ay sando dahil presko. Masarap sa balat ang sariwang hangin.

"Pumunta ka nang maaga bukas dito, aalis tayo."

"Saan tayo pupunta, Sir?"

"Bakit ba ng dami mong tanong, Trixie?" Iritadong sabi nito.

"Ang dami niyo po kasing inuutos, kaya naninigurado lang po."

"Trixie naman!" Inis na sinabunutan niya ang kanyang buhok. "Rule number two. You are obliged to follow any of my orders and you are not allowed to complain."

"Pinagsasabi mo, Sir?"


"It's all written on the contract. That's my rule."

"Ok, Sir." Komento ko rito. "Last question na, Sir. Last na talaga 'to. Saan tayo pupunta bukas? May trabaho pa po ako."

"I know, matulog ka na para maaga tayong maka-alis bukas." Tumayo ito at marahang minasahe ang balikat niya.

Tumayo na rin ako at tinitigan siya. Nakataas ang kilay niyang bumaling sa akin. "What are you staring at? Go."

"Hindi niyo pa po sinasagot ang tanong ko, Sir, saan po ba tayo pupunta?"

"Rule number two, Trixie." Masungit na sabi nito.

Sumimangot na lang ako rito at umalis na sa suite niya. May nalalaman pang rule-rule sasayaw lang naman ako. Kung hindi lang malaki ang katawan 'nun walang binatbat sa akin 'yang Sir na 'yan, e. Hindi lang naman din siya ang sumasakit ang ulo, ako din naman. Ang hirap niyang espelengin.

Marahang pagtapik ang gumising sa akin kinabukasan. Bumungad sa akin ang bagong ligongn si Emma. Napabalikwas agad ako ng bangon.

"A-anong nangyari?" Tarantang tanong ko rito.

Umiling-iling naman ito at bahagyang napatawa sa inasal ko. "Tumayo ka na." Aniya. "Himala at nauna akong bumangon sayo. Ang 

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
59K 1.8K 11
A short story romance novel
1.8M 27K 51
Isa lang naman ang hiling ni Danger Jeremiah Montecillo. At iyon ay mahalin siya pabalik ng kaniyang mahal na asawa. Subalit alam niya na hindi nito...
137K 2.1K 28
[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #2: Camille Lia She accepted the deal without realizing what might happen. A cliche'story starting with a deal with...