Love Tutorial (Kingdom Univer...

By purpleyhan

4.7M 102K 5.6K

Kingdom University Series, spinoff || Mahirap turuan ang puso na magmahal, lalo na kung sa simula ay wala ka... More

front matter
Love Tutorial
Lesson 1
Lesson 2
Lesson 3
Lesson 4
Lesson 5
Lesson 6
Lesson 7
Lesson 8
Lesson 9
Lesson 10
Lesson 11
Lesson 12
Lesson 13
Lesson 14
Lesson 15
Lesson 16
Lesson 17
Lesson 18
Lesson 19
Lesson 20
Lesson 21
Lesson 22
Lesson 23
Lesson 24
Lesson 25
Lesson 26
Lesson 27
Lesson 28
Epilogue

Lesson 29 (Last Chapter)

135K 3.4K 413
By purpleyhan

Halos hindi ko makilala 'yung place na isa ako sa nagdesign dahil ang ganda. Hindi mo akalaing ito ang empty Event Hall na dinedesignan namin kamakailan lang.

Hindi ko rin makilala yung mga tao since nakamask nga kami. Ang alam ko lang ay si Ziela at Ivan since sila lang 'yung nakita ko before kami pumunta dito.

Halos lahat ng nakikita ko ay may partner or date. Pero ayos lang, hindi naman ako nandito para makipagdate or something. I'm here to enjoy. Besides, andito naman 'yung friends ko.

Maya-maya lang ay nagstart na 'yung cotillion. Actually, dapat kasama kami ni Ziela dun pero nagback-out kami dahil dun sa pageant. Hassle kasi.

Then y'ung parang ginagawa sa JS, eh nagkainan tapos kaunting salitaan. Pero syempre, ang hinihintay ng lahat, 'yung slow dance. Magkakasama kami sa table nila Ivan at Zie tapos may isang bakanteng upuan. Hindi ko alam kung sinong nakaupo since may bag na nakalagay.

May banda pala sa harapan tapos sila 'yung tumutugtog ng mga kanta para sa slow dance. Kaso hindi kita yung mukha nila since nakamaskara rin sila.

Syempre, isinayaw ni Ivan si Ziela. Ako naman ay naiwan dito. Bigla ko namang naaninag si Raya, dahil tinanggal niya saglit ang maskara niya, na may kasayaw na lalaki. Tsk. May bago na naming bibiktimahin 'tong babaeng 'to. Grabe lang.

Kukunin ko na sana 'yung glass sa harapan ko para uminom pero nagula ako nung may kamay na nakaabang sa harapan ko. Pagtingin ko, isang lalaking nakamaskara pero tinanggal niya yung maskara niya...

"Kuya Gab!" then inabot ko at isinayaw niya ako sa gitna. Wala kaming ginawa kundi pagkwentuhan si ate Audrey, 'yung crush niya. Secret lang namin 'yun at sinabi niyang kinikilig daw siya kahapon nung nag-uusap sila ni ate Audrey sa backstage. Walanghiyang kuya Gab 'to, ang landi!

Isinayaw rin ako ng iba kong classmates. Hindi ko nga alam kung sino 'yung nagsasayaw sa akin since nakamaskara kaming lahat. Tapos maya-maya ay inanounce na 'yung last five dance. At dahil masakit na rin ang paa ko ay umupo muna ako tapos hinilot ko ang binti ko. Grabe baka bukas o kaya mamaya ay may paltos na ako.

Napatingin naman ako ulit doon sa bag sa upuan na nasa tabi ko. Since wala namang nakatingin ay kinuha ko 'yung bag at binuksan ko dahil nacurious ako. Baka kasi kay Zie or Ivan lang din 'to. Pero nung binubuksan ko na ay biglang may umagaw sa akin—lalaking nakamaskara. Kinabahan nga ako dahil baka mamaya ay magalit since pinakialaman ko ang gamit niya. Gosh, akala ko kay Ivan o kay Zie!

"Sorry," tapos yumuko ako sa kanya. Hala lagot ako. Kasi naman Venice napakapakialamera mo!

Pero nagulat ako nung bigla niyang hinawakan 'yung chin ko at itinaas yung ulo ko. Napatingin ako sa mga mata niya. Nagulat ako dahil pamilyar ang maskara niya. Siya 'yug tumutugtog at kumakanta sa banda kanina! Student lang pala siya? Akala ko arkilado ng school!

  

"Smile, Ms. Tutor."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay lumakad siya palayo dala-dala ang bag niya, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Saka lang nagfunction ang utak ko at narealize ko kung sino siya.

Ms. Tutor, huh. Bakit ba hindi ko nahulaan sa boses niya na si Roj yung kumakanta?! Wow, nasa banda na rin siya ngayon?

At kung makapagsalita siya ngayon parang walang nangyari kahapon. Haay, siguro nga, ayaw na niya. Siguro nga, sumuko na siya. Iniisip ko palang 'yun, gusto ko ng umiyak.

Bakit kasi ngayon ko lang narealize na mahal ko siya? Bakit ngayon lang kung kailang pagod na siya? Lahat ng effort niya, sinayang ko. Lahat 'yun, binalewala ko. Gusto kong umiyak, pero hindi dito.

Tumayo ako at pupunta sana ako sa labas nung bigla kong naisip...bakit ba hindi naman ako ang mag-effort para sa kanya? Pwede namang ako naman 'di ba?

  

Kaya lumakad ako pabalik. Palapit sa harapan. Kinakabahan ako pero minsan ko lang naman 'to gagawin eh. Minsan lang ako mag-effort pag si Roj ang pinag-uusapan. Maliit na bagay lang 'to kumpara sa lahat ng nagawa niya sa akin.

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa unahan, kung nasaan 'yung banda at alam kong nakatingin sa akin ang lahat. Maglakad ba naman ako nang mabagal papunta sa harapan eh. Masyadong agaw-pansin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Si Roj ang pinunta ko dito.

Maging siya ay nagulat sa ginawa ko dahil nasa harapan na niya ako ngayon.

Ano Venice? Tatayo ka na lang ba dyan at tititigan siya?

Itinaas ko yung kamay ko. Gusto ko siyang isayaw. Gusto kong makasama 'yung taong mahal ko ngayon.

"May I?" Nakita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa ginawa ko. Sino ba namang hindi magugulat kung babae ang nagyaya na magsayaw? Pero mas ikinigulat ko nung kinuha niya 'yung kamay ko. At mas nagulat pa ako nung maghiyawan 'yung mga sumasayaw, pati 'yung teachers namin.

Tumingin ako kay Roj na nakangiti sa akin. Meron pala siyang lapel. Tinanggal niya 'yung maskara niya, pati yung maskara ko. Dinala niya ako sa pinakagitna at pagtingin ko, gumilid lahat ng sumasayaw. In short, kami ang center of attention ngayon.

Tahimik lahat. Paghinga lang ni Roj ang naririnig galing sa lapel niya. Walang tumutugtog sa banda. Pero bigla akong hinawakan ni Roj sa may bewang, at kasabay nun ay tumugtog ang banda at kumanta si Roj.

"Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow"

Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang kumakanta at isinasayaw ako.

Ang alam ko lang ngayon ay ngumiti. Pero hindi ko napapansin na umiiyak na naman pala ako. Kaya agad na iniangat niya 'yung kamay niya at pinunasan ang luha ko. Pagkatapos nun ay yumakap na ako sa kanya, habang siya ay sinasayaw pa rin ako.

"One step closer"

Nagulat ako nung narinig kong nagpalakpakan 'yung mga tao sa paligid. Hindi ko na sila sinubukang tignan. Kumportable ako ditong umiiyak sa dibdib niya. Umiiyak dahil sa tuwa. Uniiyak dahil sa wakas, natupad na yung matagal ko ng pinapangarap.

'Yung maramdaman na may nagmamahal sa akin.

"I have died everyday

waiting for you

Darlin' don't be afraid

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more"

Tinapos niya 'yung kanta habang isinasayaw ako at habang nagpapalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Sana hindi na matapos 'tong gabing 'to. Sana ganito nalang palagi.

"I'll love you for a thousand more..."

Natapos 'yung kanta pero tumutugtog pa rin 'yung banda. A Thousand Years pa rin pero instrumental lang. Napatingala ako at nakita kong nakatingin si Roj sa mga mata ko habang 'yung mga tao sa paligid namin ay naghihintay ng kung anong gagawin niya.

"Tsk. Sinira mo yung plano ko," sabi niya sa akin, tapos nagtawanan 'yung mga tao.

Bigla siyang tumingin sa harapan kaya napatingin rin ako. 'Yun pala ang laman ng bag—isang scapbook. 'Yung project namin sa Values. Ang laman ng scrapbook niya ay puro pictures namin nung time na minamakeover ko siya.

Bigla siyang may kinuha sa bulsa niya, at nakita ko na 'yun 'yung makapal niyang salamin dati, at saka niya isinuot.

"Ako pa rin si Roj. 'Yung Roj na nerd na tinulungan mo dati. 'Yung Roj na binigyan mo ng softdrinks. At 'yung Roj na mahal na mahal ka."

Wala na akong masabi pa. Parang hinatak 'yung dila ko at hindi na ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nakangiti.

"Love Tutorial. I'll teach you how to love, but please don't ever cheat," sabay buntung hininga niya.

"First. Be close with her." Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya tapos isinayaw na naman niya ako. Hindi ko alam pero kinilig ako bigla at napangiti.

"Second. Look into her eyes." Ginawa niya rin agad 'yung sinabi niya at tinignan niya ako sa mata. 'Yung mga mata niyang sobrang ganda na hindi ko maiwasang tignan dati noong nilalagyan ko siya ng contact lens.

"Third. Make her smile." Bigla niyang hinawakan 'yung lips ko at finorm niya ng smile. And I really smiled at his gesture. Nakakatuwa. Hindi ko alam kung para saan 'to pero natutuwa ako.

"And fourth. Confess."

Bigla niya akong hinila ulit at sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha niya. Pero ang mas ikinagulat ko ay nung bigla niya akong hinalikan sa labi. 

Narinig ko ang tilian, sigawan maging 'yung flash ng mga camera sa paligid pero hindi ko pinansin. Tinanggal ko 'yung salamin niya at saka ako pumikit at hinintay na maghiwalay ang mga labi namin.

Hindi rin nagtagal at dumilat ako kasabay ng paghiwalay ng labi niya sa akin. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko. That was...my first kiss. Kahit si Richard dati na first boyfriend ko ay hindi ko hinalikan.

"I love you so much Venice. At binabawi ko na 'yung sinabi ko kahapon na papakawalan kita."

Nginitian ko siya at sobrang nagdiwang ang kalooban ko sa narinig ko.  

"I'll also teach you how to love," sabi ko rin sa kanya habang nakangiti ako. Hinawakan ko 'yung kwintas niya na may pendant nung sa coke in can at tinanggal ko 'yun mula sa leeg niya.

"Forget about the past. All the hatred, the pain, the sorrow." Hinagis ko 'yun sa likuran at binalik ko ulit 'yung tingin ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya to the point na magkadikit na 'yung mga noo namin.

"Welcome to my heart, Mr. Roelle James. Please stay forever." And I kissed him with all my heart.

Biglang tumugtog ulit 'yung A Thousand Years, and this time, lahat sila ay nagpalakpakan.

"Guess we have our Prom King and Queen!" Bigla kaming sinabitan ng sash at crown tapos pinicturan kami ng pinicturan.

"Thanks for being my tutor," bulong niya sa akin tapos kiniss niya ako sa forehead.

"And thanks for being my tutee...and my love tutor," sabi ko habang natatawa at hinalikan ko siya sa pisngi.

And that's how we end the night.

Full of love and bounded by kisses.


***

Continue Reading

You'll Also Like

327K 8.9K 63
"Aalamin ko ang totoong nangyari sa kamatayan mo." Date Started: April 28, 2018 Date Finished: May 14, 2018
110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
3.2M 272K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
Lovely Little Sandy By bambi

Mystery / Thriller

621K 53.7K 55
An Epistolary Slasher-Thriller ✉ | Sandra didn't think much of it when her friends wrote down her phone number on a random twenty-peso bill. But whe...