Our Real Love by A.B.Castuera...

By ABCastueras

1M 18K 6.4K

Ang pangatlong libro sa SMITH TRILOGY! 1ST BOOK: My Facebook Boyfriend...For Real!? 2ND BOOK: STOP! In the na... More

Our Real Love by A.B.Castueras THE START
Our Real Love: Second step (2)
Our Real Love: Third step (3)
Our Real Love: Fourth Step (4)
Our Real Love: Fifth Step (5)
Our Real Love: Sixth Step (6)
Our Real Love: Seventh and Eigth Step (7&8)
Our Real Love: Ninth and Tenth Step (9th & 10th)
Our Real Love: Eleventh and Twelfth Step (11th & 12th)
Our Real Love: Thirteenth Step (13)
Our Real Love: Fourteenth and Fifteenth Step (14&15)
Our Real Love: Sixteenth & Seventeenth Step (16&17)
Our Real Love: 18TH & 19TH STEP
ORL Step 20 (Teaser)
Our Real Love: STEP 20 (Season 1 Ender)
Our Real Love Season 2 (New Step: Chapter 21)
Our Real Love Special Update: YUAN'S POV
Our Real Love Special UD: James and Ryder POV
Our Real Love (Step 22)
Our Real Love Chapter 23 (Teaser)
OUR REAL LOVE 23 (TEASER#2)
Our Real Love (Chapter 23.1)
Our Real Love (Chapter 23.2.1)
OUR REAL LOVE (Chap. 23.2.2)
Our Real Love (Chapter 23.3)
Our Real Love (Chap. 23.4)
Our Real Love (Chap. 23.4.1)
Our Real Love (Chap. 23.5)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.1)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.2)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.3)

Our Real Love (REY POV)

3.3K 129 68
By ABCastueras



OUR REAL LOVE (Special UD)

REY ...

  Ako na yata ang pinakamagandang lalaki Sa mundo

 sa piling moPagkasama kita ang nadarama

Ako na yata ang pinakamagandang lalakiSa mundo...   


Pati tugtog sa radyo alam kung sino ako. Tsk!

Kagigising ko lang pero ang ganda ng awrahan ko. Napatingin kasi ako sa salamin kanina... Medyo nagulat ako sa nakita ko—"HAHAHAHA!"

Ano ba 'tong iniisip ko. Magagalit na naman sa 'kin si Jarret nito. Ayaw pa naman no'n nauungusan ko siya sa kagwapuhan. Pinagbibigyan ko na kasi...alamo na? Medyo mabaiat tayong tao. Pero mabait din naman si Jarret! Hahaha!

MAS gwapo lang ako.

"KUYA!! Gising ka na ba!??"

Napatingin ako bigla sa pintuan ng kwarto ko. "OO! GISING NA GISING AKO!" sigaw ko. Ito talagang si Jenn, magaling ding kung tsumempo e.

Pagtapos kong magwisik-wisik sa banyo. Ah, oo. Tama kayo. Nagwisik lang ako kasi hindi ko na kailangan masyadong mag-alala. Sabi kasi sa 'kin nung binibilhan ko ng pandesal sa bakery sa labas, napakagwapo ko raw pag bagong gising.

HAHAHAHA! Akala naman niya mabobola niya 'ko.

Alam ko naman na kaya niya 'yun sinabi, eh, para ligawan ko siya! Tsk! Kung 'di lang masarap ang pandesal sa kanila...

"Kuya, baon? Late na 'ko," bungad sa 'kin nitong bunso namin.

Dumukot naman ako sa malalim kong bulsa na puno ng...barya. Inabot ko 'yung Bag niya saka nilagay sa isang bulsa do'n sa harap.

"Oh. Baka 'di magkasya sa pitaka mo."

Biglang tumingin sa 'kin 'tong si Jenn na parng hindi makapaniwala.

"Kuya naman? Ang bigat sa bag. Wala bang buo?"

Sinuot ko sa kaniya 'yung bag niya habang sinasabi na "buong pagmamahal, kasama na rin diyan. Kala ko ba late ka na? Sige na. 'Di na kita ihahatid?"

"Di na, Kuya. Kaya ko na. Txt na lang ako maya."

"Sige."

"Kuya, update mo naman si Kuya Jarret kailan siya uuwi. 'di siya nagre-reply sa mga message ko eh."

"Sige."

Nang makaalis si Jenn, umupo ako sa sofa pagkatapos ko magtimpla ng kape. Ito namang si Jarret, nakalimot na ata. 'Di nagsasabi kung ano na balita sa kaniya. Inaabangan ko pa naman 'yung huling sinabi niya sa 'kin.

"Maghanda ka. Malapit ka na bumili ng barong."

"Barong? Bakit, ano meron?"

"Kapag 'di mo tinigilan 'yang pagsukat sa mga sapatos ko, imbes na kasal – burol mo magiging okasyon. Maghugas ka nga muna ng paa!"

Hinablot ba naman sa 'kin 'yung sapatos niya.

"Grabe 'to. Para—." Napahinto ako. "K-Kasal???"

Binalik niya sa lagayan niya 'yung rubber shoes niya sabay hagis sa 'kin nung pulbo panlagay sa paa ko.

"Kapag hindi nawala amoy ng paa mo pagbalik ko, hindi kita gagawing best man."

Alam kong hindi pa alam ni Adeline 'yung balak niyang 'yun kaya tahimik lang ako. Kaso...parang ang tagal naman ata umuwi ng isang 'yun?

Hihigop pa sana ako sa kape ko nang marinig kong tumunog 'yung doorbell. Tumayo muna 'ko pagkapatong ng mug sa lamesita. Pumunta ako sa gate saka sinilip. Oh? Bakit nandito 'yung dating karibal ni Jarret.

Walang pag-iisip, binuksan ko 'yung gate.

"Oh, kapatiran sa kagandahang lalaki, ano'ng ginagawa mo rito—." Napatigil ako sa pagsasalita. OH HINDE!!! ANO'NG GINAGAWA NIYA RITO!??? "Ahh.... A-Ano-o.... B-BAKIT...Hello, Miss Wendy."

Sabay na napataas ang kilay nila sa 'kin. Teka, mali ba ginawa ng gwapong 'to? Umubo ako para kalmahin ang dibdib ko. NGAYON KO LANG ULIT SIYA NAKITA! Nasa langit na ba 'ko...ulet!?? Teka, hindi ako nakapaghanda sa pagdalaw niya sa 'kin.

"Ah...Napadaan kayo?" tanong ko gamit ang malalim kong boses.

Nakatingin pa rin ako kay Wendy nang marinig kong ngumisi si Trace. Tumingin ako sa kaniya sabay akbay sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Lam mo, chong? Kahapon pa 'ko badmood pero pinawi mo 'yun. Tara sa loob, nandiyan si Jenn?"

Naglakad kami papasok habang nakaakbay pa rin sya sa 'kin. Nakatanaw ako kay MISS WENDY sa likuran ko pero hinahawakan ni Trace 'tong ulo ko pabalik sa harapan.

"Hahaha! Kung sa'n –saan ka tumitingin, nandito bahay n'yo."

Bumulong ako sa kaniya. "Pero parang nasa likod 'yung mundo ko—UHB!"

"Hahahaha!" Tawa niya pagkatapos niyang tabigin 'yung tiyan ko. "Palabiro ka talaga, Rey."

Parang humigpit ang kapait niya sa braso ko. Kung magkakamali ako, iisipin ko may galit sa 'kin 'tong si Trace e.

Pagkarating sa loob, umupo kaming lahat sa sofa. Humarap ako kay Miss Wendy. Mukhang hindi ako naintindihan kanina. Englisera nga pala siya. Buti na lang, naturuan ako ni Jarret.

"Ah...WELCOME!"

"HAHAHA!"

"F*ck..."

Bakit tumatawa 'tong si Trace? Tapos...ano 'yung binulong ng anghel ko? Hehehe. Mukha kasi siyang hindi makabasag pinggan. Hmm... Parang ang bulong niya... Pak? Parang PAK! Gano'n!?

'Yung tulad sa TV?

Ahh... Baka ekspresyon niya 'yun. Pang-sagot sa Welcome ko? Ngumiti ako sabay sagot ng...

"Pak ka rin."

"HAHAHAHAHA!!" Napatingin na 'ko kay Trace sa lakas ng tawa niya. "Sorry, sorry. Napapasaya mo 'ko, Rey."

Narinig ko na parang galit na umiling si Miss Wendy. Ito kasing si Trace eh. Niloloko...

"Gusto n'yo ng kape?" alok ko. "Pak na pak ang kape namin dito."

"HAHAHAHA!! Teka—HAHAHA!" Tumingin siya kay Wendy. "Nadali ka."

"Anyway..." Tumingin sa 'kin si Miss Wendy. "Nakausap n'yo na ba ni Jenn si Jarret?"

Napaiwas ako ng tingin. "Nandito naman ako... SI Jarret pa rin hinahanap..." bulong ko.

Inakbayan ako ni Trace. "Gusto mo rin bang mawala?"

Tumingin ako agad sa kaniya. "Mawala!? A-Anong mawala?"

Nagkatinginana naman silang dalawa saka inalis ni Trace ang akbay niya sa 'kin. Naging seryoso ang mukha nilang dalawa.

"Hindi naman eksaktong gano'n pero...mas iniisip kong hindi siya nawala kundi nagtago."

"NAGTAGO!? SAAN? KANINO? BAKIT!? MAY GINAWA BA KAIBIGAN KO? HUHULIHIN SIYA NG PULIS?!! SA'N SIYA PUMUNTA?"

"That's what we want to know that's why we're here."

Napatango ako sa sinabi niya. "Ano raw, Trace?"

Narinig kong bahagyang natawa si Trace. "Gusto lang namin malaman kung nakausap mo na siya?"

"Hindi pa. Binabalitaan lang kami ng secretary niya."

"Siraulo talaga..." narinig kong bulong ni Trace habang nakatingin sa ibang direksyon.

"May nangyari ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin. "Meron, chong, kaso wala ako sa posisyon magkwento e."

Tumayo siya saka sumunod ang anghel ko kaya tumayo na rin ako.

"Uuna na kami, Tol. Pag may balita kay Jarret, o kinausap ka, text mo naman ako oh."

"Sige, sige. Pero ayos lang si Jarret, 'di ba?" tanong ko.

"Hindi siya dapat ang tinatanong natin niyan." Tatanungin ko sana kung sino nang maglakad na sila papunta sa pintuan.

Pinagbuksan ko ng pintuan at gate si Miss Wendy.

"Ge, una na kami—"

"Ahh...Kailan ka babalik?" bigla kong tinanong.

Bago ko pa marinig na sumagot si Miss Wendy, bigla niya 'kong inakbayan papasok ng gate ulit. Hindi ko na nakita reaksyon ni Miss Wendy.

"Pare..." bulong ni Trace habang nakaakbay pa rin sa 'kin. "Alam mo bang halimaw 'yun?"

"Ano?!"

"Saka mainitin ulo din. Maarte saka nakakaasar minsan."

"Teka?" Lumayo ako sa kaniya. "Sinisiraan mo ba siya sa 'kin?"

Ngumiti siya. "Hindi. 'Yun talaga siya."

Di ako naniniwala sa isang 'to. "Maniwala ako sa 'yo."

Lumapit ulit siya sa 'kin saka nagsalita sa mahinang boses.

"Maniwala ka...akin siya." Sabay tapik sa likuran ko. "Ge, una na kami!"

Hindi ako kaagad nakaalis sa pwesto ko. Akin siya... AH. Teka...ibig-sabihin...



Naiinggit rin sa kagwapuhan ko si Trace!???



Tsk! Sabi ko na e.

Iba na talaga lebel ko.

************************

OMEGAD.

HAHAHAHAHA!!!!

IBA KA NA TALAGA REY! WOOH! TAAS!

PAK NA PAK!

ANYWAYS! KITAKITS SA NEXT ACTUAL UD!

NA-MISS KO LANG TALAGA SI REY!

MWAH!

-ABCASTUERAS -

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...