Our Real Love by A.B.Castuera...

By ABCastueras

1M 18K 6.4K

Ang pangatlong libro sa SMITH TRILOGY! 1ST BOOK: My Facebook Boyfriend...For Real!? 2ND BOOK: STOP! In the na... More

Our Real Love by A.B.Castueras THE START
Our Real Love: Second step (2)
Our Real Love: Third step (3)
Our Real Love: Fourth Step (4)
Our Real Love: Fifth Step (5)
Our Real Love: Sixth Step (6)
Our Real Love: Seventh and Eigth Step (7&8)
Our Real Love: Ninth and Tenth Step (9th & 10th)
Our Real Love: Eleventh and Twelfth Step (11th & 12th)
Our Real Love: Thirteenth Step (13)
Our Real Love: Fourteenth and Fifteenth Step (14&15)
Our Real Love: Sixteenth & Seventeenth Step (16&17)
Our Real Love: 18TH & 19TH STEP
ORL Step 20 (Teaser)
Our Real Love: STEP 20 (Season 1 Ender)
Our Real Love (REY POV)
Our Real Love Special Update: YUAN'S POV
Our Real Love Special UD: James and Ryder POV
Our Real Love (Step 22)
Our Real Love Chapter 23 (Teaser)
OUR REAL LOVE 23 (TEASER#2)
Our Real Love (Chapter 23.1)
Our Real Love (Chapter 23.2.1)
OUR REAL LOVE (Chap. 23.2.2)
Our Real Love (Chapter 23.3)
Our Real Love (Chap. 23.4)
Our Real Love (Chap. 23.4.1)
Our Real Love (Chap. 23.5)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.1)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.2)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.3)

Our Real Love Season 2 (New Step: Chapter 21)

15.4K 207 347
By ABCastueras



Season Two

Chapter 21: "Hold on to Promises..."

ADELINE

Sobra-sobra na naman sa twelve hours ang time ko sa office. I have to admit that this job is a mix of joy and stress of my life for the past four years of my life. Well, I would never last this job kung hindi ako gano'n ka-passionate sa trabahong 'to. Long hours and lack of sleep is part of the job, at okay lang naman sa 'kin 'yun. What bother me most are the people who make this job aggravating – mga badtrip na officemates.

Actually, dalawa lang naman silang dahilan kung bakit minsan, ayokong pumasok. One girl who envies everything I do, and a guy who keeps on bothering me – harassing me might be the right term.

"Good morning po, Ma'am. Welcome back," bati sa 'kin ni Kuya guard pagpasok ko sa restaurant.

May usapan kami ni Jarret na magkita rito sa favourite restaurant naming dalawa. For the past four years, nagpupunta kami rito every night kapag nagkakasabay kami ng uwi. Yes, because of our demanding schedules, actually more on sa oras ko, hindi na kami sabay nakakuwi ni Jarret. That's maybe the reality of life sometimes. Pero we make sure naman na kapag may libreng oras, walang work related stuff ang dapat mag-bother sa 'min.

"Here's the table po, Sir Jarret, reserved."

"Thank you." Umupo ako sa pwesto ko. "Please, black coffee?"

"As always po. Enjoy your seat."

Dalawa lang naman ang laging kinukuha naming pwesto ni Jarret. Second floor near the window, or sa terrace area in the same floor. Kaibigan na nga namin ang owner nito kaya kahit favourite namin in-order ni Jarret, alam na alam na nila.

Nag-text sa 'kin si Jarret na kailangan niyang dumaan muna sa eatery nila bago siya dumiretso rito. Nga pala, may kainan ng tinayo sina Jarret dahil sa hilig magluto ni Jenn. Lumipat nga pala ng school si Jenn sa Escholastica University taking Hotel and Restaurant Management course. Ni-recommend 'yun ni Grand Mom nang isama ko si Jenn sa family gathering namin, together with Jarret and Rey.

That time, nag-quit na si Jenn sa course niya at magulo pa ang isip niya sa gusto talaga niyang gawin. Grand Mom saw her skills sa pag-luluto nang magpatulong siya sa kusina kaya ni-recommend niya na kumuha ng HRM course. Ayaw na bumalik ni Jenn sa Austine so nang kausapin siya ng mga Kuya niya about her studies, lumipat na siya sa EU at saaka kinuha 'yung HRM course. Good thing, nagutstuhan naman niya. She graduated last year with flying course kaya super proud ang dalawang Kuya niya.

I heard my FB chat notification kaya agad kong kinuha sa bag ko. Tap my phone to open and saw BRAT group chat has one message. I clicked the message and saw Manager's message.

GLAM GROUP CHAT

MANAGER: HE'S SO FREAKING BAD! ;(((((((( Hindi niya raw ako kilala!

<WENDY'S TYPING>

As expected, hindi nga maganda ang pag-welcome ni Dare sa kaniya sa university. Sa nangyari sa kanila noon, I don't think he'll be happy to see him. Alam din naman ni Andy 'yun but, of course, she can't erase the fact na may nararamdaman pa rin siya sa EX niya.

WENDY: #DRAMAQUEEN LOLS

MANAGER: Sama mo!!!!!! >_<

WENDY: I told you, it's a bad idea to go back there and see your EX. What's done is done.

MANAGER: I KNOW!

WENDY: I don't think so. Get your butt out of that University and move on. *evil emoticon*

<ADELINE SEEN, LILIAN SEEN>

MANAGER: OMG!!!! His girlfriend added me on Facebook!!! OMIGOSH!

<Manager sends one image: FB Friend Request PS>

ADELINE: HAHAHAHA!

LILIAN: Nice, Andy. Accept!

WENDY: HAHAHA! You really have a bad luck.

WENDY: Before I forgot! ADELINE!!!!

Natawa ako nang tawagin ako ni Wendy. Parang alam ko na kasi kung bakit niya 'ko pinapupunta.Si Trace...

ADELINE: What? *evil emoticon* I'm innocent!

WENDY: Why did you gave him my address!?

ADELINE: Trust me. I did not. *peace emoticon*

<Seen by Lilian>

WENDY: Trust me, too. I won't go with him.

ADELINE: Ooooookay. ;)

<Seen by Lilian>

MANAGER: Traceeeeeee??? <3 <3 <3 Eeeyyyyy.

WENDY: ha-ha funny.

ADELINE: Accept the offer, Witch. Don't mind Trace. Isipin mo na lang big deal din 'yan.

LILIAN: Ah, guys?

In this chat box, may isa laging nahuhuli sa usapan. Pero alam naman naming nandito siya, pabasabasa lang – that's Lilian.

ADELINE: Yes, Lil!

WENDY: Lil?

ANDY: Sorry, daldal ko. HAHA! Lilian?

LILIAN: Should I go or stay? He's here in the same area kung nasaan ako.

Speaking of Lilian, she's doing a lot of charity works besides being a hired photographer. I can say that she's really a nice woman doing all these humanitarian acts. Actually, na-feature ko na siya sa isa sa mga magazine shows na hawak ko. Ayaw niya noong una pero nang sabihin ko she gain donations by doing that segment, pumayag na rin siya.

MANAGER: STAY!

WENDY: Just stay.

ADELINE: We want to see what's going on. Take some pictures!!

MANAGER: HAHA! Oo nga.

WENDY: I like the idea.

LILIAN: Uhmm....

LILIAN: Wait.

Wala munang nag-chat sa 'min. Lahat kami naghintay kay Lilian hanggang sa i-post niya 'yung kinunan niyang picture through her phone.

<Lilian sends two images.>

In-open ko bawat isa and I saw group of people sa parang nasa bakuran pero 'di ko sure kung ano'ng ginagawa. Nakatalikod, five steps away sa kuha ng cam, si Tyler. And almost magkakasabay kaming tatlo na nag-chat back.

MANAGER: Miss ko na si Father!!!

WENDY: He really looks like a priest with that white shirt and black pants. LOLS

ADELINE: HINDI PA SIYA PARI!

Sinabi kong "pa" kasi nanghihinyang talaga ako sa kanila. Though I know wala naman talagang naging progress sa relationship nila. Kung tutuusin nga, mas lumamig pa nga noong mga huling months namin sa university. I don't know exactly what happened to them pero I trust my instinct that their fate is not done yet.

LILIAN: He will be – next year. He he.

LILIAN: Anyways~

As always, mahilig din niyang palitan ang topic once na siya na ang nagiging center ng usapan.

LILIAN: Kailan ang next gala?

And just like that, we're lost with our planning stage na hindi man lang mapunta-punta sa mismong gala stage. But still, we're okay with that. Not seeing each other doesn't mean na hindi na gano'n katatag ang friendship namin. Distance will never rule out our friendship.

Mga ten minutes na ang lumipas nang makita ko ng nag-park si Jarret sa labas ng resto. Lumabas siya ng sasakyan niya at tumingin kaagad sa direksyon ko, like what he always do. Kumaway ako at saka siya tumango. Humarap ulit siya sa sasakyan niya para i-lock ang mga pinto at saka rin sinuguradong naisara niya nang maayos isa-isa.

Maglalakad na sana siya sa direksyon ng entrance nang huminto siya to answer a call. I can't see his reaction habang nakikipag-usap pero mayamaya pa ay tumingin siya sa 'kin with a bothered look. Sumenyas siyang tatapusin lang ang pakikipag-usap sa phone bago tumalikod sa direksyon ko.

I hope everything's fine.

Jarret loves to solve a lot of issues on his own. I can't blame him for that. Pero with four years having a relationship with me, he learned that he must share his burdens with me, though alam kong hindi lahat. Sinabi ko sa kaniya na kung ngayon ay may reservations pa ang pag-share niya sa 'kin ng problema niya, hindi na pwede kapag kinasal na kami. Hindi naman siya tumutol sa bagay na 'yun pero hindi rin siya sumang-ayon.

Nakita ko siyang binalik na sa bulsa ng pants nito ang phone niya saka naglakad papunta sa entrance. After a minute, he's right here sa kabilang seat ng pwesto namin.

He looks okay with his bright smile na lagi niyang ginagamit to conceal his burdens.

"Everything's fine?" I asked.

Hinawakan niyang kanang kamay ko saka patay-malisya namang sinabi na, "Oo naman."

Gusto ko pa sana magtanong kaso lumapit na sa 'min 'yung waiter to asks our orders - a chicken dish for me, and steak for him. I can sense na may gumugulo sa isipan niya ngayon. He's not saying anything but his burdens were visible in his face. Napatingin siya sa 'kin habang nakatitig ako sa kaniya.

"Nakapagpaalam ka na for nextweek natin?" tanong niya.

"Yes. Okay na 'ko." Ngumiti ako to lighten up his mood, and added, "three days – straight."

"E 'di good." Nag-unat siya saka sumandal sa couch seat niya nang mas komportable.

"Ikaw? Okay ka na next week?"

Tumango naman siya. "Nga pala," tumingin ulit siya sa 'kin. "Nasa New York ako two days from now," sabi niya saka uminum ng tubig. Hindi siya nakatingin sa 'kin nang sabihin niya 'yun.

"Anything wrong?" kaswal na tanong ko.

"Mmm..." he murmured. "May pinapatingnan lang sa 'kin. Sandali lang ako." Tumingin siya sa 'kin. "Babalik din ako kaagad."

"Okay. Just asking."

Dumating nang pagkain namin saka namin tinuloy ang kwentuhan about some work related stuff that we don't usually talk about kapag nandito kami. I'm not sure kung napansin niya pero hinyaan ko na lang din. He seems really off ngayong gabi. I'm still thinking kung dapat ba tanungin ko siya kung may problema o wala.

Nagpalaam siyang mag-cr saglit kaya I chose to chat the girls kahit hindi ako sure kung gising pa sila. It's late na kaya I'm testing my luck.

BRAT GROUP CHAT:

ADELINE: Something's wrong about him.

And just like that, nag-seen naman silang tatlo. Sabay-sabay din silang halos sumagot sa 'kin na may iba't-ibang klase ng sagot.

MANAGER: Ask him.

LILIAN: Wait him to open up.

WENDY: You're just paranoid. Ignore.

Sasagot na sana ako nang makita kong pabalik na siya sa upuan namin. So, what should I do now? Kaninong suggestion ang susundin ko. Umupo na siya sa pwesto niya saka tumingin sa 'kin.

"Bakit?"

"Huh?" I asked.

Napangiti siya. "Nakatulala ka diyan sa 'kin. May sasabihin ka ba?"

May sasabihin ba 'ko? "Uhm... It's getting late. I think kailangan mo na magpahinga."

Umismik naman siya saka tumingin sa relos niya. "Hindi pa naman, ah? Gusto mo na ba umuwi?"

"It's just that...parang wala ka sa mood. Something's bothering you, I know. If you don't want to talk about it, we can go home para makapag-isip ka mag-isa. It's okay with me, just don't push yourself too much. Everything's gonna be fine." I smilingly said to cheer him up. Tumingin siya sa 'kin like he's weighing his own decision kung tatanggapin niya 'yung alok kong umuwi na lang muna kami o hindi. "Hmm?"

Nagbuntong-hininga ulit siya. Yeah... He definitely has a problem.

Inabot niya'ng kamay ko para hawakan.

"Dapat special talaga 'tong gabi na 'to. Seryoso..." His voice was soft and I can sense his regrets. "Sorry kung nag-iba."

Yes, I think may plano siyang surprise for this evening. Nakita ko kasing kinausap niya 'yung Manager kanina and the man looks disappointed to whatever Jarret was saying to him. Maybe he asked for a special dish for tonight na hindi na muna niya pinatuloy na ihanda, or something, I don't know.

"After natin kumain, uwi na tayo," I insisted.

At paagtapos nga naming kumain, umalis na rin kami sa resto saka sumakay sa sasakyan niya. Nag-taxi lang din ako going here since I know Jarret would na ihatid ako instead mag-drive ako mag-isa pauwi.

Nauna akong nakarating sa carpark dahil may kinausap ulit siya sa resto bago umalis. Pagkapasok ko sa sasakyan niya, I smell something earthly fresh scent. Tumingin ako sa backseat pero wala naman. Is it his car air freshener? Napatingin ako sa pinaka-backseat. Bumaba ako ng sasakyan pagkatapos saka naglakad papunta sa pinaka compartment part nitong sasakyan niya. Binuksan ko 'yung pintuan and saw a huge bouquet of flowers.Woaw!Para sa 'kin ba 'to?

"Shems." Sinara ko 'yung pintuan saka bumalik sa upuan ko sa front seat. "You'll be ruining the entire surprise, Adeline."

Nakita ko si Jarret na naglalakad na papunta sa sasakyan. Dumiretso naman siya sa driver's seat at walang kinuha mula sa likuran. Maybe mamaya niya ibibigay?And just like that, tahimik lang kami habang nasa byahe. I let him get settled on his own thoughts. Alam ko naman kung kailan dapat i-push siya na magkwento o hindi. This night is supposed to be a big surprise for me. I wonder what went wrong to the point na sumira pa 'to ng plano niya.

Nakarating kami sa tapat ng bahay namin at nagsabi na siya na hindi na papasok. Hindi naman ako tumanggi since it's already late. I want him also to rest. Kaso...

"Sige na. Pahinga ka na agad. Baka mamaya niyan magbasa ka pa," sabi niya. Magkaharapan kami dito sa tapat ng gate namin.

Nakalimutan na ba talaga niyang ibigay?

"Huh? Ahh... of course not. Ano, you go first. I'm fine."

Napakunot ang noo niya pero tumango rin siya pagkasabi ko no'n. Gosh, Adeline. Bulaklak lang 'yan. Let the man rest.

"Ah, Jarret!" biglang tawag ko. Tumingin siya sa 'kin. "Are you meeting James pagpunta mo do'n?"

I saw his lips twitched pero sumagot din siya kaagad.

"I'm not sure. Parang ang huli kong nabalitaan out of the country din siya."

"Oh, I see. I'm thinking that he's okay since mukhang attentive naman sa kaniya 'yung secretary niya," I jest.

Naalala ko kasi nang magpunta kami ni Jarret sa U.S. to pay him a surprise visit, napansin kong hindi niya 'ko gusto. I let it slide since wala si James nang dumating kami do'n and I don't want to be in a bad mood that day. Pasalamat pa rin naman kami kay Tamara dahil updated naman kami sa mga activities niya. The man's busy and very active with the business. Mas matunog pa nga ang name niya kaysa sa Dad niya ngayon kapag nagbukas ka ng mga business latest news and articles. He's one of the toughest bachelor in Asia right now. I'm proud of him.

"Matagal na rin kasi sila magkasama," he explained.

"Yes, you're right. I have nothing to worry about James. What I should worry is you." Lumapit ako sa kaniya saka ko siya tinitigan nang maayos. "Sure ka bang ayaw mong pag-usapan?"

Hinawakan niya'ng kamay ko saka hinigpitan ang kapit dito.

"Sasabihin ko rin sa 'yo pero 'wag muna ngayon."

*****

JARRET

Binuksan ko 'yung pinto saka inabot 'yung switch ng ilaw dito sa sala. Pagkabukas nito, nakita ko si Rey na nakahiga sa sofa. Pumasok ako saka marahan na sinara ang pinto. Do'n lang nagising si Rey. Habang nagtatanggal ako ng sapatos ko, nakita ko siyang mabilis na bumangon.

"Ano na'ng nangyari!? Huh!?"

Nakayuko pa rin ako habang inaalis ko naman 'tong suot kong medyas. Bago ako pumunta sa resto kanina, dumaan muna ko rito sa bahay para magpalit ng damit. Alam ni Rey kung gaano kaimportante sana ang araw na 'to para sa 'min ni Adeline. Pero parang joke na gusting biruin ang mga plano ko nang marinig ko'ng balita tungkol kay James.

Hindi pa pwede... Iyan ang pumasok sa isipan ko.

"Jarret, ano na!? 'Wag mo sabihing..."

Inangat ko'ng ulunan ko saka humarap sa kaniya. "Hindi ko nabigay. Hindi ko nasabi. Hindi ko—." Kahit sa sarili kong salita, 'di magandang pakinggan na hindi ko nagawa. "Hindi na natuloy 'yung plano kong pag-propose sa kaniya." Napasandal ako sa sofa saka pumikit. Malas...

Pinaglalaruan ata ako ng tadhana ko.

"Bakit hindi? Ayaw mo na ba!? Mukhang hindi mo mapapasagot ng oo? Ano!?"

Tiningnan ko siya saka natawa. Mas mukha pa siyang dismiyado sa 'kin. Dinampot ko 'yung throw pillow saka hinampas sa braso niya.

"Jaret naman!"

"May kailangan lang akong unahin. Sandali lang naman. Pag nakasiguro akong ayos na 'yun, saka ko tutuloy 'to." Nagbuntong-hininga ako saka tumingala sa kisame. "At para sagutin 'yang tanong mo kung ayaw ko na ba. Tanga lang aayaw, syempre gustong-gusto ko."

"Ay nako." Napasandal din siya. "Kala ko pa naman magiging ninong na 'ko."

"Ninong?" Lumingon ako sa kaniya habang nakakunot ang noon."Ninong sa kasal?" tanong ko.

"Ninong sa pamangkin. Syempre, pagkatapos ng kasal – binyagan naman sunod. "

Napa-ismik ako. "Ang layo mo na. Wala pang ganyan."

Tumayo si Rey. "Bilisan mo lang. Mamaya niyang mauna pa 'ko sa 'yo magpakasal."

"Teka, may girlfriend ka ba? Loko ka, ah. Bakit 'di mo sinasabi—."

Huminto siya saka tumingin sa 'kin. "Ikaw lang ba magandang lalaki rito?" Umismik siya. "'Yan tayo eh. Sabihin mo nga..." Iminonstra niya pa 'yung isang kamay niya sa tapat ng mukha niya. "Mahirap ba tanggapin na gwap—."

Tumayo ako bigla. "Oo, mahirap tanggapin. Ge." Tinapik ko siya sa braso niya habang sinusundan ako ng tingin palayo sa kaniya. "Itulog mo lang 'yan. Siguraduhin mong alam niya na boyfriend mo siya. Akyat na 'ko."

"Magpapaalam ako!"

Habang umaakyat ako sa hagdan, narinig ko siyang sumigaw.

"Siguraduhin mo ring matutuloy plano mo!"

Kahit hindi pa sabihin ni Rey, sisiguraduhin ko talagang matuloy ang plano kong pag-propose sa kaniya para makapagpakasal na kami ni Adeline. Pero lahat 'yun gagawin ko kapag alam kong maayos na si James. Kailangan ko munang alamin ang tungkol sa sakit niya...

******

WENDY

I have to applaud this guy for his persistence. For four straight days, nandito siya lagi sa tapat ng bahay ko as soon as I open my apartment's window. At kahit hindi pa naman siya gano'n katagal dito sa province, it's like a routine for me to fix his coffee every morning para ibigay sa kaniya outside my home.

And now, for the fifth time, he's here again.

"Have you no other things to do than to annoy me and disturb my work?" I said as I turned my back away from him after kong i-abot sa kaniya ang cup of coffee nito sa kaniya. Sumunod siya sa 'kin pagpasok sa loob ng apartment ko as if he already did that for years. Very at home?

As I prepare for my own cup of coffee, nagsalita ako.

"How many times should I tell you that I'm not coming back to Manila." I stopped mixing milk to my coffee. Tumingin ako sa kaniya and said, "I'm being honest with you, Trace. I'm at peace living here. For me, this peace is what I'm looking for matagal na. I don't need to hide something about myself because this is who I am now. Unlike when I was still in Manila." I lift the cup near my lips to sip my coffee. "I love it here," I said as a matter of fact.

He slightly nodded as he sips his coffee.

"I won't force you," he simply replied.

"Ah, yeah? That's not what I am seeing right now."

"I'm not forcing you at all." Ngumiti siya na parang his innocent of anything I'm about to accused him of. "I AM, as a matter of fact, convincing you. That's two is different, you see?"

"Yeah..." I placed my cup back on top of the table. "I can see that. But I have to be true to you, you better go back to Manila 'coz I'll stay here. Really, I don't want you to waste more time here having no as answer from me in return."

I saw him na lumapit sa 'kin on the other side of the table.

"I think you're missing the point." He fights back. "You're not the only reason why I'm here. Mukhang alam mo naman kung ano'ng pinagkakaabalahan ko ngayon, right?"

Yeah, he's a famous vlogger right now. Actually, he doesn't need to focus on his auto service center for that matter because the last time I've heard from Adeline, he's earning a lot from different endorsement from his vlogs. When I say a lot, as in A LOT with capital letters.

He's a travel vlogger that he barely stays at one place. That's why I'm surprised he got time to waste here with me. But now that he said that...

"Fine. You're doing your vlog," I said with a smirk.

He gave me a satisfying grin. Tch! This guy.

"Do what you want." Nilagay ko sa kitchen sink 'yung mug ko after finishing my coffee."Go back to your hotel, or wherever you are staying at. Mag-aayos na 'ko."

Habang kinukuha ko 'yung towel ko to take a bath nakita ko siyang dinala sa kitchen sink ang mug na hawak niya.

I heard him say, "Yes, ma'am."

Then I heard water gush out from the faucet. And just like the other days, he'll clean our mugs and will wait for me outside my apartment kahit na sinabi kong bumalik na siya sa hotel niya. He'll offer me a ride but I'll refuse his offer because I don't want to get too close with him.

Why? I'm not really sure.

JUST IN TIME, dumating din ako sa eatery to do my usual stuff. And just like the other days, he's sitting on one of the tables near the window. Bukas ang laptop habang naka-plug ang cam niya na, I think, gamit niya whenever he shoots his vlog.

I've watched some of his vlogs—Tch! Fine, I've watched ALL his vlogs, except the new ones for the past three days since pumunta siya rito sa Pampanga. Truth is, si Adeline ang nag-introduce sa 'kin ng mga vlogs na ginagawa niya. From what I know, it actually started as a typical video of him enjoying the beach somewhere in Cebu. Hindi na rin niya alam pa'no dumami ang youtube subscriber niya 'coz the next thing he knew is that may million followers na siya, here and outside the country. He's more of a media influencer sa dami ng followers niya.

Well, if you would ask me... I pretty much know why his followers keep on growing. He's charming, fun, and sexy. I mean, what kind of woman won't fall for him? Of course, I'm out of the question. But combine all those three plus everything that wasn't mention, that's Trace.

"Ate?"

I quickly turned to my left. "Oh? Yes. Bakit?" Nasa gilid ko na si Ella.

Nakaupo pa rin naman ako sa pwesto ko rito sa cashier. It's pass lunch time so mas nakakahinga kami. Maraming tao kanina dahil 'yun ang peak hours ng eatery kaya wala ring tigil ang pagbigay ng bayad sa 'kin nina Ella at pagbigay ko naman sa kanila ng sukli at resibo.

"Kanina ko pa kaya inaaabot 'tong bayad sa 'yo pero 'di mo 'ko pinapansin..." And then she turned her head sa direction ni Trace who's still busy with his own stuff. Nakasuot na siya ng head set ngayon and I think he's now editing his videos. "Baka matunaw naman si Kuya niyan."

I smirked. "I'm just wondering kung um-order na ba siya o hindi. He's occupying that seat for too long and he's not ordering anything? Don't you think it's unfair for our valued customers, eh?"

"Ate naman. Okay lang 'yun. Alam mo bang kaya dumarami rin ang customer natin e dahil sa kaniya? Pumupunta followers niya. Puro babae nga lang pero okay na rin 'yunpara sa negosyo natin. Pwede bang dito na lang siya tumira?" She laughs. "Saka...nakakagana magtrabaho pag nandiyan siya." And she glanced once again to Trace' direction. "Grabe, Ate, masanting (gwapo) talaga siya. Naiihi ako sa kilig. Buti pumayag si Nanang mag-stay siya diyan."

I exhaled. I can't blame her for that. I may notbeattracted to him but still I know that he's a man your eyes shouldn't miss.

"Oh, Ate, ano 'yan?" she asked nang makita niya 'kong nagsulat sa order pad. "Hmm? Para kanino 'to? Ang dami..."

"Order that for him and then serve it afterwards."

Napakunot ang noo niya. I ordered seven dish and two beverages. I get back to my work afterwards. Nakita ko si Ella na dinala na 'yung isang dish sa table ni Trace. Then I saw him look at my direction after marinig 'yung sinabi ni Ella sa kaniya, probably she told him na ako ang nag-order no'n. He gave me a wide grin after that. Cocky evil guy.

But well, I have to control myself not to laugh nang makita ko naman ang reaksyon niya nang bumalik si Ella sa pwesto niya to bring the remaining dish I ordered for him. Tumingin ulit siya sa 'kin who has this innocent look in my face.

Nagtinginan lang kami like we're talking with our eyes.

What the heck?

Always welcome. *evil grin*

I get back to my work while Ella's still placing those food in his table. May nagbayad na ring customer after that so hindi ko na rin napansin na lumapit sa 'kin si Trace with his camera facing to my direction.

"What are you doing?" I asked.

"Taking vid of the most beautiful cashier lady here on Pampanga," he teased with his knowing grin.

"What the f*ck, Trace," I blandly said while facing his camera.

Tumawa siya saka iniwas sa 'kin 'yung camera. "Hindi mo pa ba alam?"

"What are you saying!?" Napatingin ako sa lumapit na customer who asks for an extra plate and attend to him right away. I get back to Trace after that, giving him a piercing stare. "Explain."

"Sakit naman. Hindi mo pala pinapanood 'yung mga vlogs ko."

"I have no leisure time for that." Lies. "So, what is it?"

"Actually...nakunan kita ng video," he seriously said.

"Nakunan o kinuhanan?"

Unti-unti siyang ngumiti. I knew it. "Pero seryoso, hindi ko talaga intension na kuhanan ka. Nagkataon lang na lagi kong ino-on 'yung cam ko sa sasakyan."

If I am right, isang beses lang naman ako sumabay sa kaniya pauwi sa apartment ko. This guy! I can still remember that night... I'm a living cussing factory because of him. Hindi ko tuloy maiwasan na 'wag isiping sinadya niyang asarin ako habang nasa daan kami. So nakita 'yun ng mga followers niya?

"You could have edit it out, you know? Hindi—."

"Bago ka magalit.... Naka-Facebook live ako that time so hindi ko siya mae-edit..."

"Uhgg!" Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "You're enjoying this, uh? Don't post my videos anymore—."

Nag-lean in siya malapit sa table ko and then he said, "Gamitin ko kaya 'tong pang-blackmail para tanggapin mo 'yung offer ko?" And then he raised his camera again to my direction. Umiwas naman ako ng tingin.

"Tanggapin mo na 'yung offer," he said saka iniwas ulit 'yung camera niya sa 'kin. "Serious ako na sila talaga ang nag-request na mag-design ng logo ng event sa University, at hindi ako. Hindi ko alam kung alam mo pero may mga followers ang page mo na taga-AU. They admire your paintings, Wendy. They want you to work with them."

I looked him in straight in the eye before saying, "Bullsh*t."

He doesn't look offended with what I said. Hindi rin naman kailangan. That's just part of what I felt sa sinabi niya.

"Admire? C'mon, Trace. Let's be honest here. I know for a fact that when I leaved that University, my story became a laughing stock to them. For all I know, kahit hindi ko kasabayang batch, the story goes on until now. So tell me... How can I get back there without—."

"Akala ko okay ka na." He has this seriousness painted on his face. "Akala ko naman nang umalis ka, kakalimutan mo 'yung mga nangyari sa 'yo para makapag-umpisa ka. That's what you said, 'di ba? E bakit parang wala ring kwenta 'yung four years mo na pag-iwas? Pagtago? Na—."

"Hindi ako nagtago!" I firmly said.

I know I got the attention of some customers but I don't care right now. Ang alam ko lang, may namumuong sama ng loob sa dibdib ko. I want to tell him to get the hell out of my face because he doesn't know what he's saying pero...I know for a fact that he'll not do that.

He eyed me with sarcasm all over his face as he slid his both hands inside his pocket.

"Really, uh? Talaga lang."

Tinitigan ko siya with piercing eyes then I untied my apron's lace saka pinatong sa lamesa katabi ng cashier box before I stormed out of the resto. I heard Ella called me pero pinigilan siya ni Nanang hanggang sa makalabas na 'ko. Trace didn't follow me, and I'm grateful with that. I want to be alone to sort out everything in my head.

Surely, Wendy, you're not here because you want to hide! You want to start afresh, and you're already doing that. Doing what? I'm painting, selling my works, writing, and...I'm still here away from everyone because I don't want to remember my own demise.

That's the saddest truth and he knows it. Everyone still knows it. Shit.

********

LILIAN

Today is our team's last day in this medical mission we held here in Samar. One week ang lumipas at marami na rin kaming natulungan sa mga dala naming pangunahing gamut pati na rin ang medical attention na binigay ng mga kasama naming volunteered nurses and doctors. Ang saya lang na naging makabuluhan na naman ang mga lumipas kong araw. This success we had here is something I am really proud of. And of course, this keeps me going in this life full of uncertainties.

Naghanda ang isang barangay ng simpleng feast to thank us with our hard work.

Ang totoo, nandito rin ang grupo nina Tyler. Yes, Tyler lang at hindi pa Father. Nang mag-usap kami noong mga nakaraang araw, he told me na next year pa mangyayari ang big event ng buhay niya. Oh, you're right. Being a priest is the biggest event he's waiting for. At that moment, hindi ko talaga alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya. Thank you? Great!? Awesome? Good job!? BUT WHY!? Of course, I can't tell him that.

Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sinabing, "I see..."

Hindi kami masyadong nagkakausap ni Tyler during our stay here. Parehas kaming busy sa kaniya-kaniya naming volunteer works. But I have to admit that with the passing days...hindi ko siya maalis sa isipan ko. I wonder if he feels the same way.

Lilian, stop thinking that. He's a man who's about to serve God faithfully!

"Lil."

Napapikit ako at napahigpit ang hawak ko sa basong iniinuman ko ng juice. Hindi ko man siya nakikita, kabisado ko naman ang boses niya. Lilian, calm yourself. Lumingon ako sa kaniya and smiled.

"Hi."

Ngumiti rin siya. "Hello."

Nandito rin pala siya. I mean, 'yung buong grupo nila. We're here inside a basketball court at marami na ring tao para makisalo sa kainan. And just like what I'm seeing now, everyone's really invited in this thanksgiving night.

"Congrats," sabi niya.

"Ah, yes. Thank you. Ahm... Next week pa kayo babalik, right?"

He nodded. "Kailangan rin makabalik next week. For sure magkikita pa tayo."

"Huh?" Kami? Magkikita? What does he mean by this? Is he asking me to... "Magkikita?"

"Birthday ni Tita, nextweek, 'di ba?"

Tita? Tita... Oh. Oh, right! "Ah, yes. Mom." I laugh it off. "Mom's birthday next week."

"Oo. Tinawagan ako ni Dare dahil pinapupunta nga 'ko ni Tita. Nakapagpaalam na rin naman ako na luluwas kaya wala ng problema. Magkikita ulit tayo..." he smilingly said.

I want to ask him kung masaya ba siyang magkikita kami kaya nakangiti siya ngayon habang kausap ako. O masaya lang talaga siya dahil makikita niya 'yung iba... Really, I'm being silly.

LUMIPAS ANG ISANG ORAS at napuno ng kwentuhan ang mga tao rito sa loob ng covered court. Naghiwalay din kami ni Tyler pagtapos nang sandali naming very formal na kamustahan. Nakailang grupo na rin siya ng sinamahan para makipagkwentuhan o makipagbatian. Hindi ko rin naman masisisi ang mga tao rito, most especially the women. Tyler is much more handsome right now than the last time I saw him.

Pagkatapos, the children who lives here had their performance for us. Isa-isa ring kinausap ng emcee ng event ang mga kasamahan ko to share their thoughts regarding our experience sa mga nagdaang araw. Everything's going smoothly hanggang sa marinig kong tawagin nila si Tyler. Giiggles and silent mumurs from women inside the court erupted nang tawagin siya. Even though I don't want to admit it, sharing him to other girls is something I'm not comfortable with. Yeah... In your dreams, Lilian.

"Na-in love na po ba kayo? O nagka-girlfriend?"

As soon as I heard the word love, I get out of my own thoughts and looked at his direction. Nilapit sa kaniya ang mic para sumagot sa tanong niya. My focus on him was too intense as if I'll hear from him the answers I want to hear, which is very impossible.

You know very well what would be his answer. Of course, nagmahal na siya...

I saw him smile bago siya sumagot.

"Oo naman. Nagmahal na rin ako. Nagka-girlfriend din," he sincerely said.

They all sigh in unison upon hearing his answer. Maybe they felt it too that he answered them truthfully. If they only knew what more of a man Tyler is... Surely, they will also be falling in love with him.

"Wow... Kahit po pala mga magpa-pari na tulad n'yo, na-in love na 'rin—."

"Bakit po kayo na-in love sa kaniya!?"

"Oo nga po!"

"Maganda po siya, 'no?"

As I stare at him from afar, I can't help myself not to feel envy for the woman he loved...he still loves. Faye... He still loves you. I'm sure you're smiling from there hearing his words. But can you please forgive me because...I also still love him.

"Oo naman, maganda siya. Hindi ko na masasabi lahat bakit ako na-in love sa kaniya basta mabuti siyang tao at kung nasa'n man siya ngayon, alam kong masaya siya."

Isa-isa namang tumango ang mga tao na nakatingin sa kaniya. I'm happy for him, too. His eyes are not glistening with tears anymore compare in the past kapag si Faye ang topic ng usapan. Masaya and full confidence na ang mga mata niya, and I'm happy for him.

I'm ready to go back to our quarters to end this night when I heard him speak again.

"Meron din..."

Napatingin ulit ako sa direksyon nila. I didn't know kung ano'ng tanong ang sinagot niya.

"Naging kayo po?"

I saw him slightly smile and answered, "Hindi e."

I asked my co-volunteer kung ano'ng tinanong kay Tyler. "Kung may ibang babae pa raw ba siyang nagustuhan bukod do'n sa sinabi niya."

Then I turned my head in front with my heart pounding heavily in my chest.

"Sayang naman po—Ay! Hindi po pala sayang kasi magpa-pari na rin kayo." Sakay sila nagtawanan. "Maganda rin po siya, 'no?"

"Yes, I mean, oo naman."

Lilian, don't assume, don't think, stop it. Breathe....

"Bukod do'n, kahang-hanga talaga siyang babae. Kaya niyang harapin ang mga kinatatakutan niyang bagay, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag at passionate sa craft niya, mas inuuna niya'ng kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya, matulungin din sa kapwa, at marami pa rin sigurong iba."

"Eh bakit hindi po naging kayo?"

Hindi siya kaagad sumagot. Para siyaang nag-isip kung ano'ng sasabihin niya...

"Hindi ko rin alam."

Isa-isa namang nagbigay ng reaksyon nila ang mga kababaihan sa naging sagot niya habang tahimik lang si Tyler na nakikinig sa kaniya. Hanggang sa...tumingin siya sa direksyon ko. Pero wala pang tatlong segundo, umiwas na 'ko ng tingin sa kaniya.

Minutes have passed and hindi na rin ako nakaalis kaagad dahil hindi ko na rin naman kailangan umalis dahil wala na si Tyler sa lugar. Bumalik na siya kasama ng mga kasamahan niya, sa quarters nila. I was left here wondering what he said... Sino'ng tinutukoy niya kanina...?

"Lil!"

I saw Rein walking towards me. May hawak siyang dalawang ice cream cup sa magkabilang kamay niya.

"Let's go?"

"Sige. Paalam na lang muna tayo. Oh, nga pala." Inabot niya sa 'kin 'yung isang cup. "Sa 'yo 'yan."

I smiled. "Thanks." Binuksan ko 'yung lid and saw what's flavour inside. "Oh, favourite ko 'to. Strawberry." I didn't know I'm craving for it until I smell the fruity flavour of this ice cream. "They really prepared—."

"Bigay ni Father to be, Tyler, 'yan."

Bigla akong napahinto sa pagsubo sana ng ice cream. Tumingin ako sa kaniya. "Huh?"

Habang kumakain siya ng ice cream he answered, "Si Father to be nga... Binigyan tayo ng farewell ice cream." Tumingin siya sa 'kin habang kagat-kagat pa rin niya 'yung small spoon. "Hindi ko nga alam ano'ng flavour gusto mo nang kukuha na 'ko kaya siya na umabot niyan sa 'kin. Sakto pala, favourite mo pa 'yan. Ano? Tara?"

"Huh? Ah, okay. Let's go."

Bumalik na kami sa quarters naming to do our stuff. Fixing our things na dadalhin pabalik sa Manila. Everyone's excited to go back home while me...I'm not sure if I want to go. Lalo na ngayon that I became more confused than before. Confuse of what, Lil?

"Hindi ko rin alam... Gusto rin sanang malaman."

Pagtapos naming mag-ayos ng mga gamit, everyone decided to rest and sleep. Two hours have passed at hindi pa rin ako makatulog kakaisip. Bukas... Babalik na kami ng Manila. We will never see each other again. No, we will sa birthday ni Mom pero alam kong once na nagkita kami ulit that day...I will have a hard time changing the things that I will left here between us.

I forcibly closed my eyes to get some sleep but my attempt was a fail. Bumangon ako and moved out of the room para lumabas ng quarters. Maybe I should spend my two remaining hours awake since malapit na mag-alarm ang mga alarm clock ng bawat isa sa 'min.

Binuksan ko ang pintuan palabas ng quarters and I felt the chill in my bones sa lamig ng simoy sa labas. But still, lumabas pa rin ako. Madilim at tahimik sa paligid since everyone's still asleep. Naglakad ako papunta sa kubo na nasa garden area to spend the rest of my time here. Isang hakbang na lang ako papasok sana sa loob nang mapahinto ako dahil napansin kong may tao sa loob.

My heart raced in shock. Mahuhulog na sana ako sa wooden stairs nang bigla kong mapabitaw sa kinakapitan ko nang may humawak sa braso ko and pulled me gently to regain my balance. When my eyes adjusted in the darkness, I saw his face.

"Tyler..."

Para rin siyang nagulat na makita akong nasa harapan niya but he didn't say a word. Inalalayan niya lang akong makapasok sa loob ng bahay-kubo. We both seated across each other at naging tahimik din sandali. Seriously, I don't know what to say.

I didn't expect him to be here.

"Ingat kayo pag-uwi," he finally said.

"Ah, yes. Thank you. Kayo rin," I also finally replied.

Hindi kami magkatinginang dalawa. I don't know saan siya nakatingin basta ako, sa baba lang ng mga paanan niya. The slight darkness that surrounds us helps me more to compose myself ngayong magkaharap na kami.

Silence... I have to break this silence because probably...this could be my last time na makakausap ko siya nang harapan so I have to talk...talk to him. Because I know after this, everything will be back to being cordial and civil kapag nagkita kami ulit. Or maybe we won't see each other again...

"I'm planning to study again."

Of all the topics you can think about, Lil? You really know all thee boring stuff—.

"Talaga? Maganda 'yan. Ano'ng balak mong pag-aralan?"

"Just few units about World History..." That's the most boring part, Lil. Stop telling him the history thing. "Ahm... Ah, also...actally..." Focus! "My friend in San Francisco wants me to work with them for a photography project. But I'm still considering my options kung mag-aaral ako and then itutuloy ko 'yung mga volunteer activities ko rito, or I'll accept the job offer." I laughed awkwardly. "I talk too much, sorry. It's too unusual of me."

I saw him smile despite of the darkness na parang naiintindihan n'ya kung bakit ako ganito. If he only knew that I want this conversation na huwag ng matapos.

"It's okay. Mabuti nga 'yun at nagsasalita ka compare dati." Why? What am I in the past? Gusto ko siyang tanungin pero I cannot dare to bring up the past. "Para naman sa desisyon mo kung ano'ng pipiliin mo, I would go to something I won't regret in the end kung sakaling hindi ko nagawa," he simply said.

The way he speaks makes him more like a priest. He's so calm that can make you feel at ease. With that, I almost forgot he's Tyler I want to be with ever since I lay my eyes on him. What a shame... I struggle to keep this secret all alone for myself just to spill it all to him in that church confession.

I sigh. Now, he's about to take his vow to serve, and I know wala na dapat akong matira na pagtingin sa kaniya. It will be all wrong for me to look at him with a longing heart.

"May pinanghinayangan ka na ba?" I asked as I relaxed. "You know, you sound so experience in that matter."

"Hindi naman..." I can hear a smile in his voice. "Pero, oo, may pinanghihinayangan na rin ako," his voice where soft.

Pinanghihinayangan... Present. Ayokong isipin 'yung mga sinabi niya sa thanksgiving party kanina. It's probably not me. Not you, Lil.

"I know how dreadful it is that you have something you really regret in the end. But I know you can fix it... You will."

"I will..."

Matagal pa kaming nagsama sa loob ng maliit na kubo na kinauupuan namin kanina. Hindi na kami nag-usap pero I enjoyed every minute we spend together in that small place like it is our own small world. But of course, not for long. Pasikat na ang araw at unti-unti na ring nagliliwanag ang paligid. It also means na malapit na 'kong umuwi... Malapit na kaming maghiwalay ulit.

I don't know kung magkikita pa kami sa susunod.

Bumaba kami ng kubo to finally say our goodbyes. Siguradong matutulog na siya after nito and mag-aayos naman ako dahil aalis na kami.

"Pasok na 'ko sa loob. I'll fix my things since hindi na rin ako makakatulog. We'll leave at five," I explained.

Tumango naman siya. "Hindi na siguro kita maabutan umalis."

"Yes, it's okay. Magpahinga ka na rin. Ahm... Sige. Bye, Tyler."

"Bye, Lil."

"Bye..." I whispered.

Tumalikod na 'ko para umalis kahit na parang gusto ko pang mag-stay. Gusto ko pa siyang makausap nang mas matagal pero alam kong hindi na pwede. Mas lalong hindi na ngayon pwede...

"Lilian."

And just like that, I feel excited again upon hearing my name in his voice. Naglakad siya papunta sa harapan ko after that and I have no idea kung bakit niya 'ko tinawag. A part of me was hoping na sana sabihin niyang mag-stay ako... That he wants us to spend more time—.

"See you sa birthday ni Tita."

Ah! "Of course. See you then."

This time, siya naman ang naglakad palayo sa 'kin. Okay... This is really the end.

"Tyler?" I said saka lumingon sa kaniya.

Sabay kaming natawa nang magkatinginan kami. Halos maliwanag na ang buong paligid and in due time, may ibang tao na rin na lalabas ng mga quarters namin.

"I had such a great time talking to you."

He nodded and answered, "Ako rin. I'm glad you feel that way."

Gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko pa siyang makausap in the future pero I know it would be too much to ask. Instead, naglakad na lang ako papunta sa quarters ko and do my own stuff. Somehow, I feel more at ease compare noong huli kaming mag-usap sa Anniversiry ng Austine. Siguro part of it ay dahil mas nabigyan na namin ang sarili namin ng time para mag-isip sa mga bagay na gusto talaga namin for ourselves.

Though after four years hindi pa rin nagbabago ang gusto ko. It's just that I need to refocus myself to other things so I won't feel the regrets of the past. Habang siya... He already decided to take a different path. Somehow, I'm relieved na okay siya. Maybe...I'll be okay too, and someday – I'll move on just like him now.

*******

ANDY

"Don't laugh! I'm serious. Nakayuko ako ngayon habang naglalakad sa hallway—WITCH KA TALAGA! Why? Of course, ayokong makita sila, o siya-siya!"

Ilang days na rin ang nakakaraan simula nang makita ko siya, o sila to be exact. I tried my very best na hindi ako mapadaan sa gymnasium, cafeteria malapit do'n, o maging sa narinig kong mahilig puntahan ng girlfriend niya kapag hinihintay siya. I've heard that her name is Louisa, nurse sa ospital ng family nina Adeline, at mas bata kay Dare ng two years. Uhg! Kasing edad ko to be exact. Hindi naman sila gano'n kayaman base sa napag-alaman ko but she's truly loved here sa Austine lalo na ng buong team ng RD dahil kay Dare. Sa ngayon, 'yun pa lang ang alam ko. Of course, hindi naman ako nag-stalk sa kaniya 'no. I justheard things. Tama! Narinig ko lang. Pfft! Bakit naman ako magi-stalk. Duh~

Ngayon naman, wala akong choice kung hindi galingan ko ang pagtago habang papunta ako ng gym. Bakit ba kasi ako ang inutusan ng Prof ko para isaauli 'tong mga tennis balls sa storage room ng gym.

I'll just hope na wala pa siya rito. Maybe, maaga pa naman? Yeah... Hindi pa nga tapos 'yung ibang klase. I should—.

"Andy?"

Oh, shoot! Napahinto ako sa paglalakad ko. "I'll call you back, Witch. Bye." Tumayo ako nang maayos saka lumingon sa likuran ko. Gaah~ Sa lahat naman ng makikita, siya talaga? "Ah, hi?"

Lumapit siya sa 'kin with a bright smile on her face. Si Louisa...

Nakasuot siya ng shorts-shorts, polo shirt, at nakalugay lang ang buhok niya. Ikli-ikli pa ng shorts niya. Hindi porket mas matangkad siya sa 'kin, dapat ganyan ang suot niya. C'mon! Kaya nagkakasala ang mga lalaki kasi binubuyo naman ng mga babae. Tch! Wala ba siyang trabaho at nandito na naman siya?

"Hi! Good thing pala wala akong pasok sa work, nakita pa kita," she said while smiling.

Sabi ko nga e. Wala siyang pasok.

"Ah, yeah," I just awkwardly replied.

"Andy, right?"

"Yes." Buti naman kilala niya 'ko. Omaygerd! Pero kilala niya ba 'ko na ano ako ni Dare? "You are...?" Medyo mean, Andy? Kilalang-kilala mo naman siya.

"Oh! Sorry. Nakalimutan mo na siguro ako." Hinding-hindi kita makakalimutan, girl. "Nagkita tayo sa gym? I'm Louisa. You know Dare, tama?"

Gusto ko tumawa. Kilalang-kilala ko siya, maybe mas kilala pa kaysa sa pagkakakilala niya kay Dare.

"Ah, I remember na." Liar. "You are the girlfriend of Dare?" Like an acid to my lips, ang hirap sabihin na may iba na si Dare. Gano'n-gano'n lang niya 'ko kinalimutan? Pinalitan!? Oh, great. I sound a rotting bitter gourd.

"Yes. Hi." Nilapit niya sa 'kin ang kamay niya to shake our hands. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Uhum. Pinababalik kasi sa 'kin 'to ng Prof ko." Itinaas ko 'yung bag na may tennis ball. "I'm the good girl, I guess."

"Ah, you're a student pala. Akala ko you're just visiting this school nang makita kita. Good, good. Maganda talaga 'tong school na 'to."

"I know," I frankly said.

"You know?"

"I was a student here two years ago. Hindi ko lang natapos."

"I see," she said. "I'm glad you're back."

Oh, no, girl. You won't be glad once na malaman mo kung sino talaga ako. Just to cut off our conversation ay nagsabi ako na ibabalik ko na itong mga dala kong tenning balls.

"Samahan na kita. Wala pa rin naman si Dare. I have nothing to do." I flinched when she said that. Seriously? She's trying to get close to me? "Ahm... Of course, if it's only okay with you."

I don't want to be the bad girl here so I said, "Sure! No problem. Tara?"

Sinamahan niya 'ko makapasok sa gym. Do'n ko lang napansin na may mga players na rin palang nagpa-practice dito. Lahat sila binati si Louisa, and somehow...I envy her. That was my place four years ago. I miss the team... I miss being here in this gym. I miss everyone... Alam ko that I failed them dahil kahit graduation nila, wala ako.

"Andy?" Napatingin ako sa kaniya. "Let's go?"

"Yes."

Naglakad kami papunta sa storage room nang magsalita ulit siya.

"Kung nag-aral ka pala rito four years ago, naabutan mo maglaro si Dare?"

Nakakataka na may susi siya ng storage room. Habang binubuksan niya 'to, sumagot ako.

"Yes... Nakita ko siyang maglaro." I was her number one supporter back then. "He's a good player. I mean...very good." Kapag natatalo sila at bad trip siya, ako ang laging nagpapakalma sa kaniya.

Inabot niya mula sa 'kin 'yung dala kong bag. Hindi na rin naman ako naka-react nang kunin niya 'to at siya na mismo ang naglagay sa lagayan ng mga tennis balls.

"Ahm... Kayo? I mean, kayo ni Dare? How did you..."

Napahinto ako nang makita ko siyang ngumiti habang inaayos 'yung mga bola. She seems very happy...

"Nagkita kami sa ospital. I'm his ER nurse that time when he had his anxiety attack. Dinala siya ng sister niya sa ospital telling us na wala siyang malay nang datnan sa room niya. Good thing it's nothing serious. With little relaxation and some of the things we prescribed to him, naging ayos din siya."

Pagkarinig ko palang na nawalan ng malay si Dare, na dinala siya sa ospital because of an anxiety attack...hindi ko na maalis sa isipan ko 'yung itsura niya. When did it all happen? Bakit wala akong alam? God, wala akong alam.

"Andy?"

Napaiwas ako ng tingin kay Louisa to wipe my tears away, I can't help it. I want to know what happened. But parts of my brain ang nagsasabing wala na 'kong right to ask.

Humarap ako sa kaniya with a smile. "Sorry, so...what happen after that?" Tumawa ako awkwardly. "Sory. Is it weird asking you this?"

"No, no. Not at all."

Lumabas kami ng storage room saka tumayo lang do'n to look at those player warming up.

"I'm happy that someone who knows Dare wants to know about us. Actually, sa mga friends niya...parang ilang sila sa 'kin. I mean, they're all good person. Totoo 'yun. But I can tell na they can't open their hearts to me. I'm not sure why..."

"You're not sure why? Bakit...? May naisip ka bang reason?"

"Well... I'm thinking baka dahil sa EX girlfriend niya."

I heard my heart skipped. Hindi kaya sinusubukan niya lang ako? Kilala niya kaya taalaga ako?

Tumingin ako sa kaniya pero diretso lang ang tingin niya sa mga players.

"Actually, hindi ko pa rin nakikita ang EX niya. I think I don't have any reason to know or meet her since she's already in the past. She was his past."

I should be mad dahil sa sinabi niya pero the way she said it? I can't get mad at her because everything that she just said is true. Everything I know, about me, it's all in the past.

"Do you have a boyfriend?"

"Huh?"

Nakatingin na siya sa 'kin with a gleam of smile in her eyes. She's a good person, I can feel it.

"May boyfriend ka na ba?"

"Ahm... Yes." Yes?

"Really!? That's nice."

"Yeah...nice."

Bakit ko ba sinabi 'yun? Naiinis lang siguro akong tanggapin na wala akong kasama ngayon compare sa kaniya? Whatever, it's nothing important.

"Do you think the team wants some pizza?" I asked to change the subject.

"NAMAN!" Tumingin siya sa team. "Team!! Who wants pizza!?"

Nagpa-deliver ako ng pizza and the team share them with gusto. Kahit sa ganitong way lang, parang bumalik lang 'yung nakaraan. Wala lang si Trace na magagalit dahil pinakain ko agad ang team kahit hindi pa nagpa-practice kaya patatakbuhin niya ng extra rounds ang team para matagtag ang fats na na-consume nila.

"Louisa, I think I have to go. It's getting late na rin. Mahirapan ako kumuha ng taxi."

"Oh? Sa'n ka ba nakatira? Sabay ka na lang sa 'kin, please? After practice. Manood ka muna. I'm so happy na may bago akong friend na friend din ni Dare."

If she only knew who am I sa buhay ni Dare, I don't think she'll want to make friends with with me.

"I don't think that's a good idea. Maybe—."

"Ano'ng meron dito?"

I heard a deep voice mula sa likuran ko. Nakita ko ring napatayo ang team at napatigil sa pagkain ng mga pizza nila.

"Coach!"

"Sh*t si coach."

"Language, 'tol."

Lumingon ako and I saw him... Si Dare. He looks really big and intimidating if you can see him. With all these meaty specks? Broad chest and—ANDY!? Seriously? Gising!

Nakita kong lumapit si Louisa kay Dare and touched his arm.

"Sorry na. Ako talaga may kasalanan kaya kumakain sila ng pizza. Nag-alok kasi si Andy na manlibre, and I think, why not!? Ngayon lang naman, eh?" Upon saying my name, saka lang siya tumingin sa direksyon ko. Hindi ko napigilang huwag pigilan ang paghinga ko. It's been a while nang tingnan niya 'ko, titigan... Pero hindi na tulad ng dati, he's not looking at me because he adores me. Maybe now, may halo ng galit sa mga titig niya. "Peace na, okay?" Louisa said with all smile in her face.

That's my place in the past. Ang pakalmahin si Dare sa tuwing magagalit siya sa mga kasamahan niya sa team. I'm his home kung sa'n lahat ng stress and anger ay kaya niyang i-let go.

Tumingin sa kaniya si Dare, saka lang 'to umismik like he always do kapag alam niyang pagbibigyaan niya 'ko. Ngingiti lang siya ng ganyan sa 'kin dahil there's nothing he can do but forgive me with my silliness. God, please, make me disappear now. I don't want to be here.Hindi ko kayang tingnan ang mga bagay na dating akin ay nasa iba na.

"Dare, nga pala. Sasabay si Andy sa 'tin pauwi. Inaya ko kasi siyang manood ng practice."

It's not like she's asking him his permission. I can feel na alam niyang papayag naman si Dare sa kahit ano'ng sabihin niya rito. I'm about to say na hindi na nila kailangang mag-abala dahil kaya kong umuwi mag-isa. Kaso lang bago pa 'ko tumutol, narinig ko ng sumagot si Dare.

"Okay," he simply said. "Upo muna kayo do'n. Magpa-practice na kami."

She saluted to him. "Eye! Eye! Coach!" Tumingin sa 'kin si Louisa. "Tara?"

Hindi ako nakapagsalita dahil basta hinila na lang ako ni Louisa papunta sa bleachers like I'm a shy guest in this place. Umiwas na ng tingin sa 'min si Dare at nakita kong nakipag-usap siya sa buong team. Inayos nila ang mga pinagkainan nila at saka sila nag-umpisa na mag-warm up ulit.

Lumipas ang mga oras na nakaupo lang ako at nakatingin sa kanila... I mean, sa kaniya. He's very serious about the team sa way ng pagco-coach sa kanila. This... Everything I am seeing right now – this is our dream. And now he's the only one who's reaching this dream we've had. Somehow, I have this little hope na may place pa rin ako in his heart.

"Gusto ko pa rin maging manager ng team kahit graduate na tayo. Mag-coach ka kaya?"

"Gusto mo ba?"

"Well... Syempre kung gusto mo, bakit hindi? Parehas tayong nasa team, what a dream come true kapag nangyari 'yun."

Nagsasalita si Louise sa tabi ko pero hindi ako masyadong maka-focus sa kaniya dahil sa iba naka-focus ang attention ko.

"Andy?"

"Oh, yes?" Humarap ako sa kaniya. "Bakit?"

"I think you're tired. Buti na lang matatapos na ang practice, don't worry. Samahan mo muna ako? Kunin ko lang gamit niya sa office."

"Uh, okay."

Umalis kami sa court saka pumunta sa office ng coach. Very manly and simple lang ang loob. May kinuha sa leather couch si Louisa na body bag saka siya lumapit sa 'kin.

"What do you think of his office? Ang simple 'no?"

"Very like him—." I stopped. "I mean, it's okay. Karaniwan naman ng mga lalaki ganito ang preferred look ng mga personal space nila."

"I agree with you. Gusto ko nga sana i-redesign ang kwarto na 'to for him but he insisted na mas gusto niya ang style nito. If there's really a style here," she joked.

Lumabas kami ng kwarto saka naglakad pabalik sa court. Naririnig ko ulit siyang magkwento about sa achievements ni Dare as a coach na hindi ko na masyado naintindihan. All I know is she's very proud of him. Bumagal ang lakad ko nang malapit na 'ko sa naging offce ko dati nang manager pa 'ko ng team. Hindi ko napigilan ang sarili ko na huminto sa tapat ng pintuan nito.

"Oh, this room." I heard her say. Sinubukan niyang i-turn ang seradora pero hindi niya nabuksan. "Hindi niya 'to pinapagamit sa iba or sa bagong manager ng team."

Tumingin ako sa kaniya. "Why?" A hint of hope can hear in my voice.

"I'm not sure. Kapag napapag-usapan namin, parang nag-iiba ang mood niya kaya hindi ko na pine-press pa 'yung topic. I wonder if it has a sentimental value? Or maybe...may bad omen sa kaniya 'tong room."

"Eh?" B-Bad omen!?

Natawa siya. "No, I'm just kidding. Para kasing may sumpa itong kwarto kaya ayaw niyang pagamit. Anyways, tara na."

Bad omen!? I'm thinking na ayaw niya pagamit sa iba dahil – IT'S MINE. It's my own personal place, and I don't want anybody using this. Pero bakit naman hindi niya ipapagamit samantalang ilang years na ang nagdaan. 'Coz he's mad at you at tinuturing nga niyang may sumpa ang kwartong 'to. Tch! Bumalik kami sa court and the team were lined up sa harapan ni Dare. He's saying his last words for tonight. After that, isa-isang lumapit sa pwesto namin ni Louisa ang mga players at saka nag-thank you sa panlilibre ko. Nagpaalam din sila kay Louisa calling her "Mrs. Dare."

Tumayo na 'ko nang makaalis na ang last player.

"Louisa, I think I don't need na sumabay. Actually—."

"Alis na tayo?"

Tumingin si Louisa sa likuran ko and I know he's already there. Hindi na 'ko makakaiwas since it will be weird na naghintay pa 'ko tapos hindi rin naman ako sasabay. Wala na 'kong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanila papunta sa parking lot like I'm the most hilarious third wheel of all. Sa'n naman kayo nakakita na 'yung EX, ihahatid pa ng EX niya at bagong girlfriend nito. For sure, pagtatawanan ako nina Wendy once na ikwento ko sa kanila 'to.

Pasakay na 'ko ng saasakyan ni Dare nang mapahinto ako. What the heck! Nakahawak na 'ko sa handle ng front seat nang mapansin ko kung ano'ng kabaliwan na naman 'tong ginagawa ko. Nakatingin lang sa 'kin si Louisa with a smile, again, in her face.

Napabitaw ako kaagad. "Shoot, sorry! Nawala sa isip ko." Napatingin ako kay Dare na nasa kabilang side ng sasakyan. Napailing lang siya saka sumakay ng sasakyan. Tumawa ulit ako na parang sira. Then tumingin kay Louisa. "Sorry, girl." I awkwardly said. "Medyo lutang na 'ko. You're right, pagod na nga 'ko."

"Sus. It's okay."

Umiwas ako sa tapat ng front seat door saka naglakad papunta sa back seat nitong Ford Ranger ni Dare. Nakakahiya! Oh Gosh.

Habang nasa daan, tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. Actually, more on sa pagsasalilta lang ni Louisa. Hindi naman kasi masyadong sumasagot si Dare sa mga sinasabi niya. Maybe because I'm a big nuisance here sa loob ng kotse niya. Or maybe...he doesn't want me to be hurt kung sakaling makita kong sweet sila? ASA. Whatever! Mababaliw na 'ko kakaisip kung may pagtingin pa siya sa 'kin o wala na. Kasi kung wala na...bakit nagko-coach pa rin siya ng team na in the first place...alam kong hindi ito ang first choice niya as a career. Gusto niya 'kong mapasaya that time kaya nag-agree siya na maging coaching staff siya para magkasama kami nang matagal since gusto ko pa ring ituloy maging manager ng team kahit after graduation. It's already part of me...

"May bibilin lang ako. Mabilis lang." Bigla ko na lang narinig na paalam ni Louisa sabay baba ng sasakyan.

Doon lang ako nagkaroon ng time na tingnan kung nasaan na kami. Lumilipad na kasi'ng utak ko kanina pa. Pero instead na manahimik at maghintay, naisip kong it's my chance to talk to him. Gusto ko lang talaga siya marinig na kausap ako. I miss him.

"Thank you sa paghatid sa 'kin," I softly said.

No response... Narinig niya ba 'ko? Or should I change the topic?

I cleared my throat bago ako nagsalita. "Balita ko palagi pa ring champion ang team. I think you're doing a good job." I made sure na marinig sa boses kong masaya ako for him. Kaso tulad kanina, wala pa rin siyang response at nakatingin lang siya sa harapan.

Kung dati kaya ko siyang pagsaliltain kaagad, o nagsasalita siya kaagad basta ako ang kausap niya... Ngayon, parang tulad sa mga hindi niya kilala o ka-close ang trato niya sa 'kin. For the last time, sinubukan ko ulit siyang kausapin pero I think walang patutunguhan ang mga attempts ko.

"Tatapusin ko na dito sa—."

"Pwede bang 'wag na kayo ulit magkita ni Louisa?" mahinahon niyang sinabi habang hindi lumilingon sa direksyon ko. "Alam kong hindi siya matutuwa kapag nalaman niya kung sino ka. Ayokong masaktan siya kapag nalaman niyang hindi ko sinabi sa kaniya."

Hindi ako nakasagot. I didn't expect na 'yun ang ibubungad niya sa 'kin. Gusto ko sabihing hindi ko nilalapitan si Louisa at siya 'tong lumapit sa 'kin pero hindi ko na nagawa. Hindi niya sinasabi? Well, sabihin niya! It's his job since boyfriend niya siya! Uhg! It's like an acid hearing those words from my brain.

At bago pa ko makasagot, tulad ng sabi niya na mabilis lang siya, nakabalik na si Louisa sa loob ng sasakyan.

Kung ano man ang binili nito, wala na 'kong pakialam dahil ang alam ko lang...hindi na talaga ako gustong makitaat pinalalayo na 'ko ni Dare sa girlfriend niya. Or worst, sa kaniya minsmo. I felt mad dahil hindi ko planong i-broadcast sa girlfriend niyang EX niya 'ko. Kasalanan ko ba kung punta nang punta 'tong girlfriend niya sa Austine kahit hindi naman siya do'n nag-aaral!?

"Nag-usap ba kayo?" Narinig kong ngumisi si Louisa. Nag-umpisa na ulit umandar ang sasakyan. "Psensya ka na, Andy, kung hindi nagsalita 'to. Medyo shy type siya bukod sa 'kin. Hahaha. Peace lang." I saw her touch his arm and slightly kiss him on the cheek. "For sure, hindi ganito kabato 'yung boyfriend mo, Andy."

Parang tumalon 'yung puso ko pagkasabi ni Lousia no'n. Pero did I saw it right? Did I saw him flinch pagkasabi ni Louisa no'n?

"Andy?" Lumingon siya sa 'kin.

"H-Huh?" Iniwas ko'ng tingin ko kay Dare.

"Student din ba si boyfie mo?" tanong niya.

Hindi ba siya titigil!? Nakakairita na siya kahit ang friendly ng pagkakatanong niya. Does she have to ask that sa presence ni Dare!? Well, syempre hindi naman niya alam ang tungkol sa 'min ni Dare pero kahit na!

What will I say now?

"Ah... He's not." Huminga ako nang malalim saka nagsalita ulit. "He's not a student anymore. Nasa Canada siya. He's an engineer."

"Really!? Wow. May plan ba siya to go here? You know? Visit you."

And just like that. The lies about my fake relationship go smoothly out of my lips. Even though the man I'm describing is real, as in totoong may guy akong kilala na engineer sa Spain, but we're not in a relationship. We're only friends. Sa Spain ko siya nakilala and he's half Pinoy.

"Of course, he has plans."

"That's nice. Hmm... You know? Just curious. Mahirap ba ang LDR?"

The heck. Of all the topics, 'yan talaga ang napili niya? Pero nilakasan ko'ng loob ko at saka ako sumagot.

"Hmm... Yes, but nothing is hard as long as you both truly love each other."

Pagkasagot ko, narinig ko si Dare na umismik. I don't know kung napansin ni Louisa pero kahit narinig niya, hindi niya na 'to pinansin.

"Aaw... How sweet. I'm looking forward to see you both. You know? Very admirable ang LDR couples. They're doing their best to stand the test of time and distance."

Napangiti ako. How ironic dahil hindi namin 'yun natagalan ni Dare. I guess we'll not be admirable in her eyes once na malaman niya. Tch! Baka magpasalamat pa nga siya e. After ng topic na 'yun, tumahik na rin naman ang byahe namin dahil hindi na rin nang-usisa si Louisa, thank you, Lord. Pero habang tahimik kami sa daan at tanging music sa sterio ng sasakyan ni Dare lang ang naririnig namin, hindi naman ako bulag para 'wag pansinin ang mga nakaw nilang tinginan o paghawak sa kamay ng isa't isa.

Habang tumatagal, sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko maatim na makita siyang may ibang katinginan o kahawakan ng kamay. Tama sila Wendy. This is not a good idea na mag-aral sa Austine. Sasaktan ko lang sarili ko knowing he's with somebody else na masaya na at kuntento na. At ngayong nasa loob pa 'ko ng sasakyan kasama sila, how foolish of me 'coz I really think I'll be insane anytime soon.

I don't want to pretend that everything's okay...

That I'm okay...

Wala siyang pakialam sa 'kin kung nasasaktan ako sa ginagawa niya. He doesn't even care anymore! Bilang human courtesy man lang since hindi kami nag-break in good terms. I mean... Every breakup is in bad terms, nothing's good on that. Lalo na kung pa'no nag-end sa 'min lahat ni Dare. Ngayong nakikita ko siyang ganito, I can't stop asking myself pa'no kung hindi ako umalis? Pa'no kung sinabi ko kay Daddy na I don't want to get involved sa mga step-sisters ko? What if hindi na lang ako nakonsensya na pabayaan sila at mas ituon sa kanila ang priority ko? What if...pinaglaban ko kaming dalawa?

Hindi ako makahinga. Parang may dumadagan sa dibdib ko na hindi ko alam kung ano. I have to leave this torturous place, now!

"Bababa na 'ko," I said. Mukhang walang nakarinig sa 'kin sa kanilang dalawa kaya inulit ko. "You can stop now. Bababa na 'ko," mas determinado kong sinabi.

Nakita kong tumingin sa 'kin si Dare gamit ng rear mirror.

"Malayo pa 'to sa inyo," he simply said.

"I don't care. Bababa na 'ko."

Wala akong pakialam kung ano'ng isipin ni Louisa sa pagtataray kong 'to sa boyfriend niya, basta kailangan ko ng umalis. Tumakas... Hangga't nakakapag-isip pa 'ko nang matino.

Hindi pa rin siya humihinto sa pagmamaneho.

"Ahm, are you not feeling well, Andy?" tanong ni Louisa.

"Yes. I'm not feeling well. Kailangan ko ng bumaba." I looked at him in the rear mirror.

"Ihahatid ka na namin." Mas mabigat niyang sinabi. Mas nakaktakot pero I'm not going to bend on his monstrous voice. I know him more than anyone else. " 'Wag mo ng ipilit. Gabi na. Mahirap ng sumakay—."

"Sabi ko, bababa na 'ko," ulit ko.

"Hindi. Sa inyo tayo," mariin ding sabi niya.

"I won't say it twice," I firmly said. Tears stinging in my eyes.

I don't know ano'ng nasa isip ni Louisa basta I know she feels the tension inside this car. Nagkatingin kami ni Dare sa salamin.

"Please," I choked. Ayokong mag-breakdown dito.

"Andy..." I heard Louisa say with a worried voice.

Naramdaman kong inihinto na niya'ang sasakyan and I can hear his heavy breathing, from anger for causing a scene in front of her girlfriend? Dahil hindi nasunod ang gusto niya? Dahil nandito ako na in the first place, dapat wala. I don't know. Ang alam ko lang nasasaktan ako ngayon dahil wala na siyang pakialam sa 'kin.

"Thank you for the ride, Louisa. Sorry na-out of the way pa kayo. Bye."

Narinig ko pang tinawag ni Louisa ang name ko nang makababa ako pero tuloy-tuloy akong naglakad palayo sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung nasaan ako basta naglakad lang ako nang naglakad habang tumutulo ang sarili kong luha. I wiped it off angrily. I tried convincing myself that these angry tears are not because of them, or him alone. It's all because of me na sobrang tanga para magpaka-martir at sinamahan pa sila.

You have to accept this, Andy. He doesn't care about you anymore. He doesn't love you anymore.You should do the same or you'll get hurt even more. You can close your eyes for you not to see things, but you can never close your heart not to feel anything.

********

JARRET

Pagkarating ko pa lang dito sa U.S. nakipagkita na agad ako sa secretary ni James. We didn't meet sa building ni James. Sa totoo lang, hindi pa kami nagkikita kahit mag-iisang araw na 'kong nandito. Kailangan ko munang malaman kung ano'ng nangyayari talaga sa kaniya bago ko siya kitain.

At ngayong nalaman ko na kung ano'ng tinatago sa 'min ni James maraming taon na rin ang nakalipas, hindi ko alam kung matatahimik pa 'ko nito.

"Restrictive cardiomyopathy is avery serious heart condition, Sir. Nang bumalik siya dito sa U.S., I wasthinking that everything will go smoothly as I have planned. Yes, for the firsteight months niya, sumunod siya sa mga treatments and theraphy na kailanganniya but after all that? He seems uninterested with everything that will makehim completely better. Yes, he's being careful at some ways pero it's notenough. We need him to undergo all treatments that he needs and I can't do italone." "Bakit hindi mosinabi 'to agad sa 'min? Tatlong taon na mahigit simula nang huminto siya satreatment niya, o kung ano pa man 'yan. Bakit ngayon lang!? Ano'ng lagay niyangayon?" "I respect hisdecision—." "T*ang*na naman.Ikamamatay ng kapatid ko 'yang respect na 'yan." Napahilamos ako ng mukha ko."Sorry." Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Tulad ng lagingsabi ni Adeline sa 'kin, kailangan kong 'wag pangunahan ang emosyon ko. "Alamko pati kami dapat sisihin dito. Hindi ko man lang inalam lahat ng tungkol sakaniya. Akala ko ayos siya..." "The thing is, heintended to keep the whole truth from everyone. Gusto na lang niya ritomag-stay and do whatever he can basta kaya niya."

"Bigay mo sa 'kin lahat ng record tungkol sa sakit niya. Pati pangalan ng mga naging doctor niya, gusto ko malaman lahat kaya dapat makausap ko sila."

"I don't' think they'll talk to you without Mr. Martinez knowledge."

"They will." Tumingin ako sa kaniya ng diretso.

"Okay, Sir. Should I tell the President? Or the CEO about this?"

"Hindi. Wala silang dapat malaman. I know James, gusto niyang gawin 'to sa sarili lang niya. Kapag nalaman naming lahat, mas lalo lang siyang iiwas. I'll do what I can for now."

"I'll note that..."

"Ang hindi ko maintidihan... Bakit bigla siyang huminto sa pagpapagamot niya?"

Tumayo ako sa upuan ko para sana lumayo muna sandali. Tatawagan ko si Adeline para kamustahin siya at para na rin sabihing ayos lang ako. Alam kong nakakatunog siya na may problema ako at hindi ko lang gusto ipaalam sa kaniya. Mabuti na ring hindi ko na muna tinuloy ang balak ko para sa 'ming dalawa habang 'di pa 'ko nakaksigurong ayos si James.

"It's because of her."

Napahinto ako sa paglakad ko sana palayo. Tumingin ulit ako sa kaniya.

"Huh?" tanong ko.

"You're asking why he suddenly stopped his treatment... My answer is because of her, Adeline."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"She's his hope ever since he started working kahit na no'ng mga bata pa kayo. Lahat ng pagod niya sa company, it's all nothing because of her. I know you know that, Sir. That time when he went back to Philippines, he was expecting to win her heart. And maybe, just maybe, be her husband. She's like his lifeline. He wants to get better for her."

Hindi ako agad nakapagsalita. Alam kong may gusto siya kay Adeline pero hindi ko alam na gano'n kalaki ang parte nito sa buhay niya. At ngayong nalaman ko pang si Adeline ang dahilan kung bakit pursigido siyang magpagamot noon, hindi ko maisip kung ano'ng dapat kong i-react sa ganito.

"Ibig-sabihin...matagal na siyang nagpapagamot sa sakit niya?"

"Yes, pero pahinto-hinto siya sa pagpapagamot niya. He wants to meet her again first bago niya ituloy ulit ang treatment. That's what he promised."

Humigpit ang kapit ko sa hawak kong cellphone. Bakit sa dinami-daming babae sa mundo, iisang babae pa ang ginusto, minahal, naming dalawa. Kung sana man lang may iba pa siyang gusto na nasa sa 'kin, willing akong ibigay sa kaniya lahat para lang gumaling siya. Pero siya...?

"He lost his hope to get better nang makabalik siya rito." She cleared her throat before saying, "Specifically nang maginng kayo ni Ms. Smith. He just wants to be drowned with his work, nothing else. Tumigil lang siya when his body surrendered first. He had no choice but to undergo treatment, at least, for eight months. When he thought that he's getting better, he just stopped. I can't persuade him to continue. He's taking his medicines but that's not enough. He needs to get back to the hospital, asap, or a surgery or transplant will be needed when it gets worse, which it's not far from happening."

Bumalik ako sa pagkakaupo ko saka huminga nang malalim. Hindi ko inaasahang marinig lahat 'to ngayon.

"Ano bang dapat kong gawin sa kaniya..." mahinang sabi ko.

"Can you do anything for him?"

Nakatitig ako sa mga kamay ko. Alam kong kaya kong gawin lahat para gumaling lang siya. Marami siyang ginawa para sa 'min ni Ryder simula pa noon. Sinalo niya lahat ng hirap simula nang i-adapt kami ng pamilya namin. Kailangan kong gumawa ng paraan para bumalik siya sa pag-iisip niya nang makapagpagamot siya. Siguro kailangan ko pang humingi ng extension para mag-stay dito ng matagal para ayusin 'to.

"Sa tingin ko kailangan ko siyang kausa—."

"Will you give her up for your brother?"

Napatingin ako sa kaniya pagkasabi niya no'n. Iniisip kong nagbibiro lang siya. Pero nang makita kong hindi nagbago ang expression niya. Naisip kong seryoso siya.

"Nababaliw ka na ba?" simpleng tanong ko sa kaniya. "That's out of the option."

Tatapusin ko na sana ang usapang 'to nang magsalita ulit siya.

"I'm sorry to suggest that but you know it's her that he needs right now. If I can only give it to him, he doesn't need to ask me. I don't know who's more important for you, but I'm hoping you've come up with a good solution."

Lumabas siya ng kwarto at saka ako naiwan sa loob nito kasama ng mga nagtatalo kong isipan.

*********

ADELINE

"You all know the routine. Coverage and three interviews – Casts, Production Team, and guests. We've been doing these for so many years na so I expect everyone will do a great job. After nito, dinner tayo. Okay guys!?" masaya kong paalala sa crew na kasama ko ngayon.

We're here at the Premiere Night party ng isang movie na produce ng company namin. It's a big project because a lot of big stars ay kasama sa movie na 'to, including one of the renowned directors in the industry - and the most jerk of them all.

"Ma'am, ako na po ba bahala kay Direk?" tanong sa 'kin ng junior creative producer ko.

"No, it's okay. I can handle him on my own," I replied.

The company knows how disgusted I am to be in the same room with that perv. I can still remember my first year working in my company at nakatrabaho ko siya sa isang show na hawak namin. I didn't know his reputation pagdating sa mga girls so I was dumbfounded when he tried to coax me to have a dinner date with him and eventually...he wants me in his bed. Of course, I refused and told him that I'll let the higher ups known his acts kapag pinagpatuloy niya pa 'yon. He just smirked at me as I said that and leave. At first, naguluhan pa 'ko kung bakit parang wala lang sa kaniya ang banta ko. Iyon naman pala, siya ang nangunguna sa mga directors ng kumpanya. Marami siyang projects na nagdadala ng maraming profit sa company. Politics!

Truth to be told, he's a good director but not a good person.

Kumalat sa buong company ang tungkol sa 'min, though wala namang tungkol sa 'min. If you know what I mean? Nakakairita to the fact na a lot of employees favoured me dahil alam nilang ako ang apple of the eye niya. Talk about power. It's disgusting! They looked at me as if may relasyon ako sa kaniya. I was so stressed that time dahil ayoko ring umalis having that issue in my background. Alam kong hindi niya palalagpasin 'yun.

Pero hindi nagtagal, nalaman na rin ni Jarret ang tungkol dito nang hindi niya sinasabi sa 'kin. Hanggang sa napansin ko na lang na lumalayo na si Direk sa 'kin unlike sa ginagawa niya noon. He later told me that he confronted the man to let him know he doesn't care who the hell he is. Sinabihan niya raw 'to na kapag nilapitan pa 'ko, he'll do anything to ruin his career. I was kind'a shock nang sabihin niya sa 'kin ang ginawa niya. Usually, hindi niya pinapakita sa ibang tao na anak at apo siya ng isa sa pinakabigating business tycoon sa Southeast Asia. Pero exemption pagdating sa 'kin, I guess.

Naghiwahiwalay na kami ng crew doing our own tasks. Everything's going well and I think matatapos kami kaagad. Right now, I'm about to start this short nterview with the film director. Three questions and it's done so I think I have nothing to worry about.

Tumingin ako sa audio man ko if everything's fine sa audio ng mic. Sumenyas siya sa 'kin na anytime I can start so humarap na 'ko sa kakausapin ko. He's all smile and proud while looking at me. If ever na may hidden madness siya sa banta noon ni Jarret sa kaniya, it's not visible right now. Of course, he's not a fool para ipakita pa 'yun with everybody's watching.

Umikot lang ang short interview sa mga tanong na, "What can you say about sa success ng premiere night?", "About sa naging performance ng lead casts?", "Anyone you would like to thank, and please invite them to watch the movie."

Naging maayos naman ang lahat after that. I didn't give him a chance na makausap ako kahit sandali dahil hindi rin ako sigurado kung sino-sino sa paligid namin ang nakakaalam ng issue tungkol sa 'ming dalawa. Nandito pa kami sa lobby ng hotel and we're waiting sa ibang crew na ginagawa pa 'yung tasks nila. I was browsing my phone nang mapatingin ako harapan ko. A woman in her fourties, wearing a black fitted dress with stiletto highheels is standing in front of me. She has a champagne glass on her right hand and a cellphone on the left. Who is this woman? She seems familiar to me—Oh, right. Umiwas ako ng tingin nang maalala ko kung sino siya.

"You don't look surprised?" I heard her say.

Tiningnan ko ang mga crew ko and they all get the que kaya naglakad muna sila palayo sa 'kin. I don't want them to get involved in this. Good thing, tapos ko nang trabaho ko. Tumayo ako para makaharap siya nang mas maayos. I know her kahit isa o dalawang beses ko pa lang siya nakikita sa pictures. Ngayon ko pa lang siya nakaharap, which never ko pinangarap sa wildest dreams ko.

The wife of Direk Mart.

"Why are you here? What are you doing in my husband's premiere night, uh?"

"I'm here because I'm doing my job,ma'am, nothing else."

Tumawa siya ng malakas na parang may nakakatawa sa sinabi ko. "Job?" she snorted. "I was not born yesterday, hija."

She smirked and then she drinks her champagne. Obviously, she's a little tipsy right now. Her skin is so flushed and the alcohol smells all over her. One thing is for sure, hindi ko na dapat patagalin itong usapan naming dalawa. May ilan na ring nakakapansin ng eksena namin ngayon and I don't want to attract more attention than we do have right now.

Nakita kong lumabas na mula sa hall ang ilang crew na hinihintay namin kanina. It's my cue to get away from here. The job's done.

"I'm sorry, but I have to go," I excused myself.

Kinuha ko 'yung bag ko na nasa couch, not looking sa kung ano'ng reaksyon niya, saka sana maglalakad palayo doon nang hawakan niya'ng kanang braso ko. I stopped and look at her.

"Tell me..." she silently said while staring straight in my eyes. "Di you f*ck my husband?" Her eyes were pleading for answers and at one moment, naawa ako sa kaniya. Puno ng self doubt ang mga tingin niya sa 'kin nang dahil lang sa taong hindi niya sigurado kung tapat pa rin sa kaniya o hindi na. "I want the truth."

Marahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa 'kin at saka humarap sa kaniya nang maayos. She deserves some sympathy lalo na't babae rin ako na gustong mahalin din nang sobra ng lalaking mahal ko. Ang kaibahan lang ngayon, I don't have any reason to doubt his loyalty and love for me.

"Your husband and I don't have any kind of relationship na naiisip n'yo ngayon. Not now, not in the past, in the future, nor even in my wildest imagination. We have worked together, yes, but that's it. Kung ano ma'ng narinig n'yo noon... Lies and gossips, that's all it is. I hope you'll believe that because that is true. Besides, I don't see the point to explain myself to anybody dahil wala akong ginawang mali. I'm making my exemption right now dahil like you, I know how it feels to doubt in the past sa taong mahal mo. After all, it's your husband you should start asking tungkol sa mga bagay na 'to. Not mme, or anyone else." Sandali ko siyang tinitigan sa mga mata niya bago ako naglakad paalis doon. "If you excuse me."

Sinalubong ako sa 'di kalayuan ng mga kasamahan ko and they asked me if I'm okay. Gusto kong sabihin na hindi ako dapat ang tinatanong kung ayos lang ako but I just smiled and assured them that everything's fine. Napalingon pa 'ko sa likuran ko and I saw Direk Mart having an argument with his wife. Not my bisuness anymore.... Pagkasakay namin sa van pabalik ng office, nilabas ko agad 'yung cellphone ko to check kung nag-message na si Jarret. Unfortunately, mukhang busy pa siya sa work.

Bigla ko siyang na-miss and I want to hear his voice. Pero dahil wala siya, I have to settle my self sa pagtingin na lang sa picture naming dalawa sa home screen ng phone ko. This was taken last year during New Years Eve. Sinalubong naming ang bagong taon sa bahay ni Lolo kasama sina Jenn, Rey, and Ryder except lang kay James. He said he can't make it because he promised to spend his New Year's Eve kasama ang kaniyang special friend. Jarret was teasing him na dapat ipakilala na niya 'yun sa 'min dahil ilang occation na rin siyang hindi nakakauwi telling us na kasama niya ang special friend niya.

Maybe now, makikita ni Jarret ang special friend niyang 'yun dahil siguradonng magkikita sila. Pero sana nga lang magkita silang dalawa. I cannot tell Jarret na miss ko na si James, and also very worried din for his brother. Ayoko lang mag-isip si Jarret ng kung ano knowing his brother's affection for me in the past.

Since wala rin namang online sa group namin nina Wendy, I've decided na mag-take na lang ng picture sa window nitong front seat ng sinasakyan kong van. Nag-umpisa na kasing umambon and it feels nostalgic and calm...for now. I hope it will not get heavy with thunder and lightnings.

What's on your mind?

<Attached image>

Caption: Buddy!? #Nostalgia

Itatago ko na sana sa bag itong phone ko nang may mag-pop na notification. I tapped the screen to life. Two notifications spotted... Liked by three friends and commented by Trace.

Comment

TRACE: Bud here! San k?

Sumagot naman ako kaagad.

ADELINE: OTW to office. You're in Manila na???

TRACE: Yes. Busy? Tara! #IcecreamAllYouCanPal

Napa-smile ako nang makita kong si Trace 'yung nag-comment. I know he has a lot to say about his trip sa Pampanga. I can still remember kung pa'no niya 'ko kinulit para makuha 'yung exact address ni Wendy. Inisip ko pa talaga nang matagal kung ibibigay ko o hindi. Kinumbinsi niya pa 'ko with his proposal of something na magbe-benefit si Wendy kaya napapayag na 'ko.

Comment:

ADELINE: 30 minutes! Haha!

TRACE: Ang dali mo kidnapin! Ge Ingat.

ADELINE: LOLS

Pagkarating ng van namin sa parking lot ng building namin, I saw Trace's car sa 'di kalayuan. Nagmadali na 'kong pumasok sa office to get all my stuff na iniwan ko bago ako umalis to shoot. Wala na ring tao sa office since it's lagpas office hours na. Nasa elevator ako nang mag-ring 'yung phone ko.

It's Jarret...

ADELINE: Hey.

JARRET: Musta?

ADELINE: Ikaw ang kamusta.

JARRET: Sorry, 'di agad ako nakatawag. Ayos naman. May kailangan lang ayusin.

Really? It's not like him. Usually, kinukwento niya pa kung tungkol sa'n 'yung problema tulad nang nakasanayan namin everytime na magkausap kaming dalawa.

JARRET: Bahay ka na?

ADELINE: Nope. 'Di pa. Pababa pa lang ako ng office. Hinihintay ako ni Trace sa parking lot. Mga-ice cream kami.

JARRET: Wala na namang kalaro bestfriend mo?

ADELINE: Actually... Ako 'yung walang kalaro. Good thing nasa Manila na siya.

JARRET: Uwi na kayo kaagad pagtapos. Dala mo sasakyan mo?

ADELINE: Nope.

Bumukas na 'yung elevator saka ako naglakad papunta sa exit door.

ADELINE: Tinamad akong mag-drive kanina kaya nag-commute ako. Buti na lang pumunta si Trace. Mahirap na umuwi. Sa'n ka ngayon? Sa hotel or sa bahay n'yo?

JARRET: Hotel lang. Ayoko sa bahay namin, mamaya may multo pa do'n.

ADELINE: Takot ka sa multo?

Narinig ko siyang tumawa. I guess I'm worrying for nothing. He's okay. We're okay. Everything's fine...

JARRET: Naniwala ka naman.

JARRET: Ikaw mag-ingat sa pag-uwi mo. Wala sina Tito, 'di ba? Mamaya niyan mero sa inyong...

ADELINE: JARRET!!

JARRET: Hahaha!

Nakita ko na si Trace sa tapat ng sasakyan niya habang gumagamit ng cellphone. I can still hear Jarret's laugh on the other line with rustling sound of papers? Tingin ko busy pa talaga siya sa trabaho niya.

ADELINE: Not funny. Sige na. Dito na 'ko sa parking lot.

JARRET: Pakausap muna sa kaniya.

ADELINE: Eh? Why?

JARRET: Mangangamusta lang.

Nilayo ko sa 'kin 'yung phone ko saka inilapit kay Trace. Tumaas ang kilay niya in response but he still took it from me.

"Jarret?" sagot niya. "Oh, pre. Oo..." A long pause then a smile from his lips is slowly forming. "Pre, sabi ko naman sa 'yo...magpakasal na kayo dahil sa gandang lalaki ko—AH!" iling niya pagkapalo ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero umiwas lang siya ng tingin habang natatawa. "Puro ka trabaho kaya ako na muna magpapatamis ng gabi niya. Hahaha! Oo na. Ge."

Inabot sa 'kin pabalik ni Trace 'yung cellphone ko.

ADELINE: Hello.

JARRET: Sige na. Tawag ka o message ka sa chat kung nakauwi ka na.

ADELINE: Yup.

Kinuha ni Trace 'yung iba kong dalang gamit saka naglakad papuntang front seat to place it there.

ADELINE: Pahinga ka na. I love you.

JARRET: And also with you...

ADELINE: Seriously?

I heard him laugh.

JARRET: Mas mahal kita.

ADELINE: Bye.

JARRET: Hmm.

I ended the call saka sumakay ng sasakyan. We drove off to the nearest convenient store to buy two flavoured gallon ice cream. Dumiretso lang din kasi sa bahay namin since binilinan daw siya ni Jarret na umuwi rin kami kaagad dahil wala raw akong tulog palagi. Sa may garden namin kinain ni Trace 'tong ice cream habang nakaupo sa pandalawahang swing namin. Tig-isa kaming gallon of icecream while staring at nothing under the moonlight. Tulog sa paanan namin si Bruno. 'Yung aso na bigay niya couple of years ago nang umuwi ako galing isla.

"Give up ka na sa kaniya?" I teased.

"Sa pag-stay lang do'n. Ang kulet e. Baka sakaling matauhan 'pag umalis na 'ko."

We're talking about Wendy.

"Yeah, mas okay kung hayaan mo muna siya to get things straight sa sarili niya. She's like that... Hindi siya sanay ng dinidiktahan," I said then reward again myself a mouthful of dolce de leche ice cream.

"Pero maiba ako. Kayo namang dalawa...parang nahihilig ata kayo magtrabaho? Wala pa ba kayong balak?"

With the word "balak", it means kasal. Napabuntong hininga ako saka sumubo ulit ng ice cream.

"We did talk about that pero not lately. Truth is...akala ko he'll propose to me somewhere this month? Or this year? Ewan... I don't want to sound so hopeful sa bagay na wala pa naman. Maybe we need more time?" Or ako na lang kaya mag-propose? Pathetic.

"Ewan ko. Kami na nga naiinip sa inyo e. Wala pang kinakasal sa grupo natin. Umpisahan n'yo na para sumunod naman kami," biro niya. "Nga pala. Ano'ng meron bakit nasa America siya?"

"Not sure about the details, but of course it's about work." Tumahimik ako sandali. "Trace..."

"Oh?" I saw him gave himself a mouthful of ice cream.

"You know... meron akong kutob na hindi tungkol sa work kaya nando'n si Jarret." Tumingin siya bigla sa 'kin kaya napatingin din ako sa kaniya. I know that look. "No... No. Not what you think. Hindi ko naman sinasabing he cheating on me sa states, 'no. It's just that...parang may tinatago siya sa 'kin. Ang totoo, I want to ask his assistant kung ano'ng agenda niya sa states kaso it would appear na I don't trust him." Hindi ako nagsalita at basta tinitigan lang siya.

"Oh? Tapos...ano?"

"Hmm... What do you think dapat kong gawin? Kayo, I mean, ikaw na lalaki. If malaman mong tinanong ko sa assistant mo ano'ng agenda mo or work related ba kaya ka nasa states...is it insulting sa 'yo? You know what I mean, right?"

Tumango naman siya. "Nagtatanong ka ba karaniwan sa assistant niya ng tungkol sa trabaho niya?"

"No," mabilis kong sabi. "Never. Hindi na kailangan kasi...sinasabi naman niya sa 'kin. Iba lang talaga ngayon. He didn't give me details basta sabi niya about sa trabaho and I can't stop myself na mag-alala."

He nodded again. "Ewan ko kung pa'no mag-isip si Jarret. Di naman ibig-sabihin na lalaki kami parehas o iisa na utak namin. Pero kung sakali syempre ang unang reaksyon ko kapag nalaman ko, nagdududa ka sa 'kin kasi pwede mo namang sa 'kin itanong bakit sa ibang tao pa. Ikaw ba? Kailangan mo pa ba talagang alamin? I mean...talagang nakakaduda ba?"

Hindi ako sumagot. I don't feel like answering it now since I still want to convince myself na nagiging paranoid lang ako. Adeline, stop thinking about bad things will happen.

"Basta..." Inakbayan ako ni Trace. "Kung sakaling lokohin ka niya, sigurado akong hindi na siya makakabalik sa Pinas ng buhay!" I punched him in his biceps. "AH!"

"Don't say that."

Hinimas niya 'yung kanang braso niya. "'To naman. Joke lang 'yun."

"Basta..." He added. "'Wag ka mag-alala... Kung kayo naman talaga para sa isa't isa, e 'di kayo talaga. Do'n din kayo mauuwing dalawa, sa kasal."

"Of course kaming dalawa until the end."

Ngumiti siya saka nag-stretch ng mga binti habang pasandal sa inuupuan naming swing. Tumingala siya sa langit at saka sinabing, "I'm sure kayo 'yan..."

Parehas kaming hindi nagsalita after that. Nang makakalahati kami ng ice cream na kinakain namin, nakaramdam na 'ko ng antok. Ilang hikab ang lumipas at nagsabi na si Trace na uuwi na siya. Pero nang mag-isa na lang ako at nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame... Iba't ibang tanong ang nabubuo sa isipan ko...

What if hindi talaga work related ang pinuntahan niya?

Pa'no kung oo?

What if...hindi pala kami para sa isa't isa?

Pa'no kung...hindi siya ang kasama ko sa araw ng kasal ko?

Pinikit ko ang mga mata ko for I can't even imagine na iba ang mapapakasalan ko in the end. It has to be him... Him... Only him. Nakatulog ako after that. Nanaginip ako na nasa loob ng 'di pamilyar na bahay, only to find out that I'm wearing a ring na hindi sa 'kin. A man called my name... But when I was about to see his face, everything became blurr.

Kinabukasan...

"I'll be late by one hour, sorry. Tinanghali ako ng gising...Yes. No, just resched the meeting a little later pero tuloy pa rin 'yan. We don't have much time for its next episode." Tumingin ako sa salamin to check again my make up, which is actually a damp of powder, blush and new lipstick. At least, I have to look human kahit na sa monster world ka nagtatrabaho. "Prepare yummy snack while they wait, they love that. Just..." I grabbed my purse. "Make it up for me. Okay. Great. Salamat. Bye, see yah."

Nilagay ko na sa purse ko 'yung phone saka ako lumabas ng kwarto. Ang totoo, I didn't bother to have breakfast nang magising ako kanina. Nang makita ko pa lang 'yung time sa wall clock ko, I know I'm dead.

"Nay? Do we have coffee—." I stopped midway going to the kitchen. "Seriously!?" I exclaimed saka pumasok sa loob.

Tiningnan lang ako ni Wendy habang umiinum ng coffee niya habang nakaupo. Then I saw Nanay na nag-aayos ng veggie salad sa table. Uhg! I can hear my stomach grumble. Gusto ko ng bawiin 'yung sinabi ko na 'di ako kumakain ng breakfast.

"Good morning, Nay."

"Tanghali ka na."

"Napasarap kwentuhan namin ni Trace."

I saw Wendy's brow raised. Ow! Kumuha ako ng plate and spoon but it didn't stop me to ask this witch, what the heck!?

"Bakit nandito ka?" I asked. "The last time I know, tinanggihan mo 'yung sundo mo."

Nilapag ko sa lamesa 'yung plate ko saka lumapit si Nanay sa 'min. Naglapag din siya ng plate sa tapat ni Wendy, with spoon and fork, saka niya kami nilagyan ng good amount of salad. Sabay kaming nag-thanks kay Nanay saka niya kami iniwan muna to have our girl's privacy.

"So you admit that you're the one who sent him," she said while her fork is pointing out on me.

Dahan-dahan akong umiwas ng tingin sa kaniya saka kumain. "Hmmm- Mmm?"

"Whatever," she mumbled. "What's the sense of asking if I already knew the answer?"

"Yeah, yeah, yeah." Tumingin ulit ako sa kaniya. "So...kukunin mo na ba 'yung project? Matutuwa na ba si Trace niyan?" I said smiling.

Narinig ko siyang umismik. "Does he need to? He seems happy last night, as I heard."

"O c'mon! Don't be jealous. We're just hanging out. Best friends—."

"Who the f*ck told you that I'm jealous?" mabilis niyang rebut. Halata naman ang pag-blush ng mga cheeks niya at pag-flare ng nostrils niya. I could really spend my time teasing her.

Napasapo ako ng noo ko. "Don't curse early in the morning. Tsk, this witch." Ininum ko 'yung last gulp ko ng coffee sa mug ko. "Fine, hindi na. So..." Tumingin ulit ako sa kaniya. "What are your plans? I mean... You being here... Does it mean...?"

"I need to earn money..." paunang palliwanag niya.

"Okay...?" Then...

"I think I'll take the offer."

"Talaga!?" Sabay baba ng mug ko sa mesa. "That's the best decision you've made so far."

She looked at me with "I don't trust you" look.

"Don't tell anything to him. Besides..." Besides? "He's not the reason why I'm here—."

"Hahaha! I'm not saying anything. Napaka-defensive mo."

"Tch!" Then she drinks her coffee. "Can I stay here for a while?"

"SURE!" sagot ko agad. "Naman. You can stay here as long as you want it. As if kailangan pang itanong 'yan."

I know na ayaw niya ng bumalik sa dati nilang bahay. And of course, hindi na rin niya gustong makita ang uncle niya. Ever since nang umalis siya noon, his uncle keeps on askin me kung alam ko kung nasaan si Wendy. For all I know, it's not because nag-aalala siya kaya niya 'to hinahanap. Alam kong he's looking for her dahil he thinks of her as his asset. Wendy is too bright for her to accept her fate as an object for someone's success.

Nakita ko siyang tumingin sa wristwatch niya.

"Going anywhere today? Maaga pa naman—." I stopped. "Shoot!" Napatayo ako kaagad pagkabitaw sa spoon and fork ko. "Oh, shoot. Nakalimutan ko na. Late na nga pala ako!" Tumingin ako sa kaniya. "Sige na. I have to go. Kita na lang tayo mamaya, 'kay?"

Pumasok ulit si Nanay sa kitchen.

"Nay, dito raw po muna—."

"Alam ko na. Nagpaalam na siya sa 'kin," sagot ni Nanay.

Tumingin ako kay Wendy with a questioning look. "It's not like this is your house so I have to ask the owner itself," paliwanag niya.

"Tss! Witch. Sige na." Lumapit ako kay Nanay saka siya binigyan ng kiss sa left cheek. "Alis na 'ko, Nay."

Nasa sasakyan na 'ko nang maka-receive ako ng text message kay Lolo.

TEXT MESSAGE RECEIVED: Are you busy today? Can I fit in? I just miss my favourite grand daughter.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Lolo. I feel proud though ako lang naman talaga ang nag-iisang apo na babae ni Lolo. I texted him right away bago ko pinaandar 'yung sasakyan ko, telling him what time ako pwede pumunta sa bahay. Hindi na rin siya nagwo-work since last year. Unfortunately, he's getting older and weaker each passing time. It has something to do with his kidney daw pero ayaw ng magpa-confine sa hospital ni Lolo so they let him stay sa bahay with medical attention pa rin naman, of course.

TEXT MESSAGE SEND: Aww... I'll be there at eight in the evening. See you, Lo.

*******

WENDY

Adeline's mom, Tita Rhian, give me a ride going to Austine since I don't have my own car. Iniwan ko na sa dati naming bahay since I left Manila. I don't treat it as mine though since hindi ko pera ang pinambili ko no'n. Maybe that's why I want to take this offer. I can buy one, and I think that's convenient for me. Meeting my clients personally is a much better approach in business. Though I'm not sure kung gaano kalaki ang magiging offer nila sa 'kin once I accept this offer. But I know Austine people, they're too generous when it comes to commissioned service.

I tried giving Andy a call na pupunta ako sa university but she's not answering. I guess she's still on her class so I gave her a text message instead that I can meet her during her break time. The guards here still knew me and it feels refreshing to be back to somewhere I am familiar with.

Of course, it even feels more refreshing since wala ng nakakakilala ssa 'kin. I mean, apart from the guards, and maybe some professors, students here are all new to me. For sure, hindi rin nila ako kilala and that's great.

No one can possibly recall my issue I left here in the past.

"E bakit parang wala ring kwenta 'yung four years mo na pag-iwas? Pagtago?"

I did not hide at all, and that's what I want to prove to him. To him or to yourself? Well, whatever. What's important right now is that I'm here, and I'll do my best to do it fast and successful.

Wala masyadong nagbago bukod sa mga bagong buildings and another gymnasium. Everything's feels the same, except from me. I know I'm not the old Wendy I used to know. I'd changed, and that's what I'm ought to prove.

While I'm on my way to meet the client, I can't help but to indulge myself with the surroundings. Mga students na nakaupo sa grass field na nagkukwentuhan o nagtatawanan about something amusing about their class, naglaloro ng volleyball or badminton, cheerleaders who are practicing their routines, all college stuff to be exact. Probably these students don't know how precious their time is right now. Lahat Sila gusto ng matapos and have their own jobs. Funny how it will all change once na magtrabaho na sila and all they want is to get back in college and have fun with their friends.

Naglalakad pa rin ako when I was slightly knocked from behind. Lumingon ako kaagad to look who the hell knocked me up, I was shocked to see him with that entire flustered look.

"Really?!" I said habang nakatingin sa kaniya.

Tumingin siya sa 'kin pero binalik niya kaagad 'yung tingin niya sa direction na I think pinanggalingan niya.

"Teka... May humahabol sa 'kin."

"Uh?" I glared at him pero tiningnan ko rin 'yung direction na tinitingnan niya. "The heck—."

"Nako naman," he exclaimed.

"Who are these—." Uhg! Do I have to ask? "You're getting famous. You shouldn't have gone here—Hey - What are you—?"

"Wends." Tumingin siya sa 'kin and I can't say anything. "Tulungan mo muna ako."

"Seriously, Trace!?" Napatingin ako sa mga female stundents na palapit sa 'min with their cellphones pointing at us. "They're taking—Hey!" He grabbed my hand and I had no time to complain more nang makalapit na sa 'min 'yung mga students. Heck.

"Oh my Gosh, Kuya Trace."

"You're so handsome!"

"Picture!!! Please!!!"

"You're making you next vlog here???"

Bunch of fangirling college students. Tumayo nang maayos si Trace like a man on a mission. I tried to pull my hand out of his grasp but he's insistent na hawakan 'to in front of these girls. I don't think napansin naman nila 'yung mga kamay namin since padami nang padami 'yung mga students sa harap naming and they're too oblivious of our clasped hands.

"Wait lang, girls. May meeting kasi kaming kailangang puntahan ni Wends," and then he raised his—oh, scratch that, our entwined hands to point where direction we'll go. As if nakalimutan niyang hinawakan niya'ng kamay ko. I know sinadya niya.

The girls looked at me with fierce eyes and I can't help but return the favour. You're all have a long way to go, ladies.

"Oh my gosh, wait!" a girl suddenly said. She's looking at me with a different expression. A thrilled one? "Siya 'yung girl! Oemgee...! Siya 'yung cussing factory in his FB live!"

What the f*ck?Nagbago 'yung expression ng mga girls and naging biglang excited 'yung mga tingin nila sa 'kin. Slowly, I turned to Trace. He's actually looking at me like he's just waiting for my reaction.

"Omg, siya nga 'yun. Hi po!"

"Wendy po name n'yo, right?"

Oh, right. I can't just turn this situation my way and bitch them all I want. Tiningnan ko ulit sila and flashed them a smile.

"Ah, yah."

"Sa'n po kayo papunta, Kuya?"

Before I can answer that, he spoke first. "Sa project and events, may kakausapin lang kami. May project siya rito sa Austine."

"Oooh... Exciting! So we'll both see you lagi???"

I was about to say no since ako lang naman talaga ang makikita nila rito palagi, if ever. But here he is, answering questions for me like he's my manager or keeper, or whatever the hell he thinks he is to me.

"Oo naman. Sasama ko 'to sa vlog ko. Kayo rin, sasama ko."

After several minutes of romancing his fangirls, finally – nakarating na rin kami sa building na pupuntahan naming—wait? Namin? Actually, he still not answering my question kung bakit siya nandito.

"Are you still not going to explain why you are here?" I asked casually.

He's using his phone so his head is bent down. "Nalaman kong tatanggapin mo na 'yung offer."

"That unfair flat woman," I muttered.

"For the record," he said then glanced at me. "Though ayoko na tanungin bakit flat woman ang tawag mo sa kaniya, gusto kong sabihin na hindi si Adeline ang nagsabi na tinanggap mo na ang offer. Sinabi lang sa 'kin nitong client mo na tinawagan mo na sila - finally."

"Fine. But still, you're not answering my question. Why-are-you-here?"

We both stopped when we got here in front of the events office. He looked at me and said, "Moral support?" When I just raised my eyebrows, binuksan na niya ang pintuan and ushered me inside.

We were welcomed by unfamiliar faces. Two have, I think, the same age with me and the other one is way too old to be my professor if I'm still studying. And obviously, it's not their first time to meet Trace because of the way they greeted him. After that, we all seated in the sofa.

"Good to see you, Ms. Roberts, or should I call you with your first name?" the lady professor look a like said.

"Wendy will do," I answered back.

"Oh, that's great. Anyway, Tanya and Gale are here to explain more about the project. I think it's better na sila na ang magpaliwanag since they're the people responsible for this event. If I'm not mistaken, you're all in the same batch."

Sh*t.

I felt a pang of panic nang marinig kong ka-batch ko sila. Hindi ko na namalayan that she's already out of the room and the four of us ay naiwan dito sa loob. Tumingin ako kay Tanya na kumukuha ng refreshment sa mini fridge in the corner of this room, while si Gale naman ay may kinuha sa cabinet na hindi ko alam kung ano.

"Okay ka lang?" mahinang tanong ni Trace.

I looked at him feeling betrayed. "You didn't tell me na batchmates natin ang client."

May nakita akong guilt sa mga mata niya pero nawala kaagad 'to when he answered me. His eyes turned into challenging ones.

"Bakit? May problema ba kung batchmates natin sila?"

"Don't humor me, Trace. You know what I mean."

"I know, and I think there's nothing wrong with that."

"You should have consulted me about this first."

"Kinakausap kita tungkol dito pero lagi mo lang akong kina-cut halfway ng usapan."

"So you're telling me—."

I was cut off speaking when Gale interrupted us with a brown envelope on hand. "Ah...everything alright?"

"Ah, yes. Okay naman," Trace answered. Tiningnan niya 'ko like he's telling me na huwag ko 'tong sayangin. "So...about the project?"

"Yes, here." Inabot sa 'kin ni Gale 'yung brown envelope pagkaupo niya.

Dumating rin si Tanya giving us bottled juice and sliced cake each. Trace starts to dig in with his chocolate cake but I focused myself sa laman ng envelope. Tch! He should have waited outside since wala rin naman siyang kinalaman sa project. But if I could be honest with myself, I can say that I'm at ease knowing that he's here. Kung wala siya, maybe I already left the room knowing that they're our batchmates.

They gave me time to read the contract first bago nila pinaliwanag lahat nang mas mabuti. If I'm truly interested to do the project, they'll let me sit in with an attorney to further discuss the contract and legal matters. According to the contract, I'll be painting the outside blank wall of AU's new building for the upcoming women's month and opening of this new building. That's three months from now. They'll be giving me assistants kung kailangan ko for minor coloring, or I can do it on my own if I'm confident to finish it all before the event. They don't have much specific idea kung ano'ng design ang gusto nilang makita sa mural. They're open to suggestions, and I think, that's a nice start. The payment? Well... I'm not surprised to see too much zeros in the contract.

But I have to know why they chose me for this project.

"We need someone who can represent the mural itself and give her own heart to it. Everyone of us agreed na babae ang hahanapin naming painter, someone who's brave enough to make a stand for herself as a woman once she explain what the mural means on the commemoration day. We know it's you."

"Me," I reiterated.


Moments Later...

Pagtapos naming mag-usap, umalis na kami ni Trace at sinamahan niya 'ko sa isa sa mga bench malapit sa building ni Andy.

"Aasahan ko 'yon," I heard him say.

Hindi ko siya tiningnan but answered him anyway. "What?"

"'Yung libre mo. Ako nagsabi niyan sa 'yo kaya dapat makatikim naman ako ng libre."

"Whatever..." I quietly said.

The talk about the project didn't take that long. I accepted the offer and signed the contract right away. Just like what Trace keeps on saying, this is a good catch.

"Why are you still here?" I asked him.

"Uh? Ah... May sasabihin pala ako. Sinabi ko sa kanila ako na'ng magsasabi."

I looked at him, curious again of his antics. Well, yes, I can't deny the fact that even though I keep on telling him to go away...I want the opposite. I can't admit that, of course. There are few people who can tolerate my behaviour, and he's one of them.

"What again...?" I lazily said.

He raised his hand in my direction like he's about to shake his hand with me. Nang hindi ko 'to inabot, nagbuntong-hininga lang siya saka inabot 'yung isa kong kamay and shook it.

"Galingan natin," he finally said.

"On what?"

"Kinuha nila 'kong official vlogger for the event, specifically sa gagawing mural sa bagong building. Gusto nila ng weekly vlog update sa gagawing mural, and other preparations for the event so basically...magkikita pa tayo palagi—."

"Wait. Update? Vlog?"

"Bakit? Ayaw mo bang may makakita ng gawa mo? O...sa 'yo?"

He's back on challenging me again. This guy! But yes, he's right. I'm planning to work quietly as possible. I don't need to broadcast to everyone that I'm back and working in my old university. And of course, I don't need distruction from anyone. Especially from him...

"Just don't disturb my work."

"Sure."

Several minutes have passed and sinamahan niya lang akong umupo do'n without saying a word. We just continue to stare sa mgs students na naglalakad sa harapan namin. I love this kind of wee time and I'm glad he's doing me a favour.

Then suddenly, tumayo na siya and I already miss his company beside me, and it frustrates me. Goodness, Wendy!

"Una na 'ko," he said.

"Okay," I said coolly, pretending that my head is functioning fine.

Nakita kong may kinuha siya sa backpack niya, a medium size box wrapped in a shiny silver wrapping. Nilapit niya sa 'kin 'to at saka nagsalita.

"Congrats for this project. For you."

Inabot ko sa kaniya 'yun and then nagpasalamat. Umalis na rin siya after knowing that Andy's about to meet me now. But before ako umalis, binuksan ko na 'yung regalo niya to see what's inside. By doing this, I spare myself of thinking what's inside the whole day na kasama ko si Andy. I bet she'll tease me the whole day—.

"Wends!"

Great. "Oh. Andy..." The hell. I have no bag to secure this—.

"Ano 'yan?" She's so fast. Umupo na siya sa tabi ko and she's obviously curious of this wrapped box beside me. "Gift? Birth—Di mo naman birthday. Ano'ng meron?"

"Yeah, it's not. Actually—."

"Wait, sino may bigay!?"

"Really? What question should I answer first?"

She smiled at me like she has no inner pain because of her ex. "Patingin na lang?"

And just like that, inabot niya mula sa gilid ko 'yung box na ibabaw pa lang ang nabubuksan sa wrapper. What more can I do? I just let her open it herself. It's not like a secret or anything. While she's unwrapping the box, I pretended that I'm busy browsing my phone.

"Woooow..."

"What...?"

"Vibration heat hand massager, witch. Bagay 'to sa 'yo. Puro gamay gamit mo sa work..."

Tiningnan ko 'yung hawak niya na box na wala ng balot. Indeed, a hand massager. That guy~

"Ang thoughtful naman nang nagbigay... Ikaw na may nagmamahal."

"Yeah..." Yeah? "Uhm." Kinuha ko 'yung box mula sa kaniya. "Let's go somewhere else. Do you still have class?" Tumayo ako saka nag-start nang maglakad.

"Wait!"

Stop it, Wendy! Focus on your work, career, life! You're done with that and you're not crazy to go back to that again. But... Seriously? What's that? Fudge! Whatever...

*******

ADELINE

"Ay, nako... I give up. Pwede akong ma-bankrupt sa 'yo nito, apo."

Tumawa naman ako pagkirinig ko sa sinabi ni Lolo. "At least, your money is in good hands, 'Lo."

Sabay naming nilagay sa center table 'yung mga cards namin to end this five straight card game with a bet. Ganyan kami palagi ni Lolo kapag nagkikita dito sa bahay nila. Since hindi na siya pwede sa mga activities na mapapagod siya, we preferred our bonding time na nakaupo lang kami naglalaro, nagkukwentuhan, o kumakain. Though naging successful naman noon ang kidney transplant niya, hindi naman namin pwedeng mabago ang reality na matanda na si Lolo. But you know, just by thinking na someday iiwan na niya kami, naiiyak na 'ko.

For me, it's not enough. Halos kakakilala lang namin sa isa't isa. Same with Nanay. For sure gano'n din ang nasa isip niya.

"How's Jarret?" he asked.

Habang pinagsasama-sama ko 'yung cards para ibalik sa lalagyan, sumagot ako.

"He's doing fine. Busy pero he finds time naman lagi para magkita kami."

"That's good. Well, I know they are fine men." Uminum siya ng coffee niya saka nagsalita ulit. "Let me call him para sabay naman kayong nandito." Kinuhaa niya'ng phone niya saka tinuloy ang pagsasalita. "I'll ask him to bring pizza—."

Napakunot ako saka sumingit ng pagsasalita. "He's not here."

Tumigil naman si Lolo sa pag-touch sa phone niya saka tumingin sa 'kin. "Huh? What do you mean na wala?"

Oh, okay? Normally, kahit hindi na palagi sa office si Lolo, he still knows what's going on in his company lalo na kung involve ang Martinez men.

"Ahm... Nasa US siya. Something to do with the company, I guess?" I let my words trail dahil kahit ako, hindi ko rin sure kung ano nga bang reason bakit nasa New York Branch si Jarret. Pa'no kung hindi nga alam ni Lolo? Pero bakit naman hindi niya sasabihin kay Lolo? So, yeah, stop thinking non-sense, Adeline.

"Tamang-tama, Leila. Tapos na kayo mag-usap?" Probably, si Uncle 'yung tinutukoy niya."Take a seat."

Napalingon ako sa likuran ko pagkarinig sa pangalan ng assistant ni Jarret. Tumingin naman siya sa 'kin and smiled. Mas matanda siya sa 'kin and she's really a good woman.

"Good morning, Ms. Smith."

"Good morning."

"So... What's this news I've heard na wala si Jarret? Did something happen sa US branch? Nando'n si James so I don't see the point of having Jarret there. It must be serious, though, kung pinapunta rin siya do'n. Has my assistant failed to report 'bout my company?"

Napatingin din ako kay Leila, waiting for the answer. Wala din naman kasing sinabing paliwanag si Jarret kung ano exactly ang problema niya sa kumpanya. Though Leila is known for being so composed and professional all the time, I can sense na tinitimbang niya pa kung ano'ng sasabihin niya sa 'min. Her loyalty is much appreciated...but not this time. The Boss of all the Bosses is here. Or, like what I've said, masyado lang akong nag-iisip?

"Are you gonna make this old man tire himself by asking you the second time?" Lolo said gamit ang alpha male tone niya that he usually uses sa mga business meetings nila.

She cleared her throat. "No need, Sir. And yes, he's in the U.S. to check something out. I think it's personal." Tumingin sa 'kin si Leila na parang nag-aalangan kung tama bang angsalita siya o hindi. Alam kong magsasalita pa sana si Leila pero naunahan siya ni Lolo.

"Oh, wait! It must be a surprise, isn't it?"

Surprise?

Halatang hindi 'yun ang nasa isip ni Leila but she kept her opinion to herself.

Naramdaman kong hinawakan ni Lolo ang left hand ko kaya napatingin ako sa kaniya instead na sundan ang bawat galaw ni Leila for possible hint of something I'm not really sure is worth of my worries right now.

"This must be a mistake, Apo. He must be planning something we shouldn't know. Malay mo...marakarinig na tayo ng wedding bells sooner. You know—. "

Pinutol ko si Lolo sa pagsasalita. "Really busy, Lolo." I smiled at him at binalik niya rin naman 'to sa 'kin. "We should let him do his own personal business at ituloy na natin 'tong next game natin, after ko ihatid si Leila outside. You don't want an audience once na matalo ulit kayo, 'ayt?"

Natawa naman si Lolo. "You really has your Grandma's fiery bloodline."

Tumayo ako at nakita kong sumunod na rin si Leila. Nginitian ko si Lolo at saka kami naglakad palayo sa sala. I invited her to have a glass of juice before leavingthe house, at hindi naman siya tumanggi. Naramdaman niya rin siguro ang pagkaseryoso ng boses ko.

"Here," I offered.

"Thank you po," she gladly said.

Habang nakaupo siya at iniinum ang jucie na binigay ko, nag-aayos naman ako ng sandwich namin ni Lolo. Of course, I still need a convincing reason kung bakit ako nagtagal bago nakabalik sa game namin. This is good dahil kailangan ko rin ng gagawin para makapag-isip ako sandali bago ako magtanong kay Leila. To be honest, hindi ko rin sigurado kung ano'ng itatanong sa kaniya.

Napatingin ako sa iniinum ni Leila. Malapit na niyang maubos 'yun. I have to think straight now. Do I really want to ask Jarret's personal agenda sa pinuntahan niya? O kung nasa'n ba talaga siya dahil hindi na 'ko sigurado kung nasa New York nga ba siya o hindi? Hindi ko—.

"Thank you for the juice, Ms. Smith. I have to go."

Shems. Do it now, Adeline.

Lumapit ako sa kaniya without dismissing her right away. Naglapag ako ng platito na may sandwich to prolong her stay. I can sense na gusto niyang ulitin ang sinabi niya na dapat na siyang umalis pero she made the right choice by keeping it to herself. I put my gameface on nang umupo ako sa kabilang upuan kaya gano'n na rin ang ginawa ni Leila.

I let her na makakain ng ilang subo sa binigay kong sandwich bago ako nagsalita.

"How's the company? I mean...wala namang serious problem kay Jarret o sa work niya?"

Ginawa kong lahat na 'wag mag-mukhang demanding or needy sa information na makukuha ko sa kaniya. One... Two... Three... Three seconds ang lumipas bago siya sumagot. She's weighing her answer, the right answer.

"Everything's okay, Miss Smith. You don't have to worry. He'll be back tomorrow evening, Manila time."

I nodded. "I see. That's good. Yeah."Yes, Adeline. That's all you need to know, right? He's okay and nothing's wrong. It's okay now. Don't ask anymore—. "Area code."

Parehas kaming mukhang nagulat sa sinabi ko. Area code? Think of a follow up, now!

I cleared my throat. "Uhm, Lolo wants to call him now through landline. Well... Hindi kasi siya ma-contact ni Lolo through phone. So...?"

Nagkatitigan pa kami sandali saka siya sumagot. May "Uh, yes, area code." Wala na siyang tiningnan to check what I'm asking for bago siya sumagot ng, "Six zero four."

"Okay. Thanks." Six zero four. Six zero four. Six zero four.

At that point habang nag-aalangan siya sa mga tanong ko, iniisip ko rin kung tama bang nagtatanong ako ng tungkol sa ganito. Will it affect my trust on him? Is this a sign na hindi pa kami okay? I'm just really confused right now. Erase those numbers, Adeline. Trust him. He said he'll be okay and everything's fine. Nasa New York siya fixing some issues sa company and that's it.

"One last thing..." I said softly. She turned to me with eyes na halatang nakadepensa na sa kung ano mang tatanungin ko sa kaniya. "You'll tell me if there's something wrong about him in any areas, right? Anything, Leila. Kahit kutob lang o hinala. You'll tell me, right?"

I saw her eyes soften as if naiintindihan niya from where I'm coming from. Really... I'm just really concern about him.I know he's always honest and loyal to me pero he's Jarret. If there's something wrong, he knows how to hide it from people he cared about most.

"I will, Ms. Smith."

An answer? Assurance? A promise?

"Adeline."

Inalis ko'ng tingin ko sa phone ko. Nakabalik na 'ko sa pwesto namin ni Lolo. "Yes, Lo." Uminum ako ng juice bago ulit ako nagsalita. "I'll order pizza."

"That's great. Seafood and mushroom for me."

"Got it."

Bago ako nag-proceed on calling the pizza delivery, I sent Jarret a message sa messenger.

I miss you. Keep safe.

Hindi pa siya online and I think nasa plane na siya on the way here. I save the area code from where Jarret is right now. Hindi ko hahanapin... I'll keep my worries in my pocket. Gosh... I just miss you.

*************************

JENN

"Call kita mamaya, Jenn, what time tayo kita bukas. Library, correct?" tanong sa 'kin ni Erica. Partner ko sa cooking demo namin two weeks from now.

"Sige. Alis na 'ko. May gagawin pa eh," sagot ko sa kaniya habang sinusukbit ko 'yung backpack ko. Pagkakuha ko sa paperbag kong nasa lapag, kumaway na 'ko sa kaniya at saka tuluyang lumabas ng pintuan.

Paglabas ko naman, naghihintay na sina Ella at Kelly. Mga malapit kong kaibigan mula sa kabilang section. Nagkahiwalay kami ng section nang magkaproblema sa enrolment namin. Sayang nga at last year nasana namin dito sa university tapos hindi pa kami naging magkakaklase. Pareparehas kami ng course, HRM. At nga pala, hindi na 'ko sa Austine nag-aaral, sa Escolastica University na. Ni-recommend ni Ate Adeline 'to dahil dito raw dati nag-aaral ang Mommy ng Daddy niya na si Tito Smith.

Hindi nga 'ko natuloy bumalik ng isla. Naalala ko noon na kumbinsido na sana akong umalis kung hindi lang ako kinausap nina Ate Adeline at ng iba pa niyang kaibigan na sina Ate Wendy, at Ate Lilian. Sayang nga raw at wala noon si Ate Andy dahil nasa Spain na siya noong mga oras na 'yun. Naiinggit pa 'ko noon sa barkada nina Ate Adeline dahil may mga pwede siyang sabihan ng problema niya o kahit kalipasan lang ng oras pag gusto nila. Pero ngayong nakakilala na 'ko ng matuturing kong barkada ko, hindi na rin ako naiinggit pa.

Magsasalita sana si Kelly nang may biglang umakbay sa 'min ni Ella mula sa likod. Sabay kaming napasigaw sa gulat.

"UNO AKO! HAHAHA!"

Sabay namang hinampas ni Kelly at Ella si Carlo. Ah, nga pala. May isa pa kaming kasama sa sa barkada, si Carlo. Computer engineering naman ang course niya at fourth year na rin. Alam ko nang nasa isipan n'yo. Lalaking-lalaki siya at gwapo talaga. Nangunguna sa mga campus crush, lalo na't varcity player siya ng volleyball team.

"Loko ka! Magkakasakit ako sa puso sa 'yo!" pasigaw na sabi ni Kelly.

"OA ka, Kels. Hindi naman ako sa 'yo umakbay pero mas malakas pa tili mo."

"Sapakin kaya kita?!" sagot naman nito sa kaniya.

Pumunta naman sa gilid ko si Carlo saka hinawakan ang kanang braso ko na parnag ginagawa niyang panangga sa direksyon ni Kelly.

"Jenn, oh."

"Tigilan mo si Jenn. Chansing ka na naman," sabi naman ni Ella.

Bumitaw naman kaagad si Carlo sa 'kin. "Aray." Hinawakan niya'ng dibdib niya na parang nasaktan siya. "Ganyan din ba'ng tingin n'yo sa 'kin?"

At ano pa nga ba, dahil sikat at gwapo – eh matinik din siya sa mga babae. Wala atang permanenteng babae sa campus ang makikita kong kasama niya araw-araw. Syempre, bukod sa 'ming tatlo nina Kelly at Ella.

"Ikaw Jenn?" tanong niya.

Ngumiti naman ako sabay taas ng magkabila kong braso na parang sinasabi kong "ewan ko lang."At sabay naman tumawa sina Ella at Kelly.

"Grabe naman, Jenn. Akala ko kakampi kita." Umubo siya saglilt pra klaruhin ang boses niya. "Nga pala... May nagtatanong kasi sa ka-team ko kung pwedeng hingin 'yung number mo."

"Ako?!" sabay na sabi nina Kelly.

"ASA," pang-iinis na sagot ni Carlo. "Joke lang. Pero si Jenn talaga 'yung tinatanong." Tumingin siya sa 'kin. "Pangalan niya, Jake." Sabay namang napasinghap sina Ella. "Sabi ko tatanong ko muna sa 'yo. At syempre...kinakabahan din akong ibigay dahil sa mga Kuya mo. Lam mo naman, muntik na 'kong hindi palabasin ng bahay n'yo nang minsan kitang ihatid sa inyo."

Nakakatawang isipin na dahil lang sa pagmamalasakit ni Carlo na ihatid ako sa bahay dahil ginabi kaming apat ng uwi, eh hindi na siya tinigilan ng tanong ng dalawa kong Kuya bago siya nakaalis sa 'min. Akala pa nila Kuya, nililigawan ako ni Carlo.

"Omaygash, Jenn. Si Jake! Mas gwapo kay Carlo 'yun!" pang-aasar ni Kelly.

"I agree," segunda naman ni Ella.

"Wow... Ako na naman nakita n'yo. Ewan ko ba. Kayo lang naman ang hindi nafo-fall sa hotness ko."

"Dahil everything about you is a complete lie," sagot ni Kelly. "Hot ba 'yung kinakagat 'yung kuko sa paa? YUCK! Kapag naaalala ko talaga, Eeew!"

"HAHAHA! As if 'di n'yo 'yun ginagawa."

"NEVER!" Sabay nilang sabi.

"At kung sino-sino pang girls mo every week? Every month? Are you even using protection?" dagdag ni Ella.

"That's personal, Babe." Ginamit na naman ni Carlo 'yung gwapong tone niya na karaniwa niyang ginagamit sa mga girls niya. "But if you insist, yes. I'm all protected—AH! HAHAHA!" Pinalo siya ni Kelly. "Next time, girls. Don't ask."

Para maalis na sa topic na 'yun 'yung usapan, nagsalita ako.

"Kung naghahanap siya ng friend, sige lang. Pero kung iba..." sabi ko. "Next time na lang."

"I'll let him know that. Got it."

Patuloy naman kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa may parking lot. Hinatid ko lang silang tatlo since hindi naman ako dito didiretso.

"May sundo ka?" tanong sa 'kin ni Kelly. "Hmm... Kuya Rey or any of those hotties na friends mo"

"Hindi si Kuya. Sige na, una na 'ko, ah?"

Habang paalis ako, narinig ko pa si Kelly na nagsabing, "I'll not be surprise if any of those two is her boyfriend."

"Makilatis nga 'yan," narinig kong sabi ni Carlo.

Napangiti lang ako saka tumuloy maglakad papunta sa gate exit. Hindi pa man ako nakakalabas, nakita ko na siyang kausap si Kuya Guard tulad ng lagi niyang ginagawa, or nilang ginagawa noon. Nang mapatingin siya sa 'kin, kumaway ako at gano'n din ang ginawa niya saka aktong nagpaalam sa kausap niya bago lumapit sa 'kin. Agad naman niyang kinuha 'yung bitbit kong paper bag.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Nope. Kararating ko lang din. Tara."

Bago kami nakalagpas kay Kuya guard, nagpaalam 'to sa kaniya tulad din ng nakagawian.

"Ge, Kuya. Una na kami."

"Okay, Sir Ryder, Jenn. Ingat po."

"Salamat, Kuya."

Dumiretso kami sa sasakyan niyang nakaparada sa 'di kalayuan. Pansin ko ring napapatingin sa direksyon namin 'yung mga kasabayan kong lumalabas ng campus tulad nang mga nagdaang mga araw tuwing susunduin nila 'ko ni Michael. Ang totoo, may mga times na sabay silang sumusundo sa 'kin kapag tapos na sila sa trabaho nila at nagkakayayaan na gumala o kumain ng magkakasama. Minsan din naman si Ryder lang, o kaya si Michael lang.

Naalala ko pa na sobrang tutol si Ryder sa paglipat ko noon ng university habang si Michael naman tahimik lang pero alam kong hindi niya rin gusto 'yung desisyon ko. Pero nang ipaliwanag ko sa kanila na mas magiging ayos ako noon kaysaa bumalik na lang sa isla, pumayag na rin sila. Nangako naman sila na lagi akong bibisitahin o susunduin, at dapat lagi din akong nasa game nila. Bago pa man nabuo ang barkadahan namin nina Kelly, silang dalawa muna ang naging matalik kong kaibigan.

Pero lately... Si Ryder na lang lagi ang nakakasama ko sa mga dating ginagawa namin ng magkakasama. Kung bakit, hindi ko rin alam. Baka siguro...busy siya sa trabaho.

"Buckle up, chef. It's a long night for you mamaya."

"Mukha nga..." sabi ko.

Ngayong araw, hindi alam ni Michael na magkasama kami ni Ryder. Kahit na mga dalawang lingo na rin siyang busy at hindi namin nakaakasama ni Ryder, hindi namin palagpasin ang birthday niya. Tama, birthday niya ngayon at isu-surprise namin siyang dalawa.

May business na kami nina Kuya Rey at Kuya Jaret, isang family restaurant. Ang totoo, eight months pa lang 'to simula nang ipatayo ito ni Kuya Jarret. Ang gusto pa nga sana talaga ni Tito Albert, tatay ni Kuya Jarret, mas malaki pa rito at tutulungan niya kami sa pampagawa. Kaso tumanggi si Kuya Jaarret, gusto niya manggaling sa bulsa nila ni Kuya Rey ang pampagawa kaya hindi na rin nagpumilit si Tito Albert.

Nga pala, nagtatrabaho na si Kuya Rey sa isa sa mga warehouse ng company nina Kuya Jarret. Minsan, nagda-drive siya para sa pamilya ni Kuya Jarret. Enjoy naman si Kuya Rey sa ginagawa niya. Lalo na at alam niyang nakakaambaag siya sa mga ipon namin. At kung wala siyang trabaho, sa resto namin siya nagbabantay.

Bumaba kami ng sasakyan ni Ryder pagkaparada niya. Walang sumalubong na employee o guard sa 'min kasi naka-close kami ngayon. Hiniling sa mga Kuya ko na arkilahin muna namin itong resto para sa surprise namin kay Michael.

"Ikaw lang ba magluluto?" tanong ni Ryder habang papasok na kami sa kusina. "Saka sa'n nakalagay 'yung mga pang-design, balloons, whatsoever?"

Tinuro ko 'yung cabinet malapit sa cash register. "Pero kaya ko naman gawin 'yan mamaya habang hinihintay kong maluto 'yung gagawin ko. Kunin mo na lang kaya 'yung cake?"

Pero habang sinasabi ko 'yun, nakikita ko na siyang naglalakad papunta sa kinalalagyan ng mga hinihingi niya kanina.

"Though I know him much longer na kahit maglagay tayo ng sandamukal na balloons, hindi naman niya 'yun mapapansin. That punk is naïve, you know."

Ngumiti lang ako at 'di na siya sinagot. Tama nga si Ryder. Pwedeng hiondi niya mapansin 'yung mga design na gagawin namin pero gusto ko pa rin gawin. Alam kong hindi pa siya kahit kalian nakaranas ng party para sa birthday niya. Wala na kasi sa mundo ang parents niya parang ako. Pero ang kaibahan, wala siyang kapatid dahil only child siya.

"Handang-handa ka talaga. Samantalang no'ng birthday ko, muntik pang mag-seven eleven na lang tayo dahil sa busy n'yong dalawa."

Tumawa naman ako. "Sorry na. Bumawi naman kami kinabukasan."

Nakita ko siyang ngumiti. "I know. Just teasing you. Sige, start ka na tas gawin ko na 'to. Daanan ko maya-maya 'yung cake."

"Okay."

Hindi na 'ko nag-abala pang magpalit ng damit at saka dumiretso na sa store room para kunin 'yung mga ingredients na kailangan ko para sa Cream Pasta, Afritada, at Chicken vegetable Salad. Mukhang hindi balance ang lulutuin ko pero sigurado raw si Ryder na kakaining lahat 'to ni Michael dahil paborito niya 'to.

Ilang oras ang lumipas at nagpaalam na si Ryder na kukunin 'yung in-order niyang cake. Sinilip ko 'yung gawa ni Ryder sa labas at ready na ang mga design para sa small surprise namin. Isang part lang ng resto ang inayos namin. May mga balloons sa sahig, iba't ibang kulay ng crept paper na nakasabit sa pader at sa upuan para ma-extend ang haba niya. May banner ding nakalagay na Happy Birthda Michael. May picture ng ulunan niya na nakadikit sa katawan ni Doraemon, na idea ni Ryder.

Ang text sa 'kin ni Ryder, kausap na raw niya si Michael at papunta na raw 'yun ngayon dito at ang akala ay magkakainan lang kami tulad ng dati. Paparating na rin daw si Ryder. Sana lang daw ay hindi siya maunahan ni—.

Bigla akong napalingon sa likuran ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng resto. Akala ko si Ryder na ang dumating, tulad ng sa plano. Laking gulat ko nang makita ko si Michael na pumasok mula sa pintuan.

Hindi ako kaagad nakapagsalita. Para akong nalunod sa mga mata niya na nakatingin sa 'kin. Agarang sumigla ang pakiramdam ko dahil na in sa pangungulila ko sa kaniya nitong mga huling lingo na hindi siya nagpakita sa 'min ni Ryder.

Pero mukhang hindi rin 'to magtatagal nang may pumasok na 'di pamilyar na babae kasunod niya. Tumabi ito kay Michael at hinawakan ang kanang kamay nito habang patingin-tingin sa paligid.

Ano ka ba, Jenn!? Magsalita ka na! Nagmumukha ka ng tanga na nakatingin sa kanila.

"M-Michael..." sabi ko na halos ako lamang ang nakarinig. Hindi ka niya narinig! "Buti nakarating ka—kayo," mas malinaw na sabi ko.

Nang masabi ko 'yun, saka lamang tumigil sa pagsipat ang kasama niyang babae. Bahagya siyang tumingala kay Michael bago nagsalita na may halatang pag-aalinlangan sa ekspresyon ng kaniyang mukha. "Uhm...Where are we, exactly, Michael?"

Nakasuot siya ng kulay pula at itim na tight dress hanggang itaas ng kaniyang tuhod. Naka-high heels na black, kumpletong alahas, at nakalugay na hanggang brasong buhok. Sa puntong iyon, gusto kong magtago sa CR dahil sa itsura ko. Bukod kasi san aka-uniform pa 'ko, alam ko ring pawisan at magulo na ang buhok ko. Plano ko sanang mag-ayos at magpalit bago man lang dumating si Michael pero mukhang hindi na mangyayari 'yun.

Pero bago pa makasagot si Michael sa tanong ng kasama niya, laking pasalamat ko nang dumating si Ryder bitbit ang cake na in-order niya.

"Oh, man! You just ruined our surprise!" Tumawa ito pero alam kong napansin din niya ang kasama nitong babae. "And who's the lady here? Hi, I'm Ryder." Lumingon sa 'kin si Ryder. "She's Jenn. You are...?"

Sasagot na sana ang babae nang inunahan na siya ni Michael.

"Sarah. Co-employee..."

Halata naman ang pagkunot ni Sarah ng noo niya pagkasabi no'n ni Michael. Sa isang banda, gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi tama 'yan, Jenn.

"Ahm... Sorry, Michael kung hindi namin sinabi sa 'yo—."

"Oh c'mon, Jenn," salag ni Ryder habang nilalapag niya sa mesa ang cake. "Kaya nga surprise eh." Inakbayan niya si Michael saka tinuloy ang pagsasalita. "You think nakalimutan namin!?"

"To be honest, your text give it away."

"Hahahaha!" malakas na tawa ni Ryder sabay hampas nito sa likuran ni Michael. "Don't say that. Magagalit si Jenn dahil siya nakaisip nito."

Tumingin sa 'kin si Michael na parang naghihintay sa kumpirmasyon ko. Ngunit bago pa man niya marinig 'yun, nagsalita na si Sarah na halatang iritable na ang boses.

"Were's the powder room, by the way?"

"Uhm... Dito po." Tinuro ko 'yung kanang direksyon ko sa likuran saka siya naglakad ng dirediretso. "Samahan na kita."

Pagkatalikod ko, narinig ko pa si Ryder na mahinang tinanong si Michael...

"Sino 'yun?"

Sinundan ko sa CR si Sarah at naabutan ko siyang may kausap sa phone.

"Gahdd! I hate it. I'm thinking he'll bring me to a nice and fancy resto, my gaahdd! This is so insane—yes! Good thing there's also a hot guy here, so I think won't be bored. I'll be patient and who knows, riiight?" Tumawa siya na para bang may ibang ibig-sabihin ang sinabi niya. "I'll let you know. Yah... Thanks. Bye."

Pagkalingon niya sa 'kin, bigla siyang napaatras at napasigaw ng bahagya.

"Omaygahd! What the f*ck!?"

Halatang namutla siya sa takot pero agad ding bumalik ang kulay nito nang maka-recover siya.

"Ahm... Sorry kung hindi natuloy 'yung lakad n'yo ni Michael," paumanhin ko. "Pero don't worry kasi nakapagluto na naman ako kaya mabilis lang tayo—."

"Are you his friend?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

Hindi ko alam... Pero bakit ayoko sabihing oo, kaibigan niya 'ko. Ano ba, Jenn. Umayos ka. Tumango ako at gano'n din ang ginawa niya.

"I see... Good. Anyway, I want to ask you a favour?"

"Ahmm... Okay."

Lumapit siya sa 'kin at saka hinawakan ang kamay ko. "Can you make this surprise, or whatsoever, fast? I mean... If you don't get it, bilisan natin 'yung surprise party n'yo sa kaniya? We have plans, you know? Sayang naman kung mauubos lang dito."

Noong una, hindi kaagad ako nakapagsalita. Seryoso ba siya? Baka naman—.

"Please?"

Seryoso nga siya.

Mas nauna siyang lumabas ng CR kaysa sa 'kin. Naghilamos muna ako ng mukha saka tiningnan ang sarili. Matatapos din ang gabing 'to. Eh ano naman kung bilisan ng kaunti itong surprise namin sa kaniya 'di ba?

Dumiretso ako sa kusina pagkatapos. Naririnig kong nagsaasalita si Ryder at Sarah. Paminsan-minsan naririnig ko ang matitipid na sagot ni Michael pero 'yun lang 'yun. Mas nagi-guilty tuloy ako baka hindi niya gusto 'tong ginawa namin.

Mas binilisan ko na lang ang pag-aayos ng mga pagkain saka inilabas sa table na kinapupwestuhan nila. Agad naman akong tinulungan ni Ryder pagkakita pa lang niya sa 'kin na naglalakad palapit sa kanila.

"Oh, 'di mo sinabi. Akin na..."

"Salamat."

Tatalikod na sana ako para kunin 'yung iba pa pero nagsalita kaagad si Ryder.

"Wait, Jenn!" Lumingon ako sa kaniya saka ko naramdaman hinawakan niya'ng isang braso ko at bahagyang hinili papunta sa bakanteng upuan. Kaharapan ko si Michael habang katabi niya si Sarah. Hinawakan ni Ryder ang magkabilang balikat ko bago nagsalita.

"Kanina pa 'to pagod kakaluto ng paborito mo kaya she deserves the best kahit birthday mo. Pasensya na, Pre. Favourite flavour ng cake niya ang binili ko."

"Ryder!?" biglang tawag ko sa kaniya.

"Okay lang kay Michael 'yan, ano ka ba." Tumingin siya kay Michael, at 'di ko na rin naiwasang gawin 'yun. "'Di ba!?"

"Yeah, sure." Mukha siyang bored pagkasabi niya no'n.

"Kitams."

Pagkakuha ni Ryder ng lahat ng dapat i-serve, umupo na rin siya sa tabi ko. Kaso...hindi pa man kami nakakapag-umpisa ay parang desidido na si Sarah na maagang tapusin ang surprise naming 'to.

"Oh, wait. Is this chicken?"

Narinig kong natawa si Ryder pero agad niya ring pinigilan ng tingnan siya ni Michael. Nag-usap sila sa tinginan na halatang sila lang ang nagkakaintindihan.

"Ah... Oo, eh. Lahat 'yan may chicken. Ahm... Pwede akong magluto ng pork dish? Mabilis lang naman—." Patayo na sana ako nang marinig kong maagsalita si Michael.

"You can have the cake."

Agad na tumingin sa kaniya si Sarah habang siya, kumukuha na ng pasta. Nang makasiguro si Sarah na hindi nagbibiro si Michael sa sinabi niya, umaayos siya ng upo saka sinabing "I'll have the cake then."

Lumipas ang ilang minute at naging maayos naman ang pagsaasalo namin. Halos si Ryde ang nagdala ng usapan at mukhang bahagyang nakalimutan na ni Sarah na gusto niyang umalis ng maaga. Hindi naman sa nanghihinayang ako pero mas okay nga iyon dahil ibig-sabihin, mas matagal pa naming makakasama si Michael.

Nang kakain n asana kami ng desert, bumalik si Sarah sa upuan niya mula sa pagsagot niya sa tumawag sa phone nito.

"I'm afraid; we have to go, Michael. Our reservation to Crimson Hotel is waiting."

Hotel?

Tumingin kaming tatlo sa kaniya. Gusto kong sabihin na Iwan mo na si Michael dito, please! Pero siyempre, hindi ko magagawa 'yun. Sa halip, nakuha ko ang senyas ni Sarah sa 'kin na segunduhan ko siya tulad nang pakiusaap niya sa 'kin sa CR kanina.

"Ah... Baka kailangan n'yo na nga umalis."

Napatingin naman sa direksyon ko sina Ryder at Michael. Halata namang may gusting ipaintindi sa 'kin si Ryder sa gawi ng pagtingin niya sa 'kin... 'Wag mo sabihing papaalisin mo na sila???Halata naman ang pagkasaya ni Sarah sa ginawa ko.

"Kasi ang totoo... May exam ako bukas?" dagdag ko. "Kailangan ko pa talaga mag-review. Sorry..."

Pagkatapos nang pagsisinungaling ko, nagpasya na rin sina Michael na mauna na sila. Tutal naman napagbigyan na ang plano ko. Nauna na si Sarah sa sasakyan ni Michael pagtapos niyang magpasalamat sa 'kin. Humingi siya ng brochure ng resto namin para raw ipakita niya sa mga cleaning aid sa company nila kapag gusting kumain. Halata namang may ibig-sabihin siya nang sabihin niya 'yun pero hindi ko na pinansin.

Pumunta na rin sa sasakyan niya si Ryder dahil sabi ko darating naman 'yung isa sa mga cleaner ng resto para ayusin lahat ng kalat namin, at parating na si Kuya Rey para sunduin ako. Pero ang totoo... gusto ko lang mapag-isa dahil hindi naging successful ang surprise party ko para kay Michael.

Hindi ko rin nabigay 'yung dapat na ibibigay ko.

Bumalik na 'ko sa kusina matapos kong magpaalam sa kanilang lahat. Naghuhugas ako ng pinggan hanggang sa mapahinto ako... Bakit ka umiiyak, Jenn!? Natuloy naman, 'di ba? Pero kasi... Kapag iniisip kong may kasamang iba si Michael, parang pakiramdam ko...

"Jenn?"

Napalingon ako kaagad sa likuran ko na parang nasa bibig ko na ang puso ko sa sobrang kaba. Napahawak ako sa dibdib ko habang kinakalma na ang mabilis na kabog nito.

"Michael!?" Huminga ako nang malalim saka ulit nagsalita. "May nakalimutan ka?"

Nakita ko siyang tumango-tango na aktong naka-iwas ng tingin sa 'kin.

"I forgot to...thank you."

Binaba ko sa gilid ko 'yung kamay na nasa dibdib ko kanina pagkatapos kong punasan ang luha ko. Buti na lang at hindi siya nakatingin sa 'kin. Nakakahiya.

"And... I forgot to get something."

"Uh?"

"This." Naglakad siya papunta sa working table sa kusina at unti-unting nanlaki ang mata ko nang damputin niya 'yung maliit na paper bag na nakapatong dun! 'Yun 'yung regalo ko sa kaniya na...hindi ko na balak ibigay sa kaniya!

"Ahm, hindi ko na—"

"Hmm?"

"Ano kasi..."

"I was waiting for you to give this to me pero mukhang nakalimutan mo ata."

"Ang totoo niyan—."

"This is for me, right? I'm not assuming this is for Ryder—"

"Hindi!" Napatigil ako kaagad nang mapalakas ang boses ko. "Ano, ibig kong sabihin... Hindi naman siya ang may birthday."

"Thanks."

At doon lang gumaang ang pakirramdam ko nang makita ko siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang hawak niyang maliit na paper bag. Hindi ko na inisip na napakasimple lang ng regalo ko dahil kahit papano...may kapupuntahan ang paggawa ko no'n.

"Ah...hindi k aba hinihintay ni Sarah?"

"She can wait," matipid niyang tanong habang binubuksan ang paper bag.

"No'ng mga karaang araw, busy ka siguro kaya 'di ka nakikipagkita sa 'min?"

"Nope." Nakita kong tumaas ang isang kilay niya pagkasilip niya sa laman nito.

"Hindi? Pero—"

Habang kinikuha na niya 'yung laman sa loob... "Did you have fun with Ryder during those days I'm away?"

"Huh?"

"An anklet?" Tumingin siya sa 'kin habang hawak 'yung pinacustomize kong anklet. Isang stainless bead na may hugis bilog at may nakaukit na letter M ang ppinaka-accesory niya habang manipis na black leather naman ang magsisilbing tali nito.

"Sorry. Di ko alam kung magugustuhan mo—."

"Why do you expect the worse from others?" Tumingin siya sa 'kin. "Bakit nagso-sorry ka kahit wala kang kasalanan? Why do you want to burden yourself, Jenn?" Hindi ako nakasagot saa biglaan niyang mga tanong. "Stop being a sorry girl for everyone. Give yourself a break." Nakita ko siyang umiling.

Naalala ko 'yung mga oras na pinagsasabihan niya rin ako sa mga bagay-bagay noong nasa Austine pa 'ko. Pakiramdam ko tuloy, wala pa ring nagbago sa 'kin kahit wala na 'ko do'n. Nakita kong binalik niya sa paper bag ang hawak niyang anklet bago nagsalitang muli.

"I'll go ahead." Tumalikod siya sa 'kin at handa na sanang umalis nang tawagin ko ulit siya.

"Manonood kami ng sine ni Ryder sa makalawa. Sasama ka, 'di ba?"

Mukhang bang nagmamakaawa ang boses ko? Sana hindi niya mahalata...

"No. I won't."

No? "Sandali." Naglakad ako papunta sa harapan niya. "May nagawa ba kaming mali ni Ryder? Bakit iniiwasan mo ata kaming dalawa. Gusto kong mag-sorry kung may nagawa kami pero ayaw mo ng marinig akong mag-sorry kaya—."

"If you don't want us to fight again because of a girl...let me do this and don't ask. There can't be two horses in one coach."

"Pero...'di ko naiintindihan."

Ngumiti siya bago ulit nag-salita. "I am nothing compare to him. He's a good guy. You're both perfect." Inabot niya ang kamay ko saka pinisil ng bahagya. Sa ginawa niyang 'yun, parang ginising niya ang buong katawan ko sa emosyon na hindi ako sigurado kung ano. "This is my happiest birthday, Jenn. Thank you."

Saka niya marahang binitawan ang kamay ko at saka tuluyang naglakad palabas ng restaurant.

Bakit pakiramdam ko...nag-papaalam na siya?

At bakit pakiramdam ko...gusto ko siyang habulin?

******************************

JARRET

Patapos na ang unang araw ko simmula nang makarating ako rito sa America. Gustohin ko mang kalimutan na lang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay James, at gawin na lang ang nauna kong plano sa 'min ni Adeline, hindi ko magawa. Sinong kapatid ang nasa katinuan ang magsasaya sa buhay niya matapos mong malaman na pwedeng mamatay ang kapatid mo dahil sa kaligayahan mo?

Hindi ako...

Matapos naming mag-usap ni Tamara, secretary ni James, dumiretso ako sa hotel room ko at doon hinintay ang medical records ni James na pinangakong ipadadala nito sa email. Binasa ko 'yun isa-isa hanggang sa maintindihan ko kahit papaano ang kondisyon ng kapatid ko.

Nai-set na rin ang meeting ko sa Doctor ni James dito sa America, bukas. Alam ko manga yaw ni James na malaman ng kahit na sino ang pinagdadaanan niya, gagawin ko pa rin para sa kaniya at sa 'ming lahat. Isa pa...siguradong sasang-ayon din sa 'kin Adeline na ipagpaliban ang kasal namin kung sakaling malaman nito ang tungkol kay James. Pero hindi pa ngayon...

Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kaniya.

"Hey."

Napalingon ako sa pamilyar na boses na inaasahan ko rin dumating ngayong gabi dito sa pina-reserved niyang table sa restaurant. Nandito ako sa restaurant para makipagkita kay Disney. Hindi ko alam kung pa'no niya nalamang nasa America ako, pero heto ako ngayon at inaasahan ang pagdating niya.

Tumayo ako para bigyan siya ng upuan. Kaiba noong huli ko siyang makita sa Japan na halos hindi na makatayo sa hotel room niya. Mas mukha siyangayong healthy at maaliwalas ang dating ng mukha. Ang huli kong balita, itinuloy nito ang pagbubuntis niya kasabay ng career niya bilang model. 'Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit sa pribadong restaurant kami nagkita para makatakas sa mga mata ng posibleng paparazzi niya.

"I still need one chair, though," narinig kong sabi niya bago may dumating na babaeng Americana na nakasuot ng parang sa mga baby sitter. Bitbit nito ang isang batang babae na mukhang nasa almost four years old na. Tumingin ako kay Disney at proud siyang ngumiti saka sinabing, "Yeah, it is she that you've saved that day."

Binalik ko'ng tingin ko sa anak niya at narinig ko ring sinabi niya ang pangalan nito, "Daphne."

Nang matulungan kami ng baby sitter na maiupo sa upuang pambaby si Daphne, umalis muna ito sang-ayon na rin sa utos ni Disney sa kaniya.

Naglalaro naman mag-isa sa table niya ang anak nitong si Daphne.

"She's adorable, right?"

"Oo. Halos kamukha mo siya."

Nakita ko namang umiling siya pero halatang nakangiti ang mga labi.

"You know what's the funny thing here? You're eyes seems mutual. Can't you see?"

Sandali kong tiningnan si Daphne pero agad ko ring sinalag ang gusto nito iparating sa 'kin. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kog natutuwa lang si Disney na sabihing may hawig ko ang anak niya. Pero alam kong may gusto pa siyang sabihin bukod doon.

"I don't think so," paunang sabi ko. "Maybe sa tatay niya nagmana dahil kaiba sa mga mata mo."

Nakita ko siyang umismik na dala ng pagkainis saka nilagyan ng pagkain sa plato nito si Daphne. Hindi na naman kailangang pilitin pa ang bata dahil marunong na ito mag-isa kumain kahit medyo makalat kung tutuusin.

"Her father is out of the question." Tumingin siya sa 'kin. "Anyway," hinawakan niyang kamay ko na nakapatong sa mesa saka ngumiti. "Thanks for meeting me. I'm so glad to see familiar face after all this time, you know?" Dahan-dahan kong iniwas sa pagkakahawak niya ang kamay ko pero alam kong napansin niya rin ito pero hindi niya na binaggiit pa. Ngumiti lang siya at saka nagtuloy magsalita.

"Bakit mo nga pala gusto makipagkita?" tanong ko.

"Uhm... I just want to meet you, that's all. My career is getting stressful nowadays, you know I want to take a break even just for a moment. I hope you don't mind."

Gusto kong tanungin kung sino nagsabi sa kaniyang nandito ako ngayon sa America pero binawi ko na agad ang balak kong 'yun. Mas magiging komplikado lang ang gabing 'to kung magkataon. Hindi ko rin planong magtagal.

Sandali pa kaming nag-usap pero nag-aya na rin itong tapusin ang gabi lalo na't nag-uumpisa na ring mainip sa kinauupuan niya si Daphne. Binuhat niya ang anak nito sa paraang hindi sanay ang bata na ginagawa ito ng sarili niyang ina. Hindi na 'ko magtataka kung ang baby sitter ang laging kasama ni Daphne.

Hinatid ko sila sa labas ng restaurant hanaggang sa makapasok sa sasakyan nito ang anak niya.

"Thanks for tonight. This means so much to me, Jarret. I didn't have the chance to thank you for all the things you've done for me, for us." Hinawakan niya'ng braso ko at marahang pinadulas sa paraang maaaring mapagkamali ng iba. "I hope you'll forgive me for what I've done."Itatanong ko pa lang sana kung ano ang eksaktong gusto niyang sabihin nang hawakan ng isang kamay nito ang kamay ko, at iniyakap naman ang kabilang braso sa bandang leeg ko. Tatanggalin ko na sana ang braso niya nang halikan niya 'ko sa labi bago ito dalidaling pumasok sa sasakyan at saka tuluyang umalis.

Saka lang ako nakapaglabas ng hininga na matagal ko na rin palang pinigilan habang kasama ko si Disney. Lumingon ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao lalo pa't kilalang model pa rin siya hanggang ngayon. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong kaunti lang ang sasakyang nakaparada rito sa car par. Mukhang wala namang nakakita sa ginawa niya.

Palalagpasin ko na dahil huli na 'tong pagkikita namin tulad ng sabi niya.

Lagpas alas-dose na ng gabi nang makarating ako sa hotel room ko. Nagpadala ng picture sa 'kin si Adeline kanina, silang dalawa ni Lolo habang kumakain ng pizza. Kumpara noon, mas namayat si Lolo at alam kong hindi na siya bumabata. Hindi na niya kailangan malaman ang tungkol sa sakit ni James na maaring ikalala pa ng kondisyon niya.

Nag-message ako kay Adeline na iiglip na 'ko para sa flight ko pauwi ng Pinas mamaya. Malamang, papasarap pa lang ang tulog niya galing opisina. Buti na lang at naka-leave ako ng tatlong araw pagbalik ko para sa short vacation namin ni Adeline.

Bago ako natulog, uminum muna ako ng beer saka nag-iwan ng message kay James gamit ang email ko.

Musta? Kilala mo pa ba'ng mas gwapo sa 'yong kapatid? Mayaman na tayo. Tama na trabaho.Kita tayo, 'tol. Tawag ka kapag may problema d'yan, o sa 'yo. Okay?

Naghintay ako ng ilang minuto. Nagbabakasakali na sumagot siya pero bigo ako. Hindi ko na inaasahang pumayag siya na magkita kami dahil sa apat na taong 'di niya pagpapakita, mas naiintindihan ko na ngayon kung bakit.

At habang kinakain ako ng antok dito sa kama ko... Inisip ko kung nasa'n sana ako ngayon kung sakaling hindi ko nalaman ang tungkol sa sakit ni James. Malamang, busy na kami ni Adeline sa pag-asikaso sa unang hakbang para sa kasal naming dalawa.

Pero hindi pa ngayon... Hindi pa.

***********************


WENDY

Okay. This is one of a tough job. This is new to me ever since I got back to painting... Wala akong maisip na idea for this one big canvass. F*ck. And to add more f*ckery in my life right now, I can't stop thinking about him, like hell! I'm not even a teenager, I'm too old for this sh*t. And yet, here I am like a lovesick kitten, for goodness sake!

This is so f*cked up with a capital F.

"Kape?"

"F*CK!"

I was shocked to hear his voice that I thought it's only in my imaginative f*cking mind.

"HAHAHA!" he bursted out. "You're welcome."

Snatching the coffee away from his shaking hand because of his laughter, umiwas ako ng tingin sa kaniya. Though I was dismayed by his sudden appearance, again, I'm still glad that he's here. Well, I want my foolish brain to know that all these restless night, ever since na magpakita siya, are all product of my useless woman hormones. Yes, useless!

You don't need to be all over a man and end up like you can't breathe without him. I've been there and it sucks.

After sipping my coffee, I placed it on the ground beside my leather backpack. By then, he's done making fun of my f*cking attractio—I MEAN, REACTION. Sh*t, Wendy. There's no way you're attracted to Adeline's number one knight and shining armor, don't you?

I crossed my hand and faced him. "Thanks for the delivery. I'm happy to see you leave."

His eyebrow rose like he was surprised to hear it, too early, from me. His eyes were accusing like he wants to tell me that he just got there. Naglakad siya palagpas sa 'kin, and like what I'm doing before he arrived, tumingin din siya sa wall canvass ko.

"Do you think you can make it?" I heard him asked.

I turned to him and said, "If you think I can't, you shouldn't have recruited me in the first place."

Lumingon siya sa 'kin, and there's humor in his eyes. "I know you can, dumb*ss." Then he winked at me.

SHIT.

STOP LEAPING LIKE A KANGAROO, YOU PUMPING STUPID ORGAN CALLED HEART!

Hell! It's just a wink! Geez!

"Dumb*ass yourself, tch!" I managed to said.

Shaking my head to clear my head, and also to hide the growing heat in my face, I grabbed my sketch pad and pencil inside my bag. I started sketching my ideas that I've been thinking for hours now before he came. FOCUS, WENDY! Remember the reason why you are here.

Finish the job and get the hell away from this place.

"Kaya mo ba'ng mag-sketch ng tao?"

Without looking at his directions, though I felt he's walking towards me, I answered him.

"Yah."

"Sige nga, sketch mo nga 'ko."

I stopped. Turning to my right, I saw him with expectant eyes.

"Just because I said I can doesn't mean I will."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at saka naglakad palapit sa blank wall. I placed my sketch pad sa maliit na wooden table na katabi ng stainless ladder. Sketching a person is a very intimate act for me. In order to draw a person's image, you have to think about him or her passionately. Memorizing all the curves, lines, points, shades, the whole feature...I have to offer my soul on that.

And the last time I did that, it leaves me bare...hallow...dead.

"I think you can't," he murmured.

I took a deep breathe and ignore him. Without thinking too much, umakyat ako sa ladder to pretend I'm about to start my work so that he'll leave me alone. With my first coating paint in hand, tinuloy ko ang pag-akyat.

"You need a hand!?" he offered.

I just smirked, and I hope he gets my signal that I'm dismissing him. I don't want him here crowding my personal space.

"Wendy!" he called out from below. I'm now eight steps above from him. "Kailangan mo ng patungan niyan! Hindi mo basta bitbit dapat 'yan! Saka sabi nila hindi ikaw ang maglalagay ng first coatin—."

I looked down on him and yelled, "You know d*mn well it's my job!" Umakyat pa 'ko ng isang hakbang out of frustration. "Get away from here, Trace, so I can peacefully start my f*cking work!" I groaned and looked away from him.

Ignoring him whilehe yells something I didn't quite understand, wala sa isip kong humakbang ako paitaas. And like stupid woman, I stepped the wrong foot and lost my balance. Unang nalaglag ang hawak kong can paint when I tried to regain my balance, but I failed. It's like the longest f*cking seconds of my life witnessing the sky from above as I fell backwards.

I'm expecting a heavy thud from my back or a crack in my skull, but I felt nothing.

May narinig akong umiiling sa sakit and I thought sarili ko ang narinig ko but I'm wrong. It's not me but it's—.

"TRACE!!"

He's groaning while his eyes were still close. Lines were forming in his forehead because of his brows that is pulled together. What the f*ck I'm doing on top of him!!??? His arms were still enclosed around my waist as if I'll still fall hard in the ground if he tries to remove it. I can feel his heart beating fast against mine. Am I in a f*cking chicflick movie!? Goodness!

"The hell did you do!? Are you trying to kill yourself and blame it on me!? Huh!?" I yelled at him.

My head's still pounding like a devil kahit na hindi ako nasaktan. I can hardly breathe dahil I can still hear the fast beating of my heart.

"Are you dead!? ANSWER ME—." I stopped.

Slowly, his eyes started to open and it's staring directly at me. He didn't say anything and just stared like he's trying to penetrate my very soul. And even still I don't want to admit it; he already had a space in me for a very long time. Now he knows it.

And I'm f*cked. He grins like an idiot.

"Ang sh*t lang nung eksenang ganito sa mga palabas..." he silently said but there's a humor in his eyes."Napakasakit sa likod, nabalian ata ako ng buto."

With all might and pride, I answered him back. "I told you to go away! See!? This happens when you can't mind your own f*ckin' business!"

I was expecting him to lash out, get mad at me for being ungrateful on saving my ass. Yet his expression was full of fascination to something I am not sure about, and this drives me nuts.

"I don't mind. Masakit sa likod pero medyo..." He glanced at our chests that were pressed together. "Okay naman."

"Seriously!!? You, perv—."

"Hep! Ikaw 'tong hindi pa rin umaalis sa kinalalagyan mo. At least I know hindi nasasayang ang oras ko sa gym dahil mukhang komportable ka diyan sa dibdib ko." And I felt his chest hardened. Yeah. CHEST.

I get off of him and scrambled at my feet to stand. Nakita ko siyang dahan-dahang bumangon but I didn't bother to help him at all. But when I saw him wince nang gagamitin niya sana 'yung kanang kamay niya pantukod to get up, my hands found his arms and help him up.

We're both surprised to what I did but I didn't withraw from helping him hanggang sa makatayo na siya nang maayos. I shake off the dust and dirt behind his shirt and pants after that.

"Thanks," he simply said as he stared at me fixing my own clothes.

"As much as I want to yell at you for disturbing me in my work, thanks but no thanks."

He grins. "You're welcome." And then inayos niya 'yung nalaglag na ladder, na thankfully, hindi bumagsak sa 'min. Though he obviously hurt himself, he volunteered to clean the mess I made with the paint I insist on using a while ago.

Wala na 'kong ginawa kundi ang hinatayin siyang matapos.

"All set. Ayan. Wala na 'kong atraso sa 'yo," he proudly said while shaking off the dust in his shirt.

"Don't you have your own job to start with?" As if it has nothing to do with me. "You can go back tomorrow to shoot whatever update you need for your vlog. Right now, I won't start anything." It's my way of dismissing him again. What happened just now feels dangerous to me...

My walls are starting to crumble right in front of myvery eyes, and I'm not sure if I should be alarmed or thrilled.

"Don't worry. I've got enough for today's vlog. Ge, iwan na kita d'yan. Kitakits kina Lilian mamaya."

Then he winks at me before waving off his hand, and then he's gone.

And I was left here with shaking hands, weak knees, and wildly beating heart.

F*ckery. F*ck. F*cked.

**************************

LILIAN

"Good morning, Ma."

"Oh? Maaga pa. Pwede ka pa matulog, Lil. Hatinggabi ka na natulog."

Birthday party ngayon ni Mama at invited din ang mga kaibigan namin ni Dare since they've been close to us ever since we started highschool sa Austine. Though may catering service naman that will handle the foods to be served mamaya sa clubhouse, an extra hand to supervise the preparation won't hurt.

Hindi pa man nagtatagal simula nang umuwi ako ng Manila, I know deep in my heart that I already miss him. Still missing him. I sigh and just get myself a cup of coffee. I went to the garden kung sa'n nakalagay 'yung plant na binigay niya sa 'kin noon. It's growing good just like my unstoppable feelings for Tyler. I thought everything will be fine after four years of admitting to myself that we're in different worlds now.

But seeing him once again, all my resolves were gone.

I crouched down to where my plant was placed. Obviously, my mom already watered it just like what she always did first thing in the morning before I get up. Sabi niya, favourite niya raw ang mga plants na bigay ni Tyler sa 'kin. 'Yung isa nung maaksidente kami ng kaibigan kong si Faye, at 'yung isaa naman ay no'ng mga college pa kami.

"I'm glad you're all doing fine..." I silently said as I sip my coffee. "I hope he is, too."

Pinikit ko ag mga mata ko saka naagbuntong-hininga. This is a joke, Lilian. Stop fantasizing him. He shouldn't be fantasized. I know you'll find someone who will stay...

"Oh, Lord. Help me clear my head..."

"May problema ka?"

As if I heard a ghost, I didn't move from where I am now. I didn't even bother to turn my head and who it was because I know who it is. Nang marinig ko ulit siyang magsalita, at this time ay para tawagin naman ang pangalan ko, ginawa kong lahat para makatayo ako para harapin siya.

Wearing white folded designer's longsleeves polo, dark blue pants, and brown black stylish shoes – definitely hindi siya mukhang semenarista. Any girl would swoon once na makita siya. At kahit mga dalawang hakbang pa 'ko mula sa kaniya, I can smell the scent of his cologne and aftershave. Gosh, I'm being delusional. And aftershave scent, really?

"Tyler," unang sabi ko. "Ahm...What are you doing here? I mean..." Lilian, don't be rude! I know that's not what you want to say but 'I'm glad you're here'. "Akala ko kasi nasa Tarlac ka pa."

Nakita ko siyang ngumiti bago sumagot.

"Actually, kararating ko lang kanina sa Manila. Balak ko talagang pumunta sa birthday ni Tita. I got invited."

"That's great—I mean, yes... Ahh... Nice."

Hinawakan ko nang maigi 'yung mug ko para hindi ko magawang hawakan ang dibdib ko sa lakas ng pagkakaba nito ngayon. Nakatitig lang siya sa 'kin like he's waiting for me to say something. And I have no idea what it is.

"Ahm...wala pa sila. Mamaya pa silang gabi darating—."

"Dapat ba mamaya na lang ako pumunta?"

"NO! I'm glad you're here!" Oh, great. I sound desperate. Nakakahiya! "I mean..."

Ngumiti siya saka sinabing, "Tutulong ako sa preparations. I have nothing to do today."

Nothing to do?

"Huminigi ako ng time off ngayon at bukas."

Right. Only a time off, Lilian. Stop hoping. "Okay... Uhm, coffee? Breakfast?" Naglakad ako palagpas sa kaniya and that makes me cringe more dahil I know he's looking at me from behind. Huminto ako sa paglalakad saka lumingon sa kaniya. "I'll prepare it since kagigis—." OH, GREAT! I stopped and glanced at my clothes. "I'll be right back."

Dalidali akong naglakad papasok ng bahay naming hanggang sa makaakyat ako ng hagdan, at sa wakas – makapasok ng kwarto. NO!!! Did I just show him my morning look!?? Good God, I'm wearing thin pajamas and sphagetti strap. Thank goodness I bother to wear brassier but I know my pajamas is too thin and—"UHGGG!!!" I groaned loudly. Nakakahiya!

STOP! Tyler is Tyler. He won't be looking at your polkadot underwear. For Pete's sake, polkadots!? Thank God I manage to brush my hair.

Imbes na magpalit lang ng damit ang ginawa ko, I didn't bother to think about it at naligo na 'ko and totally fix myself. I just wear a simple yellow floral sundress and a thin white blazer. Should I tie my hair? Yeah, tie your hair, or else you won't stop tucking it behind your ears like a silly teenager in front of her crush.

After, I don't know how long ako nag-ayos ng sarili, lumabas na 'ko and meet him in the kitchen where Mama is baking some muffins. They were talking beside the counter top like it is a usual day for them. I can't help but imagine him being here everyday, visiting me because... I sighed. Don't go there, Lilian. There's a huge sign saying - Dead End.

I announced myself at parehas silang tumingin sa 'kin. Tyler's holding a mug na pinatong naman niya sa kitchen table bago niya 'ko ningitian. His smile warms my heart and kinda cool down my heightened emotions.

"Sorry, natagalan," I just said.

Kukuha na sana ako ng isang muffin nang mapahinto ako sa sinabi niya.

"You look beautiful, Lil."

Dog. Cat. Hen. Sheep. Cow.Horse. Oh, I think my knees will give in. Did I just hear him say that in front of my mother? Tiningnan ko siya. It looks like he's not even bothered to what he did say. It's nothingto him, so... It should be nothing to me, right? Besides, it's only a compliment.

"Uhm... Thanks."

I can feel the heat on my cheeks. And I'm sure namumula na 'ko ngayon.

Nang marinig kong tumunog 'yung oven, do'n lang ako natauhan sa dapat kong gawin kanina. I grabbed the muffin and settled myself sa malapit na upuan.

Nakita kong nilabas isa-isa ni Mama 'yung tray na may lamang muffins and then she placed it on the food basket wherein naghihintay 'yung mga nauna na niyang i-bake. Tyler give her a hand while they're discussing something I didn't quite follow. Hanggang sa marinig ko na lang 'yung pangalan ko na binanggit ni Mama.

"Yes?" I asked.

Mama gived me a knowing look like she knows I'm on this huge cloud, floating in the air.

"Magaling daw ako magluto sabi ni Tyler. I told him na it's the only thing na maipapasa ko sa 'yo. And he didn't quite believe me nang sabihin kong marunong kang magluto." Tumingin siya kay Tyler. "You should ask Lil to cook for you. You'll be surprise."

"Ma!?"

"What?" natatawang sabi niya. Like I'm overreacting sa kung anong sinabi niya.

Pero I know what Mama is doing right now. Knowing na may alam siya sa feelings ko for Tyler, she's doing this for me. And...I'm not sure if this feels right or not. The man is going to be a priest next year!

Tyler tasted the muffins and pure bliss painted on his face.

Well, Mama is a great cook and a baker. I just learned one or two from her but I'm nothing kung ikukumpara mo sa kaniya.

"That's a great idea!" I heard Mama say. Idea? "Lilian won't say no to that."

Huh? Ano'ng pinag-uusapan nila? I think I should stop thinking on my own from now on. Nang makita ni Tyler na mukhang hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Mama, nagsalita siya to explain. And I'm not sure if I'm shocked, wary, or pleased.

"Sabi ko kay Tita na tamang-tama kasi aayain sana kita bukas? Kung wala kang schedule na trabaho. May pupuntahan akong feeding program and I think you'll be a great help. Knowing na magaling ka pala magluto."

I shook my head but with a smile on my lips. "Marunong lang, Tyler. Hindi magaling. But yes—." Wait? Did I just agree to his invitation without having second thoughts!? He's back in Manila for two days and it appears na we'll see each other for two days. What does it mean!?

I MEAN... Does it have to have a meaning?

"Okay ka bukas?" nakangiting tanong ni Tyler.

How can I say no? I'm doomed. I just nod and he beams me his perfect smile.

"It's nice na may makakasama naman si Lil sa mga charity works niya na kilala ko. Nowadays, kung saan-saan siya pumupunta and I'm worried kahit alam kong she'll be blessed to what she's doing. And you know, the girls are busy with they're own respective jobs, and it's great." Sina Adeline ang tinutukoy ni Mama."But you know?" Binalik ni Mama ang tray niya sa oven as she added, "It's nice to know she's with someone I trust."

I saw Tyler nods in response. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya hearing my mom's tale about me. He's so patient with all these, and I'm grateful for that.

"And as long as she's happy sa kung ano'ng ginagawa niya ngayon, I'll be happy too for her."

"Ma..."

Her eyes got watery now as she said that. Alam kong she favours me with every decision I made. Going alone in a different country at manirahan do'n for several years, focus on charity works and freelance job after I graduated, lahat 'yun pinaboran ni Mama kahit na tutol si Papa sa mga gusto ko. I understand Papa, but most of the time siya ang mas umiintindi sa mga gusto ko. Sabi nga niya, mas mahiraap pa 'kong i-handle kaysa kay Dare.

"Sorry." Pinunasan ni Mama ang luha niya gamit ng inabot na panyo ni Tyler. Gosh, isn't it amazing that he's still using a handkerchief? "I got emotional. Ganito ata kapag nadadagdagan ng edad," she joked.

"Oh? Bakit umiiyak ang birthday girl?"

And with that, dumating si Papa to tease her more. Umalis na rin sila sa kitchen afterwards para asikasuhin 'yung mga dumating na mag-aayos ng mga chairs and tables. And we're alone...

I tried to focus myself by washing the dishes habang nakaupo naman malapit sa 'kin si Tyler, who's just watching me clean these trays and everything na ginamit ni Mama pag-bake.

"So..." I heard him say. "Bukas?"

Without glancing on his direction, I answered. "Sure."

Did I sound stable? Normal? Hopeful?

"Sunduin kita bukas? Around ten in the morning?"

I was about to say na masyado na atang late if tutulong ako sa pagluluto but I chose to let it pass since it's no big deal. Magtatanong na sana ako kung saan gagawin 'yung feeding program nang mapahinto ako saa next niyang sinabi. Literally, I'm frozen.

"Ang totoo, gusto sana kitang ayaing lumabas bukas."

Dog. Cat. Hen. Sheep. Cow.Horse. Alligator. Lizard. Bees. Help me, please. Breathe.

What does he mean by that!? Am I hearing things? Am I imagining him asking me out? Him?

HIM!?

But in next year he'll be—.

"Pero iniisip ko na napa-oo ka lang talaga dahil kay Tita. Kay it's okay kung—."

Humarap ako sa kaniya without turning off the faucet. If this would be my last chance to be with him before he became fully devoted to his chosen path. "I'll be ready by ten."

He gave me a reassuring smile before he stood up at naglakad palapit sa 'kin. I held my breath to what I think he's about to do, or what I'm imagining him to do. But he stopped in front of me and nothing came. I mean!? LILIAN!? He's not going to kiss you! Oh, Lord. I am so sorry!

I don't intend to think malicious act from your servant. I need to stop this. Asking me out is different from kiss—JUST STOP.

He lifted his left arm and reached something at my back. Then, the gush of the water coming from the faucet stopped. Yes. The faucet! Of course, it is.

Without stepping away from me, tumingin siya sa 'kin and said, "Thank you."

At that moment. I want to thank him, too, for giving me this chance to be with him before it officially ends. Those four years of pretending I've already moved on were all sham, and I'm not proud of it. This time, gusto ko ng tuldukan lahat so I can finally free myself sa matagal ko ng nararamdaman para sa kaniya.

And maybe...just maybe, it will be the end of us even though it never started at all.

******************************

ANDY

"Sabi mo sabay tayo!? Bakit mo 'ko iniwan!?" I groaned. "I have to agree with Adeline. You're a witch!" At tumawa pa talaga siya!? "Whatever, lagot ka sa 'kin later. Fine. Take care. Bye!"

Napabuntong-hininga na lang ako pagkalagay ng phone ko sa bag. Sabi ko na, eh. Idi-ditch ako ni Wendy once na magkita sila ni Trace dito sa Austine. As if may sakit si Trace kung lubayan niya. If I know, she's attracted to him pero 'di niya lang ma-admit. Mamamatay muna lahat ng kuko ko sa paa at kamay bago niya aminin 'yun.

Stop thinking about Wendy dahil mas may malaki akong problema.

I know this is a bad idea na pumunta sa birthday party ng family ng EX mo pero. Well, my EX father-in-law to be insisted na pumunta ako. Tumanggi na 'ko noong una dahil alam kong bad shot na 'ko kay Tita dahil sa nangyari sa 'min ni Dare.

No, scratch that. Bad shot ako sa marami dahil sa tingin ng marami na ginawa ko kay Dare.

It's not like I'm proud of myself nang unti-unting hindi naging maganda ang relationship naming dalawa habang nasa Spain ako. I'm not happy at all! Pero what can I do? LDR didn't work, at least, for us.

Tinawagan ko si Adeline pero malapit na siya sa club house. She insisted na sunduin ako pero tumanggi na 'ko dahil masyado akong pa-VIP kapag hinayaan ko siyang gawin 'yun. Lilian is a big no since busy na siya do'n sa party. So ang last option ko ay mag-GRAB or UBER. Pero pagkakita ko palang sa bill, nalula na 'ko.

ONE THOUSAND SIX HUNDRED FORTY-FIVE!??

Is this serious, or what!?

Well, it's afternoon rush hour pero—wag na lang kaya ako pumunta?

'Yung allowance ko na dala pag-uwi ko dito sa Pinas, kukulangin na. Hindi ko na rin ginamit 'yung kotse ko dahil mahal magpa-gas. I'm thinking to have a job while studying dahil hindi ko alam kung pa'no 'ko magsu-survive without Daddy's assistance.

Right! He's against sa pag-uwi ko rito sa Pilipinas. Gusto niyang mag-stay ako sa Spain kasama ng mga kapatid ko. Not really my sisters and brothers by blood but...they became my Mom's children nang pakasalan niya ang Dad nila. So technically, kapatid ko na rin sila even though tutol ako at first. But eventually, you see, natanggap at minahal ko rin sila like my own. Matagal nga lang bago nangyari 'yun. I don't have siblings, so why not?

For four years ay sa Spain ako tumira dahil na rin sa hiling ni Mommy na 'wag pabayaan ang mga kapatid ko kung sakaling may mangyari sa kanila ng husband niya. They were caught in a bad car accident, and after a few days in the hospital – namatay din sila parehas. Leaving four children at my Daddy's care, I mean - financial care. Ako lang naman halos ang nag-provide ng pag-aalaga sa kanila since laging busy si Dad, and he kind a forced me on this responsibility. I don't have a choice back then, you know?

It's taking care of them, or leaving them behind at kunin ng mga government bodies para paghiwahiwalayin ng kung sino mang-aampon sa kanila. By the way, they're still minors. Theyre names are Andrea, Arthur, Adam, and Allona. As if nakatadhana na na maging kapatid ko sila dahil sa mga pangalan namin. Seventeen ang pinakamatanda at seven naman ang bunso.

My first six months in Spain has been so rough for me. I misses Dare terribly kahit araw-araw kaming magkausap sa phone or sa video chat. I assured him that I'll go back in the Philippines after ma-settle ang adoption process nilang apat sa pangalan ni Daddy. They don't have any close relatives to take care of them so I was forced to volunteer and do the job.Kailangan makita rin ng Social Welfare sa Spain na may available close relatives na mag-aalaga sa kanila to grant our adoption request.

Kaso lang...after six months, like any LDR relationships, me and Dare started to argue about small things. Most of the time, ako 'yung nang-aaway kahit na siya ang may issue sa LDR relationships dahil sa past niya. Hanggang sa mauuwi sa tanong na "Kailan ba ang uwi mo sa Pinas?" Nagagalit ako sa kaniya kapag tinatanong niya 'ko ng gano'n dahil I feel so trapped and suffocated sa situation ko. I'm hoping na pagagaangin niyang loob ko pero hindi. So I chose to ague with him all the time.

I don't know why am I doing that pero natatandaan kong natatakot akong mawala si Dare sa 'kin that time. Arguing with him makes us alive instead na hindi kami magpansinan. At dahil sa nangyayari sa relationship namin, I resented my siblings terribly. Wala akong pakialam kung ano'ng gawin nila basta nando'n lang ako like what Dad expects me to do. I'm thining na matatapos rin naman lahat 'yun and everything will be back to normal.

Doon ako nagkamali. Nagka-heart disease si Allona that time and I was expected to truly take care of them.It means, all my time should be solely for them. Mas naging busy ako dahil kapag wala ako sa ospital, nasa bahay naman ako para asikasuhin sila na nag-aaral pa school. Thank goodness na may maid naman to do household chores dahil mamamatay ako kung pati 'yun ako rin. Though maliit lang naman ang bahay nila, but still... hindi ako lumaki na gumagawa ng gawaing bahay. I can teach them basketball but not cleaning the house.

Mostly, I supervise their daily life like a good mother hen.

Dumating sa point na halos once or twice na lang kami ni Dare nag-uusap every three days compare sa thrice per day naming ginagawa. Hanggang sa nabawasan nang nabawasan, na kahit ako hindi ko matandaan pa'no o bakit nangyari 'yun sa 'min. Para kaming nawalan ng excitement alamin ang nangyayari sa buhay ng isa't isa. I saw some of his teammates'updates sa Facebook na kasama siya and I know something's wrong ng hindi ko na masyadong pinapansin 'to.

I'm not sure if I'm too exhausted to care, or maybe nawalan na rin ng gana sa 'kin si Dare kaya gumaganti lang ako.

Hanggang sa ipatawag ako sa school ni Arthur at Adam dahil daw sa nangyaring fist fight doon. Pagkakita ko sa kanila, may mga pasa at sugat sila sa braso at mukha. Madumi rin ang damit na parang nagpagulong-gulong sila sa lupa. Hindi ko napigilan ang sarili ko nang makauwi kami sa bahay at nataasan ko sila ng boses. No, inaway ko talaga sila. And yes, I'm the worst person in the world that time.

"What the hell do you want from me!?? I'm sacrificing myself to the four of you! God! I'm ruining my life just the mere fact that I'm here, and now this!? Grabe na kayo—."

"THEN GO! WE DON'T NEED YOU!" sigaw ni Arthur.

Tahimik lang si Adam sa isang gilid habang nakatingin sa sahig. I'm not sure kung ano'ng expression ng mukha niya.Buti wala doon si Andrea at Allona dahil nasa ospital sila.

"WHAT!? YOU UNGRATEFUL KID!" I sneered. "You don't have a single clue kung ano'ng ginawa ko para sa inyo. You're not even my real siblings—."

"Then do us a favour and go back to whatever hell you want to go 'coz we can live without you. Our mom made a mistake! There's no single thread of kindness in you! We don't f*cking need your pity, nor your Dad's money! We're not dumb! Mabubuhay kami kahit wala kayo!"

"Don't talk to me like that!" I yelled back.

This time, I heard Adam cry. Agad na niyakap siya ni Arthur like a soldier protecting his comrade. He's looking at me like I'm a big bad wolf. Nang magsalita siya, mas mahinahon na ito kaysa kanina.

"You don't even really care about us. You're free to go now and be with your boyfriend. You don't have to cry at night and make us all guilty about you being here with us. Tell Mister William that we thank him for everything that he did. We'll be out by tomorrow. I'll get Allona out of the hospital first thing in the morning."

Yes, I have to admit na hindi ako perfect na tao. I have my good days and so am bad. That moment is my worst self. After that argument with my sixteen year old brother, para akong natauhan sa mga ginawa ko. I cried a lot that night talking to my dead Mommy. Asking her what lies tungkol sa 'kin ang sinabi niya sa kanila? Umiyak ako para sa sarili ko dahil naiinggit ako sa kanila dahil may memory sila ni Mommy. Na may time sila na nakausap nila siya just like a normal family does. Umiyak ako dahil I feel miserable at wala si Dare to comfort me.

Hindi ako natulog after crying so hard my eyeballs gonna fall anytime.

Hinintay ko sina Arthurat Adam na gawin ang balak nila pagsikat ng araw. When they proved me that they're stronger than I am at itutuloy nga nila ang sinabi ni Arthur sa 'kin, without saying anything...kinuha ko ang mga dala nilang bags at saka binalik sa kwarto nila. Thankfully, walang argument na nangyari. Ginawan ko sila ng breakfast at saka ko sinabing walang aalis sa bahay na 'yun, kahit na ako. Sinabi kong I'll stay where we are and that's my decision. They didn't believe me at first pero nang tumagal, nabuo ang bonding namin na parang tunay na magkakapatid.

Habang kami ni Dare, mas lumayos nang lumayo sa isa't isa.

I want to revisit our relationship pero hindi ko alam kung pa'no. Hindi ko na alam pa'no ako magsaasalita sa kaniya o pa'no ko siya ia-approach. Natatakot akong magsabi sa mga kapatid ko na uuwi ako to meet Dare dahil baka gustuhin kong mag-stay kasama siya at masira ko ang pangako ko sa kanila. Natatakot din akong hindi umuwi dahil alam kong official break up na lang ang hinihintay namin sa isa't isa.

Nang minsan ko siyang makausap sa phone, I told him na we give each other time to think of our next step sa relationship namin. As if wala kaming time para gawin 'yun eh halos hindi na nga kami nag-uusap. At that time, nakilala ko si Henry na Half Filipino and half Spanish. He's an engineer, three years older than me. He's a funny sweet guy. I have to admit na pinagaang niya ang loob ko during my darkest days sa Spain. I know may gusto siya sa 'kin but he's a gentleman and he knows I'm still in a relationship so he settled for being my friend. I didn't bother to tell Dare about him since I'm not sure if he'll be interested to know na may ka-close akong ibang guy habang nasa gitna kami ng relationship crisis. Besides, I'm sure I am no cheater. Kahit na minsan naisip ko na what if si Henry ang boyfriend ko, inalis ko agad 'yun sa isipan ko dahil hindi ko maatim na palitan si Dare. But you know? Kahit 'yun ang nasa isip ko... My self is craving for someone who will take care of me or give his time to me. And at that time, si Henry 'yun.

Tumagal ng almost two weeks since binigyan namin ng space ang isa't isa and I've realized na gusto ko pa mag-work ang relationship namin. Inalis ko sandali sa picture si Henry knowing it will be a bad idea to entertain other man habang may problema kami ni Dare. It's unfair to anyone of us.

And then I tried calling Dare pero hindi na siya sumasagot. Inisip ko na lang na kailangan pa niya siguro ng time. Three days have passed pero hindi pa rin siya nagpaparamdam kaya I tried stalking him on Facebook ng mga friends namin since wala naman siyang gano'n.

I saw different updates sa whereabouts niya or activities niya sa mga nagdaang araw.

He got the job he wanted after their graduation. He looks so happy kasama ang mga kaibigan niya sa mga night outs nila. I tried to ignore those unfamiliar girls na kasama nila sa mga pictures since kilala ko si Dare na hindi cheater. But deep in my heart, nagseselos ako sa mga solo pics niya withwomen na hindi ko kilala.

Our friends have posted pictures of him congratulating him to something I don't know. That's the time na napaisip ako na wala na 'kong alam tungkol sa kaniya, at gano'n din siya sa 'kin pero mukhang hindi siya bothered. Nakaramdam na 'ko na maybe okay na siya. He's okay without me.

I tried calling him that same night for one last time, but still the same - no answer.

Para akong dinadaganan sa dibdib ko noong mga oras na 'yun dahil hindi ako makahinga. I'm thankful na tulog na ang mga kapatid ko that night nang mangyari 'yun at 'di nila ako nakikitang parang hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sapag-sink in sa nangyari sa'ming dalawa. Matagal na kaming tapos and I'm too dumb to realize that. Tinawagan ko si Henry 'coz I feel so desperate to be with someone who can understand me, who can hold me. Nang dumating siya, umiyak ako nang umiyak pero wala siyang sinabi. He just lend me his arms and hugged me hanggang sa makatulog ako.

At that point, I know we're not getting back together. We ended just like that. No arguments, no goodbyes.

Hindi na kami nag-usap simula noon.

Several years pa ang dumaan at 'di na 'ko nakauwi ng Pinas. I thought masaya na 'ko sa Spain with my siblings. Naka-dual citizenship na nga ako do'n. Actually, in-invite ko pa sina Wendy na bisitahin ako to meet my brothers and sisters. Hindi lang talaga maayos ang schedule nila, at naiintindihan ko naman. At one moment masaya ako with my new found family, but at the same time... Deep in my heart, I'm miserable. Something's missing in me that I don't want to admit.

Hindi ko alam kung pa'no pero alam kong naramdaman ng mga kapatid ko ang pagiging miserable ko. Lahat sila ngayon hindi na minor except for Allona whose eleven years old. Kinausap nila akong tatlo and plead. Yes, plead. They beg me to go back to Philippines and do what I wanted to do before ako pumunta sa kanila. Tumawa lang ako sa kanila and I said my family is there sa Spain so bakit ako aalis. Hindi sila mukhang masaya sa sinabi ko kaya nagsaalita si Arthur na mas tumangkad at naging mas manly na ngayon. Mas matangkad na nga siya sa 'kin by several inches. Kung ngayon siguro kami mag-aaway, baka matakot na 'ko sa kaniya.

"Go back to the Philippines and finish your studies. We're about to finish ours so you have to do it, too. We're all okay now. We can all manage.Besides...I know it's not the onlything kung bakit gusto mo bumalik. Comeback to us kapag masaya ka na."

Napaisip ako sa sinabi ni Arthur. He's right. Hindi lang pag-aaral ko kaya ako nandito ngayon sa Pinas. Though desperate man kung pakikinggan, I want to see him. No, scratch that. I want to start again with him.Kaso mukhang nahuli na 'ko

My Dad is a hard man kaya nang malaman niyang gusto kong bumalik ng Pinas para mag-aral, he insisted tulad ng dati na sa Spain ko na tapusin ang studies ko. I love him even though I don't get his reasons most of the time. Kaya nga tumanggi pa rin ako sa kaniya. That's why wala siyang binigay sa 'kin kahit single scent kung tutuloy ako sa pag-uwi ng Pinas.

Nalaman ni Henry ang balak ko and my situation. Without telling me...binayaran niya ang buong tuition fee ko sa Austine pati ang ticket ko pabalik ng Pinas. Kahit tumanggi pa 'ko, wala na 'ko magagawa dahil nabayaran na niya. Nangako naman akong babayaran ko 'yun kapag nagkatrabaho na 'ko. Balak niya rin sana akong bigyan ng allowance pero sinabi kong may naitabi na 'kong pera para do'n which is a lie. Ito 'yung mga tira ko pang pera na bigay ni Daddy sa Spain at halos nagastos ko na 'yung kalahati dahil sa mga kailangan ko sa bahay ngayon pati gagamitin ko sa school.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi na 'ko pupunta. Tutal, alam kong nando'n siya kasama ang girlfriend niya. Paaabot ko na lang kay Lil 'tong gift kokay Tita one day.

Nakalabas na 'ko ng gate at papunta na sana sa bus lane nang may pamilyar na sasakyang huminto sa gilid ko. Bumaba ang bintana nito at saka ko nakita si Dare na nasa loob ng sasakyan. Hindi siya nakatingin sa direksyon ko pero nakita kong binuksan niya ang pintuan sa front seat habang sinasabi na...

"Traffic na sa daan. Sumakay ka na."

I was ready to deny his offer pero my heart outsmarted my brain kaya sumakay ako kaagad without saying anything. But deep in my brain, pinapagalitan ko na lahat ng organs meron ako.

ANO BA!? 'Di ba nasaktan ka na noong huling sumakay ka rito? 'Di ba nangako ka na na titigil ka na sa pag-asa mong magkakabalikan kayo? Nagbago na siya for his own good. He's not the Dare na baliw sa 'yo.

But I want to be with him... Pero hindi gano'n ang gusto niya, get that?!

Nasa daan na kami nang mahanap ko ang dila ko saka nagpasalamat.

"Thank you for the lift."

Diretso lang ang tingin niya nang sumagot siya. "Pinasasabay ka sa 'kin ni Papa. Nalaman niya kay Adeline na wala kang sasakyan."

Ahh... So nililinaw mo na wala ka talagang intension na isabay ako pero dahil inutusan ka ni Tito, napilitan ka. Thank you for enlightening me!

Hindi ko 'yun sinabi sa kaniya, of course. Tumahimik na lang ako sa kinaauupuan ko at nagdasal nasana makarating na kami kaagad. Or else, I might profess my still burning love for him.

After one hour, nakarating na kami sa club house ng exclusive village nila. Kinabahan ako dahil akala ko sa bahay lang nila gagawin at kami-kami lang ang bisita. Gabi na rin at nakita kong marami ng sasakyang nakaparada sa labas.I'm dead! Hinintay ko siyang matapos sa pag-check ng sasakyan at saka ako sumunod sa kaniya papasok. Truth is...natatakot ako pumasok mag-isa. Though alam kong hindi kami in good terms na dalawa. Umaasa ako na 'di niya 'ko basta iiwan lalo na sa harapan ng Mama niya na alam kong masama ang loob sa 'kin.

Pagpasok namin sa loob, nahiya ako sa itsura ko dahil nakapang-party ang lahat ng bisita. Samantalang ako...NAKA-UNIFORM!!! Nakakahiya.

I was about to ask him kung sa tingin niya dapat ba ay manghiram ako ng damit kay Lil, when Louisa suddenly appeared in front of us at saka iniyakap sa leeg ni Dare ang both arms niya bigay ngg peck on the lips kay Dare.

Hindi ko alam kung sino'ng mas nagulat kung ako o si Dare. Pero malamang guniguni ko lang ang kay Dare dahil ako talaga 'yung nanigas sa kinatatayuan habang nakatingin sa kanila. Hinawakan ni Dare sa kamay si Louisa at saka may binulong rito that made her laugh.

Nakakainis... Nakakainis... Dapat hindi na talaga ako pumunta. This is a torture. It's like they're stabbing me slowly in my chest.

"Buti nakarating ka, Andy. I'm glad naabutan ka ni Dare."

Tch! Gusto ko sabihing hinintay talaga ako ng boyfriend niya pero hindi ko ginawa. Instead, I said "Oo nga. Good timing talaga siya."

Biglang may humawak sa balikat ko at nagulat ako nang makita ko si Tito kasama si Tita, my Ex future in laws. Gustuhin ko mang matuwa, hindi ko magawa. Lalo pa at mukhang disapproving ang look na binibigay ni Tita sa 'kin.

Tito cleared his throat saka ako binigyan ng bear hug.

"I'm glad you came," he said like he means it.

Tumingin ako kay Tita at saka inilabas 'yung small gift ko na naka-box. So what kung hindi ako kakain ng lunch and snack sa school for three day mabili ko lang 'yun. She's been good to me nang kami pa ni Dare. A simple gift won't hurt. Diet na lang kunwari.

"Happy Birthday po, Tita." Sabay abot ng gift ko.

Luckily, kinuha naman 'to ni Tita at saka nagpasalamat. She didn't smile though. That moment, gusto ko ng lamunin ako ng lupa habang pinalilibutan nilang lahat. Good thing, dumating si Lilian to rescue me. Bago niya 'ko dinala sa table nila Adeline, niyakap niya 'ko like she understands what I feel. But no... no one knows how awful I feel right now. Seeing him with other woman, eyes dreadfully accusing, making me feel like it's my entire fault, I can't stand it.

"Do you think you can stay kahit thrty minutes?" she asked.

"It would be rude to go habang kararating ko lang." I forced a smile. "Maybe I'll get some food. I know magiginhawaan ako once malamnan ang tiyan ko."

She grins at me like a schoolgirl. I can feel na masaya siya ngayon. And by seeing Tyler behind her whispering something I don't know, I'm happy for her. At least, ako lang ang miserable sa grupo. Hindi ako dapat manghawa.

"Manager," tawag ni Trace sabay yakap sa 'kin nang mahigpit. "Na-miss kita."

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko agad. Na-miss ko rin sila.

"Wooh! As if," I jest.

"Puntahan mo mamaya 'yung table ng team, uh? Kanina ka pa inaabangan ng mga 'yun."

"Okay. Mag-girl hunting muna sila and I'll be there before they know it. Kain muna ako."

Nagpaalam na rin si Lilian sa 'kin dahil may aaasikasuhin lang siya sandali. Nakalimutan ko na magtanong kung may extra siyang damit para sa 'kin. Dumiretso ako sa mga pagkain at unti-unti kong nilagyan ang plate ko.

"Hey."

Pagkalingon ko, nakita ko si Louisa na kumukuha rin ng pagkain. Ang dami ng laman ng plate niya... At parang na-gets niya ang nasa utak ko kaya napangiti siya saka nagsalita.

"This is for Dare. Mukhang pagod siya kaya ako na kumuha ng pagkain niya," she explains.

Well, okay. Gets kong mahina siyang kumain compare to me. Her voice now is different compare noong mga araw nan a-meet ko siya. No friendly tone can be heard. Medyo may annoyance nga, actually.

"Ako rin pagod kaya madami akong makakain," I joked. Sabay pakita ng plate ko na halos mapupuno na. Lulubusin ko na dahil magfa-fasting ako for next three days, and who knows ano'ng mangyari pa after that.

I was about to go nang magsalita ulit siya habang kumukuha ng pagkain.

"You seem close sa family ni Dare, even sa mga friends niya..."

Napatingin ako sa kaniya, and at one point – hindi ko alam ang isasagot ko. Alam kong hindi sinabi ni Dare sa kaniya na EX niya 'ko. I know ayaw niyang malaman ni Louisa. Pero pa'nong gagawin ko kung related ako halos sa lahat ng close sa buhay niya?

"Uhm...bago kasi ako umalis papuntang Spain, matagal na kaming magkakaibigan."

I saw her nod. "Nagtataka lang kasi ako." Lumipat siya sa kabilang tray ng food bago tinuloy ang pagsasalita. "Nang una kitang makita, he said to me na hindi ka niya kilala."

Hindi ko alam kung sa'n niya balak papuntahin ang usapang 'to. But I have very bad guess na it will not end up pretty. My instinct says I have to end this now or lalong mas magagalit si Dare sa 'kin kung sakaling malaman ni Louisa ang tungkol sa past naming dalawa. Wala na siguro siyang balak saabihin ang tungkol sa 'kin kaso bigla akong dumating.

"Ahm... Baka 'di niya 'ko namukhaan kaagad. Medyo pumayat kasi ako," pagbibiro ko. "Anyway, una na 'ko sa table—."

"You're his ex-girlfriend, right?" Tumingin siya sa 'kin with a calm face but with an accusing eyes.

Ano'ng sasabihin ko? Tumingin ako sa paligid but no one will come to my rescue.

"I think it's Dare you have to—."

"It's just a yes or no, Andy. Are you his ex?"

"Yes." There. I said it. "So if you excuse me."

Tinalikuran ko siya pero napahinto ako nang magpanting ang tenga ko sa sumunod niyang sinabi.

"Flirting with him won't bring him back to you."

Fine! I'm done. She just dropped the F word!Flirting!?

"No one's flirting with your boyfriend. If I may guess, it looks like you're the one who's flirting with him as if you still needed it to get his attention. You don't need to showcase your sexual passion in front of me. We've done that before." Eat that!

Give me one and I'll give you three in return. You're welcome.

Nakita ko siyang namula na parang nagtitimpi sa inis. She's a good lady, I can sense that. Pero jealousy won't do you any good.

"Umalis ka na papuntang Spain, I heard." Yeah, she heard. What a bluff. As if hindi siya nag-investigate or nag-stalk."You left him. Cheated on him, and you broke his heart. Then whay are you here, Andy?" It's a question that I think she badly wants to know the answer. "It's not fair to pop up again sa buhay niya. He's okay and doing great now without you."

"If he's really okay, then why are you confronting me?" I looked her in the eyes. Let her see what my heart feels. "And for the record, I did notcheat on him. I may break his heart before pero never ko siyang niloko."

Umismik siya like I'm telling lies. "Are you trying na magkabalikan kayo?"

"No." I want to pero ayaw niya.So tatapusin ko na lang pag-aaral ko and I'm out of here. "See? Let's end it, Louisa."

"Can't you just go back to Spain and leave us alone?"

"What?!"

"Obviously, ayaw ka na niya makita, same with Tita. Being here makes everything complicated. You know what? You should go ngayon pa lang."

Huminga ako nang malalim. I tried my very best to calm my nerves. Is she serious!? She want's me to be out of their sight? "Just because hindi na kami, my world won't stop. Kung may issues ka kay Dare, talk to him. Wag ako."

"Fine. But do you want to know what Dare told me about his ex?"

As if he'll tell you. "I'm not intereste—."

"I'm glad hindi na kami... Those were his exact words."

I'm glad hindi na kami...

I'm glad hindi na kami...

I'm glad hindi na kami...

Ayoko maniwala... He will never say that about me. I know him more than anyone else, he won't say that.

I'm glad hindi na kami...

I'm glad hindi na kami...

I'm glad hindi na kami...

"And you know what ano pang sinabi niya?" she continued.

"Stop," I silently said. My vision is getting darker. "Stop telling lies. It's not funny, Louisa."

"I'm not telling lies. You can ask him. To be honest, there's more."

"Stop it."

"I hope I'll never see her again."

"Stop..."

"Cheaters really have a thick face—."

I'm done. At parang kumilos mag-isa ang kamay ko na may hawak na plato and I shoved it in her dress. "I said enough!"

"Ah! Aww!"

Para akong natauhan nang marinig ko ang pagkabasag ng pinggan sa sahig. I looked at her na nag-bent down na parang may hinahawakan sa bandang paanan niya habang umiiling. Doon ko lang napansin na may dugo sa bandang ibabaw ng kanang paanan nito. It's bleeding and I know it's my fault. Nagkalat ang basag na pinggan at pagkain sa paligid.

I raised my eyes to see who witness the scene. I got mortified nang maraming nakatingin sa 'min, sa 'kin. Nakita ko ang team na mukhang gulatt habang nakatingin sa direction ko. His parents looking at me. I know what they're thinking. Bakit ba kasi nandito siya? Nanghina ako and praying someone would rescue me. At first, akala ko dininig ng Diyos ang dasal ko nang makita ko si Dare na patakbo sa direksyon ko.

Pero I'm wrong. He's going to her and not me. Not me...

"Ano'ng nangyari!?" I heard him asked her habang tinitingnan nito ang sugat niya.

"It's okay. I'm fine. It's just a scratch..." Narinig kong sabi ni Louisa. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman siya nagsinungaling. But it won't erase the fact that she have crossed the line.

Naramdaman kong lumapit sa 'kin si Adeline at Trace kasabay nang pagtingin sa 'kin ng masama ni Dare habang inaakay niya si Louisa. His eyes were sharp and taunting. Natakot ako for myself sa kung ano'ng pwedeng gawin ni Dare. I know hindi niya 'ko sasaktan ng pisikal... Pero alam kong mas masakit pa sa physical harm ang kaya niyang ibigay.

"Mag-uusap tayo," cold at matipid niyang sabi bago sila tuluyang umalis sa harapan ko.

Nakita kong may sasabihin pa sana si Louisa kay Dare pero hindi na niya naituloy ito.

I felt Adeline grasp my hand and asked, "I won't ask you kung ayos ka dahil alam kong hindi. But don't let that dictate you. Chin up, Manager. "

Stopping myself from crying, I held my head high and walk out from that scene like a proud cat. Nang makaupo kami sa gardenaway from the prying eyes ng mga tao, medyo nabawasan ang depression ko.

"Sh*t. 'Wag n'yo gagalawin 'yan. Kukuha ako ng first aid kit," narinig kong sabi ni Trace. "F*ck."

Ngumisi ako and said, "Nahahawa na siya kay Wendy."

"I think so, too."

I looked at my foot. Doon ko lang nalaman na I'm also bleeding sa kaliwanang paanan ko kung saan may nakatusok na dalawang maliit na bubog sa may bandang uncle. Ang nakakatawa, I don't feel anything.

"You need change of clothes, I can see that. Do you think you're okay alone? I'll get you—."

"I'm fine. Gusto ko na magpalit," I lied.

Ang gusto ko lang ay ang umalis dito ngayon. Nang makaalis si Adeline, tinanggal ko 'yung bubog sa paanan ko sabay lagay ng alcohol. It hurts like hell. The bleeding won't stop pero hinayaan ko na lang. Tumayo na 'ko at saka naglakad palabas ng gate. I'll text them later kapag nakauwi na 'ko.

I tried my best na 'wag pansinin ang hapdi na nararamdaman ko sa paanan ko habang naglalakad ako palayo ng clubhouse. I know malayo-layo pa ang lalakarin ko palabas ng village pero ayos lang basta makauwi na 'ko. Ayokong magpahatid kahit kanino dahil gusto kong mapag-isa.

Gusto kong i-shut down lahat ng nangyari kanikanina lang.

Malayo na rin ako sa malakas na party sounds ng clubhouse nang biglang may tumigil na sasakyan sa gilid ko. Mabilis ang mga pangyayari dahil ang nakita ko na lang ay ang pagbaba niya ng sasakyan na parang toro bago ito huminto sa harapan ko.

"Di ba sabi ko hindi pa tayo tapos?" una niyang sinabi.

Tinitigan ko siya sandali pero nilagpasan ko lang siya pagkatapos. Ano pa bang gusto niya!? Hahakbang pa sana ako palayo nang hatakin niya'ng kamay ko paharap sa kaniya.

"Ano ba!?" galit na sabi ko. "Aalis na 'ko, 'di ba!? Ano pa bang gusto mo!? Hindi na 'ko manggugulo tulad nang nasa utak mo!"

Nakatitig siya sa 'kin na para bang naghahalo ang galit at pagkagulo ng isipan niya. Sinubukan kong alisin 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya pero madiin ang pagkakakapit niya rito. "Uuwi na 'ko, Dare!" Nang hindi pa rin siya nagsalita at hindi pa rin niya 'ko binitawan, I know it's time to drop the bomb. I don't need this! I don't deserve this! Ang gusto ko lang maging maayos ang lahat but not this! "Fine! Sorry sa nangyari sa girlfriend mo. Sorry, sorry, sorry! Baka gusto mo lumuhod pa 'ko sa 'yo, o sa kaniya!? Kaso never kong gagawin 'yun! Mabulok kayo sa lungga n'yong dalawa, the hell I care! Pero you know what!? Sinadya ko 'yun kanina." I stopped dahil feeling ko sasabog ang dibdib ko sa taas ng emosyon ko. He's frowning at me like I'm speaking a different language in front of him."Bakit!? Well, nainis ako sa kaniya! Nakakainis siya dahil parang pinapakita n'ya pa sa harapan ko kung ga'no kayo kasaya. But, hey! Sorry to cut her show, I won't let her do that to me, Dare. Heard me!? So now inamin ko na. Okay!? May dahilan ka na para kamuhian mo pa 'ko kaya let me go! You don't want to see me anymore, so let go of me!" I groaned loudly habang hinahatak ang kamay ko. I know I'm in tears but the hell I care. "I said let me—."

"Sinundan kita sa Spain," mahinang sabi niya na parang pinilit pa niya itong sabihin.

What!?

Huminto ako sa pagpupumiglas sa kapit niya.

"Gusto kong ayusin kung ano'ng problema meron tayo kaya pumunta ako ng Spain para makipagkita sa 'yo. Dalawang beses ako pumunta, Andy."

It took me seconds to rearrange my thoughts sa sinabi niya. "K-Kailan?" Pero 'yun lang ang natanong ko. Pero sa utak ko, gusto kong itanong kung bakit hindi siya nagpakita sa 'kin. Bakit ganito kami kung pumunta siya sa Spain para ayusin ang relasyon namin. Ano'ng nangyari!?

"Before graduation, pagtapos mo hilingin sa 'kin na mag-cool off tayo."

That's thetime nang makilala ko si Henry, and—wait!?

"I saw you with that guy, Andy. Bawat araw na pupunta ako sa tapat ng bahay n'yo nakikita ko siya kasama mo lumabas ng bahay, o dumating galing kung saan," he said it accusingly. And for the first time, I feel ashamed of myself for bringing this emotions to Dare. But I want to yell at him at sabihing hindi totoo ang nasa utak niya!

Tumulo ang luha ko hiindi dahil guilty ako, pero hindi ko alam kung maiintindihan niya 'yun. My tears fell because I can't the right words to say.

"Bakit 'di ka nagpakita?" It's almost a whisper when I said that. I choked trying to stop my own tears but it's not working.

"Gusto ko siyang bugbugin no'ng mga oras na 'yun. Pinigilan ko lang ang sarili ko dahil sa 'yo." Malalim ang bawat paghinga ni Dare na tulad ko, hirap din siyang makahinga sa pagtatapat niyang 'to. "Nakita kitang masaya kasama siya. T*ng-ina lang kung pipigilan ko 'yun. Hindi ka na masaya habang magkausap tayo. Lagi kang mainit ang ulo sa tuwing magtatanong ako kung kalian o may balak ka na bang umuwi dito. Minsan tumatawag ako pero walang sagot mula sa 'yo kaya inisip kong baka ayaw mo na, baka pagod ka na sa kakaistorbo ko sa 'yo." NO! That's not true! "Four days akong nag-stay ng Spain sa unang punto ko do'n. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko baka sakaling mali ako. Pero four days ko rin kayo nakitang magkasama, Andy. Ano'ng gusto mong isipin ko?!"

"Hindi—Mali ka, hindi—Magkaibigan lang kami—."

"Bullshit, Andy. Hindi ako tanga."

"Maniwala ka!"

"Ni minsan hindi sumagi sa isip mo mag-stay sa Spain for good na siya na lang ang kasama mo at hindi ako?"

Hindi agad ako nakapagsalita kahit gusto ko sabihing hindi. I must admit to myself, naisip ko 'yun. But I'm too lost and depressed that time sa nangyayari sa 'kin.But still you're guilty, my brain said. Gusto kong takpan ang mukha at pumikit, this is not happening. My anger from what happened sa clubhouse ay matagal ng nawala. But different strong emotions replaced it, and it's killing me. Remorse, shame, and extreme sorrow.

"Pero pa'no 'yung pangalawang punta ko? Pinagbuksan ako ng kapatid mong lalaki, si Adam. Pero imbes na sabihin kong nando'n ako para kausapin ka, hindi ko naalis ang tingin ko sa inyong dalawa na natutulog magkatabi sa sofa. You're all over him, Andy."

"NO! You're getting the wrong impression, Dare. I was so down that time dahil hindi mo sinasagot ang calls ko. Gusto ko nang maayos ang relationship natin kaya tinatawagan kita pero it explains na nasa Spain ka naman pala kaya hindi ka sumasagot. You should have said na pupunta ka—. "

"Then what!? Para hindi ka lumapit sa kaniya? P*tang-ina, Andy. E 'di sana hindi na lang kita sinundan sa Spain at lumapit na lang ako sa iba para ibaling 'tong nakakap*tang-inang sakit sa dibdib ko!" He's yelling at me. Never pa niya 'kong sinagawan sa buong buhay ko, and it wrecked my heart. Sinubukan kong abutin ang kamay niya, just to feel the connection, pero iniwas niya ito kaagad. "Don't blame it on me, Andy. Nag-tiis ako, inintindi ko ang sitwasyon mo. I put my trust in you pero binigo mo 'ko. Tinatanong kita noon kung gusto mong sa Spain ako mag-stay para samahan ka pero tumanggi ka."

"Dahil alam ko na gusto mo rito!"

"Yes. Gusto ko rito pero wala ka. I was ready to give up everything I have planned for just to be with you. Pero—." Huminga siya nang malalim na parang kinakalma ang sarili. "May kasama ka ng iba, Andy," gigil na sabi niya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkatitigan habang umiiyak ako. Hindi siya umiiyak pero I can see defeat in his eyes. I know... I messed up. Tama ang sinasabi ng iba tungkol sa 'kin na nabalitaan ko pagdating ko rito sa Pinas..."Niloko niya si Dare, duh." "Siya kaya umiwan kay Dare, I heard." "Nakakahiya siya." "May girlfriend na 'yung tao pero nakahabol pa rin?" "She's a waste of time." Kasalanan ko lahat. I failed him. I ruined him. I cheated on him just like what he's telling me, not that I admit it. But I love him.

"Do you—Do you resent me?" I asked.

Tama ba 'yung mga sinabi ni Louisa? Ayaw mo na ba 'kong makita? Nakahinga ka ba nang maluwag nang maghiwalay tayo? Tell me, Dare. Please say no! Kahit 'yun lang to make me live again, please.

"No." At first, sandali akong naging masaya sa sagot niya. But I'm not lucky enough to deserve that happiness, I guess. "Dahil wala akong nararamdamang kahit ano." And it hurts like hell to know he feels nothing at all, not even madness. I am now nothing to him. "So please, 'wag mong iparamdam sa 'kin na sinasaktan kita ngayon dahil alam mong hindi ko 'yun kayang gawin sa 'yo."

What is this feeling? I... I feel like I don't want to breathe. I stared back at him with an eyes of loss.

"You just did."

Hindi ko na ramdam ang sakit ng paanan ko dahil I feel like I'm dying from the inside.

"I—I... I have to go," mahina kong sabi na kahit ako ay nahirapan marinig.

Pero nakaka-apat na hakbang palang ako nang humarang siya sa daanan ko at nagsalita.

"Ihahatid na kita—."

Tumawa ako nang malakas but there's no humor inside me.

"Seriously?" sarcastic na tanong ko sabay lagpas sa kaniya.

Hinawakan niya'ng braso ko saka ko sinundan ang tingin niya sa bandang paanan ko. Hindi ko maintindihan ang mga nasa mata niya. Guilt? Madness? Pity?

"Dumudugo ang paanan mo."

Ngayon mo lang napansin? Don't worry, mas masahol pa diyan ang lagay ng puso ko.

"I'm fine."

Hahatakin na sana niya ko pabalik sa sasakyan niya pero inalis ko'ng braso ko sa kapit niya.

"I SAID I'M FINE!" Nagkatitigan kami pero this time, I know I'm done. "Don't pretend like you care. I am no one to you as far as I remember." Mas diniinan ko ang tingin ko sa kaniya saka sinabing, "and so are you to me."

Tumalikod ako at saka tuluyang naglakad palayo sa kaniya. This time, hindi ko na siya narinig na sumunod pa sa 'kin. And it hurts. Really hurts. At nang marinig kong umalis na ang sasakyan niya, I just died.

He left me. He just did.

*************************

DARE

Nakabalik ako sa club house pero hindi ako dumiretso kay Louisa. Alam kong okay na siya, and I am not. Ayokong makita niya 'kong ganito. Gustuhin ko mang mag-isa pero nakita ako ni Tyler at Trace.

"Si Manager?" tanong ni Tyler.

Hindi ako makatingin sa kanila. Gusto ko silang umalis sa tabi ko.

"Dare!?" tawag ni Trace.

"Umalis na," sagot ko.

"'Wag mo sabihing—pinabayaan mong maglakad palabas dito!? G*go ka ba!?"

Tiningnan ko si Trace saka siya tinabig palayo sa 'kin.

"Wala kang alam," sabi ko.

"'Wag na kayong mag-away. Susundan ko si Manager," huling sabi ni Tyler bago siya umalis.

Sumunod sa 'kin si Trace nang umupo ako sa isang tabi. Hindi kami nagsalita sa isa't isa hanggang sa nag-text si Tyler kay Trace na kasama na niya si Andy. Nabawasan ang nasa dibdib ko pero hindi pa rin ako makahinga.

Finally, nasabi ko na sa kaniya ang gusto ko sabihin pero hindi ako masaya.

Mas naging miserable pa ang pakiramdam ko ngayon.

Tumayo si Trace na aktong aalis na pero nagsalita siya.

"Parehas ko kayong kaibigan, Dare. Wala akong dapat kampihan pero this time...kay Manager ako dahil alam kong mag-isa siya ngayon. Di ko alam nangyari sa inyo pero alam kong mabuting tao si Andy, at alam mo 'yan. She doesn't deserve all these."

Tumayo ako. Hinarap siya bago ako nagsalita.

"Then do I deserve this sh*t?"

Umismik siya na parang ang dali ng sagot at hindi ko makuha.

"Hindi ko alam. Baka? O baka hindi. Kayo lang ang may alam. Pero sana matandaan mo na minsan sa buhay mo, gagawin mo'ng lahat mapatumba lang ang taong magpapaiyak sa kaniya. 'Wag sanang ikaw ang maging taong 'yun. Kasi this time, wala na siyang Dare na magtatanggol sa kaniya. She's alone in this fight."

Hindi ako nakapagsalilta.

Umalis siya at naiwan ako do'n mag-isa. Nag-text sa 'kin si Louisa na patapos na ang party at kailangan na niya umuwi. Sinabi kong ihahatid ko siya pero sinabi niyang hindi na kailangan. Alam kong ginawa niya 'yun para sa 'kin dahil sa nangyari.

Mayamaya, nag-text ulit si Tyler para sabihing naihatid na niya si Andy. Gusto ko sabihing hindi na niya kailangan sabihin sa 'kin pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Kumalma ako nang malamang kong nakauwi na siya ng ligtas.

"Don't pretend like you care. I am no one to you as far as I remember. And so are you to me."

*************************


ADELINE

"That's fan-f*cking-tastic."

Napalingon ako kay Wendy na umiinum ng champagne niya. Tinext kami ni Tyler na siya na ang maghahatid kay Andy pauwi. This is getting out of hand. Andy needs us. Kaso mukhang baliw naman si Wendy na parang in-expect na niyang mangyayari to kina Andy and Dare.

"That's why I don't like relationships. It ruins all the fun you can get for yourself." She shook her head in disgust.

"Napaka-supportive mo."

"Yeah. Let's bring pizza kay Andy bukas. She'll recover soon. Men don't deserve us."

It's time to turn the table my way. "So kamusta kayo ni Trace?"

Upon hearing his name, tumingin siya sa 'kin. Gotcha, Witch.

"Very out of topic, Flat. I know what you're thinking." Binalik niya'ng tingin niya sa mga bisita habang umiinum ng Champagne. "I forgot... You're on leave tomorrow, right? Advance honeymoon with Jarret—."

"SHHHHH!!!"

"AW!"

Kinurot ko siya sa braso. Baka may makarinig sa kaniya, isipin pa nila totoo.

"Stop your dirty mind, Witch. It's not a honeymoon."

Tumingin siya sa 'kin with all those playful eyes. "Are you sure...?" She grins like a witch.

"Don't dare na biruin sina Nanay niyan pag umalis ako. Lalo na si Tatay."

Tumawa siya saka diretsong ininum lahat ng natirang champagne sa baso nito.

"I'm just teasing you. Well, just in case... I know you're in safe hands." Alam kong gusto niyang idagdag ang mga words na 'unlike to me in the past.' "And besides, everyone knows that wedding bells is just one step away from you two."

Nagbuntong-hininga ako. "Yeah..."

"Don't be impatient. You'll be white wearing dress before you know it. Enjoy your single life while it last." Kumuha siya ng muffin sa plate naming, and said, "Don't wory about Andy. I'm an expert with *sshole boyfriend. I'll give her a awe-f*cking-some advice."

"I think mas dapat pa 'kong kabahan. And just to remind you, hindi *asshole si Dare."

"When your friend cries, everyone is an *sshole. Spare me the kindness, Flat. I don't have much of that, and you know it. I'll do the same for you and Lilian. Oh, hell. I'm being clingy it chokes me."

Natawa ako sa admittance niya. Sino'ng makakapagsabi na ang nakakainis na bruhang 'to ay magiging the best girl friend you can have. I guess no one expected that.

"Yeah. Just be with her. Bawi ako pagbalik namin."

"Whatever. Just enjoy your honeymoon—."

"Wendy—."

"Sino'ng may honeymoon?"

Bigla akong napalingon sa likuran ko, and there's Jarret. He's wearing white plain shirt inside his brown leather jacket that stretch through his wide chest and just right amount of biceps. With black pants and matching dark blue designer footwear. I can't help but smile.

He looks—.

"You look hot and palatable, that's what she's thinking right now, Jarret."

Lumingon ako kay Wendy and glare at her! This unstoppable Witchy Witch!

"Thanks sa pag-enlighten, Wendy," narinig kong sabi ni Jarret mula sa likuran ko. Nang tingnan ko siya, halatang pinipigilan niyang huwag matawa. "Ang hot at edible mo rin—AH!"

I hit him on his chest saka siya tumawa.

Tumayo naman si Wendy saka sinabing, "Spare me with the impending cheesiness." At naglakad na siya palayo sa 'ming dalawa.

Umupo sa tabi ko si Jarret saka inabot 'yung natirang muffin na nasa plate ko. Kumagat siya rito, and kill me for thinking it's too sexy. Help me, Lord. Thank goodness at nagsalita si Jarret to cut this undeniable attraction ko sa kaniya.

"Ano'ng nangyari kay Manager?" he asked while nibbling his muffin.

"Huh? What do you mean?"

Tumingin siya sa 'kin with coolness in his eyes. No hint of problems I'm imagining he's dealing with can be seen. Better.

"Nakita ko siyang naglalakad palabas ng village nang papasok na 'ko rito. Hinintuan ko siya. Tinanong ko kung uuwi na siya. Balak ko, ihatid ko na muna siya. Hindi na raw. Ramdam ko may problema kaya bumaba ako parasana buhatin siya papasok ng sasakyan ko since alam kong tatanggi pa rin siya. Sakto, dumating naman si Tyler. Siya na raw maghahatid. Tinitigan ako ni Father na hindi pang simbahan kaya hinayaan ko na." Natawa kami parehas ni Jarret. Tyler can be scary too. "Buti marunong ako makaramdam."

"Well... It's a long story. Do you want to hear it, or do you want to tell me kamusta ang naging lakad mo?" I said trying to change the subject.

Napansin kong pinutol niya ang eye contact naming dalawa at saka inabot naman ang natira kong iced tea para inumin niya.

"Okay naman. Wala naman masyadong naging problema. Baka palitan ko na si James sa posisyon sa galing ko mag-handle ng kumpanya."

He's not in NewYork fixing company stuff, that's one thing for sure. He's hiding something, but this isn't the right time.

"Hssh! Cocky man."

Ngumiti lang siya saka ako hinalikan sa cheeks.

"Na-miss kita," he said at saka niya hinawakan ang left hand ko habang nakatingin kami sa paligid. Bukas na ang dance floor at nag-uumpisa ng magsayawan ang mga bisita ni Tita. "Tara sa garden?" aya niya.

Tumayo kami saka lumabas ng club house. Mas tahimik sa garden dahil halos lahat ng tao ay nasa dance foor na. Umupo kami sa may wooden bench. I leaned my back on him at nakaakbay naman siya sa isang braso sa balikat ko habang magkahawak ang mga kaliwa naming kamay. Good thing hindi mainit that night at tanging natural sound ng flowing water from the fountain ang naririnig namin.

"Ready ka na bukas?"

"Yup. All set. Commute lang tayo?"

"Yes. Okay lang sa 'yo?"

"You know my answer."

Ngumiti siya saka mas hinigpitan ang kapit sa kamay ko. I want to ask him the real reason bakit umalis siya, dahil I know it's not about work kaya siya nando'n. Though I'm doubtful sa totoong ginawa niya, I know he'll not do anything na ikasasama ng loob ko. He promised.

"No work o stress dapat pag-alis natin bukas," I heard him say. "Magkasawaan muna tayo sa isa't isa."

"Tss! Magsasawa ka sa 'kin?" Tumingala ako sa kaniya saka siya ngumisi.

Then he claimed my mouth like his life depends on it. That's the best answer I can get.

KINABUKASAN...

"Gising na... Adeline. Huy..."

Naramdaman kong inuuyog ang bandang balikat ko kaya kahit antok na antok pa 'ko, pinilit kong imulat ang mga mata ko. I saw Jarret looking down at me with a smirk on his lips.

"Akala ko ba sabi mo sanay ka sa puyatan? Wala pang trenta minutos nakatulog ka na. 'Di mo alam niyan nasa Batanes ka na."

Bumangon ako saka nag-inat ng katawan. Tumingin ako sa paligid just to see na pababa na ang ibang pasahero. Nandito na kami!

"Twenty-four hours na 'kong gising." I took my bag from the compartment. "Ang aga pa nating umalis." I smiled to the old lady so she can go ahead first saka kami sumunod ni Jarret.

"Ako nga galing flight pa."

"Tss!"

Hinawakan niyang shirt niya sa may bandang balikat sabay iling habang naglalakad kami palabas ng bus. Medyo parang basa pa nga 'yun na—SHEMS.

"Tama nga 'ko. Naglalaway ka sa 'kin."

Pinalo ko siya sa braso sabay tawa naman niya. Kumuha ako ng tissue sa body bag ko saka pinunasan 'yung shirt niya. Sinaway niya 'ko saka sinabing bumaba na kami bago pa kami abutan ng hapon.

"It's nice to be back," I said to myself pagkababa namin ng bus.

Sinuutan niya 'ko ng shades at saka niya binitbit sa magkabilang braso niya 'yung travel backpack namin. Ever gentleman~ Naglabas ako ng payong saka ko pinayungan kaming dalawa habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Didiretso na kami sa may palengke kung sa'n kami sasakay ng bangka papuntang isla.

Yup. We're going back to the island kung sa'n kami unang nagkita after four long years.

Sa may palengke na kami kakain sabi ni Jarret dahil naghanda raw ang mga kaibigan niya at ilang kakilala namin ng konting salosalo para sa 'min. Nabalitaan kasi nilang babalik kaming dalawa para magbakasyon saglit. Sinabihan ako ni Jarret na 'wag ko raw kalimutan na ang alam ng mga taga-roon, bukod sa dalawa niyang kaibigan na lalaki, ay mag-asawa pa rin kami. Yeah. As if I forgot that day nang sabihin niya 'yun sa mga tao nang magpanggap akong nahimatay para lang makawala sa kaniya.

"Bakit natawa ka diyan?" tanong ni Jarret.

Nasa loob kami ng jeep, and good thing konti lang ang nakasakay kaya hindi masyadong masikip at mainit.

"Wala. Naalala ko lang si...Joy," I teased.

The ever loving Joy to the world. 'Yung may-ari ng palengke na patay na patay kay Jarret.

"Ahh... Si Joy."

Tiningnan ko siya nang masama nang makita kong ngumiti siya nang bahagya.

"And what's the meaning of that smile, uh?"

Bigla siyang napatingin sa 'kin. Tinawanan lang ako.

"Si Joy kasi, kasal na 'yun."

Ahh...kasal na—WHAT!? "Seriously? Who the heck—." I stop myself before saying any disappointmet sa napangasawa niya. Tss! Naunahan pa niya 'ko? At least, I have Jarret. But still!? Gosh, I'm being childish. "Sino'ng napangasawa niya? Kilala ko ba?"

"Tingin ko hindi. Mayor sa lugar namin."

"WHAT!!!?"Mayor!?

Napatingin 'yung ibang kasabayan namin sa jeep. Tinawanan ako ni Jarret saka ako tumahimik. Well, good thing dahil wala na 'kong iintindihin na didikit kay Jarret na parang chewing gum just like the old times.

Pagkarating namin sa palengke, halos kaunti na lang ang tao dahil kaninang umaga pa naman ang bagsakan ng mga huli rito. Hindi pa man naming nabibitbit ang dala naming bag ngayong kabababa lang namin ng jeep, sinalubong na kami ng mga kaibigan ni Jarret na na-meet ko na rin naman noon.

"Pare!"

"Jarret!"

Nagyakapan sila nang mahigpit saka ako binati. Sandali silang nagkamustahan na parang kahapon lang din sila huling nagkita. Ramdam kong masaya si Jarret na nandito ulit siya kung saan simple lang ang buhay, tulad ng gusto niya.

"Buti at natagalan mo 'tong kaibigan namin."

"Wala ng ibang choice," biro ko.

Inakbayan naman ako ni Jarret sabay sabing "Talaga lang ah?" he grinned.

"Nakow! Tara na do'n sa may silong at maramirami rin ang naghihintay sa inyo. Madaming nagluto!"

"Buti 'yan. 'Di pa kami kumakain," segunda ni Jarret.

"Tara, dalhin na namin 'yan." Inabot nila'ng travel bag namin saka dirediretsong naglakad pauna sa 'min. Hindi na kami nakatanggi since we'll do the same if sila naman ang bumisita sa 'min sa Manila.

Nakaakbay sa 'kin si Jarret habang naglalakad kami nang bumulong siya.

"Tingnan ko kung maghanap ka pa ng ibang choice pagdating sa isla mamaya." Then he lightly kissed my right ear that made me shiver. Nakita ko siyang nag-devilish smile bago humarap sa mga papasalubong na kakilala namin.

Nasa silong sila malapit sa malaking puno ng mangga. May kahoy na table at doon nakapatong ang iba't ibang lutong ulam at minatamis ng mga sumalubong sa 'min.

"Upo, upo na ng makakain. Siguradong pagod kayo sa byahe."

Halos mga walong tao ang naroon. Mga nakasama ko noong matatandang babae na nagtitinda rin ng isda sa palengke, ang iba nama'y kasamahan nina Jarret sa pangingisda. Tuloy ang kwentuhan habang kumakain kami. It feels light and free habang nandito kami away from our busy stressful lives sa Manila.

Kumakain na 'ko ng minatamis nilang saging nang bigla akong masamid sa naging tanong ni Nanay Silang.

"Nakarami na ba kayo?"

"UHB!!" Naubo ako bigla. "Sorry. P-Po?"

Naramdaman kong napangisi si Jarret sa naging reaksyon ko kaya siya na ang sumagot. Pero sa sinabi niya, gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.

"Nakakarami pero hindi pa po bumubuo." At saka siya umakbay sa 'kin.

Nakita ko namang tumango ang matatanda na parang naiintindihan nila ang ibig sabihin ni Jarret. Of course, Adeline. It's normal to ask that sa mga inaakala nilang married couple noon. Shems.

"Eh kalIan n'yo ba balak?" tanong ng isa pang lola.

Nakatingin sila sa 'kin pero si Jarret pa rin ang sumagot.

"Malapit-lapit na ho." He absently brushed his hand sa balikat ko that made me feel at ease sa mga sagot niya. Maybe he wants to have his own child too, like me?

"Mabuti 'yan."

"Aasahan namin 'yan..."

I quite understand the older men and women asking those things. Sabi nila, it's their joy to see little ones since they know that their life is not getting any younger now. That's why I don't take offense sa mga tanong nila. Lalo na at hindi pa namin masabi sa kanila na hindi pa naman talaga kami kasal.

Nang matapos kami kumain, nagpaalam na rin kami para pumunta na sa isla. Akala ko nga at may maghahatid pa sa 'min ni Jarret papunta doon pero nagulat ako nang dalhin niya 'ko sa isa sa mga Bangka na may bubong at maayos na upuan. 'Di tulad ng gamit nila noon ni Rey na lumang-luma na. Mukhang bago pa 'to at 'di nagagamit.

"Jarret."

Binubuksan niya ang motor ng bangka nang sumagot siya. "Uhmm?"

"Kanino 'tong bangka?"

"Sa 'kin. Matagal na 'to. Pinabili ko kay Rey nang pumunta sila rito ni Jenn."

Nakakailang balik na rin ang mag-kuya sa isla, unlike sa 'min ni Jarret. I know naiingit si Jarret dahil matagal na niyang gustong bumalik dito pero 'di niya magawa dahil sa schedule ng trabaho niya. Somehow, naiisip ko kung kausapin ko kaya si Lolo para sabihing i-let go na lang si Jarret since he really want other job compare to office works.

Pero I know that it's not my place to do it. Choice ni Jarret 'to kaya siya nag-stay sa company nila. I can ask him to revisit his decision once our vacation is over. Right now, it's just about us.

Mabilis kaming nakarating sa isla, and I have to admit...I was shocked. This is not just an island...

It's a paradise.

"This is awesome..." I said in awe.

It's like a private home in an island with all those landscape away from the shore. Also, it is enclosed by a white wooden fence na very homey ang dating . May bahay-kubo pa rin pero mas malaki and, I think, mas matibay. I love it! Hindi na mukhang gubat ang paligid dahil mas maayos at maganda na ang pagkakahilera ng mga puno sa paligid ng bahay.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong bigla akong binuhat ni Jarret na parang sa mga bagong kasal saka naglakad papasok ng bahay-kubo. His expression is like a man on a mission.

"Wala kang choice, 'di ba?"

Tumawa lang ako habang bitbit niya 'ko papasok. Pumasok kami sa isang kwarto na may malaking space sa loob. May kamang gawa sa bamboo pero meron ding kutson sa ibabaw nito. Binagsak ako doon ni Jarret that me laugh harder and...anticipate—ANTICIPATE!? No, forget that.

Sumunod siya sa tabi ko at saka itinukod ang isang braso sa gilid ng ulunan niya para makatingin siya sa 'kin ng diretso habang naka-side view. Nakahawak naman ang isang kamay nito sa braso ko para iharap ako sa kaniya nang mas maayos.

"Bakit araw-araw nagbabago ka..." he silently said while staring deeply in my eyes.

I frowned. "What do you—."

"Paganda ka nang paganda sa paningin ko." Then he kissed my forehead slowly that I can feel his lips tremble. That kiss made those butterflies in my stomach came to life. Tumingin ulit siya sa 'kin and added, "Wala kang ibang choice kundi ang ma-trap sa 'kin..." He slowly kissed my both eyes travelling down my nose and cheeks. His hand caressed the back of my neck. "Habang-buhay." He lifted his head and stared at me again.

"Then I'm a prisoner?" I teased.

"Pwede..." He inhaled the inside of my neck. "Ako lang ang pwedeng magsabi kung lalaya ka na." Then he give it feathery kisses that quickens my heartbeat and breathing..

I closed my eyes and let myself be drowned to this feeling. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso and whispered "I don't want to be free then..."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang 'di ko na kakayanin kung itutuloy niya pa 'tong ginagawa niya sa 'kin. Though I'm not complaining, it's just that...I can feel that there's something more with his words.

Forget problems, Adeline. You're thinking too much.

I lifted my both arms to lightly embrace his neck. "I don't mind, Mr. Silva."

I used his real surname and not the adopted name he got with Lolo.

We stared at each other's eyes with passion building in our chest.

Then he answered. "Good."

I was about to close my eyes and wait for the kiss I'm dying to have when his phone rings. He stopped kaya minulat ko'ng mga mata ko.

"'Wag mo pansinin..." he said.

Pero tunog pa rin ng tunog ang phone niya. Kung sa work 'yun or sa mga kaibigan namin, alam naman nilang ayaw namin magpa-istorbo dahil vacation naming dalawa. Pero nang makita kong kumunot ang noo niya sandali nang makita ang kung sino mang nasa cellphone screen niya, I know there are issues we can't just ignore.He can't just ignore. I wonder who it is.

"Sagutin ko lang 'to," he said with a smile on his face bago siya lumabas ng kwarto and answer his call. Wala naman akong dapat ipag-alala, right?

Tumayo na 'ko at saka sinilip siya mula sa bintana. Nakatayo siya sa may labas habang nakatalikod sa direksyon ko. Nakapamulsa ang isang kamay while hearing whatever the person on the other line is saying.

It must be...important? Umiwas pa siya to take the call. But if it's work related stuff, he can answer it in front of me just like he always did in the past. Stop it, Adeline. But I can't shutdown this thinking. Maybe... That call must be...secret?

I shook my head and proceed on fixing my things.

Don't think too much. Trust him.

*****************************

JARRET

"Hello."

"Sir, I already set the meeting with the Doctors. Friday afternoon, three pm."

Huminga ako nang malalim bago ulit sumagot. Gustuhin ko mang ituon ang isipan ko sa 'min ni Adeline ngayon, at sa susunod na araw, alam kong hindi ko basta pwedeng pabayaan ang tungkol kay James.

"Okay. Thanks. Kumusta si James?"

Hindi kaagad sumagot si Tamara kaya kinabahan pa 'ko.

"Bakit? Ano'ng nangyari—."

"He's okay, Sir. I mean, this is the same for the past four years. But I'm worried that he'll get worse. He's working non-stop again. It's draining him, Sir. He needs to stop and recover."

Napaismik ako sa sinabi niya.

"Do what you can to stop him."

"I can't, Sir. I've done it before but it's useless.But I know that if only she can—."

"Let's talk about this after two days. Bye."

Pinutol ko ang usapan dahil ayoko ng marinig ang tungkol sa suggestion niya tungkol kay Adeline. Ayokong isipin ang bagay na 'yun dahil alam kong hindi rin niya magugustuhan kung sakaling malaman niya na pinag-iisipan ko ang bagay na 'yun.

Kung kailangang kaladkarin ko si James papuntang ospital at samahan siya hanggang sa makasiguro akong magpapagamot siya, gagawin ko. Pero labas sa usapan si Adeline. At bago pa niya malaman ang tungkol sa sakit ni James, magaling na siya kaya wala na siyang dapat ipag-alala.

Kailangan kong ipaintindi sa secretary ni James na itigil na niya ang naiisip niyang 'yun dahil hindi ako papayag. Dapat na rin niyang itigil ang sunud-sunod na pagpapadala niya ng emails sa 'kin tungkol sa suggestion niyang 'yun. I have to make it clear to her na kung naririnig siya ni James, siguadong magagalit 'to sa kaniya.

Kailangan niyang mag-settle down sa sobrang pagka-concern niya kay James. Hindi na siya nakakapag-isip ng tama.

Bumalik ako sa bahay para ayusin ang gamit ko. Gano'n na rin ang ginagawa ni Adeline nang datnan ko.Halata mang gusto niyang magtanong kung sino 'yung tumawag, nakahinga naman ako nang maluwag nang palagpasin na niya 'yun at binuksan ang ibang topic.

"What's this?"

Napalingon ako sa direksyon niya na may hawak ng mukhang bote ng alak pero walang label. Colorless lang ang laman na parang tubig.

"Ahh, 'yan." Nilabas ko isa-isa 'yung damit ko. "Bigay ni Rey. Regalo daw niya sa 'tin."

"Hmm? Water?"

"'Di ako sigurado pero regalo daw 'yan sa kaniya no'ng Tito mo sa kaniya? Si Tito Brad?"

"Ah! Really? Ano kaya 'to?"

"Sabi daw sa kaniya, traditional gift daw 'yan sa mga kamag-anak mo. Kahit daw Tatay at Nanay mo nabigyan niyan. Nireregalo atakapag bagong kasal. Siguro tradisyon lang na iinumin ng mag-asawa, ewan ko. Advance gift daw niya sa 'tin para sa anniversary natin bukas."

Tumingin ako sa kaniya. Binuksan niya 'yung takip saka inamoy.

"No scent. Are you sure we can drink this?"

"Siguro naman."

Sinara niya ulit 'yun saka inabot sa 'kin.

"Sasaya raw ang buhay mag-asawa kapag ininum 'yan. Baka nga may kasabihan sila diyan."

"Aahhh... okay?" sabay tango ni Adeline.

Baliw talaga ang isang 'yun. Hindi pa naman kami kasal pero binigyan kaming dalawa nito. Pero malay mo, tumalab din sa 'ming dalawa.

Tubig lang naman.

*****************************

WENDY

"We're not sure... Hmm... This one is too emotional." She lifted my first sketch. "And this has a lot of things to say I don't comprehend." Lifting the other sketch.

They both looked at me like I'm a specimen they want to dissect.

I'm here sa project department to present my two sketches para sa mural na gagawin ko. Honestly, I'm not that confident sa pinasa ko sa kanila. I have to admit that I'm having troubles sorting out my ideas for this project. So ironic that this project is about women, but here I am, a woman itself, who cannot come up a good idea.

Nang hindi ako sumagot sa kanila, Gale asked something.

"What's your biggest fear as a woman, Wendy?" I was stunned by this sudden question. The f*ck with this? I'm not in a f*cking beauty contest. "As for myself, I'm afraid to be judged for being a woman. Like for example... People think women are weaker than males, they're superior and we're not. We're all equal. Media dictates what's beauty, and women are afraid that they'll not make the cut. "

"I agree but I'm afraid I don't see your point in telling me all these," I frankly said.

Ngumiti siya like she understands me. "Why did you quit college and leave everything behind? Are you afraid to be rejected just because you lose your child?"

I froze. Not expecting her to say that question. Though the tone of her voice doesn't have any hint of judgement or mockery, I still don't see her right to f*cking ask me things like that. I knew it. Alam nila ang tungkol sa nangyari noon. They're just pretending that they want me in this job, but no. Tulad ng iba, tulad niya, they want to beat me down with their words.

"If you want me to continue this project without prying with my personal life, call me. If not, I quit."

I stood up and am ready to go when I heard Gale asked me another question.

"What made you stronger after the darkest days of your life?" Tumayo rin siya to face me. Adjusting his f*cking eye glasses like a woman in a mission. "Sorry for getting personal. But tshose were the questions I want you to ponder, Wendy. Those were the questions that most womenwantto answer themselves, including me. We want to strengthen women by your art that's why you need to know what will bring you down and what will bring you up. Knowing yourself will help you bring the best of your art in this project."

After seconds of staring down at her, I replied. "I'm an artist, not a f*cking therapist." I gave her my wickest smile before saying "I quit."

Palabas na 'ko ng kwarto nang may ihabol pa siya sa 'kin.

"I think Trace is wrong about you after all."

Turning my head, I replied. "Maybe he is, and the f*ck I care. I am me, deal with it."

"I understand. Call me if you change your mind."

"Thanks, but no. You can start looking for my replacement now."

Then I'm out of that place. Naglakad ako dirediretso palabas ng building going to to somewhere I am not sure about. Until I stopped in front of this wall na supposedly my canvass.

We want to strengthen women by your art that's why you need to know what will bring you down and what will bring you up. Knowing yourself will help you bring the best of your art in this project.

What brings me down? Nothing.

What brings me up? No—. Nothing?

What brings me up? Myself.

What brings me down? My—. Myself?

F*ck.

What is she? A f*cking guidance councilor sh*t?

"Shake?"

I turned to my left upon hearing him. This time, hindi ako nagulat but I'm mortified. From what, I don't know exactly. Umiwas ako ng tingin sa kaniya and just pretend na busy ako sa pag-iisip.

"Ayaw mo?" he insisted.

He's holding out a banana shake. I can just tell it from its scent.

"No. I don't. I gonna go."

Naglakad ako palayo sa kaniya but he still followed me as expected.

I think Trace is wrong about you after all.

That woman is messing up with my brain. I glared at him but he just beam at me like a foolish one.

"Uuwi ka na? Ano'ng sabi sa sketch mo?"

"Ask them."

He grabbed my arm that forced me to stop on my tracks. His hand were cold, maybe dahil sa hawak niyang shake. I pulled out my hand away from his grasp pero huminto ako to face him.

"What do you want this time, Trace."

"May nangyari ba?"

"I—." Sh*t! Like what you said, the hell you care about what he thinks. "I already quit, okay? I'm done here. I'm going back to—."

"Woaw, woaw, wait. Nag-quit ka!? Bakit!? May ginawa ba sila? Inaway ka ba—."

His eyes were sincere and I can't stand it. He is just too real to care for me.

"Like I can't fight for myself? The answer is no. Hindi nila 'ko inaway. Actually, it's the other way around."

"What!? Bakit?"

"I don't want to explain things to you, Trace. Like I said, I'm done here. Sorry if I just wasted your time." And I'm sincere about that. "I'll g—."

"Don't."

"Don't?"

"Don't quit." Like he said it as a matter of fact.

"Like hell."

"No, like Wendy who we know na 'di sumusuko."

"You don't know me, Trace. No one knows who the real me is."Even myself.

"Eh? I know you well. You survived that bastard ex of yours that made him spend his life inside those bars. Ah, you survived that depression over your lost pregnancy and you're not afraid to say na minsan kang nagka-baby. And that thougt na hindi ka makakatagal without luxury in life? Four years ka lang naman naging independent working your ass off behind that cashier or your canvass. That is you. Kung gusto mong ipaalala ko pa sa 'yo, then sure. The pleasure is mine."

My chest hurts like sh*t, it really hurts. Bakit kailangan niya 'kong kumbinsihin about this? WHY!? Who am I to him!? I am no one—.

"You are Wendy Roberts. Stop being a chicken and show your true self. Eh ano kung sabihin nilang masama kang tao, na wala kang kwenta? Prove them wrong! Only you, and the people who care about you, matters. It's time to show them who you are and not what they think who you are."

"Why are you doing this? Tell me, Trace, 'coz—f*ck." You're...You are confusing me.

He took a long breath and walk towards me. Inabot niya'ng kamay ko and let me hold that banana sh*t.

"I like you. I like you who can't even like herself. I'm attracted to you. Hindi pa ba obvious? Ilang mura na tinanggap ko sa 'yo, hindi mo pa alam?"

When I didn't respond, he just smirked saka ako tinalikuran at saka tuluyang umalis - leaving me out of breath.

Hindi pa ba obvious?

F*ck.

*********************

ADELINE

It's already five in the afternoon nang bumalik kami sa palengke ni Jarret to buy our foods for the rest of the night. After fixing our things, natulog muna kami ni Jarret to regain our strength for the rest of the day. Nang magutom na kami, nag-aya na si Jarret na bumili ng makakain namin later.

"Gusto mo bumili na lang tayo sa Bayan? Wala na halos mabili rito sa palengke," Jarret explained. "Take out na lang tayo pang-snack mamayang gabi."

"Okay lang. Kaso ano'ng oras na tayo makakabalik—."

Naputol ako sa pagsaasalita ko nang may biglang magsalita na boses babae mula sa likuran namin ni Jarret.

"OMG. Nandito ka nga, Jarret."

Sabay kaming lumingon ni Jarret, and I must admit...she's still the same. Shems, parang pa rin siyang Christmas tree sa dami niyang accessories sa katawan. My eyes hurt with her gold jewelries and everything.

"Joy." Si Jarret ang unang bumati sa kaniya.

As if we're close? Well, I can still remember her seducing Jarret. But I can be civil. Hssh! Halos parang 'dii nga niya 'ko nakikita dahil kumikinang pa ang mga mata niya while staring at him.

She stretched out her arms like she's ready to welcome him, only him, in her arms. "Jarret! Welcome Ba—."

I cleared my throat. I hope she gets the signal. Tumingin siya sa 'kin with irritation visible in her eyes.

"Congrats, Mrs. Mayor." I stressed out the MRS. just to be sure she remembers that she's married. "I heard, kinasal ka na. Congrats."

She scoffed. "Yes, correct ka. Asawa ko nga ang Mayor. But—" Tumingin ulit siya kay Jarret. And without second thoughts, he checked him out from head to toe. Really!? "Mas hot ka pa rin sa asawa ko." Sinabi niya 'yun na parang pabulong pa.

"Oh, Lord. Forgive her," I groaned.

I heard Jarret chuckled at tinuloy na niya ang pakikipag-usap kay Joy.

Napatingin ako sa 'di kalayuan. May black car na mayro'n pang nagbabantay na dalawang naka-white polo at black shades. Of course, the Mayor's wife have bodyguards.

"Ikaw talaga. 'Di ka pa rin nagbabago," sabi naman ni Jarret like he's saying it to her younger sister. Tss! That's right.

"Syempre naman." Then she laughs crazily. "Ikaw lang naman, eh." Sabay tingin sa 'kin.

Tss! Should I pull her eyeballs off? "Jarret..." I silently and patiently said.

"Oh." Napatingin siya sa 'kin. "Ah, nga pala. Sige, Joy. Una na kami. Maghahanap kami ng kakainan kasi."

"Ah, gutom ka na Adeline?"

I crossed my arms and regarded her. "Yes, bakit?!"

"Mukhang tumaba ka nga e." WHAT THE HECK!? Did she just call me FAT!? "Pero sige, sasamahan ko kayo sa masarap na kainan para maalagaan naman ni Adeline ang figure niya."

I'm ready to lash out nang magsalilta ulit siya.

"Joke lang. Ito naman. Tara?" Saka siya tumalikod sa 'min at naglakad papunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan siya ng isa sa mga body guards niya saka kumaway sa 'min to follow her.

Hahabulin ko sana siya to give her some piece of my worrds pero inakbayan ako ni Jarret, like he's stopping me from her impending early demise. Tss! Her name may be Joy but she's the opposite one to my life!

"Awat na, Mrs. Silva," I heard him tease me habang palapit kami sa sasakyan ni Joy. "Iniinis ka lang niyan."

"I don't think makakatagal ako kasama siya sa isang sasakyan. I'll not promise na may buhok siyang lalabas kapag 'di niya 'ko tinigilan."

Tumawa lang si Jarret like he's enjoying it himself. Hssh! MEN!

Buti naman at wala na siyang ginawa to annoy me habang nasa daan kami. Medyo nakakabingi lang ang mga kwento niya tungkol sa buhay niya na kung hindi exaggerated, very suspicious naman. After mga fifteen minutes, nakarating na rin kami sa tapat ng maliit na restaurant. I can see na maraming kumakain sa loob kaya nakahinga ako nang maayos dahil hindi puro si Joy ang makikita ko.

Pagpasok namin sa loob, nagulat si Jarret na nando'n ang iba pa niyang kakilala na ngayon ko lang nakiita. Nagbatian sila, at pinaakilala naman niya 'kong misis niya, which is parang nasasanay na 'ko. Shems, I'm hopeful again. Nag-CR siya saglit at sandaling nag-stay sa tabi ko si Joy to annoy me.

She's ogling at my hands like she's searching for something. Iniwas ko ito and glared at her. Ngumiti naman siya like she's having a good time messing up with me.

"No ring?" Hindi ko na-gets no'ng una kung ano'ng ibig-sabihin niya pero nang magsalita ulit siya, I'm now sure she's born to be the most infuriating person in this province. "No...proposal man lang?"

Sasabihin ko sanang asawa ko na si Jarret nang unahan na niya ako.

"Spare me dahil I know the truth. Hindi naman kayo kasal ni Jarret."

I won't be surprise kung nagpunta pa siya ng munisipyo just to confirm this.

"Don't worry. You're the first person Ill call once he asks me."

She pouted like a child na inagawan ng candy. Crossing her arms, she answered back.

"That is kung tatanungin ka niya. Hello, hindi ka pa ba kinakabahan? Ilang years na kayo simula nang umalis dito pero wala pa ring proposal man lang?" Lumapit pa siya sa 'kin nang mas maigi. "Kung ako sa 'yo, ikaw na ang mag-propose since mukha ka namang desperada na—. "

"If there's desperate here..." Ngumiti ako. "It must be the woman who sticks her filthy skin to anunwilling man while her husband is waiting for her to get home." Lumayo ako sa kaniya saka uminum ng tubig to dismiss her.

UHG! This feels good.

Naiwan ako sa table kasama ng mga kaibigan ni Jarret pagkaalis ni Joy sa tabi ko.

Nakatayo sa may counter si Jarret habang um-order. Tatawagin ko sana siya para magpaalam na magsi-cr ako nang makita ko ulit si Joy na lumabas mula sa kitchen at may kasamang girl na mukhang kasing-age ko lang din naman. She's wearing an apron like she has been cooking inside. Well, she's pretty too. Sinundan ko ang direction na tinuro ni Joy na tiningnan rin nung girl. And it's pointing to Jarret. Okay? Now what sorcery is this Joy trying do.

The girl's face become red like she's embarrassed or what habang nakatingin kay Jarret.

Joy nudged her towards Jarret at lumapit naman ito. Wala nga 'kong dapat ipag-alala kay Joy dahil married na siya. Pero sino naman itong girl na ito—.

"Hindi namin alam na may misis na pala si Jarret."

Napatingin ako sa isa sa mga kaibigan ni Jarret. "Ah. Civil wedding lang kaya wala masyadong may alam," I lied. Tumingin ulit ako sa direction ni Jarret. And now, magkausap na sila nung girl sa counter.

Obvious namang nakangiti 'yung girl at masaya siya while talking to my husba—no, I mean, boyfriend. And then si Jarret naman, nakapamulsa ang isang kamay habang hinihimas ang likuran ng leeg niya with a smile in his lips! Yes. I'm sure nakangiti siya.

"Ahh... Si Lily ba?" I heard this man near me said. "Ex ni Jarret."

As soon as marinig ko 'yung huli niyang sinabi, hindi ko napigilang magsalita.

"WHAT!?" It's louder than I intended. Napatingin ang ibang kaibigan ni Jarret sa 'kin. Pero 'yung dalawa, tuloy sa pag-uusap nila.

Hindi ko sana maiaalis ang tingin ko sa kanila kung 'di lang tumabi sa 'kin ulit 'tong si Joy saka nagsalita.

"Did you know that she's his—."

"Ex." Tiningnan ko si Joy. "I know. You don't have to report like I hire you to do so. What are you? A sniff dog?"

"Huh, selos ka lang." Dumikit pa siya sa 'kin saka pabulong na sinabing "Alam mo ba na kaya ko gustong-gusto si Jarret dahil ang sweet-sweet niya kay Lily noon? Nagtataka nga ako bakit naghiwalay sila. Maybe... kung 'di ka dumating—."

"Then I have to apologize to her dahil hindi sila nagkatuluyan," I sneered.

Tumawa naman si Joy. Hinawakan niya'ng braso ko, and I'm thinking kung gamitin ko 'yung skills ko sa self-defence to deflect her touch. Fine, I must calm down. Titingin sana ulit ako sa kanila pero pabalik na si Jarret sa tabi ko at wala na 'yung EX niya. Uhg, I want to throw up.

Gosh, Adeline. You're being unreasonable jealous girlfriend.

BUT SHE'S HIS EX! And we're eating here in HIS EX' RESTAURANT! At least to me, wala siyang mae-encounter na EX! She's my first, and I believe – my last!

"Naka-order na 'ko," sabi niya pagkaupo sa kabilang gilid ko.

Narinig ko namang ngumisi si Joy, and said "alam niya, Jarret."

"Huh?"

"Wala..." Mapang-asar na sagot ni Joy sabay wink sa 'kin.

Napatingin sa 'kin si Jarret pero I just shrugged like nothing happened. Mayamaya, lumapit sa 'min itong si Lily na siya mismo ang naglagay ng mga pagkain sa mesa namin. I saw her smile at him, no – I saw her blink her eyes than a normal blink should be at panay himas nito sa braso ni Jarret like it's normal thing to do! I'm positive, she's flirting with Jarret, BESIDE ME!

At bago pa makaganti ng smile itong si Jarret, nakaramdam na siya ng dark aura sa 'kin pagkalingon niya. Parang nalusaw anghappy expression niya after seeing me.

He cleared his throat. "Adeline, si Lily – kaibigan ko." KAIBIGAN!?

Narinig ko na namang ngumisi si Joy pero 'di ko na masyadong pinansin. Tumaas lang ang kilay ko at saka tumango sa sinabi niya.

"Ah, Lily, si Adeline – asawa ko." HEAR THAT!!? Uh!!? I'M THE WIFE!

Hinawakan ko ang braso ni Jarret at saka hinimas ito after kong pagpagan 'to ng konti. While I'm doing it, nakita ko ang disappointment sa mukha ni Lily before she went back to her kitchen. Good.

Kaso ang akala ko magi-stay siya do'n pero nagulat ako nang maki-join siya sa table namin with Jarret's friends.Tulad sa sasakyan, napuno na naman ng kwento si Joy tungkol sa buhay niya. Buti na lang nandito rin 'yung ibang kaibigan ni Jarret para maiba naman ang kwento. But nevertheless, I didn't care much dahil gusto ko na lang umalis sa resto na 'to.

Lalo pa na at nasaa opposite seat lang si Lily kay Jarret. Tss! Matutunaw na si Jarret kakatingin niya sa kaniya. Ito namang si Jarret, oblivious sa Ex niya. Or maybe he's enjoying it!? Tumingin sa 'kin si Jarret and I just gave him my deadliest glare.

Huminga siya nang malalim like a student preparing to go inside a teacher's office.

"Galit ka ba?" bulong niya.

Nag-lean ako sa kaniya saka kalmadong sinabi na "oo."

I felt him got stiff, and I'm glad. Upon hearing it, mabilis din niyang tinapos ang kwentuhan kaya nagkapaalamanan na rin sila. Nagsabi si Jarret kay Joy na hindi na kami sa kaniya sasabay. At least he knew I was in a bad mood.

Sumama ako sa pagbabayad ni Jarret sa counter. Sinagot na niya pati mga in-order ng mga kaibigan niya. And then, Water Lily is back. So all around siya? Kitchen kanina, cashier ngayon. Hssh!

"'Wag ka na magbayad, Jarret. Libre ko na 'yun sa inyo," I heard her say.

Kumukuha pa rin ng paper bills si Jarret. "Hindi. Ano ka ba. Business is business." Inangat ni Jarret 'yung bayad niya sa direction ni Water Lily pero hinawakan nito ang kamay niya to stopped him. Hawak niya 'to nang masyadong matagal. At ako naman nakatingin lang sa kanila.

"Hindi na. Ito naman, parang wala tayong pinagsamahan."

Okay, I'm done with this. Naglabas ako ng paper bills from my own wallet saka malakas na nilapag sa counter. Napatingin sila parehas sa 'kin.

"Keep the change," I firmly said.

Tinalikuran ko sila saka lumabas ng resto. Gosh, thank goodness I can finally breathe. Wala pang two seconds since makalabas ako doon nang makatabi ko na si Jarret. Magsasabi pa lang sana ako na maghanap na siya ng sasakyan namin pabalik nang magsalita siya.

"Actually, ex-girlfriend ko talaga si Lily."

I faced him. His face seems worried. That's good.

"Akala ko ba wala kang naging girlfriend pagdating mo ito sa Pinas?"

Napakamot siya sa ulunan siya saka sinabing "Kasi...two days lang naman kaming naging kami kaaya parang hindi ko rin naramdaman na naging kami nga. Naintindihan naman niya 'ko nang sabihin ko na mas magandang pag-isipan muna namin 'yun dahil limang araw pa lang kami nagkakaki—."

"WHAT!? Five days?"

Now I'm interested to know the whole story.

Inakbayan naman niya 'ko sabay sabing, "Matagal na 'yun. Hindi pa 'ko 'yung Jarret ngayon noon."

Tumingin ako sa kaniya. "Then...who's Jarret now?"

Naglakad kami pero nakatingala pa rin ako sa kaniya ng bahagya.

"Ako 'yung Jarret na baliw na baliw kay Adeline na walang tatalo kahit na sinong babae."

Umiwas ako ng tingin. "Tss! Galit pa rin ako." Of course , I'm not.

nk9MxcymSMn02Yus1ZxzVfJbHcg84MoZBYyUUurVEeq0yXBTOQu1FtLIszIAZiFu8rnTMLJBbuU4KUADRp8AhZQGHaBCsqtJAtVGLx4Y8kQP0F3VOuRTJkJlhB+qp/Cl1ywcStQirCcVakN8/SyTDEKN5OYmAUWjjTrZgGBM6jpZL6OnQXa8hLspfZeaGOraOVZUJHbtq6gD8LeiUrNK1nqelXLXZNF7taVmmlmPfipDo48HnWtrIOG84d50kYMQx72y8c5ekQcXWmY6wSt5jpHWUiZw2Ipc1gszR1TLHUWUpz2VdIHJAuSYYap7ydJSVDfS3/93g/To/IwtbGZwohjdB/BihLVBeCAbCoEvXe1EvO3VwksaL+IBkVgaUqQ91bFShoIHZmsVWGhtYzeBrNt/jLWCRxhDFv8ZY4orVfia3UDTow9CxusYj4ZpGoaWnG6dCQDu0aGlKtyKlVtmTsYsnqE3ycMqYHlZSWwtA7kbuOWkEU5sTCdxSNItljAWO6nkIWgQEnT2YoIihrbFAPXRU5Ad599RWG/jFHHWTJfnpIRU6c/5vP5Q74IfFtcLcIJxtSIqetmqhux0AJjfTFQ3H6QFZPUk4eNk4Up+ihyjgQD65l54Y7rqGrhZM3EWRSN4Xm4CMK+9+8YZUVHkQaCqHblmbn1bsW3RgvKvIqsABXJCdZdcC6k9lDKiatg1mKC+ooRbWP/zbn9WVvWkDcly9Iya3FVcb2srbfT1m9kyAql7ljfSF6CE3QfGqnVJPRgOPi9Ry3830KWnJUaUMA0KNhIlrDdKgrtIyw+y9RP9dCkDtpOpemSVVnVp2EVVoQoDseXkoA3dIpnWkrIiwVBNdhoa/A6+uS1oEkvMQki43nqWiUCnr4ae55GSyi3OaY9LkXsu1ApU+qli5KMt4/oRjswhcGtgTms8Zd+BggQh6/uQm5VE1ToJYr39saSEzV7iY7d/71rv9PFPt5BTtWcUulNIyzxKTGP4w5rsnI/Kg+UB/liOY3+gGaWfJYBLor5Gl5RUEFRwBMlMb9XMQfkuBA5tXAY6DWD235y5uFU21UeAUgYn7LyXKQa1qPrtIXAfji01viqKGU+w5BVzkVqQKYjpTw9V8oVPOgd3oB0OHwYStfLTmZDDm82B/puBrYkUSqW92qHJNWPqSuHH73aMWh4A6gTHI3JB9togOudTzdVq/n6U3OQ5fsYsrapLHPu9cesMMNEXN1EmOdA+ksvzTczJj/8l5/OVsSZmbs4b�


Gabi na nang makarating kami sa isla. Hindi ko siya kinakausap habang on the way kami pabalik dito. Well, I know it's very childish of me to act this way, pero masarap awayin ang boyfriend mosometimes for no reason. Don't hate me too much.

Bababa na 'ko ng bangka nang bigla akong buhatin at isampa sa balikat niya na parang sako ng bigas! It really hurts but I can't help but giggle like an idiot when he squished water at my face.

"Jarret!"

"Kailangan mo ata mahimasmasan. Mainit ang ulo mo kaya kailangan malamigan ka muna."

Umbot na hanggang dibdib ni Jarret ang tubig kaya nabasa na rin ang braso at binti ko.

"I'm wearing pants! At least let me change!"

Huminto siya at saka tumingin sa 'kin. "Magtu-two piece ka?"

Now it's my turn to splash him some water in the face. Umiwas siya pero nabasa pa rin siya.

"You made me mad so the answer is – NO."

Naramdaman kong bumalik siya sa nilakaran niya pabalik sa isla.

"Kulay red?" he asked.

Tumawa ako sa tanong niya. "I thought you don't want me to wear those!?"

"Kapag may ibang tao syempre."

"Hssh! Selfish man. I'm just teasing you! I don't have my two piece!"

And just like that, I was plunged into the waters. Pagka-ahon ko,nakaakbay na si Jarret sa waist ko for support. Pinalo ko siya sa dibdib niya while I'm still catching my breath.

"Ano? Mainit pa ulo mo?"

"YES!" I yelled at saka ko nilubog ang ulunan niya sa tubig pero agad din siyang nakaahon. NOT FAIR! "Madaya ka!"

"Kasalanan ko ba kung mas sanay ako sa dagat?"

"Whatever!"

And then lumangoy ako palayo sa kaniya. Hinabol niya 'ko and then he grabbed my foot kaya nawalan ako ng balance. Lumubog ulit ako sa tubig pero naramdaman kong hinawakan niya 'ko sa magkabilang braso para ilapit sa kaniya. Nang makaahon ako, he placed my both arms around his neck while his arms were around my waist. Magkadikit ang mga forehead namin while we're still both catching our breaths habang magkatitigan.

Sabay kaming natawa after that.

"I'm still mad at you..." I whispered.

Under the moonlight, I can see his eyes burning with passion and love.

"And I'll be always in love with you." Then he kissed my lips carefully like he's memorizing every contour of my lips. And before I fully repond to his kiss, dahan-dahan na niyang nilayo ang lips niya sa 'kin.

"Don't test the waters, Adeline."

"Huh?"

Hinalikan niya 'ko sa tip ng nose ko before saying "Wala..."

Mas hinigpitan niya ang yakap sa 'kin that made us embrace each other and sway a little like we're dancing in the water. I love this moment with him. The privacy... The silence... Only us.

I closed my eyes and just feel his stable heartbeat against my ear. Though parehas kaming basang-basa na with our clothes on, I can still feel the warm of his body pressed in mine.

"I hope this would last..." I murmured. "Parang ayoko ng bumallik, Jarret. I love it here."

He kissed the top of my head and tucked it below his chin.

"Ako rin."

After ilang minutes pa ng pagsu-swimming, bumalik na kami sa pangpang at doon naman humiga sa buhanginan. Malakas ang hangin kaya kusa na natuyo ang damit namin. Nakaunan ako sa braso ni Jarret habang ginagawa naman niyang unan ang isa niyang braso. Nakatingin lang kami sa mga stars sa itaas.

"Hindi uulan..." I said. "Buti naman."

"Oo nga. Pero...hindi pa rin ba nababawasan 'yung takot mo sa kulog at kidlat?"

I shook my head. Hindi niya alam 'yun dahil it's different when he's there. "But when you're there, I feel at ease."

"Pa'no kung walana 'ko?"

I stopped from breathing. Just imagining him na wala sa tabi ko makes me feel nauseous. Pinalo ko siya sa dibdib niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Mawawala ka diyan!? Tss!" I tried to calm myself then said "You'll always be there. You should be..." At iniyakap ko 'yung isa kong braso sa kaniya.

He stroked my arm to ease the tension building inside me.

"Sorry. Gusto ko lang mawala na 'yung takot mo. Yun lang." I felt him exhaled before saying "Kailangan may iba ka ng maisip tuwing bumabagyo. Hindi na 'yung nangyari sa 'yo no'ng bata ka pa."

"Anything in mind?" I asked.

"Hmm... Wala pa. Kapag dumating 'yung time na bumagyo ulit, sigurado, makakaisip ako."

"Okay..."

Nagkwentuhan kami tungkol sa iba't ibang bagay na tingin namin hindi pa namin nakukwento sa isa't isa. Pampalipas oras sa mahaba pa naming gabi. Hanggang sa nauwi kami sa topic na I think he's not ready to talk about.

"May baby na rin pala si Joy," I said. "Pinakita niya sa 'kin 'yung picture bago siya umalis kanina. That girl is so annoying but I have to admit that I admire her for being so proud of her baby."

"Mabait talaga 'yun. May konting tama lang," Jarret joked. "Kunyari may gusto sa 'kin pero wala talaga 'yun."

"I'll keep that in mind." And without thinking, I asked him something I shouldn't have. "What gender do you want your eldest will be?"

He froze like he has been struck by a lightnight or something.

"Hindi ko masyadong iniisip..."

No? "So kahit ano?" Well, he's right. Dapat kaiht girl or—.

"Ibig kong sabihin, wala pa sa isip kong magka-anak. Hindi pa 'ko ready tingin ko." His voice changed into something more serious.

But we've been talking about marriage many times. Of course, having our own kids is next to that, right? O ako lang nag-iisip nun?

"Why?"

"Sa totoo lang, hindi normal na pamilya ang kilakihan ko. Oo, in-adopt kami pero hindi tulad ng sa 'yo, may nanay at tatay ka na kinamulatan mo. Kami, halos lumaki lang na financially supported. Gano'n lang. Wala na naman akong galit kay Dad pero noon, asset lang talaga tingin niya sa 'min. Gano'n ang kinalakihan kong magulang."

"Pero nando'n naman si Lolo."

"Oo, pero hindi ako nakaranas na magka-nanay o tatay. Nang malaman ko pa nga na hindi talaga kami totoong parte ng pamilya ko ngayon, naisip ko agad na tinapon pala 'ko ng magulang ko sa ampunan."

Ngayon ko lang narinig sa kaniya ang tungkol dito. I can feel the pain and resentment in his voice. Why his parents did that to him? Along with James and Ryder.

"Are you mad at them? I mean...sa parents mo?"

"Hindi ako sigurado. Baka... Siguro."

"So you don't want to have your own son or daughter?"

"Hindi ko alam kung pa'no maging magulang. Wala akong basehan dahil ang alam ko lang, wala akong gano'n. Kung magkakaanak ako, hindi ko alam kung mapapanindigan ko maging totoong magulang tulad ng mga nasa normal na pamilya." I felt him shrugged. "Hindi pa lang siguro ako handa sa ngayon."

Niyakap ko s'ya and told him "at least, marami pang oras. You'll be ready."We will be."At kapag wala ka na ring inaasikaso. Yung promise mo na sasabihin sa 'kin?"

"Sasabihin ko rin... Tapos...may gusto rin akong pag-usapan din natin."

Yumakap din siya sa 'kin pagkasabi niya no'n. And for the first time, I feel nervous with his touch.

"Can it wait until our vacation ends?"

"Oo naman..."

Everything's fine, Adeline. All is fine.

************************

LILIAN

We look forward to working with you soon!

Two hours have passed since mabasa ko itong email sa 'kin ng dati kong university sa Europe. They're asking me to comeback and be part of their photography institution, kung saan magiging isa ako sa mga mentors. It's not only that, they're offering me a full time job sa affiliates nilang photography studio na kilala sa Europe. Usually, they want an alumni from their university to work for them, pero they told me that my potential and performance when I was still a student in their school proved that I am more than capable for the job.

In short – they want me back.

To be honest, hindi ko na naiisip na bumalik ng Europe. Simula nang bumalik ako rito sa Pilipinas, I know to myself that my family and friends will make me stay for good. Pero now that this idea is here in front of me, why am I considering it?

Gusto sana kitang ayain lumabas.

It must be because of him.

Ngayon kami aalis ni Tyler. I don't know where we'll be going and, really, I don't care much. As long as nando'n siya, there's nothing more I can ask. But I know that this day must end everything ng nararamdaman ko para sa kaniya. There's no point on keeping it for so long since he'll be a full pledge parish church next year.

Now that I fully accepted the fact na wala ng future for us, it's time to start anew. And going back to Europe is the great answer for that.

I think so.

Tumunog ang phone ko sa text message na dumating. Galing kay Tyler, telling me that he's already downstairs at kausap si Dare. Okay... I didn't expect na nandito pa si Dare ng ganitong oras. I thought he already left papunta sa Austine.

He must be thinking ano'ng ginagawa ni Tyler sa bahay.

Yes, you're right. He has no idea about us—I mean, about me to Tyler. Whatever you may interpret that.

Bumaba ako sa may living room and I saw them talking pero hindi ko alam kung ano'ng pinag-uusapan nila. Unang napatingin sa 'kin si Tyler, and his smile had said it all. I feel confident and beautiful habang nakatingin siya sa 'kin like he really appreciates my look for our da—okay. Is this a date, or what?

"May lakad kayo ni Tyler?"

I was snapped back to reality nang marinig ko si Dare na magsalita.

Okay, how will I answer this to your older brother? No one had ever gone to our house para sunduin ako kaya I habe no idea. Knowing Dare, he doesn't say much but he's a strict man.

"Ahmm—."

"Inaya ko siya lumabas," I heard Tyler said.

I inhaled sharply and my lips formed a thin line nang tingnan ko ang reaksyon ni Dare. He shot his brow up as he gave Tyler a questioning look, then to me. It's like he's asking for an explanation but we're both mum to that.

Then he slowly nodded like he understand it.

"Nagpaalam na 'ko kay Tita pati kay Tito. Mga on or before nine nandito na kami," Tyler announced.

Gosh, I feel awkward for them. Matagal na silang magkaibigan and probably nagtataka si Dare kung bakit wala siyang alam tungkol dito. If I can just told him that he doesn't need to worry or pry more info about us dahil wala na rin namang susunod pagkatapos nito.

"Okay. Sige... Ingat kayo."

"Hindi ka papasok?" I asked.

Napansin ko kasing nakapambahay lang siya ngayon. This is a first since lagi siyang maaga pumapasok. Pero...kahapon maaga siya pumasok and maaga din siya umuwi.

"Masama'ng pakiramdam ko," he said habang kinukuha 'yung mga baso na, I think, gamit nila ni Tyler kanina. "Hindi ako papasok."

At parang nag-practice kami ni Tyler, nagkatinginan kaming dalawa. I'm positive that we're thinking the same thing. Andy~

"Sige, pre. Una na kami. Pahinga ka."

Tumango lang si Dare, at lumabas na kami ni Tyler.

On our way to somewhere I don't know, nagsalita ako.

"Thanks again for inviting me, hmm?" I smiled at his direction habang nagmamaneho siya.

He glanced at me then binalik niya rin 'yung tingin niya sa daan.

"Salamat din sa pag-accept ng invitation ko."

"So...where are we going?" I asked.

While tapping his fingers sa manubela niya, he answered. "Ang totoo, hindi pa 'ko sure kasi gusto ko talagang tanungin kung sa'n mo gusto pumunta."

"Oww... So it's not like you're not prepared kung sa'n tayo pupunta?" I teased him.

Hindi ko alam kung sa'n ko hinuhugot ang lakas ng loob ko ngayon, pero siguro dahil na rin there'll be no another chance na lumabas kami ng ganito. This is our last.

Narinig ko siyang ngumisi and said, "hindi, ah. Gusto ko lang talaga malaman kung sa'n mo tayo gustong pumunta. Anywhere our car can take us."

Habang sinasabi niya 'yun, hindi ko maiwasan na 'di pansinin 'yung mga salitang tayo at ours.As if we really are together. Then enjoy the moment 'til it lasts, Lilian.

"Maybe we should eat first? Any good place in mind?" I asked.

"May ni-recommend si Trace. Try natin."

"Hmmm..." I hummed while nodding my head.

Kung titingin siya sa 'kin ngayon, he'll see how much I'm loving this day with him. Going somewhere na first time naming parehas mapupuntahan feels strange and thrilling at the same time.

Mga forty-five minutes ang lumipas pero parang ang bilis lang ng oras dahil sa kwentuhan naming dalawa habang nasa daan. Nagkwento siya tungkol sa binili ng Dad niya na farm land para sa kaniya. Matagal na raw niyang pangarap na magkaro'n ng sariling farm. Hindi lang niya nakwento kung pa'no n'ya ima-manage 'yun kapag bumalik na siya sa seminary. Marami siyang nakwento pero never did he tell about his life inside the seminary, which I'm thankful. It will be odd to hear his life inside while, now, we're here like we are in a date.

Pagkarating namin sa very casual and cozy restaurant called Memoir, I can't help but admire its interior na I'm sure youth will love. Halos puno na ang bawat table dito sa loob since it's already lunch time nang maakarating kami. Sa second floor balcony kami umupo ni Tyler, na thankfully ay hindi mainit. Actually presko nga and private since halos lahat ng customer gusto sa loob.

"I'll be here in a minute to serve your refreshments and free bread rolls," sabi ng server.

"Cool. Thanks," sagot ni Tyler habang naka-smile sa kaniya.

Pagkaalis naman ng server, I choose to admire the balcony na very refreshing ang dating dahil sa land scape and waterfalls nito sa paligid.

"Tama nga si Trace, maganda 'tong lugar. Sana masarap din 'yung pagkain," I heard him say.

"I hope so, too."

Hindi pa man nakakalapit 'yung server sa 'min, we can smell the aroma ng in-order naming pagkain. My mouth waters when I saw the actual food. I looked at Tyler and I'm surprised that he's looking at me.

"Sorry." Bigla niyang pinutol ang tingin niya sa 'kin na para siyang natauhan sa ginagawa niya. "Ahm... Tinitingnan ko lang kung satisfied ka so far."

Nagpasalamat muna ako sa server bago ito umalis saka ko siya sinagot.

"Free ride and free food? Of course, I'm satisfied. More than satisfied," I assured him.

We both savor the food afterwards. For sharing ang in-order naming dish so we literally share the same food, and it feels warm and normal. After that, nagpakuha pa ng dessert si Tyler. Strawberry icecream with cherry on top.

"Your favourite, tama?" he confirmed.

I just nodded while supressing my bursting emotion with how good he treats me.Sana hindi na lang matapos ang araw na 'to. But I know it won't happen.

Nag-share ulit kami sa isang bowl order ng strawberry icecream.

Nang matapos kami, tinawag na ni Tyler 'yung server to pay our bill. Mabilis akong tiningnan ni Tyleer nang maglabas ako ng wallet.

"Don't make me embarrass, Lil," he teasingly warned.

Nakita ko namang napangisi 'yung server bago nito inabot 'yung bayad ni Tyler. I expected her to get back sa loob nang makita kong maglabas si ate ng polaroid cam and regarded us with twinkling eyes.

"Ma'am, Sir? One of the attraction po ng resto namin ay kinukuhanan namin ng picture ang mga customer namin na first time pa lang nakakapunta dito, and then we post it to our memoir wall sa baba."

Nagkatinginan kami ni Tyler. Then tumayo ito at saka inurong 'yung upuan niya sa tabi ko bago siya umupo ulit.

"Sure," he finally said.

At that, hindi na 'ko nagsalita because the server is already angling the polaroid cam to ou direction. So ngumiti na lang ako and it's done. Inayos na muna 'yung picture saka pinakita sa 'min. I held my breath nang makita kong nakatingin sa 'kin si Tyler sa shot namin.

I chuckled. "Why are you looking at me?"

Shaking his head like he doesn't understand himself, too, sinagot niya 'ko.

"Nothing," he smilingly said. "I got distracted."

Distracted? Uhm...okay?

"Sige po, post ko na po sa baba."

Nauna na sa 'ming bumaba 'yung server like what she said. Pagkababa naman namin ni Tyler, I had a mental breakdown kung sa'n ko nakita 'yung picture namin ni Tyler. It's in the LOVERS CORNER!!!

Oh sheep, I bet I'm blushing all over. Should I tell them we're not—I mean.It's a Lovers Corner!?

"Tara?" Lumingon ako kay Tyler na nakatingin pa rin sa picture namin like he's not bothered at all kung sa'n ito naka-post. When he finally looked at me, para siyang nagulat pero naka-recover naman siya kaagad. "Okay ka lang?" he asked.

Umiwas ako kaagad ng tingin. My face felt warm so I know I'm still blushing.

Nakakahiya.

"Okay lang. Let's go." Saka ako naglakad dirediretso palabas ng resto.

Tahimik lang kami parehas habang nasa daan. Still, I know to myself that I'm enjoying our silence. Relieved now that my heart is now on normal beating, I pray na hindi na maulit ang gano'ng eksena sa 'ming dalawa. There'll be no sense to feel that way since wala ng susunod for us. It's like a goodbye date from him that I am thankful of. Even up to the last minute, his good heart shows.

I can hear him hum sometimes along with the music he's playing sa car sterio niya.

"Mahilig ka ba sa music?" he suddenly asked.

"Hmm, not really. Like I collect CDs and all stuff, no." I shook my head. "But a little music in life will do. Minsan nakikinig ako sa fm radio. And...you?"

I hope I sound natural. Not giving a hint that I really want to know more of him. By just a short time, ang dami ko ng nalalaman tungkol sa kaniya.

"Instrumental music 'yung mga hilig ko. Guitar, piano, drums, violin, name it. Nakakapag-isip ako nang maayos while listening to them. Usually, pinakikinggan ko sila kapag may dapat akong pag-isipang mabuti."

I take a mental note of that for future—yeah, right. The future with him is not open for discussion. Yeah, got it.Napansin ko lang na we're now kanina pa kami nakikinig ng instrumental music.

"And...now?"

He glanced at me. "Now?"

"Uhm...Yeah? I mean..." I waved off my hand like dismissing what I'm trying to say. Tumingin na lang ako sa daan after that. "Never mind. I just thought you're thinking of something now since we're listening to instrumental music."

"No." I heard him say that made me looked at his direction. Then he added, "to be honest, ngayon lang ako hindi nag-isip habang nakikinig ng music."

I nodded. "Maybe there's nothing big to think about."

He snickered like what I just said was a funny thing to hear. "Marami akong iniisip this past few days...months? Or maybe all these years. Well, now, I chose not to think about it, or else, maling desisyon na naman ang magagawa ko."

"I—." Before I can voice out myself, inihinto ko na agad ang sarili ko. No... It's not good to ask more about him. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana and let my mind wander in different thoughts, pero talagang bumabalik sa sinabi niya.

Well, now, I chose not to think about it, or else, maling desisyon na naman ang magagawa ko.

Nag-park kami dito sa may BGC Highstreet. I'm still not sure kung sa'n naman kami pupunta this time. Naglakad kami ng konti bago kami nakarating sa tapat ng malaking bookstore na may coffeeshop sa same building nito.

Habang papasok kami ng bookstore, I asked him.

"Looking for a book?"

"Pwede rin, saka may bibilhin din ako para sa 'yo."

"Oh. Well... Then I should buy you a gift too."

He grins at me and it made my heart swell. "Akala ko 'di mo na maiisip."

I just chuckled and wander inside the bookster. We decided na maghiwalay na muna to find a gift we can give to each other. Dumaan ako sa mga books pero hindi ko alam kung ano'ng genre ag hilig niyang basahin, kung nagbabasa siya. Maybe the Bible is out of the option since; I'm sure, meron na siya nito.

Ayoko mang isipin, I need to think of a gift na magagamit niya once he got back to the seminary.

I stopped wandering nang makita ko 'yung limited edition designer's journal set. It has a journal notebook, pen, card holder, bookmark, and a clutch bag to zip it all up. It has two set of colors but one design, blue and pink.

"But this all would be too much..." I murmured.

"Hi, ma'am." Napatingin ako sa sales lady to my right. Her smile were fixed like a person in her job does all the time. "You're looking for something? I might help po, if you need."

"Ow. Ahm..." Napatingin ulit ako sa journal set. "Actually, I'm thinking of buying a friendthis set." Then I looked at it. "Kaso I think it is too much to give all those things, you know?" I shyly smile.

I saw her nod like she can understand na hindi lang basta normal friend ang bibigyan ko.

"Then...I'll count one to find then pick the first one that catches your eyes as you think of him."

Him? I didn't—"It's not what—."

She smiled at me. "I'll start counting, ma'am. "

"Wait—."

"One... Two..." Think of him!? "Three..." Tyler... "Four..." The first one.

And simultaneously, she said the last count and I grabbed the blue journal notebook.

"Now that's a good choice," I heard her say.

I didn't say anything and just smiled at her while clutching this journal to my chest. I'm not even moving from where I am standing but my heart beats so fast I need a few minutes to calm down. Goodness, his effect on me is endless.

"Thanks," I said nang maka-recover na 'ko.

Nagbayad na 'ko sa counter after that bago ko pinabalot sa gift warp section. And then nag-text ako kay Tyler after that. He replied right away na he's waiting at the coffee shop sa second floor.

Once I arrived, I saw him sa may cashier. He excused himself from the crew na kausap niya at saka tumingin sa 'kin as he points the table near the window. Pagka-upo ko do'n, dumating na rin siya with a tray in his hands.

"Sana gusto mo 'tong in-order ko. Isa lang ang alam ko..." Then he placed a cup of warm espresso in front of me bago niya nilagay 'yung blue berry sliced cake sa gitna naming. Am I supposed to get over this sharing food thing? I guess not. I might as well enjoy it 'til it lasts. "Nasabi sa 'kin ni Adeline, no'ng college pa tayo, kung ano'ng favourite mong coffee."

He's not looking at me habang inaayos niya sa table naming 'yung mga in-order niya.

It gave me the chance to just look at him and admire how thoughtful this man is. At that point, I want to say to him how badly I want to stop the time so we can just stay here like this. But I knew it more than anyone else that it's a bad idea to ask for more than what you deserve.

Maybe God is just so good that He gave me this day to remind me that He loves me so much.

Now is the time to be contented of what you've had.

"Lilian?"

"Uh? Ah, right." I blinked several times to get my head straight. "What did you say again?"

"Ahh... I didn't say anything."

"Oh." Awkward.

And just to end this embarrassing moment I am, inabot niya 'yung fork sa direction ko and said,

"Tired?"

"NO." Oh, good nerves. Calm down! Kinuha ko 'yung fork sa kaniya as I rearrange my frenzy brain. "Sorry. But I can assure, I'm not tired at all."

"Good. Kasi sasama pa kita sa farm."

"Oh, nice. That's great." And I mean it.

Sandali kaming nagkwentuhan and enjoy our coffee and cake. More one ako 'yung nagsaasalita about my work which I am surprised myself dahil I don't talk too much sa ibang tao, even kina Adeline. But now, I can't help but tell everything I enjoyed about what I do. I'm really glad he's a good listener. He asks when he wants to dig more sa kwento ko or to clarify things he didn't quite catch. The espresso and the sweetness of the cake is kicking up my energy nerves.

"Before I forgot." Kinuha ko sa bag 'yung pinabalot kong gift for him. In-slide ko papunta sa direction niya nang maipatong ko sa table. "My gift."

Nakita kong tumaas ang parehang kilay niya na parang medyo nagulat siya. May kinuha rin siya sa bag niya, and now it's my turn to get stunned. In-slide niya rin ito towards my direction saka koi to kinuha.

Nagkatinginan kami saka sabay na sinabing, "the sales lady?" And then we laugh.

"Nagbilang din siya sa 'yo?" tanong ni Tyler.

"Yes. It's hilarious but I must admit that her way of attending to their customer is so fun. I might recommend this bookstore to my blog."

"Agree to that," he said while still chuckling.

Though I'm sure na alam ko na ang nasa loob nitong binigay ni Tyler, and same with him in my gift, I still feel thrilled to see what's inside. At nang mabuksan ko na ito, I can't help but smile.

It's the pink version of the journal na binigay ko kay Tyler.

Hindi kami kaagad nagsalita. I don't know kung ano'ng nasa isip niya but as for me...this gift giving feels kind a sad for me. This will be the last gift na matatanggap ko sa kaniya.

"Parehas pa tayo nang nasa isip na ibibigay," he finally said.

"Yeah. It's funny."

"I hope..." His voice trailed. I raised my head to look at him. "Masulat mo diyan 'yung mga experiences mo kapag nagcha-charity works ka o kapag nasa photoshoot jobs ka. Maganda raw kasi isulat 'yung mga best and happy experiences mo para mabalikan mo siya kapag depressed o stressed ka. Maaalala mo kung bakit 'yung problema, hindi pinoproblema. Alam mo kasing it will get better soon tulad nung mga nasulat mo na sa journal."

Tumango ako. I agree with him. Usually, I wrote in my blog to let people know wbout my works. But this time, I'll write all the things na gusto kong maalala. Only me and Tyler would know, even though hindi niya mababasa ang mga sinulat ko.

"Same with you." I silently said. "Once you're back." When I said back, I know he gets the meaning of it. "I hope you can write all the things that makes you happy bawat araw."

Though I want to add na sana maalala niya 'ko kahit konti habang nagsususlat siya do'n, I know it's a foolish thing to say. He didn't say anything. Hindi ko alam kung nag-agree siya sa suggestion ko o hindi. Maybe he has other plans for that journal.

"Bakit 'di tayo magsulat ngayon?"

"Uhmm, now?" I clarified.

"Oo." Tumingin siya sa wristwatch niya and said, "we still have time before tayo pumunta sa farm. Let's stay here for another fifteen minutes para magsulat.What do you think?"

"I think that's a good idea."

We spend our next fifteen minutes writing while sipping our coffees and eating our second slice of cake. And katulad saa saasakyan kanina, I'm enjoying the silence that surrounds us both.

Nang matapos kami magsulat. Nag-aya si Tyler na pumunta na sa farm that I gladly agreed to. It's a small farm in Cavite na very bare pa ang lupa at wala pang nakatanim. Secured na ang place with it's brick walls so the place is private and personal.

"Hindi pa 'ko sigurado kung ano'ng mga itatanim ko pero I'm thinking na bilhin ko pa 'yung lupa na katabi nito once na nakapag-ipon na 'ko."

I looked at him upon hearing his words. He said it like he plans to stay here to do just that. Immediately, I dismissed that thought since it's impossible.

Naglakad-lakad kami sa paligid hanggang sa nakahinto kami sa malaking puno ng mangga. Nagpalipas kami doon ng oras while listening sa music ng phone niya. And as the sun starting to set, my heart starts to crumble.

Our time together is starting to end.

Like a Cinderella, I need to go back to the real world and get out of this fantasy - real quick.

My walls are starting build habang unti-unting dumidilim ang paligid. Isa-isang bumukas ang mga ilaw sa farm, pero hindi nito maliwanagan ang nagdidilim kong nararamdaman para kay Tyler. Ngayon lang isa-isang pumasok sa isipan ko ang inis at awa sa sarili ko. Why am I torturing myself? This is a wrong idea from the very start but still I did it.

Now it's crowding my thoughts, and suddenly it's too much.

Tumayo ako saa bench na kinauupuan ko.

"I think I need to go home now," I announced, careful that the strain in my voice won't be noticed.

Without waiting for his response, naglakad na 'ko pabalik sa gate na pinasukan namin.

And then suddenly, a hand grabbed my arms to stop me.

"Lilian."

Naglakad siya paapunta sa harapan ko pagkabitaw niya sa 'kin. He's looking at me pero I tried not to look at him, afraid that he'll find misery in my eyes. At one moment, I despise myself for betraying me.

"Sorry." There, he finally said it.

I shook my head, trying to forget what he just said. He is sorry!? For what? For having a date with me? If that's really a date 'coz I think I'm the only one who thinks that way. For causing me an almost heart attack every time he looks at me like I'm special in his eyes? Or maybe he's sorry because...he knew I can never have him the way I wanted him to have me.

Oh, Lord. I sound pathetic even to my own thoughts.

"Don't be sorry. It's fine, really." I regarded him straight. "Thank you," I choked.

Nang makita kong magsasalita ulit siya, I didn't know ano'ng naisip ko at sinabi ko ang hindi ko naman dapat sabihin sa kaniya.

"I'll go to Europe."

"What!?"

I winced to the way he said it. He looked tense when I said that.

"Yes. I-I...got a job offer sa dati kong university." I tried to change the tone of my voice into an excited one, but I know I'm failing. "Plus a job from a renowned photography studio. Can you imagine that? It's..." I'm lost of words to say. Oh, please. Just once, give me a brain. "Awesome, right?" I looked at him and my brain got snuffed out of me – again. "I'm excited," I said in a most unconvincing tone.

Habang nakatingin ako sa kaniya, iba-ibang emotion ang nakikita ko. Frustration, madness, wretchedness, and so much more.

When I finally realized that he's not to say anything to what I just said, nag-aya na ulit akong umuwi. This time, hindi na niya 'ko pinigilan at sabay na kaming pumasok sa sasakyan para umalis. Unlike kanina, the silence that we're now in is unnerving. It feels like there are pins prickling my skin habang nasa byahe. I want to ask him why he looks so mad habang ginagawa kong madali ang lahat para sa 'min...or para sa 'kin.

What does he want me to do?

Nakarating kami sa tapat ng bahay namin earlier than expected. But it feels forever nang nasa byahe pa kami. Mga three minutes pa kaming nakaupo lang sa loob when finally, I found my tongue and speak up.

"Thanks for everything. I'll go ahead. Take care. Bye."

Hindi ako tumingin sa kaniya bago ako bumaba.

I cannot feel my own legs when I got out of his car. Kung ano'ng saya ko nang umalis kami, it's all different nang makauwi ako. Sa likod ng sasakyan niya 'ko dumaan so he'll not see how I stumbled at my feet habang nakatungo akong naglalakad. I'm too wretched to lift my head up. But...

But with just five seconds upon getting out of his car, the undreamed-of happened.

A pair of hands took hold of my arms to stop me. I lifted my head and found two unwavering eyes staring back at me. I didn't say anything 'coz I'm too stunned right now. His grasp became stronger to the point that I don't want him to let go instead of asking him differently.

And just like that...

He took my lips against his own, and everything goes blank.

W-What in the world is happening???

TYLER DE GUZMAN IS KISSING ME!!!

I gasped and went perfectly still. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin o sa'n ko dapat ilagay ang mga kamay ko. I'm expecting my brain would give me the urge to push him away, but no. My brain and my heart yelled at me saying – SHUT UP AND KISS BACK!!!

And for the first time in my life... I followed them. I kissed him back. He kissed harder. And I kissed him again. And again. I couldn't help. We couldn't.

His other hand travelled on the back of my neck, threading his fingers through my hair.

He kissed me deep and hard, his mouth slanting over mine. I welcomed it. Reaching my both confused hands, he guided it around his neck. Then he held both side of my waist as we taste our suppressed emotions we've been keeping deep inside our heart. It's Tyler! I'm kissing Tyler! Outside my house!And I couldn't catch my breath.

He slowly lifted his lips from mine. My lips felt his absence, and it's positively confusing.

We both breathed deeply, inhaling and exhaling as our eyes stared at each other, and then we're back. Bigla kaming bumitaw sa isa't isa like there's an electricity that cause us to separate. Tumingin ako sa ibang direction while my chest is still catching it's normal phase of breathing.

I was about to speak up when I was cut off. "I—."

He reached for my right hand and placed the journal I've given him before saying, "Babalik ako after two weeks."

Nakatingin siya sa 'kin like he's waiting for my response. And when I nodded, he led me to the side away from his car. Still, I don't say anything. My...My brain is in frenzy.

"Lilian." As if he's trying to get my attention.

"Uh?"

"Are you okay?"

And like an idiot. I asked, "Did you just kissed me?"

His response made my knees weak again. "Yes. I just did." He squeezed my hand then let go of it. "Alis na 'ko."

I nodded again. Oh, Lord... Please don't tell that I'm dreaming. Please. Please. Please.

Pinanood ko siyang bumalik sa sasakyan niya at saka pinaandar 'to hanggang sa tuluyan ng umalis. Minutes have passed and I just realized na kanina pa 'ko nakatayo rito. I decided to continue this argument, kung totoo ba lahat nang nangyari, inside my bedroom. Papasok na 'ko ng pintuan when I heard someone cleared it's throat. Pagkatingala ko sa may balcony, Dare's looking down at me with a coffee mug in his hand. He slightly raised it like he's asking for a toast, and at that moment – I know it's not a dream! He smirked and I groaned.

I went inside as fast as I can after that.

Upon reaching the comfort of my own bed, I tried to calm myself first before I decided to open Tyler's journal. And the first line made me giggled.

Hindi ko alam ang isusulat ko kanina pa... Kanina pa rin siya nagsususlat pero nagpapanggap lang ako na nagsusulat sa tuwing titingin siya sa direksyon ko. Kapag hindi, ako naman ang tumitingin sa kaniya.

Oh. His admission made me smile.

From the moment na bumaba siya sa hagdan nila kanina, I know I'm in trouble. Real trouble. She's amazingly crazily beautiful. She's just wearing a simple yellow dress, flat shoes, and her hair is down, but I know to myself that even Pia Wurtzbach cannot be compared to her. Wait. Nakatingin na siya sa direksyon ko. Mukha na ba 'kong tanga?

Tinanong niya 'kung okay lang daw ba 'ko. Gusto kong sabihin na hindi dahil siya lang ang laman ng utak ko ngayon na kahit sinabi niyang magagandang experience ko ang isulat sa journal na 'to, puro siya ang sinulat ko. I'm in trouble, all right.

Dapat ko ng tapusin 'to for now dahil malapit na mag-thirty minutes, okay?

Ang gusto ko lang naman sabihin...

God have already answered my prayers for a very long timebut I'm too stubborn to realize it. I asked Him to bring back the meaning of my life, give back the happiness He snatched away from me. I pleaded Him to save me from this misery. I beg Him to bring back Faye to me...

No. He didn't give her back 'coz she's happy now.

And instead, He just opened my eyes, my heart, and my soul.

He just reminded me na lahat ng hiniling ko ay binigay na niya, matagal na. Pinili kong lang'wag siyang pansinin, saktan and damdamin, at itulak palayo. Ang tanga ko dahil bumalik siyapero pinakawalan ko. Nagpanggap akong tama ang desisyon ko pero matagal na 'kong binabatukan ng Diyos dahil matigas ang ulo ko. And now that I am with her, I have to control myself because all I wanted to do is kiss her.

I repeat, kiss her.

Now she's done writing. I have to end this now.

Hopefully, I'll do the right thing before this day ends.

And he did. Oh, thank God, he did.

******************************

ADELINE

Amoy...tuyo? No, daing? Not really, parang ano eh...sinangag and fried egg? But I'm sure there's a coffee, too.

But wait...there's more.

I can smell cologne...a familiar cologne, actually. Yeah, I love this cologne if I must admit.

It smells like...Jarret?

"Gising na... Mmm... Gising na, Miss."

I tried to slowly open my left eye pero unfamiliar na kisame and nakita ko. Now the side of my neck feels ticklish and—.

"Gising ka na?"

Minulat ko'ng mga mata ko at saka ko nakit, and na-realize, na nakaupo saa gilid ko si Jarret at naka-bend down malapit sa leeg ko. At habang gano'n pa rin ang posisyon niya, tumingala siya sa 'kin and grinned.

"Good morning."

And without any warning, I hardly pinched his left ear that forced him to get up together with me.

"Ahhh-Ah-AH!"

"You don't kiss someone who's sleeping." I said. "It is called assault."

Binitawan ko siya and crossed my arms.

"Correction," he said. "Hindi kita in-attack." I raised my eyebrow. "Ngayon pa lang." Then he nudged me backwards at napahiga na ulit ako. His speed is commending since hindi ko na namalayang I was already trapped by his both arms in either side of my head, and my body trapped between his legs. Staring down at me, he said in his low voice, "Gutom ka na?"

"Hmmm..." Okay, I have to think it clearly. Nodding, I said, "Mmmm..."

Then nilapit niya 'yung mukha niya sa 'kin near my ears, and then he whispered...

"Bangon ka na nagluto ako ng almusal."

After five seconds of clearing my head. "TSS!" Then I gently pushed him off of me.

His laughter filled my ears at nakalimutan ko ng dapat akong mainis sa pangbibiro niya sa 'kin. I know to myself that his happiness is my happiness too. So hearing him laugh like this makes me swell with joy. I told you, Adeline. Everything's fine.

Bumangon ako and wash my face before brushing my teeth. I love my breath fresh before eating my breakfast. After that, naglakad ako papunta sa lamesa na, tulad nga ng sinabi niya, may mga nakahanda ng breakfast. Ah, it's not a dream. Sinangag, daing, tuyo, piniritong itlog, at kape.

Laughter's gone, umupo si Jarret sa katabing upuan ko and placed a plate for each one of us.

"'Wag ka na mainis, pinaghanda naman kita ng almusal."

I smirked. "Of course, you should," I said habang naglalagay ng pagkain sa plato naming dalawa. "It's our anniversary, afterall."

Umakbay siya sa 'kin and give my forehead a kiss.

"Happy Anniversary," he said.

It's our fifth anniversary, and I'm still in awe that Jarret always remember those kinds of things. Well, you know? Hindi naman karaniwang attentive ang lalaki sa ganiyang detail in their relationship. I have to be honest na minsan, si Jarret pa ang nakakaalala ng mga dates ng anniversary or memorable times namin together for the past four years compare sa 'kin.

Now kailangan kong bumawi sa next anniversary naming at ako naman ang gagawa ng surprise para sa kaniya. Besides, there are plenty of years na darating pa para i-celebrate namin 'to so I don't need to be worry.

"I hope you won't forget kahit married tayo," I absently said. Shems.

Why did you say that!? You sound like you're suggesting.

Hindi ako masyadong nagpahalata nang tumingin ako kay Jarret. Kumakain na siya pero diretso lang ang tingin niya sa plate nito habang nakakunot ang noo. He looks pissed. I shouldn't have said that. Kahapon ka pa nago-open ng topic na obvious na ayaw niyang pag-usapan.

But we already talked about this several times before, right? Ngayon lang siya nagmukhang na-badtrip nang marinig niya ang tungkol dito. Nang hindi siya nagsalita, hinayaan ko na lang na lumipas ang oras habang kumakain kami. I don't want to start an argument so pushing this topic won't do no good to us.

Lumipas pa ang oras, married life topic forgotten,we planned our next activity for our last night here sa isla. Bukas, we'll be going back sa normal life naming dalawa. Dapat ko na rin munang isantabi ang panghihinayang ko dahil I have to ready myself sa kung ano'ng sasabihin ni Jarret sa 'kin. Anytime soon after this vacation, he'll tell me ano 'yung gumugulo sa isipan niya. I have to be ready.

"Okay ka na?" tanong niya sa 'kin pagkalabas ko ng kwarto.

"Yup. Magdala lang ako ng tubig."

Pumunta ako sa may refrigerator at saka 'ko tumingin ng stock naming mineral water pero, unfortunately, mukhang naubos na pala namin kagabi. Habang tinitingnan 'yung mga lalagyan naming tubig, I asked him.

"Hindi ka bumili ng tubig?"

"Ay, oo nga. Tsk! Nakalimutan ko. Bili na lang ako bago tayo umuwi."

"Sige."

Isasara ko na sana 'yung pintuan ng ref nang makita ko 'yung bigay ni Rey kay Jarret na inumin for married couples tradition. This will do. Kinuha ko ito at saka sinalin sa water tumbler ko.

"Tara," aya ko.

Sumakay kami sa Bangka saka naglayag papuntang pantalan. Nag-text daw sa kaniya si Nanay Silang kagabi at inaaya kami na pumunta sa Park ng barangay. May salosalo ata na gagawin. Pagkarating naming sa may paantalan, sinalubong kami ng mga kaibigan ni Jarret aat saka kami sumakay sa jeep ng isa sa kanila. Habang nasa loob kami nito, naging endless din ang kwentuhan ni Jarret kasama ang mga kaibigan niya.

Pero habang ginagawa niya 'to, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Kung minsan ay nakaakbay ito sa 'kin like a protective gesture. At paminsan-minsan naman ay sinasama niya 'ko sa usapan nila. I appreciate it so much that I feel too proud to be his girlfriend. Lalo na kapag pinagyayabang niya 'ko sa mga kaibigan niya.

"Ang totoo malapit na naman siyang ma-promote. Ganyan kagaling 'yan," Jarret proudly said habang hawak ang kamay ko.

"Yan tayo eh. Masyado mo kaming iniinggit sa misis mo, Pre."

"'Wag ka mag-alala. Hahabol kami sa 'yo."

"Siguraduhin n'yong kasing ganda at galing ng katabi ko. Kaso baka wala na kayong mahanap," pagyayabang ni Jarret.

Kinurot ko naman siya sa balikat niya at saka siya natawa.

"Nako, Adeline. Lubusin mo na 'yan at kapag nagka-anak kayo, siguradong mag-iiba ang ihip ng hangin."

I felt him froze upon hearing those things. Hindi ko na siya hinintay na baguhin ang usapan o kung ano pa man. Akon a ang nagsalita para sa kaniya.

"Kaya nga wala pa dahil ayoko magselos."

Nagtawanan naman sila at naramdaman ko ng mas nag-relax si Jarret sa tabi ko. Tumingin siya sa 'kin at saka ako nag-smile. I understand. He squeezed my hand after that.

Nakarating kami sa park at napansin ko agad na maraming tao sa paligid.

Habang pababa ako ng jeep, napatanong ako. "May fiesta ba?"

Si Jarret ang unang sumagot sa 'kin.

"Wala. Tapos na piyesta." Patingin-tingin din siya sa paligid tulad ko.

Hanggang sa dumating sa tabi namin si Nanay Silang kasama ang apo niyang babae na mas bata sa 'kin ng ilang taon.

"Hi, Ate."

"Hello," sabi ko bago ako humarap kay Nanay Silang. "Ano pong meron?"

Ngumiti naman si Nanay Silang. At sa sumunod niyang sinabi, I don't know who's more shock sa 'min ni Jarret.

"Kasal n'yong dalawa."

"Po?" tanong ko. Sandali akong tumingin kay Jarret at nakita kong nakatingin na ulit siya sa paligid. Binalik ko ang tingin ko kay Nanay Silang. "Ah...I don't think, I mean, kasal na po kami."

"Alam ko naman. Meron kasing Kasalang Bayan ngayon. Pinapunta ko kayo at para naman maulit n'yo ang pangako n'yo sa isa't isa. Tutal at ilang taon na rin kayong kasal." Lumapit sa 'kin si Nanay at saka bumulong. "At malay mo,ito na ang sagot para sa susunod n'yong bisita, may maliit na kaming makita."

I blushed despite my nervous nerves.

"Ang kaibahan lang, hindi na kayo pipirma dahil kasal na kayo. At isa pa, hindi naman kayo dito nakarehistro na dalawa. Sige na, para sa mgaa kaibigan n'yo, oh. Pumunta sila para makita naman kayong ikasal."

Tumingin ako kay Jarret para sana pakiramdaman kung ano'ng gagawin namin pero bago ko pa magawa 'yun ay hinila na 'ko ni Nanay Silang at apo niya palayo sa kinatatayuan ko. Nang lumingon na saa 'kin si Jarret, hindi ko mabasa ang expression ng mga mata niya. But when smiled at me, doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Maybe it's okay? He's okay with it, right? Dahil kung ako tatanungin, I want it more than anything else.

Nakita kong may umakbay kay Jarret na mga kaibigan niya at saka sinama rin sa kung saan.

Habang ako naman, hindi ko na namalayan na nasa loob ako ng saaradong tindahan. Nasa loob si Nanay Silang at apo nito. At bago pa 'ko makapagsalita para sana sabihing tatawagan ko lang sandali si Jarret, I got stunned sa nilabas na dress ni Nanay Silang mula sa kaniyang bag.

It's a white simple long dress na walang strap at may slit na maikli sa bandang kanang binti. Meron ding white veil na nilaabas ni Nanay pati na rin ang flower crown na ilalagay sa ulunan ko. Without saying anything, I felt my eyes wet from my own baby tears.

"Mabuti naman at nagustuhan mo..." I hear Nanay Silang said.

Tumingin ako sa kaniya. "It's beautiful. Salamat po." I trailed my fingertips sa fabric ng dress. "I'm so happy po."

"Ang totoo, mumurahin lang itong damit na ito pero siniguro kong bagay na bagay sa 'yo iyan. Alam mo, Adeline, kulang pa ito kung tutuusin sa mga naitulong ni Jarret sa pamilya ko. Alam mo bang pinagamot at pinaopera niya si Paterno noong isang taon? Tumatawag siya sa kaibigan niya at tinatanong kung ano'ng maitutulong niya sa 'min. Wala kang aalam dito?"

"I-I didn't know." And that's true.

"Inaasahan ko na iyon na hindi moa lam dahil iyang batang 'yan? Hindi 'yan sanay na pinaaalam ang mga ginagawa niyang kabutihan sa mga tao." Pinahawak ni Nanay Silang sa apo nito ang hawak niyang damit. "Napakabait, napakasipag, napakamaaalahanin ng asawa mo. Napakasaya ko at may katuwang siya na tulad mo, anak. Masaya ako na nasusuklian lahat ng kabutihan niya sa pamamagitan mo."

And just like that, hindi ko na napigilan ang huwag maiyak.

I feel so proud of him. He's really a good man, and I will always be thankful to have him.

"Hindi lang ako ang tinulungan niya. Marami pa sila. Nagbigay siya ng trabaho sa kaibigan niya, tulong sa negosyo, o kahit sa pag-aaraal ng mga kakilala niyang may anak. At lahat sila sumang-ayon na gawin namin 'to para sa inyong dalawa. Naghanda kami ng konting kainan pagtapos nito. Sana ay hindi n'yo masamain ang pangunguna naming ito."

Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Nanay Silang.

"'Wag po kayo mag-alala. Masaya po ako, at siguradong si Jarret rin po, sa ginawa n'yong 'to. Salamat po, Nanay."

Bumitaw sa 'kin si Nanay at saka inabot ang pinahawakang damit sa apo nito. Inilappit niya ito sa 'kin at saka koi to kinuha mula sa kaniya.

"Tingin mo kaya ay makakaya mo na itong suotin mag-isa?" tanong nito.

I nodded.

"Oh sige. Maghihintay muna kami sa labas."

And with that, naiwan ako sa loob habang tinititigan ang damit na nasa kamay ko. Aaminin kong kahit sinabi ko na hindi magagalit si Jarret, at hindi naman rehistrado ang pagsali namain sa kasalang bayan, ay kinakabahan pa rin ako. I know something's bothering him whenever talks about marriage come up.

But when I received his text message, maybe I don't have to worry at all.

JARRET: Bawal pinaghihintay ang groom.

Everything's fine. Go marry your man.

*******************

JARRET

"Oras na para totohanin na 'to, pre."

"Oo nga naman. Bakit 'di pa natin iparehistro dito?"

Nandito kami saa likuran ng jeep. Nakaupo ako sa may apakan habang itong dalawa naman, nakatayo sa magkabila kong gilid. Pinaliwanag nila sa 'kin kung bakit nandito kami ngayon. Hindi ko sila masisi dahil binigla ko sila sa balitang kasal na 'ko noon at hindi man lang nila nasaksihan ang kasalan, na wala naman talaga. Kaya eto, sila na ang gumawa ng paraan.

Habang papalayo kami sa isa't isa ni Adeline, nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Pag-aalala dahil sa kasal? Hindi, hindi dahil do'n. Nag-aalala siya dahil sa 'kin.

Aminado ako na nagmukha akong sira-ulo sa harap niya nitong mga huling araw sa tuwing mababanggit ang kasal at pagkakaro'n ng anak. Nasabi ko sa kaniya ang totoong rason kung bakit hindi pa 'ko handa magka-anak, pero hindi ang tungkol sa kasal. Tulad ng pinangako ko sa kaniya, sasabihin ko kapag alam kong kontrolado ko na ang sitwasyon ng pagpapagaling ni James. Sasabihin ko sa kaniyang ipagpaliban muna naminang kasal hanggang sa matapos ang anomang dapat gawin sa sakit ng kapatid ko. Siguradong maiintindihan niya 'yun kahit alam kong sigurado rin na malulungkot siya kahit papaano. Konting oras lang ang hihilingin ko sa kaniya para lang sa kapatid ko.

Alam kong matagal na naming naapag-usapan ang tungkol dito. Bago ko pa nalaman ang tungkol kay James, desidido na 'kong magpropose kay Adeline. At ilang buwan mula sana ngayon, magpapakasal na kami.

Pero buwiset na timing 'yan, marunong dumiskarte ng pagkakataon.

"Hindi pa pwede..." matipid na sagot ko.

Nang makita nila ang itsura ng mukha ko, hindi na nila 'to pinilit.

Nahihiya ako kay Adeline. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kaniya na gagawin ko ang lahat mapakasalan ko lang siya. Pero sa nangyari, kailangan ko pang mamili kung ano ang mas dapat kong unahin.

"Oh, pare."

Inangat ko ang ulunan ko para tingnan nang mas mabuti itong inabot niya sa direksyon ko. Nakalagay sa pulang maliit na box na parang—.

"Wag mo sabihing—."

"Mura lang 'yan, 'tol. 'Wag ka masyado kabahan."

"Oo nga. Hindi naman pwedeng magpakasal ka ng walang ganyan."

Kinuha ko mula sa kamay niya 'yung lalagyan ng singsing. Pagkabukas ko, halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa kabila nang mga iniisip ko ngayon, alam kong sobrang saya ko at mmabibigyan ako ng pagkakataon na pakasalan si Adeline kahit hindi pa opisyal.

Walang kahit anong diamond o ano mang bato ang singsing. Sa katunayan, simpleng silver lang ang singsing. Mas mauuna ko pang isuot 'to sa daliri niya kaysa ang proposal ring ko sana.

"Salamat, salamat."

Sa pagkakataong 'yun, alam kong hindi ko na dapat palagpasin ang oras na ito. Kahit man lang para sa mga sarili namin, masabi kong naikasal kaming dalawa. Maramdaman niyang siya lang at wala ng iba pa 'kong gusting pakasalan sa buhay kong 'to.

Kinuha ko ang cellphone ko saka ko siya tinext. Pagkatapos noon ay ako naman ang nagbihis nang binigay nilang putting polo barong. Kaya pala nila 'ko pinagsuot ng itim na pantalon dahil dito. Dinalhan din nila ako ng itim na balat na sapatos na nagpakumpleto ng itsura ko.

"Langya, parang gusto ko na rin ikasal ah!?"

"Sira, humarap ka muna ng magogoyo mo."

Natawa lang ako sa usapan nila habang inaayos ko ang buhok ko gamit ang gel at suklay na dinala nila. Nang makita kong ayos na 'ko, sakto naman na nagtext na sa kanila ang apo ni Nanay Silang. Tapos na rin daw si Adeline mag-ayos at mag-uumpisa na ang kasalan.

Habang naglalakad ako palapit muli sa gitna ng park, aaminin kong sobrang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi na 'to laro o biro para sa 'kin. Alam kong sa puso at utak ko, totoo ang lahat ng ito.

Isa-isa nang nagsilapit ang mga bride ng bawat groom na kasabayan kong naghihintay. Kaniya-kaniyang buyuan at tilian mula sa mga bisita ng mga ikakasal ang naririnig ko. Pero nang ibaling ko sa isang direksyon ang tingin ko, parang ninakawan ako ng hininga. Para bang hindi totoo na nakikita ko siyang lumalapit sa 'kin habang nakasuot ng puting damit, may saklob na belo sa ulunan, at may hawak na mga bulaklak na tingin ko ay galing pa sa bakuran ni Nanay Silang.

Naririnig ang malakas at kalmadong kanta sa paligid habang unti-unti siyang lumalapit.

Ngayon at kailanman...

Sumpa ko'y iibigin ka, ngayon at kailanman.

Hindi ka na mag-iisa, ngayon at kailanman,

Sa hirap at ginhawa pa, asahan may kasama ka, sinta.

Walang ekspresyon ang mukha niya na parang pinakikiramdaman kung ano'ng magiging reaksyon ko pagkakita sa kaniya. Pero nang mag-umpisa akong ngumiti ay gano'n na rin ang ginawa niya.

Bakit labis kitang mahal...

Pangalawa sa Maykapal.

Higit sa 'king buhay...

At nang makalapit na siya sa harapan ko, kinakailangan kong pigilan ang sarili ko na huwag iangat ang kaniyang belo para halikan siya ora mismo.

Malilimot ka lang

Kapag ang araw at bitiun ay 'di matanaw,

Kapag tumigil ang daigdig at di na gumagalaw...

"Do I look...okay?" tanong niya.

Gusto kong matawa sa tanong niya dahil parang hindi pa siya sigurado sa sarili nito. Samantalang ang nasa utak ko lang ngayon ay ang mailayo siya sa lahat ng taong nandito at halikan siya ng walang tigil at humpay. Jarret... Jarret. Kumalma ka, pare.

"Mas okay sa okay ang itsura mo." Lumapit ako sa kaniya at saka bumulong. "Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng nandito."

Lumapad ang ngiti niya pagkarinig niya no'n. Gustong-gusto ko talaga kapag namumula siya sa tuwing pupurihin ko siya.

At hindi na nga nagtagal ay nag-umpisa na ang pinakahihintay.

"Uumpisahan na po natin ang Kasalang Bayan."

**************************

ADELINE

"Uumpisahan na natin ang pag-iisang dibdib ng mga magkabiyak."

Halos hindi ako makahinga sa bawat minutong lumipas. Though the end oint of all these ay hindi kami registered married couple, but still, I know to myself that something is very real in this. I hope that Jarret is feeling it, too.

"Para sa mga lalaking ikakasal, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib ang babaeng iyong nasa harapan na maging kabiyak ng iyong puso, sa habangbuhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

"Opo, tinatanggap ko."

Pagkarinig ko sa sagot ni Jarret, doon ko lang napakawalan ang 'di ko namalayang pinipigilan kong paghinga mula pa kanina. Walang ngumingiti sa 'min at magkatitigan lang kami sa bawat isa. Nangungusap ang mga mata sa paarang kami lang ang magkakaintindihan.

"Para sa mga babaeng ikakasal, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib ang lalaking iyong nasa harapan na maging kabiyak ng iyong puso, sa habangbuhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

"Opo, tinatanggap ko."

Natapos ang ceremony ng kasalan sa huling announcement na pinakahihintay ng lahat.

"Ngayon ay idinideklara ko ng kayo'y mag-asawa na. Mga lalaki, maaari n'yo ng halikan ang inyong mga asawang babae."

Sari-saring hiyawan at tilian ang narinig ko matapos sabihin ang mga salitang iyon. Nang magkatinginan kami ni Jarret ay kapwa kaming hindi mapigilan ang ngiti ng isa't isa. Hinawakan nito ang laylayan ng belong suot ko at saka dahan-dahang inangat palayo saa 'king mukha. Nang wala ng ano mang harang ang nasa pagitan naming dalawa ay hindi na pinatagal ni Jarret ang lahat.

He palmed my face with his both hands as he tilted my face up to angle his lips into mine. The kiss is fast and it was done before I knew it. Tinitigan niya 'ko pagkalayo ng mukha niya sa 'kin.

"Mamaya ko na itutuloy kapag wala ng ibang naghihintay sa 'tin."

"Hssh! As if I'm waiting?" Liar.

Ngumisi lang siya at saka niya hinawakan ang kamay ko bago naming sinalubong ang mga kaibigan namin na nagplano ng lahat ng ito. Pagkatapos ay dinala nila kami sa bahay ng isa pa sa mga kaibigan ni Jarret. Habang papasok kami ng bakuran ay sinabuyan nila kami ng bigas tulad ng sa tradisyon ng mga bagong kasal. Naglakad pa kami papunta sa ilalim ng puno ng manga at doon ay may nakahandang pahabang mesa at upuan na binalutan rin ng pareparehong kulay ng tablecloth. Pati na rin ang mga pagkaing ay naghihintay na sa amin.

Pinaupo nila kami sa pinaka gitna ng mahabang mesa. Isa-isa na rin silang nagsi-upuan pagkatapos mailagay sa tapat namin ang pa-square na cake na may bride and groom small figurine sa gitna. Sinulatan pa nila ito ng mga salitang, Best Wishes to Mr. and Mrs. Silva.

The rest of the celebration went on hanggang sa napuno na lang kami ng walang katapusang kwentuhan. Napahiwalay si Jarret sa 'kin sandali at nakita kong kasama niya ang mga kaibigan niyang nag-iinuman na sa isang tabi. Mayro'n siyang isang bote ng beer sa harapan niya pero isa o dalawang beses ko pa lang siya nakita na ininuman ito, which I am thankful of.

Habang nagkukwentuhan din ang mga kasama ko, nagbukas muna 'ko ng messenger ko to chat the girls.

GLAM GROUP CHAT

ADELINE: I got married. Like...five hours ago?

<Seen by Wendy, Lilian, Andy>

WENDY: What the f*cking f*ck?

LILIAN: Umm... Joke, right?

ANDY: FINALLY!

Natawa ako sa iba-ibang reaction nila. Though we all have different issues in life, pagdating sa chatbox – problems must be ignored. So now...how do I explain this?

ADELINE: But we're not REALLY married.

LILIAN: You sure this is not a joke, Adeline?

ANDY: Oh, please! Don't break my heart, too! MARRY HIM NOW! NAAAAAW!

WENDY: Are you f*cking with us!?

And yah, I told them everything without them interrupting me. And after a few seconds...

ANDY: Does honeymoon counts with this kind of wedding?

WENDY: Forget it. It can wait.

ANDY: Wendy said it can wait, WTF! As in – What The Fart! HAHAHA

WENDY: Oh, so who's Ex is Dare, by the way?<Evil Emoticons>

ANDY: <Mad Emoticons>

LILIAN: Can't wait for you to come home, Adeline. Let's have a girl's night, shall we?

ADELINE: Thanks, Lil. Oh, wait! Nag-aaya si Lil? May dapat ba kaming malaman?

LILIAN: Haha ;)

ANDY: I'm happy for you, Lil!

WENDY: Trust me, she's not.

ANDY: Shut the FART out!

WENDY: It's f*ck. F-*-C-K. Not Fart.

<Seen by Andy>

WENDY: Someone's mad. LOLS

Natawa na lang ako bago ko binalik sa bag ang cellphone ko. Napatingin ako sa direction ni Jarret and I saw him staring at me. No... Staring INTENSELY at me is the right word to describe it. Okay... settle down ovaries. Don't explode like a good organ should be, eh?

Napatingin ako sa lamesa namin to look for some water pero wala akong nakita.

Ah, I nearly forgot.

I got my water tumbler out of my bag and opened its lid. Uminum agad ako nang diretso pagkabukas, and I swear it didn't help to calm my nerves. It did the opposite, actually. Bakit ako biglang kinabahan!? He just stared at you, for goodness' sake! It's not like he'll devour you or something—NOW WHERE THAT DEVOURING COMES FROM!?

Tumagal pa ng mga thirty minutes ang kwentuahan. Pero sa totoo lang, hindi na 'ko mapakali sa kinauupuan ko. I feel hot and...bothered. My body feels strange, and at the same time – overwhelmed. I want to do something I'm not aware of. But I know my body screams at me to relieve it from its agony. What in the world is happening!?

I nearly jump off of my chair when I felt a hand touch my shoulder.

Nang lumingon ako, I saw Jarret staring down at me. I gulped out of nervousness. Wait—What!? Why should I feel nervous!? THIS is Jarret. Get a hold of yourself!

"Okay ka lang?"

"Yes. I am. B-Bakit hindi?" My voice is breathless.

Shems. Even I cannot convince myself that I am fine. Nakita kong kumunot ang noo ni Jarret but didn't push his question anymore. Instead, he asked me if I want to go back in the island, and I ecstatically said YES!

I don't think I can last any longer sitting on that chair without doing anything.

Doing anything!? What would I do? I mean, gosh, I just want us to be away from them. We-we-wait! What again!?

"Pinagpapawisan ka—." He stopped when I flinched with his touch on my forhead. "Adeline?"

His breath smells like alcohol. I feel like I'm being drunk or something. And the heat I'm feeling right now is burning up my body.

"Sorry. I—I'm just tired," I unconvincingly said.

Nagpaalam na kami sa kanila at nagpasalamat. Tinanong nila kami kung ano'ng oras kami aalis para maihatid nila kami sa terminal ng bus sa Bayan. Gusto ko pa sanang mag-stay to thank them properly pero I don't think I can last long. My body begs for something I don't know. And everytime my skin touches Jarret's, I felt like an electricity just strucked my body. It actually spreads on my toes upto my head. It's all over me.And, yah, it's crazy! Like I'm gonna lose my mind.

"Ay, anak ng. Nakalimutan kong bumili ng tubig natin," Jarrret said habang nasa dagat na kami papunta sa isla.

"I still got water here. Want some?" I offered. And my mind went off somewhere. There's this thought that offering him some water is like a sexy thing to do.Oh, please. Give me a break.

"Sige. Kanina pa 'ko nauuhaw."

I retrieved my water tumbler at saka inabot kay Jarret. Careful not to touch his fingers, I moved a little farder from him so that I can save myself from further embarrassment once na mag-over-react na naman ako kapag nagkadikit kami – skin to skin.

And I'm there... Looking at him swigged the water down his lovely hot throat—Ah, what?!

After four gulped of water, he closed the lid and hand it to me.

Instead of putting it back inside my bag, binuksan ko ulit ang lid nito saka uminum ng tubig. Why do I feel like there's something sensual about me drinking the same tumbler he brought to his lips? SHEMS! I'm getting crazier and crazier each time! Once na matapos akong uminum, huminga ako nang malalim to distract myself. Settle down, Adeline. Control your mind... Control your urges... HOLD ON! Did I just said – URGES?

Napahinto ako sa pag-iisip nang bigla akong magulat sa malakas na pagkulog at kidlat.

"AAAHHH!" I yelled while clutching the tumbler near my chest.

Seconds later, Jarret was there with his arms draped around me. Hindi ko alam kung sino ang mas nagulat sa mala-electricity na naramdaman namin nang magdikit ang katawan naming dalawa. But still, he remained his arms around me to calm my nerves.

Pero I want to tell him that what he's doing increases my heartbeat more kaysa sa kulog at kidlat. At nang makita niyang uneasy ako sa ginawa niya, bigla niya itong inalis, and I don't want him to let go!

"No! Please. Hold me," I told him.

He didn't say anything and just wrappedhis arms back on me. I rested my head on his shoulder as he caressed my back. Tuloy pa rin ang kulog at kidlat and I pray na makarating kami ng ligtas dahil nag-uumpisaa nang lumakas ang alon sa daan.

At first it feels strange to feel his skin against me. But now? I crave more for his touch. If he stops now, I know I'll have to beg for more.

"Malapit na tayo," he announced.

His voice sounds like he's struggling from something I don't sure if I'm up to discover. And then the last thing I heard before he released me is a groan from his lips like he's in pain or what.

Unti-unti na kaming huminto sa may pangpang. Kailangan ko pang pagsama-samahin ang lakas ko dahil pakiramdam ko ay babagsak ako anytime dahil sa panlalambot nito. But I need to get up! The heat searing inside my body is too much that I'll combust anytime. Oh no, this is bad.

Tinulungan ako ni Jarret makababa ng bangka by grabbing my waist and lifting me up to carefully put me down. The water at my feet feels calming lalo na ngayong hindi pa rin inaalis ni Jarret ang mga kamay niya sa waist ko. And his eyes... Oh, crap, his eyes. Like a wolf ready to attack his prey. I'm afraid that I'll be his willing prey.

Muling tumunog nang maalakas ang kulog at gumuhit sa kalangitan ang kidlat. Sumunod nito ay ang malakas na pagpatak ng ulan sa buong isla.

I felt my body tensed kaya kumapit ako sa mga braso ni Jarret to ease up my panick attack. No... No, please. This is our last night. Don't make it happen. But before I know it, Jarret is leading me towards the center of the island. At first, I thought he'll lead me straight inside the house but I'm wrong. We stopped in the middle of the wet grounds, facing each other but not holding each other's hand. Heavy rain with thunder and lightning continues.

I want to yell at him kung bakit hindi niya 'ko hinahawakan tulad ng ginagawa niya. He just stared at me like he's waiting for something to happen. The heavy weigh in my chest felt unbearable all of the sudden. Ipinikit ko ang mga mata ko and desperately covered my ears. It's now starting... My panic attack is about to surround me and I—I just can't endure this alone. Please...

Then I heard his voice that was surprisingly close. Too close... I can feel the heat from his body and the warm of his beath against my ears.

"Isiping mong wala ako..." he said.

Still eyes closed, I shook my head to erase the idea of his absence.

"No... I don't—I can't. Ayoko..."

"You can, Adeline." His voice low and it sent tingles within my soul. "Wala ako dito..." he whisphered but his touch never came.

While my eyes were still close, I was going to protest to what he just said, and to the touch that didn't came, when I felt his head bent, brushing his cheek against mine. "Don't look..." I swallowed stuffly as he placed a scorching kisses on my neck. No, not scorching but it was butterfly light, but the heat of each touch burns my skin. And it feels right. Oh, so right.I tilted my head reflexively as I want to feel more of him."Just feel... Adeline."

His hands moved smoothly up from my hands to my arms, and ended up to each side of my neck. Holding it – possessively.

"Feel..." He whispered. And then what he did next untied the last string of restraint that is left of me, he tongued my ear, making me shiver, my body tense, my thighs clenching. "Feel only this..." he breathlessly said. I'm not sure if I can stop him, nor if I wanted him to. I moaned, likely negating the sensibleness of my words.

"Stop being afraid now..." he added as he placed light kisses on my neck...my collarbones...my shoulders. "Forget..." Those hands of him glided its way to my back and slightly pulled me against him. So near that I can feel hisraising heartbeat. Then a hand slipped to my chin and lifted my head. "Adeline..."I shivered as his hot beaths spilled over to my sensitive skin.

When I opened my eyes, our eyes tangled. His eyes were dark with desire reflecting my own in the middle of the rain.

"Ito lang ang tandaan mo..."

Then his mouth crushed into mine like a hungry beast looking for his own salvation. I could taste the minty alcoholic tang of his breath and the warmth radiating from his body even under our wet clothes. His strong arms enveloped me around my waist and I slidmy both of my hands to his chest to grab fistful of his his dress shirt. Our past kisses were never like this.

Never.

This is overly burning, ten steps higher from being hot. This is making me senseless, lose my control, and let my inner self take over.

No room is given for thinking, only moving...and slanting...and never stopping.

I broke the kiss to suck in a harsh breath; He gave me little time to recover myself as he grabbed my both arms and enclosed it around his neck. This time, I'm the one who devoured his demanding mouth. Jarret lifted me by the hips while his his one arm at my back and the other is holding my neck. Thank you for the slit of my dress! Our tongues waged a war as I felt us moved towards the house. With one swift move, he backed me up against the door.I gasped in surprised but didn't care much to stop. He gripped my neck gently as he deepened the kiss, and the noise I made is almost unrecognizable.

These past few hours had been a lesson in endurance, and my reserves had finally run dry.

And all of a sudden, he stopped. Our foreheads were touching while our burning eyes stared at each other. We're both catching our breaths when Jarret finally found his voice.

"Tell me to stop..."

"No." I hugged his neck more tightly. "Don't stop."

He didn't say anything and just stared directly at my eyes. Looking for any hint of hesitation, but I know he'll find none. Then without any warning, I gasped in surprised right before he dropped his mouth to mine.

I want this... I want him... I want us.

I felt him move and carry me inside his room, across his bed. At the moment, I know it's finally happening, and there's no ounce of fear and hesitation in me. Whatever happens, I know he's here with me, always.

He promised me.

Being here with Jarret like this, being intimate, made my body soar. He did something inside me that only him can outdone. No one will ever unlock my searing passion and heightened emotion. Only him can have me like this. He had no idea how much I felt for him, how deeply my love embedded in him.

He laid me down to his bed as he kisses his way down to either side of my neck. I shuddered. Now his strong legs caged me as he kneels down to my body. Hands onboth sides of my face, he lifted his head before he found his voice.

"I love you, Adeline."

I saw a glint of smile in his lips, and it led me to do the same.

"I will only love you, Jarret."

Oh, how I love that look in his face. I can see my own reflection in his eyes.

I will never forget that.

I will never forget us.

And whatever happens tonight, it changes everything between us.

Forever.

AFTER 4 DAYS...

"You're glowing."

"Who? Me?"

Inabot ko 'yung mug sa may cup board to fix myself a coffee. Hindi ko kailangang magmadali ngayong umaga since my meeting will be after lunch pa. Hatinggabi na rin naman ako uuwi mamaya dahil sa pre-editing ng episode ko sa isang show, so lulubusin ko na ang free time ko this morning.

And besides... it's a wonderful day.

"Whoelse am I talking here? This banana?" Then she raised her nearly finish banana.

Pagka-ayos ko ng sarili kong coffee, gumawa ako ng Blueberry Jam sandwich saka umupo sa opposite seat kay Wendy while I hum to an imaginary music that filled my ears. Nang tumingin ako sa kaniya, nakita kong nakamasid din siya sa 'kin like a hawk observing her target. Inabot ko 'yung isang newspaper copy before ulit ako nagsalita.

"Then thanks to the compliment, I guess."

I flipped through the pages without reading any of its articles like I always do.

"That's not what I f*cking means, flat."

When I heard her say that, lumingon ako sa kaniya like I'm asking her to explain what she meant. Before she had begun explaining herself, tinaasan niya 'ko ng kilay habang nanlilit ang mga mata niya na parang may nakikita siyang kakaiba sa 'kin.

She leaned on the table as if she'll say something vile that no one should hear.

"You and Jarret...did you..." she let her voice trailed in the air.

Me and Jarret...did what?

Tinitigan niya 'ko habang naghihintay ng sagot sa 'kin. Nang hindi ko talaga alam ang ibig-sabihin—Oh.

Ah, right.

I cleared my throat before saying, "change topic?" Then I sipped my coffee.

Narinig kong umismik si Wendy saka sinabing, "who am I to put a sermon in you. I'm not a f*ckin priest nor a religious one, or whatever. Maybe Tyler can give you a word. But..."

But...?

I looked at her and she's now at her feet bringing her used mug to the sink.

"I hope you the best, you know." Her voice is soft and sincere. That's a first for Wendy. Though I'm not sure, maybe that topic made her dredge up her pasts struggles with that crazy bastard. Thank God, his in jail.Giving yourself to a man is like sharing your whole self to him.

But it's just that...

She gave it to the wrong man, and I did not.

Pagkalingon niya sa 'kin, her usual demeanour was back.

"Where's he?" she asked like a strict mother. "I haven't seen him since you got back to your vacation."

I have to smile of her protective tone.

"Calm down, motha~ He's in America doing his own stuff."

Her brow rose. "Own...stuff, uh?" Bago pa 'ko nakasagot, bigla niyang hinablot sa 'kin 'yung hawak kong newspaper saka tinuloy ang pagsasalita. "Let me use this. You're not even reading, you pretentious little fox."

Now is the time na kilay ko naman ang mapataas.

"Pretentious...? Little fox???"

Tumalikod siya sa 'kin while saying, "Oh, I don't want to imagine the good and proper Adeline had a hot night with—" I tried na batuhin siya ng kutsara but it hit the door instead. Lumingon siya sa 'kin and said, "be careful. You're Nanay is a woman, too. She'll know." And with that, she's out.

Pagkarinig ko pa lang no'n, medyo kinabahan ako.

No... Don't be guilty to something beautiful. "Uhgg..." I groaned. I AM guilty, alright. This is not what Nanay and Tatay trusted me to do.

Yumuko ako sa table and just closed my eyes to reorganize my thoughts.

I know to myself that something changed in me. It feels raw but wonderful, hindi ko pwedeng itanggi iyon. I don't even want to regret that. And why should I? It's not like aksidente ang nangyari because it is what it is. We both agreed to it. BOTH.

Okay, Adeline. You don't have to overthink this matter alone. Jarret is coming back tomorrow and you have to relay all your worries to him. I know he'll listen, and he'll understand. Oh, Lord... Did I messed up? Please, tell me no.

And besides, everything will fall on it's right place.

Tinanong ako ni Jarret bago siya umalis kung kalian ang balik ni Tatay at Nanay from their out of the country trip. Kailangan daw niya munang kausapin sila, but didn't explain himself further. But...you know? What would be the possible meaning of it kapag ang boyfriend mo kakausapin ang mga magulang mo?

Isn't it...about that? As in...THAT.I sighed.

It's time for our real wedding to happen.

We'll deal with this. I promise, Lord. We'll both make it right.

Oh, please. Make these thoughts I'm having right now make sense.

Please, please, please.

Jarret, hurry up!

****************************

DARE

"Seryoso, Pare?"

"Oo. Siya raw 'yun, grabe. Pinakain pa man din tayo last time ng pizza."

"Uhgggg... malalason ako."

"OA pre?"

"Kahit naka-blurr, kita namang siya 'to e."

"Bakit hindi kayo nagwa-warm up!?"

At parang mga nakuryente sa mga kinauupuan nila ang team nang marinig nila ang boses ko sa likuran nila. Sabay-sabay silang nagsilinya sa harapan ko na parang mga sundalo. Napatingin ako sa isang cellphone na nasa sahig at pilit tinatago ng isa 'kong player sa paanan niya.

Gadgets are not allowed during the practice. Not unless it's emergency.

Naglakad ako papunta sa player kong 'yun at saka kinuha ang cellphone sa paanan niya.

Itatago ko na sana sa bulsa ko ang phone nang may pamilyar na picture akong nakita sa screen. Dahan-dahan kong nilapit sa mga mata ko ang phone para makita ko nang mas maayos. Habang pinagmamasdan ko ang picture naming dalawa, na kahit blurred ang mukha niya, parang isa-isang bumabalik sa utak ko ang matagal ko ng kinalimutan.

I avoided this kind of things that will make me remember the old times.

Old times with her.

"Explain," sabi ko.

They know what I'm asking them to do. Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.

Nakatitig ako sa picture namin ni Andy noong huling game na magkasama pa kami bago siya umalis. May hawak siyang dalawang icecream cone habang nakaakbay ako sa kaniya. Nakasuot ako ng jersey shorts at asul na sando, at suot naman niya ang jersey sando ko sa ibabaw ng tshirt niya. Nandito kami sa gym that time bago kami umuwi. Si Trace ang kumuha ng picture na 'yan, at sigurado akong sa Facebook din niya 'to nakuha kasama ng iba pang pictures no'ng time na 'yun.

"Uh, coach. Sorry. Nakita lang po namin 'yang picture sa Facebook page ng Austine Hidden Files."

Napakunot ang noo ko pero hindi na 'ko nagtanong pa. Pinag-warm up ko na sila kasabay ng dagdag na twenty rounds sa gymnasium. Dumiretso ako sa office ko habang naghihintay na matapos sila.

Austine Hidden Files...

Binuksaan ko ang laptop ko saka nag-type sa Google search.

GOOGLE: Austine Hidden Files Facebook Page

Iba't ibang post ang lumabas pero nakuha kaagad ang pansin ko ng Top Viewed Post. Pinindut ko 'yun at saka ako dinala sa post ng Facebook Page ng hinahanap ko.


HIDDEN AUSTINE FILE NO. 214: OLD MANAGER IS BACK!!!!!!

Hindi ko alam kung kilala n'yo siya, or nakita n'yo na siya sa campus lately, pero she's back! The old Red Dragon's Manager is back in our campus to continue her studies. Kung 'di mo siya kilala, sorry dahil I won't tell you her name. BUT! Wait 'til you finished this post dahil I'll give you hints of who she is.


Ah, I remember this Facebook Page. Ito 'yung parehong FB page na nag-post ng kung ano-anong kalokohan tungkol kay Wendy. This kind of sh*t is the reason why people are mostly stupid.


Yup! You heard it right, Austinians. Hints of her identity is waiting for you! I'm an angel, what can I say!?

Well, what's the big deal, you say? Sino ba siya? Okay, okay. Ito na nga...

Did you know that according to my source, which may I tell you, it's a very good source since dati niya 'tong batchmate, na si dating manager daw ay nagbabalik from her "Salamat, Doc." operation niya. I know what you're all thinking, guys! NO! Hindi siya nagpa-retoke. HAHA! You're funny. Salamat, Doc – means she went to Spain para ituloy do'n ang pregnancy niya. She's a good mother, at least.

BUT NOT A GOOD AND FAITHFUL LOVER!

Oops! Sorry, but not really sorry.

Well, I've heard that—


Huminto ako nang pagbabasa. There's this growing rage inside my chest habang binabasa ko ang post na 'yun. Lies, lahat 'yun kasinungalingan. Gusto kong hanapin ang nagsulat nito—and then what, Dare? But this is insane! This is madness! The post looks believable, but not to me.

I tried to forget what happened between us, including our last argument several days ago, pero hindi ko magawang basta i-shut down lahat. Lalo na ngayong nakita ko ulit siya... Narinig at nakausap—nakasagutan—nasaktan.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa utak ko 'yung gabing 'yun. Kahit sabihin kong tapos na, wala na dapat akong pakialam, naalala ko pa rin 'yung mga pagsigaw at pag-iyak niya sa harapan ko. At nagmumukha akong g*go sa harapan ni Louisa dahil parati akong malalim ang iniisip. Hindi ko magawang kumalma kahit na hindi ko na rin siya nakita pagtapos ng gabing 'yun. Tch! Ngayon lang ako magpapasalamat na malaki 'tong Austine.


Well, I've heard that she's the EX-GIRLFRIEND ng ating ever loving and hot basketball team coach! Yup! That's true. Oh, wait. Don't jump into conclusion dahil hindi si coach ang father ng baby. Iba! IBA! A DIFFERENT GUY! DUH!

I hope you're all getting the picture here.

A cheater is back in our university! OMG!

She's a good mother by giving birth to her baby, but nevertheless, she's a slutty unfaithful cheater ex-girlfriend! And who knows kung ano'ng real plan niya kaya siya bumali. Austinians! Please, please, please! Protect Our University's Best Couple, Coach Dare and his girlfriend - Nurse Louisa, from this girl! I tell you all that I can smell a bad woman when I see one.

Oooookay! Breathe in and breathe out!

HINTS HINTS HINTS!

SUBJECT: EX-MANAGER

FROM: College of Accounting (4th year)

NAME: I can't tell you her name but she's really UNDE(di')—NIABLE.

*winks* You're all welcome.


Saka ko lang napakawalan ang hininga ko na hindi ko namalayang kanina ko pa pinipigilan. I keep on reminding myself...Not my business. Not your business. Not your f*cking business, Dare! Pero this is too much. This is all lies! She doesn't deserve all their hate because of these defamations!

This deceitful post got nine thousand plus likes, eight hundred plus shares, and f*cking twenty thousand comments! It's still counting, God. Halos wala na ring kwenta ang blurred picture niya kasama ko dahil sobrang dami ng pictures niya sa comment section na hindi naka-blur. Tingin ko nakuha nila 'to sa Facebook niya. God forbid, I might tear into pieces whoever wrote this garbage. Nakuha pa niyang isama ang pangalan namin ni Louisa sa kag*guhang 'to!?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka lumabas ng office nang pakiramdam ko na hindi ako makahinga dahil sa galit. I have to remind myself that I'm mad at them, not to her. Never to her.

Dare, wala ka ng nararamdamang kahit ano sa kaniya, keep that in mind!

Shit.

"Coach, tapos na po—."

Napahinto ang Vice Captain ng team nang makita niya 'ko. Hindi ko alam kung ano'ng nakita niya sa mukha ko pero napansin kong napaatras siya.

"Take over. I'll be right back," I told him

"Yes, Coach!"

Huminto ulit ako bago pa 'ko nakalakad palayo sa kaniya. Nagasalita ako gamit nang malakas kong boses para masigurong marinig ng lahat.

"SIGURADUHIN MONG WALA AKONG MARIRINIG NA TUNGKOL SA BINABASA NILA KANINA! AM I CLEAR, VICE CAPTAIN!?"

I can see a hint of smirk, a good smirk, from this guy. Hindi ko alam kung ano'ng ibig-sabihin niya pero alam kong naintindihan niya ang gusto kong mangyari.

"Consider it done, Coach."

"Good." Tumingin ako sa team na nakahinto sa ginagawa nila at nakatingin sa direksyon ko. "You'll all not be here without her, remember that. She deserves respect from all you." Nilibot ko ang tingin ko sa kanila. "Protect your own."

At saka ako lumabas ng gym.

Hindi man maganda ang nangyari sa pagitan naming dawala, labas dito ang ibang bagay. Mas lalo na ang team. Nang mabuwag ang team namin dahil sa mga players na lumipat ng ibang school, siya ang nagpursigi na mabuo kami. She deserves a lot from this team, they owe her that. And this school owe her that, too. D*mn right.

Naglakad ako pero hindi ko alam kung sa'n ako pupunta.

I feel lost after reading that post. It stirred something inside me that I've never felt before for the past four years. Hindi ko alam kung ano, and I don't know if I'm ready to discover that.

I hope a good cold drink will help me to calm myself.

Sa cafeteria ako dumiretso. Papasok pa lang ako do'n nang may mga makasalubong na 'kong mga estudyante na napapatingin sa direksyon ko with sympathy in their eyes. The hell with this!? May mga estudyanteng lalaki na inaya ako na ilibre sa ibang cafeteria, but I've been there before at alam kong may ibig-sabihin 'tong mga ginagawa nila. I insisted to stay in that cafeteria with my authoritative voice and they got my meaning instantly. Wala nang lumapit sa 'kin after that.

Palapit pa lang ako sa kuhanan ng cold drinks nang may marinig akong usapan sa bandang kaliwa ko. Nagpanggap akong namimili ng bibilhin ko para matuloy ko ang pakikinig sa usapan nila. NICE, Dare. This is so you.

"Kanina pa siya diyan, girl. Nagbabasa habang kumakain ng baon niya."

"Oo nga e. Parang wala lang sa kaniya. Kung ako 'yun mahihiya na 'ko pumasok."

"You know what, 'di ko nga gets bakit bumalik pa. Dito talaga? Pwede naman siyang mag-iba ng university para makaiwas sa mga usapan."

"Right."

"Wala nga rin siyang kinakausap sa room. She's too silent that it feels dangerous to be around her. Wala lang, feel ko lang."

"But she's good with her studies, so far. As long as 'di ko siya ka-group, I won't be bothered."

"Yah, right. Same here."

Sinara ko nang malakas ang refrigerator, enough para mayanig ito kasabay ng mga katabi pang iba. Lumingon ako sa direksyon kung sa'n ko narinig 'yung kwentuhan. Nakatingin na sa 'kin ang apat na fourth year accounting students base sa uniform na suot nila. Napatingin din ako sa kaniya na dalawang table ang layo sa kanilang apat. Nakatalikod siya sa kanila pero imposibleng hindi niya marinig ang mga pinag-uusapan nila.

Bago pa 'ko makalapit sa direksyon ng apat na estudyante, nagtayuan na sila at saka dirediretsong lumabas ng cafeteria. Kaunti na lang halos ang nandito sa loob dahil patapos na ang lunch time. Pero siya...nandito pa rin siya.

Don't go near her! You've done enough para magkasira kayo nang tuluyan that night. There's no need to make this more complicated.

But like a foolish idiot I am, naglakad ako palapit sa kaniya.

I stopped nang makarating ako sa likuran niya. Nakatungo siya sa librong binabasa niya habang ang isang kamay ay may hawak na kutsara. May bukas na lunchbox sa gilid, may bawas ng kanin at isang hotdog. May baso din ng tubig sa kabilang gilid, na malakas ang kutob kong kinuha pa niya sa fountain dito sa cafeteria.

Napakunot ang noo ko. Never siyang nagbaon ng pagkain niya dito sa university. Bukod sa hindi siya marunong magluto, gusto niyang maaga siya makarating sa university para buksan ang gym. But maybe she has changed enough para sabihin kong hindi siya katulad ng dati. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nakasuot siya ng headset na nakakabit sa cellphone. Hindi niya narinig 'yung usapan ng tingin ko ay mga kaklase niya.

Sinasabi ng utak ko na tumalikod na 'ko. Iwan na siya mag-isa rito. Everything will be back to normal...

But still, naglakad pa rin ako papunta sa opposite side ng table na kinauupuan niya saka umupo doon. Napaangat ang ulunan niya at halatang nagulat ang mga mata niya. Napabitaw siya sa hawak niyang kutsara habang nakatingin sa 'kin. Agad ding nagbago ang expression ng mga mata niya mayamaya.

Inalis niya ang suot niyang headset saka 'to nagsalita.

"What?!" she asked. Halatang badtrip ang boses niya pero iba ang sinasabi ng namumula niyang pisngi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Napatingin siya sandali sa paligid na parang sinisiguro niyang walang ibang tao. "Ano???"

I'm studying her. Did she already know? Nakita na ba niya?

Nagbuntong-hininga siya saka nilagay sa bag ang cellphone at headset niya. Kasunod nito ang lunchbox niya pati utensils. Nang tatayo na siya sa kinauupuan nito, nagsalita ako.

"Nakita mo na."

Napahinto siya sa pagtayo. Unti-unti siyang tumingin sa 'kin na halata ang lungkot sa mga mata niya. At one moment, I want to tell her it's okay. Nothing's gonna hurt her, but I can't. Lalo na kung ako ang dahilan kung bakit nangingiyak na ang mga mata niya ngayon.

"I—I've never been pregnant—That's not true, Dare."

Mahina ang boses niya na parang nagmamakaawa. My closed fist got hard to the point I'm hurting my own palms. You have to control yourself, Dare. She's not yours now. Nothing's between the two of you.

"I know," I said in my most convincing tone.

A hint of happiness can be seen in her eyes. And I'll be a liar kung 'di ko aamining naginhawaan din ako sa nakita ko.

She nodded. "Thank you."

I want to yell at her for thanking me. Wala siyang dapat ipagpasalamat sa 'kin dahil dahil sa 'kin bakit pinag-uusapan siya. Akala nila pinoprotektahan nila 'ko mula sa kaniya pero kabaligtaran ang ginagawa nila. Tulad nang sinabi ni Trace...

"Kasi this time, wala na siyang Dare na magtatanggol sa kaniya. She's alone in this fight."

And while staring at her, I did the craziest thing I expected myself to do.

"Are you okay?" I asked casually.

Kung nagulat man siya sa naging tanong ko, hindi niya 'to pinahalata. Instead, sinagot niya 'ko na akala mo wala lang sa kaniya lahat ng 'yun. I hope we remain like this. Parang noong dati...

"Tch! They were all bunch of silly kids. Mahilig sa mga tsismis. If they think mapapaalis nila 'ko tulad nang ginawa nila noon kay Wendy, they're wrong. I've suffer a lot more than this, at wala lang 'to sa 'kin." Tumingin siya sa 'kin saka ngumiti.

F*ck.

I'm not prepared for that. Her smile makes me want to smile back at her. I want to ask what are those sufferings she just said. I want to know everything. EVERYTHING.

What's happening to me!??

"Kaya nga 'ko naka-head set para kunyari wala akong naririnig." So...she heard. Then without a warning, bigla siyang tumayo at saka naglakad palayo kasabay ng pagsabi niya ng, "sige. Una na 'ko."

Naiwan ako sa upuan ko habang nakatingin sa likuran niya. Bumibigat ang paghinga ko habang unti-unti siyang lumalayo sa paningin ko.

Don't followr her. Don't! I said—.

"D*mn it." Tumayo ako saka naglakad palabas ng cafeteria para sundan siya.

Nakita ko siyang pababa ng hagdan, palabas ng building. Sumunod ako without anything in mind.Wala ng ibang tao dahil kanina pa tapos ang lunch time. And then I reminded myself...

Eight steps away from her... Don't follow her.

Six steps... I said – don't follow her!

Four steps... Can't you understand!? STOP!

Two steps away from her... You're stupid.

One step away from her... Fine! Stop her.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Andy." Huminto siya bigla at saka lumingon sa 'kin.

I did not expect to see tears from her cheeks with defeat in her eyes. Gusto kong punasan ang luha niya gamit ng nakakapit ko pang kamay sa balikat niya, pero...

"I—."

Magsasalita pa lang ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nang tumingin ako sa bandang likuran ni Andy, I saw Louisa. F*ck. Malungkot ang mga mata niya na unang beses ko pa lang nakita simula nang maging kami. At pagkatapos, ngumiti siya kasabay ng pag-angat ng isang kamay niya na parang tinatawag niya 'ko na lumapit sa kaniya.

Tumingin ako kay Andy na diretso lang ang tingin sa 'kin. Her eyes were pleading... Pleading for me to stay. It...It wrecks my heart.

"Dare?" Narinig ko ulit na pagtawag ni Louisa pero tuloy pa rin ang pagtitig ko kay Andy.

This is unfair, God. What the heck do you want me to do!? Either way, alam kong may masasaktan. Do you want me to choose the person I want to be happy and be with?

Then fine!

Slowly, I lifted up my hand away from her shoulder habang magkatitigan kaming dalawa. Nakita ko ang pagbagsak ng natitirang lakas ni Andy. At kasabay nang paghakbang ko palagpas sa kaniya, ipinikit nito ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun, pero nagpapasalamat ako dahil hindi niya tuluyang makikita ang pag-alis ko. Habang palayo ako sa kaniya, alam kong malaking bagay sa 'kin ang iniwan ko sa kaniya.

Inabot ko ang nag-aabang na kamay ni Louisa pagkarating ko sa harapan niya. Ngumiti ulit siya sa 'kin pagtapos niyang makahinga nang maluwag. Naglakad kami palayo sa kinatatayuan ni Andy. Hindi na 'ko lumingon sa kaniya dahil sa takot na madiskubre ko sa sarili ko...

Na ang taong gusto kong maging masaya at makasama...ay walang iba kundi siya.

******************************

JARRET

Pupuntahan ko na mamaya si James para kausapin siya. Gagawin ko'ng lahat para kumbinsihin siya sa dapat ay matagal na niyang ginawa, ang magpagamot siya. Nakausap ko na ang mga Doctor ni James para sa mga medication, theraphy, at procedure na kailangan ng kapatid ko.

They're all ready at si James na lang ang kulang.

At kapag napapayag ko na si James mamaya...

Maginhawa akong uuwi sa Pilipinas para naman kay Adeline. Sa totoo lang, ginawa ko ng lahat para lang pigilan ang sarili ko na huwag sumakay ng eroplano para makauwi. Gustong-gusto ko na siya makita...makasama.

Nabalitaan kong nakauwi na ang Nanay at Tatay niya. Mabuti dahil kailangan kong gawin tama ang lahat. Wala man akong pinagsisisihan sa nangyari sa 'min ni Adeline sa isla, alam kong may dapat akong gawin bilang lalaki at taong may pangako sa kaniya na mamahalin at hindi siya iiwan.

Sa nangyari sa 'min, hindi ko na siya kayang paghintayin sa matagal na rin niyang inaasahan na gawin ko - ang pakasalan siya.

Hihingin ko muna ang kamay niya sa mga magulang niya, at pagkatapos ay siya naman.

Kaya kailangan kong magawa ang lahat para maging maayos din ang kay James.

"Coffee or juice, Sir?"

Lumungon ako kay Tamara. Kasama ko siyang dumating dito sa dati naming bahay sa California. Galing kami sa meeting namin kasama ang mga Doctor ni James. Nakakapagtaka pa nga at tahimik lang siya buong araw habang kausap ko siya. Kumpara noong mga naunang araw na dumating ako. Pinagpipilitan pa rin niyang tanggapin ko ang suggestion niya na isuko si Adeline kay James. Nagalit na ako noong pangatlong araw dahil hindi na makabuluhan ang sinasabi niya sa 'kin dahil nandito na 'ko at ako na ang bahala kumausap sa kapatid ko.

Sa susunod na maging maayos na ang lahat, kakausapin ko si James tungkol sa kaniya. Lumalagpas na siya sa hangganan ng pagiging EA ni James. Nagiging obsessed na siya sa pag-asikaso sa kapatid ko, at 'di ko 'yun nagugustuhan.

"Tubig na lang, thanks."

Naglakad siya papunta sa ref na nandito sa loob ng office room dati ni Lolo.

Habang ginagawa niya 'yun ay binuksan ko ang phone ko at saka tiningnan kung may bagong message si Adeline. Nitong mga huling araw din, nagpapasalamat ako at naging mahaba ang pasensya niya nang hindi ako kaagad makasagot sa mga message o calls niya sa 'kin. Kailangan ko lang talaga na pagtuunan ng pansin ang ginagawa ko rito.

"Are you chatting with Ms. Smith?"

Napaangat ang ulunan ko pagkarinig ko no'n. Hindi ko na talaga nagugustuhan ang ugali niya. Nakatingin siya sa 'kin na halata ang pagkainis sa mukha niya. Seryoso ba siya?

Tumayo ako saka siya hinarap nang maayos pagkapatong ng phone ko sa mesa.

"Is there something wrong, Tamara?"

"No, Sir."

"No... I don't think you're telling me the truth."

Hindi siya kaagad nagsalita kaya idi-dismiss ko na sana siya para matapos na 'to, nang bigla siyang magsalita.

"For the last time, Mr. Silva. Can't you reconsider my suggestion to you?"

Napaiwas ako ng tingin. Yun pa rin ang nasa isip niya? Tama nga si Adeline, malakas ang tama ng EA ni James sa kaniya. Paulit-ulit ko ng pinaliwanag sa kaniya na may plano na kami ni Adeline magpakasal, na sisiguraduhin ko lang na mapapayag ko si James na magpagamot saka ko na aasikasuhin ang lahat para sa kasal. Nang masiguro kong hindi tataas ang boses ko, humarap ako sa kaniya.

"Uulitin ko ang sagot ko, hindi ko ibibigay si Adeline kay James. Okay? Hindi ko alam kung bakit mo naisip 'yan pero, hindi...hinding-hindi na magbabago ang isip ko. At kahit si James, hindi 'yun magugustuhan—."

"How did you know?" bigla niyang sinabi. "You didn't know that. Walang nakakaalam sa inyo kung ano'ng matagal na niyang gusto na makuha, hanggang ngayon."

Gusto kong sagutin ang sinabi niya pero nagsalita ulit siya.

"Hinayaan n'yo siyang mag-isa rito sa states habang nagsasaya kayo sa mga buhay n'yo sa Pilipinas. Everytime you laugh in happiness, he cries a river out of extreme sadness. She is the only one he wanted...he wants. I know that. I can tell that... I can see it in his eyes. So suggesting that to you is not completely madness but it is what can solve everything that he's in right now. You can convince him to proceed on medication, yes, but you'll break his heart that even doctors can't solve it for you."

"You're crossing the line. Hindi ikaw ang makakapagsabi niyan, si James lang." Naglakad ako palagpas sa kaniya pero huminto rin bago ako tuluyang mapunta sa pintuan. "Hindi mo na 'ko kailangang samahan 'pag nagkita kami ni James. Wala ka na ring kailangang gawin tungkol sa pagpapagamot niya dahil ako na ang mag-aasikaso no'n mula ngayon. Salamat sa mga natulong mo sa kapatid ko pero hindi mo na kailangang lumagpas pa sa kung ano'ng inaasahan lang sa 'yo ni James na gawin mo."

Alam kong medyo malupit ang pagkakasabi ko pero hindi ko na nagugustuhan ang ugali niya.

"Tatawagan na lang kita—."

"I'm doing this for him."

"I don't think so."

Saka ako tuluyang lumabas ng kwarto. Ayokong mag-stay sa bahay na 'to lalo pa at alam kong mainit ang ulo ko sa assistant ni James. Baka mabaliw lang ako mag-isa dito. Pagkalabas ko sa may garage, do'n ko lang naalala na naiwan ko 'yung phone ko sa mesa. Bad trip.

Pagkatalikod ko sa sasakyan ko, biglang nagdilim ang paningin ko at namanhid ang buong katawan ko. Naramdaman kong malakas na bumagsak ang mukha ko sa lapag pero alam kong gising pa ang diwa ko.

Unti-unti, naramdaman ko ang sobrang sakit sa buong ulunan ko. Do'n lang din pumasok sa isipan kong may pumalo sa 'kin.

Sa lakas ng bawat pagkirot sa ulo ko, para akong mawawalan ng malay pero ginawa kong lahat para makatayo. Ako lang at si Tamara ang nandito. Naisip kong baka mapano siya. Wala siyang kasama. Tatakbo na sana ako pabalik sa bahay nang marinig kong bumukas ang makina ng sasakyan ko.

Nang lumingon ako, may nakita akong dalawang tao na nakaupo sa loob pero nakatakip ang mga ulunan. Diretso akong napatingin sa taong nasa manubela. Mata sa mata, nakita kong nagulat at natakot siya nang makita akong nakatayo sa harapan nila. Hindi siguro nila inaasahan na makakabangon ako. Halos hinahampas na siya ng katabi niya habang sinisigawan nito pero hindi ko maintindihan ang sinasabi.

Sinubukan kong ipikit sandali ang mata ko para mawala ang pagkahilo ko pero nagkamali ako.

Dahil sa pagmulat ko, humaharurot na tumatakbo ang sasakyan papunta sa direksyon ko. At bago pa 'ko makaiwas, naramdaman kong bumangga na nang malakas ang sasakyan sa 'king katawan. Hindi ako sigurado pero alam kong tumilapon ang katawan ko at bumagsak sa matigas na lapag. Muling naaalog ang ulunan ko sa pagkakahampas nito rito. Bahagya ko pang naimulat ang mga mata ko pero hindi ko maigalaw ang aking buong katawan.

Wala akong maramdaman...

Naging mahirap ang bawat paghabol ko sa 'king hininga. Hindi ako makahinga...Basa ang pakiramdam ko sa pinagbagsakan kong lapag. Malaki ang kutob ko na sarili kong dugo ang nakapalibot sa'kin ngayon.

Nakita kong may dalawang pares na paanana ang lumalapit sa 'kin.


"Killing him was not in the plan, Motherf*cker! You killed him! Godda*mit!"

"You're driving the f*cking car, YOU killed him, not me. Sh*thead."

"What the f*cking hell! You hit the gas!"

"You're a chicken sh*t. Khow that!? F*ck you, man."

"No, f*ck you—Sh*t! He's alive! Thank G*d—."

"No, killer thank God. You ain't thinking, uh?"

"What are you doing!? Hey-hey! What are—Shit! Are you f*ckin' insane!??"


May narinig akong tunog ng bakal na kumakaladkad sa lapag na kinadadapaan ko ngayon. Gusto kong tumayo pero hindi ko magalaw ang kahit ano sa katawan ko. Konti na lang...tuluyan ko ng mapipikit ang isang mata ko.

May isang pares ng paanang huminto sa harapan ng mukha ko. Sinubukan kong itingala ang tingin ko para makita ang siraulong 'to, pero may takip pa rin ang g*go. Sa oras na 'to... unang pumasok sa isipan ko si Adeline. Ang mukha niya nang sabihin niyang mahal niya 'ko... Nang magpakasal kami sa bayan... Nang sabihin kong babalik ako... Babalikan ko siya.


"Killing him was not part of your job, Chard. Motherf*cker, that's my job.

"WHAT!?"


Kusang tumulo ang luha ko. Diyos ko, hindi ko pa nasasabing mahal na mahal ko siya at gustong-gusto ko siyang pakasalan. Na kahit mukha akong gago nang sabihin kong takot akong magkaroon ng sarili kong anak, gagawin ko'ng lahat para maging mabuting ama sa magiging anak namin pagdating ng araw. Diyos ko... Ayoko pa siya iwan. Nangako ako. Nangako akong babalik ako. Iiyak siya...sigurado akong iiyak siya.


"Have a good sleep, mister."

"HEY!!!!!"



Binaling ko ang tingin ko sa singsing na suot ko, singsing noong kasal namin ni Adeline. Sana matandaan niyang inalay ko ang buhay ko sa kaniya bago man lang ako mawala.

Isang malakas na bayo sa ulo ang huli kong naramdaman bago ako tuluyang ninakawan ng hangin sa 'king buong katawan.

Patawarin mo 'ko.

*****************************

ADELINE

Two weeks have passed...

"Adeline? Adeline? Ms. Smith, are you with us?!"

Naramdaman kong may tumabig sa kanang braso ko. "Adeline." Saka lang ako natauhan na nasa update meeting ako ngayon sa office. Shems.

"Ah, yes, Boss. I'm sorry. Hindi lang po ako nakatulog nang maayos kagabi," I explained.

"I don't think anyone here has a goodnight sleep."

Napatingin ako sa mga kasama ko sa meeting na may kaniya-kaniya ng pagngisi. Lately, puro stress ang inaabot ko sa work. It's all because of Direk Mart's wife na hindi pa rin ako tinitigilan. Kinakausap niya ang mga kilala niyang may higher position dito sa company at kung anu-anong sinasabi tungkol sa 'kin.

Plano kong huwag pansinin na sana ang issue na 'to pero sa bawat araw na papasok ako sa opisina, lumalala na ang sitwasyon ko rito. Simpleng bagay na pagkakamali ko, pinalalaki ng mga Boss ko na hindi naman niya dating ginagawa. I don't think it's healthy for me to stay in this job. Lalo pa ngayon na pakiramdam ko ay nagkakasakit na 'ko.

Mabilis na 'kong napapagod sa mga shoot namin, to the point na bigla na lang akong napapakapit sa unang mahawakan ko dahil bigla akong nahilo. Hindi ko alam kung may kinalaman lang 'to sa pag-aaalala ko kay Jarret. Two weeks na kasi siyang hindi sumasagot sa mga message ko sa chat or sa email. Pati mga calls ko pinapatay lang niya. Kapag tinatanong ko naman ang assistant niya, okay naman daw si Jarret at sumasagot sa mga emails niya.

Do'n lang gumagaang ang loob ko dahil alam kong okay siya.

Siguro stress siya sa trabaho kaya ayaw muna niyang magpa-istorbo?

Pero sobra na ang two weeks na 'di pagpaparamdam. Almost one month na nga kung tutuusin simula nang umalis siya eh. Hindi pa ba siya tapos sa inaasikaso niya?

Dahil sa pag-iisip ko sa kaniya, hindi ako makakain o makatulog nang maayos, plus namayat ako. Kinakabahan ako dahil paspasan ang nature ng work ko and I can't afford to be unhealthy. Natatakot ako baka may sakit na 'ko dahil tatlong beses na 'kong nagsusuka nang walang dahilan. I don't want to think na Cancer since wala namang nagka-Cancer sa family namin. Minsan naiisip ko kung breast cancer dahil masakit ang feeling dibdib ko na parang ang bigat sa pakiramdam.

Pinipilit ko na lang na maging okay dahil gusto kong ipakita sa parents ko, at sa mga kaibigan naming, na walang problema. Everything's okay. But the truth is, something is wrong and I'm afraid to admit it. I don't want to be emotional pero sa gabi kapag nag-aabang ako ng message niya sa 'kin, naiiyak ako.

Sobrang nami-miss ko na siya...

I mean, how can he do it!? Pa'no siya nakakatiis na hindi kami magkasama? Ako lang ba talaga ang clingy? May mali ba sa pag-handle ko ng relationship namin?

I think I'm going insane!

"Are you sure you're okay?"

Tapos na ang update meeting at kapupunta ko lang ng CR para sumuka ulit. Hindi ko matagalan 'yung amoy ng pizza na pina-deliver nila.

"Actually, hindi ako okay," I said, and that's the truth!

Bukod sa nararamdaman ko sa physical body ko, I'm not okay maging sa emotional aspect ko. I need to hear his voice. I need to see him badly!

Hindi ko magawang masabi sa mga kaibigan ko or kina Nanay na hindi ko makausap si Jarret lately. I just told them kung ano 'yung huling chat niya sa 'kin na magpapa-extend siya ng stay sa America. No explanation kung bakit pero, of course, I trusted him kaya hindi na 'ko nagtanong pa.

"Then go home, Adeline. Ano ka ba naman? As if you need the salary here." Lumapit siya sa 'kin nang maigi saka bumulong. "You're richer than our Boss, my gosh. Kahit nga ata sa may-ari." Then she winked at me.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Umuwi ka na. Magpahinga ka. Bumawi ka ng tulog, okay?"

"Okay."

"Ako na bahala kay Boss. Go!"

Umalis ako ng office hindi dahil sa sinabi niya na hindi ko kailangan ng sweldo ko, pero dahil hindi ko na talaga kaya. I think I really need to rest. And maybe, try to call him again later.

Nasa byahe pa lang ako ng bigla akong mapa-hit ng break.

Nanlabo bigla ang paningin ko to the point na parang sandali akong ninakaawan ng paghinga. I tried to closed my eyes and calm myself. Everything's gonna be fine. Relax... Breathe... Nang subukan kong imulat muli ang mga mata ko, I'm glad that everything became steady kaya pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko. Pero when I felt that i'm gonna throw up, I pulled over and get out of my car.

Pumunta ako sa gilid ng kalsada and tried to get rid of the last remnants of food na kinain ko kaninang morning. Ni hindi na nga ako nakakain ng lunch dahil sa sama ng pakiramdam ko tapos ganito pa?

Sobrang naghihina na 'ko after that.

I need help... I don't think makakapagmaneho pa 'ko ng ganito. Without having second thoughts, umupo ako sa lapag before I embarrassed myself kapag natumba ako mag-isa. Thank God nasa bulsa ng pants ko ang cellphone ko.

Nag-isip ako sandali...

Sinong tatawagan ko?

Unang pumasok sa isip ko si Jarret but I'm a fool kung 'yun ang gagawin ko. I tried to press my Tatay's number pero binawi ko agad bago pa nag-ring ito. Mag-aalala lang sila ni Nanay. I know I'll be okay.

The girls...

Lilian's not here. Nasa province siya with her charity work.

Andy's busy with her exam tomorrow.

Wendy is the best choice. I called her number right away.

Pero after eight rings, hindi siya sumagot. Naisip kong tawagan si Trace pero natakot akong sabihin niya kay Tatay. His loyalty is with me pero 'pag alam niyang kailangang malaman ni Tatay, kay Tatay siya kakampi.

Huminga na lang ako ulit nang malalim bago ako nagdesisyon na tumayo at bumalik sa loob ng sasakyan ko. I can do this... Pinaandar ko ulit ang sasakyan ko pagkatapos. After five minutes, my phone rings. It's Wendy. I hit answer and set it in a loud speaker.

WENDY:Sorry, didn't catch your call. Zup?

ADELINE: Hindi maganda pakiramdam ko. I stopped my car to rest a bit. I'll be asking sana na puntahana mo 'ko, but I think I can manage now.

WENDY: You sound weak, flat. You sure you can drive home?

ADELINE: Yah. Don't worry.

WENDY: Okay. You're not pregnant or something, right?

I know she said that as a joke pero hindi ko alam kung bakit ako natigilan sa pag-iisip. Pregnant!? Gosh, hindi pumasok sa isip ko ang idea na 'yan. Impossible! That's my first and—Oh, God.

WENDY: Hey? Are you still there?

ADELINE: Yes.

WENDY: Okay. I'll see you later.

Habang nagmamaneho ako, bumilis ang tibok ng puso ko. No, no, no... I'm just overthinking this restless night I'm having these past few days. Pero kahit 'yun ang nasa isip ko, huminto pa rin ako sa first pharmacy na nakita ko.

Forgetting how awful I feel kanina, mabilis akong bumaba ng sasakyan at saka pumasok sa loob ng pharmacy. I stopped all of a sudden nang malapit na 'ko sa counter. I can't believe I'm buying this thing.

"Goodevening, Ma'am. Ano pong kailangan n'yo?"

Napalunok ako bago ako nagsalita. And like a whispher, I said to her what I need.

"Do...Do you have pregnancy test here?"

She gave me an apologetic smile bago siya tumalikod sa 'kin at pumunta sa isang cabinet sa bandang likuran niya. Kumukuha na siya ng pregnancy test nang magsalita ulit ako.

"Can I have all the brands you have?"

She just nodded. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya habang kinukuha isaa-isa ang mga pregnancy test na kailangan ko. Pakiramdam ko, nasa kamay niya ang destiny ko. Nang matapos siya sa pagkuha nang kailangan ko, binayaran ko na lahat saka ako nagmamadaling umalis pabalik sa sasakyan ko.

Bago ko ulit pinaandar ang sasakyan, binuksan ko muna 'yung messenger ko to see kung nag-reply na sa hundreds of messages ko si Jarret. Pero kahit isa wala akong nakita. Kahit hindi ako sigurado kung this time sasagot na siya, nag-type pa rin ako ng message then I hit send.

Please, message me back. It's important! Please, Jarret. Answer me.

Mabilis akong nakauwi ng bahay after that. I'm thankful na wala pa si Wendy kundi siguradong dadagsain ako ng tanong mula sa kaniya. Hindi naman nakahalata si Nanay na there's something wrong sa 'kin dahil mabilis din akong umakyat papuntang kwarto ko.

Kinuha ko agad ang binili ko kanina sa pharmacy saka nagkulong sa banyo.

Nakatayo ako sa harapan ng salamin habang hawak 'yung paper bag na may lamang pregnancy tests. I'm insane. This is crazy. I'm not pregnant. I'm just...sick.

Kahit sa sarili kong pag-iisip, I didn't make any sense. Hindi ako basta magkakasakit na lang basta. All these tiredness, nausea, vomiting, and—Oh, God. I already miss my period!

You're not pregnant. You're just acting crazy. Go, prove it!

Hindi na 'ko nagdalawang-isip pa muli at sinubukan ko lahat ng pregnancy test na binili ko. Hindi ko agad sila tiningnan at pareparehas ko silang tinaob sa may sink paagkatapos. Huminga ako nang malalim... Do it now, Adeline. Slowly, I raised my left hand to pick the first pregnancy test and flipped it up.

Oh, my God. Oh, Lord. No...

"Two lines..."

I'm starting to panic. My heartbeat is raising, it feels too much. I have to end this. There must be some mistake. Inabot ko naman 'yung isa pang test at saka binaliktad ito.

I gasped. Again, it's two lines!

Nag-uumpisa nang mablangko ang utak ko, bigla ko na lang binaliktad 'yung pangatlo at pang-apat na PT. Lahat sila, positive. Napasandal ako sa tiled wall ng bathroom ko. I felt my knees went weak kaya napa-slide ako paupo sa floor. I tried to calm down pero nothing can stop what I'm feeling right now.

This is not true. I'm not... I'm not ready, yet. He's still not here.

I jumped nang marinig kong may kumatok dito sa bathroom. Nakatingin ako sa pintuan pero I didn't make any movement from where I am now.

"Hey, Flat. You okay now?" It's Wendy.

Hindi ako kaagad nakasagot. Nakailang lunok ako bago 'ko nasigurong maayos akong makakasagot.

"I'm okay," I said in my trembling voice.

Napatakip ako sa bibig ko, afraid that Wendy will hear the lies in my voice.

"Well, okay. Just checking you out. Tita's bothered with your look nang dumating ka."

Shems. Hindi dapat mahalata ni Nanay. Nanay will know. She'll know, then Tatay will know, and everyone will know. Jarret's not here, they'll go insane! Tatay will get mad! And...and...he's not here. I know na hindi niya mapapatawad kaagad si Jarret kapag nalaman niya nang wala si Jarret dito.

"I'm okay, Wends! Just give me a few minutes, lalabas din ako."

"Yah, right. I'll be downstairs."

"Thanks!"

No. Maybe I did it wrong. I heard na mas okay kung sa umaga kumuha ng test. I'll do that instead. Yes. I'm not pregnant. This is a mistake.

Lumipas ang buong gabi at matagal bago ako nakatulog sa kama ko. Nang hindi ko na makayanang imulat pa ang mga mata ko, kusa na siyang pumikit para matulog. Pinilit kong bumangon pagkarinig ko sa alarm ko. Kahit halos para akong uminum ng pampatulog, nakabangon pa rin ako at saka sandaling nag-ayos.

Pumunta ako sa twenty-four hours pharmacy at saka bumili ulit ng lahat ng brands ng PT na meron sila. Pagkauwi ko, wala pa ring gising sa kanila. Dumiretso ulit ako sa bathroom ko at saka ginawa ang test.

And after that, nanginginig na 'kong lumabas ng bathroom ko. I keep on pacing inside my bed room habang hawak ko ang phone ko malapit sa tenga ko. I'm calling Jarret. But still, he's not answering. When I think wala na 'kong lakas maglakad, umupo ako sa kama ko and tried giving him a message,

JARRET, PLEASE! THIS IS EMERGENCY. CALL ME, PLEASE! I BEG YOU.

Nagdasal ako na sana bigla na lang niya 'ko tawagan ngayon, pero hindi 'yun nangyari. In fact, inabot ako ng tatlong oras sa kwarto ko kakahintay sa response niya. This will not do. I have to do something habang wala pa siya. This kind of test won't make it official... I have to see a doctor.

Mabilis akong nag-ayos bago ako lumabas ng kwarto ko. Nasalubong ko si Wendy habang papaakyat siya ng hagdanan. Nakapantulog pa siya na parang bumaba lang siya para uminum ng tubig.

"Oh? Are you leaving? It's only seven o'clock."

"Ah, yes. May early....early meeting kami. I have to prepare, 'kay?"

She looked at me with suspicious eyes. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya sa alam kong itatanong niya.

"I have to go, bye!"

Nagmamadali akong pumunta sa saasakyan ko. Nang makaalis ako ng bahay, inisip ko kung saang hospital ako pupunta. Hindi pwede sa hospital namin dahil malalaman sigurado ni Tatay. Ang pumasok pa lang ako sa entrance no'n, siguradong ire-report na nila kaagad sa kaniya.

'Yung pinakamalayong ospital mula sa bahay ang naisip ko.

Mga dalawang oras pa 'ko nag-dive hanggang sa makarating ako sa isang private hospital dito sa Antipolo.

Dumiretso ako sa Obygyne at saka nagpa-run ng mga test to see if I'm right na nagkakamali lang ang mga tests na ginawa ko. After one hour, pinabalik ako ni Doc sa office niya and do the ultrasound.

"Okay, Ms. Smith. How are you? Kamusta ang nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya habang nakahiga pa rin ako rito sa hospital bed na pinaggagawaan naming ng ultrasound.

I want to tell her everything I'm feeling, and not feeling, right now pero I just need to know the result. It will be rude pero kailangan ko ng malaman or mababaliw ako.

"Sorry, Doc. I just really want to know if I'm pregnant or not."

Kung na-offend man si Doc, hindi niya 'yun pinahalata. Instead, bahagya siyang nag-smile and answered my question.

"You're two weeks and six days pregnant, Ms. Smith. Congratulations."

Nang makabalik ako ng sasakyan, nagpadala kaagad ako ng message kay Jarret.

*****************************

WENDY

Four days have passed...

I'm currently staring at her like a hawk. I might be the last person you'll expect to care for someone, but not now. I can sense that there's something wrong with Adeline. She's not in her usual self these past few days. I'll be damned kung hindi ko malalaman, and we're living in the same house. Kung noong naakaraan, nakakapagsaalita pa siya. This time, she looks worse.

I'm thinking if I should tell it to Tita or not.

She's now here with me in the dining area, pretending that she's having her breakfast, pero she's not. And just like the other days, magpapaalam na siya para pumasok sa work niya.

"I'm done. Una na 'ko," she silently said. It's more like a whisper at hindi ko maiintindihan kung hindi ako naka-focus sa kaniya.

She stood up at naglakad papunta sa living room. Bago pa niya makuha ang bag niya, I stopped her by grabbing her left arm. Slowly, she looked at me with emptiness in her eyes. Where's the happiness I saw when she got back from their vacation!?

"Tell me," I said firmly without removing my hands on her. "What's the problem?"

She didn't say anything. And when she's about to say something, at first, I thought she'll tell the problem, but no – she did not.

"Papasok na 'ko sa work," she whispered.

Nang maglalakad na siya palayo sa 'kin, I pulled her to the nearest sofa to sit down. Para siyang mannequin na basta nagpahatak sa 'kin. Definitely, something's not right with her. I looked at her eyes, hoping the she'll trust me with whatever that's troubling her.

"Adeline, you have to tell me or you'll die alone in whatever is f*cking your brain. Do you understand? Huh?"

She shook her head, and said, "I-I can't..." she choked with her tears starting to form.

This will not do. I need help. And I'm f*cking insane to ask him his help but I know alam niya'ng gagawin. Our issue must be forgotten for now.

After thrity minutes, like f*cking superman, he's here. Nagmamadali siyang pumasok to check on her. Nakaupo pa rin si Adeline sa sofa nang makita niya. Tinabihan niya kaagad 'to and held her both hands firmly. Don't think of anything, he's her bestfriend!

Oh, goodness. These emotions will be the death of me.

Lumapit ako sa kanila at saka ako umupo sa side ni Trace.

"Tell me," I heard him say. "Ano'ng problema."

And still, she's not answering. But he's a man on a mission and he will not back down.

"Kapag hindi mo sinabi, tatawagan ko si Tito ngayon—."

"DON'T! PLEASE!" Humigpit ang kapit ni Adeline kay Trace like her life depends on it. "Please, Trace. 'Wag mo sabihin kay Tatay." She shook her head like crazy. "Please, Trace. Uh? N-Nothing's wrong. Everything—Everything's fine. Okay? Huh?"

But just stupid person will believe in her sa kinikilos niyang 'yan. And I know na mas alam ni Trace 'yun kaysa sa 'kin.

"Si Jarret." Trace finally said. Adeline stopped from moving. He just hit the jockpot. "Nasa'n si Jarret?" Nang hindi sumagot si Adeline, Trace repeated his question. "Adeline, nasaan si Jarret."

"I... I don—." Tumingin siya sa 'ming dalawa. "Can I rest?"

After a few minutes, Adeline is back in her room – sleeping. Nandito rin kami ni Trace sa loob ng kwarto niya. I heard him phoned Ryder asking for Jarret's assistant's number. I can hear Ryder asking him what's wrong but he didn't tell him anything, and just say he just want to talk about some stuff.

He phoned the assistant after that. Habang ako naman, nagpunta sa bathroom ni Adeline to look for some medicine if she needed one. Then I heard Trace talking...

"This is Trace Evangelista, Jarret's friend. I believe nagkita na tayo several times, right? Yeah... yeah, it's me. Well, I just want to ask kung kaIlan ang uwi ni Jarret from America?" He stopped. Listening to whatever the assistant is saying. "Okay... No definite time, he said?" Nagkatinginan kaming dalawa and I know iisa lang ang nasa isip namin. She can't reach him, that's one thing for sure. "So...do you think you can give me a heads up once na magsabi siya sa 'yo kung kailan siya uuwi? And if ever, pasabi naman na tawagan niya kaagad si Adeline, or ako, please? Yah. Okay, that's great. Yeah. Thank you so much. Bye."

As soon as he said that, I found something in her garbage can.

Yumuko ako to pick them up.

Lumabas ako ng bathroom while I'm still holding one of those PT. Trace looked at me to tell something pero inunahan ko na siya.

"I think I know what's happening here."

He frowned.

I raised the pregnancy test and said, "She's pregnant and the bastard is nowhere to be found."

F*CKING HELL.

****************************

ADELINE

Nagising ako na tanging lampshade lang ang ilaw na nakikita ko. I'm not sure kung ano'ng oras na pero I think it's already evening dahil madilim na ang buong kwarto.I didn't move and just stared at the ceiling.

What's going on with my life...?

What exactly is happening right now...?

What should I do...?

I closed my eyes and let tears pour down my cheeks. I didn't know kung gaano na karaming luha ang nagawa ko simula nang hindi ko na siya nakausap, at hindi hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nauubos. Lagi kong iniisip na nananaaginip lang ako pero lagi ring pinararamdam sa 'kin na totoong nangyayari lahat ng 'to.

At wala siya para samahan ako.

Pagkatapos kong malaman sa doktor na totoong buntis ako, nag-message ako kaagad kay Jarret sa chat box namin at email niya. I told him that I'm pregnant, that I'm extremely afraid right now, that I'll go insane if he'll still not answer me. Pero tumagal ng ilang araw, wala siyang paramdam. Wala na 'kong pakialam kung nakukulitan na ang assistant niya sa 'kin pero lagi pa rin akong nagtatanong kung ano'ng update kay Jarret.

At tulad pa rin ng dati, wala pang sinasabi si Jarret kung kailan ang uwi niya. Hindi pa raw siya tapos sa ginagawa nito kaya hindi pa siya makauwi.

Gusto kong magtanong kina Tito Albert o kay Lolo tungkol sa ginagawa ni Jarret pero natatakot ako na malaman nila ang tungkol sa 'kin. At pagdating kina Nanay at Tatay naman, mas dobleng ingat ang ginagawa ko dahil alam kong hindi magiging maganda ang mga susunod na mangyari sa oras na malaman nilang buntis ako at hindi nagpaparamdam si Jarret.

Ayokong isipin lahat ng bagay na napag-usapan namin sa isla.

Ang 'di pa niya pagkahanda sa pagkakaroon ng anak, o ang pagiging hesitant niya kapag tungkol sa kasal ang usapan. I'm sure tungkol sa kasal ang pag-uusapan nila nina Tatay kaya niya gusto silang makita noon bago umalis. But why he's not here to discuss it now???

I shook my head. Nangako siya sa 'kin na babalik siya, na hindi niya 'ko iiwan.

May narinig akong tumunog na notification mula sa cellphone ko. Inabot ko mula sa nightstand ang phone ko to see kung sino ang nag-message. Nang makita ko ang pangalan ni Jarret sa screen, napabangon ako bigla. Parang kakawala ang dibdib ko sa nerbyos. Makailang ulit kong sinubukan na buksan ang cellphone ko dahil sa panginginig ng kamay ko habang nilalagay ang security password ng phone.

At nang mabuksan ko ito, pinindut ko agad ang notification mula sa email na pinadala ni Jarret sa 'kin. But when I read it, I wish he just stab me with a knife.

FROM:

TO:

SUBJECT: RE: ANSWER ME, PLEASE.

MESSAGE: Adeline, I'm sorry kung hindi ako nakasagot sa mga messages mo sa 'kin these past few weeks. Ang totoo niyan, gusto ko ng oras para makapag-isip tungkol sa 'ting dalawa. Matagal ko ng naiisipan na sabihin sa 'yo na hindi pa 'ko handa sa mga plano na gusto mo para sa 'ting dalawa. Nabasa ko 'yung huling message mo sa 'kin, at mas napatunayan kong tama ang ginawa kong pag-alis. Sorry, Adeline. Patawarin mo 'ko pero hindi ko kayang panindigan ang baby mo. May mga bagay pa 'ko na gusto ko pa sanang gawin nang walang iniisip na ibang bagay. Hindi muna ako babalik sa Pilipinas para makapag-isip pa nang mas mabuti sa sunod na gagawin ko. Sana maintindihan mo ang desisyon ko.

And without a warning, i heard a loud scream. A bloody hell scream... But then I have realized that it's me...it's my voice...my scream.

"Aaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Huh! Huh! Ahhhh!!" I howled like an injured animal.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong naging gano'n pagkabasa ko ng message ni Jarret. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapag-isip. Gusto ko na lang mawala sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Naramdaman kong may yumakap sa 'kin pero tuloy ako sa pag-iyak.

Nakita ko si Wendy na nakaluhod sa harapan ko habang hawak niya ang mga kamay koGusto kong sabihin sa kaniya na sabihin niya sa 'king nananaginip lang ako, na hindi lahat totoo ang nangyayaring 'to, pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung sino ang nakayakap sa 'kin pero hinayaan kong hawakan ako nito dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa.


Napatingin ako sa singsing na suot ko. Niloko mo! Pinaniwala mo 'ko! 

Sa isang iglap, dumilim ang lahat.


After a few hours....

I don't know for how long ako nakatulog pero nang magising ako... I'm still alive, isip ko.

And this is not a dream. Hindi panaginip ang mga nangyari. Totoong-totoo silang lahat. Wala akong kasama sa kwarto nang magising ako. Napatingin ako sa orasan – four o'clock na ng umaga.

Bumangon ako pero hindi ako umalis sa kama. Sumandal lang ako sa headboard nito at saka niyakap ang mga binti ko palapit sa 'king dibdib. I tried to give myself a little comfort pero hindi ko magawa. There's nothing in this world ang makakapagbigay sa 'kin no'n.

Hindi ko na rin maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon...

Lungkot? Galit? Kahihiyan?

Hindi ko alam.

Kinuha ko ang phone ko and looked at my phonebook. I want to talk with someone, to anyone. I think I'll be insane kapag wala akong kinausap. Now I'm here, browsing my phonebook contacts. I'm about to give up when I saw his overseas number. I didn't hesitate, didn't think, and didn't doubt – just hit the call button and proceed on calling him.

Hindi pa natatapos ang pangalawang ring nang sumagot siya. Nakatingin lang ako sa kawalan, not feeling anything.

But when I heard his voice, it's like my salvation poured down into me.

"Adeline, what's wrong?"

I'll felt guilty when I heard him say that. Alam kong ngayon lang ako ulit tumawag sa kaniya simula nang bumalik siya ng America. Now that Jarret is not here anymore, I don't care if others will call me thick-face but I need him right now – just like what he has told me before he left.

"Anyway, I'm one call away. If you need anything, I'll be there."

I closed my eyes and tears streamed down my face.

"A-Are you busy?"

"I have all the time you need, Adeline. Just tell me what you need and I'll do it."

"I...I needed you here, Jay."

Without any hint of hesitation in his voice, he answered.

"I'll be there tomorrow morning. Can you wait for me?"

I nodded like he can see me on the other line.

"I needed you to answer me in words, Adeline."

"Yes," I whispered. "Please."

Matagal na 'kong naghihintay kay Jarret. Lagi na niya 'kong pinaghihintay kahit noon pa... Ang maghintay ng isang araw para kay James is nothing. I'll wait for him dahil alam kong darating siya. I know he'll be here with me.

"Then I'll be there before you know it."

*************TO BE CONTINUED****************



AUTHOR'S NOTE

Yup. Totoo yang nababasa mo. Author's note na nga. haha

ILABAS N'YO SI JARRETTTTTTTTTTTTTTTT!!! 

HAHAHA

Buhay pa ba kayo?

Galaw-galaw naman diyen!

Huminga ka na ba? Inum muna tubig dali!!!!

He he he he!

Ayan na ang nagbabagang update ah! Mas mahaba pa yan sa pinapublish kong libro bwahahaha!!!! Meygerd. Pasensya na sa mga makikita n'yong minor kamalian like spelling and grammar. Kung may MAJOR na mali, please PM me agad. As in, immediately! Hahaha.

Anyways, salamat sa paghihintay. Kayo ay pinagpala sa inyong mahabang pasensya. Nawa ay napawi ko ang inyong badtripness sa mga panahong walang update. ;((((((( peace na! (*o*)v

Marami kasing ganap sa life ko ngayon e.

Ayoko na sabihin kailan ako maga-update! Mapupurnada e! HAHAHA

Pero malay n'yo naman... Pag ginanahan ako sa comments n'yo eh mapatype ako. Besides...GURAVEEEE NA YUNG MGA EKSENA OH!! LAHAT SILA NANG-AANO OH! HAHAHA.

Pero nakahinga naman kayo sa isla scene? HAHAHA Sa mga maghahanap ng kaputol diyan, BEHLAT! WALA! HAHAHA Mag-asawa na muna kayo! HAHAHAHA. Masyado kayo nagmamadali matulad kayo kay Adeleng! Hahaha charowt!


Okay, kidding aside. Gusto ko lang na magpasalamat sa mga nag-aabang pa rin. Maghintay man kayo sa susunod na update, sisiguraduhin kong hindi ko kayo bibiguin. (Vote me for Mayor. Haha!) Pasasakayin ko pa rin kayo sa rollercoaster at sabay-sabay tayong malula sa takbo ng istorya. Hopefully maganda reaction nyo hahaha. Kung may violent reactions man kayo, comment lang! May hula ba kayo sa mangyayari? GO comment na! hahaha. Lastly for ORL, sana may matutunaan kayo sa mga experience nila sa life. *sigh* Minsan, not because it is love – it is right. Hahaha may gano'n!?

Want to talk about ORL more!? Post your review here sa comment box, my watty profile wall, fb wall, fb page wall, Tweet me! Or kung shy ka, PM me sa watty, fb, or twitter!

HEADS UP!!!!!

My next to be PUBLISHED BOOK ay on the making na!!! (Under VRJ Publishing)

Will reveal its title sa Facebook and Twitter profile ko. Then, I'll be posting hereon Wattpad its first two chapters para may patikim kayo! Malakas kayo sa 'kin e. Abangan n'yo yan!

ANYWAYS! THAT'S ALL FELLAS!

Kung 'di man ako makasagot kaagad sa mga posts n'yo, sorry. Wala pa kaming net kasi kalilipat lang namin e. May topak naman si Smart Data, nanduduya sa load wala namang signal. HAHAHA Nagco-compshop lang ako! So kung may nakatira sa inyo sa Lancaster New City, baka makita n'yo ko sa ComShop malapit do'n! 15php lang per hour! HAHAHA! Nag-advetise.

Basta, yun lang! bye!

Pero...ano'ng favourite scene mo?

Break up nina Andy at Dare?

Pag-amin ni Trace kay Wendy?

Kiss ni Father Tyler kay Lilian

O ang nakakapanindig balahibo na gabi nina Adeline at Jarret?

<3 *Winks*



Gusto mo na ba talaga ng next chapter? Ang tanong...HANDA KA NA BA? *EvilLaughs*  

-AB.CASTUERAS-




Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...