Heaven's Last Cry (COMPLETED)

By 143_pink

192K 9K 3K

(SPIRITUAL SERIES #2 HOPE) "He will swallow up death for all time, and the Lord GOD will wipe tears away from... More

Work Of Fiction
1. Angel from Heaven
2. Angel of Mine
3. Legendary Five
4. Death Note
5. Her Birthday
6. Friends
7. Invitation
8. Getting Close
9. Fireworks
10. Mr. Sungit
11. Peter Pan
12. He's Sick
13. Honey or Baby?
14. One Wish
15. Win Her Heart
16. Sportsfest Week (Part 1/8)
17. Sportsfest Week (Part 2/8)
18. Sportsfest Week (Part 3/8)
19. Sportsfest Week (Part 4/8)
20. Sportsfest Week (Part 5/8)
21. Sportsfest Week (Part 6/8)
22. Sportsfest Week (Part 7/8)
23. Sportsfest Week (Part 8/8)
24. Acquaintance Party (Part 1/2)
25. Acquaintance Party (Part 2/2)
26. About Him
27. The Meet-up
28. Napkin
29. Amazing Race
30. Officially Yours
31. The Book
32. First Date
33. Stitches
34. Death Threat
35. Las Palacios Kwarter
36. Lola Maria
37. Sorry
38. The Truth
39. Shattered Hearts
40. Pain
41. Tears
42. Change
43. Jelly Ace
44. Game
45. Realize
46. Crossed Paths
47. Chaos and Broken Hearts
48. Unsolved Puzzle
49. Decision
Epilogue
Heaven's Last Cry Official Soundtrack🎧
About The Writer
Acknowledgements
FAQs
Moral Lesson

50. Trap of Fate

3K 105 21
By 143_pink

"It hurts when something good ends, but it hurts even more if you cling to it, knowing that its not there."

🌻🌻🌻

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Pero hindi ko din maiwasang mamangha sa nakikita ko.

Ang linis ng paligid. Sobrang tahimik ng lugar. Nilibot ko ang aking mga mata at may nakita akong isang hagdan.

Hindi ko alam pero may nag-uudyok sa'kin na umakyat sa hagdan na 'yon. Humakbang ako ng isa. Maingat ako habang umaakyat dito.

Patuloy pa din ako sa pag-akyat. Bawat pagtapak ng mga paa ko ay ramdam ang kaginhawaan sa aking puso.

"Heaven Agatha.."

Napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan. 'Di ko namalayan na sa bawat paghakbang ko ay nakarating na pala ako sa tuktok.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napaluha din ako dahil sa saya na nadama. Totoo ba talaga ang nangyayari ngayon? Nasa harap ko talaga siya?

"Papa.."

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko. Alam ng Diyos kung gaano ko siya namiss.

"Pa, namiss kita!"

"Ako din anak, lubos akong naliligayahan at nakita kita."

Humiwalay siya ng yakap sa'kin. Pinunasan niya din ang luha mula sa mga mata ko.

"Ako man ay nasisiyahan sa pagpunta mo dito, pero labis akong nagtataka. Handa ka na ba talaga?"

Naguluhan ako sa sinasabi niya. Anong handa na? Para saan ako maghahanda?

"Wala ka bang naaalala?"

Tumango ako. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.

"Anak, nawalan ka ng malay habang nasa iyong bisig ang isang binata. Maraming sugat at pasa ang 'yong natamo, kabilang na pati ang mga kaibigan mo. Ngayon tatanungin kita, handa ka na bang sumama sa'kin?"

"Opo, handa na ako."

Matamis niya akong nginitian. Nagbukas ang higanteng gate na kulay puti. May isang hagdan kaming tatahakin bago makarating sa pupuntahan.

Ang hindi ko lamang maintindihan, bakit bawat paghakbang ko ay unti-unting bumibigat ang loob ko?

"Anak, may problema ba?"

"W-Wala po."

Kasama ko ang aking papa, pero bakit pakiramdam ko ay may kulang? Hindi kumpleto ang pagkatao ko at hindi ko alam kung bakit.

Huminto kami ni papa sa paglalakad. Napatingin naman ako dahil sa kanyang ginawa.

"Nararamdaman kong hindi ka pa handa. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong sumama sa'kin."

Nagulat ako nang biglang may isang hologram ng ala-ala ko ang nakita kong nakalutang sa ere. Tila ba nagfa-flashback ang lahat ng nangyayari, pati na din ang mga pangyayari sa kasalukuyan.

Nakita ko si Haley, Mau, Angela, mama at si mommy na nasa isang room. Umiiyak silang lahat sa babaeng hindi ko naman makita.

Unti-unting naging malinaw ang imahe ng babaeng kanilang iniiyakan at do'n ko nalaman na ako pala 'yon. May benda ang aking ulo at may kung anong nakakabit sa kamay niya.

Biglang nalipat ang eksena. Malabo ang imahe ng isang lalakeng may benda sa kanyang tiyan. Marami ding machines na nakakabit sa katawan nito.

At mas lalo akong naiyak nang tuluyan ng naging malinaw ang imahe. Si Kite Fuerte, ang lalaking mahal ko. Madaming mga machines ang nakakabit sa bawat parte ng katawan niya.

"Kilala mo ba ang binatang 'yan anak?" tanong niya sa'kin.

"Kilalang-kilala po. Siya po si Kite, ang taong mahal ko."

"Naawa ako sa batang 'yan. Eight months na siyang hindi gumigising. Ikaw ay gano'n din kaya napagdesisyunan kong sunduin ka."

"Sorry po talaga papa kung hindi ako makakasama sa inyo. Pero tandaan niyo po, love na love po kita."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Tinapik naman niya ang likod ko para maging kalmado ako.

"Naiintindihan ko. Hindi pa siguro 'to ang tamang oras para makapiling kita, anak. Pero lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi, binabantayan at pinoprotektahan ka."

"Opo, papa. Kapag dumating ang araw na magkita po ulit tayo, sisuguraduhin kong handa na po ako."

Unti-unting lumayo sa'kin si papa. Ang magagandang tanawin na aking nakikita ay biglang naglaho na parang bula. Ang lugar ay tuluyan nang nawala at nakita ko na lamang ang sarili ko na bumabagsak sa kung saan mang dimensyon.

Dahan-dahan kong iginalaw ang kamay ko. Sumunod ay iminulat ko ang aking mga mata. Isang puting kisame ang bumungad sa'kin.

"Gising na si beshie!"

"Agatha, nakikita mo ba ako?"

"Bunso!"

Sunud-sunod na boses ang narinig ko. Tinignan ko sila pero medyo nahihilo pa din ako.

Teka, ano bang nangyari?

"Beshie, naaalala mo pa ba ako? Ako 'to si Haley!"

"Bunso, may amnesia ka na ba?"

"Hoy Agatha! Si Mauro Hanabishi 'to, 'wag mo yang kakalimutan!"

Biglang dumating si mama at mommy. Nagulat na nga lang ako na may kasama silang doktor.

"Diyos ko, anak!" yakap sa'kin ni mama.

Agad namang tumakbo si mommy at niyakap din ako.

"Pinag-alala mo ako, Hannah."

Kumalas sila ng pagkakayakap sa'kin. Pinilit kong ngumiti sa harapan nila. Nagtaka na lamang ako kung bakit sila kulang.

Teka, nasaan si Kite?

"Anak, kung hinahanap mo si Kite. Nasa kabilang kwarto siya, eight months na siyang coma."

Bumigat ang nararamdaman ko. Medyo nanghihina pa ako pero gusto kong makita si Kite. Gusto kong makita ang magiging asawa ko.

Inalalayan ako nila Haley, Mau at Angela patungo sa kwarto niya. Napatakip na lamang ako ng bibig para pigilan ang paghagulgol.

"Beshie, sabi ng doktor may posibilidad na hindi na daw siya gigising."

Nadurog ang puso ko dahil sa sinabi ni Haley. Unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"Hindi ako naniniwala sa kanila. Kinaya kong magising para sa kanya. At alam kong magagawa niya din 'yon para sa'kin."

Kahit nanghihina, niyakap ko siya. Kakayanin ni Kite. Kakayanin niya para sa'kin. At alam kong kaya niyang gumising.

"Hoy, Kite! G-Gumising ka na din diyan. Ano? Iiwan mo ako sa simbahan? Paano tayo ikakasal kung ako lang mag-isa do'n?"

Pinatahan nila ako sa pag-iyak. Bakit parang sobra-sobra na ang sakit na 'to? Hindi ko kakayanin kapag nawala siya.

No, hindi ko kaya. Please Kite, fight for us.

Nagulat na lamang kami nang biglang bumabagal ang pagtibok ng puso niya.

Ito na ba talaga? Ito ba 'yong nababasa ko sa aklat na magiging vertical line?

Agad nagkagulo ang mga kaibigan ko at tumawag ng doktor. Ako naman ay nanatiling nasa tabi niya, hawak ang kamay niya ng mahigpit.

"'Wag mo akong iiwan Kite. Paano ako? Paano na tayo?"

Marami nang naghagulgol ng iyak lalo na si Tita Therese. Nire-revive na siya ng mga doktor.

"Clear!"

Please Kite, kayanin mo please.

"The patient is fighting. Clear!"

Kinakabahan ako, malapit na itong maging vertical line. Lumaban ka Kite, lumaban ka!

"Clear!"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

I love you to moon and back until eternity, Kite.

🌸🌸🌸

Umalis na silang lahat. Sinadya kong magpaiwan dito sa sementeryo. Sobrang bigat sa pakiramdam. Ang daming oras na nasayang. At sobra akong nagsisisi ngayon dahil patay na siya.

Patay na ang isang taong naging parte ng buhay ko.

Napahawak ako sa lapida niya. Mas lalo akong naiyak. Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal.

Sobrang mahal ko ang bestfriend ko.

Isa siya sa importanteng tao sa buhay ko. Gusto ko sanang bumawi sa kanya pero huli na ang lahat. Huli na dahil wala na siya.

Wala na si Megan Brant.

"Megs, salamat sa pagligtas sa'kin. Siguro kung hindi mo sinalo ang bala, ako ang mamamatay."

Biglang humangin ng malakas. Tingin ko ay naririnig niya ang mga sinabi ko. Pakiramdam ko kasi ay niyayakap ako ng hangin.

Sa pamamagitan ng hangin ay parang niyayakap na din ako ni Megan.

Nag-alay ako ng bulaklak sa kanya pati na din sa papa ko. Pupunta na ako ngayon sa ospital. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na gigising siya.

Three years na siyang coma.

At kahit umabot man ng ilang taon, hihintayin ko pa din siya.

Simula ngayon, ako naman ang maghihintay para sa kanya.

Sumakay ako sa bigbike ko at ipinaandar ito. Nakarating naman ako agad at dali-daling pumunta sa room ni Kite.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang narinig ko silang nag-uusap.

"Therese, tingin ko it's about time na palayain na siya."

"Ang hina na ng katawan niya, nangangayayat na din siya. Sobra akong naawa sa anak ko, sa totoo lang."

"Nakapagdesisyon na ba kayo?"

"Handa na po kami, dok."

May hindi tama sa kutob ko. Agad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa'kin ang doktor na tatanggalin dapat ang machine na bumubuhay sa mahal ko.

Agad kong naibato ang kunai papunta sa kamay niya upang daplisan 'yon.

"'Wag niyo 'yang gagawin! Nawawalan na po ba kayo ng pag-asa ha, mama at Tita Therese?" naiiyak kong tanong.

"Nahihirapan na ang anak ko, Agatha. It's time para makapagpahinga na siya."

"No! Ayoko, magigising siya! Bakit ayaw niyong maniwala na makakayanan niya? Naniniwala ako kay Kite, magagawa niyang lampasan 'yan!"

Napaupo na ako sa sahig at humagulgol. Tumayo ako at niyakap si Kite.

"'Di ba gigising ka? Kakayanin natin 'to. Naniniwala ako sa'yo," pakikipag-usap ko sa kanya. Siguradong naririnig niya ako.

"Anak, ikaw nalang ang umaasa na magigising pa siya. Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi na siya kailanman gigising."

Tumingin ako ng masama sa kanya. "Sinungaling kayo! Hindi 'yan totoo, magigising siya! Magpapakasal pa kami.. m-magpapakasal pa."

Niyakap nila ako. Pero hindi nito maalis ang sakit na nararamdaman ko. Ba't ayaw nilang maniwala sa'kin? Mabubuhay pa si Kite!

No, ayaw ko siyang mamatay! Magpapakasal pa kami e!

"Tingin ko, gumalaw ang daliri ng pasyente."

Agad akong napatingin sa doktor. Hindi ako nagkamali ng pagkadinig. Tinignan ko ang daliri niya. Umaasang gagalawin niya kagaya kanina.

"Kite, igalaw mo ang daliri mo please? Gumising ka, pilitin mong idilat ang mga mata mo!" pagkausap ko dito.

Hindi naman ako mapakali habang unti-unting nagbubukas ang mga mata niya. Napatakip naman ako ng bibig nang makita ko siyang gumising.

"Kite! Nagawa mong gumising! Akala ko, iiwan mo na ako!"

Sonbrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Takte, naiiyak na talaga ako. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Hoy abnormal na saranggola, pinaghintay mo ako ha! 'Wag mo na ulit gagawing matulog, magpapakasal pa tayo!" ngiting-ngiti na pahayag ko.

"Sino ka?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko. Agad na gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ba niya ako naalala?

Continue Reading

You'll Also Like

Falling again By 2_3

Teen Fiction

14K 573 52
She once confessed her feelings for him But he reject her Many years has passed. They met again will she fall again to him? Is he going to accept h...
The Spanish Guy By mandirigma

Historical Fiction

693 164 29
TO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
16.6K 606 84
Sa bawat salitang nakatugma, May talinhagang nakatala. At sa bawat sulok na maliwanag, May dilim na di mo maaaninag. -A poetry collection since 20...