Prisoners in Venus

By sayuriMa

116K 4.9K 264

"Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?" Si Emerald Euxine ay isang dalaga na... More

Prologue
Chapter 1 *Ang Kasalan*
Chapter 2 *Bahid ng Dugo*
Chapter 3 *Sa Tarangkahan Ng Venus*
Chapter 4 *Ang Mga Halimaw ng Venus*
Chapter 5 *Ang Sundo ni Emerald*
Chapter 6 *Ang Mga Squad sa Venus*
Chapter 7 *Ang Tagapagligtas ni Emerald*
Chapter 8 *Kamatayan*
Chapter 9 *Naligaw na Landas*
Chapter 10 *Panlilinlang*
Chapter 11 *Bagong Kaibigan*
Chapter 12 *Ang First Region*
Chapter 13 *Nikela Double Zero*
Chapter 14 *Mag-isa*
Chapter 15 *Unang Pagsundo*
Chapter 16 *Dustin Diamond*
Chapter 17 *Nabighani*
Chapter 18 *Ang Napili*
Extra: Trivia about Prisoners in Venus
Chapter 19 *Tunay na Kulay*
Chapter 20 *Bawal na Pag-ibig*
Chapter 21 *Ang Seventh Region*[Part 1]
Chapter 22 *Ang Seventh Region* [Part 2]
Chapter 23 *Dahilan*
Chapter 24 *Dalawang Katauhan*
Chapter 25 *Ang Nakaraan ni Nikela*
Chapter 26 *Ang Batang Nikela*
Chapter 27 *Limitasyon*
Chapter 28 *Pagbalik*
Chapter 29 *Pagtatapos*
Chapter 30 *Ang Pagkabuhay ni Zero One*
Chapter 31 *Ang Payo ni Mary*
Chapter 32 *Paglampas sa Hangganan [Part 1]*
Chapter 33 *Paglampas sa Hangganan [Part 2]*
Chapter 34 *Si Emerald sa First Region*
Chapter 35 *Ang Pagpuksa kay Double Zero*
Chapter 36 *Maging Isa*
Chapter 37 *Ang Pag-ibig ni Double Zero*
Chapter 38 *Orasan*
Chapter 39 *Bihag*
Chapter 40 * Ang Pinuno ng Sixth Region*
Extra: Video Trailer
Chapter 41 *Nikela VS. Dustin*
Chapter 42 *Intruder*
Chapter 43 *Ang Tungkulin ng mga Hashke*
Chapter 44 *Ang Banta ng mga Regulator* (Part 1)
Chapter 45 *Ang Banta ng mga Regulator* [Part 2]
Chapter 47 *Ang Pagsalakay*
Extra: Announcement
Chapter 48 *Unang Pag-ibig*
Chapter 49 *Ang Kasaysayan ng Venus* [Part 1]
Chapter 50 *Ang Kasaysayan ng Venus* [Part 2]
Chapter 51 * Mga Natatanging Mandirigma*
Chapter 52 *Ang Kapatid ni Jo*
Chapter 53 *Masamang Balak*
Chapter 54 *Marka*
Chapter 55 *Ang Laban ni Dustin*
Chapter 56 *Pagkakamali*
Chapter 57 *Takbo! Emerald!*
Chapter 58 *Ang Laban ng mga Hashke*
Chapter 59 *Paggising*
Chapter 59.1 *Paggising*
Chapter 60 *Nikela*
Chapter 61 *Paalam, Seventh*
Chapter 62 *Ang Pangako ni Zero One*
Chapter 63 *Mga Alaala* (Zero One VS Double Zero)
Chapter 64 *Masayang Wakas*
Chapter 65 *Kalituhan*
Chapter 66 *Paglisan*
Chapter 67 *Imbitasyon*
Chapter 68 *Magulong Puso*
Chapter 69 *Ang Araw Para Sa Mga Rose*
Chapter 69.1 *Ang Araw para sa mga Rose*(Part 2)
Final Chapter *Paalam, Venus*
Epilogue
PIV Book 2 Video Teaser

Chapter 46 *Ang Layunin ng mga Superior*

1.2K 49 0
By sayuriMa

Naningkit ang mga mata ni Dustin nang makita ang malaking gagamba.
Saan galing ang halimaw na ito? tanong niya sa isip.
Sandali niya itong pinahinto gamit ang kapangyarihan niya ng pagkontrol sa oras.
Nang tanggalin niya ang kapangyarihan, bigla itong kumilos. Agad na sumugod sa kanya.
Bago pa ito makalapit ay binigyan na agad ito ni Dustin nang malakas na suntok sa tiyan.
Bigla nitong nailuwa ang ilan sa mga nakain, kabilang na si Sy.
Napangiwi si Dustin. Hindi niya masikmura ang sinapit ng mga bilanggo na nakain ng gagamba. Lapnos ang mga balat at puno ng malalagkit na laway.

Susugod muli ang gagamba pero di na pinagbigyan ni Dustin. Sinipa niya ito dahilan upang tuluyan itong bumagsak.

"Nagawa niya!" Manghang-mangha ang mga prisoners.

"Sabihin mo. Saan nanggaling ang halimaw na 'yan?" Tiningnan ni Dustin ang Pinuno ng Third Region. Nakita niya na nakasubsob ito sa lupa. Hindi magawa na makatingin sa kanya. "Ano ba talagang nangyari rito?" tanong pa ni Dustin.

"Superior!" Lumapit sa kanya si Mist. "Ang gagamba ay galing sa labas."

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Dustin. Muli siyang napatingin sa gagamba. " Kung gayon... gawa siya ng mga Intruder?"

"Sy..."

Narinig ni Emerald ang pagsambit ni Nikela sa pangalan ng nasawing Hashke.
Tiningnan niya si Nikela. Napatakip siya ng bibig nang makita na may mga luha na umagos mula sa mga mata nito.
Hindi na rin niya napigilan ang sarili na mapaiyak.

"Sy..." Dahan dahang humakbang si Nikela. Gusto sanang lapitan ang kasamahan, subalit nakakaramdam siya ng panghihina. Hindi siya makakilos. Sumuka uli siya ng dugo.

"Nikela!" Napasigaw si Emerald.

Narinig iyon ni Dustin kaya agad itong tumuon sa direksyon nila. "Anong nangyayari kay Nikela?" tanong ni Dustin.

"Nalason siya ng galamay ng gagamba!" sabi ni Lamb bago ito tumakbo palapit kay Nikela.
Tiningnan niya ito.
"Masama ito. Kumakalat na ang lason."Napabulalas si Lamb.

"Sy!" Pinilit ni Nikela na makalakad.
"Sandali! Saan ka pupunta?" habol ni Lamb.
"Nikela! " tawag ni Emerald.

Di sila pinansin ng lalaki. Tuloy tuloy itong naglakad patungo sa direksiyon ni Sy.

"Sy!" Lumapit din sina Aion at Bill.

Maging ang ibang mga bilanggo ay lumapit upang tingnan ang katawan ng mga kasamahan nila.

Hinawakan ni Aion si Sy. "Hindi ka puwedeng mamatay!" sabi nito. Sinubukan nitong gisingin ang lalaki. "Ano ba! Gumising ka!" Inuga nito ang katawan ni Sy, ngunit wala na. Patay na ito.

"Sy!" Napahagulgol si Bill. Hindi makapaniwala sa sinapit ng kanilang pinuno. "Sy! Sy!" Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan nito.

"Aaaah!" Napasigaw si Nikela.
Isang sigaw na puno ng hinagpis.
Puno ng kalungkutan.

Ngayon lang nakita ni Emerald ang ganitong bahagi ni Nikela. Sa puntong ito, alam niya na labis itong nasasaktan. Sino bang hindi? Sinong hindi masasaktan kapag nawalan ng kaibigan? Siya rin ay nakadama nang labis na sakit nang mawala si Jo. Siguradong ganoong sakit din ang dinadala ngayon ni Nikela.

"Nikela..." Gusto niya itong lapitan subalit di niya magawa. Ayaw kumilos ng mga paa niya.
Bakit?
Namanhid na ba siya dahil sa takot? Ano namang dahilan at matatakot siya?

Pinilit siyang humakbang. Nagtagumpay siya. Nalapitan niya si Nikela.
"Nikela..."
Ngayon naman hindi niya ito mahawakan.
Natatakot ba siya na walang magawa para pagaanin ang nararamdaman ng mahal niya o baka naman natatakot siyang hawakan ito dahil alam niya na may nagawa siyang pagkakamali?

Napatungo si Emerald.
Tama. May kasalanan siya. Kung hinayaan niya lang kasi na lumaban si Nikela. Hindi sana ito malalason. Hindi sana makakalamang ang gagamba. Hindi mamamatay si Sy.

Muli na naman siyang naiyak. Hindi niya matanggap na siya ang dahilan ng kalungkutan ng lalaking mahal.

"Nikela, patawad!" Niyakap niya ito mula sa likod. "Patawarin mo ko..." sabi niya habang umiiyak.

"Bakit humihingi ng tawad si Emerald?" Naguguluhan si Dustin.

"Kasalanan naming lahat kung bakit ito nangyari," sabi ni Mist.
Napatingin sa kanya si Dustin.

"Oo. Kasalanan n'yo nga." Biglang sabi ni Nikela gamit ang mahinang tinig.

Agad itong tiningnan ni Dustin.

Hinawakan ni Nikela ang kamay ni Emerald at tinanggal mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Nikela? " takang taka ang dalaga. Napanganga siya nang makita ang matatalim na mata ni Nikela. "Ikaw si..."

"Double Zero!" sabi ni Dustin.

"Superior..." Agad na lumuhod sa harapan ni Double Zero ang umiiyak na sina Bill at Aion.

Natigilan si Emerald.

Lumapit si Double Zero sa gagamba. Bigla itong gumalaw.

"Aaah! Buhay pa siya." Nagtakbuhan palayo ang mga bilanggo.

Humarap ang gagamba kay Double Zero. Mas mabangis na ang hitsura nito. Pansin na nakabawi na ng lakas.

"Huwag mo siyang tatapusin. Kailangan natin siya para makakuha ng impormasyon---"
Katatapos pa lamang iyon sabihin ni Dustin ay bigla nang nagliyab ang gagamba.

Napakapit sa ulo si Dustin. "Kasasabi ko lang..."

Tuluyang naging abo ang gagamba.

Napangiti ang mga bilanggo ng Third Region. Mabuti at wala na ang gagamba.

"Anong nginingiti-ngiti n'yo?"

Biglang may mga apoy na pumalibot sa mga bilanggo.
"Aaah!" Napasigaw sila.

"Double Zero!" tawag ni Dustin. Nabigla siya sa ginawa nito.

Nanlilisik ang mga mata ni Double Zero. "Dapat na rin kayong mamatay!"giit niya.

"Takot na takot ang mga bilanggo.

"Superior patawad po!" Biglang umatungal ang Pinuno ng Third Region.

Walang narinig si Double Zero. "Namatay ang Hashke ko dahil sa inyo kaya susunugin ko kayo kasama nang buong Region n'yo!"
"Pakiusap huwag po!" hagulgol ng pinuno ng Third Region. "Nalinlang lang kami kaya namin iyon nagawa. Patawarin n'yo kami. Hindi namin alam."

"Hindi n'yo alam...?" Nanggalaiti si Double Zero. "Sa palagay n'yo ba tatanggapin ko ang dahilang 'yan?" Tinitigan niya ang pinuno. "Bagay lang sa inyo ang mamamatay!" sigaw niya bago tuluyang naglaho ang mga apoy.

Hindi iyon inasahan ng lahat.

Anong nangyari?

Biglang bumagsak si Double Zero.

"Superior!" Agad itong nilapitan nina Aion at Bill.
Lumapit din si Dustin.
"Double Zero, ayos ka lang ba?"

"Mukhang kumalat na ang lason sa katawan niya," sabi ni Lamb.

"Lason?" Napakunot ng noo si Dustin.

"Kagagawan ng gagamba!" sabi ni Mist.

"Tatapusin ko kayo!" Buo pa rin ang determinasyon ni Double Zero. Pinilit nitong bumangon.

"Ano bang ginagawa mo?" Hinawakan siya ni Dustin.

"Bitiwan mo ko!" Tinabig niya ang kamay ng kaibigan.
"Kailangan kong turuan ng leksyon ang mga traydor na ito..."

"Saka mo na lang iyon gawin kapag magaling ka na."

"Hindi!" Muling nakatayo si Double Zero.

"Kailangan malaman ng mga hangal na ito ang kabobohan na ginawa nila. Kailangan nilang---ah!" Bumagsak ang tuhod ni Double Zero. Kasabay noon ang bigla niyang pagsuka ng dugo. Ito na ang ikatlo.
Pero walang pakialam si Double Zero. Muli siyang nagpakawala ng apoy.

"Tama na!" sigaw ni Lamb. "Kapag pinilit mo pang gumamit ng kapangyarihan lalo lang kakalat ang lason na nasa katawan mo!"

"Double Zero!" Nilapitan ito ni Emerald. "Pakiusap, tama na!"

"Ikaw..." Nahihirapan na sa paghinga si Nikela. "Kasalanan mo ito..." Pilit pa rin siyang nagsasalita. "Naging mahina si Zero One dahil sayo..."

Natigilan si Emerald. Mistulang patalim na tumusok sa kanya ang huling mga salita na binitiwan ni Double Zero.
Naging mahina si Zero One dahil sayo...
Totoo iyon.
Totoo iyon.

"Ngayon... sa tingin mo ba mamahalin ka pa rin niya?"

"Ah..."
Muling tumarak ang isang matalim na punyal sa dibdib ni Emerald. Ang talim ng salita ni Double Zero.
Bigla siyang nilamon ng kanyang sarili.
Dumilim ang kanyang paligid. Tanging sarili na lamang niya at si Double Zero ang kanyang nakita.

"Sigurado ako na dahil sa nangyaring ito iiwanan ka na niya!" sabi ni Double Zero.

Hindi! Hindi! Napailing si Emerald. Aaaah! Napasigaw nang malakas ang kanyang kalooban.

"Emerald!"

Bumalik lamang sa realidad si Emerald nang tawagin siya ni Dustin.
Nakita niya na bagsak at wala nang malay si Double Zero.

"Pinatigil ko muna ang oras niya para tumigil din ang pagkalat ng lason na nasa katawan niya," sabi ni Dustin habang nakatingin kay Double Zero." Pero may limitasyon ang kapangyarihan ko kaya kailangan mabigyan agad siya ng lunas," dagdag niya.

"Ako na po ang bahalang gumamot sa kanya!" Nagprisinta si Lamb. " Doktor ako kaya alam ko ang gagawin. Kabayaran na rin ito sa pagliligtas niya sa akin."

"Sa tingin mo ba pagkakatiwalan kita?" mabilis na sagot ni Dustin. Tiningnan niya nang masama si Lamb. Ganoon din ang iba pang prisoner ng Third Region.

"Dustin, sandali!" Namagitan si Emerald.
Ayaw na niya sanang magsalita pero alam niya na kailangan. "Kung meron mang dapat pasalamatan dito, sina Lamb at Mist iyon dahil sila ang nagbunyag sa tunay na katauhan ng Regulator!"

"Sinasabi mo ba na hindi talaga sila nagtraydor?" paniniyak ni Dustin.

Hindi nakaimik si Emerald.

"Tama po kayo, nagtraydor kami!" Sumingit sa usapan si Mist. " Nagtraydor kami dahil nagpalinlang kami sa gagambang iyon. Naniwala kami na isa siyang Regulator, na kaya sila narito ay para sa pagbabago. Hindi namin naisip na nagpapanggap lang sila. Na isa pala siyang mamamatay tao."

Napailing si Emerald. Bakit iyon sinasabi ni Mist? Bakit inaako na niya ang kasalanan?

"Alam namin na walang kapatawaran ang aming nagawa, pero nagsisisi na kami kaya sana bigyan n'yo pa kami ng isa pang pagkakataon." Yumuko si Mist sa paanan ni Dustin.

Iyon na rin ang ginawa ng iba pang nga prisoners. Maging ni Lamb.

"Superior..." Tinatanong nina Aion at Bill si Dustin.

Sinulyapan ni Dustin si Double Zero. Wala pa itong malay kaya nasa kanya lang ang desisyon.

"Ako rin!" Bigla na rin yumuko si Emerald. "Hindi lang ang mga taga Third. Maging ako ay may kasalanan din dahil nagpabulag din ako sa taong gagamba!"

"Emerald!" Hindi makapaniwala si Lamb na sasabihin iyon ni Emerald.

"Bukod sa pagpanig ko sa kanila, pinigilan ko pang lumaban si Nikela, kaya nalason siya kaya kung mapaparusahan sila, dapat kasama rin ako."

"Isa kang hangal!" napabulalas si Bill. "Ang lakas ng loob mong kumampi sa kanila!"

"Bill, huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan. Rose siya ni Zero One," paalala ni Aion.

"Rose nga siya ni Zero One. Pero tingnan mo naman... sa kanya mismo naanggaling na siya ang may kasalanan kaya muntik nang mamatay si Zero One. Kasalanan niya rin ang pagkawala ni Sy! "

"Tama na 'yan!" Pinigilan ni Dustin sa pagsasalita si Bill. Lumapit ang lalaki kay Emerald at hinawakan ito sa ulo."Tumayo ka na. At kayong lahat."

Napatunghay ang lahat. Napatingin kay Dustin.

"Dustin, pinapatawad mo na ba kami?" tanong ni Emerald.

"Walang dahilan para hindi ko kayo patawarin, pero mukhang kailangan n'yong malaman ang katotohanan."

"Katotohanan?" Nagkatinginan ang mga prisoners.

"Tama... mabuting malaman nila iyon para hindi na maulit ang katangahan nila," sabi ni Bill. Galit pa rin ito.

"Ano pong katotohanan ang tinutukoy n'yo?" may pananabik na tanong ni Mist.

"Tungkol sa mga Regulator." Sinimulan ni Dustin ang pagpapaliwanag.
"Maraming beses na nilang pinagtangkaan na pasukin ang Venus. Sinasabi nila na para iyon sa pagbabago--Para ibalik sa dati ang sistema ng kulungang ito, pero ang totoo... kasinungalingan lang iyon. Noon pa man, ang talagang utos na ng palasyo ay ang ubusin ang lahat ng bilanggo na narito."

"Ubusin? At bakit naman iyon gagawin ng palasyo?" nagtatakang tanong ni Emerald.

"Dahil ayaw nilang muling mabuhay ang maunlad na bayan ng Venus!" mabilis na sagot ni Dustin.

Natigilan ang lahat.
"Maunlad na bayan ng Venus?" Hindi nila mawari ang ibig sabihin noon.

"Ang tinutukoy ko ay ang mismong bayang ito. Kung alam n'yo ang kasaysayan alam n'yo rin na napakaunlad nito dati. At iyon ang layunin namin kaya namin inagaw ang pamumuno kay Elexis Acro---Upang ibalik sa dati ang bayang ito."

"Sandali po! Hindi ko maintindihan! Kung iyon lang pala ang layunin n'yo, bakit tutol ang palasyo?" tanong ni Lamb.

"Bakit nga ba?" tugon ni Dustin. Tumingin ito kay Double Zero. "Dito ako ipinanganak kaya wala akong ideya sa adhikain nila. Ang alam ko lang kaaway sila kaya dapat labanan!"

"Ang sama nila!" sigaw ng isang bilanggo.
Sinang-ayunan iyon ng lahat.

Hindi makaimik si Emerald. Tila napakahirap iproseso sa utak niya ng mga sinabi ni Dustin. Totoo ba iyon? Talaga nga bang gusto silang ubusin ng palasyo?

"Kung gayon...padala ng palasyo ang taong gagamba na nakaharap natin, tama po ba?" tanong ni Mist.

Tumango si Dustin. "Oo!"

"Ang sama nila!" Napasigaw si Lamb. Di makapaniwala na magagawa iyon ng palasyo. Nanginig ito sa galit.

"Hindi nag-iisa ang taong gagamba na iyon, kaya kailangan n'yong mag-ingat! Hindi na dapat kayo magpalinlang. Bantayan n'yo nang mabuti ang region n'yo! Maliwanag ba?"

"Opo!" malakas na sagot ng mga prisoners ng Third Region.

Tumuon si Dustin kina Aion at Bill. "Kayong dalawa, bumalik na kayo sa Hashke Village at ipaalam ang nangyari."

"Masusunod po!" Agad na umalis sina Aion at Bill dala ang katawan ni Sy.

Kay Emerald naman tumuon si Dustin. "Babalik na ko sa palasyo. Ikaw na muna ang bahala kay Double Zero."

"Ah...Oo!" sagot ni Emerald.

Gamit ang teleport, mabilis na naglaho si Dustin.
Kasabay nang pag-alis nito ay ang pabagsak ng mga tuhod ni Emerald sa lupa.

"Bakit? Bakit kailangang mangyari ito? Bakit?"
Napaiyak siya nang malakas.

"Huwag ka nang mag-alala. Ang kailangan na lang natin gawin ngayon ay ang iligtas si Superior Double Zero, " pag-alo ni Mist.

Lalo nang lumakas ang pag-iyak ni Emerald.
Hindi niya mapigilan. Naghahalo ang kanyang emosyon.
Ang takot. Ang lungkot.
Puno siya ng pagsisisi.Pagdadalamhati. Galit.
Ang pag-iyak lamang ang alam niyang paraan upang mailabas ang lahat ng ito.

***

"Isang tao na kayang mag-anyong gagamba? Kakaibang nilalang." Napapangiti si Echezen.
Kasalukuyan siyang umiinom ng tasa ng tsokolate sa balkonahe ng kanyang silid kasama sina Dustin, Seth at Afrile. Pinag-uusapan nila ang nangyari sa Third Region.

"Echezen! Hindi ito ang oras para maging masaya ka. Kailangan na nating tapusin ang mga Intruder bago pa sila makagawa ng gulo!" seryosong wika ni Dustin. Batid ni Echezen na kaya ito sinasabi ni Dustin ay dahil ayaw na nitong maulit ang nangyari sa Third Region. May mga namatay kasi na bilanggo. May namatay din na Hashke. Nasugatan pa si Double Zero.

"Huwag kang mag-alala, Dustin. Sa palagay ko magpapakita na sila," wika ni Echezen bago ito humigop mula sa kanyang tasa.

"Paano mo naman iyon nasabi?" tanong ni Dustin.

Ibinaba muna ni Echezen ang kanyang tasa bago siya nagsalita. "May nagpakita nang isa. Siguradong magsusunod-sunod na iyon!" Tumingin si Echezen sa dalawang Hashke. "Seth, Afrile. Subukan n'yong gamitin ang mga kapangyarihan n'yo. Tingnan natin kung tama ang hinala ko."

Nagkatingina muna sina Seth at Afrile bago sumubok.

Pumikit si Afrile. Pinakiramdaman ang paligid.

Ginawa rin iyon ni Seth. Tumayo siya at tumingin sa malayo.

Ito ang espesyal na kakayahan ng mga Hashke ng Wall.
Si Afrile ay may malakas na pandinig. Sa oras na I-activate niya ang kanyang kapangyarihan kaya niyang marinig ang anuman gaano man ito kalayo. Maging ang tibok ng puso kaya niyang basahin sa pamamagitan ng pakikinig.

Si Seth naman ay may kakayahang makita ang kahit na ano. Gaano man ito kalayo.

"Ang dami kong naririnig. Mga kakaibang tibok ng puso mula sa iba't ibang Region. Kailangan silang mawala. Iyon ang sinasabi nila!"

"Puno ng hamog ang paligid. Wala akong makita!" sabi ni Seth.

"May malakas na boses akong naririnig mula sa Fifth Region. Kumakain siya. Ang basa ko sa kanya, unang beses niya pa lang kumain doon."

Hinanap ni Seth ang Fifth Region.
"Wala pa rin akong makita."

"Hindi pa rin ba sila handang makipaglaban? Bakit ayaw pa nilang magpakita?" Nagtataka si Echezen.

"Ah!"Natigilan si Seth. "Mukhang naaaninag ko na ang taong tinutukoy mo, Afrile. Sa Fifth Region. May isang lalaki... Wala siyang bandana at walang ring... bracelet!"

Napatayo si Dustin. "Siguradong Intruder siya. Lagot siya sa akin!"

"Sandali, Dustin! " Pinigil ni Echezen ang kaibigan. "Siguraduhin mo na hindi ka pupunta roon na walang sandata. Hindi puwedeng kapangyarihan lang ang gamitin mo. Delikado para kay Double Zero kapag naubusan ka ng lakas."

"Alam ko iyon!" Lumabas na si Dustin sa silid ni Echezen.
Kalalabas niya pa lang nang biglang magpakita si Mia.

"Dustin..." Hawak nito ang kanyang espada.

"Salamat, " sabi ni Dustin bago inabot ang espada, ngunit inilayo ito ni Mia. "Mia!"

"Ibibigay ko lang ito sayo kapag isinaman mo ko!"

"Ano?"

"Pakiusap!" Yinakap ni Mia si Dustin. " Gusto kong sumama sayo. Isama mo ko."

"Ano bang sinasabi mo... Hindi puwede, delikado!"

"Kaya kong lumaban! Pakiusap Dustin!" Hinigpitan ni Mia ang pagyakap.

Alam naman ni Dustin na kayang lumaban ni Mia. Kaya niya rin itong protektahan kung sakasakaling mapalaban sila , pero kahit ganoon ayaw niya itong makasama.

Ayaw niya dahil...

"Alam ko na galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari kay Emerald kaya gusto kong sumama. Gusto kong makabawi."

"Ah!"Hindi inasahan ni Dustin na sasabihin iyon ng kanyang Rose.
Tama iyon. Naiinis pa rin ito dahil sa nangyari kay Emerald. Dahil doon muntik na silang magkasakitan ni Zero One, pero hindi naman ibig sabihin noon ay ayaw na niya kay Mia. Nagtatampo lang siya.

"Dustin. .." Malambing ang tinig nito.

"Oh, sige na! Sumama ka na!"

Napatingin si Mia sa lalaki. "Salamat!" Tuwang- tuwa ito.

"Pero magpalit ka ng damit. At ipangako mo sa akin na hindi ka aalis sa tabi ko, maliwanag ba?"

"Oo!" Tumango si Mia.

Naghanda na ang dalawa.
Nagpalit ng kasuotan.
Nagdala ng mga sandata.

Ginamit nila ang teleport upang mabilis na makarating sa Fifth Region.

Dumiretso agad sila sa pinakamalaking kainan na meron sa region. Ayon kasi kay Seth ay naroon ang lalaki na walang bandana at bracelet.

Natigilan si Dustin nang may makitang mga bilanggo na nakabulagta sa sahig.

"Anong nangyari rito?"

"Dustin, tingnan mo!" May itinuro si Mia na maliit na lalaki.
Nakaupo ito malapit sa counter habang kumakain ng manok.
Wala itong suot na bandana. Wala ring bracelet.

"Siya ba ang Intruder?"

Humarap ito.

Namilog ang mga mata nina Dustin at Mia nang makita na isa itong batang lalaki.
Malago ang kulay itim nitong buhok. Mapayat ang katawan. Malaki rin ang ngipin sa unahan.

"Kayo na ba ang makakalaban ko? " tanong nito.

Hindi makasagot sina Dustin.

"Ayos!" Ngumiti ang batang lalaki. "Ang tagal ko nang naghihintay ng makakalaban. Mabuti narito na kayo!"sabi nito bago ito tumayo at pumorma na parang manununtok.

Napailing si Dustin.
Bakit bata?

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 48.4K 111
8/4/15- #3 in Mystery/Thriller. 9/5/15- #1 in Mystery/Thriller. VIRHELLE PAYNE SILVA a.k.a HELL. She's a cold young lady who came back to the Philipp...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
142K 4.1K 66
2nd Installation of Musical Academy! Highest Rank Achieved: #3 in Musical #248 in teen-fiction #81 in Academy