Chapter 51 * Mga Natatanging Mandirigma*

1.2K 52 3
                                    

Muling lumukso si Echezen kasama si Emerald.
Tutuloy na sila sa palasyo.

Habang nasa ere ay napapatingin si Emerald sa lalaki.

Makapangyarihan siya.
Malakas.
At mabuting tao.

Iyon ang mga naisip ni Emerald tungkol sa lalaki.

Bukod doon, sa tingin niya ay isa rin itong mabuting kaibigan.

Mapalad si Nikela dahil hindi niya naging kaaway si Echezen.  Mabuti dahil naging magkakampi sila, naisip niya.
Kasabay n'on ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi.

Pero sandali...

May naalala si Emerald.

Naalala niya iyong araw na tinanong niya si Echezen kung kilala ba nito ang kapatid ni Jo.

Ang sabi nito, hindi.
Pero hindi ba talaga?

"Echezen, kilala mo si Ed Francia, hindi ba?"

Napasulyap sa kanya si Echezen.  "Ang pangalang iyan na naman. Hindi ba nasabi ko na sayo na hindi ko siya kilala!"

"Isa siya sa mga Hashke na sumalakay noon sa mga Regulator na pinadala ng hari. Nandito ka na nang mga panahon na iyon, di ba? kaya sigurado na nagkita na kayo. Baka nga nabigyan mo pa siya ng kapangyarihan."

"Sino ba ang mas importante, ang taong iyon o si Nikela?"

"Ha?"

"Pagtuunan mo na lang ang gamot ni Nikela kaysa magtanong ng tungkol sa kanya."

"Pero..."

Huminto si Echezen sa isang puno sabay tingin nang masama kay Emerald.

Natigilan si Emerald.

"Hindi na dapat natin pinag-uusapan ang isang taong na namatay na," seryosong wika ni Echezen.

Namilog ang mga mata ng dalaga. "Anong patay na?"

"Matagal nang patay si Ed Francia."

"Ano?"

Nanlisik ang mga mata ni Echezen. "Pinatay ko na siya."

"Aaah." Biglang binalot si Emerald ng tensiyon.
Pinatay niya si Ed?
Siya ang pumatay kay Ed?
Ah...

Nakadama ng takot ang dalaga. Nang pagmasdan niya si Echezen nakita niya nakakatakot na aura mula rito.

"Aaaah!" Napasigaw ang dalaga. Kumawala rin siya kay Echezen dahilan para mahulog siya.

Unti-unti siyang bumulusok sa lupa.

Pero bago pa siya bumagsak ay may hangin na sumalo sa kanya.
Kagagawan iyon ng kapangyarihan ni Echezen.

Ah.
Napatulala si Emerald.
Hindi pa rin mawala sa kanya ang pag-amin na ginawa ng Superior.

Ngayon alam ko na. Kaya hindi ko na mahanap si Ed ay dahil wala na siya. Pinatay pala siya ni Echezen.  Pero bakit?  Anong dahilan?

Lumukso pababa si Echezen.

"Ano. Pupunta pa ba tayo sa palasyo o dito ka na lang?" Ako na ang kukuha ng Venus Heart para kay Nikela."

"Ah... si Nikela!" Nagmadali sa pagbangon si Emerald. 

"Kung sabagay... nasa ilalim ng kapangyarihan ni Dustin si Nikela kaya hindi siya mapapahamak. Maliban na lang kung mawala ang kapangyarihan ni Dustin. Gusto mo banh mangyari iyon."

"Hindi. Kukunin ko na ang Venus Heart. Kailangan munang mailigtas si Nikela. Saka na lang ako magtatanong ng iba pang mga bagay tungkol kay Ed."

Ngumiti si Echezen at iniabot ang kanyang kamay.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now