Chapter 39 *Bihag*

1.1K 55 1
                                    


Puno ng talulot ng mga rosas ang tubig kung saan nakalubog ang katawan ni Mia.

Napalilibutan din ito ng magagandang kandila.

Nakangiti si Mia habang iniisip ang plano niya kay Emerald.
Batid niya na sa pagkakataong ito ay magtatagumpay na siya.
Mawawala na ng tuluyan sa landas niya si Emerald.

Inaayusan na si Mia ng mga babaeng Servant nang dumating si Dustin.

Alam na agad ng mga tagapagsilbi na kailangan nilang lumabas.

"May problema ba, mahal ko?" tanong ni Mia pagkaalis ng mga Servant.

"Nagpunta ako sa Seventh Region. Wala si Emerald," seryosong sabi ni Dustin.

"Wala siya? Paano nangyari iyon?" nag-aalalang tanong ni Mia, pero siyempre isa lamang itong pagpapanggap. "Inihatid namin siya sa Seventh Region," pagsisinungaling pa ni Mia.

"Sigurado ka bang inihatid nyo talaga siya?" may pagdududang tanong ni Dustin.

"Ah..." Natahimik si Mia bago unti-unting ibinaba ang kanyang mukha.

"Mia?"

"A-Ang totoo hanggang sa bukana lang ng Seventh Region namin siya naihatid. Hindi kasi maganda ang hangin sa lugar na iyon kaya iminungkahi ko na hanggang doon na lang kami. Pumayag naman si Emerald. Kung alam ko lang di na siya makakarating dapat pala tiniis ko na lang ang hangin."

"Mia!" Biglang tumaas ang boses ni Dustin.

Tininingnan ito ni Mia. Laking gulat ng dalaga nang makita ang matatalim nitong mga mata.

"B-Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?"

"Tatanungin ulit kita... Nasaan si Emerald?" matapang na turan ni Dustin.

Napabuga ng hangin si Mia.

"Puwede ba, huwag mo kong kausapin sa ganyang tono. Hindi ko alam kung nasaan si Emerald. Baka naman may pinuntahan lang siya o baka itinatago siya ng mga taga Seventh Region. Sa palagay ko mas gusto niya roon."

"Hindi iyon maaari!" giit ni Dustin.

"At bakit hindi?" mabilis na sagot ni Mia. "Sandali nga, bakit ka ba nag-alala sa kanya? Hindi naman siya ang Rose mo ah."

"Iyon na nga! Hindi ko siya Rose. Rose siya ni Nikela kaya hindi siya puwedeng mapahamak."

Nanliit ang mga mata ni Mia. "Ano?"

"Sa akin siya ipinagkatiwala ni Nikela kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan," linaw ni Dustin.

Ngumiti si Mia bago hinawakan sa pisngi si Dustin.  "Ano ka ba naman. Hindi mo naman kailangan mag-alala ng ganito. Malaki na si Emerald at malakas. Kaya na niya ang sarili niya."

"Mia." Hinawakan ni Dustin ang kamay ni Mia na nakakapit sa kanya. "Bakit mo ba ito ginagawa?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko na naiintindihan mo ang sinasabi ko."

Hindi nakaimik si Mia. Bigla rin siyang nakadama ng kaba. Alam na ba ni Dustin ang totoo? Alam na ba nito na ilang beses na niyang pinagtangkaan ang buhay ni Emerald?

"Sige na. Sabihin mo na sa akin kung nasaan si Emerald."

"Ano bang pinagsasasabi mo!" Dumistansiya si Mia. "Bakit mo ba ipinipilit na alam ko kung nasaan si Emerald. Bakit, iniisip mo ba na itinatago ko siya? Bakit ko naman gagawin iyon?"
Nagmamatigas pa rin si Mia.

Napailing si Dustin bago lumapit kay Mia at hinawakan ito sa magkabilang balikat.
"Iyon na nga ang ipinagtataka ko. Bakit nga ba kahit nasayo na ang lahat ginagawa mo pa rin ito kay Emerald? May malaki ba siyang kasalanan na nagawa sayo?"

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now