Your Place Or Mine? BOOK VERS...

By turning_japanese

19.4M 162K 25.6K

One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind rom... More

Description
Intro
Chapter 1: What the hell?!
Chapter 2: The Girl from the bar
Chapter 3: I wish....
Chapter 4: The tigress
Chapter 6: We meet again Part 1
Chapter 7: We meet again Part 2
Chapter 8: Z3
Chapter 9: Halter Top
Chapter 10: The Crime?
Chapter 11: Moving on...
Chapter 12: I'm back!
Chapter 13: The witch
Chapter 14: Talk$hit
Chapter 15: Jessica
Chapter 16: Ouch!
Chapter 17: The Party
Chapter 18: My fiancee
Chapter 19: His Fiancee
Chapter 20: Confused
Chapter 21: The As$hole
Chapter 22: Confrontation
Chapter 23: The Engagement
Chapter 24: Unexpected
Chapter 25: The Annual Dance
Chapter 26: Not Again...
Chapter 27: Finally...
Chapter 28: The Groom
Chapter 29: Ralph
Chapter 30: Hopeless?
Chapter 31: The Wedding (Part 1)
Chapter 32: The Wedding (Part 2)
Chapter 33: Cebu (Part 1)
Chapter 34: Cebu (Part 2)
PC: The Suite
Chapter 35: The Check-up
Deleted?
Chapter 36: He loves me...he loves me not?
Chapter 37: The Blushing Bride
Chapter 38: Ohemgi!
Chapter 39: Friends?....
Chapter 40: A glimpse of his past...
Chapter 41: Untitled
Chapter 42: Conflicts
Chapter 43: Confessions
Chapter 44: Questions and Answers
Chapter 45: All About Trust
Chapter 46: Sem Break
Chapter 47: Seth
Chapter 48: House Blessing
Chapter 49: FB
Chapter 50: Two beats in one heart?
Chapter 51: The bracelet
Chapter 52: Secrets
Chapter 53: Christmas (Part I)
Chapter 54: Christmas (Part 2)
Chapter 55: The Other Woman
Chapter 56: Auld Lang Syne
Chapter 57: Only You
Chapter 58: Valentine
Chapter 59: Kirsten
Chapter 60: When All Else Fails....
Chapter 61: Breathe Again
Chapter 62: Reese Is Home
Chapter 63: The Truth
Chapter 64: After All
EPILOGUE
Answers
Private Chapter: "Birthday Gift"
Private Chapter: "The Suite"
"Birthday Gift"

Chapter 5: Vince

384K 3K 112
By turning_japanese

Chapter 5

HALEY'S POV

Nakatingin ako sa phone ko.  3 missed calls! I checked the call list.

OMG!

Nandito na siya!

Si Hitler.

Yeah, that’s her name in my phone contacts. Yan ang tawag ko kay mommy.  Simpleng diktador kasi. Magaling pang mang uto. At may sinabi siya, hindi ka pwedeng sumuway utos nito. Pag sumuway ka, pagbibigyan ka niya pero may kapalit na pabor. Hindi pwedeng wala. Ano pa nga ba? Pero kung kilala mo siya. Susunod ka talaga dahil hindi mo magugustuhan pag nagalit siya. At baka hindi mo kaya ang pabor na gusto niya.

 Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya pumayag na Psychology ang kunin kong course. During high school kasi sinabi na niya sa akin na business course ang gusto niya para sa akin. I'm sure na meron siyang hidden agenda sa pagpayag sa gusto ko. Kung ano man yun hindi ko alam sa ngayon. At kailangan kong maging handa kung ano ang hihilingin niyang kapalit.

 Tumingin ako sa relo ko. Kailngan ko nang umalis para hindi niya ako abutan. Mahirap na. Ayoko siyang kausapin ngayon.

" Mang Berting anong kotse ho ang available na pwede kong gamitin. " tanong ko.

Tumigil siya sa pagpupunas ng kotse at lumingon sa mga kotse na nasa garahe.

 " Yung Z3 po ma’am at yung Miata." sagot nito.

Ayokong gamitin ang dalawang ito. Low profile lang kasi ako sa school. May iba pang kotse sa garahe kaya lang baka ito na ang ready for use. Malinis at maayos kumbaga.

 "Eh yung Civic ho. " 

 "Ginamit ni Hans." sagot nito habang pinupunasan ang Z3.

"Asan ba yung kotse niya? Ba't yung Civic ang gamit niya?" ginamit niya yung Civic pero wala ang kotse nito na Lancer sa garahe.

 "Nasa condo ho ata maam." sagot ng matanda.

 Pag minamalas ka nga naman. Inunahan ako ni kuya. Ayaw din kasi ni kuya ng magarbong kotse. Pero teka, nasa condo ni Hans yung kotse niya? Bakit? Wala akong panahong mag isip. Di na’ko ulit nagtanong pa. Ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Kailngan ko nang makaalis.

 "Sige po, pakikuha na lang po ng susi ng Z3."

No choice ako. Yung Miata kasi ang alam kong sira ang convertible na bubong nito. Ayoko namang ng ganoong eksena papasok sa school. First time kong magdala ng luxury car sa school. Gusto kong maging simple lang sa paningin ng ibang mga estudyante. At sa loob ng school, dun ko naramdaman ang normal at simple na buhay. Bilang isang normal na tao, at kasalamuha ang iba't ibang klase ng tao. Ayokong ituring ako ng mga kaklase bilang isang Haley Saavedra na anak ng may ari ng Saavedra Group of Companies. Gusto kong ituring nila ako na isang ordinaryong tao. At isang ordinaryong estudyante.

Sumakay na ako sa kotse at nagdrive palabas ng gate. Papasok na lang ako ng maaga at sa library na lang ako mag rereview. I'll make myself busy. I just don’t wanna see my mom yet. Not now.

Hindi ko namalayan nasa harap na’ko ng gate ng university. Lumiko agad ako sa driveway. Nagtaka ako kasi hindi umangat ang harang sa driveway. Lumabas ang isang guard at lumapit siya sa kotse ko. Dahil siguro walang sticker ang kotse. Binuksan ko ang bintana ng kotse. Nilabas ko ang ID ko at pinakita sa kanya.  Kinuha niya ito at pinagmasdan. Binalik din niya agad ito sa akin.

"Maam pasensiya na pero wala na kasing slot dito sa side na to. Sa West wing na lang ho." paumanhin ng guard.

Natigilan ako. Sa West wing? You've got to be kidding me. Of all places? Pero may choice ba ako. Kesa sa labas ako magpark.

 " Ganon po ba? Pwede po bang dito na lang ako dumaan tapos iikot na lang ho ako sa likod?" tanong ko kasi mapapalayo ako pag bumalik pa ako.

 " Sige po ma'am" at tinanggal nito ang harang ng driveway. " Paki secure na lang po ng sticker ng kotse sa susunod." paalala ng guard.

" Sige kuya, salamat." Umoo na lang ako. Kahit alam ko na baka ito na ang una at huling gamit ko ng kotse na ito.

Tinaas ko ulit ang bintana ng kotse at nagdrive papasok. Pinagmasdan ko ang hanay ng mga kotse. Paanong hindi mapupuno ang parking eh halos lahat ng nag aaral dito may kotse. Kulang talaga ang parking area. Yung iba nga sa gilid na ng university nagpapark. Paliko na sana ako paikot sa likod nang mapansin ko ang isang gray na Altis na nakapark.

Nagpreno ako saglit. Hindi ako pwedeng magkamali. Inatras ko ng konti ang kotse ko at tumapat dun sa gray na kotse. Tiningnan ko ang plate number. No. It can’t be.

Muntik na akong mapatalon sa lakas ng busina ng kotseng nakasunod sa akin. Bad trip one way lang pala ‘to. Tinahak ko na ang daan papunta sa west wing parking. Di bale mamaya ko na lng babalikan ang Altis. Buti pa dito sa West wing maluwag ang parking. Medyo malayo kasi kaya wala masyado ngpapark.

 Anong ginagawa ng kotse ko ditto?  Dont' tell me dito rin nag aaral yung guy na.......

 Oh no! Lord wag naman po sana. Pero malamang dito siya nag aaral kasi kung hindi pero pano napunta yung kotse ko dito.

 Di kaya nacarnap? Duh, nacarnap tapos ginagamit nung carnapper. It doens't make sense.

 Hindi kaya estudyante rin sa school na ito yung guy na yun. Gusto ko ng sumigaw ng malakas. Lahat ng impossible iisipin ko. Wag lang ang possibility na baka estudyante rin dito lalaki na yun. Sana nacarnap na lang talaga ito.

 Di ko kayang magtago habang buhay kung andyan lang siya sa paligid. I think I'm gonna die pag makikita ko siya. Mamatay ako sa kahihiyan.

 Nagulat ako nang mag vibrate ang phone ko.

 Hitler calling.....

Wala ako sa mood kausapin siya ngayon. Mamaya na lang siguro. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako bumaba ng sasakyan nang magvibrate ulit ang phone ko.

 Ang kulit talaga. Papatayin ko na sana ang phone ko kasi akala ko si Mommy na naman ang tumatawag. Pero pagtingin ko sa screen hindi pala.

 Jessica calling....

  "Hello." sinagot ko na ito habang palabas ng kotse.

 "Hey, where are you?" masayang bungad nito.

 "Actually, I'm here sa school."

Ewan ko ba kung bakit nagdalawang isip ako na sabihin kung nasaan ako. Nasanay kasi ako these past few days na ilihim ang mga whereabouts ko.

 "Good! Meet me at the cafeteria then. I have something to tell you" excited na sabi nito.

 "Ok, be there in few minutes"  At dumeretso na ko sa cafe.

 "Ok see you"

 I stayed here for few minutes. Parang gusto kong bumalik ulit sa loob ng kotse at magmaneho palabas ng university.  Tumingin ako sa paligid. This space reminds me of painful memories. Pumikit ako. Parang nananadya ang pagkakataon. Bakit dito pa talaga ang available na parking space. Nagsimula na akong umalis sa lugar na iyon bago pa tumulo ang mga luha ko. At nagmamadali akong maglakad papuntang cafe nang may tumawag sa akin.

"Haley!"

I froze.

Kilala ko ang boses na yun. I recognized it by heart. My heart beats fast in response. Huminga ako ng malalim. I gathered all my strength at humarap ako sa kanya.

 "What do you want?"

It's him. Vince. I haven't seen him in almost two weeks. And now, he's right here, in front of me. Lumapit siya sa akin. At umatras naman ako ng konti.

  "Let's talk, please."

 It’s been two weeks. Hindi siya nagpakita sa akin. No explanations. No calls. No texts. Tapos sasabihin niya "let's talk." After what happened,  hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Tama lang siguro na hindi siya nagpakita. 

Masakit pa rin. Sobra. Niloko niya ako. Pero bakit ganun? Wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Pero hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko. Nawala siyang parang bula at ngayon lang nagpakita. Kung ayaw niyang magpaliwanag walang kaso sa akin. Pero yung ganito na susulpot siya ng ganun ganun na lang at gusto niyang mag usap kami, what the fuck, di ba?

 "Wala na tayong dapat pang pag usapan." mahina lang ang pagkakasabi ko but I'm sure narinig niya ito.

 "Haley.....I'm sorry."

 That's it.

Sorry. Siguro ito ang pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya. Sorry. Para sa akin hindi ito paghingi ng paumanhin kasi nasaktan niya ako. But it's a form of admission. Pagtanggap sa nagawa niyang kasalanan. Na tama ang nakita ko.

 Kahit nasasaktan ako I was still hoping that someday everything will turn out right. Na magiging ok kami. But his simple sorry means only one thing. That it's over. Everything is over. At gusto kong umiyak. Pero kailangan kong magpakatatag. Ayokong umiyak sa harap niya. Tama na ang mga luhang sinayang ko ng ilang araw.

Hindi ako nagsalita. Ngumit lang ako ng pilit. Tapos naglakad na'ko palayo. Ayokong makita niya ang pagpatak ng mga luha ko. This is all I have left, my pride. Ayokong magmukhang kawawa. Ang dapat kong gawin ngayon siguro ay iwasan siya. So that I can easily move on. Huminto ako saglit at nilingon siya.

"Please don't come near me again.." yun ang lang sinabi  ko at tuluyan na akong umalis.

 " Haley!" tawag niya.

Tumakbo na ako palayo.

Please don't come near me again..or else

Baka di ko mapigilan ang sarili ko. Kanina nung makita ko siya, I want to throw my arms around him. At alam kong mahihirapan akong kalimutan siya. Ngayon pa lang namimiss ko na siya.

 I miss his kisses. I miss everything about him. Damn, I still love that bastard! Ngayon na nag uunahang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pipinipigilan. Nasasaktan pa rin ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit.

 Almost 4 years and then what? Hanggang dito na lang?

 Napapikit ako. That image kept on playing inside my head for the past few days. An image of him and that bitch.  I caught them making out inside his car, sa parking lot.

 Sa West wing. That same park where I just parked my car. What a coincidence.

 At ang masakit pa he never bothered to explain. He never called me that time to even say sorry. Ganun na lang. Nawala siya. And that was actually our first encounter since then. He didn't care.

When I saw him,  I was still hoping that he will explain. That everyhting I saw was nothing. That he wanted me back.

 But when he said "sorry" I knew it. He was not saying sorry for what he has done. He was sorry because I was hurt. Because of what I saw.  And I'm still hurting. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako masasaktan.

He was my first boyfriend.

My first kiss.

My first... in everything.

Except for what happened last night.

Oh c'mon. Ayoko munang isipin ngayon ang nangyari kagabi. Sumasakit ang ulo ko tuwing naaalala ko yun. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon ay kung paano ko kakalimutan si Vince. But I don't know where to start. Will I ever move on?

 Ang hirap. Lagi kung naaalala ang mga sweet memories namin. The first time I set my eyes on him, crush ko na agad siya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa captain ng basketball team ng university.

 And I was the happiest girl when we started dating.  At marami naman ang naiinis sa akin na mga babae.  Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang  Ash Vincent  Yu.  First year pa lang kami nun pero almost 6 feet tall na siya. Maputi at matangos ang ilong. And what I love the most, are his eyes. When he looks at you, it seems like he's looking into your soul. Takte parang bampira lang. Pero seryoso, ganun nga siya.

Minsan nag iisip ang mga pangit na nangyari sa amin. Para madali akong makalimot.  But as long as I'm hurting I will never forget him. Pinunasan ko ang mga luha ko. Shet lang talaga. Ayokong makita ako ni Jess na ganito.

Dumaan ako saglit sa CR. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pag pinigil ko ito baka sumabog na lang ako bigla. O kaya baka pag hindi ko nilabas to baka mabaliw ako. Ayoko ng ganun. Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa loob ng cubicle. Naalala ko si Jess. Naghilamos ako ng konti at nag ayos. Ayokong mahalata niya na galing ako sa pag iyak

 Pagpasok ko sa café, hinanap ko si Jessica sa favorite spot namin. Sa dulo. She waved her hand.

 "Hey" bati niya paglapit ko.

  "Hi!" pinilit kong ngumiti.

 "Are you okay?" nag aalalang tanong nito.

 "Yeah" matipid kong sagot.

Umupo ako sa tabi niya.

 Hinawakan niya ang kamay ko. " You can talk to me. It's been two weeks ka nang ganyan and...."

 Ngumiti ako sa kanya. "Jess, I'll be fine. Don't worry"

Hindi ko na siya pinatapos. Alam ko masama rin ang loob niya. She knew I’ve bee keeping things from her. And to think na bestfriend ko pa siya.

 "Ok. You know that I'll always be here." malungkot niya sabi. Sumuko na rin siya. Kilala niya kasi ako. Di ako paladaing. Di palasumbong. Unless di ko na kaya. Ang alam niya everything is still under my control. Yun ang alam niya.

 "I know." I smiled at her.

I will put a good show. I will act good.

"So ano nga pala yung sasabihin mo saken?" pag iiba ko ng usapan.

 Kitang kita ko ang pag ningning ng kanyang mga mata.

"Remember Tyler from the soccer team? Yung crush ko?" yung ngiti niya parang mapupunit sng mg pisngi niya.

  I remember him. Matagal na niyang crush ito. At kelan lang sila nagkakakilala.

 "He asked me out!" sabi nito at kinikilig ang bruha.

  "Well, that's really something!" sabi ko habang nilalabas ang ilang notes ko.

 I'm happy. At least for her. After what she went thru with Ambrose. I think she deserves another shot. With someone better.

 "Yeah, I'm so excited. Parang kelan lang I was looking at him from afar tapos ngayon....haaay" para siyang ngdedaydream. She's always be Jess. Simple lang ang kaligayahan. Ang mga gwapo at hot na boys.

 And she started talking. Non stop. As in. Grabe talaga ang bibig ni Jessica. Ganyan siya pag masaya. Nakinig lang ako sa kanya. At gumaan ang pakiramdam ko kahit papano.

Naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. At pakiramdam ko pagod na pagod ako. Gusto ko ng matapos agad ang araw na'to. Gusto kong matulog at magpahinga.

 Ang sakit ng boung katawan ko lalo na ang balakang ko. Naisip ko naman ang lalaki kagabi sa bar. I know I have to deal with him. Whether I like it or not.

Continue Reading

You'll Also Like

18.5M 331K 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya n...
72.3K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
526K 7.6K 41
• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟯 - 𝟮𝟬𝟭𝟰 • (𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐) After being Archer's "lucky date", Vanessa is now...