If We Meet Again

By palawakal

80.3K 1.9K 337

I just hated myself for Who is meant's ending... I'll explain myself! haha More

5 Years
"How are you?"
Casual Conversation
A Glimpse On Her New Life And A Glimpse On My Past
"Friends"
Pretentions
Little Secret
Homeless Love
Defeated
Ikaw At Ako
Start
Whirlwind
"If This Is My Last Night With You"
Another Goodbye
Stay
Say It Out Loud!
Starting Over Again

Closer

4.5K 111 30
By palawakal

Aly's

Nakakapanibago.

Habang ako ang andito ngayon sa cashier at naka-pangalumbaba, sina Ella at Amy, abala sa pag aasikaso sa pagkuha ng order, pagkuha ng bayad, pag abot ng menu at kung ano ano pang ibang trabaho dito sa restaurant.

Tumingin ako kay Amy. Abala siyang nagsusulat ng order ng isang customer.

Tapos tumingin naman ako kay Ella, nagbibigay siya ng order sa kusina.

Napabuntong hininga ko.

Nakakapanibago talaga...

Parang may mali e...

"Anong problema mo, te Ly?"

Nagulat ako at napatingin kay Riza na nasa tabi ko. Isa siya sa tatlong kasama namin dito sa resto, bukod pa sa limang tagapagluto.

Tinignan ko siya ng naka kunot ang noo, "Ha? Anong anong problema, Ri?"

"Kasi titingin ka kay ate Amy tapos bubuntong hininga ka. Tapos kay ate Ella ka naman titingin, bubuntong hininga ka din.", paliwanag niya at nakapanga-lumbaba na rin sa harapan ko.

Nag mamaang maangan ako at nagkibit balikat, "talaga?",

"Oo. Hindi mo nga napansin na kanina pa ako nakatitig sayo.",

"E bat ka ba kasi nakatitig sakin?", tanong ko at pabirong itinulak yung ulo niya.

"Kasi nga ang weirdo mo.", sagot niya at tinignan ako ng may pagdududa, saka ni-reenact pa yung ginawa ko daw kanina, "tingin kay te Amy buntong hininga. Tingin kay ate Ella, buntong hininga."

"Ah. Kasi naiinip ako dito sa cashier.", umalis ako sa kaha at marahang itinulak si Riza para pumalit sakin, "ayan, ikaw dyan, para hindi kung ano ano napapansin mo.", at nilayasan ko siya.

...

Kumakain na kaming tatlo ng tanghalian at walang naimik samin. Hanggang sa nagulat ako sa mataray na tanong ni Ella sakin.

"Alyssa Valdez, may sasabihin ka ba?!"

"Huh?", parang takot at nalilito kong tanong sa kanya

"Kanina ka pa nakatitig sakin, akala mo ba hindi ko napapansin?!", mainit na ulo niyang bira.

"Hindi ah?", pag tanggi ko

Pero pinaningkitan niya ako ng mata kaya sumuko na 'ko, "Ano kasi besh...", 

Aba, sa laki ng mata ni Ella at makita mong naningkit, talagang matatakot ka.

Nanatiling nakatitig sakin sina Ella at Amy, naghihintay ng kasunod na sasabihin ko, "Wala ba kayong sasabihin sakin? Or itatanong? Or ano... kahit ano lang?"

"Linawin mo.", utos ni Madam Ella.

Napakamot ulo ako, "Ah... ano..."

Pero bago pa man ako makapagtuloy, pinutol na ako ni Amy.

"You mean, that something between you and Den?", tanong niya pero hindi naman nagbabago ang reaksyon ng mukha

"Uhm, siguro?"

"Ang arte mo, Ly.", pag irap sa akin ni Ella, "inaantay ka lang naman namin ni Amy na magsabi.", at saka siya ngumiti na parang kinikilig, "Obviously, kahit sino naman siguro mapapansin na may something sa inyong dalawa.", 

"Kung masaya kayong dalawa, masaya rin kami para sa inyo.", singit naman ni Amy at nakangiti na rin.

Napangiti ako sa mga sinabi nila.

"Thanks, beshies.", at pinilit ko silang mag-group hug.

"In fairness, 'di ko alam na may sweet side pala si Ells.", banat ko habang nakaakap pa rin sa dalawa

Marahan naman akong tinulak ni Ella at gumanti, "sino ba naman kasing hindi makakapansin di ba?", at tumingin siya kay Amy para makakuh ng kakampi, "nakangiti habang tulala? For five years, ngayon ka na lang uli namin nakitang baliw."

"Tama.", segunda ni Amy, "for the last five years, laging seryoso."

"Lagi pang nagtatago ng alak sa cabinet."

Nagulat ako sa sinabi ni Ella at hindi ako agad naka react.

"Nagulat ka no?", pang aasar niya, "akala mo ba talaga walang nakakaalam non?"

"Eh, bat ngayon mo lang sinabi sakin?"

"Para saan?",  nagtaas siya ng isang kilay, "ilang beses ka naman namin sinundan, nakakapag drive ka naman ng maayos."

Nagulat uli ako at tumawa silang dalawa.

"Nauuna kami laging umalis sayo para hindi mo makita na susundan ka namin pauwi.", ngiti ni Amy sakin.

"Lagi niyong ginagawa yon?", hindi ko makapaniwalang tanong sa kanilang dalawa.

"well...", paunang sagot ni Ella at nagtinginan pa sila ni Amy habang nakangiti, "akala namin mauuna si Den umuwi sayo nun iniwan namin kayo. So, nag antay pa kami ng kaunti. Pero when we saw you two na sa iisang sasakyan sumakay, pinabayaan na namin kayo."

"and that's when we stop waiting for you. Kasi muka namang may bantay ka na e.", dagdag ni Amy

Niyakap ko uli silang dalawa. Mas mahigpit kaysa sa kanina.

And I am seriously loving these two more than I already love them,

If that is even possible...

...

Sunday Morning. Condo.

Maaga akong nagprepare ng sarili at naligo.

Inaasahan ko kasing darating si Den.

Wala naman kaming usapan na pupunta siya. Pero for the last few weeks, every Sunday, kahit hindi kami magusap, pumupunta siya rito.

Nakasanayan na namin na the whole day andito lang kami and then before she goes home, sabay kaming nagdadasal sa labas ng simbahan.

Like the first time we did it.

But after I took a bath and was about to see what's in the ref, I heard my phone beeped.

"I can't make it this morning, Ly.", nabasa kong text ni Den

Umupo ako sa sofa habang iniisip kung bakit hindi siya makakapunta.

Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero naisip kong 'wag na lang, "How abt afternoon?", mabilis na reply ko. 

"I am not sure but I will try my best to be there as early as I can."

I am about to type my reply when I received another text from her.

"I miss you and I would go crazy if I won't see you today. Kahit midnight na, pupunta pa rin ako. :)"

Napangiti ako. 

Yung sobrang laking ngiti.

Yung ngiting may kasamang kilig na para kang maiihi.

Niyakap ko yung throw pillow at nag reply, "I miss you, too. I am willing to wait kahit midnight ka pa dumating."

Tapos ay may nag doorbell...

Napakunot noo ako.

Akala ko ba ay mamaya pa siya? Pinagti-tripan siguro ako ni Den..

Nakangiti at patalon talon pa akong tumungo sa pinto para pagbuksan si Dennise.

"Ang saya mo ah?", bungad niya.

Pero hindi siya si Den.

Mabilis na nagbago yung reaksyon ko. 

"Bang."

Napakunot noo siya, "Bakit parang lumungkot ka nung nakita mo ko?", at nagdire-diretso siya papasok sa condo ko.

"Hindi naman.", sinara ko yung pinto at sinundan siya.

Pumunta siya sa kusina at sinimulan i-prepare yung mga dala niya sa plato.

"Nagulat lang ako.", tuloy ko sa sinasabi ko.

Tumingin siya pabalik sakin, "nagulat? Bakit ka naman magugulat? E napunta naman talaga ako dito, di ba?"

Nilagay niya sa dining table yung donuts na dala niya at umupo.

Umupo rin ako sa harap niya, "e ang tagal na kaya nung last na pumunta ka dito."

"Gusto lang kitang dalawin.", ngumiti siya at kumain ng donut,"tsaka kamustahin."

"Hmm. Okay naman ako.", tipid kong sagot

"And?"

"And?"

Nagtaas siya ng dalawang kilay, "Wala ka man lang bang ibabalita sakin?"

Ngumiti ako.

"Ayan yung sinasabi ko!", masaya niyang sigaw at tinuro pa yung ngiti ko, "kung hindi pa kita pupuntahan, hindi mo pa sasabihin sakin?"

"well...", at patuloy akong ngumiti ng malaki, "so ayun na nga yon."

"Anong yun na nga yon?!", excited niyang bira at binato pa ako ng donut, "mag kwento ka nga ng maayos!"

"Oy!", salo ko dun sa donut, "so, ayun na nga, tingin ko, kami na uli..."

...

Den's

Nauna ako dito sa tagpuan namin ng 45 mins. Kanina pa ako nakaupo dito pero hindi man lamang ako makaramdam ng pagkainip.

Siguro dahil sa kaba, sa lito, sa takot.

Sama-sama na.

Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko.

I kept on fidgeting my fingers hanggang sa marinig ko na yung boses niya.

"Hi.", nakangiti niyang tawag sakin.

Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi, "kanina ka pa? Sorry I'm late."

"No... no... I am just early.", hindi mapakaling sagot ko.

Pero siya, parang kalmado lang at nakangiti pa rin.

Umupo na siya doon sa bakanteng upuan sa tapat ko, "so, what are we having?", tanong niya at dinampot ang menu, "gusto kong kumain ng marami kasi ngayon na lang uli tayo nakapag date e."

Pero parang sasabog na yung dibdib ko at kailangan ko na tong masabi sa kanya, "LA.", agaw ko ng pansin niya mula sa menu.

Pero hindi pa man ako nakakatuloy at hindi niya pa man alam ang sasabihin ko ay pinigil niya na 'ko, "pwede bang after na lang natin kumain? Kumain man lang tayo."

Tumingin siya sa waiter at sumenyas.

"I am having salmon", sabi niya sa waiter saka tumingin sakin, "and she's having..."

Tumingin naman ako sa waiter, "water."

Hindi naman kasi ako tumingin sa menu at parang hindi rin naman ako makakakain.

Pero hindi tinanggap ni LA yung order ko, "pesto pasta and two orange juice.", sabi niya sa waiter

"One roasted salmon with horseradish mashed potatoes , one pesto alfredo fettuccine and two orange juice. Anything to add, sir?"

Umiling si LA at umalis na yung waiter.

"Kamusta ang balik-Pinas?", tanong niya at nakangiti pa rin.

"LA."

"After we eat, Den. Pwede ba yun?", pakiusap niya, "Can we act as if everything is okay?"

Naguguluhan man sa inaakto niya, sinagot ko yung tanong niya, "It is nice to see and spend time with my family and with my friends again.", sagot ko sa tanong niya.

I think if this is what he wants, hindi naman siguro mahirap ibigay ito.

To act as if everything is okay.

At least until we finished our breakfast...

"Ikaw? Kamusta?", balik tanong ko sa kanya

"Ako?", tumawa siya na parang bang insulto yung tinanong ko, "hindi ko alam e, masaya naman siguro. Yung makasama uli yung family, yung friends."

And then we were silent.

"Wag ka magmadali.", hindi nakatingin na sabi ni LA nung pagdating ng mga pagkain namin.

At dahil dalawa lang naman kami, alam kong para sakin yun.

But it is inevitable. 

Matatapos at matatapos kami sa pagkain at darating kami sa puntong ito...

Tahimik lang siyang nagpupunas ng bibig habang nakatitig ako sa kanya.

"I'm sorry, LA.", agad na sabi ko.

Ibinaba niya yung table napkin sa mesa at parang inaasahan yung sinabi ko, "Si Alyssa, di ba?"

Andito na ako. Buo na rin ang loob at isip ko, na ito ang gagawin ko at ang gusto ko.

"You've been good to me and you've always been there for me. But, I cannot keep this relationship, knowing I can't be faithful to you. Ayokong saktan ka, pero hindi ko kayang lokohin ka. "

Ngumiti siya. 

Yung malungkot na ngiti.

"Den... I was actually preparing myself before pa tayo umuwi dito sa Pilipinas. Iniisip ko kung tayo pa rin kaya hanggang sa pagbalik sa Boston? Or kung sasama ka pa nga ba sakin pabalik ng Boston when you meet her again?"

Tumulo yung isang luha galing sa mata niya pero agad niya iyong pinunasan.

"Hindi mo lang alam, but I was conditioning myself weeks before pa tayo umuwi, making myself believe that you have already moved on. That for five years, wala na siya sayo."

Huminto siya sa pagsasalita at bumuntong hininga. Kumamot siya sa ulo at umiling-iling, halatang pinipigilan ang anumang emosyon o pagtulo ng luha.

But he failed.

One by one, his tears started to roll down from his eyes, "Siya pa rin talaga. Kahit kelan, hindi ako mananalo sa kanya."

Pilit niyang pinupunasan yung mga luha galing sa mata niya

"Kasi kahit niloko ka niya, kahit pinaiyak ka na niya, siya pa rin e."

Inabot ko yung kamay niya na nasa ibabaw ng mesa, "LA... I will always be grateful for having a friend like you. I don't think I'll survive in Boston kung wala ka doon. You've been my strength."

"Pero hanggang doon na lang talaga ako. Kaibigan."

Wala akong ibang magawang maisagot sa sinabi niya. Napayuko ako at binitawan na yung kamay niya, "I'm sorry."

Tumayo siya at inaya akong tumayo rin.

Inakap niya ako, "Basta pag pinaiyak ka na naman niya, papatulan ko na siya.", marahan siyang humalakhak.

Patuloy niya lang akong niyakap hanggang sa maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin, "iingatan mo lagi sarili mo ha? Wag mong buburahin yung number ko, para pag kailangan mo ko, darating ako.", 

Ilang segundo kaming nanatili sa ganung posisyon saka siya bumitaw.

Marahan siyang ngumiti saka nilahad yung kamay niya sa harap ko, "Friends?"

This time ako naman yung yumakap sa kanya ng mahigpit. 

After the heartaches and unfaithfulness, he still wants me to be his friend!

...

Masama ang loob ko na nagawa kong saktan ang isa sa pinakamabuti at pinakamalapit kong kaibigan.

But at the same time, ang sarap sa pakiramdam na malaya na ko. Na alam kong sa mga gagawin ko, wala akong pinagtataksilan.

At alam ko, ngayon mas kaya ko ng ipakita kung ano ang nararamdaman ko.

Hindi na rin ako babalik pa ng US. 

Andito ang pamilya ko, andito ang mga kaibigan ko at higit sa lahat, andito rin si Ly. Lahat ng kailangan ko, andito silang lahat sa Pilipinas. Kaya tingin ko, wala ng rason para umalis pa ko.

Natapos ko na rin naman ang pag aaral ko ng medicine don tulad ng plano. Marami rin namang hospital dito na maaari kong pasukan.

Kinuha ko yung phone ko to tell Ly of what just happened.

But I decided not to.

I will just surprise her.





(Brace yourself. "Winter is Coming")

Continue Reading

You'll Also Like

150K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
133K 7.1K 83
Despite the distance that separates us, I wish that you take one step in, and I'll take the rest just to be with you.
101K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
201K 5.6K 40
The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. SV Gang is one of the most feared gang th...