Tasio'ng Mangkukulam

By ReincarnatedBlue

17.1K 620 59

Telt... ....Lugar na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lih... More

Prologue
Chapter 1 - Prinsepeng Mangkukulam
Chapter 2 - Sampung Sangkap
Chapter 3 - Simulan ang Paghahanap
Chapter 4 - Briguda
Chapter 5 - The Mangkukulam and the Stalker
Chapter 6 - Hums
Chapter 7 - Tadhana
Chapter 8 - Cellphone O_O!
Chapter 9 - Brosiyus
Chapter 10 - Ang Apat ng Nakaraan
Chapter 11 - Mamamangka
Chapter 12 - Avocar
Chapter 13 - Bats' Killer
Chapter 14 - Tsismosa's Revelation
Chapter 15 - Yrixon
Chapter 16 - Killings
Chapter 17 - Nekoruk
Chapter 18 - Ang Isinumpang Pangalan
Chapter 19 - Friend Ship's Sank
Chapter 20 - Stalker's Karma
Chapter 21 - Lobiosia
Chapter 22 - Tecsh University
Chapter 23 - STL
Chapter 25 - Unang Lusob
Chapter 26 - Tala
Chapter 27 - Ang Siyam na Alay
Chapter 28 - Taksil
Chapter 29 - Digma ng Telt
Chapter 30 - Pangalan ng Kamatayan
Chapter 31 - Telt
Epilogue
R.Blue's Note
Book 2 Announcement: MYTH OF NEKORUK

Chapter 24 - Ang Mahikang Yage

281 9 0
By ReincarnatedBlue


-ROSOLINA's PoV-

"Dumating na s'ya Rosolina. Nakita s'ya ng naggagandahang mga mata ko," pagkatapos sabihin ni Tsismosa 'yon ay yumukod na s'ya at lumabas. May pumasok naman. Nandito na s'ya.

"Kamusta?" bati ko sa kanya. Ngumiti s'ya. Kahit kailan ay makakapagkatiwalaan s'ya. Ang isa sa mga sikretong alagad namin.

"Nagawa ko na," ako naman ang napangiti.

"Ohw, magaling. 'Di magtatagal babalik sila dito. S'ya lang ang paraan para matalo ang nakatakda." hindi s'ya kumibo kaya dinagdagan ko ang aking sinabi. "Napakagaling ng ginawa mo. Napakagaling ng mga ideya mong kulamin ang sakop ng kaharian, magsanhi ng pagtuyo, at lason. Alam ko, maaapektuhan ang pangalan ng anak ko. Si Doluis. Pero konting tiis nalang, mabubuo na si Eruck."

"Ako ang bahala sa kanila. Mamaya, darating si Rahalia. Dala ang isang buong paa ni Eruck na nakuha n'ya sa Greece. Isang napakalayong lugar." napapangiti ako.

"Hahahaha! Hehehe! Hohoho! Napakagaling!" humagikhik naman s'ya.

"Ano nga pala ang balak mo sa Englishera?" tanong ng aming sikretong alagad.

"S'ya ang dilag na iaalay sa muling pagbabalik ni Eruck." sagot ko.

"At ang lobo?" napangiti akong muli.

"Patayin mo."

-JASMINE's PoV-

"Lobiosia... Lobiosia..."

Mag-uumaga na pero hindi namin s'ya makita. Bago kami umalis papunta sa bahay ni Tita Alicia ay tsaka lang namin naalala si Lobiosia. Naaawa na ako kay Tasio. Nanghihina na s'ya.

Halos nilibot na namin ang buong subdivision na ito. Lahat ng kapit bahay ay napagtanungan na namin. Wala, walang Lobiosia.

"Tasio, imposibleng makita pa natin s'ya," saad ni mang Mikey nang muli kaming nagkita-kita dito sa abo naming bahay.

"Hindi, buhay pa s'ya, buhay s'ya," nanghihinang sagot ni Tasio. Pero wala, wala s'yang luha.

"Tasio, baka, baka nasunog na s--"

"BUHAY S'YA MIKEY!" at kasabay ng pagsigaw ni Tasio ay biglang kumidlat pero nalusaw ito bago pa makarating sa lupa.

"Buhay s'ya," malamig n'yang tugon.

Nagliwanag naman ang buong paligid dahil sa pagsikat ng araw.

 Pati ang snow na bumabalot sa buong paligid ay lumiwanag na din.

"Uuwi na 'ko," dagdag pa ni Tasio. Gumalaw naman si Ecia na nakadapo sa balikat ko.

"Tasio--" pero bago pa ako makapag react ay binalot na ng kayumangging usok si Tasio at parang nahati muna s'ya bago nawala.

"Hayaan mo na s'ya anak. Tayo na," tsaka hagod hagod ni mommy ang likod ko habang pasakay ng kotse.

Lumipas ang ilang oras ay natagpuan ko nalang ang sarili ko dito sa eroplano ni tita Alicia. Lumilipad pa din ang utak ko. Nasaan na kaya si Lobiosia? Pati si Tasio?

"Take this," tsaka kinuha ko ang iniaabot ni tita Alicia na chewing gum. "It's for the pressure later." ngumiti nalang ako. 

Nakaupo na kaming lahat dito sa private plane ni tita Alicia na sampung tao lang ang kasya. Maya-maya lang, nasa Telt na naman ako.

-TSISMOSA's PoV-

Napakagandang pagsikat ng araw. Kasing ganda ko! Naglalakad ako sa malamig na snow. Ay aba s'yempre ano, ang ganda kaya! Hihiga ako dito tapos gagawa ng angel angel! Hindi naman malalaman ni Rosolina eh, inggit lang 'yon kasi ang pangit ng kanyang mga mata. Itim, yucks, nakakadirdir ano!

Hihiga na sana ako kaso may nakita akong brown na usok na hugis buhawi. Aba, may nagteleport. Wala kasing ka sense of fashion ang mga species dito eh. Lipat lugal daw, mas maganda ang teleport! Clap clap!

Oh my! Si Tasio pala 'to! At, kitang-kita ng dalawang magagandang mga mata ko na naka modern attire s'ya! Agad naman akong nag shape-shift sa isang white na paniki.

Dumapa naman ako sa snow para 'di ako makita. S'yempre this is what we call comuflague! Ang ganda ko!

Kitang-kita naman ng dalawang naggagandahang mga precious twinkling reddish eye ko na maraming mga crack sa buong katawan ni Tasio. Kitang-kita ang fresh flesh n'ya at ang umaagos ditong dugo! Yum! Yum! Hinang-hina s'yang tumakbo.

Aba, malapit lang pala ako sa talon ng tatlong kambal huh na 'di na umaagos kasi nga ice na ang tubig nito. Lahat ng halaman ay puti na rin.

Gumapang naman ako na akala mo eh lumalangoy sa snow. Wahuhu! Ang hirap. Baka kasi makita n'ya ko kapag lumipad ako eh. Ang lakas kaya n'ya. Nahihirapan pa nga ako sa huling laban namin. Nakaalala pa si Eduardo.

 Don't worry, nabago na naman ni ugly Doluis ang laman ng utak n'ya. Pagkarating namin sa talon ay nagteleport na naman s'ya at nandun na s'ya sa kuweba sa taas ng bangin.

Ayoko na gumapang! Mamamatay na 'ko. Bumalik ako sa anyong tao. Punit na ang damit ko. Kayo kaya ang gumapang, kayo kaya!

Pumikit na ako. Concentrate, at naramdaman kong may pwersang humila sa 'kin. At pagdilat ko, tada! Sinasakal na 'ko ni Tasio.

Ha?

Wait? Uwaah! Sinasakal nga n'ya ako!

"Nasaan si Lobiosia?" tanong n'ya habang tinitignan ng malamig ang magagandang mga mata ko.

"Nasaan s'ya?" ulit n'ya. Tinuro ko naman ang likod n'ya.

"Ayon oh!" lumingon naman s'ya. Yey! It's my chance! Tinulak ko s'ya at nagteleport pabalik sa kuweba ng bungo. Muntik na 'ko!

-BINIDA's PoV-

Ang lamig. Nakaupo ako dito sa hagdan ng bahay at tinitignan ang paligid. Wala, wala ni isang kulay berde.

"Magandang araw Iya'y!" bati ni Unie. Kapit bahay namin.

"Magandang araw din Binibining Unie!" ngumiti s'ya at nagpatuloy sa paglalakad.

Napadaan lang s'ya. Kamusta kaya ang apo 'ko?

"Iya'y!" bati naman ni Hepta. Ngumiti lang ako at nagpatuloy din s'ya sa paglalakad. Sa malayo naman ay may nakita akong tumubo na Olivia at lumabas doon ang isang pamilyang may anim na miyembro. 

Siguro'y galing sila sa kaharian upang mag-agahan. Wala talagang makakain sa paligid. Lahat kami ay nanibago sa pagbago ng panahon.

"Binida! Binida!" patakbong sigaw ni Tonyo.

"Bakit?"

"May nakita ako! Binida naman--" sabi n'ya bigla ng may lumipad na kutsilyo sa gawi n'ya kaya napilitan s'yang yumuko.

"Pasensya," saad ko. Kanina kasi nasa harap s'ya ng bakod ng bahay tapos biglang nasa likod ko na s'ya. Sinong hindi magugulat?

Naitago na rin namin ng mabuti ang kamay ni Eruck.

"May nakita akong eroplano! Sina Jasmine marahil iyon!"

"Saan?" sabik kong sagot kay Tonyo.

"Nandun sila sa bahay nina Glaresha at Brosiyus," agad ko s'yang hinila at isang pwersa ang humila sa amin.

Umikot ang buong paligid at ng muling kumalma ang lahat ay isang tunog ang aming narinig. Tila galit na mga kulog.

"Hayun Binida!" at sinundan ko ng titig ang itinuro ni Tonyo. Muli, makalipas ang labingsiyam na taon ay nakakita ako ng eroplano.

Pababa ng pababa lang ito hanggang sa dumaan ito ilang dipa mula sa ulo namin.

Garalgal ang pagkakapatong nito sa nag ne-nyebeng lupa na dinadagdagan naman ng mga mumunting puting bolang nyebe na nagmumula sa langit na ginagawang puti ng lupaing ito.

Muli ay hinila ko si Tonyo at matapos ang pag-ikot ay nasa tapat na kami ng kakadapo palang na eroplano.

"Lola! Waah! Lola!" at nakita ko ang isang dilag na kumakaway mula sa kakabukas palang na pinto ng eroplano. Bigla akong binalot ng ligaya.

"Jasmine apo!" at patakbong pumunta sa amin si Jasmine. Niyakap n'ya muna si Tonyo tapos ay ako.

"Miss you la!" bigkas n'ya ng makakalas na kami sa yakap. Pero nagulat ako nang makita ang nakadapo sa ulo n'ya.

"Nekoruk?" nag-aalinlangan kong tanong. Tumango naman si Jasmine. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Papano apo?" lumipad naman ang nekoruk papunta sa 'kin. Ang, ang ganda!

"Ako din Binida! Ako din! Pahawak din!" at inagaw sa 'kin ni Tonyo ang nekoruk na mahinhing tumatawa sa tinig ibon. Tinignan ko s'ya ng masama pero bigla 'yong nawala ng makita ko ang dalawang nilalang na bumaba sa eroplano.

"Anak?" at 'di na 'ko naghintay pa kaya lumipat lugal na 'ko sa harap n'ya. Naiiyak ko s'yang niyakap. Labimdalawang taon kong hindi sila nakita. Hindi 'ko alam ang pakiramdam ko. Pinaghalong kasiyahan at kaba pero naiiyak ako. Ang anak ko.

"Nay! I missed you!" at kumalas na kami.

"Ako din anak," at bumeso naman sa 'kin si Lampedrik na sinisiko ng anak ko.

"Hon naman eh," at hinila ko sila kasabay ng paglipat lugal papunta sa pwesto nina Tonyo.

"Nay!" maktol ng anak ko kaya napatawa ako.

"Nakakahilo, nakalimutan ko ng gawin 'yon," ani Lampedrik na binatukan ng anak ko.

"Tanga, hindi ka marunong lumipat lugal no. Ang pagkakaalala ko palagi kang may dala na isang sako ng Olivia." nanahimik nalang si Lampedrik.

May bumaba ulit sa eroplano. Parang pamilyar ang mukha n'ya. Parang nakita ko na s'ya dati.

"Si Mikey ba 'yan?" tanong ni Tonyo tsaka parang may sumindot naman sa utak ko.

"Si Mikey nga Tonyo!" sagot ko sa kanya. "Mikey!" tawag ko. Napalingon naman s'ya sa amin.

"Binida? Dol?" tumango kami ni Tonyo tsaka ngumiti. Agad s'yang lumapit sa 'min. Bumeso sa 'kin at tinapik naman n'ya ang balikat ni Tonyo.

"Madami akong ikekwento," dagdag ni Mikey.

"Malegaya ang panahon sa lahat ng naroroon, bawat poso'y tomotogon sa nelalayon!" rinig 'kong awit ng isang babae. Si Linda ba 'to? Tama s'ya nga! 

S'ya lang ang may ganyang pagbibigkas. Nakalimutan ko na s'ya pero ang pagkakaalam ko, limang taon si Jasmine ng maging yaya n'ya ito. Pero parang hindi n'ya lang kami nakita.

"Uwaah! Alicia? Coming here awtsayd! Luk at dis! Waah! Alicia!" may pumatak naman sa mga ilong namin dahil sa sinabi ni Linda, teka dugo 'to ah.

"Why?" sagot ng isang babae na kamukha ni Johny.

"Tegnan mo, baket kapatagan ng esnuw ang nandeto? Tegnan mo oh! Parang desyerto ng esnuw!" parang nagtataka din ang babaeng tinatawag na Alicia.

"Where did they go?" tanong nito.

"Nandito po kami Yaya! Tita Alicia!" sigaw ni Jasmine pero hindi sila narinig nito. Bumaba na sila sa eroplano.

"Jasmine? Ang pagkakaalam ko deto lang sela bumaba eh," tsaka nagkamot ng ulo si Linda. Lumapit sa kanila si Jasmine tsaka n'ya sana sisindutin ang mga ito pero tumagos lang s'ya.

"Bakit po ganito? Patay na po ba ako?" tanong nito sa amin habang sinusundot ang dalawa.

"Jasmine? Yoo-hoo? Nasaan kayo?" si Linda parin na walang tigil sa pagsigaw.

"Yage," bigkas ko.

"Yage?" tanong ni Jasmine. Sa aming lahat s'ya nalang pala ang 'di ito alam.

"Halika nga muna rito apo," lumapit naman s'ya.

"Ma'am, ser, yohoo! Magpaketa naman kayo oh!"

"Ang Yage ay ang epekto ng Aziax na harang ng Telt, ito ay mahika na si Telt mismo ang gumawa na kahit si Eruck ay 'di kayang baliktarin. Kapag ikaw ay hindi parte ng Telt ay hindi mo makikita ang lugar na ito dahil sa Yage. Ang makikita mo lang ay walang hanggang kapatagan o kabundukan na kapag nilakad mo'y dadalhin ka papalayo sa Telt."

"Alicia, helpeng me paynd ser, ma'am them."

Napatingin muna si Jasmine sa dalawang naghahanap.

"Pero, bakit si Myrna at Johny--Bakit hindi sila apektado?" tanong ni Jasmine. Nag-uusap naman sina Tonyo, ang anak ko at si Lampedrick. Lumapit naman sa akin si Mikey.

"Mauuna na ako," bigkas ni Mikey. Marahan akong tumango. May nilagay s'ya na Olivia sa lupa tsaka sinabing 'Etch'. Lumago ang Olivia at pumasok na dito si Mikey. Maya-maya ay lumiit na ang Olivia at nawala.

Ano na nga ang pinag-uusapan namin ni Jasmine? Ahh tama!

"Kaya hindi apektado sina Myrna at Jasmine kasi nasa dugo nila ang dugo ni Lino Tecsh." kumunot ang noo ng apo ko.

"Pero bakit si Auntie Alicia?"

"Kasi apo, wala s'yang dugo ng mga Tecsh. Oo ang asawa n'ya ay Tecsh pero si Alicia ay walang dugo ng isang Tecsh, wala kahit isang patak." medyo may paulit-ulit kong paliwanag at mukhang nakuha ito ng apo ko.

"Oo tiyo Tonyo pero nasunog ang bahay namin. Aray hon!" rinig kong saad ni Lampedrik.

Naupo naman si Linda at kumain ng nyebe habang si Alicia ay umupo sa hagdan ng eroplano.

"It's better to stay here Linda, I'm sure they'll be back."

"Ano po ang dapat nating gawin la?" tanong ni Jasmine.

"Kailangang mapatakan ng dugo nila ang Telt," sagot ko.

"Po?" pero 'di ko na s'ya pinansin. Umilaw ang kamay ko ng hugis kutsilyo na liwanag. Unti-unti ay nagiging tunay itong kutsilyo.

"Waah, dapat nagdala ako ng asokal eh, walang lasa ang esnuw." saad ni Linda habang dinudura ang huling subo n'ya ng nyebe. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay n'ya. Tumagos lang ako.

"Don't eat it Linda, it might be poisonous!"

"Nakalimutan kong hindi pala sila mahahawakan ng mga hindi nila nakikita." saad ko habang kamot ang batok ko.

"Ano'ng gagawin natin la?"

"Kailangan natin silang dalhin sa labas ng Aziax para makita nila uli tayo, dun natin sila susugatan."

-TASIO's PoV-

"Tasio..." rinig kong bulong mula sa labas ng kweba. Nahihilo ako. Nakakainis, ngayon lang ako nanghina ng ganito. Kumikirot pa rin ang mga sugat na natamo ko. Lumalalim ito sa tuwing kikilos ako. Hindi ko alam na ganito pala ka lala ang lumipat lugal ng limampu't tatlong beses. Mula sa mundo ni Arkidia hanggang dito. Nais kong ibuhos ang galit 'ko. Buwiset. Bakit ako biglang nanghina? At nasaan na si Lobiosia?

"Tasio..." rinig ko ulit ang bulong.

"Pak, mga paniki." agad silang lumapit sa 'kin. Dumapo sila sa buong katawan ko at inilalayan akong bumangon mula sa pagkakahiga at maingat nila akong itinayo pero 'di parin sila umaalis. 'Di ako makakilos.

 Parang naparalisa ang buo kong katawan. Tinignan ko ang batong takip ng kweba at marahan itong gumulong upang ipakita ang bungad ng kuweba. Pero napadaing ako dahil sa paglalalim ng mga sugat ko sa buo kong katawan. 

Sugat na parang tinaga at tila parang labi ang mga karne kong nabiyak. Marahang lumipad ang daan-daan kong mga paniki palabas ng kweba habang buhat ako. Mula sa ilalim ng bangin na kinalalagyan ng aming kweba ay may nakita akong itim na nilalang na nakahiga sa nagye-yelong tubig ng talon ng tatlong kambal. 

Marahan akong inilipad ng mga paniki papunta sa ilalim ng bangin. Habang papalapit kami ay mas nakikita at mas nakikilala ko ang nilalang na tumatawag sa aking pangalan. Parang nawala ang kirot ng mga sugat sa katawan ko dahil sa biglang kasiyahan. Mabuti at ligtas siya.

"Lobiosia," bulong ko.

-ROSOLINA's PoV-

"Malapit na Rosolina," at yumukod ako sa kanya.

Halos buo na si Eruck. Kumpleto na ang katawan n'ya. Ang tanging kulang nalang ay buto ng isang kamay at buto ng isang daliri.

"Ihanda mo na ang alay natin. Ang dilag na Tecsh. Kapag nabuo ako, tuluyan ko ng wawasakin ang Telt. Makikita ng ama ko kung papano yumukod sa akin ang lahi ng kanyang paboritong anak at kung papano ko sila papatayin isa-isa."

"Masusunod aking Eruck. Ihahanda ko ang Englishera."

"At Rosolina, ipatawag mo ang asawa mo at mga bampira pati ang mga alagad mo. Mamayang gabi, susugod tayo sa lumulutang na palasyo. Babawiin ko ang aking mga bahagi."

"Papano kung sinunog nila ang mga katawan mo?"

"Tanga ka Rosolina. Huwag mong mamaliitin ang mahika ko." nanginginig ako sa takot na mas yumukod.

"Pa-paumanhin po Eruck." nanginginig kong saad pero hindi n'ya 'ko pinansin.

"Mamayang gabi, didiligan ko ng dugo ang lupaing ito." at tsaka s'ya tumawa.

Sa wakas, dumating na ang oras na aking hinihintay.

Simulan na...

Ang kasiyahan!

Hahaha! Hehehe! Hohoho!

Continue Reading

You'll Also Like

261 10 9
Mga kuwentong hindi mo nanaising makita maging sa panaginip. Mga istoryang hindi ka patatahimikin hanggang kamatayan. Kakayanin mo ba?
228K 5.4K 27
Masarap magbakasyon sa malayong lugar.. Sa lugar kung saan makakapag-relax ka.. Kung saan malayo ka sa polusyon at sariwang hangin ang iyong malalang...
956 11 14
May mga bagay talaga na di mo inaasahan,yung hindi mo aakalaing mangyayari din pala sayo.Unexpected ika nga nila eh. Dati,nababasa mo lang,napapanood...
Wattpad App - Unlock exclusive features