Your Place Or Mine? BOOK VERS...

By turning_japanese

19.4M 162K 25.6K

One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind rom... More

Description
Intro
Chapter 1: What the hell?!
Chapter 3: I wish....
Chapter 4: The tigress
Chapter 5: Vince
Chapter 6: We meet again Part 1
Chapter 7: We meet again Part 2
Chapter 8: Z3
Chapter 9: Halter Top
Chapter 10: The Crime?
Chapter 11: Moving on...
Chapter 12: I'm back!
Chapter 13: The witch
Chapter 14: Talk$hit
Chapter 15: Jessica
Chapter 16: Ouch!
Chapter 17: The Party
Chapter 18: My fiancee
Chapter 19: His Fiancee
Chapter 20: Confused
Chapter 21: The As$hole
Chapter 22: Confrontation
Chapter 23: The Engagement
Chapter 24: Unexpected
Chapter 25: The Annual Dance
Chapter 26: Not Again...
Chapter 27: Finally...
Chapter 28: The Groom
Chapter 29: Ralph
Chapter 30: Hopeless?
Chapter 31: The Wedding (Part 1)
Chapter 32: The Wedding (Part 2)
Chapter 33: Cebu (Part 1)
Chapter 34: Cebu (Part 2)
PC: The Suite
Chapter 35: The Check-up
Deleted?
Chapter 36: He loves me...he loves me not?
Chapter 37: The Blushing Bride
Chapter 38: Ohemgi!
Chapter 39: Friends?....
Chapter 40: A glimpse of his past...
Chapter 41: Untitled
Chapter 42: Conflicts
Chapter 43: Confessions
Chapter 44: Questions and Answers
Chapter 45: All About Trust
Chapter 46: Sem Break
Chapter 47: Seth
Chapter 48: House Blessing
Chapter 49: FB
Chapter 50: Two beats in one heart?
Chapter 51: The bracelet
Chapter 52: Secrets
Chapter 53: Christmas (Part I)
Chapter 54: Christmas (Part 2)
Chapter 55: The Other Woman
Chapter 56: Auld Lang Syne
Chapter 57: Only You
Chapter 58: Valentine
Chapter 59: Kirsten
Chapter 60: When All Else Fails....
Chapter 61: Breathe Again
Chapter 62: Reese Is Home
Chapter 63: The Truth
Chapter 64: After All
EPILOGUE
Answers
Private Chapter: "Birthday Gift"
Private Chapter: "The Suite"
"Birthday Gift"

Chapter 2: The Girl from the bar

553K 4K 129
By turning_japanese

Chapter 2

"Huh?"

Pagbalik niya sa kwarto wala na ang babae. Sabi niya mag uusap sila tapos bigla itong mawawala. Tinakasan siya nito.

"Bahala siya." bulong ni Russell sa sarili. 

Naisip niya na ibang klase na ang mga babae ngayon. Gaya nitong isang ito, na pagkatapos pakinabangan ang katawan niya ay aalis na lang ng walang paalam. Kasasabi lang na mag uusap sila umalis pa rin. Napailing na lang ito.

Tumingin siya sa relo niya. Malelate na siya. So he grabbed his stuff. He was about to leave when he caught a glimpse of something on top of the dresser. It’s a keyholder. He knows it  belongs to her. Ito ang susi ng kotse ng babae na ginamit nila kagabi.

Pinagmasdan niya ito. Ngayon lang niya napansin my letter "H" na silver pendant at isang heart. Half heart actually. Na para buo ito at hinati sa gitna.

Natigilan siya. Wala pala siyang kotse na gagamitin. Iniwan niya ito kagabi sa bar. Kaibigan niya kasi ang may ari nun kaya pwede siyang mag iwan ng kotse overnight. Especially pag lasing na siya at hindi na niya kayang magdrive. Anong gagamitin niya ngayon? An idea came to his mind. He will use her car.  He hurriedly left his place and made his way to the parking lot.

Ilang minuto ang nakalipas ay nasa main road na siya papunta sa university.  Napangiti siya. Ba't hindi niya naisip yun. She might have escaped today, pero babalik ito. Ang babae mismo ang lalapit sa kanya sa nasa kanya ang kotse nito. At ito ang dahilan kung ba't hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya.

He looked at the pile of vehicles in front of him. Traffic. Late na naman siya panigurado. He is starting to get pissed. Kaya siya kumuha ng 11am schedule sa lahat ng subjects niya para hindi siya nalelate. He has problem getting up early.

Pero pag naalala niya ang nangyari kagabi, nawawala ang inis niya. Di niya maiwasang mapangiti. At alam niya sa sarili niya na hindi niya pwedeng sisihin ang traffic. Siya ang may kasalanan kung bakit late siya nagising. Puyat siya at pagod.

Pero wala siyang pinagsisihan. Tsaka isa pa bihira naman siyang malate. Kung malate man siya ngayon, it was all worth it.

Sumagi sa isip niya ang expression ng mukha ng babae kanina. Alam niya na galit ito sa kanya. Pero hindi maikakaila ng babae na ginusto rin niya ang nangyari. In fact muntik ulit nilang gawin kaninang umaga ang nangyari kagabi. And he's more than willing to do it again. He’ll never get tired of doing it if he has the chance.

Kahit alam niyang galit sa kanya ang babae wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Kung meron man siyang regrets, iyon ay hindi man lang niya natanong ang pangalan nito. He felt a sudden urge that he needs to see her again.
 

But how? He has her car and he knows one of these days she'll find him. But when?  And he can no longer wait. Wala siyang kahit na anong clue kung sino ang babae. At ayaw niya ng pakiramdam na ganun. Na may gusto siyang gawin pero hindi niya magawa.

 
He searched the car hoping to see something that might help him. Pero malinis ang kotse. Binuksan niya ang mini compartment. Walang laman ito bukod sa rehistro ng sasakyan na nakapangalan sa isang Harold James Saavedra. Nakatira sa Blue Lagoon Subdivision, Makati City. Small World. He lives nearby.

 
Who owns the car? Harold James Saavedra must be her brother.  Or father maybe. Her boyfriend?  Pwede ring hiniram niya sa kaibigan. O hindi kaya sa asawa niya, pero imposible. He's sure of that na wala siyang asawa. And he has proof. The blood-stained sheets.

He stopped searching when the traffic lights turned green. Ilang kanto na lang malapit na siya sa university. Gusto niyang batukan ang sarili. What’s happening to him?  As if he’s a teen stalker.  Kung kelan graduating na siya sa college tsaka siya nagkakaganito. Pakiramdam niya bumalik ulit siya sa high schhol. Gaya nung una siyang magkaroon ng crush. Hindi siya nagkaroon ng ganito katinding atraksyon sa babae.

Natigilan siya. Atraksyon. Hindi niya ito maamin sa sarili niya. Interes siguro, oo. Interesado siya sa babae. Pero normal naman sa kanya ang magkaroon ng ganito katinding interes sa babae. Minsan nga mga babae pa ang lumalapit sa kanya. Siya si Clay Russell Sandoval. Anak siya ng isang businessman. Kilala sila bilang may ari ng isang sikat na chain ng hotels sa bansa. Ang "Crimson Hotels".

Isa rin siyang star player ng soccer sa university na pinapasukan niya. He’s over six feet tall.  This stud  is strikingly handsome.  And when hits the hallway, girls are really all eyes on him. His crew cut hair must have grown and some strand hung loose on his forehead. The perfect color of his fair skin matches his gray eyes. And these eyes with thick lashes girls couldn’t help but stare as if they are in some trance.  Maraming babae ang nagkakandarapa para mapansin niya.

Pero iba ang lakas ng dating nang babaeng ito sa kanya. Kaninang naliligo siya ito pa rin ang laman ng isip niya. Pag alis niya ng condo siya pa rin ang iniisip nito. Nakarating na nga siya't lahat sa school ang babae pa rin ang iniisip niya.

Alam niya makakalimutan niya rin ito pag nagsimula na ang klase at magiging busy na siya. Pinarada niya ang kotse. There is a reserved parking space for students separate to the faculty staff. At nagmamadali nitong tinungo ang 3rd floor para sa first subject niya.

 
He was late but lucky. Wala pa ang professor nila. Tumabi siya kay Micah, his bestfriend since high school. They decided to enroll in same school in college but took different courses. Chemical Engineering ang course ni Micah. And he chose Computer Engineering. At may ilang subjects na magkaklase sila. Gaya ng unang subject na ito.

 
"Pag sinuswerte ka nga naman." bungad ni Micah.

 
Hindi niya pinansin ang maagang pang aasar nito. " Late kasi ako nagising." sabi na lang niya.

 
"Tsk tsk…what's new? Pag maaga kang dumating dun ako magtataka." pang aasar pa niya

 
Sasagot pa sana siya nang dumating ang professor nila. At nagsimula agad ang klase. Wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng professor. Pumikit siya. Tinatamad siyang magsulat. Wala nga siyang maintindihan ano pa ang isusulat niya. Tsaka andyan naman si Micah. Dito siya lagi nanghihiram ng notes.

"Kain muna tayo di pa ko nagbreakfast." sabi ni Micah. Sa wakas natapos din. At binabalak niyang matulog sa kotse mamayang free time nila after lunch. Hindi siya nakatulog nang maayos. Wala siyang ginawa kanina kundi pagmasdan ang maamong mukha ng babae habang tulog ito. He lightly shook his head. Sumagi na naman sa isip niya ang babae.

" Uy! Tulala ka dyan." sabay pingot sa kanya.

Napahawak siya sa tenga na piningot ni Micah.Gusto niyang gumanti kaya lang wala siya sa mood. Pag nasasaktan siya sa pangungurot ni Micah, gumaganti siya. Kinukurot niya rin ito sa pisngi. Pero hindi rin titigil sa Micah pag nasaktan ito. Kaya pinigilan niya ang sarili na hwag nang gumanti pa.
 
" Halika ka na. Ako din di pa kumakain." Hinila niya palabas ng classroom si Micah.

Dapat sana kasabay niya ang babae for breakfast, kaso umalis ito. Gusto niyang sampalin ang sarili. Parang gusto niya ulit magpapingot kay Micah. Para magising ang diwa niya. Ang babae na naman na yun ang naiisip niya. Napahinto siya sa paglalakad.

Naiwan na pala siya nito sa corridor na nakatunganga. Nagmamadali siyang sumunod kay Micah. Mangilan ngilan ang tao sa canteen kasi maaga pa. Bacon Sandwich at juice lang inorder ni Russell. Gutom siya pero ayaw niyang kumain ng heavy meal.

 
"Yan lang ang kakainin mo? Akala ko ba gutom ka?" sabi ni Micah na nagsimula nang kumain.

 
Inirapan niya ito." Ang sabi ko hindi pa ako kumakain. Hindi ko sinabing gutom ako. Kumain ka na lang." Sabay kagat sa sandwich.

Nangangalahati na ang sandwich niya nang magsalita ulit si Micah.

 
"Uy kanina ka pa wala sa mood." Hindi pa siya nakuntento. Siniko pa niya ito.

" Ang dami mong napapansin. Kulang lang ako sa tulog." sagot ni Russell.

 Hinawakan nito ang parte ng tagiliran niya na siniko ni Micah. Palibahasa puro buto kaya masakit maniko.

"Ikaw ha, ano ginawa mo kagabi at kulang ka sa tulog?" asar nito sabay tawa.

Kilalang kilala siya nito. At alam ni Russell kung ano na naman ang iniisip niya. At tama siya.

"Ikaw talaga, yung utak mo kahit kelan....." pero walang balak si Russell na sabihin ito kay Micah.

" Na ano? Anong problema sa utak ko? Uy Russell Sandoval kilalang kilala kita. Alam kong  may milagro ka na namang ginawa kagabi no, ano? Umamin ka! " nanlalaki na naman ang mata ni Micah at nakaturo kay Russell ang tinidor na hawak nito.

Natatawa si Russell sa hitsura ni Micah pero hindi niya ito pinansin. Dahil tama si Micah. Pero ano na nga ba ang nangyari kagabi?

 
"Bitiwan mo ako! Ano ba!" sigaw ng isang babae na nakaupo malapit sa counter. Pilit siyang hinahatak ng isang lalaki papunta sa dance floor. Mukhang marami na itong nainom. Di na siya makatayo ng deretso.

 
Napansin na ito ni Russell kanina pagpasok niya sa bar. Agaw pansin kasi ang suot niya. Bare yung buong likod niya. At dahil maiksi pa ang buhok ng babae kaya para talaga siyang walang pang itaas kung di mo mapapansin na may manipis na tela na nakabuhol sa leeg niya. Ang iksi pa ng suot.

Kitang kita talaga siya lalo na pag tinatamaan ng ilaw ang maputi at napakakinis niyang balat.Hindi naman ito mukhang GRO. Hindi naman siya ganun kumilos. Mukha siyang disente kahit na ganun ang suot niya. 

Tulala ang babae habang umiinom. Para nga siyang umiiyak. Kasi panay ang pahid nito sa pisngi niya. Umiwas ng tingin si Russell. Ito ang weakness niya. Ayaw niyang makakakita ng babaeng umiiyak. Uubusin na lang niya ang niniinom niya at aalis na siya. Hindi na niya ulit tinapunan ng tingin ang babae. Baka hindi niya mapigilan ang sarili na lapitan ito.
 
" Bastos!"

Napalingon si Russell sa side kung saan niya narinig ang nagsalita. Kitang kita niya kung paano sampalin nung babae ang lalaki.

"Wag ka nang magpakipot. Kung alam ko lang naghahanap ka lang ng makakasama ngayong gabi" nakangising sabi nito. Pilit pa ring hinahatak ng lalaki ang babae. Hindi malaman ni Russell kung palabas ba ng bar o papunta sa dance floor.

At parang alam ko na ang susunod na mangyayari. Akmang yayakapin siya ng lalaki ng lumapit si Russell.

"Let her go." madiin ang pagkakabigkas niya nito. Sa tanang buhay niya hindi pa siya napaaway. Lalo na dahil lang sa isang babae. Nagyon pa lang kung sakali. At sa hindi pa niya ito  kilala.

Napatingin sila pareho kay Russell. Nagulat sila pareho. Pero lalo na yung babae. Nagtataka ito at nakakatitig kay Russell. Nagkatitigan silang dalawa. He can't take his eyes off her. Lalo na sa mga mata niya. Ngayon lang siya nakakita ng ganung mga mata. Bright and almond shaped.

"Sino ka ba? Wag ka ngang makialam!" unang nakabawi sa pagkabigla ang lalaki.

"She's my girlfriend..."

Napatingin sa kanya yung lalaki. At lumipat ang tingin niya sa babae.

Nanlaki lalo ang mga mata nung babae. " Anong boyfriend? Hindi nga kita kilala!" singhal nito kay Russell.

Gusto siyang sigawan ni Russell. She just couldn't sense danger. At the same time she just couldn't smell safety.

 
" At ikaw bitiwan mo nga ako!" sabay tulak sa lalaki.

Pero walang pwersa ito. Patunay na lasing na lasing na ang babae.  Si Russell naman ang hinarap ng lalaki.

"Pakialamero ka! Hindi ka naman pala boyfriend! Luma na ang style mo boy! Akala mo maiisahan mo ako".

 
This time hinatak ni Russell na palapit sa kanya ang babae. Binulungan niya ito.

"Ang slow mo naman. Sumakay ka na lang para di ka na kulitin. Walk with me out of this bar, now."

 
At bago pa makapag react ang babae hinila ito ni Russell palabas ng bar. Tinalikuran nila ang lalaki habang sumisigaw ito. Saktong nagpalit ng malakas na music ang DJ kaya hindi na nila naintindihan ang sinabi nito sa lakas ng tugtog. Nagpapasalamat si Russell at hindi naman na ito humabol pa.

 
"Bitiwan mo na nga ako! Nasa labas na tayo pwede ba?!" angil ng babae kay Russell.

 
"Ikaw na nga tong nilayo dun sa lalaking yun ikaw pa tong galit! Ayos ka ah!" hindi na maitago ni Russell ang inis. 

"Sinabi ko bang tulungan mo ako!? " pagkasabi niya nito tinalikuran niya si Russell.

Nainis si Russell. Hindi man lang nagpasalamat ang babae. Sinungitan pa siya. 

"Bahala ka nga sa buhay mo." tinalikuran na rin niya ang babae at tinungo ang kotse.

Pero balak pang magmaneho ang babae hindi palihim niyang sinulyapan  ang babae habang papalapit ito sa isang kotse na nakapark. Hindi na nga makapaglakad ng maayos pero mukhang may balak pang magdrive. Napailing na lang siya.

"Bahala siya sa buhay niya. Di man lang marunong mag thank you." bulong niya sa sarili.

Nawala ang awa niya dito nung makita niya itong umiiyak kanina. Ang nakikita niya ngayon isang iresponsableng babae. Parang wala ito sa tamang pag iisip. Tama bang pumunta sa bar mag isa ng ganun ang suot at magpapakalasing.

 
Nagvibrate ang phone niya. Nawala ang atensyon niya sa babae. Sino ang tatawag sa kanya ng ganitong oras. Tiningnan niya ang screen ng phone. Si Kevin, kasama niya sa soccer team.

"Hey, zup!"

"Asan ka?" tanong nito.

Maingay ang kabilang linya. Mukhang nasa bar din si Kevin.

"Andito ako sa  Drunken Bear pare." Sagot ni Russell at napatingin ulit si Russell sa side nung babae.

"Sino kasama mo?" tanong ni Kevin.

 
"Wala. Nagpapaantok lang. Maya maya uwi na rin ako." sagot ni Russell.

 
"Owwws! Hahaha ikaw pa! " nang asar na sagot ni Kevin.

Tila hindi ito naniniwala. It’s unusual for him to go to a bar alone. Napatingin tuloy ulit siya sa kotse ng babae. Hindi pa rin siya umaalis. Tinted kasi kaya hindi niya makita ang nasa loob.

"Uy ano na? Di ka makasagot noh! Hahahaha!" nawala saglit sa sarili si Russell kasi nakatingin siya sa kotse nung babae.

 
"Baliw! Bakit ka nga pala napatawag?" iniba nito ang usapan.

 " Andito kasi kami kina Ashley. Birthday ng kuya niya. Baka gusto mong dumaan."

Girlfriend ni Kevin si Ashley. Kaya pala maingay din ang background. Mukhang nagkakasayahan sila.

" Hindi ko sure eh. Try ko." Tinatamad na rin siyang umalis at gusto na niyang umuwi. Nakailang shot na  rin kasi siya. Pero kaya pa naman niyang mag drive.

 
"Eh kung sabihin ko sa'yong andito si Vanessa. At kanina ka pa niya hinahanap." pangungulit niya.

Si Vanessa. Nagdalawang isip ito.

"Sige dadaan ako." sasaglit lang siya. Mahirap na baka magtampo ito lagot na naman siya. They are constantly dating but nothing serious. Nilinaw sa kanya ni Russell na hindi pa siya ready for commitment. At pumayag naman and babae. Natatawa si Russell pag naiisip niya ito. Iba talaga pag liberated ang babae. Madaling kausap. Pwede ka ng makipag bargain in terms of commitment.

Tsaka sa simula pa lang si Vanessa na ang nagpakita ng motibo. Sino ba naman si Russell para tumanggi sa isang tulad ni Vanessa Montero. Napakasexy niya at maganda pa. Isa itong cheerleader. Graduating na rin. Psychology major. At matatanggihan ba niyan ang isang kagaya nito na sobrang aggressive.
 

"Yun oh! hahaha! Cge antayin ka namin pre! "

Binaba na niya agad ang phone.
 

Pasakay na siya sa kotse nang maalala niya ang babae. Mukhang walang balak umalis ito. Nag alala siya na baka may masamang nangyari dito bakit hindi pa siya umaalis. Nagmamadaling lumapit si Russell sa kotse ng babae at kinatok ang window.

Pero walang sagot, hindi man lang bumukas yung pinto o ang window.  Kinatok niya ulit and window. Mas malakas. Wala pa rin. He tried to open the door. Bukas ito. Napailing ulit si Russell. Hindi man lang naglock ng pinto. Kaya binuksan na niya ang pinto ng kotse.

 
Tulog lang pala ang babae. Nagdalawang isip siya kung iiwan niya ito sa ganung ayos. Tinapik niya ito sa braso. Tulog talaga siya. Tinapik niya naman sa noo. Mukhang himbing na himbing ang babae. Tinapik niya ulit sa braso. Ganun pa rin wala pa rin siyang response. Hinawakan niya ito balikat at niyugyog ng konti.

 
"Hmmmm" sagot nito at himbing talaga siya.

 
Nagdadalawang isip siya kung iiwan niya ito at ilock na lang ang pinto at hayaan itong magpalipas ng orassa parking lot. Pero baka masuffocate siya gaya nung ibang mga natutulog sa loob ng kotse. Naalala niya ang isang balita na may namatay sa ganun. Hindi niya matandaan pero ang naalala niya parents ito ng isang singer. Kinilabutan siya sa posibleng mangyari sa babae. At hindi niya hahayaang mangyari ito dito. Konsensiya niya yun pag may masamang mangyari dito at wala siyang ginawa.

 
Ginising niya ulit ito. Pero wala talaga tulog na tulog na ito. Marami siguro siyang nainom.
Tumingin si Russell sa relo niya. Past 1am. Kailangan na niyang umuwi. And he came up with a plan.
 

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
30.1M 465K 54
│PUBLISHED│ Tigers #5 Luke Palermo
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
24.5M 250K 99
UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.